Kabanata 4
Kabanata 4
Ipinaskil ko agad ang sobrang lawak kong ngiti bago ako pumasok sa pintuan ng kwarto ni Sir King Hyron. Inayos ko ang pagkakahawak sa aking dalang tray na mayroong nakalagay pagkain.
Bago ako umakyat sa third floor ay dumaan muna ako sa cafeteria upang kunin ang pagkain na ipinahanda ko para sa umagahan ni King Hyron.
Nakita ko siyang nakaupo sa kama habang nakatingin sa kawalan. Ipinatong ko ang dala kong mga pagkain sa lamesa niya at pagkatapos ay nginitian ko siya noong magtama ang paningin naming dalawa.
"Good morning, Sir Hyron." Masiglang bati ko sa kaniya.
"Naging maganda po ba ang tulog mo? Kasing ganda ko po ba? Joke lang." Masigla kong biro at pagkatapos ay tumawa ako.
Tiningnan niya lang ako ng seryoso at pagkatapos ay umiling siya. Napansin kong hinawakan niya ang kaniyang daliri at panandalian niyang pinaglaruan iyon.
"Hindi maganda ang gising ko, Hera. Huwag mo akong batiin ng magandang umaga." sambit niya kaya napatigil ako sa aking ginagawang pag-aayos ng pagkain niya.
Ang aking malawak na ngiti ay unting-unting naghalo dahil sa sinabi niya. Tinawag niya na naman ako sa pangalang Hera.
"Sir, how many times would I have to tell you that I'm not Hera?" magalang kong sabi sa kaniya.
Napansin kong natigilan siya sa paglalaro ng daliri niya at pagkatapos ay napatingala siya sa akin. Sumalubong sa aking tingin ang kaniyang kulay asul na mga mata.
"Sa bawat araw na lumipas ay ikaw ang gusto kong makasama." wala sa sariling sabi niya sa akin habang umiiwas ng tingin.
Narinig ko ang malakas niyang pagbuntong hininga habang nakatingin siya sa kawalan. Nakangiwi na napailing ako dahil sa nakita. May sarili na naman siyang mundo at sinasabi niya na naman sa akin ang mga salitang hindi ko maintindihan.
Isang linggo na akong nagtatarabaho dito at sa bawat araw ay lagi siyang ganito. Nakakausap naman siya minsan ng matino pero kadalasan ay tulala lang siya sa kawalan at malalim ang iniisip.
"Muli kong naalala ang mga araw na tayo ay magkasama sa isla. Kada umaga ay lagi mo akong hinihintay tuwing umuuwi ako galing sa pangingisda." biglang pagpapatuloy na sabi niya sa akin.
Nakita ko ang pagsilay ng ngiti sa kaniyang mukha na para bang may naaalala siya.
"Sir." mahinang tawag ko sa kaniya.
"Can we go back to the day that we're happy?" Malungkot niyang tanong at pagkatapos ay lumipat ang tingin niya sa akin.
Napansin ko ang pagpapalit ng ekspresyon niya. Ang kaniyang ngiti ay nawala at napalitan iyon ng lungkot.
Halata ang sobrang lungkot at sakit na nararamdaman niya. Kitang kita ko iyon sa kaniyang mga mata. Eyes can't lie. Hindi maitatago ng mata ang totoong nararamdaman ng isang tao.
"No! You choose him! Pinili mo ang kakambal ko! Ano pa bang gusto mo at bumalik ka pa sa akin?" May hinanakit na sigaw niya at pagkatapos ay tiningnan niya ako ng masama.
Kanina lang ay kalmado siya pero ngayon para siyang sumabog sa galit.
Para akong yelo na nanigas sa aking kinatatayuan. Galit na galit siya. Wala sa sariling sinabunutan niya ang kaniyang buhok habang nagmumura.
"Leave! I don't want to see you here! Leave me alone!" malakas niyang pagtataboy sa akin habang sinasamaan ako ng tingin.
Kahit na galit siya ay nilakasan ko parin ang loob ko upang lapitan siya. Tipid ko siyang binigyan ng ngiti.
"Sir, Calm down." Sabi ko sa kaniya at pagkatapos ay hinawakan ko ang kaniyang magkabilang pisngi.
Napansin kong panandalian siyang nanigas sa aking ginawa ngunit noong agad siyang matauhan ay inalis niya ang aking kamay na nakahawak sa kaniya.
"Don't touch me, Hera! Leave me alone!" mariin niyang sabi sa akin habang itinutulak ako palayo sa kaniya.
