CHAPTER 50
CHAPTER 50
"HA HA ha ha ha!" Ganoon ang pagbati ni Lolo Mokz nang magtama ang paningin namin. "Tuloy ka Dainty Arabelle, tuloy ka," sumenyas pa siya sa akin.
Pakiramdam ko ay gano'n katagal ko na siyang hindi nakita. No'ng huli kasi ay natatandaan kong lamang pa ang itim sa mga buhok niya. Ngayon ay lamang na ang mga puti. Bagaman ang kulubot sa kaniyang mukha ay hindi halata dahil sa magandang kutis.
Tumango ako sa kanila. "Magandang hapon po, t-tiya, tiyo, lolo." Parang ayaw ko nang mag-angat ng tingin sa takot na baka magalit si Tiya Maze sa akin.
"Napakaganda mo talaga, hija," pero gano'n ang sinabi ni Tiya Maze dahilan para matulala ako sa kaniya. "Come in, ready na ang dinner."
Natitigilan ko siyang natitigan saka ako nag-aalinlangang sumulyap kay Maxrill Won. Ngumiti siya sa 'kin at tumango, sinasabing sumunod na ako. Pero sa hiya at kaba ay hinintay ko siya saka kami sabay na tumuloy.
Iginiya ako ni Maxrill Won sala, kinuha niya ang bag ko at nilapag sa mesa. Saka niya ako dinala sa kitchen at sabay kaming naghugas ng kamay.
"What do we have for dinner?" ani Maxrill Won habang nagpupunas ng kamay.
Lumapit siya kay Lolo Mokz at tumango rito. Saka siya lumapit kay Tiyo More at tinapik tumango nang mas matagal dito. Hinalikan niya sa noo si Tiya Maze nang ito ang lapitan. Saka siya lumapit sa 'kin at hinawakan ako sa likuran, para akong pinipigilan. Napagtanto ko lang ang dahilan nang alalayan niya akong maupo matapos mauna ang kaniyang mga magulang.
Naupo si Tiyo Dirk sa kabilang tabi ko at ngumiti. Sabay-sabay silang nagsalita sa hindi ko naintindihang lenggwahe bago pa kami nakapagsimulang kumain.
Naramdaman ko lang nang makita ang nakahain. May baka na may sarsa, hindi ko alam ang tawag sa ulam na 'yon. May sinigang, pritong isda, lechong kawali at mga hiniwang prutas. Hindi na ako magugulat kung saang bansa na naman galing ang kanin dahil napakaputi niyon. Malayo sa kulay ng kanin na inihahain ni nanay sa 'min. Iba talaga ang mga Moon.
Sa umpisa ay tahimik. Pero kalkulado na agad ang kilos ko. Para bang naging mabigat bigla ang mga braso ko upang hayaan si Maxrill Won na asikasuhin ang hapunan ko. Hindi ko tuloy maiwasang sulyapan ang mga magulang at lolo niya. Parang ayos lang sa mga ito ang ginagawa ni Maxrill Won, hindi nila pinapansin.
"How's your studies, hija?" si Tiyo More ang nagbukas ng usapan. Mabuti at marami-rami na ang aking nakain, parang masasamid nga lang ako sa kaba.
Ibinaba ko ang mga kubyertos saka sumulyap sa puno ng mesa kung saan siya nakaupo. "Ayos naman po, tiyo."
"I mean, are you enjoying or having having a hard time?"
"Ano...Nag-e-enjoy naman po ako, tiyo. Gusto ko ang lahat ng subjects at...masaya po akong...nakapag-aaral ako. At...gustong-gusto ko po talagang maging beterinarya."
Ngumiti si tiyo. "Relax, hija, it's just me. Maximor del Valle Moon, the most handsome father in the whole world. Feel at home."
Pilit ang ngiting naitugon ko. Una, dahil nangingibabaw talaga ang hiya ko. Ikalawa, hindi ko alam kung kailangan pa bang sabihin ni tiyo ang nakikita ko naman nang kaguwapuhan niya.
