Chapter Forty Eight
MIGS
Saskia had her back turned to me, her hair sprawled over the pillow. I laid next to her, letting the silence between us sit for a moment. It felt as though she was a world apart even while we were making love earlier. Instead of going home to the kids, we ended up going to the house we used to live in.
Here in this four wall enclosure, I worshiped every part of her body like it was my sacred duty. I wanted to kiss all the hurt away, I wanted to make love to her until she forgets all the bad I put her through. But I could tell that it was no use. She was responsive while we were making love but not as passionate as the love making we used to have.
"Saskia." I scooted closer to her, wrapping an arm around her waist. I kissed her neck and buried my face in it as I embraced her tighter. I breathed in her scent, wanting my sense to be filled with only her as if it would make us one again.
I hugged the tightest I could and showered her shoulders with little kisses. "I'm sorry, Saskia. I love you and I'm sorry for always hurting you. Alam kong hindi na maibabalik ng kahit ano'ng sorry sa mundo ang pagkakamaling nagawa ko but know that I've always loved you and you're the only woman I've ever loved like this."
"Hindi ko kailangan ng sorry mo. Kahit ngayon lang, magpakatotoo ka naman sa akin, Migs. Mahal mo lang ako kasi may anak tayo at gusto mo silang bigyan ng kumpletong pamilya."
"Ano bang kailangan kong gawin para maniwala ka?" I let out a deep sigh.
"Sagutin mo ang lahat ng tanong ko sa'yo. Gusto kong malaman kung bakit hindi mo kami hinanap. Nasaktan din naman ako nang mawala ang baby natin. Ilang buwan ko siyang dinala. Isang bagay lang ang ginusto ko noon, huwag kang umalis sa tabi ko habang nagluluksa ako pero tinaboy mo ako."
"I really thought you were just after the money. I was in a bad place when you left me. I lost our child and then you. I stopped going to work, I stopped fuctioning. I was only able to put my life back together when you gave Savi to me. She gave my life a whole new direction." My nose nuzzled against her smooth skin. "I did try to find you, Saskia. Did you really think you and Yuka both coincidentally got the college scholarship in Sto. Antonio?"
"A-ano'ng ibig mong sabihin?" She turned her head sideways to be able to face me.
"I've been paying for yours and Yuka's tuition since your very first year in college." I released another breath. She had worked hard for whatever she had achieved now and I'd hate for her to think otherwise. "Galit ako sa'yo noon. I thought you just dumped Savi on the door of my condo unit because you got what you wanted and you didn't want to deal with her anymore. Inisip ko ano'ng klase kang ina at nagawa mong iwan ang anak natin ng ganon na lang. I was clouded by my anger but I did try to find you. First I was clueless of how or where to find you. But we finally found the lead to where you could possibly be when your name showed up after you passed the national exam for an acceleration program."
"Ibig sabihin alam mong nasa Sto. Antonio kami?" Her brows furrowed.
"Yes, but that was all I bothered knowing. My biggest regret is that I didn't dig in further. By the time I reached you, it was already years since you left. Natatakot akong malaman kung ano ang naging buhay mo mula nang umalis ka. I was afraid I'd find out you're already with someone else and that you'd already built a family of your own. You were doing so well without us. Inisip kong baka okay na ang buhay mo na wala kami ni Savi and you didn't want us to be a part of your life anymore. So I just tried to help you in the way I knew how. I had a good university offer you and Yuka a scholarship. I'm sorry I gave up too soon."
Her shoulders began to shake and a sob escaped her throat.
"Saskia..." I kissed her tears away, feeling my eyes watering. "I shouldn't haven't given up on you."
"Alam mo palagi kong pinapangarap noon na isang araw bigla ka na lang kakatakot sa pinto ng bahay namin at magiging okay na ang lahat. Magkakasama tayo ni Savi at Tintin. Magiging isang buong pamilya tayo."
"We could've had that a long time ago. I was so stupid." I buried my face into her neck and tears welled up my eyes. "Patawarin mo ako, Saskia. I let my anger and doubts consume me. But believe me when I say I did love you and I still love you. Please, don't ever doubt that. "
"Ang sarap-sarap pakinggan, Migs..." She closed her eyes and more tears fell from her eyes. "Pero bakit hirap na hirap na akong paniwalaan?"
