CHAPTER 19
CHAPTER 19
"HMM?" ungot ni Maxrill Won nang hindi ako makasagot sa sinabi niya.
Mula sa aking labi ay marahan siyang nag-angat ng tingin upang muling magsalubong ang mga mata namin. Pakiramdam ko ay kinakausap niya ako sa pamamagitan ng tingin ngunit wala akong maintindihan sa mga 'yon. Ang tanging sigurado ako ay nababasa ko ang paghanga sa kaniyang mga mata. At hinihiling kong sana ay hindi ako nagkakamali sa nababasa kong iyon.
"Dainty...Arabelle..." mahina at malambing niyang sinabi. "I really like your name. It suits you."
Napalunok lalo ako ngunit hindi ko inaasahang ang kasunod no'n ay epekto sa paghinga ko. Bumilis ang paghinga ko at kasunod no'n ay ang paghahabol ko. Wala akong nagawa kung hindi ang mag-iwas ng tingin at bago pa man niya iyon mapansin ay tumalikod na ako.
"You...okay?" nag-aalala niyang tanong, sinilip ang mukha ko dahilan para mapaiwas ako.
"Ano..."
"I'm...sorry," mahinang dagdag niya.
"Hindi," tanggi ko saka humakbang papalayo, papalapit sa ilalim ng puno. Napahawak ako sa dibdib ko at kasunod no'n ay napahawak na ako sa katawan ng puno upang mabalanse ang sarili.
"Hey... Are you okay?" 'ayun na naman ang nag-aalalang tinig niya papasunod sa 'kin. Hindi ko nagawang sumagot. "Dainty..."
Pinilit kong kalmahin ang sarili ko, hindi ko magawang salubungin ang tingin niya. "Ayos lang ako."
"Are you sick or something?"
"Hindi..."
"You're obviously having difficulty in breathing, Dainty. Tell me, what's going on?"
Matagal bago ako nakatugon. "May..." Nag-angat ako ng tingin sa kaniya. "May hika ako, Maxrill Won."
'Ayun na naman ang pagtitig niya sa 'kin. Pero sa sandaling iyon ay napalitan ng pagtatanong ang paghanga. Ang pag-aalala ay napalitan ng pagtataka. Hindi ko tuloy maiwasang isipin na nag-alala lalo siya.
"Pero...ayos lang ako," pahabol ko para hindi siya na mag-alala nang todo.
"Hmm." Umiling siya nang umiling saka bumuntong-hininga. "So, what's hika?" bigla ay tanong niya.
Napamaang ako. Awtomatiko kong naramdaman ang panghihinayang sa puso ko nang mapagtantong hindi pag-aalala ang dahilan ng nagtatanong niyang mga mata. Kundi ang katotohanang wala siyang ideya kung ano ang hika.
"Asthma," tipid kong sagot saka umiwas sa gawi niya.
Nang maramdaman ko pa rin ang tingin niya sa akin ay muli ko siyang nilingon. Siguro ay wala pa rin siyang ideya kung ano ang asthma. Lalo pa't sa kanilang pamilya ay siya ang naiiba ang linya ng trabaho.
"Hindi ako makahinga kapag..." hindi ko masundan ang sasabihin ko.
"You're in front of me, huh?" lalong hindi ko inaasahang idudugsong niya iyon, seryoso, walang halong yabang o biro.
Umawang ang labi ko. Paano niya nahulaan? "Ano..." agad akong nag-iwas. "Hindi. Hindi ako makahinga kapag..."
"I'm in front of you?" siya na naman ang nagtuloy, inosente, walang halong yabang, lalo nang biro.
Napabuntong-hininga ako kasabay ng panlulumo. "Hindi." Talagang pinanindigan ko ang pagsisinungaling, sana mapagtagumpayan ko.
Makulit si Maxrill Won, pilit na pumupunta sa harap ko. "Then what? This isn't the first time, Dainty. Tell me what's going on or I'll take you to the hospital."