Marahan akong umiling at pagkatapos ay lumayo ako sa kaniya. Tiningnan ko lang siya habang ibinabato niya sa akin ang mga unan niya.
"Ako po ito si Alexandra!" paliwanag ko sa kaniya.
Panandalian siyang natigilan at pagkatapos ay umiling siya habang ginugulo ang buhok niya.
"I don't want to love you anymore, Hera! It fucking hurts so much!" mariin niyang sigaw na tila ba wala na siya sa kaniyang sarili.
"Sir, Huminahon ka po." pagpapakiusap na sabi ko. Tinangka ko siyang lapitan ngunit natigilan ako noong tiningnan niya ako ng masama.
"Paano ako hihinahon kung bumalik ka na naman sa buhay ko para lang saktan ako?" matigas ang tono ng boses na sabi niya. Napalayo tuloy ako lalo.
Nanigas ako sa aking kinatatayuan dahil sa kaniyang sinabi. Hanggang kailan siya malululong sa sakit na nararamdaman niya. Hindi niya dapat alagaan ang sakit na nararamdaman niya.
"Diba mahal mo ako? Hindi ba sinabi mo na mahal mo ako? Pero bakit siya parin ang pinili mo! Sinabi mong mahal mo ako! Pero bakit hindi ako ang pinili mo!" Paulit-ulit at nanunumbat niyang sigaw.
Masyado na siyang nilamon ng kalungkutan at sakit kaya siya nagkakaganito. Binaliw na siya ng pagmamahal niya sa babaeng nagngangalang Hera.
"Hera ko! Hera ko! Huwag mo akong iwan. Sige na please? Ako na lang!" Walang reaksyon niyang sabi habang nakatingin sa kawalan pero sa tono ng boses niya ay ramdam ko ang sakit.
"Sir, Try to calm down and take a deep breath. Alisin mo sa isip mo ang bagay na gumugulo sa isip mo. Wake up, Sir. Try to fight the demon inside your brain." mahina kong suhestiyon sa kaniya.
Walang pag-aalinlangan na nilapitan ko siya upang hawakan siya. Gusto kong pagaanin ang nararamdaman niya. Gusto ko siyang damayan sa sakit na nararamdaman niya ngunit paano? Tanging payo na lang ang kaya kong sabihin sa kaniya.
Nakita ko ang inis niyang ekspresyon habang tinitingnan ako. Nabigla na lang ako noong itinulak niya ako sa kama kaya ako napahiga sa kama niya. Hindi agad ako nakagalaw noong i-corner niya ako sa kama niya. Nasa ibabaw ko siya kaya napasinghap ako ng malakas dahil sa pwesto namin. Nakita kong nanlilisik ang kaniyang mga mata.
"Hindi ako baliw! Hindi ako baliw!" sigaw niya sa akin at hindi niya ako pinabayaan na makaalis sa ilalim niya.
"Sir----" ramdam ko ang paglakas ng tibok ng puso ko dahil sa kaniyang reaksyon at pagsigaw sa akin.
Ramdam ko ang takot dahil sa panlilisik ng mga mata niya.
"Why Am I here? Damn, I'm not crazy! I said I'm not crazy! I'm not!" galit na sabi niya sa akin.
Umiling siya habang ilang ulit niyang sinasabi ang mga katagang iyon.
"Hindi ako baliw!" malakas niyang sabi at pagkatapos ay umalis siya sa pagkakadagan sa akin.
Umupo siya sa kama, sa aking tabi at narinig ko ang malutong niyang pagmumura.
Hindi agad ako nakagalaw dahil sa takot sa kaniya. Nanatili akong nakahiga sa kama niya habang sinusundan ko ng tingin ang gagawin niya. Nagulantang lang ako noong bigla niyang ginulo ang lamesa na nasa tabi ng kama niya at itinapon ang mga pagkain niya. Narinig sa buong kwarto ang tunog ng pagkakahagis ng mga plastic na pinggan. Napaupo agad ako dahil sa kaniyang ginawa.
"I'm not crazy!" sigaw niya habang itinataob ang lamesa niya.
Nanlaki ang mga mata ko habang tumatayo at tsaka ko inayos ang lamesa na itinaob niya.
"Sir, I didn't said that you are crazy. I mean clear your mind. Iwasan mo po ang ma-stress." Pagpapaliwanag ko sa kaniya.
