Truyen3h.Co

Lipstick Lullaby

Chapter Forty

RainbowColoredMind

MIGS

I hardly had any sleep last night. I couldn't find a comfortable position, my whole body was aching and the flies were swarming around me like I was a tasty treat to them. I took a quick shower early in the morning and thought of making breakfast for the whole family while everyone was still asleep. I ran to the wet market nearby and bought us food to eat and went back to cook it.

"Migs..." Narinig ko ang boses ni Saskia mula sa likod ko. "Ano'ng ginagawa mo d'yan?"

"I'm just trying to cook breakfast for you and your family." I said.

"Ako na d'yan." She offered.

"No, I want to cook for everyone. You'll love what I'm going to make."

"Nagluluto ka na ngayon?" She leaned against the table.

"Yes, ma'am. I learned a lot when Savina came into my life. I had to learn how to make food for my daughter, how to fix her hair, how to dress her up, how to fit PTA meetings into my schedule." I chuckled.

"Alam mo, Migs, siguro nga marami akong pwedeng masabi sa'yo bilang lalaki pero wala akong masasabing masama sa'yo bilang ama ng anak natin. Hindi mo talaga pinabayaan si Savina. Nakikita kong maganda ang pagpapalaki mo sa kanya." Sabi niya.

"Thank you." I couldn't help but smile. "I just want nothing but the best for our daughter."

"Anim na buwan lang siya noong ibinigay ko siya sa'yo. Ngayon anim na taon na siya." I could sense the sadness in her voice even though she tried to mask it. "Hindi ko siya nakitang lumaki. Wala ako sa tabi niya para gabayan siya. Masama ba akong ina, Migs?"

"No..." I shook my head. I paused and looked at her. "You did what you had to do, Saskia. I understand you now more than I did before. Nakikita ko sa'yo si Mama. She had to leave Coco and Audrey behind for me when I was a child. Naaalala ko tuwing pasko at tuwing birthday ng kambal, tinatago man niya sa akin iyon pero alam kong palagi niyang iniiyakan si Coco at Audrey. I... I was really convinced you were just after the money and that you were using our child. And that you wanted nothing to do with Savina that's why you left her."

I felt ashamed at my own confession, at myself for thinking so lowly of Saskia. 

"Hindi namin kita masisisi. Eh bago mo ako ibinahay, dancer lang naman ako sa pipistuging club. Ganyan naman tingin ng mga tao sa akin noon. Mababaw. Mababa ang lipad. Anak ng pokpok at future pokpok." She let out a deep sigh.

"Don't say that." I shook my head, my eyes softening as I looked at her. "You are the mother of my twins, you understand? You're a wonderful woman and you raised Tintin to be the smart girl she is now."

She swallowed and then looked away from me. "O s'ya, pagtuunan mo na lang ng pansin yang niluluto mo. Baka masunog pa yan. Maliligo lang muna ako para paggising ng kambal pakakainin ko na lang sila."

I nodded my head and went back to cooking. I cooked omelette, bacon, and pancake for the kids. As I was putting the plate on the table, Saskia got out of the bathroom with nothing but a towel around her. My eyes couldn't help but graze over her body. Her curves had only blossomed with time and childbirth. Realizing what I was doing, I lifted my eyes back up to her face.

"Biglang nawalan ng tubig sa banyo." She said with a frown.

"Bakit?" I asked.

"Ganito talaga dito. Bigla-biglang nawawalan ng tubig. Sandali nga lang, mag-iigib ako." She said.

"Saan ka mag-iigib?" I curiously asked.

"Doon pa sa poso sa labas."

"Lalabas kang naka-ganyan?" My eyes lowered to her body.

"H-hindi, syempre! Magdadamit ulit ako." She answered.

"Ako na lang ang mag-iigib. Nasaan ba banda ang poso?"

"Sigurado ka?" 

"Of course. Magbibihis ka pa niyan. Hintayin mo na lang ako dito." I smiled.

"O sige. Kunin ko lang yung timba sa banyo." She said before going back into the bathroom and she came out with an empty pail. 

She handed it to me and I headed out. Nakita ko agad ang poso dahil marami nang nakapilang tao doon na may dala ng kani-kanilang timba. I started lining up and then it was finally my turn. I did as the others were doing, I pumped the water out of it and filled the bucket with water. Then I carried it back to Saskia's apartment.

