Truyen3h.Co

Lipstick Lullaby

Chapter Forty Five

RainbowColoredMind

SASKIA

"Hindi na tayo pwedeng magsama nang hindi din kasama ang kambal." Malamig ang tonong sabi ko sa kanya nang makalabas kami sa kotse niya. 

"Bakit?" Tanong ni Migs. Nakasunod siya sa akin at ilang hakbang lang ang layo.

"Kasi-- kasi hindi tama." Dahilan ko.

"Hindi tamang sinusundo kita pero pag si Neil ang naghahatid sa'yo okay lang?" May halong hinanakit sa boses niya. "Ina ka ng mga anak ko at... at nililigawan kita. Ano'ng masama sa ginagawa ko?"

Nanliligaw daw pero kung makasisid ka sa akin kanina daig mo pa ang scuba diver. 

"Huwag ka ngang magmaang-maangan. Alam mo ang ibig kong sabihin. Tuwing tayo lang ang magkasama palaging may nangyayari." Hindi ko magawang tumingin sa kanya dahil sigurado akong namumula na ang magkabilang pisngi ko habang bumabalik sa isip ko ang nangyari kanina.

Naramdaman ko ang paghawak niya sa kamay ko at pilit niya akong hinarap sa kanya bago ko pa mahawakan ang sendura ng pinto papasok sa bahay. May pilyong ningning ang naglalaro sa mga mata niya nang magtama ang mga mata namin. "Bakit hindi ka maka-hindi sa akin? If you don't want me, just say no and I won't force myself on you."

Napalunok ako nang bumaba ang mga matang iyon sa labi ko. Humakbang ako paurong sa kanya hanggang sa naramdaman ko na lang ang likod ko na lumapat sa matigas na dingding. Ikinulong niya ako sa pagitan ng mga bisig niya at para bang gusto kong matunaw habang nakatingin ang mga mata niya sa akin. 

"Tell me you didn't like what I did to you and I will stop." Mababa ang boses na sabi niya at yumuko siya hanggang sa ilang dipa na lang ang layo ng mukha niya sa akin. Ramdam ko ang init nang hininga niya sa mukha at hindi ko mapigilan ang mapasinghap nang ilapat niya ang katawan niya sa katawan ko. Halos mabaliw ako sa pinaghalong natural na amoy niya at ng paborito niyang pabango. 

"Migs..." Pumiyok ang boses ko nang malanghap ang hininga niya. Muling bumalik sa isip ko ang ginawa niya sa akin kani-kanina lang. In fairness, wala naman hindi kaaya-ayang amoy. Mabango pa rin naman. 

"Tell me the truth, Saskia. May nararamdaman ka pa ba sa akin o wala na?" Nag-iba ang tono ng boses niya na tila ba nagmamakaawa. "Bakit hindi mo ako matanggihan? Is it just the sex?"

"Ibabalik ko ang tanong mo sa'yo? Is it just sex?" Pagkatapos nun ay nagpakawala ako ng malalim na hininga. Winner! Naitawid ko ng maayos ang english na yun. 

"You know it's more than that, Saskia." Lumambot ang ekspresyon sa mukha niya at naging malumanay ang boses niya. Umangat ang isang kamay niya para haplusin ang mukha ko. "Saskia, no one have ever made me feel the way you make me feel. No woman ever came close to you in anyway. I may not have realized it until after you left but God, I had always loved you. The first time I saw you dancing at my bachelor's party, somehow, something inside me knew that it was supposed to be you..."

Parang tumalon ang puso ko mula sa dibdib ko sa sinabi niyang iyon na parang iyon ang unang beses na sinabi niya sa akin iyon. Hindi pa rin ako makapaniwala. Sinabi niya na sa akin iyon pagkatapos namin mag-anuhan pero iba pa rin ang epekto nito ngayon nasa huwisyo na ang utak niya ang hindi  lang dahil nasarapan siya. Nagtalo ang isip ko kung dapat ba akong maniwala sa narinig ko o dapat bang patuloy kong proktektahan ang puso ko mula sa kanya.