Pinagkunutan ko siya ng noo at muling inalala kung ilang beses ba akong muntik nang atakihin ng hika sa harap niya. Napanguso ako nang mabalikan kung ilang beses nga iyong nangyari.
Nagbaba ako ng tingin nang humakbang siya papalapit upang takpan ang buwan na pilit ko na lang tinatanaw upang mabawasan ang pagkailang sa kaniya.
"Basta na lang umaatake kapag..."napalunok ako at nahihiyang sinalubong ang naghihintay na tingin niya. "Kaharap ka." Gano'n na lang ang pagkakakurot ko sa sariling palad.
Lalo akong nahiya nang masabi ko na 'yon at nasa akin pa rin ang paningin niya. Nag-iwas ako ng tingin pero muli siyang sinulyapan upang malaman kung nakatingin pa rin siya sa 'kin. Mukhang wala siyang balak alisin ang paningin sa akin habang iniintindi ang sinabi ko.
Nawala lang talaga ang tingin niya matapos bumuntong-hininga. Tinalikuran niya ako upang muli lang harapin at titigan. Sandali ko iyong nalabanan pero natalo rin ako, hindi ko pa rin siya kayang tagalan.
"Me, too," bigla ay halos pabulong niyang tugon.
Nakamaang akong nag-angat ng tingin upang magsalubong ang mga tingin namin. "Ano'ng...ibig mong sabihin?" nautal ako.
Bumuntong-hininga siya, mas malalim na, umiling-iling saka nag-iwas ng tingin. "Nothing. I'll take you home," aniyang humakbang na papalayo at halos paliparin ang polo niya papasuot sa kaniyang katawan.
Awtomatiko akong humabol, sobrang apura na napahawak ako sa braso niya upang mapigilan siya. Nagkagulatan kami. Nagbaba siya ng tingin sa kamay ko dahilan para mabitiwan ko ang kaniyang braso.
Nahawi ko ang buhok ko sa likod ng aking tainga at nag-iwas ng tingin. "Ano..."
"Ano?" ginaya niya ang tono ko ngunit sa mas seryosong paraan.
"M-Magkape muna tayo, Maxrill Won."
Umawang ang labi niya. "Really?" hindi siya makapaniwala.
Nahawi kong muli ang buhok ko, lumalakas ang hangin at nilalamig na ang mga kamay ko.
"Gusto mo bang mag-coffee, Maxrill Won?"bigla ay tanong ko. Nangunot ang kaniyang noo, mayamaya lang ay pinanliliitan niya na ako ng mata. "Ipagtitimpla kita!" nakangiti pang suhestiyon ko.
Pero natigilan din ako nang maisip na hindi ko pa rin siya pwedeng isama sa tinutuluyan namin ni nanay.
"Ano..." napalingon ako sa hotel at natanaw agad ang restawran. "Doon na lang pala," itinuro ko iyon sa kaniya.
Tila hindi niya inalis ang tingin sa akin, sa halip ay mas lalo pa siyang nagtataka sa mga kilos at pinagsasasabi ko.
Napanguso ako. "Ano kasi..." naghagilap na naman ako ng maidadahilang sa huli ay palpak.
Muling nagsalubong ang paningin namin. Siya ay hinihintay ang iba ko pang sasabihin habang ako ay wala nang maidahilan. Lalo akong nahihiya dahil wala siyang sinasabi. Hindi ko alam kung gusto niya na bang umuwi o papayag siya sa anyaya kong magkape.
Siguro ay nawiwirduhan na siya sa akin...Napabuntong-hininga ako.
Bigla ay kinuwestyon ko kung tama bang gawin ko ang ganito? Ano'ng karapatan ko na pigilan siyang makita si Ate Yaz? Bakit nagagawa kong isipin ang sakit na mararamdaman niya gayong ganoon din ang nararamdaman ko? Pero paano ko rin sasabihin ang totoo?
"I want beer," kapagkuwa'y sabi ni Maxrill Won.
Umawang ang labi ko. "Beer?" inulit ko pa iyon na para bang hindi ko naman malinaw na narinig.
