Truyen3h.Co

King Hyron's Beloved

Kabanata 21

CussMeNot

Kabanata 21

"Mama, may kumakatok po sa pinto." May kalakasan ang boses na sabi ko upang marinig ni Mama ang pagtawag ko.

Napatigil ako sa pag-aayos ng mga box na pinamili namin para sa sari-sari store namin. Kada-linggo kasi ay namimili kaming dalawa ni Mama ng mga paninda. Nagkataon na ngayon naka-schedule ang pamimili namin kaya nakakahiya naman sa bisita kung makikita nila ang makalat naming bahay.

Mas malapit talaga ako sa pinto pero tinatamad akong tumayo para magbukas nito.

"Ikaw na ang magbukas anak. Naglilinis ako ng kusina." Sigaw niya pabalik sa akin.

Sa kaniyang sinabi ay wala akong nagawa kundi ang tumayo at pagkatapos ay lumakad palapit sa pinto.

"Sige na nga po. Ako na!" sabi ko at pagkatapos ay napalabi ako.

Hindi lang naman ako ang tamad. Alam kong may ibang tao pa na nag-uutos parin sa mga kapatid o nakikisuyo sa magulang kahit na malapit na ito sa kanila. Pinapakuha pa kahit na mas malapit pa siya.

Narinig ko ulit ang pagkatok sa aming pinto. Siguro ay isa ito sa kumare ni Mama. Minsan kasi ay may nadayo dito sa amin ng tsismis. Pati si Mama ay pinupuntahan para lang ibida ang mga problema ng kapitbahay. Ayaw naman ni Mama na makisali at makinig sa mga ito pero hindi naman niya mapagtabunyan ang mga pumupunta dito.

"Saglit lang po! Naglalakad na." Magalang na sabi ko.

Noong makarating ako sa may pinto ay agad ko nang binuksan ito. Mahinang singhap ang lumabasa sa aking bibig nang makita ko ang kapatid ni King Hyron.

Bakit nandito ang kakambal niya?

Nagsalubong ang aking mga kilay at ang aking noo ay napakunot. Naguguluhan man ay pilit ko parin siyang nginitian kalaunan.

Wala siyang taling kaya siya si King Tyron.

"Good afternoon." baritono na bati niya sa akin.

"Ahhh! Magandang tanghali din sayo. Ano nga palang sadya mo?" tanong ko sa kaniya.

"I'm here because of an important matters." sagot niya sa akin na ikinakunot ng noo ko.

Tungkol ba ito sa kakambal niya? Dahil wala naman akong nakikitang ibang dahilan para pumunta siya dito. Anong gusto niyang malaman kay King Hyron? Matagal na kaming nagkahiwalay ng landas. Wala na akong balita sa kaniya.

"Ano nga po iyon?" magalang na tanong ko.

Ang kaniyang seryosong mukha ay unting-unti na naging kalmado. Napansin ko na inilagay niya sa bulsa ang kaniyang kamay.

"I don't want to shock you but, I'm here to tell you about your long lost sister." diretsong sabi niya na ikinabilog ng mga mata ko.

Tungkol kay Ate? Seryoso ba siya?

Bigla akong nakaramdam ng pagkatuwa. Sana naman ay nagsasabi siya ng totoo. May alam kaya siya kung nasaan ang kapatid ko?

"Anong ibig mong sabihin? Alam mo kung nasaan ang kapatid ko? Baka naman pinagloloko mo ako? Sigurado ka ba?" tuloy-tuloy na tanong ko sa kaniya.

Nakita kong marahan siyang tumango at pagkatapos ay ibinigay niya sa akin ang isang folder. Maingat ko itong kinuha at tsaka ko binuksan ang folder. Iginala ko agad ang aking mga mata upang basahin ang nakasulat sa papel.

May nalalagay doon na birth certificate ni Ate tapos nakita kong nakalagay doon ang pangalan ni Mama pero walang nakasulat doon na father's information.

Paano niya nakuha ang duplicate copy ng birth certificate ni Ate?

"Yes. I'm sorry but I conducted an investigation about your mother and then I found out that she has a connection to my wife." seryosong sabi niya sa akin.