"Saskia..." I uttered as I felt every ounce of energy leaving my body.
"Daddy..." I heard giggles right in my ear. I was forced to open my eyes even though I was still groggy from sleep. Savi's face was leaning over mine and Tintin sat on the edge of the couch next to my side.
"My babies..." I smiled when I saw them and pulled them both into my arms. "Why are you girls up so early?"
"Bakit wala kayo kagabi ni Mommy? Saan kayo nagpunta?" Tintin asked, her bent elbows resting on my chest and her face over her palms.
"Um, hinintay ko ang Mommy niyo. Madami kasi siyang paperworks sa school kaya ginabi na kami ng uwi." I lied. Saskia and I had gone home past midnight. Tulog na ang mga tao nang makauwi kami dito sa apartment. "Where's Mommy, anyway?"
"She's still asleep. Lola Mammy said not to wake you two up but we've been waiting for hours and hours." Savi complained.
"I'm sorry, sweety." I kissed her on the forehead. "Mommy and I are just really tired became we came home late last night."
"Gumagagawa na daw kayo ng kapatid namin. Totoo ba yun?" Tintin's brows crumpled with curiosity. "Saan kayo gumagawa, Daddy? Pwedeng dalhin mo din kami ni Savi sa pagawaan ng mga kapatid? Ipapasok ba yun sa tiyan ni Mommy?"
"Can we choose if it's a boy or a girl?" Savi excitedly asked.
"No, sweety." I shook my head. We used protection last night. After the cling wrap incident, I'd bought a box of condom and since then I always bring a few rubbers with me. Especially when I know Saskia and I would have some time alone together. "Hindi pa kayo magkakaron ng kapatid. At least not in the near future."
"But we're ready to be Ate's. You said it's going to be like my baby dolls, didn't you?" My Savi cocked her head.
"I did but we have to wait until Mommy is ready for a baby. She still needs to finish college, right?" I asked.
"Mmhmm." Savi nodded her head.
"Eh bakit gawa kayo ng gawa, ayaw niyo naman pala magka-baby?" Tintin's brows furrowed deeper.
"Oh, sweety." That was all I could manage to say. "Hindi pa nga ako sinasagot ng Mommy niyo."
"Ang bagal mo naman kasi, Daddy. Siguro mas marami ng pogi points si Sir Neil." Tintin said.
"We have to get you more pogi points. You can do it, Daddy!" Savi cheered.
"That's why you have to help Daddy, okay?" I pinched both their button noses. "Gusto niyo bang maging daddy si Neil?"
"NO!" Savi immediately answered and she wrapped her arms around my torso. "You're the only Daddy I want."
"Gusto ko ikaw lang ang Daddy ko pero paano kapag mas maraming pogi points kaysa sa'yo si Sir Neil? Siya ba ang magiging syota ni Mommy?" Tintin's eyes widened with curiosity.
"If Sir Neil becomes Mommy's syota then Daddy won't be your daddy anymore." Savi's face fell in horror.
I was about to open my mouth to explain to her that that's not how it works when Tintin answered.
"Okay lang." Tintin shrugged.
Both my brows raised. "Okay lang sa'yo na hindi mo na ako maging daddy?"
"Syempre malulungkot ako sa una pero hindi naman ako mamamatay. Ngayon ko nga lang nalaman na may daddy ako pero okay naman ako. Nabuhay naman ako ng wala ka." She said.
Well, she had a point.
"Tintin..." I said, my eyes softening. If there was one thing I was truly glad she had from Saskia, it was her mother's resilience. Like Saskia, she may look soft on the outside but she was one tough cookie. "Hindi ka na iiwan ni Daddy, okay? Savi and I are always going to be here for you and Mommy."
"It's not okay! I want Tintin to stay my sister and Mommy to stay my mommy." The corner of Savi's lips tugged downwards and her eyes began to get glassy with tears. She hugged her twin tightly. "I don't want to leave them."
"Kaya nga dapat tulungan natin si Daddy na madagdagan ang pogi points."
SASKIA
"Neil..." Pinuntahan ko si Neil sa desk niya kung saan abala siya sa pagreresearch.