Hindi ko kayang maging kaswal. Nasisiguro kong kaya sinabi ni tiyo 'yon dahil dama niya ang kaba ko. Maging ako ay ramdam ang panginginig ng tinig ko. Pero hindi ko mapigilan. Kailan lang nang magkasagutan sina Tiya Maze at tatay, ngayon ay magkasama kami sa iisang mesa at nakikihapunan ako sa kanila.
"So...are you guys already planning for the future?"bigla ay tanong ni Lolo Mokz.
"Hmm, like...?" nakataas ang kilay ni Maxrill Won.
"Like living a quiet life in one place, together. Like settling down, maknae," ngiwi ni Lolo Mokz.
Nasamid si Maxrill Won. "Seriously?"
"Ha ha ha ha ha!" Gano'n na lang talaga kalakas ang tawa ni lolo.
"Oh, bakit hindi?"
"Dude, my girlfriend's in college." Hindi talaga makapaniwalang ani Maxrill. Hindi rin ako makapaniwalang tinawag niya ng dude ang sarili niyang lolo!
"Nagbibiro lang ako, syempre." Sabay lingon ni lolo kay Tiya Maze na gano'n na lang katalim ang tingin sa kaniya. "What? They're not kids anymore. Nag-aaral pa si Dainty but...she's twenty-four, Maze Moon. And your kid is no longer that spoiled brat."
"Mokz?" nagtitimping pagtawag ni Maxrill Won, napamaang ako. Paanong tinatawag niya ang kaniyang lolo sa pangalan lang?
Dude? Mokz? Nakaawang ang labi, napatitig ako kay Maxrill Won sa gulat.
"Fine," humalakhak muli si lolo. "Kulang ka sa tulog, 'no?" biro niya. "Mainit ang ulo mo."
Bumuntong-hininga si Maxrill Won saka dinampot ang malaking panyo sa kandungan niya at pinunasan ang magkabilang gilid ng kaniyang labi.
"I'm tired." Sumandal si Maxrill Won sa kaniyang silya saka lumingon at sandaling tumitig sa 'kin.
"Ano...gusto mo bang magpahinga muna?" mahinang tanong ko.
Umiling siya. "It's okay. I have to go back to Palawan before midnight. So, I'll stay here with you."
"What?" sabay na tanong nina Tiyo More at Tiyo Dirk. "That soon?" saka siya lumingon sa 'kin. "I thought you came to visit us but...I guess I'm wrong."
"I'm busy," buntong-hininga ni Maxrill Won.
"Busy, huh?" ngiwi ni Tiyo More.
"Your son was born busy, what's so shocking about that, Maximor?" tila sanay nang ani Tiya Maze.
"But it's late, Maze," mahinang ani Tiyo More. "You can stay here if you're tired, Maxrill Won. I won't mind you staying here as well, Dainty."
Awtomatiko kong itinanggi ang mga kamay ko. "Hindi po pwede, tiyo, ano...sorry po. Ang paalam ko po kasi kay nanay ay hapunan lang. Mapapagalitan po ako."
'Ayun na naman 'yong sabay-sabay at walang emosyong paglingon sa 'kin nina Tiyo More, Tiya Maze at Lolo Mokz. Sabay-sabay ring umawang ang mga labi nila na para bang himala ang sinabi ko.
Kung hindi bahagyang ngumisi si Tiya Maze ay baka natakot na ako. "Heurt is already a member of Moon Family, Dainty Arabelle Gonza. We're like a family here. Believe me, ayos lang sa kaniya kung sasabihin kong dito ka magpapahinga ngayong gabi."
Hala...paano ba ito? Gano'n na lang ang pag-aalala ko. "Ano...s-sa susunod na lang po sana." Pakiramdam ko ay sasabog sa kaba ang dibdib ko.
Natawa si Maxrill Won saka kinuha ang kamay ko. "I'll send her home later. Are you done?" tiningnan niya ang plato ko.
"Oo," mahinang sagot ko.
Natawa na naman si Maxrill Won. "She's so cute, right? Eats like a cat," aniyang sinulyapan ang mga magulang.
"Go ahead and rest for a minute, Maxrill Won," pag-uutos ni Tiyo More na tinapos na rin ang kaniyang pagkain.
"Alright," tumayo si Maxrill Won saka kinuha ang kamay ko.
Napalingon ako sa kaniyang pamilya nang isa-isa na ring magsipagtayuan ang mga ito kasama ni Tiyo Dirk.