"I know we started out wrong but can't we make it right this time?" Parang nanghihinang isinubsob niya ang ulo niya sa leeg ko. "Please, give me a chance to prove myself to you. Gusto kong bumawi sa lahat ng kasalanan at maling nagawa ko sa'yo at sa mga anak natin. I can't lose you again, Saskia. I don't want to."

"Mommy, Daddy, ano'ng ginagawa niyo diyan?" Parehong pumihit ang ulo sa direksyon kung saan nagaling ang maliit at matinis na boses na iyon. Nakadungaw sa may pinto ang kambal. Nakangisi si Tintin habang nakatingin sa amin at humagikgik naman si Savi. 

"Mommy and Daddy are kissing." Narinig kong sabi ni Savi.

"Eh di mabubuntis na niyan si Mommy kasi nag-kiss at nagyayakapan na sila." Sabi ni Tintin.

"What's mabubuntis?" Kumunot ang noo ni Savi sa kambal niya.

Naramdaman ko ang pag-alog ng balikat ni Migs sa mahina niyang pagtawa habang nakalapat pa rin ang katawan sa akin. Nag-iwan siya ng isang dampi ng halik sa balikat ko bago kinuha ang kamay ko at lumapit sa dalawa. 

"Ano'ng pinag-uusapan niyo, ha?" Nakangiting tanong ni Migs.

"Tintin said mabubuntis. What's that, Daddy?" Patuloy na tanong niya.

"Magkakaron ng baby sa tiyan si Mommy tapos lalaki yung tiyan niya na parang lobo. Ganon kaya nangyari sa kapitbahay namin. Nabuntis siya kasi nakipaghalikan sa isa pa namin kapitbahay sabi ni Jodie." Paliwanag ni Tintin.

"Tintin, hindi ako mabubuntis." Sabi ko naman sa kanya. "Saka hindi naman kami naghahalikan ng Daddy niyo."

"You girls." Natatawang napailing si Migs at sandaling binitawan ang kamay ko para buhatin sa magkabilang bisig niya ang kambal namin. "What are you doing, bakit sinisilip niyo ang ginagawa namin ng Mommy niyo?"

"Eh narinig ko lang naman yung kotse mo tapos di pa rin kayo pumapasok kaya sumilip kami sa labas." Sagot ni Tintin.

"Mabubuntis ba si Mommy?" Lumabi si Savi. "I don't want Mommy's tummy to grow like a balloon. What if it pops?"

"Pag malaking-malaki na ang tiyan niya pupunta na siya sa center tapos pagbalik nila may baby na silang dala. Di ba ganon yun, Mommy?" Tumingin sa akin si Tintin. "Pero pag walang pera pangbayad sa center, pwede din tawagin na lang yung kapitbahay namin sa Sto. Antonio na si Aling Mona kasi siya yung nagtutulak nang baby palabas sa tiyan. Pwede naman daw utang sa kanya, sabi ni Lola Mommy naka-five gives nga sila. Yun kaya ang naglabas sa akin sa tiyan ni Mommy."

"Sa inyong dalawa ni Savi. Magkasabay kayong ipinanganak." Sabi naman ni Migs. 

"I don't want you to have another baby." Umiling si Savi. "I just want it to be me and Tintin."

"Savi, hindi naman tayo magkakaron ng baby. Kayo lang ni Tintin ang baby namin." Paliwanag ko sa kanya at hinaplos ang mahaba at mala-ginto niyang buhok bago ko siya hinalikan.

"Hindi pa sa ngayon." Sabi naman ni Migs. "Maybe in the future. Savi, don't you want a baby sibling? It'll be just like those baby dolls Mama Cassie buys for you. You'll help Mommy take care of the baby and feed it with a bottle."

Agad pumitik ang mga mata ko sa gawi ni Migs at pinandilatan ko siya. Pilyong ngiti lang ang isinagot niya sa akin.

"Mmm..." Nag-isip si Savi sandali. "Well, okay. But not now."

