Truyen3h.Co

King Hyron's Beloved

Kabanata 13

CussMeNot

Kabanata 13

Back to zero ako. Para akong bagong graduate na estudyante na naghahanap ng papasukan na trabaho sa bawat sulok ng Maynila. Haggard na haggard na ang itsura ko pero wala na akong pakialam doon basta ang priority ko ay ang makahanap ng work.

"Kuya Guard, Good morning po. May vacant po bang trabaho sa ospital?" tanong ko sa guard ng isang medical Hospital.

"Ah, oo meron pero janitor at engineer ang kailangan ng HR." sagot ng guard sa akin.

"Nurse po?" Pagbabakasakaling tanong ko.

Marahan siyang umiling sa akin kaya nanlulumo na napatango ako sa kaniya.

"Walang vacant, Ineng." sagot niya. Napansin ko ang awa sa kaniyang mukha. Dahil siguro nakita niya na para na akong stress sa buhay.

Nakaka-stress nga naman dahil sobrang dami ko ng problema.

"Ah sige po. Salamat po." pagpapasalamat ko sa kaniya at pagkatapos ay umalis na ako.

Napahugot ako nang malalim na hininga dahil sa sobrang panlulumo. Ramdam ko ang mahapdi na init na dumadampi sa aking balat. Pati ang aking pawis ay tumatagaktak na sa sobrang init. Kahit nakapayong ay lampasan parin ang init doon. Ilang ospital pa ang pinuntahan ko pero wala talagang bakante.

Halos panghinaan na ako ng loob dahil wala pa akong makuhang trabaho. Iiyak na sana ako ngunit natigilan ako noong may biglang lumipad na papel sa aking paanan. Nakita ko agad ito dahil nakaupo ako sa may pavement.

Sinimot ko ang flyers na dinala ng hangin papunta sa akin. Tinatamad na binasa ko ito habang nakapatong ang aking siko sa hita ko. Nakahalumbaba na binasa ko nang paulit ulit ito. Medyo hindi kasi pumapasok sa utak ko ang mga information dahil sa pagod pero noong maintindihan ko ang binabasa ko ay napanganga ako.

Wanted caregiver!
Salary: 50, 000 a month
Profession: Licensed nurse, psychiatric nurse, unemployed doctor
With or without experience
Location: Sandoval Residences
If interested kindly contact this person:
Contact person: Melanie Sinulo
Contact number: 092473622810
Email: [email protected]

"Totoo kaya? Baka naman typo lang ang pagkaka-type? Baka aksidente nadagdagan ang zero." pagkakausap ko sa sarili ko habang tinitingnan ang nakasulat doon.

Baka 5,000 a month lang, ayoko ng ma-scam no! Kota na ako sa panlolokong naranasan ko!

Pinasok ko na lang sa bag ang papel at pagkatapos ay tumayo na din ako upang pumunta sa simbahan upang magdasal na sana ay may biglang dumating sa akin na bagong blessings. Matapos kong magpasalamat sa Diyos at magdasal ay umuwi na ako sa amin.

"Anak, kumusta ang paghahanap ng bagong trabaho?" bungad sa akin ni Mama pagkapasok ko sa pinto.

Nakangiti na sinalubong ko siya ng yakap. Narinig kong napatawa siya ng mahina dahil medyo napahigpit ang yakap ko sa kaniya.

"Medyo nakakapagod po, Ma. Pero kailangan maging matatag para makahanap ng trabaho." sagot ko habang naglalakad kami papasok sa loob ng bahay.

"Bawal ka na bang bumalik sa dati mong pinagtatrabahuhan?" May kuryosidad na tanong ni Mama.

Marahan akong umiling habang nagsasalin ng tubig sa baso. "Bawal na po, Ma. Once na magresign na doon, wala na kaming babalikan pa."

"Anak, bakit kasi nag-resign ka pa. Ayan tuloy, nahihirapan ka sa paghahanap ng trabaho." Mahinahong tanong niya sa akin.

Malungkot akong tumingin sa kaniya at pagkatapos ay napabuntong hininga ako.

"Pasensya na talaga, Ma. Nasilaw po kasi ako sa malaking sahod. Akala ko po kasi magiging maaayos ang pagpunta ko sa ibang bansa." nagsisisi na sabi ko.

Hindi ko na maibabalik pa ang nangyari na kaya tanging pagsisisi na lang ang magagawa ko at maituturing kong lesson para sa akin ang nangyari.