"Ano..." nagpaalalay ako kay Maxrill Won pero binawi ko ang kamay ko at kinuha ang plato ko. "Thanks for the dinner po, p-please allow me to wash the dishes, tiyo."
Natigilan ang mga Moon, maging si Tiyo Dirk, at tumingin sa 'kin. Naitikom ko ang bibig ko at nagbaba ng tingin matapos nilang magsulyapan at ibalik ang paningin sa 'kin.
Minadali kong imisin ang mga plato dahil hindi ko matagalan ang kanilang tingin. Panay ang palobo ko ng bibig ko para lang huwag mailang nang tuluyan.
"Leave it," ani Maxrill Won.
"Ako na," mahina man ay nakikiusap na sabi ko.
Nanlaki ang mata ni Maxrill Won saka naiilang na ngumiti. "No way, Dainty. Let's go upstairs."
"Please?" mahinang pakiusap ko.
Natitigilan talaga siyang tumitig sa 'kin, hindi makapaniwala. Para bang imposible ang pinakikiusap ko.
"Sa bahay ay madalas talagang ako ang maghugas ng pinggan, Maxrill Won. May kani-kaniya kaming ginagawa. Si tatay kahit nasa wheelchair, naayos niya ang kama niya. Si nanay ang tagapamalengke at nagluluto. Si Bree ang naglilinis ng bahay. Si Kuya Kev naman ang—"
"Yes, but it's different here," pinigil niya nag sinasabi ko. "Someone will take care of the dishes, don't mind it."
"Please?" nahihiya talagang pakiusap ko.
"Let her do it," ani Lolo Mokz, maganda ang ngiti. "I'll have some tea while she's doing the dishes."
"No way," ani Maxrill Won na kinuha muli ang kamay ko na awtomatiko kong binawi. "Baby?" bulong niya saka kinuha ang bewang ko.
Ngumiti ako. "Sandali lang ito. Magpahinga ka muna. Hahatiran na lang kita ng...anong gusto mo? Tea or coffee?"
"You," walang alinlangan niyang tugon. Tumikhim sina tiyo at lolo ngunit hindi inalis ni Maxrill Won ang paningin sa 'kin.
"Sige na," utal kong sabi, nagtago sa dibdib niya para ko makita ang atensyon ng mga magulang niya. "Pupuntahan na lang kita mayamaya."
Tinalikuran ko na siya at saka ko inimis ang mga plato. Naramdaman kong nasa akin ang paningin ng mga Moon. Hindi ko alam kung anong ginawa ni Maxrill Won para sabayan siya ng mga itong iwan ako sa mesa. Pero hindi ko pa man nasisinop ang plato ng iba ay dumulog na sa 'kin si Aling Nenita.
"Ano'ng ginagawa mo ritong bata ka?" natatawang aniya.
"Ako na po."
"Aba, agaawan mo pa 'ko ng trabaho?" tumawa lalo siya. "Pumaro'n ka na sa 'taas at ako na rito. Bukod sa maganda ay bisita ka, ano ka ba."
"Ayos lang po, sanay po ako sa gawaing bahay. Mabagal lang po talaga akong kumilos," ngiti ko at hindi siya pinakinggan. Nagugulat akong tiningnan ni Aling Nenita at hinayaang kunin ang lahat ng makaya kong bitbitin sa lababo.
Humanga na naman ako, maging ang lababo nila ay humihiyaw sa presyo. Sa halip tuloy na tulungan ko si Aling Nenita na dalhin ang iba pang hugasin, kinuha ko na ang sabon at muling humanga sa amoy niyon.
"Ako na sabi rito, sige na. Puntahan mo na si Maxrill doon at baka mapagalitan pa 'ko no'n," ani Aling Nenita.
"Dishwashing soap po ba talaga ito?" inamoy ko talaga 'yon. "Napakabango."
"Oo, galing pang France ang mga 'yan. Branded. Dishwashing soap ng mayayaman." Humalakhak siya.
Awtomatiko kong naibalik ang botelya sa lababo. "Grabe, parang nakapaghihinayang naman pong gamitin."