"O, Saskia." Mula sa screen ng computer ay tumingin siya sa akin at ngumiti. "May kailangan ka ba?"
"May gusto lang sana akong itanong." Umupo ako sa silya na nasa harap ng mesa niya.
"Ano yun? May problema ba?" Kumunot ang noo niya.
"Wala naman. Pero, Neil, yun bang scholarship namin ni Yuka sa Sto. Antonio alam mo ba kung sino ang nag-iisponsor sa amin?" Tanong ko.
"I have no idea, Saskia." Sagot niya sa akin at lalong lumalim ang kunot ng noo ni Neil. "Bakit naman tinatanong mo?"
"Yung pagpunta namin dito, talaga bang random lang ang pagpili mo sa akin na makakuha ng scholarship?" Tanong ko.
"Ang scholarship na nakuha mo dito ay funded ng isang private foundation. The foundation showed great interest in you and so did I. Alam kong seryoso ka sa pag-aaral mo at hindi masasayang ang scholarship sa'yo. Magandang opportunity din ang pagpunta mo dito, you'll be able to reach your full potential here at hindi ka na mahihirapan dahil may trabaho na agad na naghihintay sa'yo."
Tango lang ang naging sagot ko sa mga sinabi niya. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman ngayong nakumpira ko ngang si Migs ang nasa likod ng mga ito. Ang scholarship ko sa Sto. Antonio, ang monthly allowance na natatanggap namin sa scholarship kuno, ang pagpunta ko dito, pati ang trabaho ko sa unibersidad na ito.
"Mommy!" Nag-uunahan tumakbo papunta sa akin si Tintin at Savi mula sa kotse ni Migs.
"Baka madapa kayo." Nag-aalalang sabi ng ama nila na naglalakad palapit sa akin sa likod nila.
Yumakap sa akin ang mga bata at isa-isa ko silang binigyan ng halik sa tuktok ng ulo nila. "Ang bango talaga ng mga baby ko."
Nag-angat ang ulo ni Savi at ngumisi. "Mommy, Daddy wants to take us out for a date."
"Syempre hindi papayag si Daddy na mas maraming pogi points si Neil kaysa sa kanya." Sabi ni Tintin.
"Tintin." Saway ni Migs sa bata at tumingin sa akin. "That's not what I want. I just want to take you and my girls out. Shall we?"
"Daddy, kailangan hawakan mo kamay ni Mommy para sweet." Lumapit si Tintin sa ama niya at hinatak ito, pilit pinagdidikit ang mga kamay namin. "O, di ba? Happy family na tayo."
"Bongga!" Bumungisngis si Savi.
Pumihit ang ulo sa akin ni Migs at pinisil ang mga kamay ko na hawak niyo. Hawak ni Migs sa isa pang kamay niya si Tintin habang hawak ko naman sa kabila ng akin si Savi.
"Ano ba yan, Daddy? Paano ka makaka-pogi points niyan? Huwag mong daanin sa pagguwapuhan. Tanong mo kung kumusta ang araw niya." Sermon ni Tintin sa ama.
Nakita kong namula ang magkabilang pisngi ni Migs sa sinabi ng anak niya. "Ah, how was your day? Kumusta ang trabaho?"
Pinagdikit ko ang mga labi ko, pigil ang mga ngiti. "Okay naman. Medyo maraming nag-enroll ngayon kaya busy. Ikaw?"
"The girls and I had fun today. We went to the groceries to buy food for the house." Sabi ni Migs.
"Kumain kami sa McDo kanina ni Daddy." Kwento ni Tintin.
"Daddy bought a lot of food so we can have the all the My Little Pony toys that comes with it. We bought food for Ninang Jodie, Lola Mammy, Tita Yuka, and Tito Cosme!" Magiliw na ani Savi.
"Tapos naglaro kami doon sa puro bola tapos sa malambot na slide. Ang saya nga, eh!" Dagdag pa ni Tintin.
Pumasok ang kambal Inunahan ako ni Migs na magbukas ng pinto sa passenger's seat at mahinang nagpasalamat.
"Ang sweet ng Daddy ko, ano? Ikaw na ang may problema pag hindi mo pa yan sinagot." Sabi ni Tintin mula sa likod ko habang naglalakad si Migs papunta sa driver's side.