"Salamat, Migs." She said as I carried the bucket of water in. Pumasok ako sa banyo at doon nilapag ang isang timbang tubig. I turned to exit the bathroom but I didn't know Saskia was standing there. Maliit lang ang banyo. Having two people in the bathroom was enough to crowd it. Surprised, she stepped to the right almost at the same time I did. Her eyes lowered and we she stepped to her left to give me room to pass but I also moved almost at the same time she did. 

"Ay, kabayong bakla!" The towel wrapped around her suddenly dropped to the ground. 

I stood there, my eyes grazing lower at her naked body. Suddenly, the temperature seemed to have risen inside the room. Her breasts were fuller than they used to be, her waist smaller, and her hips wider. I bent down to pickup the towel from the floor after the initial shock. I tried to look away from her body but I couldn't. It was a work of art. My head leveled to her crotch when I bent down and I couldn't help but gaze at the dark trimmed triangle between her thighs. Lalong uminit, I could feel sweats coming out of my pores. I picked up the towel from the ground and handed it to her. 

"S-salamat..." Her cheeks were flushed as she looked away, taking the towel from my hand. 

It was as if the animal inside me had been unleashed when I pushed her to the wall and began kissing her. It took a second or two before she began to respond and her arms wrapped around my neck. I pressed my body against her nakedness. In the past six years, no woman had aroused me like she had. Even with cloth on, I could still feel the heat her body radiated. She had the softest lips I had ever kissed and her mouth tasted of cherry. 

My hand cupped her bosom, her back arching as if offering her body to me. Her breast filled my hand, overflowing from my hold as I squeezed it. 

"Saskia? Daddy?" It was as if a cold water had been thrown at us when I heard a tiny voice. We pulled away from the kiss and I covered Saskia's naked body with a towel.

"T-tintin..." Saskia's voice shook as she clutched the towel tightly around her body. 

"Ano'ng ginagawa niyong dalawa?" Her brows furrowed.

"Wala..." Saskia answered. "Tinutulungan lang ako ng daddy mo."

"Weh? Nakita ko kayo eh. Nakahubad ka tapos-"

"Shh..." Saskia hurried to our daughter and covered her mouth. "Huwag mong sasabihin yan sa Lola Mammy o kay Ninang, ha? Secret lang natin ito. T-tinutulungan lang ako ng daddy mo na... na maligo."

She pulled her mother's hand down. "Bakit naman kasi pinapaliguan ka pa ni daddy? Ang laki-laki mo na."

"Kasi hindi maabot ng mama mo yung dumi sa likod niya." I answered.

"Eh bakit nakaharap?"

"Shh... basta huwag mo na lang sasabihin kahit kanino na nakita mo kami ng daddy mo dito sa banyo, okay?" Sabi ni Saskia.

"Sige na nga, naiihi na ko eh." She urgently said.

"O, umihi ka na." Saskia guided her to the toilet.

I left the two in the bathroom and went out, feeling the sweats on my forehead trailing down my neck. I sat in the living room, trying to calm myself down. Who knew what could've been happening right now had Tintin never caught us. I raked my fingers through my hair.

"Daddy..." I heard Savi's sweet voice. 

I looked up and saw her walking towards me, rubbing her eyes with her fists. I held my hand out to her. "Hey, honey. Good morning."

"Where's Mommy and Tintin?" She asked, sitting on my lap. 

"They're in the bathroom." I said, kissing the side of her head. "You want something to eat? I made pancakes?"

"Mmhm!" She nodded her head. 

I carried her to the dining table and put her down the chair. I put down a plate of pancake on the table and the door to the bathroom opened. Saskia and Tintin walked out of it.

"Saskia, gutom na ko..." Tintin complained.

"Lika dito. Pakakain ko kayong dalawa ni Savi." I told her.

"Good morning, Mommy!" Savi smiled, waving at her mother.

Lumapit si Saskia sa bata at hinalikan ito sa noo. "Good morning. Ang sarap naman kumain ng baby ko."

"Gusto mo, Mommy?" Tumusok siya ng pancake gamit ang tinidor and then she offered it to her mother. 