"Not now." Sabi ni Migs. 

"Hindi nga sabi magkakaron ng baby dahil hindi naman ako buntis." Sabi ko.

"Saka na pag sinagot mo na ang Daddy ko at mag-jowa na kayo." Muling naglalaro ang pilyang ngisi sa mga labi ni Tintin. 

Napabuntong-hininga na lang ako sa mga salitang lumalabas sa bibig ng anak ko. Bakit ba kasi napabayaan kong si Ninang at Mammy ang mag-alaga kay Tintin. Bakit hindi na lang kay Cosme ko pinagkatiwala habang pumapasok ako sa trabaho at eskwelahan?


"Napapansin ko bantay-sarado yang ama ng kambal mo sa'yo nitong mga nakaraang araw. Hatid-sundo ka sa trabaho at alam mo bang natataranta at aligaga na yan sa tuwing magsusundo sa'yo. Dalawang oras bago ka sunduin nakaayos na ang kambal." Sabi ni Ninang nang tumabi siya sa akin sa may bintana at humigop ng kape. Pareho namin pinanood ang mag-aama na naglalaro ng piko, ang mga mala-ginto nilang buhok ay lalong tumingkad sa sikat ng araw na tumatama sa kanila.

Ginawa naman ni Migs ang pakiusap ko sa kanya na sa tuwing magsasama kami kailangan kasama din namin ang kambal dahil ayaw kong magbiglang liko na naman kami pag kami na lang dalawa. Wala akong  tiwala sa sarili ko kapag kami lang dalawa ang magkasama. Hinahatid niya ako sa umaga kasama ang kambal at ang mag-aama din ang una kong natatanaw sa tuwing lumalabas ako sa building ng eskwelahan. Kumakain kami sa labas pag sinusundo nila ako, dinala rin namin si Tintin at Savi sa ihawan kung saan ko siya dinala noon. Namamasyal-masyal kami. At araw-araw may pa-flower ang gago. Pakiramdam ko tuloy para akong matimtimang birhen kung tratuhin niya ako. 

"Ninang, sabi niya mahal niya ako." Napanguya ako sa pang-ibabang labi ko. "Hindi pagkatapos namin mag-ano, ha. Sabi niya bigyan ko daw siya ng isang pagkakataon na patunayan ang sarili niya sa akin."

"Yun naman pala, Ate. Go for the gold!" Singit ni Yuka.

"Nakikita ko na naman yang peso sign sa mata mo Yuka. Hindi ka na ambisyosa, uhaw ka na." Sabi ni Ninang.

"Nagiging praktikal lang ako, Ninang, ano ka ba? Pag si Kuya Migs ang nakatuluyan ni Ate, kahit pa yata sa susunod na buhay nila mayaman pa rin sila. Nabasa ko sa internet ang networth ng mga Cordova, 32.6 billion. At huwag ka, hindi pesos yun, dollars. Trilyon na siguro yun sa pesos. Bale, apat silang magkakapatid hindi ba? Apat silang maghahati-hati doon, 32.6 billion divided by 4?" Sandaling nag-isip si Yuka.

"Eight billion one-fifty million dollars, Ate." Agad na sagot ni Cosme.

"O, mayaman pa rin siya nun, Ate. Magkano rin yun sa peso."

"Four hundred seven billion, five hundred million pesos." Sabi ni Cosme na para bang may automatic calculator sa utak niya.

"Bakit ba pinakikialaman mo ang kayamanan ng mga Cordova? Ano naman ang kinalaman ng Ate mo dun?" Tanong ni Mammy.

"Pag nagpakasal sila, si Ate at ang kambal din ang makikinabang dun."

"Wala akong interes sa pera niya. Isaksak niya pa sa baga niya yun." Napailing na lang ako. At muling nanumbalik sa isip ko ang nangyari nang gabing nalaman niya ang tungkol sa pagkawala ni Baby Migs. At kasabay nun ay muli din nanumbalik ang nanunuot na sakit sa dibdib ko. "Pagkatapos ng lahat ng nangyari, dapat ko pa ba siyang bigyang ng pagkakataon?"