Napahilot na lang ako ng sentido sa sinabi ng anak ko at bumukas na ang pinto at pumasok si Migs. Makaraan ang ilang minuto ay tumigil na ang kotse ni Migs sa harap ng isang restaurant at doon kami kumain. Pagbalik namin sa kotse ay agad nakatulog sa likod ang dalawang bata.
"Mama and Dad are inviting us to their party this weekend." Sabi niya sa akin.
"Bakit? Ano'ng okasyon?"
"They wanted to fomally introduce Tintin to everyone. Welcome party na din nila sa kanya." Nakangiting sabi niya.
"Migs, ikaw rin ba ang dahilan kung bakit nandito kami sa Maynila ngayon? Sa'yo din ba galing ang scholarship na natanggap ko pati ang trabaho ko sa eskwelahan?"
Dahan-dahan tumango si Migs. "I've been trying to lure you here but you've always turned down the offer I have my people send to you. Naisip ko din na mas maganda kung mag-aaral ka sa kilalang eskwelahan, you'll be able to find a good job here after you graduate. And maybe, unconsciously, I was hoping that I'd be able to see you again. Patch things up with you, maging buong pamilya tayo ni Savi. But I never wanted to admit it to myself."
"Mula noon pala dumedepende pa rin kami sa'yo." Bumagsak ang mukha ko nang mapagtanto ko iyon.
"Don't think that." Hinawakan niya ang kamay ko habang nasa manibela ng kotse ang isa pa. "Saskia, I want you to know that you've earned everything you have now. Pinaghirapan mo ito. I've provided the opportunity but you did everything by yourself. You raised our daughter, you were doing good in school, at binubuhay mo ang pamilya mo. I know even without me, you'd do great in life."
"Hindi ko alam kung dapat ba akong magpasalamat sa'yo o ano."
"You have nothing to thank me for. Kulang na kulang pa iyon kumpara sa sakit na ibinigay ko sa'yo. I wasn't bu your side while you were pregnant with our twins, wala ako noong nanganak ka, wala akong habang pinapalaki mo ang kambal natin. I should've been there, Saskia, but I wasn't." Nanginginig ang boses niya dahil sa luhang nagbabadyang tumulo sa mga mata niya. Dinala niya sa mga labi niya ang kamay ko at hinalika ito. "I promise, from this day on, you won't have to do anything alone anymore. Bigyan mo lang ako ng pagkakataon na makabawi sa'yo at sa mga anak natin. Mahal na mahal kita, kayo ng mga bata."
Nakaayos na ang mga bata para sa party na pupuntahan namin. Suot ko ang magandang dress na iniwan sa akin ni Migs bago siya umalis kaninang umaga. Mukha talagang mamahalin ito. Babalikan niya daw kami para sunduin.
"Ayan na si Daddy." Sabi ni Tintin habang nakadungaw sa bintana. Nakasuot siya ng pula na dress at nakatali ang alon-alon na buhok niya.
"I'm ready." Lumabas si Yuka na puno ng koloreta sa mukha at akala mo reyna elena sa flores de mayo ang get up.
"Ano'ng nangyari sa mukha mo?" Tanong ni Tintin nang makita ang tiyahin niyang OA manamit ang mag-ayos.
"Bakit? Naiingit ka na naman sa kagandahan ko?" Tumaas ang kilay niya.
"Sabi ni Jodie ang tunay na maganda hindi ginagawang coloring book ang mukha."
"Sabi ni Jodie pag hindi ka tumahimik tse-tsenilasin ko yang bunganga mo." Inis na balik ni Yuka sa anak ko.
"Tumigil na nga kayong dalawa. Ikaw, Yuka, pati bata pinapatulan mo." Saway ni Mammy.
"Subukan mong tsinelasin ang bunganga ng Tintin ko, tignan ko lang kung papasukin ka pa ni Migs sa mansyon niya." Umeksena naman si Ninang na mala-Lady Gaga ang outfitan.
"I think you're very pretty, Tita Yuka." Ngumiti si Savi sa kanya. Nakasuout din ito ng parehong dress na katulad kay Tintin pero asul naman ang sa kanya.