Bigla siyang tumigil sa ginagawa niyang pagsabunot sa buhok niya at pagkatapos ay tiningnan niya ako habang nagtataas baba ang kaniyang balikat dahil sa sobrang hingal. Nakita ko ang matapang niyang tingin sa akin kaya napalunok ako ng laway dahil sa takot.
"No! You're treating me like I'm a sick and crazy bastard! Pilay lang ako! I'm not crazy." nanggagalaiti niyang sigaw sa akin.
Malungkot akong umiling sa kaniya.
"Hindi nga sabi ako baliw!" galit na galit niyang sabi sa akin.
"Sir, please calm down." Pagpipigil ko sa kaniya sa pagsabunot sa buhok niya.
Muli ko siyang nilapitan upang marahang alisin ang kamay niyang nakasabunot sa kaniyang buhok.
"Umalis ka sa tabi ko. Sa ganoong paraan lang ako kakalma." Mariin niyang sabi sa akin kaya ako natigilan.
Nabitawan ko ang kaniyang kamay noong maramdaman ko ang mahinang kuryente na dumaloy sa aking kamay. Tiningnan niya ako ng madiin na tila pinagbabantaan ako.
"Umalis ka na." utos niya.
Wala akong nagawa kundi mapabuntong hininga. Kung iyon ang gusto niya ay gagawin ko.
"I will, Sir. Basta kumain ka lang muna at uminom ng gamot." Mahinahon kong sagot sa kaniya.
Tatawag na lang ako sa cafeteria upang padalhan siya ng makakain, at tatawag na lang din ako ng janitor para linisin ang kalat niya.
"Stop, giving me that fucking medicine! I'm not crazy!" Bigla niyang sigaw habang itinuturo ang medicine cabinet na nasa kanang bahagi ng kwarto.
"Okay, Sir. Just eat and I will leave, please?" pagpapakiusap ko sa kaniya.
Napansin kong bigla siyang natigilan at pagkatapos ay narinig ko ang paghugot niya ng malalim na paghinga.
"Okay. After that, just fucking leave me alone." bilin niya sa akin.
Napansin kong kumalma na siya matapos niyang sabihin sa akin iyon.
Naglakad ako papunta sa may telepono at kasunod noon ay tumawag ako sa cafeteria at nagpahanda ng paborito niyang pagkain.
"May sinigang na hipon po ba kayong luto at tsaka po pritong hiwas? Ah pakidagdag na din po ng pritong galunggong." magalang kong tanong sa kabilang linya.
"Meron po, Ma'am." sagot ng babae.
"Pahanda na lang po at padala po sa room number 26. Thank you po."
Pinutol ko ang tawag matapos kong makapagpasalamat. Nakatingin lang ako sa kaniya habang hinihintay naming dalawa ang pagdating ng pagkain. Pansin kong mahinahon na siya at wala na ulit reaksyon ang mukha niya.
Ilang minuto lang at dumating na ang pagkain na hihingi ko. Kinuha ko ito sa babaeng taga-dala at nagpasalamat.
"Eat first then, I promise that I will going to leave you after this." pangako kong sabi sa kaniya.
Hindi niya ako sinagot kaya hindi ko narin siya kinausap pa. Tahimik lang siyang kumain habang nakatayo ako sa isang tabi at tinitingnan siya. Matapos niyang makakain ay pinainom ko na din siya ng gamot. Noong tapos na ako sa gagawin ay lumabas na ako at nanatili sa labas ng kwarto niya.
Kalmado na naman na parang walang nangyari kaninang pagwawala. Dumating din ang janitor na ipinatawag ko sa kakilala kong Psychiatric nurse na dumaan kanina at mabilis niyang nalinis ang kwarto ni Sir Hyron. Wala namang pakialam sa kaniya si Sir Hyron at nakatulala lang siya sa pader. Mabilis natapos ang janitor at lumabas na din siya.
Sumisilip lang ako sa bintana kada minuto upang tingnan ang ginagawa niya.
Napapansin ko naman na tahimik lang siya at walang ginagawa. Nakatulala lang siya sa kawalan.
Ilang oras lang siyang nakatingin doon sa pader habang ako ay nakatayo lang sa labas at tinitingnan siya.
Noong mapansin ko siyang gumalaw ay agad akong nagtago at sumilip ng kaunti sa may bintana.
Nakita ko siyang humiga sa kama at pagkatapos ay natulog.
Kalahating oras akong nakatayo doon upang tingnan siya at noong mapansin ko na hindi na siya kumikilos ay pumasok ako ng marahan sa kwarto niya.