"Ano ba ang nararamdaman mo para sa kanya? Mahal mo pa rin ba?" Tanong ni Ninang.

"Hindi naman mawawala yun. Siya pa rin ang ama ng mga anak ko." Sabi ko.

"Kung ano ang nasa puso mo, sundin mo. Alam mo, Saskia, tatlong beses akong nagmahal at nabigo pero hindi ko pinagsisisihan na sinunod ko ang puso ko. Kahit naman kasi hindi ko nakatuluyan ang mga ama niyo nina Yuka at Cosme, kayo naman ang naging magandang bunga nito. Mahirap kalabanin ang puso, anak."

"At ang pukelya." Humagikgik si Ninang. "Hay nako, Saskia. Nakikita ko naman na nag-eeffort si Migs. Hindi ako makapaniwalang sinasabi ko ito pero konti na lang makukuha na niya ang loob ko. Kahit halos gawin ko na siyang boy dito sa bahay at sungit-sungitan ko yan, kiber lang sa kanya. Deadma na lang sa kanya dahil gusto niyang makasama ka at ang mga bata. Biruin mo, CEO sa kumpanya nila tapos dito utusan lang." 

"Ikaw naman kasi, Ninang, huwag ka naman masyadong hard kay Migs." Tumulis ang nguso ko.

"Medyo hindi na nga ngayon pero deserve niya rin iyon, no. Okay na din naman ako kay Migs, pantay na sila ngayon ni Neil." Sabi ni Ninang. Bigla kong naisip si Neil. Hindi na siya nagpakita sa akin mula nang gabing tangkain niya akong halikan. Nagtext siya sa akin kinabukasan nun at sinabi niyang nahihiya siya sa ginawa niya at sinabi ko naman na wala na sa akin iyon. "Ikaw ba, Sasha, boto ka na d'yan sa manugang mong hilaw?"

"Wala naman akong problema kay Migs. Mabait siya sa atin, mabuti siyang ama sa kambal, at kung mahal niya si Saskia at mahal din siya ng anak ko, wala naman akong magagawa kung hindi suportahan sila. May anak na rin naman sila." Sabi ni Mammy. 

"Si Kuya Migs na din ang nakalakihan ko, Ate. Naaalala ko noong bata pa ako at nakatira siya sa atin, siya ang tumutulong sa mga assignments at projects ko. Ngayon tinutulungan niya akong mag-review para makapasok ako sa magandang college." Sabi ni Cosme. 

"Majority wins. Boto kaming lahat kay Kuya Migs." Masayang sabi ni Yuka. "Bigyan mo naman ng chance si Kuya Migs, nag-eeffort naman talaga siya."

"Mommy!" Nag-uunahan na tumakbo ang kambal sa loob ng bahay, parehong pawisan ang dalawa. 

Huminto ang dalawa sa harap ko at yumuko ako para halikan sila sa buhok. Pulang-pula ang pisngi ng dalawa dahil siguro sa nababad sa araw at sa kalalaro at hingal na hingal. "Uminom nga muna kayo ng tubig, tirik na tirik ang araw naglalaro kayo sa labas. Baka naman hikain ka niyan, Savi. Sabi ng Daddy mo may hika ka daw."

"She rarely gets asthma attack nowadays and I always bring an emergency inhaler just in case." Sabi ni Migs na ngayo'y nakatayo na sa harap ko. 

"Hindi ba ngayon yung araw na pupunta tayo sa bahay nina Daddy? Sabi mo doon tayo pag wala kang pasok, nag-pramis ka sa akin." Paalala ni Tintin.

"Naka-ready na ang mga gamit ko, Ate." Sabi ni Yuka.

"I want to show her my toys and my Barbie house and cars." Excited na sabi ni Savi.

"Tumawag ako kanina sa bahay. I asked them to have the rooms ready for us." Sabi ni Migs.

"Honeymoon agad?" Tumaas ang kilay ni Ninang.