"Ang sweet naman ng baby namin. Kaya ikaw ang ang favorite na pamangkin ko." Niyakap ni Yuka si Savi at dumila kay Tintin.
"Feeling mo naman ikaw ang favorite na Tita ko." Hindi nagpatalo ang isa pang maldita. Natural na talaga sa dalawa ang magbangayan na parang aso at puso. Pareho kasing maldita ang magtiyahin at hindi nagpapatalo. Hanggang salita lang naman yan si Yuka pero alam kong mahal na mahal niya ang pamangkin niya.
Bumukas ang pinto at pumasok si Migs na naka-tuxedo. Amoy na amoy ang mamahaling pabango niya, hindi ito masakit sa ilong o matapang katulad ng ibang pabango ng mga lalaki. Nakahawi ang mala-ginto niyang buhok at ang guwapo-guwapo niya.
"Good evening po. Is everyone ready?" May malawak na ngiti sa labi niya nang sumungaw ang ulo niya sa pinto.
"Ready na kami, Daddy!" Tumakbo si Tintin papunta sa ama at sinalo siya ni Migs sa mga bisig nito.
"Look at us, Daddy. We're pretty!" Umikot-ikot si Savi sa harap ng ama.
"Of course, you are. You're my princesses." Hinalikan niya ang dalawa bago tumingin sa akin. Mula sa pagkakaluhod ay unti-unti siyang tumayo. Hindi niya hiniwalay ang tingin niya sa akin, pakiramdam ko ako na ang dyosa ng kagandahan kung titigan niya ako. "You're stunning, Saskia."
"Salamat." Naramdaman ko ang pag-init ng magkabilang pisngi ko.
Lumapit sa akin si Migs at inilahad ang braso niya sa akin. "Shall we?"
Tumango ako at ikinawit ang bisig sa braso niya.
"Aba! Dinaig niyo pa ang Brangelina sa pormahan." Nakangising sabi ni Ninang habang nakatingin sa amin.
Natawa si Migs sa biro ni Ninang. Sabay-sabay kaming sumakay sa limo na naghihintay sa amin sa labas. Syempre naka-isang album na si Yuka sa facebook nasa kotse pa lang kami. Bawat sulok ng limo may picture siya pati nga ang bote ng champagne idinidikit niya sa mukha niya at nagseselfie.
Nakarating na kami sa mansyon ng mga Cordova makalipas ang ilang minuto. Agad kaming binati ni Ma'am Cassie at Sir Phoenix pagbaba pa lang namin ng kotse.
"You look beautiful, Saskia." Bumeso sa akin si Ma'am Cassie.
"Thank you po, Ma'am. Kayo din po, ang ganda-ganda niyo." Sabi ko sa kanya. Hindi mo makikitaan ng kahit isang kulubot sa mukha si Ma'am Cassie, parang kapatid nga lang ni Migs ito.
"You're lovely, hija." Sabi sa akin ni Sir Phoenix at tumingin sa kambal. "As lovely as my granddaughters."
"Mama Cassie, Papa Nick!" Lumapit ang dalawa sa Lolo at Lola nila at humalik. Binati din ni Sir Phoenix at Ma'am Cassie ang pamilya ko at inimbitahan kami sa loob kung saan nandoon ang kasiyahan.
Pakiramdam ko sobrang out of place ko at ng pamilya ko sa kasiyahan na iyon. Napapalibutan kami ng mga Alta. Kinakabahan pa nga ako nang una akong tumapak sa hardin ng bahay nila kung saan ginaganap ang party. Siguro'y naramdaman ni Migs iyon kaya hindi niya ako binitiwan.
Isa-isa niya akong pinakilala sa mga taong nasa kasiyahan at lahat naman sila ay mainit ang pagtanggap sa akin at sa pamilya ko. Nahinto ako nang palapit kami sa isang mesa dahil namukhaan ko ang mga lalaking nakaupo doon. Iyon ang parehong mga lalaking sinayawan ko noong stag party ni Migs. Ang iba sa kanila ay kasama ang kani-kanilang pamilya.
"Migs, baka makilala nila ako." Mahinang bulong ko sa kanila.
"So what if they do?" Tanong niya.
"Ano na lang ang sasabihin nila?"