"Ganyan din ako no'ng una, Dainty Arabelle. Pero napansin ko kasi talagang hindi ito nag-iiwan ng amoy sa gamit kaya ito ang gamit nila," mahabang paliwanag niya saka ako dinanggi gamit ang balakang. "Sige na, ako na rito, Dainty Arabelle."
Napanguso ako. Lahat sila ay tinatawag na ako sa buong pangalan ko. "Natatandaan niyo po ang buong pangalan ko, Aling Nenita."
"Tita Nenita," pagtatama niya. "Oo, gusto ni Maxrill na banggitin ang buong pangalan mo dahil 'yon dahil ang paboritong salita niya."
Umawang ang labi koat pinamulahan ng pisngi. "Gano'n po ba."
"Sige na, pumanhik ka na sa 'taas."
"Hindi po ba nakakahiya?"
"Bisita ka rito, ano ba'ng nakakahiya ang sinasabi mo?"
"Iwan mo na si Nenita riyan, hija," nangibabaw ang tinig ni Lolo Mokz. "Pakigising mo na lang si Maxrill ng..."tumingin siya sa orasan. "Alas nueve siguro."
Nahihiya man ay sumunod na rin ako. "Sige po."Pinasalamatan ko si Aling Nenita saka sumabay kay Lolo Mokz paakyat sa 'taas.
"Kumusta ang paa mo? Natitingnan ba nang maayos?" tanong ni lolo.
Ngumiti ako. "Opo, regular ang pagbisita namin ni tatay sa ospital. Salamat po."
"Nadadalaw ka ba ni Maxpein?"
"Madalang po pero ayos lang po, alam ko naman pong busy siya."
"Oo, abala para sa anak at asawa niya, bukod sa may trabaho pa. Family friend din namin ang doktor ninyo ng tatay mo, isa 'yon sa pinakamahusay na doktor sa buong mundo. Maniwala ka sa 'kin."
"Opo, Lolo Mokz."
"Dito ang kwarto niya," itinuro ni lolo 'yon nang huminto kami sa harap ng kwarto ni Maxrill Won.
Hindi ko masabing alam ko kung saan ang kwarto nito at minsan na akong nakatulog doon. Nahihiya ako. Hindi ko maiwasang maalala kung ano pa ang ibang nangyari bukod do'n.
"Call me if you need anything," aniyang pinagbuksan pa ako ng pinto.
Sumilip ako at namangha nang makitang tulog na nga si Maxrill Won. Deretso ang higa at parang basta na lang ibinagsak ang katawan sa kama. Natutulog na siya't lahat ay gwapo pa rin. Pero hindi ko maitatangging mababasa talaga ang pagod sa kabuuan ng gwapong mukha niya.
"Sa 'baba na lang po siguro ako?" bulong ko.
Umiling si lolo. "Magigising 'yan kapag naramdamang wala ka sa tabi niya."
"Ayos lang po ba na dito ako sa kwarto niya?"
"Oo naman."
Hindi ko na tinanggihan ang alok dahil ang totoo ay lamang ang kagustuhan kong tumuloy rin. "Sige po."
"Just don't lock the door."
"Opo." Tumango ako at pinanood si lolo na isara ang pinto.
Sandali akong tumayo sa harap niyon saka marahang nilingon si Maxrill Won. Walang nagbago sa itsura niya, tulog na tulog pa rin. Kaya naman maingat akong naglakad at naupo na lang sa silya na naroon sa tabi ng kaniyang kama.
Mula roon ay tiningnan ko ang mukha niya at pinanood siyang matulog. Wala sa sarili akong nangiti nang muling maisip kung gaano akong kaswerte na boyfriend ko ang lalaking ito. Parang kahit anong papuri ang natanggap ko sa nakaraan, kulang na kulang 'yon para magustuhan niya ako.
Napakagwapo niya kahit tulog, kahit sino man ang nasa posisyon ko ngayon ay paniguradong makukontento sa pagtitig lang sa mukha niya. Kahit may isa't kalahating dipa ang layo ko sa kaniya ay naaamoy ko ang kaniyang pabango.