Tiningnan ko ang kaniyang mukha na puno ng luha. Mahina akong napabuntong hininga sa nakita. Marahan ko siyang kinumutan noong makita kong bigla siyang gininaw.
"Hera." Natigilan ako sa pag-aayos ng kumot niya dahil sinabi niya.
Akala ko ay nagising na siya pero nagsalita lang pala siya habang natutulog.
"Mahal kong Hera." Ulit niya.
Hinawi ko ang buhok na tumatakip sa kaniyang mata. Mahaba na ang buhok niya. May balbas na ding tumutubo sa kaniyang mukha pero kahit ganoon ay mas lalo tuloy siyang guma-gwapo.
"Don't worry, Sir Hyron. Everything's gonna be alright." mahinang bulong ko sa kaniya habang tipid ko siyang nginingitian.
Wala siyang pagbabago. Tahimik parin siya at tulala na nakaupo sa kaniyang kama habang nakatingin sa may pader. Hindi na naman siya nagwawala pero mas nakakatakot dahil tahimik siya. Hindi ko alam kung ano ang mga bagay na pumapasok sa kaniyang isipan. Tatlong buwan na ang matuling na lumipas pero ganoon parin siya at malayo ang loob sa akin.
"What's your name again?" May kuryosidad na tanong niya sa akin.
Namilog ang aking mga mata dahil sa pagkabigla noong bigla niya akong tinawag. Ito ang unang pagkakataon na siya ang unang nagbukas ng topic sa aming dalawa.
"I'm Alexandra, Sir Hyron." pagpapakilala ko habang binibigyan siya ng malawak na ngiti.
Tiningnan niya lang ako ng seryoso at kasunod noon ay iniiwas niya sa akin ang kaniyang tingin.
"Pwede mo ba akong samahan sa garden?" mahinahong tanong niya sa akin.
Bigla akong natigilan sa paglapit sa kaniya noong narinig ko iyon. Gabi na at ipinagbabawal na ang lumabas sa kwarto tuwing alas-siyete ng gabi.
"Ha? Pwede naman po pero dapat ay bukas na lang ng umaga. Hindi na po kasi pwedeng lumabas ng ganitong oras eh." nakangiti na pagpapaliwanag ko sa kaniya.
Napansin kong lumungkot ang ekspresyon ng mukha niya noong marinig ang sinabi ko. Pati ako ay hindi ko maiwasang malungkot dahil hindi ko naibigay ang gusto niya.
"I want to see the stars." mahinahong sabi niya.
Lumapit ako sa may bintana at pagkatapos ay binuksan ko ito ng malawak. Kitang kita ang mga bituin sa labas ngunit may harang itong bakal para hindi makatalon sa bintana ang ibang pasyente.
"Pwede naman po sigurong sumilip ka na lang sa bintana. Makikita mo pa rin naman ang bituin." Suhestiyon ko sa kaniya.
Sinulyapan ko siya at nakita ko ang bahagyang pagkunot ng kaniyang noo. Nginitian ko siya ng malawak at pagkatapos ay kinuha ko ang wheelchair na nasa tabi ng kaniyang kama at inilapit ko ito sa kaniya.
Marahan ko siyang inalalayan sa pag-upo sa kaniyang wheelchair. Noong matapos siyang umupo ng maayos doon ay napansin kong tumingala siya sa akin. Napatingin ako ng deretso sa kaniya at hindi ko maiwasang mapasinghap ng mahina dahil sumalubong sa aking tingin ang kaniyang asul na mga mata.
"No. Gusto kong makita ng maayos ang lahat ng bituin sa labas" mariin niyang sabi sa akin.
Umiling ako at pagkatapos ay itinulak ko ang wheelchair palapit sa may bintana. Narinig ko siyang napamura dahil sa inis.
"Sir, hindi po kasi allowed magpalabas ng pasyente tuwing gabi. Baka po kasi mapagalitan ako." paliwanag ko.
Tiningnan ko ang aking wristwatch at nakita ko ang oras. Quarter to eight na pala at mamaya lang alas-otso ng gabi ay uuwi na ako.
"Please, kung ayaw mo akong magwala dito. Sundin mo ang gusto ko." may inis sa boses na sabi niya.
Bigla akong natigilan dahil sa kaniyang pagbabanta. Ayoko siyang magwala dahil sawa na akong mapaltok ng mga gamit na naaabot niya. Unan nga lang ang hindi nakakasakit pagtumama sa akin.