Wala akong magawa kundi ang manatiling ina-absorb sa utak ko ang lahat ng sinasabi niya.

"I know where's your sister is.. She's my wife." pag-uulit na sabi niya nang hindi ako nakasagot sa kaniya.

Naramdaman ko ang sobrang kasiyahan noong mag-sink in sa utak ko ang mga sinasabi niya. Naniniwala ako dahil sa mga pruweba na papeles.

May nakita din ako doon na picture ni Ate noong baby pa siya. Tapos picture ng lampin at pang-baby na damit na may naka-burdang pangalan ni Ate. Palaging ikinu-kwento sa akin ni Mama na lagi niyang nilalagyan ng pangalan ang lahat ng damit ni Ate.

Itinatahi niya ang pangalan namin sa ginagamit naming damit at lampin.

"Diyos ko!" tanging reaksyon ko habang hinahawakan ang aking bibig gamit ang kaliwang kamay.

"Mama! Halika po muna dito. Saglit lang tatawagin ko lang si Mama." hindi mapakali na sabi ko.

"Pasok ka. Pasok ka sa loob." pag-aaya ko sa kaniya.

Hindi naman siya nagdalawang isip at tumuloy siya papasok sa loob ng bahay namin. Napansin kong pinagmasdan niya ang buong bahay namin pero wala naman akong nakikitang pandidiri sa mukha niya. Pansin ko lang sa reaksyon niya ang kaunting pagkamangha.

"Mama!" muling sigaw ko habang pinagmamasdan si King Tyron.

Wala talaga silang pagkakaiba ng kakambal niya.

"Bakit, anak? Bakit sigaw ka ng sigaw?" rinig kong sabi ni Mama kaya napalingon ako sa pinanggalingan ng boses niya.

Saktong nakita ni Mama ang lalaking nasa loob ng bahay namin. Kitang kita ko ang biglang pagkunot ng noo niya tila ba naguguluhan kung sino ang bisita namin.

Agad akong lumapit sa kaniya at pagkatapos ay marahan ko siyang hinigit palapit sa lalaki.

"Mama, may magandang balita po." masayang sambit ko.

Kahit na binasag ni King Hyron ang puso ko ay nakakaramdam ako ng saya dahil Unti-unting napupunan ng kasiyahan ang lungkot na nadarama ko sapagkat makikita na namin si Ate.

Alam kong hindi nagsisinungaling si King Tyron dahil hindi siya ang taong palabiro. Dati kasi ay naikwento sa akin ni Ma'am Belline na lubos na magkaiba ang ugali ng kambal. Kung si King Hyron ay maloko, si King Tyron naman ay seryoso.

"Ano iyon? Nanalo ka sa lotto?" nanlalaki ang mga mata na tanong ni Mama.

"Mama, hindi po! Mas maganda pa po doon." masiglang sabi ko.

"Si Ate Hera, Mama. Sabi niya ay alam niya kung nasaan ito! Asawa niya daw po." Sambit ko. Naramdaman ko ang pagluha ko noong makita kong umiiyak na din si Mama sa sobrang tuwa.

Ang tagal naming pinagdasal at hiniling sa Diyos na sana ay dumating ang araw na ito. Ang malaman namin kung nasaan si Ate at ang makasama siya.

Ibinigay ko kay Mama ang folder at nakita kong nagmamadali niya itong binuksan tapos binasa.

"She's my wife. She grow up in a orphanage. I've been searching for her parents for a year now and then I met your daughter. She has a resemblance to my wife so, I conducted an investigation and found out that I'm right. You are related to each other." pagpapaliwanag na sabi niya habang nakatingin sa Mama ko.

"Diyos ko! Totoo ba ang sinasabi mo, Iho?" hindi makapaniwala na tanong niya.

Nakita ko ang pagbagsak ng luha ni Mama habang tinitingnan ang folder na hawak niya. Kahit na umiiyak siya ay alam kong dahil ito sa kaligayahan.

Nakita kong lumapit si King Tyron sa Mama ko at pagkatapos ay nagmano siya.