Saskia opened her mouth and took a bite. "Yum! Ang sarap naman."

Saskia lifted her gaze up and our eyes met. She blushed as she looked away, as if she'd seen the images that kept replaying in my mind. Tintin hopped towards us and sat next to Savi. She went back into the bathroom and I fed my two daughters, trying to get her and what had happened just minutes ago out of my mind.


SASKIA

"Maganda palang nandito si Migs, may boy na tayo." Natatawang sabi ni Ninang habang pinanonood si Migs na magbuhat ng dalawang balde ng tubig. Kanina pa kasi walang tubig kaya siya ang nag-iigib ng tubig na ipanliligo namin. Mula sa akin, kay Mammy, hanggang kina Ninang ay siya ang nag-igib ng tubig. Kanina pa nga tumatagaktak ang pawis niya kakabalik-balik at halos lumawit na ang dila. Medyo naaawa na nga ako. 

"Ikaw naman, Ninang. Ang init ng dugo mo sa tatay ng mga anak ko." Sabi ko sakanya.

"Dapat lang, no? Pagkatapos ng mga pinagdaanan mo dahil sa kagaguhan niya. Kulang pa yan." Nagmaldita na naman ang bakla. "Shamrock, dalian mo. Init na init na ako, o. Gusto ko ng maligo."

"Ano'ng shamrock, Ninang?" Kunot ang noong tanong ko.

"Alipin." Sagot ng bakla. "Kung dati, siya ang pinagsisilbihan nating. Ngayon hindi na pwede yan. Siya ang nakikisama sa atin."

"Grabe ka talaga!" Sumimangot ako.

Ipinasok ni Migs ang timba sa banyo at nang lumabas siya ay doon naman pumasok si Ninang.

"Napagod ka ba? Pasensya na, ha? Ganito kasi talaga dito. Madalas nawawalan ng tubig." Sabi ko, halos hindi pa rin makatingin ng diretso sa kanya dahil sa nangyari kanina. 

"It's nothing." Kibit-balikat na sabi niya. "Okay lang bang lumabas tayo mamaya? Gusto ko sanang ipasyal si Savi at Tintin and have dinner with my family."

"S-sige, aayusan ko lang ang kambal." Naiilang na tumalikod ako sa kanya.

"Saskia..." Bigla niya akong hinawakan sa kamay. "Saskia, about what happened earlier..."

"Kalimutan mo na yun." Binawi ko ang kamay ko mula sa pagkakahawak niya at nagmamadaling pumunta sa kwarto kung nasaan ang kambal.


Ipinasyal ni Migs ang mga bata at buong pamilya ko. Binili ng bagong damit si Tintin, mga laruan, at hindi din nagpahuli si Yuka. Feeling niya anak din siya ni Migs kung makapabili ng mga damit. Ang sarap kurutin sa singit.

Pinaglaro namin ang mga bata sa arcade bago nag-aya si Migs na pumunta sa bahay ng mga magulang niya. Malaki ang bahay ng mga Cordova. Hindi ko akalain na may ganito pala sa totoong buhay. Dati kasi hanggang sa pelikula ko lang nakikita ito.

"Wow! Cosme dali, picturan mo ko dito sa harap ng bahay. Para maupload ko sa facebook. Maiingit sa akin yung mga kaklase ko sa Sto. Antonio." Sabi ni Yuka habang natatarantang inabot kay Cosme ang iPhone niya. 

Sumunod naman kami kay Migs habang karga niya si Tintin at hawak ko naman ang kamay ni Savi.

"This is my Mama Cassie and Papa Nick's house." Ani Savi.

"Very, very big ha." Namamanghang sabi ko.

"We only stay here on the weekends. May house din kami ni Daddy, kasama namin si Nana Rita saka si Yaya Terry, they take care of me when Daddy's at work. But most of the time when Daddy's at work, I'm with Mama Cassie and Papa Nick. Dinadala ako dito nina Nana Rita." Sabi niya. 

"Mabait naman ba ang mga nag-aalaga sa'yo? Inaalagan ka ba nilang mabuti?" 

"Yes, Mommy. Nana Rita used to be Daddy's Yaya when he was young and Yaya Terry is her daughter. Just like you and me. They're really nice to me and they love me." Sagot niya.