Hindi na siya sumagot. Sa halip ay seryoso siyang tumitig sa akin. Napalunok ako nang maisip na hindi pa ako nakatitikim niyon. At ang maalala ang istura ni Kuya Kev noong malasing ay hindi ko gugustuhing maranasan.
"Sige," utal kong sagot.
Iminuwestra ni Maxrill ang daan, sinasabing manguna ako. Sumunod ako pero panay ang lingon ko sa kaniya, na para bang magbabago ang gusto niya at pipiliing kape na lang ang inumin namin.
Awtomatiko kaming nilingon ng mga serbedora sa restawran nang makapasok. Natural, si Maxrill Won ang aking kasama, ang isa sa mga boss nila.
Hindi ko maiwasang humanga sapagkat bukod sa paghanga ay nakikita ko ang matinding respeto ng mga empleyado kay Maxrill Won. Kahit pa wala silang natanggap na tugon, ni sulyap mula rito. Hindi sila katulad ng iba na binibigyan ako ng nangingilalang tingin matapos makitang kasama nito. Sa halip ay nginitian nila ako na katulad ng pagngiti nila kay Maxrill Won. Ngumiti rin ako pabalik at ang ilan ay kinawayan ko pa.
Umawang ang labi ko nang hilahin ni Maxrill Won ang silya at lingunin ako. Hindi naman na iyon ang unang beses niyang ginawa iyon pero nabibigla pa rin ako.
"Sit down," mahinang aniya, agad akong sumunod.
Naupo siya sa harap ko, 'ayun na naman 'yong mga titig niya na nakapanlalambot. Kaya sa t'wing hindi siya nakatingin ay inaabuso ko na ang pagkakataon. Sa oras kasi na siya na ang tumitig sa 'kin ay parang hindi niya na inaalis 'yon.
Awtomatikong lumapit ang serbedora sa amin. Bumati ito ng magandang gabi sa amin, ako lang ang tumugon. Talagang hindi naaalis ang mga mata sa akin ni Maxrill Won.
"A bottle of soju please," ani Maxrill.
Soju... Napanguso ako. Ano kaya 'yon? Bumuntong-hininga ako at nakangiting inilibot ang paningin sa lugar. "Ang ganda ng restaurant ninyo, 'no?" nakangiti kong sabi.
Ibinalik ko ang tingin kay Maxirll nang hindi siya sumagot. Nakagat ko ang aking labi nang makitang nakatingin pa rin siya sa 'kin.
Hindi ba talaga niya inaalis ang tingin sa 'kin? Hindi ko naiwasang titigan din siya bagaman sandali lang 'yon. Hindi kaya...naghihinala na siya sa akin?
Sa kaba ay napandilatan ko si Maxrill. "Bakit?" ako pa ang nagtanong.
Bahagya na namang lumiit ang mga mata niya. "Why what?" 'ayun na agad ang inis niyang tinig.
Galit ba siya? Napanguso ako. "Wala."
Matunog siyang bumuntong-hininga. Inaasahan kong aalisin niya na ang tingin sa akin pero nagkamali ako. Sumulyap lang siya sa kung saan at muli nang itinuon ang paningin sa akin.
"Naiilang ako sa 'yo, Maxrill Won," hindi ko na napigilang sabihin iyon. Nagbaba ako ng tingin at palihim na ngumuso.
"Hmm." Ipinatong niya ang magkabilang siko sa mesa at tumunghay sa 'kin. "With the way I stare, huh?"
Nahugot ko ang hininga at napatitig sa kaniya. Pakiramdam ko ay para akong bata na inaaway sa sama ng aking pagkakatitig. Kaya nakanguso akong nag-iwas ng tingin.
"Your face is so small." Hindi ko inaasahang sasabihin niya iyon.
Nagbaba ako lalo ng tingin. Maliit din ang mukha ni Ate Yaz... Napabuntong-hininga ako. Hindi kaya napapansin niya lang ang mga 'yon sa 'kin dahil gano'n din ang mga nakita niya kay Ate Yaz?