"Pero, Sir. Nasa policy po ng---" Pagsasalita ko na agad niyang pinutol.
"Do you want me to throw all the things that I see here on my room?" inis niyang pagbabanta.
Pinasadahan ko ng tingin ang lamesa na nasa tabi niya. Doon ko naipatong kanina ang mga bote ng gamot niya. Biglang nanlaki ang mata ko noong maisip ko ang posibilidad na ipaltok niya ito sa akin. Bote iyon at masakit ito pagtumama sa akin!
Agad kong hinawakan ang handle ng wheelchair at pagkatapos ay inilayo ko siya doon.
"No, Sir." mahinang sagot ko at pagkatapos ay natataranta na binitawan ko ang kaniyang wheelchair at tumakbo agad ako papunta sa telepono.
Idinial ko ang number ng office ni Ma'am Janine. Sigurado akong nasa office pa siya dahil mamaya pang eight ang out namin. Sumagot agad siya kaya mabilis akong nagsalita.
"Ma'am, gusto pong lumabas muna ni Sir Hyron upang magpahangin sa garden. Pwede po ba?" magalang na tanong ko.
"Ah talaga? Okay okay. Pwede naman basta alalayan mo lang siya." mabilis niyang pagpayag.
Ang inaasahan kong mahabang pakiusapan ay hindi nangyari. Akala ko ay hindi siya papayag pero okay agad sa kaniya iyon? Naguguluhan man ay agad akong nagpasalamat.
"Sige po, Ma'am." pagpapaalam ko.
Bakit ang bilis niyang pumayag? Hindi ba dapat ay magalit siya dahil nasa rules na bawal ang pabor na hinihingi ng pasyente ko.
"Let's go, Sir Hyron. Pumayag po si Ma'am." mahinang sabi ko habang binibigyan siya ng ngiwi.
Imbis na ngiti ang maibigay ko ay ngiwi ang lumabas sa akin.
Ang weird dahil nasa policy talaga ng ospital na ipinagbabawal ang paglabas ng pasyente tuwing gabi.
Dinala ko siya sa labas at pumunta agad kami sa garden. Napatingala siya at tinignan agad ang kalangitan. Habang si King Hyron ay sa langit nakatingin, ako naman ay sa kaniya nakatingin.
Napansin ko ang pagngiti niya habang tumitingin sa itim na kalangitan. Wala sa sariling napangiti na din ako dahil sa nakita. Sa ilang buwan na inaalagaan ko siya ay ngayon ko lang siya nakitang ngumiti.
"A starry night inspires us to reflect, dream, and hope for the future. Everytime I'm feeling lonely, I just stared at the star and It gives me hope." mahinang pahayag niya.
"Binibigyan ako ng bituin ng pag-asa na balang araw ay ako ang mamahalin niya, pero anong ginawa ng pag-asa na iyon? Dinala niya ako sa ikinasira ko." Pagpapatuloy niya.
Huwag ganoon. Hindi dapat niya isisi sa bituin ang nangyari sa kaniya.
"Sir King Hyron, sa bawat buhay ng tao may darating na pagsubok na talagang ikasisira ng isang tao." mahinang sabi ko habang nakatitig lang sa kaniya.
Sobrang gwapo talaga niya pero sayang siya. Sobrang sayang niya.
"Naranasan ko na ang ikinasira ko. Ang lubos na pagmamahal ang sumira ng buong pagkatao ko." biglang sabi niya sa akin.
Ang ngiti niya ay naglaho at napalitan ito ng lungkot. Unti-unti ding nawala ang ngiti sa aking labi.
"Sir Hyron, Maaring nasira ka ngayon pero alam kong dadating ang panahon na babangon kang muli at mabubuo katulad ng dati." paliwanag ko sa kaniya.
Tiningnan niya ako kaya napalunok agad ako dahil nahuli niya akong nakatingin sa kaniya. Natatarantang umiwas ako sa kaniyang tingin.
"Madali lang sabihin iyan dahil wala ka sa sitwasyon ko. Paano ko bubuuin ang sarili ko kung ako mismo ang nagwasak nito?" Rinig kong sabi niya sa mahinang tono.
"Kung iniwan ka man ng girlfriend mo ay hayaan mo na at mag-move on ka na lang. Alam kong mabuti kang tao, Sir Hyron. Alam kong kahit papaano ay minahal ka parin ng babaeng nagngangalang Hera." pagpapagaan ko sa kalooban niya.
"Wala kang alam sa buhay ko. Mali ka sa sinasabi mo!" May inis na sabi niya.