"Saskia, nice to see you again." Isang pamilyar na mukha ng babae ang bumati sa akin. Iyon ang Mama ni Migs. Nagkakilala na kami noon sa restaurant noong ipinagbubuntis ko pa lang si Baby Migs at naging mabuti naman ang pakikitungo nila sa amin kahit na alam nilang ikakasal na si Migs noon at nabuntis lang ako dahil nakaano ko siya noong sumayaw ako sa stag party niya. Hindi nila ako minaliit kahit mayaman sila. Walang teleserye moments. Mula nga nang makilala niya kami, palaging sinasabi ni Migs na madalas akong kumustahin ng Mama niya sa kanya at ang lagay ng bata.

"Hi po, ma'am." Nahihiyang sabi ko.

"Mama Cassie, this is my Mommy and Lola Mammy and Ninang Jodie." Pakilala ni Savina sa amin. "But Tito Cosme is still taking pictures of Tita Yuka outside. You'll meet them later."

"Nagpipiktyur si Yuka kasi gusto niyang may malagay sa fb niya saka mainggit sa kanya yung mga kaibigan niya sa Sto. Antonio. Nagpapainggit pa siya eh wala nga siyang pambili ng damit. Sa daddy ko pa siya nagpapabili." Sabi ni Tintin.

"Shh! Ikaw talaga hindi maawat yang bibig mo!" Pinandilatan ko siya

"Balae, parang hindi ka tumanda! So beautiful pa rin." Nakipagsabayan sa pagiging sosyalera ang Mammy at lumapit sa Mama ni Migs. Nagbeso-beso pa siya. "Nagpapabotox ka, ano? Nagaganon din ako noong nagjajapan pa ako. Banat pa rin ang mukha mo at para lang kayong magkapatid ng anak. O baka nagpabanat ka ng mukha."

"Mammy!" Pati ang nanay ko kailangan kong sawayin sa kadalahiraan ng bibig.

"I just take good care of my skin." Nakangiting sabi ni Ma'am Cassie. "Everyone's eager to see the twins together. Halika nga dito, Savi, Tintin. Give Mama Cassie a hug."

Agad naman sumunod ang kambal at niyakap ang Mama ni Migs. Hinalikan niya ang dalawa sa noo bago tinignan ito na para bang hindi makapaniwala sa nakikita. "You are both beautiful. Naaalala ko sa inyo si Audrey noong bata pa siya."

"Mama Cassie, ang daming biniling laruan sa akin ni Daddy saka mga damit." Kwento ni Tintin. 

"And we also play at the arcade! I won lots of tickets." Tuwang-tuwang sabi ni Savi.

"Tignan natin yang mga toys, damit, at tickets niyo mamaya. Everyone's waiting for you two. Gusto na nilang makita kayong magkasamang dalawa." Malumanay na sabi nito.

Sumunod kami kay Ma'am Cassie papasok sa loob. Dinala niya kami sa kwartong may malaking mesa at maraming upuan. Naghihintay na sa amin ang pamilya ni Migs.

"Saskia..." Ang Daddy naman ni Migs ang bumati sa akin. Pumulupot ang bisig niya sa asawa. "How are you?"

"Okay naman po, sir." Sagot ko.

"Hi, Saskia. Ikaw pala ang Mommy ni Savi at Tintin" Isang magandang babae na halos kamukha ng mga anak ko ang lumapit sa akin. "We're so glad to finally see you."

"Saskia, this is my younger sister, Coco's twin, Audrey." Pakilala ni Migs. 

Niyakap niya ako at bineso.

"This is Savi and Tintin's grandmother, Lola Mammy, and their Ninang Jodie." Pinakilala niya din sina Mammy.

"Nice to meet you." Nakangiting sabi ni Audrey sa kanila.

"Saskia! I never thought I'd see you again!" May malapad na ngiting sabi ni Coco habang lumalapit sa akin hawak ang kamay ng isang babaeng pamilyar ang mukha. Hindi ko maalala kung saan pero nakita ko na siya.

"Uy! Coco!" Ngumiti din ako sa kanya. "Kumusta ka na?"

