Chapter Thirty
HAZEL
"My, nagdudugo na ako..." I heard her cry in the backseat of my car.
"Malapit na tayo." Her mother shushed her, stroking her head.
"Ganda, wala na bang ibibilis itong kotse mo?" Her 'Ninang', as she calls him, anxiously said as she sat in the passenger's seat next to me.
I hit the accelerator, speeding up the car as fast as the speed limit could permit. Maybe even going way beyond at some point.
I drove them to the hospital as Saskia writhed in pain. Sinalubong agad kami ng nurses nang itigil ko ang kotse sa harap ng ER. She was brought into the ER and was checked by the doctor. Her mother and Ninang were panicking, pacing back and forth outside the curtained area, as she was being checked. She had been crying and wailing from inside the curtained area and the nurses and doctors were frantically going in and out of there while we just sat outside, watching it all happen.
"Doc, ano pong nangyari? Kumusta po si Saskia?" Her mother asked when the doctor pulled the curtain that surrounded her bed and came out of it.
"The patient is still passing blood clot. Kinailangan din namin siyang turukan ng painkiller dahil sabi niya hindi niya kaya ang paghilab ng tiyan niya." The doctor explained.
"Yung bata kumusta?" Saskia's Ninang asked.
"I'm afraid she's having a miscarriage." The doctor answered in a somber tone.
"Baks, ano yun?" Her mother asked.
"Wala na yung baby, Sasha..." His face fell.
"I'm sorry, we did the best we could. Once the miscarriage has begun, there is nothing that can be done to stop it. Binigyan na naminsiya ng medicine para mapadali ang pag-pass ng pregnancy tissue which is the fetus itself. Hintayin na lang po natin lumabas ang fetus at pwede na namin kayong i-release." The doctor said.
Saskia's mother and ninang looked at each other with worry on their faces.
"Doc, what could be the possible cause of her miscarriage?" I couldn't help but ask. To be honest, I felt like I had been a part of this. There was this gnawing guilt inside me that told me if I hadn't showed up hindi sana mangyayari ito. "Could it be stress?"
"That could be a possible factor but in many cases, miscarriages have no identifiable cause." She answered.
I quietly nodded my head and the doctor excused herself before walking away.
"Paano na yan? Paano natin 'to sasabihin kay Saskia at Migs?" The sadness in her mother's voice was palpable.
I didn't exactly know what to feel. I never expected that this would happen. I would be a hypocrite if I say I didn't hate her. I had done my fair share of time hating her for ruining the future I planned with Migs. I had ripped her to shreds in mind. But this was beyond what I had ever wished would happen.
I came to see her because I wanted closure for myself. I was ready to accept that I had lost him to some harlot and that they were going to have a baby together. That they deserved each other. I was ready to tell Dad and everyone that there wasn't going to be a wedding. I was ready to accept that I was a failure. I had failed as a girlfriend to Migs by losing him and as a daughter to my father for not being able to keep him.
SASKIA
"My... Nang..." Pagbukas ko pa lang ng mga mata ko ay sila ang una kong nakita. Pareho silang nakaupo sa silya sa tabi ng kama ko at nakatanghod sa akin. Sinubukan kong umupo pero agad akong hinawakan ni Ninang at pilit na pinahiga ulit.
Napansin ko ang swerong nakaturok sa likod ng kamay ko at bigla kong naalala kung nasaan ako at kung bakit ako nandito.
"Si baby? Kumusta ang baby ko? Okay naman siya, di ba?" Tanong ko sa kanila.
Hindi nakakibo si Mammy at Ninang. Nakita ko ang pagbagsak ng mga mukha nila. Parang may kung anong gumuhit sa dibdib ko. Nasagot na ng reaksyon sa mga mukha nila ang tanong ko. Pero umaasa pa rin akong okay lang si baby. Na siguro masyado lang akong nag-alala at kung anu-anong pumapasok sa isip.