Gano'n na lang ang pagtayo ko nang magkakasunod na umubo si Maxrill Won. Nag-alinlangan akong lumapit at tiningnan kung ayos lang ba siya nang muling masundan iyon nang mas matindi pa ay tuluyan na akong nag-alala. Ubo na umaangat nang bahagya ang likuran niya mula sa kama at gano'n na lang kariin ang pagkakapikit niya.
"Maxrill Won," tuluyan akong lumapit at hinawakan ang noo niya. Nakahinga ako nang maluwang nang walang maramdamang kakaiba.
"I'm fine," aniyang kinuha ang kamay ko at inilagay sa dibdib niya. Pero muli niya lang inalis 'yon, bahagyang tumalikod sa gawi ko at saka doon muling umubo nang umubo.
"Maxrill Won..." hinagod ko ang likuran niya. "Pawis ang likod mo," nag-aalalang sabi ko gayong napakalamig sa kaniyang kwarto.
Kinapa ko ang leeg niya ngunit normal ang kaniyang temperatura. Hindi rin siya pinagpapawisan, umuubo lang talaga ngunit sa paraang tila magagasgas na ang kaniyang lalamunan.
"Maybe...because of the sweets," nagpatuloy siya sa pag-ubo. "I'm fine."
Lumapit ako sa mesa sa harap ng ref at pinagsalin siya ng tubig. "Uminom ka muna."
"Thanks." Bumangon siya at naupo nang bahagya.
Kinapa kong muli ang likuran niya. "Pawis 'yong likod mo, Maxrill Won. Magpalit ka muna ng damit."
Bumuntong-hininga siya saka nilingon ang closet. Sa sobrang laki ng kaniyang kwarto, mukhang nalalayuan na siya roon.
"Ikukuha kita ng bagong damit," presinta ko at bago pa siya nakatanggi ay tumayo na ako.
Mukhang hindi naman mahirap pumili, magkakahiwalay at maayos ang pagkakasalansan ng kaniyang mga gamit. Nasa iisang hanay ang magkakapareho ng kulay. Iyon nga lang lahat ay mukhang bago. Nahirapan akong alamin kung alin ang pambahay at pang-alis sa mga iyon.
"The blue sleepwear, please, on the right side of the closet," siya na ang sumagot sa tanong sa isip ko.
Kinuha ko ang sa tingin kong tinutukoy niya at saka ko dinala pabalik sa kama. Naupo ako sa tabi at pinanood siyang umayos ng upo.
"Sigurado ka bang ayos ka lang?" tanong ko. "Hindi ba masama ang pakiramdam mo?"
"I'm fine," ngumiti siya at hindi ko inaasahang tatanggalin ang butones ng kaniyang long-sleeves. "Pagod lang 'to."
"Bakit kasi pumunta ka pa rito? Nag-aalala tuloy ako sa 'yo."
Ngumiti siya. "I'm fine, don't worry."
Natigilan ako nang lumantad ang dibdib niya at prenteng hinubad ang shirt at binato sa kung saan. Agad na namula ang pisngi ko, at tumindi pa nang hindi ko nagawang alisin ang paningin ko sa dibdib niya.
Pakiramdam ko ay nadagdagan ang laman niya sa katawan. Mas kumurba ang ilang parte ng braso niya, sa tingin pa lang ay parang matigas ang mga 'yon, at mas lumalim ang mga ukit sa kaniyang tiyan.
Sa pagkatulala, hindi ko nabitiwan ang pantulog nang kunin niya 'yon sa 'kin. Kinailangan niyang hilahin nang mas malakas para maagaw nang tuluyan sa 'kin.
Matunog siyang ngumiti. "How about you? Are you okay?" aniyang kinuha ang atensyon ko, nang-aasar, sinilip pa ang mukha ko.
Napiling ako upang bumalik sa wisyo. "Oo, ano...p-pasensya na."
Matagal nalantad sa 'kin ang katawan ni Maxrill Won. Nakasara rin kasi ang butones ng pantulog at isa-isa niya pang binuksan 'yon. Natigilan lang ako at nasalubong ang paningin niya nang titigan niya ako. Matagal kaming tumitig sa isa't isa, nagpapakiramdaman at inaalam kung ano ang laman ng isip naming pareho.
"You want to touch it?" halos pabulong na tanong niya, hindi ko inaasahan. "Go ahead, I don't mind."