"Hindi ko nga alam ang kwento ng buhay mo pero tutulungan kitang bumalik sa dati mong sarili." mahinang sabi ko at pagkatapos ay tiningnan ko siya. Binigyan ko siya ng malawak na ngiti.
Napansin kong natigilan siya ng bahagya. Umiwas siya ng tingin sa akin at muli niyang tiningnan ang mga bituin.
"Huwag kang mangako. Ayoko ng pangakong napapako din naman." mahinang sabi niya.
"Sir Hyron, Magtiwala ka sa akin. Tutulungan kitang gumaling." sambit ko sa kaniya.
Bigla siyang napatawa ng pagak sa aking sinabi sa kaniya.
"I fell in love with her insanely. Hanggang ngayon ay baliw na baliw ako. Sa tingin mo ba ay kaya mo akong tulungang gumaling mula sa pagmamahal na ikinasira ko?" Tanong niya. Nahalata ko ang panununuya niya sa kaniyang tono ng boses.
"May pag-asa pa para makabangong muli." sambit ko.
Panandalian siyang tumahimik at pagkatapos ay tiningnan niya ako ng seryoso ngunit kalaunan ay napansin kong ngumiti siya. Bigla akong napanganga dahil sa kalituhan sa inaasta niya.
"Hold my hand, Alexandra." mahinang sabi niya sa akin habang inilalahad niya ang kaniyang kamay
Kumunot ang noo ko dahil sa kaniyang sinabi. Naguguluhan na tiningnan ko ang kamay niyang nakalahad sa harapan ko.
"Sir, bakit po?" mahinang tanong ko.
Nginitian niya lang ako ngunit hindi naman niya sinagot ang tanong ko.
"Just hold my hand."
Wala sa sariling itinaas ko ang kamay ko upang ibigay ito sa kaniya. Nagtagpo ang aming mga kamay at noong lumapat ito ng tuluyan ay bigla kong naramdaman ang mahinang kuryente na dumaloy sa aking kamay patungo sa ibang parte ng aking katawan.
Tila parang bigla akong kiniliti sa sensasyon noong magtagpo ang aming kamay.
"Someone told me that hands are the mirror of our life." mahinang sabi niya.
Naalis ang tingin ko sa aming kamay na magkahawak at napatingin ako sa kaniyang mukha. Napansin kong tiningnan niya ang kamay ko habang nakangiti. Naramdaman kong iniharap niya sa kaniya ang aking palad at bahagya niya itong hinihimas.
"Nasa paligid lang siya. Nasa malapit lang siya." mahinang sabi niya kaya napakunot ang noo ko.
"Ano pong pinagsasasabi mo? Sino po ang tinutukoy mo?"
Sumilay sa kaniyang mukha ang ngiti at pagkatapos ay tiningnan niya ako ng diretso sa mata. Hindi ko alam ngunit noong magtama ang mga paningin namin ay biglang lumakas ang tibok ng puso ko.
"Ang lalaking nakatadhana sayo."
Bigla akong napasinghap at nanlaki ang mga mata ko. "Po? Paano niyo po nalaman?"
"Someone taught me how to read the lines in our palm. I know how to read your destiny." mahinang sabi niya.
"Malapit lang ang lalaking magmamahal sayo ng totoo." Pagpapatuloy na sabi niya habang tinitingnan muli ang palad ko.
"Hindi po ako naniniwala." mariin kong pagtanggi.
"Hindi mo mababasa sa palad ng isang tao ang tadhana niya." natatawa kong sabi sa kaniya at pagkatapos ay binawi ko ang kamay kong hawak niya. Hindi ako mapakali dahil sa kakaibang nararamdaman noong hawak niya ang kamay ko.
Umiling ako habang tinitingnan siyang umiiwas ng tingin sa akin. Hindi nakalampas sa aking paningin ang kalungkutan sa kaniyang mukha.
"Well, They said I'm crazy. Sino nga bang maniniwala sa isang baliw na tulad ko." mahinang sabi niya habang tinitingnan ang kalawakan.
--------
Oh right! First of all, charot english. Ayoko ng english kaya itatagalog ko na lang hahahaha
Totoo na po ito hahahaa hindi na april Fool's 😂😂
Una po sa lahat ay salamat po sa pagbabasa ng story ni King Hyron. Sana po ay suportahan niyo po ang story niya hanggang dulo. Maraming salamat po. Ingat po kayo lagi. Godbless po ♥️♥️♥️
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen3h.Co