Nilingon ko ang entablado at tumitig na lang doon. May kung ano sa dibdib ko ang nagtatampo, hindi ko maipaliwanag. 'Ayun na naman ang paghahanap ko ng karapatang makaramdam ng kahit ano sa kaniya.
"And I like your voice," bigla ay dagdag niya pa. "I want to hear you sing again...crush." Nagugulat ko siyang nilingon. Matunog siyang ngumiti. "That's the title of the song you were singing last time."
Batid kong iyong paborito kong kanta ni Mandy Moore ang tinutukoy niya. Crush nga ang title no'n.
Kung gano'n ay 'yon ang crush na tinutukoy niya... Sinikil ko ang sarili nang makaramdam ng panghihinayang.
"You know how to play instruments?"tanong niya nang ilapag ng serbedora ang in-order niya sa aming mesa.
Napatitig ako sa kulay berdeng bote na may imprentang kulay puti at salitang hindi ko mabasa.
"What do you want to drink?" tanong niya.
"Iyan na lang din," ignorante kong sagot.
Natawa siya, sinulyapan pa ang serbedora saka muling tumingin sa akin. Nakagat ko ang aking labi. 'Ayun na naman 'yong paborito kong ngiti niya. Iyong ngiti na may lumilitaw na maliit at malalim na biloy gilid ng kaniyang labi. Iyong ngiti na ilang ipin lang niya ang makikita at ang kapansin-pansing pangil niya.
"You can't drink this, Dainty," nakangiting aniya habang nagsasalin sa napakaliit na baso. "Give her milk."
Nanlaki ang mga mata ko. Akala ko ba ay kape? "Bakit iyon?" sagot ko.
"'Cause you're a baby," nakangiti niyang sagot, ngiti na para bang higit pa sa sinabi ang laman ng kaniyang isip.
Napanguso ako. "Umiinom ako ng softdrinks, Maxrill Won."
Namilog ang labi niya ngunit puno ng sarkasmo ang mukha. "Surprising."
Palihim uli akong napanguso saka bumaling sa serbedora. "Ano po ba iyong iniinom niya, ate?" Ayaw ko nang tanungin si Maxrill Won, inaalaska lamang niya ako.
Ngumiti ang serbedora ngunit halata ang pagpipigil niyang matawa. "Alak iyan, Ma'am Wednesday."
Wednesday...
"Please give her something to drink,"pakiusap ni Maxrill Won.
Hindi ko na nasagot ang serbedora dahilan upang magpaalam itong aalis na at tawagin na lamang muli siya kung may kailangan. Hindi ko lang akalain na maging ang serbedora ay ganoon ang itatawag sa akin.
Nakangisi na si Maxrill nang muli kong sulyapan, nagsasalin muli sa napakaliit niyang baso.
"Hindi mapapawi ang uhaw mo sa ganyang maliit na baso, Maxrill Won," wala sa sariling sabi ko, inaalala lang ang iniinom niya. "Gusto mo ba'ng hingian kita nang mas malaking baso?" inosente pang dagdag ko.
Ngiting-ngiti, animong nagpipigil ng tawa niyang inilapag ang berdeng bote at pinagkrus ang kaniyang mga braso. Saka siya deretsong tumingin sa akin.
"You're so innocent, 'no?" hindi ko inaasahan ang tanong niya. "Have you ever been drunk?"
"No," nakangusong sagot ko.
"Alcohol 'to," aniyang iniurong ang berdeng bote sa akin.
"Hindi ko kasi naiintindihan ang nakasulat."
"Of course, it's written in Korean words."
Namamangha ko siyang tinitigan. "Marunong kang magbasa ng Korean?"
Nahulog ang panga niya at pinagkunutan ako ng noo. "Aside from my name, Dainty, what do you know about me?"
Umawang ang labi ko sandali at saka ako nakangusong napaisip. "Ano..." kung saan-saan dumapo ang paningin ko.
Ang dami kong alam sa kaniya. Kaso...baka masamain niya kapag nalamang kay Bree ko nalaman ang mga 'yon. Baka kung ano ang isipin niya sa kapatid ko.