Nakaawang ang labi, nag-angat ako ng tingin sa kaniya. Dapat ay tumanggi ako, hindi ba? Pero bakit hindi ako makapagsalita? Ang tanging nagawa ko ay lumunok at panoorin ang kamay niyang kunin ang kamay ko.
Pinanood ko ang mga kamay naming papalapit sa dibdib niya. Gumapang ang kilabot mula sa hita ko paitaas sa aking katawan nang sandaling dumampi ang palad ko sa balat niya. Inilapat niya ang palad ko sa gitna ng dibdib, kung saan dama ko nang bahagya ang tibok ng kaniyang puso.
Nagtama ang paningin namin at binitiwan niya ang kamay ko. Nanindig ang mga balahibo ko nang dumapo ang palad niya sa bewang ko at gumapang pababa sa hita ko. Gumuhit ng paulit-ulit ang daliri niya sa tuhod ko na nagdagdag ng panibagong pakiramdam sa kabuuan ko. Nakagat ko ang aking labi at hindi namalayan ang nangyayari sa aking sarili.
Nakaawang ang labi, bumuga ng hininga si Maxrill Won. Saka siya tuluyang bumangon at niyakap ako.
"I love you," bulong niya.
Napangiti ako. "I love you, Maxrill Won," pabulong ding tugon ko, dinig ko ang matunog na ngiti niya.
"Say my name again."
"Maxrill Won."
"Again."
"Maxrill Won..." pakiramdam ko ay naging mas malambing 'yon. Binitiwan niya ako at nakangiting tinitigan. "Maxrill Won," inulit ko ang pagtawag sa kaniya at wala sa sariling dinampian ng halik ang pisngi niya.
Hindi siya nagpatalo at dinampian din nga halik ang pisngi ko. Bilang ganti ay ginantihan ko rin ng halik ang kabila niyang pisngi. Gumanti siya sa kabila ko ring pisngi. Kaya bilang ganti ay dinampian ko ng halik ang kaniyang leeg.
Nakangiti ko siyang tiningnan, naghihintay sa kaniyang ganti. Pero natigilan ako nang makita siyang matigilan. 'Ayun na naman ang matunog niyang paglunok.
"Maxrill Won," tawag ko.
"Can you...do that again?" mahinang aniya.
Natigilan muli ako ngunit hindi nakapagsalita. Bumaba ang paningin ko sa parte ng leeg niyang dinampian ng labi ko at bago pa man ako nakasagot ay inilapit ko na uli ro'n ang labi ko. Naramdaman ko nang humigpit ang hawak niya sa tuhod ko. Bahagya kong inilayo ang labi ko at narinig siyang humangos, pinipigilan ang matunog niyang paghinga.
Muli kong dinampian ng halik ang labi niya ngunit sa sandaling iyon ay mas matagal. Marahan kong pinagparte ang mga labi ko at tuluyang hinalikan ang balat niya. Kasabay ng paghigpit ng hawak niya sa aking tuhod ay ang maingat na paghawak niya sa aking batok.
Bumilis ang paghinga ni Maxrill Won at kahit anong pigil niya ro'n ay nadidinig ko ang impit na ingay niya. Nakagat ko ang aking labi saka hininto ang ginagawa.
Nakita ko siyang napapikit ngunit agad ding sinalubong ang tingin ko. Ngumiti ako, nang-aasar. Pero natigilan din nang hindi nabawasan ang pagiging seryoso niya. Bumaba ang tingin niya sa leeg ko dahilan para umawang ang labi ko.
Ako naman ang napalunok nang dahan-dahan niyang ilapit ang mukha sa akin. At bago pa man dumampi ang labi niya sa balat ko ay napapikit na ako at natakpan ng palad ang bibig ko.
Pero hindi gaya ng ginawa ko, napadilat ako nang maramdaman sa leeg ko, hindi lang ang labi niya. "Touch me, Dainty."