"Hindi naman pala matutuloy." Dugtong ko.

"May dahilan ang lahat ng bagay, anak. Lahat ng nangyayari sa buhay ng tao may rason. Maaring mapapaganda nito ang buhay mo o magiging aral ito." Payo niya sa akin.

Tipid ko siyang nginitian. Sa sinabi ni Mama na payo sa akin ay si King Hyron agad ang pumasok sa isipan ko.

Nakilala ko siya tapos napamahal ako sa kaniya. Naging malungkot man ako sa pang-iiwan niya ay alam kong may rason ang Diyos kung bakit niya hinayaan mahalin ko si King Hyron.

Masakit parin pero kailangang tanggapin.

"Siguro nga po."

Nagkwentuhan pa kami ni Mama habang nagpapahinga ako. Tinanong niya sa akin kung may tumawag na ba sa akin na pinag-aaplyan ko pero tanging iling lang ang isinagot ko sa kaniya. Iba't ibang ospital na ang aking pinuntahan, marami na akong medical hospital at psychiatric hospital na pinuntahan pero bigo akong matanggap.

Napansin ni Mama na sobrang stress na ako at nangangayayat kaya pilit niya akong pinakiusapan na magpahinga muna sa paghahanap ng trabaho kahit isang araw lang. Noong una ay hindi ako pumayag dahil importante sa akin ang bawat araw. Malapit na kasi kaming maubusan ng pera kaya kailangan ko ng magmadali sa paghahanap ng trabaho. Wala din akong nagawa sa pamimilit niya kaya pumayag na din ako.

Noong matapos kaming maghapunan ay muli kong tinignan ang papel na nasimot ko kanina.

"Legit kaya ito o hindi?" mahinang tanong ko sa aking sarili.

Muli kong binasa ang nakasulat na lokasyon doon. Ilang beses ko ng pinag-iisipan kung susubukan ko bang mag-take ulit ng risk?

"Sandoval residences?"

Sa nabasang last name ay muli kong naalala si King Hyron. Kung saka-sakali ba ay may kaugnayan ito sa kaniya? Ngunit malabo dahil sobrang daming may last name na Sandoval sa buong mundo. Ipinilig ko ang ulo ko upang iwaksi ang pag-iisip na iyon tungkol kay Hyron.

Ngunit ilang minuto lang ang lumipas ay hindi ko na napiligilan at tinawagan ko na din ang nakasulat doong numero.

"Wala naman masama kung magbakasakali akong kontakin ang nasa numero." mahina kong sabi sa sarili.

Nababaliw na yata ako dahil pati sarili ko ay kinakausap ko na.

Tatlong ring lang at may sumagot na agad. Nagsalita agad ako upang batiin ang nasa kabilang linya.

"Hello po. Good evening po." bati niya rin pabalik.

"Is this Melanie Sinulo?" Pagtatanong ko sa kabilang linya.

"Yes, Ma'am. How may I help you?"

Tiningnan ko ulit ang hawak kong papel habang sinasagot siya. "May nakita po kasi akong flyer. And it's written that you need a caregiver?"

"Yes, Ma'am. Are you willing to apply? Can I get your name, Ma'am?" formal na tanong niya sa akin.

"I'm Alexandra Jane Flores." pagpapakilala ko sa kaniya.

"I'm interested po. I'm sorry but, it this legit?" Pagpapatuloy na sabi ko.

"Yes, Ma'am. It's legit. If you want to research further, we have a website and you can see our company information there. It's Hyroval Corporation. Our boss is the one who need a good caregiver. It's confidential so, my Boss was doing this as a secret so that the media won't know." pahayag niya sa akin.

Tumango ako at pagkatapos ay tinandaan ko ang sinabi niyang company.

Hyroval? Bakit parang pamilyar?

"Okay po, Ma'am. Gusto ko pong malaman kung paano mag-apply?" mahinang tanong ko.

"We will be conducting an electronic application. Just send your resume on the email address written on the printed flyers. I just one have question, Ma'am?" biglang sabi niya.

"Sige po. Ano po iyon?" may kuryosidad na tanong ko.

Itatanong niya kaya kung may kriminal records ako? Wala naman akong ginagawang kasalanan. Kaya malinis ang record ko.

"Do you have a long patience in taking care of a sick man?" tanong niya sa akin.

Sa itinanong niya ay muli kong naalala si King Hyron. Wala sa sariling napangiti ako nang maalala ko ang pagsusungit nito sa akin dati.