"Ano?" ginaya niya na naman ang aking tono. Lalo akong napanguso dahilan para pagtawanan niya ako. "You're so cute."
Nanlaki ang mga mata ko. Cute ako? Napaiwas ako ng tingin at hindi nakapagsalita. Siguro ay kaswal lang sa kaniyang sabihin 'yon pero...bakit ganito ang epekto sa 'kin? Hindi na lang paghinga ang bumibilis sa 'kin, maging ang kabog sa dibdib ko. Dahilan para mas mailang ako sa mga titig niya at hindi ko magawang salubungin ang kaniyang mga mata.
Eksakto namang bumalik ang serbedora at inilapag sa aking harap ang juice na may kahanga-hangang itsura. Kulay asul iyon ngunit nag-iiba ang kulay. Mula sa pinakaasul sa ilalim ay unti-unti iyong nagiging light blue hanggang sa 'taas. Habang ang cake naman ay halos magkulay pink at puno ng strawberries sa ibabaw.
"Everything is served, Sir Maxrill," anang serbedora saka ngumiti sa akin. "Miss Wednesday." Iyon lang at iniwan na kami nito.
Nakangisi na si Maxrill habang nagsasalin sa maliit niyang baso nang sulyapan ko. Napanguso naman ako.
"What?" ngisi niya na animong natatawa pa.
"Kung ano-anong itinatawag mo sa 'kin, meron naman akong pangalan."
"Wednesday..." ngisi niya.
Sumimangot ako. "Cinderella...Fine..."
"Next time I'll call you mine."
Natigilan ako at marahang napatitig sa kaniya. Kung ano-anong idinulot na pakiramdam sa 'kin ng linyang iyon. Pero ang mapanood siyang magsalin at lumaghok ng alak, kahit pa nakangiti siya ay patunay na wala lang sa kaniya iyon.
"Dainty Arabelle..." hindi ko inaasahang sasabihin niya. Nang sandaling iyon nakatingin na lang siya sa mesa, may bitin nang ngiti sa labi.
"Maxrill Won..." sabi ko rin.
Napapikit siya at sandaling napangiti. Nang magmulat siya ay sa akin na tumama ang kaniyang paningin.
"Please say it again."
Umawang ang labi ko at sandaling nag-alinlangan. "Maxrill Won," sinabi ko iyon sa pinakakaswal na paraang kaya ko. "Bakit?"
Lumapad ang ngiti niya. "Your voice sounds so soft...like an angel, calling my name."
Hindi ako nakasagot at sa halip ay napatitig ako sa kaniya. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Sinasabi ng isip ko na sinasabi niya ang mga ito dahil sa epekto ng alak. Pero hindi iyon tugma sa nakikita ko sa kaniyang mga mata, maging sa himig ng boses niya.
"Hearing you say my name makes me want to call you back the same way," patuloy niya. "Dainty Arabelle..." malambing niyang sinabi, nakagat ko ang aking labi.
Hindi naman na siya ang unang nagsabi no'n, ang totoo mula noong bata ako ay ganoon na ang madalas sabihin sa t'wing magsasalita ako. Parati na ay sa anghel naihahalintulad ang boses ko, na para bang may nakausap naman na silang anghel. Kahit sa ekswela nang makabalik ako sa pag-aaral, iyon din ang paulit-ulit na sinasabi sa 'kin. Mapalalaki o babae, lahat ay sinasabing maganda ang boses ko.
Kaya nga ganoon na lang ang pamimilit sa akin ni Bree na sumali sa BIS band. Maganda raw ang boses ko at walang kapareho. Hilig ko rin naman ang kumanta pero hindi ko kayang umakyat sa entablado na gaya niya. Hindi ko kayang kumanta sa harap nang maraming tao. Isa pa, siya ang paniguradong mapipili sa audition. Kahit pa sabihing boses anghel ako, hindi ako tulad ni Bree na lahat ng kanta ay abot at kaya. Ang tulad niya ang kailangan ng BIS band.