"My, okay ang naman si baby Migs, di ba? Kinakausap ko pa nga siya kanina. Kinausap pa siya ni Migs kanina noong tumawag siya." Ipinatong ko ang mga palad ko sa tiyan. "My, wala naman nangyaring masama sa kanya, hindi ba? Nandito pa rin siya."
"Saskia, nakunan ka... Wala na ang bata..." Nanginginig ang boses na sabi ni Mammy.
Sunod-sunod akong umiling. Pakiramdam ko pinagsakluban ako ng langit at lupa sa narinig ko. Paano ako makukunan. Inaalagaan ko naman ang sarili ko para kay baby. Iniinom ko naman lahat ng gamot na inireseta ng doktor sa akin, umiinom naman ako ng gatas, kumakain naman ako sa oras, sinusunod ko naman lahat ng sinabi ng doktor na gawin ko. Ni hindi na nga ako humawak kahit isang stick ng yosi simula nang malaman kong buntis ako.
"Hindi totoo yan!" Humagulgol na ako. "Baka nagkamali lang sila, My. Hindi pwedeng mawala ang baby ko!"
"Shh... Huminahon ka. Baka mabinat ka." Niyakap ako ni Mammy.
"My, Nang, hindi totoo yung sinasabi niyo. Nandito pa ang baby ko. Gusto kong makausap ang doktor! Nagkamali lang sila, My. Inaalagaan konaman ang sarili ko! Ginawa ko ang lahat ng sinabi nilang gawin ko!" Humihikbing sabi ko.
Ipinihit ni Ninang ang ulo niya palayo sa akin at pasimpleng pinunasan ang luhang namumuo sa gilid ng mga mata niya. Hinigpitan naman ni Mammy ang yakap sa akin at sinubsob ko ang mukha ko sa balikat niya at doon ko pinakawalan ang lahat ng luhang kaya kong iiyak.
"Baka hindi lang talaga para sa'yo si baby, anak..." Naiiyak na sabi ni Mammy.
Hindi pa rin tuluyan matanggap ng puso at isip ko ang pagkawala ng baby namin ni Migs. Sabi ng doktor kailangan ko daw manatili muna kahit isang araw lang dito sa ospital para maobserbahan. Duduguin daw kasi talaga ako sa gamot na ibinigay nila para masigurong mailabas na lahat ng kailangan ilabas.
Inisip ko na siguro pinarurusahan ako ng Diyos dahil sinira ko ang relasyon ni Migs at ni Hazel. Na tinuturuan niya ako ng leksyon kasi masamang babae ako. Kahit hindi ko pa nakikita ang baby namin, minahal ko na siya. Nakaisip na nga kami ng pangalan para sa kanya. Hindi pa siya buong tao, buong-buo na siya sa isip at puso ko. Naiisip ko na kung ano ang itsura niya, naiisip ko na na katulad din siya ng Daddy niya na matalino. Hindi ko alam na hindi man lang namin siya masisilayan.
Naisip ko si Migs. Nasa ibang bansa siya ngayon at wala siyang kaalam-alam ngayon na wala na ang baby namin sa sinapupunan niya. Hindi ko alam kung paano ko ipaliliwanag sa kanya pag-uwi niya na wala na si baby. Iningatan namin siya. Ibinigay ni Migs lahat ng kaya niyang ibigay para sa baby namin. Minahal niya ang baby namin. Ilang buwan pa lang siyang nasa tiyan ko pero halos kumpleto na ang mga gamit niya.
Paano ko sasabihin sa kanya ang lahat? Baka isipin niya nawala lang siya pinabayaan ko na ang sarili ko. Baka sisihin niya ako sa pagkawala ng baby namin. Baka magalit siya sa akin. Kung anu-ano ang tumatakbo sa isip ko.