"Opo. Noong makita ko po siya ay napansin ko pong malaki ang pagkakahawig nila ng asawa ko. Hindi po ako nagdalawang isip na paimbestigahan kayo dahil baka po kayo ang totoong pamilya ni Hera." muling sabi niya.

Ang ngiti ay sumilay sa aking mga labi dahil sa kasiyahan na nakikita ko kay Mama. Sa araw-araw na ginawa ng Diyos ay lagi kaming nagdadasal ni Mama na makita ang kapatid ko. Ngayon ay natupad na. Makikilala na namin siya.

"Diyos ko! Seryoso ka ba talaga? Anak hindi ba ito panaginip? Baka naman niloloko mo kami, Iho. Huwag mo kaming paasahin dahil ilang taon na kaming naghahanap at nangungulila sa kaniya." umiiyak sa tuwa na sabi ni Mama.

Lumakad ako palapit kay Mama at tsaka ko siya niyakap habang umiiyak din sa tuwa. Noong matapos ko siyang yakapin ay masayang tumingin kami sa isa't isa. Ang ngiti ay hindi mawala-wala sa aming mukha.

"Totoo po ang sinasabi ko." Rinig kong sabi ni King Tyron kaya ang aking atensyon ay sa kaniya napalipat.

"Kung maaari po ay hihingi po ako sa inyo ng pabor." Pagpapatuloy na sabi niya.

May malawak na ngiti na tumango si Mama. Lumapit siya kay King Tyron at pagkatapos ay hinawakan niya ang kamay nito.

"Sige, ano iyon iho?"

"Huwag po kayong magagalit pero pwede po bang magsagawa ako ng DNA test para sa inyong dalawa? Para po makasigurado." magalang na tanong niya sa amin.

Tumango lang si Mama at pumayag kay King Tyron. Pabor naman ito sa amin para na rin maging sigurado.

"Oo, papayag ako sa gusto mo. Kailan ba?" Sagot ni Mama. Sa tono ng boses niya ay alam kong excited na siya.

May ngiti sa labi na napatingin ako kay Mama. Ang aliwalas ng ngiti niya. Alam kong wala nang nawawala na parte sa buhay niya dahil malapit na naming makilala si Ate.

"Are you busy today? It will be good if we do the DNA test later." baritono na pahayag ni King Tyron.

Tumango si Mama at pagkatapos ay lumapit siya sa akin. Nakangiti na hinawakan ni Mama ang kamay ko. Kitang-kita ko ang pagkinang ng kaniyang mga mata dahil sa luhang dulot ng saya.

"Sige. Magbibihis lang ako." pagpapaalam niya.

Nakita ko ang pagmamadali niyang pagtakbo patungo sa kaniyang kwarto. Masayang sinundan ko lang siya nang tingin. Sana talaga ay magpositibo ang test nila. Sana ay siya na talaga ang kapatid ko.

"Nasaan nga pala si Ate?" mahinang tanong ko.

Inalok ko siyang umupo dahil baka mangalay siya. Hindi niya naman tinanggihan ang aking alok at umupo na siya sa aming sofa na may kalumaan na.

"She's at home. She still doesn't know about this, because I'm planning to tell her about this on our anniversary." mahinang sabi niya at pagkatapos ay napansin ko ang biglang pagngiti niya pero saglit lang iyon dahil naging seryoso ulit ang mukha niya.

"Anniversary surprise?" mahinang tanong ko habang nakangiti.

"Yes." Tipid niyang sagot sa akin.

May ngiti sa labi na tumango ako. Masaya na si Ate sa kaniyang buhay. May asawa na siya at kita ko ang pagmamahal ni King Tyron sa ate ko.

Masaya ang kislap ng mga mata niya tuwing pinag-uusapan si Ate. Bakit nga ba nagawang kuhanin ni King Hyron si Ate kay Tyron? Nabulag siya sa pagmamahal?

Biglang may pumasok sa aking isip. Sadyang ako kaya ang gusto ni King Hyron o nakikita niya lang ang akin si Ate Hera?