Ang totoo, lahat kami sa aming pamilya ay marunong kumanta. Si Bree ang may pinakamataas, ako ang may pinakamalamig, si Kuya Kev naman ang may pinakamagandang tinig. Lahat kami ay nagmana kina nanay at tatay na pareho ring mahusay kumanta.
"I want to hear you sing." Sinabi ni Maxrill Won nang hindi pa rin ako nakapagsalita. "Sing me a song."
Umawang ang labi ko at awtomatikong itinanggi ang mga kamay ko. "Gabi na."
"That's why I want to hear it." Ngumiti siya at tumayo. Isinenyas niya ang maliit na entablado. "C'mon, Dainty." Inilahad niya ang kamay sa akin.
Agad kong inilayo ang braso kong hahawakan niya na. "Nahihiya ako." Kabado kong iginala ang paningin dahil may mangilan-ngilan mang turista ay napakarami pa ring empleyado roon. "Hindi ko pa...naranasang kumanta sa entablado."
"Please?" mahinahong pakiusap niya.
Napatitig ako sa kaniya. Bakit ba niya pinagagawa sa 'kin 'to? Nagpa-panic ang kalooban ko. Iyong biglang ipagagawa sa 'yo ang bagay na noon mo lang gagawin, kahit sino marahil ay magpa-panic.
"Hindi ko kaya, Maxrill Won."
Umarko ang kaniyang labi, nalungkot. "I'm begging you."
Begging? Agad? Napakalalim nang nahugot kong hininga. "Hindi ko talaga kaya..." kabadong tanggi ko.
Biglaan ang anyaya niya at talagang hindi ako handa. Hindi lang ako sa mga empleyado nahihiga, higit na sa kaniya. Gusto kong maintindihan niya 'yon ngunit hindi ko alam kung paanong sasabihin.
"Sa susunod na lang," nagbaba ako ng tingin. "Hindi ko talaga kaya."
Mabigat siyang bumuntong-hininga saka muling naupo sa harap ko, nakanguso. "It's okay," malungkot niyang sinabi.
Agad akong binagabag ng konsensya ko. Ngunit naiisip ko pa lang na umakyat sa entablado ay nanginginig na ang paa ko, nanlalamig na ang mga kamay ko. Wala akong lakas ng loob na gaya ng sa inaasahan niya.
Kung si Bree marahil ang kasama niya ay hindi siya malulungkot nang ganito... Ako mismo ay nalungkot sa sariling naisip. Iyon ang isa sa pinagkaiba namin ni Bree. Malakas ang loob niya. Na kapag hiniling na kumanta siya ay hindi siya magdadalawang-isip. Samantalang ako, kahit hilahin sa entablado ay hindi iyon magagawa. Baka nga umiyak pa ako.
"Ano..." mahina kong sinabi.
Nag-angat siya ng tingin sa akin, malungkot pa rin. "Ano?" muli niyang ginaya ang aking tono. Hindi na malaman kung nagbibiro sapagkat hindi nagbabago ang pagkakanguso niya.
"Pasensya ka na, Maxrill Won."
Hindi ko inaasahang ngingiti siya, iiling-iling pang tumawa. "It's alright, Dainty. I don't want to force you, I will never do that."
Hindi ako nakasagot, binalot ako ng hiya. "Sa susunod, kapag may lakas na ako ng loob, kakantahan na kita."
Nakangiti siyang nagsalin sa kaniyang baso at muling nilaghok ang laman niyon. "I'm not sure if I'm going to see you again, Wednesday. You don't live here, I work here." Nagkibit-balikat siya sa huli. "Hee Yong, ja?" kinausap niya ang aso, hindi ko naintindihan.
Hindi na nga kaya kami magkikita ulit? Kaswal niyang sinabi 'yon pero gano'n na lang ang lungkot na idinulot sa 'kin. Kung gano'n ay posible palang hindi ko na siya makikita...
Itinuon ko ang paningin sa juice at cake na nasa harap ko. Hindi na 'yon kasing ganda kung paano ko 'yong nakita sa kanina.