"Yes po. Infact, I have a background for being a psychiatric nurse." mahinang sabi ko habang nakangiti.

King Hyron, hindi ka talaga nawala wala sa isip ko.

"That's perfect, Ma'am. I hope you'll apply." mahinang sabi niya pero halata sa boses niya ang saya.

"Ma'am, can you promise that you will take our conversation as a confidential one?" pahabol nitong sabi sa akin.

Kahit hindi niya ako nakikita ay tumango parin ako.

"Yes. I will po."

"Kindly send your resume on my email address. I will review that and if you're qualified, I will call you. Thank you, Ma'am. Have a good night." sabi niya.

"You too. Thank you." pagpapasalamat ko at matapos ng pag-uusap namin ay naputol na ang linya.

Wala akong sinayang na oras. Ipinasa ko agad ang aking resume sa email niya. Isang oras lang ako naghintay at pagkatapos ay may natanggap agad akong text.

From: 092473622881

Good evening, Ma'am. You are qualified to be a caregiver of my boss. Kindly go to this address tomorrow for my boss face to face interview with you. Thank you. Goodluck for tomorrow.

Eastwood Subdivision, Street Alo Block 6, Makati City

Lubos akong natuwa dahil sa nabasa. Ibinalita ko agad ito kay Mama kaya pati siya ay tuwang-tuwa. Tinanong niya kung legit ba ito kaya nag-research kami at nakita namin ang website ng kompanya. Legit na businessman ang aalagaan ko kaya paniguradong hindi ako maloloko dito. Hinanap ko ito sa page pero walang picture o pangalan na nakalagay dito.

Kinabukasan ay agad akong pumunta sa subdivision na kinaroroonan ng bahay ng nagiging amo ko. Pinapasok agad ako noong nagbabantay sa guard house dahil naitawag na daw sa kaniya ang tungkol sa akin. Hinanap ko sa subdivision ang address na itinext sa akin kagabi. Para hindi maligaw ay nagtanong tanong ako sa nga nakakasalubong kong mga tao. Halatang mayayaman sila dahil sa porma nila.

Ilang minuto lang akong naghanap at halos mamangha ako noong makita ko ang magandang bahay. Sobrang laki noon at moderno.


Hindi ko alam pero nararamdaman ko ang malakas na pagtibok ng puso ko.

"Nandito po ako kasi mag-a-apply po ako bilang caregiver." sabi ko sa guard na nagbabantay sa magandang bahay.

"Ah, sige. Natawagan na ako ni Sir na may dadating nga daw na aplikante." sabi niya sa akin at pagkatapos ay binuksan niya ang gate.

"Pasok po, Ma'am." Sabi niya kaya pumasok agad ako.

Napanganga ako noong makita ko ang magandang hardin na nakapalibot sa isang fountain.

Pumasok kami sa malaking pinto ay pagkatapos ay inihatid ako ni Kuyang Guard sa may living room.

Iginala ko ang aking paningin sa paligid at agad kong nakita ang loob ng magandang bahay. Sosyal. Sumisigaw ng kasosyalan ang buong bahay ng may-ari nito.

Napatigil ang pagtingin ko sa paligid noong makita ko ang bulto ng isang lalaki na nakatalikod sa akin. Nakaupo siya sa sofa kaya hindi ko nakita ang itsura nito.

Naramdaman ko ang malakas na pagtibok ng puso ko noong mapansin kong pamilyar ang likuran niya.

Kahit nakatalikod....kilala parin kita.

"Sir, Nandito na po ang aplikante." pagtatawag ng lalaki sa atensyon niya.

Umalis na din agad ang guard matapos niyang sabihin ito.

"Take your seat." baritonong sabi ng pamilyar na boses.

Mas nakompirma ko na ang pagkakakilanlan niya noong marinig ko ang boses niya. Naramdaman ko ang panlalambot ng aking hita. Ganoon parin ang epekto niya sa akin. Nakakapanghina parin. Nagkaroon pa ako ng konting lakas para makalakad at makaupo sa kaniyang harapan.

Nang tuluyan niyang nakita ang mukha ko ay napansin kong bahagya siyang nagulat at napansin ko din any kasiyahan sa ekspresyon niya.

Sa ibinigay niyang ngiti ay muli na namang lumakas ang tibok ng puso ko.

"Hyron." mahinang tawag ko sa kaniya.

"Alexandra?" paninigurado niyang tawag sa akin.