Noong una naming pagkikita ni Hyron ay tinawag niya akong Hera. Hindi ko iyon masyadong pinagtuunan ng pansin kasi ang alam ko ay baliw siya. Hindi ko din pinagtuunan ng pansin ang pagkakapareho ng pangalan ng ate ko at ang babaeng mahal ni King Hyron, dahil para sa akin ay maraming mga tao ang magkakapangalan sa buong mundo.

Maliit nga siguro ang mundo naming dalawa dahil pilit kaming pinagko-konekta sa isa't isa.

"Pwede ba akong sumama sa hospital?" nahihiya kong tanong kay Tyron.

Gusto kong samahan si Mama.

"Yes. You can go with us." pagpayag na sabi ni King Tyron kaya mas lalong napalawak ang aking pagkakangiti.

"Sige salamat."

Matapos magbihis ni Mama ng damit pang-alis ay nagtungo na rin kami sa ospital. Isang oras lang ang naging proseso, at inihatid na din kami ni King Tyron sa aming bahay pagkatapos noon.

Talong linggo ang lumipas at pumunta muli sa amin si King Tyron dala ang resulta. Noong binuksan ni Mama ang folder ay naging mas masaya kami dahil positive ang naging resulta.

Dumating ang araw ng wedding anniversary nina King Tyron at Ate Hera. Pinakaon kaming dalawa ni Kuya King Tyron sa driver niya. Noong makarating kami doon ay nakita namin ang magandang pinagdarausan ng kanilang simpleng pagtitipon. Sa isang kilalang restaurant ginanap ang kaniyang simpleng salo-salo. Napansin kong fifty mahigit na katao lang ang bisita nila. Siguro ay mga kaibigan nila at kapamilya ni King Hyron.

Agad kaming nilapitan ni Kuya Tyron. Masayang nagmano siya kay Mama kaya napangiti ako nang malawak.

Ang swerte ni Ate dahil kahit na mukhang masungit si Kuya Tyron ay magalang naman ito.

Isinama niya kami sa isang lamesa at napansin ko na isang babae lang ang nakaupo doon. Nang makalapit kami sa kaniya ay agad siyang tumayo at ngumiti sa aming tatlo.

Sobrang ganda ni Ate. Kahit na simpleng dress lang ang suot niya ay hindi mapagkakaila na bagay na bagay ito sa kaniya. Pinagkatitigan ko siya at nakaramdam ako nang pagkamangha dahil napansin kong tama nga si Kuya Tyron. May pagkakahawig nga kaming dalawa.

"My Queen Hera, I want you to meet your family." diretsong pagpapakilala niya sa amin.

Naramdaman kong humawak si Mama sa aking braso at nang tingnan ko siya ay napansin kong nakangiti siya pero alam kong kinakabahan siya.

Napalipat ang atensyon ko kay Ate Hera noong bigla siyang napasinghap.

"Susko, Kamahalan! Totoo ba?" nanlalaki ang mga mata na tanong niya dahil siguro sa pagkabigla.

Nakita kong masuyong hinalikan ni Kuya Tyron ang sintido ni Ate Hera kaya napangiti ako. Ang sweet nila. Sana all.

"Yes. She's Alexandra, your younger sister and she's your mom. Si Mama Helda." pagpapakilala ni King Tyron.

Nagulat na lang kaming dalawa ni Mama noong biglang tumakbo palapit sa amin si Ate Hera at pagkatapos ay niyakap niya kaming dalawa. Ang kaniyang pagkakayakap ay sobrang higpit.

"Anak ko!" tawag ni Mama. Narinig ko ang mahinang paghikbi ni Ate Hera. Pati si Mama ay naririnig kong umiiyak na din.

Nanatili lang akong nakatayo habang nakayakap sa kanila. Naramdaman ko na din ang pagiging kuntento. Wala ng kulang. Kompleto na kami.

"Ate Hera..." mahinang tawag ko sa kaniya at naramdaman ko ang pag-alpas ng luha sa aking mga mata.

"Mama ko po kayo? Susko! May kapatid din ako. Masaya po ako at nakilala ko kayo. Ang tagal kong hiniling na sana may pamilya pa ako at heto na po kayo. Tinupad ni God ang dasal ko." sabi ni Ate at halata sa boses niya ang sobrang saya.