Nagsimula na akong kumain at lahat pero wala nang nagsalita pa sa pagitan namin. Ako ay nakikiramdam habang siya ay para bang gano'n na lang kalalim ang iniisip niya. Hindi ko inaasahang tatlong bote ang mauubos niya. Gano'n na lang talaga siguro ako kabagal kumain para gano'n karami ang kaniyang mainom.
"Let's go?" anyaya niya nang matapos akong kumain.
Pinakatitigan kong mabuti si Maxrill. Normal lang ang itsura niya, parang hindi nakainom ng alak. Tango lang ang isinagot ko at nauna na akong tumayo.
"Hee Yong, gaja," bahagya niyang tinapik ang napakalaki niyang aso. "Hee Yong..." mas malambing niyang tawag, napangiti ako.
Bumuntong-hininga si Maxrill at walang ano-ano ay binuhat ang kaniyang alaga. Gano'n na lang siguro ito kabigat para maibuga niya ang hininga.
"Kaya mo ba siyang buhatin?" tanong ko, hindi naitago ang pag-aalala.
Sandali siyang tumitig sa 'kin. "Hmm," tango niya, bahagya pang sinulyapan ang noon ay nagising niyang aso. "Gusto mo, buhatin din kita?" ngisi niya saka isinenyas na mauna ako.
Nakanguso ko silang tinalikuran saka ako palihim na nangiti.
Gano'n na lang ang ngiti at pagsunod sa amin ng tingin ng mga empleyado. Lahat iyon ay ginantihan ko ng ngiti at tango bilang respeto. Hindi ko maipaliwanag ang pakiramdam, parang kinikiliti ang kaloob-looban ko.
Ganito pala ang pakiramdam na makasabay maglakad sa ganitong lugar si Maxrill Won...
Alam ko namang wala lang iyon, ako lang itong may ganitong pakiramdam. Pero talagang kakaiba ang feeling no'n. Ngayon ko lang naranasan na maagaw ang atensyon ng lahat dahil lamang kasabay ko ang lalaking ito. Hindi lang kasi empleyado ang humahangang ngumiti sa kaniya, maging ang mga turista.
"I'll take you to your suite," aniya nang makasakay kami sa elevator.
Nagugulat ko siyang nilingon. "Hindi, okay lang."
Nangunot ang noo niya. "What do you mean?"
"Umuwi ka na, ako na lang ang uuwing mag-isa."
"Hmm, no. I'll take you to your suite,"aniyang namulsa at tiningala ang monitor ng numero na naroon ibabaw ng pinto.
"Ano..." nag-panic na naman ako. Baka naroon pa si Ate Yaz... "Ako na lang ang maghahatid sa iyo."
Nagugulat, pinagkunutan niya ako ng noo. "Seriously?" nalanghap ko ang alak sa hininga niya.
Napalunok ako. "Oo, kasi..." iginala ko ang paningin. "Nakainom ka."
Tumitig siya sa 'kin. "And?"
"Baka..." iginala ko pa lalo ang paningin na para bang may iba naman akong makikita, nasa elevator pa rin naman kami.
"Baka?" ginaya niya ang aking tono.
"Baka hindi ka makauwi."
Natigilan siya saka sarkastikong natawa. "I'm not drunk, Dainty."
"Ipagtitimpla kitang kape," alok ko.
Muli siyang natigilan at natawa. "I have a coffee maker." Napalunok ako at magsasalita na sana nang harapin niya. "Cut it," pinigil niya ang dapat na sasabihin ko. "You can't go to my room." Iyon lang at hinarap niya na muli ang pinto.
Napapahiya akong nagbaba ng tingin. Nakagat ko ang aking labi at mabilis na gumapang ang inis sa sarili.
Paniguradong nahalata niya na pinipilit ko ang gusto ko. Ngayon lang ako nakaramdam ng hiya matapos ko 'yong gawin.
Gano'n na lang ang kaba ko nang tumunog ang elevator at iyon na ang floor namin. Nakahakbang na siya papalabas pero ako ay nasa loob pa rin.
"What now, lady?" asik ni Maxrill Won.