"Life's good. I'm now married with two kids. This is my wife, Anais. Alam mo bang pinagseselosan ka niyan dati." Hitak niya sa tabi niya ang asawa at ipinulupot ang bisig sa baywang nito.

"Coco!" Parang nahihiyang sabi niya. 

"Yan na, ha? Malilinis ko na ang pangalan ko. Kay Kuya yan, hindi sa akin. Alam mo naman na ikaw lang ang babae sa buhay ko. I was a virgin when you had me." Hinalikan niya gilid ng noo ng asawa.

"Puro ka kalokohan, Coco. May mga bisita tayo, Nicholas." Sabi ng Mama nila. 

"Hi, Saskia. We've actually me before. Ako ang pumunta sa dating tinitirhan niyo with my friends. If you still remember, we went there for a survey." 

Kumunot ang noo ko, pilit inaalala kung ano ang sinasabi niya.

"Ay natatandaan kita, kayo yung magagandang babaeng nagtatanong ng kung anu-ano." Sabi ni Ninang.

"Ba't ka naman magsusurvey doon?" Tanong ni Coco.

"Kasi nga akala ko babae mo siya." Sagot ni Anais. 

"Kita niyo kung gaano ako kamahal ng misis ko." Tuwang-tuwa naman si Coco. 

"Corny talaga ni Kuya." Sabi ng isa pang babaeng palapit sa akin. Maganda din ang babae. Parang pinabatang Ma'am Cassie lang. "Hi, Saskia! Ako nga pala si Ronnie."

"Bunso namin." Pakilala ni Migs. 

"Ay! Ate, di ba ikaw yung viral na babae sa internet? Yung may picture na kita yung suso! Selfie tayo!" Biglang lumitaw si Yuka sa kung saan at tinutok ang cellphone niya sa babae. 

Ang sarap hatakin ng dila ni Yuka at ipulupot sa leeg niya. Napahilot ako sa sentido ko. 

"May fan na pala ako." Natatawang sabi ni Ronnie.

"Di ba, Ate, hinawakan pa nga ni Wyatt Lazaro yung dyoga mo? Grabe yun, Ate! Nagtrending kayo sa twitter." Dagdag pa ni Yuka habang pinipicturan ang sarili kasama si Ronnie.

Napansin ko ang biglang pag-asim ng mukha ng daddy ni Migs. "See what you've done, Ronnie. That's what you'll be known for for the rest of your life."

"Tanggapin mo na ang katotohanan na may pornstar kang anak, Dad." Sabi ni Coco. 

"Ipinaglaban ko ang paniniwala ko at hindi ko pagsisisihan yun." Umirap si Ronnie.

"Yan bibig mo, Nicholas ha. That's your sister your talking about." Sabi naman ng tatay ni Migs.

"Alam niyo kumain na lang tayo. Baka kung saan pa mapunta ang usapan na ito. Nasaan na ang mga bata?" Lumingon sa paligid si Ma'am Cassie.

"Naglalaro na sa salas ang mga bata, balae." Sagot naman ni Mammy.


Tuwang-tuwa ang buong pamilya ni Migs nang makita nilang magkasama si Tintin at Savi, hindi sila makapaniwalang may kambal nga si Savina. Naging mainit naman ang pagtanggap nila sa dalawa. Kumakain kami ng hapunan na pinaghanda pa talaga ni Ma'am Cassie at Audrey para sa amin. Walang ginawa si Yuka kung hindi picturan ang bawat sulok ng bahay at pati na ang mga pagkain na nakahatag sa harap namin.

"Triplets pala yung anak mo. Hindi kasi sila magkakamukha kaya hindi halata." Sabi ko habang nakatingin sa mga anak ni Audrey na abala sa pagkain.

"They're fraternal triplets. Hindi katulad nina Savi at Tintin na identical kaya magkamukha ang dalawa. Si Arthur naman, siya yung Kuya ng tatlo." Sagot niya. 

"Parang hindi ko pa nakikita ang Daddy nila." Pansin ko.

"Patay na kasi." Sagot naman ni Ronnie. "Car accident."

"Ah ganon ba? Sorry, ha?" Hingi ko ng tawad.

Isang tango at matipid na ngiti lang ang isinagot ni Audrey.