Humiwalay siya nang pagkakayakap sa aming dalawa ni Mama. Kinuha niya ang kamay naming dalawa at pagkatapos ay masuyo niya itong hinawakan at hinaplos.

Malawak ang pagkakangiti niya habang may mga luha ang nahuhulog sa kaniyang mga mata. Nakaalalay lang sa likod niya si Kuya Tyron at hinahaplos ang likod ni Ate para patahanin siya.

"Anak, pasensya na at ngayon lang tayo nagkita. Ang tagal naming nangulila sayo." Masayang sabi ni Mama habang hinahawakan ang pisngi ni Ate.

Nakita ko ang marahan na pagtango ni Ate habang hinahawakan ang kamay naming dalawa ni Mama.

"Okay lang po. Alam ko naman pong may dahilan kung bakit ako nawalay sa inyo. Sobrang saya ko po at nakilala ko na po kayo. Ang tagal ko ding pong nangulila sa totoong pamilya ko at ngayong nakilala ko na po kayo para akong nakompleto ng tuluyan." masayang sabi niya at muli niya kaming niyakap.

Masayang napahawak ako sa likod niya habang ipinipikit ko ang aking mga mata.

"Huwag kang mag-alala, anak. Marami pang taon tayong magkakasama sama. Babawi kami sa mga panahong hindi tayo nagkasama."  pangangako ni Mama.

Humiwalay si Ate Hera sa pagkakayakap at pagkatapos ay hinila niya kami ng marahan papunta sa katabing mga upuan.

Pinaupo niya kaming dalawa doon at masaya naming pinagmasdan ang bawat isa. Napansin namin na nagpaalam si Kuya King Tyron at umalis muna siya.

"Ate Hera, Happy Anniversary sa inyo." pagbabati ko sa kaniya.

"Salamat kapatid ko." masayang pagpapasalamat ni Ate.

"Atlast, ang tagal kong naghintay na magkaroon ng kapatid at ngayon ay natupad na. Masaya akong makilala ka. Pangako ko na magiging maalaga akong kapatid sayo." sabi ni Ate Hera. Napansin ko ang excitement sa kaniyang boses.

Nakaramdam din ako nang saya kaya mabilis akong napatango. Ang tagal ko na rin na inasam na makasama siya. Dati ay laging akong naiingit sa mga kaklase ko tuwing pinupuntahan sila ng mga Ate nila sa school. Ngayon ay mababawi na namin ang oras na nasayang sa pagkakahiwalay namin.

"May tanong lang po ako, Mama." mahinang sabi ni Ate Hera.

"Ano iyon anak?" may ngiti sa labi na tanong ni Mama.

Masayang pinagmamasdan ko si Mama na hindi inaalis ang pagkakahawak sa kamay ni Ate.

Napalipat lang ang aking atensyon noong marinig ko ang itinanong ni Ate. Pinagmasdan ko lang siya habang nagsasalita.

"Paano po ako napunta sa ampunan?" Magalang ni Ate Hera.

Narinig ko ang malalim na pagbuntong hininga ni Mama at napansin ko ang kaniyang matamlay na ngiti.

"Patawad anak. Ayoko mang mawalay sayo pero dahil sa kahirapan ng buhay ay nagawa kong ibigay ka ng pansamantala sa mag-asawang hindi magkaanak. Isang taon lang naman ang usapan pero noong kukunin na kita ay umalis na sila at pumuntang amerika. May nakapagsabi sa aking kapitbahay nila na hindi ka daw isinama at dinala ka sa ampunan. Hindi ko nga lang alam kung saang ampunan ka nila dinala." mahinang paliwanag ni Mama.

Napansin kong napatigil si Ate Hera dahil sa kwento ni Mama. Ilang beses nang sinabi ni Mama sa akin ang tungkol sa pagkakahiwalay ni Ate Hera sa amin.

"Sinubukan kong hanapin ka, anak pero nabigo ako. Patawad talaga anak." paghingi ni Mama ng tawad kay Ate Hera.