"Ang ibig kong sabihin ang mga kwartong gagamitin niyo sa bahay." Napatikhim na lang si Migs.

"Ah, linawin mo kasi." Tumango-tango naman ang malditang bakla.


"Wow, ang laki ng bahay niyo Daddy!" Sabi ni Tintin paglabas pa lang ng kotse. Syempre, hindi mawawala ang picture-taking ng pamilya ko sa may fountain sa harap ng main entrance ng bahay ni Migs. 

"This is your house, too." Lumuhod si Migs para magpantay sila ni Tintin at hinawi ang ilang hibla ng buhok na nakatabing sa mukha nito. "Lahat ng pag mamay-ari ko, lahat ng meron ako ay pag-mamayari mo, ni Savi, at nang Mommy niyo." Tumingin siya sa akin at parang gusto kong matunaw sa paraan ng pagtitig niya. "Kasama na dun ang puso at buong pagkatao ko. Lahat ng ito ay walang halaga kung wala kayo. Palagi mong tatandaan 'yan."

"Narinig mo yun, Mommy? Kasama ka." Malawak ang ngiting sabi ni Tintin nang lumingon sa akin. "Nagpapa-pogi points sa'yo ang Daddy ko."

"Ilan bang point yun?" Mahinang tumawa si Migs.

"Isa lang." Sagot ni Tintin.

Naramdaman ko na lang na nag-init ang magkabilang pisngi ko. Mabuti na lang at hinatak ako ni Savi papasok sa kanila para ipakilala sa Yaya niya. 

"Nana Rita, Yaya Terry, this is my Mommy!" Palundag-lundag na lumapit si Savi sa dalawang babaeng nag-aabang sa may pinto. Isa ay may edad na at isa naman ay mukhang medyo bata pa. 

"Na miss ka namin." Sinalubong nila nang yakap si Savi bago itinuon ang pansin sa akin. "Hello po, Ma'am. Good afternoon."

"Saskia na lang po." Binigyan ko sila ng malawak na ngiti. 

"Ako nga po pala si Terry. Ako ang pinaka-Yaya talaga ni Savi. Nako, na mana pala talaga ni Savi ang ganda niya sa inyo." Sabi ng mukhang mas batang babae.

"Mas na mana niya ang itsura niya kay Migs." Sabi ko.

"Pero nakikita ko rin kita sa mukha ni Savi, Ma'am." Sabi naman ng may edad na babae. "Ako nga pala si Rita, Yaya na ako ni Miggy bata pa lang siya. Nag-aalaga din ako kay Savi, kaming dalawa nitong anak ko, pero mas hawak ko ngayon ang pamamahala sa mga kasambahay dito. Ako ang mayordoma, kung baga."

"Ganon po ba? Eh di ang tagal niyo na po pala dito." Sabi ko. 

Nakita ko naman na maayos ang pag-aalaga nila kay Savi dahil malambing ang anak ko sa kanila. Pumasok si Migs na hawak sa kamay si Tintin at napaawang ang bibig ng dalawa nang makita ito.

"Magkamukhang-magkamukha nga talaga kayo." Sabi ni Nana Rita habang nagpalit-palit ang tingin sa dalawang batang nakatayo ngayon sa harap nila.

"Nana Rita, Yaya Terry, I'm going to hide behind Daddy and you have to guess who's Tintin and I when we come out, okay?" Pilyang sabi ni Savi bago hinatak ang kambal papunta sa likod ni Migs at ilang sandali lang ay muli silang lumapit sa babae.

Pareho silang humahagikgik habang nagpalit-palit ang tingin sa kanila nang dalawang babae. Magkapareho din kasi sila ng suot na damit, sila ang pumili nun nang ilabas kami ni Migs para ipag-shopping si Tintin nang laruan at ilang damit.