"Ang aga naman na biyuda ng beauty mo, neng." Sabi ni Ninang. "Wala kang jowa?"

"Wala. I just want to focus on my kids. Apat na lalaki ang pinalalaki ko. It's not an easy task. Wala na akong panahon para sa ibang lalaki pa." Bahagyang natawa si Audrey.

"Kasi naman, Ate, bakit hindi mo bigyan ng chance si Darwin, yung lawyer na nanliligaw sa'yo? O hindi kaya si Thomas? O malay mo si Soren na pala ang para sa'yo, di ba?" Nakangising sabi ni Ronnie.

Sumimangot si Audrey. "Kinikilabutan talaga ako sa mga sinasabi mo, Ronnie. Tigilan mo na ngang kaaasar sa akin kay Soren. Siguro ikaw ang may gusto dun." 

"Hindi, no! Alam niyo, napapansin ko ang pattern sa pamilya. Si Mama, naging single mom. Si Kuya Coco, hindi muna sila kinasal ni Ate Anais. Si Kuya Migs, naging single dad din. May sumpa yata itong pamilya na ito. Pag ako naging single mom, aalagaan niyo din ba ang anak ko, Ma, Dad?" Tanong ni Ronnie.

"No." Agad na sagot ni sir Phoenix. "I'll leave you to fend for yourself and your child's. We have enough kids in the house." 

"Si Kuya Coco, inalagaan niyo ang anak. Si Ate Audrey, inalagaan niyo din ang mga anak. Pati kay Kuya Migs pero pag sa akin hindi? May favoritism talaga kayo. Alam niyo malapit na talaga akong maniwalang ampon lang ako." 

"Hindi ka naman ampon, Ronnie. Kapatid ka namin. Ikaw lang yun hiniling ni Dad na sana ipinutok niya na lang sa ibabaw ng tiyan ni Mama." Humalakhak si Coco.

Sumimangot si Ronnie at binato ng maliit na butil ng pagkain ang kapatid. 

"Coco naman." Siniko ni Anais ang asawa. "May mga bata dito."

"Hindi pa naman nila maiintindihan yun." Sagot niya.

"Nicholas, nanay mo ang pinag-uusapan dito. Do not disrespect your mother like that." Sabi ni sir Phoenix.

Naningkit ang mga mata ni Ma'am Cassie habang nakatingin kay Coco. "That is completely uncalled for, Nicholas. Nasa harap tayo ng hapag kainan at nandito ang mga anak at pamangkin mo."

"Okay, I'll shut up." Tinaas niya nag dalawang kamay na parang sumusuko. 

"Magkakababy ka na din ba Tita Ronnie? Si Saskia kasi buntis na." Sabi ni Tintin.

Lahat sila napatingin sa akin. Kumunot ang noo ni Migs habang nakatitig din sa akin.

"Ate, buntis ka?" Gulat na tanong ni Yuka.

"Hindi, ah! Ikaw talagang bata ka! Kung anu-anong lumalabas sa bibig mo. Paano mo naman naisip na buntis ako?!" Nanlalaki ang mga matang tanong ko.

"Hindi ba, Jodie, sabi mo pag hinalikan ng lalaki ang babae, mabubuntis siya? Kanina kaya nahuli kong naghahalikan at nagyayakapan si Daddy saka si Saskia."

"M-mali yung nakita mo." Mahinang sabi ko.

"Tama kaya! Nakahubad ka pa nga tapos tinakpan lang ni Daddy nung pumasok ako." Tumulis ang nguso ni Tintin.

"Tintin..." Malumanay na saway ni Migs sa anak bago bumaba sa bata. "Akala ko ba secret lang natin yun?"

"Hindi ko naman sinabing nakita ko sa banyo. Sabi ko nakita ko lang." Dahilan niya. 

Napapikit na lang si Migs at napamasahe sa ulo niya. 

"Sabi na nga ba, may milagrong nangyayari sa bahay." Gigil na bulong sa akin ni Ninang.


Buhat-buhat ni Migs ang dalawang bata sa pagkabilang bisig papasok sa maliit na bahay namin. Lupaypay ang dalawa sa pagod at tulog na tulog ang mga ito. Napagod ng husto ang kambal sa ilang oras na pakikipaglaro sa mga pinsan nila. Ipinasok ni Migs sa kwarto si Savina at Tintin at nang akmang susunod ako ay hinatak ako ni Ninang. 