Narinig ko ang mahinang pagbuntong hininga ni Ate. Akala ko ay magagalit siya pero medyo nagulat ako noong ngumiti siya.

"Ayos na po iyon, Mama. Nakaraan na po iyon. Kung nagkamali ka man po noon ay napatawad ko na po kayo. Ang mahalaga ay magkakasama na po tayong tatlo." masayang sabi niya habang nginingitian niya ako at pagkatapos ay kay Mama naman siya ngumiti nang malawak.

"Gusto ko rin pong malaman ang tungkol sa ama ko? Nasaan po siya?" mahinang tanong niya.

Napansin kong nanigas si Mama sa kaniyang kinauupuan kaya bigla kong hinawakan ang kaniyang balikat para subukan na pakalmahin siya. Naging kalmado naman siya kaya nagsalita na rin siya.

"Ang iyong totoong ama ay pinagsamantalahan ako. Dalaga pa ako noon kaya naging mahirap sa akin ang buhayin ka at palakihin. Wala na akong balita ngayon sa kaniya." sagot ni Mama kay Ate.

Kitang-kita ko kung paano namilog ang mga mata ni Ate. Hindi makapaniwala si Ate habang hinahawakan ang kamay ni Mama.

"Si Alexandra naman ay anak ko sa lalaking totoo kong mahal. Bata pa lang si Alexandra ay pumanaw na siya." kwento niya kay Ate at pagkatapos ay panandalian na sumulyap sa akin si Mama.

Nginitian ko siya nang malawak upang pagaanin ang loob niya. Alam ko na ang tungkol dito kasi ilang beses ng kinuwento ni Mama sa akin ito.

"Kung ganoon po ay half sister ko po siya?" magalang na tanong niya na ikinatango ko.

Napansin kong tiningnan niya ako at pagkatapos ay nginitian. Inabot niya din ang aking kamay na nakapatong sa ibabaw ng lamesa.

"Oo anak." pagkukumpirma ni Mama.

"Masaya parin po ako dahil may kapatid ako. Alexandra, sana naman ay maging malapit tayo sa isa't isa." masayang sabi niya.

Hinawakan ko rin ang kaniyang kamay at tsaka ako ngumiti habang tinitingnan siya.

"Gusto ko din iyon, Ate Hera." mahinang sabi ko.

"Magkamukha kayo. Tanging labi at kilay lang ang naiiba sa inyong dalawa." mahinang puna ni Mama sa akin.

"Iyon nga din po ang napansin ko  Mama." masayang sabi ni Ate habang tumatayo sa pinagkaka-upuan niya.

Lumapit siya at pagkatapos ay niyakap niya muli kaming dalawa ni Mama.

"Excited na po akong makapiling pa kayo ng sobrang tagal." masayang sabi niya.

Narinig ko ang masayang sagot ni Mama na agad kong sinang-ayunan.

"Mahaba pa ang panahon na magkakasama sama tayo." mahina kong sabi habang nakangiti at dinadama ang katawan ni Ate na nakayakap sa aming mag-ina.

+++

Pamula noon ay naging maayos na ang takbo ng buhay namin. Hindi kami pinapabayaan ni Ate Hera. Lagi siyang pumupunta sa amin at kung hindi naman siya makaalis sa mansyon nila ay kaming dalawa ni Mama ang bumibisita sa kaniya upang makita siya at ang pamilya niya. Sobrang naging close kami at open sa isa't isa. Nasabi ko na din sa kaniya ang nangyari sa pagitan namin ni King Hyron. Noong una ay lagi niya akong inaasar at ibinubuyo kay King Hyron. Sinasabi niya na hihingin niya daw kay King Tyron ang roaming number nito para ibigay sa akin. Agad kong tinatanggihan ang gusto niya.

Magkabati na kasi ang kambal. Nagkapatawaran na ang mga ito noong umalis si King Hyron ng Pilipinas.

"Anak, tumawag ang kapatid ng Daddy mo. Itinatanong niya kung gusto mo daw magtrabaho sa Amerika, doon daw sa ospital na pinagtatrabahuhan din niya?" Pagbibigay alam ni Mama.