Para akong masisiraan ng bait nang mga panahon na iyon. Gusto kong umiyak at magwala. Gusto kong magalit sa sarili ko sa nangyari dahil pakiramdam ko ako ang dahilan kung bakit nawala si baby. Pabaya kasi akong ina. Hindi ko maiwasan isipin na may mali din akong nagawa. Baka naman kasi nawala si baby kasi hinayaan ko ang sarili kong malipasan ng gutom noong isang araw o hindi kaya yung nakalimutan kong uminom ng gatas bago ako matulog noong nakaraang linggo o di naman kaya yung pagpupuyat ko.
Buong bata na siya nang lumabas siya sa akin. Maliit at mapula ang balat pero hugis tao na siya. Sabi ng doktor 16 weeks na daw siya. May kamay at paa na, may maliliit na daliri, may mata, ilong, at bibig. Lalaki ang baby namin. Iyak ako ng iyak nang makita ko siya habang nasa CR ako. Kinailangan akong turukan nang pangpakalma ng doktor at agad naman akong nakatulog.
"Saskia, bumili ako ng lugaw diyan sa labas. Kumain ka muna." Pilit ni Ninang.
"Wala akong gana." Walang kaemo-emosyon na sagot ko.
Bakit ganon? Bakit parang patuloy lang ang ikot nang mundo na parang walang nangyari habang tumigil ang paggalaw ng sa akin? Bakit nakakangiti pa rin ang nurse na pumasok kanina dito? Bakit nagagawa pa rin tumawa ng pasyente sa kabilang kurtina sa tabi ko? Gusto kong magalit sa kanila kahit alam kong wala naman silang kinalam dito. Wala akong maramdaman kung hindi galit at lungkot. Galit sa sarili ko. Galit sa kapabayaan ko sa pagiging ina.
"Kailangan mong kumain, anak. Sabi ng doktor kailangan mong magpalakas dahil maraming dugo ang nawala sa'yo. Maya-maya ay pwede na daw tayong umuwi." Malumanay na sabi ni Mammy.
"Saan nila dinala ang baby ko?" Maluha-luhang tanong ko.
"Hayaan mo, itatanong ko sa doktor mamaya." Sabi ni Ninang.
Biglang bumukas ang pinto at dumungaw ang isang babae. Agad tumuwid ang likod ko nang makita ko si Hazel na pumasok sa loob ng kwarto na may dalang isang basket na prutas.
"Good morning. I brought you fruits." Sabi niya bago tumingin kay Mammy at Ninang at tinanguan din sila. "Good morning. Sana hindi ko kayo naabala."
"Salamat nga pala sa paghatid mo sa amin kahapon dito sa ospital." Sabi ni Mammy.
"Walang anuman. I'm happy to be able to help" Sagot niya kay Mammy bago ibinaling ang tingin sa akin. "I came here to talk to you. Kahit sandali lang, Saskia. Gusto sana kitang makausap."
"Lalabas muna kami ng nanay mo." Sabi ni Ninang.
"Bakit? Saan naman tayo pupunta, baks-"
"Basta! Halika na!" Hinatak ni Ninang si Mammy palabas ng kwarto.
Tahimik niyang inilapag ang mga prutas na dala sa maliit na la mesita sa tabi ng kama ko at umupo sa silya.
"Salamat nga pala sa pagtulong sa akin..." Sinubukan kong itago ang lungkot sa boses ko.
"It's alright. Saskia, I'm sorry for your loss. How are you feeling?"
"Eto..." Kibit-balikat na sagot ko at naramdaman ko na naman ang pamumuo ng luha sa gilid ng mga mata ko. "Naisip ko na ang anak namin ang nagbayad ng lahat ng kasalanan namin sa'yo ni Migs. Sana mapatawad mo kami, Hazel."