Kapag matagal mong nakasama ang dalawang, madali mo nang malalaman kung sino ang sino sa kanila. Matangkad nang konti si Tintin kaysa kay Savi, mas maliit ang mukha ni Savi kumpara kay Tintin, mas matambok ang pisngi din nito, mas malawak ang pagitan ng mga mata ni Tintin kaysa kay Savi at mas maliit ang ilong niya. Mga maliliit na detalyeng hindi mo agad mapapansin kung hindi mo tititigan mabuti. Malalaman lang talaga ng mga tao kung sino ang sino kapag nagsalita na sila. Malambot at malumanay ang boses ni Savi, mana sa Mama Cassie niya ang Mama ni Migs, at kabaligtaran naman iyon sa balahurang bibig ng kambal niya na na mana ang bunganga kay Ninang.

"Oh, you naughty little girls. Pasasakitin niyo pa ang ulo ni Nana Rita sa kakahula kung sino kayo." Natatawang napailing na lang si Migs. 

"Sirit na?" Ngumisi si Savi, madali naman natutunan nito ang lenggwahe ng kambal niya. "I'm Savi and this is my twin sister, Tintin."

"Ako po si Bettina Miquel Flores." Pumamewang si Tintin at inilagay ang kamay sa baywang na para bang model. 

"Bettina Miquel Flores-Cordova. You're a Cordova, sweety." Hinalikan ni Migs ang tuktok nang ulo ng anak niya. 

"Ang dami ko naman pangalan, Daddy." Napakamot sa ulo si Tintin.

"Why do I only have two? I'm just Savina Cordova!" Sabi naman ni Savi.

"You're not just Savina Cordova, you're my Savina Cordova. And you're also a Flores like your twin sister. Your full name is Savina Flores-Cordova." Malambing na sabi ni Migs sa anak namin.

Mukha naman na kuntento na si Savina sa sinabi ni Migs sa kanya at ngumiti ito. Nang magsi-pasukan na ang pamilya ko ay isa-isa din pinakilala ni Savina ang mga ito sa mga tao sa bahay. Umingay ang tahimik na bahay sa eskandalosong bibig ni Mammy, Yuka, at syempre ni Ninang sabayan pa ni Tintin. Inikot din kami ni Migs sa bahay niya at pinakita ang kwartong tutuluyan namin. 

Nang makita ni Tintin ang swimming pool mula sa terrace sa kwarto ng ama niya ay kumaripas ito pababa at pumunta agad sa swimming pool.

"Halika na, Savi!" Excited niyang hinatak ang kambal niya papunta sa pool.

"Mag-swimming tayo?" Tanong naman ni Savi.

"Hindi, mangingisda tayo." Sarkastikong sagot ni Tintin. 

"Wala naman kaming isda diyan sa pool. Daddy, do we have fishes in our pool?" Tumingin si Savi sa ama niya.

"Hay nako, Savi. Huwag kasi puro ganda. Syempre, ano bang gagawin natin diyan? Magsiswimming tayo." Sinapian na naman ang anak ko ng ligaw na kaluluwa ni Ninang Jodie. 

"Ikaw talagang bata ka, yang bibig mo, ha! Huwag ka nang ganyan sa kapatid mo." Pinagalitan ko siya.

"Let's get you two changed into your swimsuits and then we'll take a swim in the pool." Dinampot ni Migs ang dalawang bata at inakyat namin sila sa kwarto kung saan namin sila binihisan ng pang-swimming. 

Maya-maya pa ay nagtatampisaw na si Migs at ang kambal. Hindi nagtagal ay sumama na din si Cosme at Yuka sa pool habang walang awat pa rin si Yuka sa pagpapapicture habang naka-two piece siyang kulay ginto. Dahil sa init ng panahon at sa pagpipilit ng mga anak ko, naligo na din ako sa pool. Buti na lang at may dalang extra bikini si Yuka at iyon ang isinuot ko. Medyo maliit nga lang sa akin dahil mas malaki ang dibdib at balakang ko kumpara kay Yuka. Infairness naman, kahit dalawang beses na akong nagbuntis at umiri na ako ng kambal wala naman naiwan bakas iyon sa akin. Wala kahit isang bakas ng kamot sa tiyan ko at bumalik naman sa dating size ang baywang ko noong dancer pa ako.