Itinigil ko ang aking pagko-compute sa mga nagastos namin sa grocery. Tumayo ako mula sa pagkakaupo sa sofa at pumunta ako sa tabi ni Mama.

"Talaga po, Inay?" Tanong ko habang nakiki-usyoso sa chat nila ni Tita Ghetta.

"Oo. Hiring daw ang ospital at foreign applicants daw ang hinahanap." sagot ni Mama.

Nakaramdam agad ako ng determinasyon na mag-apply sa ibang bansa bilang nurse. Si Tita Ghetta ay matagal ng nagtatrabaho sa Amerika bilang nurse. Noong isang taon niya pa ako inaaya na sumunod sa kaniya pero hindi ako pumayag dahil bumabawi pa kami kay Ate Hera. Hindi muna ako nagtrabaho dahil naging mapilit si Ate na siya na daw ang bahala sa amin. Noong una ay hindi ako pumayag pero gustong-gusto ni Ate Hera na huwag na kaming mahirapan pa. May sariling pera naman daw siya dahil sa negosyo na ipinatayo ni Kuya Tyron para sa kaniya. Malaki ang kinikita ni Ate doon. Hindi naman magastos ni Ate ang pera niya kasi gusto ni Kuya Tyron na siya ang gagastos sa lahat.

Sa amin napapunta ang pera ni Ate Hera. Sobrang laki ng pasasalamat namin ni Mama sa kaniya. Kahit hindi kami humingi ay ibinibigay niya.

"Mama! Heto na yata ang pinakahihintay ko. Makakapagtrabaho na din ako sa ibang bansa." masayang sabi ko noong mabasa na tutulungan daw ako ni Tita Ghetta na makapasok doon.

"Anak, Sigurado ka na ba sa gusto mo?" nag-aalalang tanong ni Mama.

Masayang niyakap ko si Mama at pagkatapos ay napabuntong hininga ako. Gusto ko. Sa tingin ko ay ito na ang tamang oras para naman magtrabaho ako para sa sarili ko.

"Mama, alam mo naman pong nitong nakalipas na taon ay hindi ako nagtrabaho. Gusto ko na pong bumalik sa pagiging Psychiatric nurse" mahinang sambit ko.

Narinig ko ang malalim niyang pagbuntong hininga at pagkatapos ay naramdaman ko siyang tumango.

"Oo alam ko. Pero bakit sa America pa? Pwede naman dito?" Sabi niya. Mahina akong napatawa dahil sa kaniyang sinabi. Sa boses pa lang ni Mama ay alam kong nagtatampo na siya.

"Mama, gusto ko ng bagong work environment. Gusto ko din makakita ng snow." mahinang sabi ko at pagkatapos ay napatawa ako.

"Ako pa ba ang lolokohin mo? Hindi ako naniniwala sayo pero kung gusto mo talagang magtrabaho talaga doon ay hindi kita pipigilan." mahinang sabi niya kaya humiwalay ako sa pagkakayakap sa kaniya.

Masayang pumalakpak ako ng tatlong beses. Narinig ko ang pagtawa ni Mama habang umiiling na nakatingin sa akin.

"Sa Ate Hera mo muna ako titira habang wala ka." sambit niya.

"Mas ayos po iyon para mapanatag ako, at tsaka mas makakabuti iyon sa iyo. Baka po kasi maiinip ka dito at mas ligtas ka po doon. Tapos may mga apo kang lalaruin." mahinang sabi ko.

Napansin kong lumiwanag ang kaniyang mukha noong banggitin ko ang mga apo niya.

"Oo. Buntis din si Hera kaya mas magandang nandoon ako." sambit niya.

"Sige, Mama. Kung papalarin po ako na makapunta sa ibang bansa ay huwag mo pong pabayaan ang sarili mo?" mahinang pagpapaalala ko.

"Makakaasa ka sa akin, Anak." sabi niya habang tumatango sa akin.

Idinipa ko ang aking mga kamay upang abutin siya. Ipinulupot ko ang aking mga braso sa kaniyang bewang at mahigpit ko siyang niyakap. Mamimiss ko si Mama. Sobrang mamimiss ko siya.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen3h.Co