"Kung may mambastos sa'yo kahit isa sa kanila, I will be ready sock them in the face."
"Hindi ka ba nag-aalala sa sasabihin nila sa'yo? Baka pagtawanan ka nila kasi nagkaanak ka sa isang katulad ko." Parang gusto kong tumakbo na lang palabas ng bahay na iyon.
"Don't think lowly of yourself. I am proud of the woman you've become, Saskia. I am proud that you are right next to me and you are the mother of my children." Hinalikan ni Migs ang gilid ng noo ko.
Parang may paru-parong nagsiliparin sa tiyan ko. Ang sarap pala ng pakiramdam na hindi ka kinahihiya at hindi ka itinatago.
Binati naman kami ng mga kaibigan ni Migs. Pinakilala niya ang mga ito sa akin at pinakilala naman niya ako sa kanila. Naging magalang naman sila sa akin at walang nagbanggit ng kahit ano tungkol sa stag party.
Maya-maya pa ay may lumapit kay Migs na coordinator at binulungan siya. Kinuha niya ang mga anak namin na bentang-benta sa mga bisita sa kasiyahan. Tuwang-tuwa si Ma'am Cassie at Sir Phoenix kay Tintin ganon din ang mga kaibigan nila. Pati ang Ninong Rome ni Migs na kalahi ni Ninang Jodie ay hindi mabitaw-bitawan ang dalawa.
Dinala niya kami sa may gitna ng kasiyahan kung saan nandoon ang mic. Natigil ang pagtugtog ng musika at namatay ang mga ilaw. Isang ilaw lang ang bukas at iyon ay ang naka-focus sa amin.
"Ladies and gentlemen, can I have your attention please." Sabi ni Migs sa mikropono.
Agad naman nabaling ang atensyon ng mga tao sa amin.
"I remember being in this same situation when I was a kid. Never in my imagination have I ever thought that I'd play the role of my father years later." Tumawa siya ng bahagya at nakangiting tumango si Sir Phoenix sa amin at itinaas ang hawak niyang baso. "First of all, I hope everyone is having a great night tonight. Thank you for coming here on such short notice. I would like to take this opportunity to finally introduce my daughter, Bettina Miquel Flores Cordova."
Inilahad ni Migs ang kamay niya kay Tintin at kinuha naman niya ang kamay ng ama. Kumaway si Tintin sa mga tao, yung kaway na pang pageant na itinuro sa kanya ni Ninang Jodie. Nagpalakpakan ang mga tao at na cutean ang mga bisita sa ginawa niyang pagkaway at pag flying kiss sa mga ito.
"I know some of you are still baffled here. Savina and Bettina look alike because they are twins. I have recently just found out about Tintin's existence. They're as beautiful as their mother, aren't they?" Tumingin sa akin si Migs at ngumiti.
Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko para pigilan ang sarili ko sa pagngiti.
"What had happened is a long story so I won't go into it anymore. All I can say is that my daughter's a wonderful and intelligent little girl. Tintin is a ray of sunshine. She brought us a new kind of happiness when she came into our lives. I thought I know a lot of things but she teaches me something you new everyday. These three girls are my reason to live. They are my life now and I wish you'd welcome them into your lives and hearts just as warmly as you welcomed me and Savi in them." Migs' eyes watered as he spoke. Hinawakan niya ang kamay ko. "I would also like to thank my princesses' mother, Saskia Joyce Flores, for giving me an angel son, our Baby Migs, and two beautiful daughters. Alam kong marami akong naging kasalanan sa'yo, Saskia, marami akong naging pagkukulang. But at least I have a lifetime to make it up to you and our little girl."
Hinalikan ni Migs ang likod ng mga kamay ko. "I'm not going to rush you into anything. We'll take it slow, day by day. But I want to ask you one question tonight." Binitawan niya ang kamay ko at may kinuha mula sa bulsa niya. Napasinghap ang mga tao nang makita ang isang maliit na box. Kinuha niya ang singsing at isinuot sa daliri ko. Nagniningning ang malaking bato ng diyamanteng nasa centro ng singsing. "This is a promise ring, Saskia. A promise to you that my heart is yours and I will be faithful to you and you alone. Saskia Joyce Flores, will you be my girlfriend?"
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen3h.Co