Napako ang tingin sa akin ni Migs habang maingat akong bumababa sa tubig ng swimming pool. Ang haba na naman ng hair ko. Nagkunwari akong hindi napansin iyon at lumangoy ako sa tubig. Nakapasan si Tintin sa likod ng ama niya dahil hindi ito marunong lumangoy habang si Savi naman ay walang tigil kakaikot sa pool. Sabi ni Migs baby pa lang nang mag-simulang magswimming lesson si Savi. Natatakot daw kasi si Sir Phoenix noon dahil may pool sa bahay na binili ni Migs at may bata. Baka daw pag natuto na si Savi maglakad ay malingat sila at dumiretso ito sa pool nang walang nakakakita ay malunod ito. Isa pa, malaking tulong din ang pag langoy sa hika niya. 

"Punta tayo kay Mommy!" Narinig kong sabi ni Tintin kay Migs at unti-unti siyang lumapit sa akin habang nakadikit sa likod niya ang anak namin.

"Look, Mommy! I can swim!" Tuwang-tuwa si Savi na nagtampisaw sa tubig habang nakikipaglaro ito kay Yuka at Cosme.

"Be careful. You might get cramps. Don't swim in the deep too much." Paalala ni Migs. 

Habang abala ako sa panonood kay Savi na nagpapabalik-balik mula kay Yuka papunta kay Cosme ay naramdaman ko ang isang pares na kamay na humawak sa magkabilang baywang ko. Nag-angat ako ng tingin at ngumiti si Migs sa akin. 

"Hey, enjoying the water?" Tanong niya sa akin.

"O-oo naman." Napakurap ako.

"Mommy, lalangoy ako sa'yo." Masayang sabi ni Tintin.

"You think you can do it?" Kinuha ni Migs mula sa likod niya si Tintin at kinalong sa bisig niya. "Kaya mo bang lumangoy papunta kay Mommy?"

"Konti. Basta huwag malayo." Sagot naman ni Tintin bago ikinulong sa dalawang maliit na palad niya ang mukha ng ama niya. "Daddy, hindi ka na tumitingin sa akin. Naseseksihan ka kay Mommy, ano?"

"Tintin, puputulan na talaga kita ng dila." Sumimangot ako.

"I do find your Mommy sexy." Natatawang sabi ni Migs kay Tintin. "And beautiful, too."

"Ewan ko sa'yo." Sinabuyan ko siya ng tubig at napatili si Tintin.

"Daddy, basain mo din siya. Binasa niya tayo!" Sabi ni Tintin sa ama habang hinihilamos ang palad sa mukha.

At sinunod naman ni Migs ang sinabi ng sutil na anak niya hanggang sa pareho na namin sinasabuyan ng tubig ang isa't-isa. Hindi ko napigilan matawa habang ginagawa namin, pakiramdam ko bumalik ako sa pagkabata.

"I want to join, too!" Lumangoy si Savi papunta sa akin at sinabuyan niya ang ama niya at ang kambal niya ng tubig. 

Pagkatapos nun ay nag-aya si Yuka na maglaro kami taya-tayaan sa tubig pero hindi makakasali si Tintin at ayaw niyang pumasan lang sa Daddy niya habang naglalaro kami kaya tagu-taguan na lang ang nilaro namin. Si Migs ang taya at naghiwa-hiwalay kami sa malaking hardin na iyon at nagtago ako sa likod ng mayabong na halaman. Maya-maya at hindi ko na alam kung saan napunta ang iba pa. Maya-maya pa ay narinig ko ang lagaslas ng mga halaman at sumilip ang ulo ko para silipin kung sino iyon. 

Napasinghap ako nang maramdaman kong may yumakap sa akin mula sa likod ko.

"Gotcha." Natatawang bulong sa akin ni Migs. 

"Migs..." Humarap ako sa kanya at agad din humiwalay ng tingin sa kanya. Naka-two piece lang ako at nasa liblib na parte kami ng hardin at alam kong mahalikan lang ako ni Migs nawawala na ako sa ulirat. 