"Hoy, Saskia Joyce Flores! Ano yung sinasabi ni Tintin kanina? Pati bata, nakakakita ng kalaswaan niyo. Babae yang anak niyo, ipinapaalala ko lang sa'yo. Baka akalain niyang tama yang nakikita niya sa inyo." Sabi ni Ninang.

"Eh, Ninang, aksidente naman yun. Wala naman kaming ginagawa. Kiss lang naman yun. Promise, mamatay man." Nagbaba ako ng tingin sa hiya. "Matalinong bata naman si Tintin. Alam niyang mali iyon."

"Maharot ka rin eh no? Isang kalabit lang sa'yo, bumubuka na ang bulaklak." Asiwang sabi niya. 

"Hayaan mo na, may anak naman na sila." Depensa ni Mammy.

"Eh paano pag nabuntis ulit yang anak mo? Unahin mo muna yung makatapos ka sa kolehiyo, kaya nga tapo lumipat dito sa Maynila." Sabi ni Ninang.

"Oo naman, Ninang."

"Eh di mag-condom ka na lang, anak." Sabi naman ni Mammy.

"Gaga! Wala naman yang titi yang anak mo. Bakit siya ang pagcocondomin mo? Kunsintidora ka rin nanay ka." Nalukot ang mukha niya.

"Normal na tao ang anak ko na may pangangailangan bilang babae. Ilang taon na din yang tigang. Pagbigyan mo na. Sabihin mo yan kung ikaw hindi ka nagbobooking." Natatawang sabi ni Mammy.

"Oo nga naman." Ngumisi ako.

"Ewan ko sa inyong mag-ina. Bahala na kayo. Tagilid talaga ang utak niyo. Ako lang talaga at si Cosme ang pag-asa ng bayan. Siguro kung wala ako sa buhay niyo, matagal na kayong patay sa kagagahan niyo." Imbyernang nagmartsa ito papasok sa kwarto niya. 

Pumasok na din kami sa sari-sarili namin kwarto. Nadatnan ko si Migs na nakahiga sa kama, nakaunan ang kambal sa magkabilang braso niya at nakasiksik sa tagiliran ng ama. Nakapikit na ang mga mata niya pero ang kamay niya ay patuloy pa rin sa paghaplos ng buhok ng dalawang bata.

Bumukas ang mga mata ni Migs habang pinanonood ko sila at agad akong nag-iwas ng tingin. Akmang tatayo na siya nang pigilan ko.

"Migs, okay lang. Diyan ka muna. Magbabanlaw pa naman ako ng katawan saka baka magising pa ang mga bata." Sabi ko.

"Saskia..." Mahinang sabi niya.

"Bakit?"

"What was it like when you were pregnant with the twins? I want to know... I want to imagine what it was like to be there."

Bumaba ang mga mata ko sa natutulog na kambal. "Medyo nahirapan din ako sa pagbubuntis sa kanila. Palagi kaming nasa center noon kasing nagkaron din ako ng komplikasyon. Akala ko nga mawawala ulit sila sa akin katulad nang nangyari kay baby Migs. Sa awa naman ng Diyos, nailuwal ko naman sila."

"Where were they born?"

"Sa bahay lang. May kapitbahay kaming kumadrona. Pinatawag lang siya ni Mammy tapos yun na, siya ang nagpaanak sa akin. Si Savi, hirap siyang umiyak noong bagong panganak siya saka liit niya talaga. Doon pa lang, alam na namin na may problema sa kanya. Dinala namin siya sa ospital at doon nga namin nalaman na may problema siya sa baga niya. Pinilit ko naman na maipagamot siya. Pero wala eh, naubos kami. Natakot ako na dumating yung araw na wala na akong maipangbiling gamot sa kanya o pangpa-checkup." Nangingilid ang luhang sabi ko.

"Sorry, I wasn't there..." Inabot niya ang kamay ko at dinalda sa labi niya. Namuo ang mga luha sa mata niya. "I'm so sorry, Saskia."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen3h.Co