Kung ano-ano ang tinatawag niya sa 'kin, pwede namang pangalan ko na lang. Ngumuso ako at kabadong humakbang papalabas.
Malayo pa lang ay tinanaw ko na ang aming kwarto. Sa isip ay paulit-ulit kong hiniling na sana ay wala na si Ate Yaz. Mas dumagundong ang kaba ko nang naroon na kami sa harap ng pinto. Kumatok si Maxrill Won at mayamaya lang ay bumukas na iyon.
Agad kong sinilip ang loob, kung saan ko nakitang nakaupo si Ate Yaz, wala na ito roon.
Ngiti ni nanay ang sumalubong sa amin. "Kumusta ang date ninyo?"
Nanlaki ang mga mata ko. "Nanay..."pabulong kong sabi. "Hindi naman date 'yon, e...hindi po kami nag-date ni Maxrill Won."
"Seriously?" bigla ay asik ni Maxrill na basta na lang inihiga sa sofa ang aso niya upang muli akong harapin. "What do you call that, then?"
Nakamaang akong umilag at nakangusong sinulyapan si nanay. "Ano..."
"Ano?" muli niyang ginaya ang aking tono ngunit sa tila naiinis na tono. "So, for you it's not a date?"
"Ano..."
"What?" Hindi pa man ako nakasasagot ay sinunod-sunod niya na ako.
Humakbang nang humakbang si Maxrill Won papalapit sa akin hanggang sa mapaatras ako pabalik sa pintuan. Hindi pa siya nakontento, nang wala na akong maatrasan ay humakbang siya hanggang sa maisandal ko na ang aking sarili. Ibinaba niya ang mukha at inilapit sa akin.
"If it's not a date, what is it, then?"
"Ano..."
"I'm waiting..." pabulong niya nang itinanong.
"Lumabas..."
"Hmm," tango niya na para bang sinasabing pwede na ang sagot ko. "And?"
"Ang sabi mo ay maglalakad sa labas..."
"I sang a song, got wet, I got babied and drunk soju. You call that walking?" mabilis niyang sinabi.
"Sabihin mo na kasing date, Dainty, hindi makakatulog 'yan," buyo ni nanay, napanguso ako.
"Say it," asik na naman ni Maxrill sa 'kin, animong nagmamaktol na malaking bata.
"H-Hindi ako makahinga, Maxrill Won..."naglakas-loob na akong hawakan ang dibdib niya upang itulak siya papalayo.
Hindi ko akalaing tatanungin at kikilos siya nang ganoon sa harap mismo ni nanay. Pakiramdam ko ay pulang-pula na ang aking mukha.
Inis na lumayo si Maxrill upang muling buhatin si Hee Yong. "Your daughter is weird, I'm leaving," aniya sa naiinis na tono saka kami iniwan.
Napanguso ako. "Hindi naman talaga date 'yon, e..." bulong ko pa.
Na hindi ko inaasahang narinig niya. Halos mapailag ako nang muli niyang buksan ang pinto.
"That's why I'm asking you," angil niya. "If it's not a date, then what is it? We've been together for hours and I'm not gonna call that nothing."
Pinalobo ko ang loob ng bibig ko sa kawalan ng maisasagot.
"Fine," bumuntong-hininga si Maxrill. "I'll take you out on a date tomorrow. And you're going to sing for me."
"Hala..."
"Hala," naaasar niya akong ginaya. "Yes."
"Nahihiya ako."
"You should be," masungit niyang sinabi. "In my country, dating is when two human is going out, eating out alone!"
Ngumuso ako. "Ganoon din naman dito."
"No, I mean, you're not human, Dainty. You don't get it. Tsh. Good night."
"Good night."
Bigla niya akong nilingon. "What?" asik niya na naman.
"Ano?"
"Whatever. I'll pick you up tomorrow," asik niya saka muli akong tinalikuran. Napakarami niya pang sinabi kay Hee Yong, halatang naiinis. Ngunit ni isa sa mga iyon ay hindi ko na naintindihan dahil ibang salita.
~ To be continued. . .~
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen3h.Co