"Hindi ako magsisinungaling at sasabihin kong hindi ako nagalit sa'yo. Sa inyo ni Migs. Ilang beses ko kayong pinatay sa isip ko. Na hindi kita minura mula ulo hanggang paa sa isip ko. But then I realized why should I be hating you? You weren't the one who cheated on me. You weren't the one breaking any promises. It was Migs. Your only crime was getting pregnant by the man who happened to be my fiancee."
Nagbaba ako ng tingin, hiyang-hiya sa kabaitan na ipinakikita ng babaeng naargabyado ko. "May kasalanan din naman ako dito, Hazel. Ako yung dahilan kung bakit kayo nasira. Alam kong ikakasal na kayo pero minahal ko si Migs. Sinubukan ko naman pigilan..."
Muling pumatak ang luha sa mga mata ko at hindi ko napigilan ang muling maiyak.
"Please, don't do that. Don't cry. What does that solve? That is not what I want to talk about, Saskia. Tapos na iyon, nangyari na." Tumuwid siya ng upo at nagtagis ang mga bagang niya. "Pumunta ako dito para kumustahin ka, hindi para pag-usapan yan."
Sunod-sunod akong tumango at pinahid ang luha ko. "Bakit ang bait mo sa akin? Mas maiintindihan ko kung magagalit ka sa akin. Kung mumurahin mo ko. Kung sasabihin mong pokpok ako, malandi ako kasi inakit ko siya. Kung sasabihin mo na tama lang yung nangyari sa akin, na karma ko 'to."
"Katulad nga ng sinabi ko, you weren't the one who wronged me. If he really loved me or at least respected our relationship, he wouldn't let himself be seduced by any woman. Hindi mo kasalanan iyon dahil kung hindi ikaw, it would be with another woman. Kung may respeto siya sa akin at sa relasyon namin hindi siya magpapaakit sa kahit sinong babaeng makilala niya dahil alam niyang ikakasal na kami. Hindi ko matanggap noong nalaman ko na magkakaanak siya sa ibang babae. This wasn't a part of the life I had planned for us. I can't see myself ever being a step-mother to his child with another woman. And now the baby's gone."
Nilunok ko ang tila namumuong bara sa lalamunan ko nang binanggit niya ang baby. Doon ko napagtanto na wala nang nag-uugnay sa amin ni Migs. Dahil lang naman sa baby kaya inaalagaan niya ako at pinakikisamahan niya kami ng pamilya ko. Ngayong wala na siya, hindi ko na alam kung ano ang mangyayari sa amin.
"Alam mo, Hazel, kung tatanggapin mo siya alam kong babalik ulit siya sa'yo kasi ikaw ang mahal niya. Nakisama lang naman siya sa akin dahil sa baby. Kasi mahal niya din yung baby namin. Nandyan lang naman siya sa tabi ko para sa baby kaya ngayong wala na ang baby, alam kong iiwan niya ako." Kahit anong pigil ko, tuloy-tuloy na ang pagdaloy ng luha sa mga mata ko.
"Do you know what we both have in common, Saskia? We both need something from Migs. He is funding your family, isn't he? Kailangan mo at ng pamilya mo ang pera niya at kailangan ko ang pangalan niya. I'm going to pretend this didn't happen. I'm going to pretend we haven't met. Take what you need from him and I'll what I need."
"Hindi ang pera niya ang dahilan. Oo noong una, naghabol ako sa kanya dahil sa pera niya. Hindi ko alam kung paano ko bubuhayin ang baby namin dahil ako na lang din ang bumubuhay sa pamilya ko. Pero natutunan kong mahalin si Migs kahit na alam kong ikaw ang mahal niya. Palagi niyang sinasabi sa akin iyon, Hazel. Mahal ka niya..."
"But, my dear, love never returns with the same face." Tumigas ang ekspresyon sa mukha niya. "You can hide this from him for as long as you can. Milk him for every penny he's worth. And I'll get what I want. Saskia he's going to throw you and your family to curb once he finds out na wala na ang bata. Take advantage of what you have with him now."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen3h.Co