May malawak na ngiti na tumango ako sa kaniya. Sa palagay ko ay muli na naman tayong pinagtagpo ng Diyos.

"Ikaw pala iyan. Long time no see. Kumusta?" may kagalakan na sabi ko.

Kahit naman nasaktan ako dahil sa kaniya ay masaya parin akong makita siya. Lolokohin ko pa ba ang sarili ko? Ilang beses ko ng hiniling sa Diyos na magkita ulit kaming dalawa at ngayon ay natupad na talaga ito.

"I'm not fine. I need to hire a caregiver to take care of me." mahinang sabi niya sa akin.

"Are you here to apply?" tanong niya na tila hindi makapaniwala.

"Wait, as far as I know. You have a good job. What happened?" may kuryosidad na tanong niya.

Ngumiti lang ako ng tipid sa kaniya. Sasabihin ko pa ba?

"It's a long story, Sir Hyron. But to make it short, marami kaming dapat bayaran. May nakilala ako at inalok niya akong mangibang bansa. Nag-resign ako sa trabaho ko. Naloko naman ako at hindi natuloy paalis kaya nandito ako sa harap mo para maghanap ng trabaho." Kwento ko sa pinaikling bersyon.

"Do you want to work to me?" tanong niya halata sa mukha niya ang saya.

Masaya ba talaga siyang makita ako? Kasi ako sobrang saya ko.

"Yes. To be honest, I badly need to have a job. Marami akong utang kaya sana ay makahanap na ako ng trabaho. Can you hire me?" walang paligoy-ligoy na tanong ko sa kaniya.

Narinig ko siyang napatawa kaya napangiti na din ako. There's something in his blue eyes that I can't tell. Hindi ko lubos mahulaan kung ano ito.

"You're so direct to the point. That's why I like you." mahinang sabi na hindi ko masyadong narinig.

"Pardon?"

Umiling siya at mas lumawak ang pagkakangiti niya.

"I like you as an employee, so you're hired." mabilis na pagdedesisyon niya.

Panandalian akong natigilan kasi hindi ko masyadong ini-expect na ganoong kabilis agad. Inaasahan ko na may itatanong pa siya sa akin na ibang bagay.

"Huh? Ganoon kabilis?"

Napansin kong panandalian na napataas ang kilay niya at tila amuse na amuse sa pagtingin sa akin.

"Why? Don't you like that? Doon din naman tutungo. Bakit pahahabain pa natin ang proseso?" Makahulugan niyang sabi sa akin.

Nakaramdam ako ng sobrang saya dahil may trabaho na ulit ako. Masaya tumayo ako at pagkatapos ay yumuko upang magpasalamat.

"Thank you for your consideration, Sir Hyron." masayang sabi ko.

Nang tumingin ako sa kaniya ay napansin ko ang bahagyang pag nguso niya sa akin.

"I told you, King Hyron is okay with me. Drop the formalities." wika niya habang tinitingnan ako at nakangiti.

"Okay, King Hyron. Kailangan po ako magsisimula?" tanong ko sa kaniya.

Narinig ko ang kaniyang pagtawa kaya naramdaman ko na naman ang pag-init ng pisngi ko. Lagi akong kinikilig tuwing tumatawa siya.

"Also drop the po. I'm not too old. I'm just three years older that you." Bilin niya sa akin.

"Age doesn't matter." pagdudugtong na sabi niya.

"Pardon?"

Napansin kong muli siyang tumingin nang makahulugan sa akin. Malawak na ang pagkakangiti niya na tila ba tuwang tuwa siya sa nakikita.

"I mean, hindi naman ako katandaan. Pakiramdam ko ay sobrang tanda ko na pag sinasabihan mo ako ng po. Ituring mo akong parang boyfriend mo." Paliwanag niya sa akin na siyang ikinalaki ng mata ko.

Naramdaman ko ang malakas na pagtibok ng puso kong patay na patay sa kaniya.

Sinabi niya bang boyfriend? Kikiligin na sana ako ngunit bigla akong napatigil dahil bigla niyang sinabi ang salitang nakapagpabagsak ng pag-asa ko.

"Ang ibig kong sabihin ay kaibigang lalaki. Boy friend." pagtatama niya at ipinagdiinan pa ang word na Friend.

Utas na!

----

Pa-fall? Minsan si King Hyron....si King Hyron talaga HAHAHAHA 😂

----

Thank you. Godbless and always Stay safe.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen3h.Co