"You look like you've seen a ghost." May kumawalang mahinang tawa mula sa mga labi niya bago bumaba ang mga mata niya sa katawan ko. "Are you really trying to drive me crazy, Saskia?"

"B-bakit?" 

"You in that skimpy bikini." Hinawakan niya ang baywang ko. "I made a promise to myself that I wouldn't touch you. Gusto kong patunayan sa'yo na malinis ang intensyon ko. We're going to do this whole courting thing the old-fashion way but damn, you're making it hard for me. Really hard."

Halikan mo na lang kasi ako. Sigaw ng isang banda ng isip ko.

"Even if it takes me a whole lifetime, I will prove my love for you. I want to take back every pain I've caused you because you didn't deserve it, Saskia. God, you didn't deserve it." Ikinulong niya sa mga palad niya ang mukha ko at hinalikan ako sa noo at kinabig sa kanya. "I'm sorry, Saskia. It's times like this I feel like I don't deserve you. Maybe I really don't. Kung magiging totoo ako sa sarili ko, sasabihin kong Neil deserves you better. He's a decent man compared to me. But I don't want to let you go. I can never let you go again. To lose you again will be the death of me."

Nag-angat ako ng tingin sa kanya at hindi ko napigilan ang sarili ko na mag-iwan ng halik sa panga niya. Babae lang ako. Marupok. Mabilis bumigay sa matatamis na salita ng lalaking matagal kong minahal.

Nagbaba siya ng tingin sa akin at sumilay ang matamis na ngiti na umabot hanggang sa mata niya. 

"H-halika na, baka hinahanap na tayo ng mga bata." Aya ko sa kanya nang muling nanumbalik ang katinuan ko. 

"Ibig sabihin ba ng halik na iyon malaki ang pag-asa kong sagutin mo ko?" May naglalarong pilyong ngiti sa mga labi niya.

"Hay nako, Migs. Huwag mo akong daanin sa pagpapa-cute mong  yan." Inirapan ko siya. Konti na lang ay madadala na ako. 

Lumabas na kami mula sa liblib na halamanan at narinig na namin ang maiingay na boses ng pamilya ko na nanggaling sa loob ng bahay. Agad naman kaming pumasok doon at abala na sa pagkain ang mga ito. 

"Ang tagal mo naman maghanap, Daddy. Nagutom na kami kaya pumasok na kami dito." Sabi ni Tintin sa pagitan ng pagnguya ng sandwich na kinakain niya.

"Ang bilis ah. Buti hindi kayo nabitin." Bungad ni Ninang.

"Ninang, talaga." Naiiling na lang na sabi ko.

"Mommy, do you want to take a bite?" Inalok sa akin ni Savi ang sandwich niya at kumagat naman ako doon.

"Nag-handa ako ng pimiento sandwich. Pinakialaman ko na ang kusina mo, Migs." Sabi ni Mammy.

"Sure, I want you all to feel at home. Consider this as your home too, Tita." Malawak ang ngiting sabi niya.

Lumapit ang isa sa mga kasambahay nila. "Sir Migs, si Ma'am Hazel po tumawag kanina. Ilang beses na nga po siyang tumawag nitong linggo, eh di ba palagi kayong wala. Kailangan niyo daw mag-usap. Tawagan niyo daw po siya kapag hindi kayo busy."

Parang nahulog ang puso ko nang marinig ko ang pamilyar na pangalan na iyon. 

"I want to talk to Tita Hazel. I miss her so much!" Matamis ang ngiti ni Savi.

"I will. Thank you, Gloria." Magalang na sabi niya rito.

Kung anu-anong tanong ang naglalaro sa isip ko na wala naman akong karapatan tanungin sa kanya. Ano na ba ang relasyon nila ngayon ni Hazel? May namamagitan pa rin ba sa kanila? Ano ang naging papel niya sa buhay ng anak namin ni Migs noong mga panahon na wala ako sa tabi niya?

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen3h.Co