Gumapang ang kilabot sa buong katawan ko nang ibulong niya ang mga huling linya. Walang pagtanggi, kusang kumilos ang kamay ko papunta sa dibdib niya. Dahilan para lalong bumilis ang paghinga ni Maxrill Won. Umangat ang labi niya papunta sa panga ko hanggang sa marating niyon ang labi ko. Doon na tuluyang nag-iba ang kondisyon naming dalawa. Nagkaroon ng sariling buhay ang parehong kamay namin, nagbibigay ng bago at hindi mapangalanang pakiramdam na sadyang matindi ang epekto. Bago ko pa namalayan, nakapasok na sa likuran ng aking blusa ang isa sa mga kamay niya.
Pero ni katiting na pagtanggi ay hindi ko naramdaman sa aking sarili. Hinayaan ko siya at hinayaan niya rin ako. Sa pagkakataong ito, bumaba ang kamay ko hanggang sa tiyan ni Maxrill Won. Dahil sa upo naming pareho ay pareho kaming hirap sa distansya ng isa't isa. At dahil wala ni katiting na pag-iingat ay may nadaplisan ang palad ko nang hindi sinasadya.
Napadaing si Maxrill kasabay ng pag-iwas niya patagilid. Nagbaba siya ng tingin at doon naghabol ng hininga.
"S-Sorry..." kumuyom ang palad ko sa kaba at hiya. "Sorry, hindi ko sinasadya."
Bumuga siya ng hangin at saka sinalubong ang aking tingin. Nasisiguro ko kung gaano na kapula ngayon ang mukha ko.
"You...felt that?" mahinang tanong niya.
Matagal akong tumitig nang muli siyang magbaba ng tingin. Tumango ako bago nakasagot. "Oo," halos bulong ko.
"That's because you."
Nakagat ko ang labi nang mag-angat siya ng tingin. Bumaba ang mga mata niya sa aking labi at bago pa ako nakapagsalita ay sinalubong niya na ang labi ko at marahan akong inihiga. Hindi na siya nag-iwas ng pagkakataon. Kung gaano kabagal niyang inalis ang butones ng kaniyang polo at pantulog kanina, gano'n kabilis niyang nakalas ang sa 'kin. Hindi ko maipaliwanag ang dulot ng palad niya sa balat ko. Gusto kong sabihin nang paulit-ulit ang pangalan niya nang dahil do'n.
Pareho kaming natigilan nang lumantad sa kaniya ang dibdib ko bagaman may takip pa rin naman 'yon kahit papaano. Nag-iwas ako ng tingin at nakagat ang daliri ko. Nang hindi ko kinaya ay natakpan ko ng palad ang mga mata ko.
"I want to touch it," mahinang sabi niya, napigil ko ang aking hininga saka muling tiningnan si Maxrill Won. "With my lips."
Umawang ang labi ko. At ang isipin pa lang na gagawin niya 'yon, hindi na nahinto sa pagtindig ang mga balahibo ko.
Tumitig siya sa 'kin, naghihintay ng sagot. Nang hindi ako makatugon ay marahan siyang lumapit, naghihintay ng pagtanggi ko. Nang wala pa ring natanggap na tugon ay saka dumampi ang labi niya sa pagitan ng dibdib ko, napaliyad ako.
Pinaghiwalay ng hita niya ang mga hita ko at gano'n na lang ang pagdaing ko nang maramdaman hindi lang ang bigat niya, kundi ang lahat-lahat sa kaniya. Habol ko ang hininga nang salubungin ang tingin niya. Gano'n na lang katindi ang pagkakakagat ko sa aking labi nang bahagya niyang idiin ang sarili sa 'kin. Bago pa man ako nakapagsalita ay inangkin na namin ang labi ng isa't isa at muli niya 'yong ginawa. Pagdiin na nasisiguro kong sa sandaling ito, pareho naming gustong alisin ang anumang nakaharang.
Gumalaw si Maxrill Won at muli akong napadaing. Ang kaninang nadaplisan ng kamay ko ay paulit-ulit na bumabangga sa parte ng katawan kong may pinakamatinding epekto. Hindi ko maipaliwanag ang pakiramdam ngunit isang bagay lang ang aking masasabi, ayaw kong matapos kung ano man ang nangyayari.
Gumapang ang kamay niya papunta sa likuran ko. Nasisiguro ko na kung ano ang mangyayari oras na matunton niya ang kinakapitan ng natitirang harang sa dibdib ko. Walang pagtanggi, kusa pang umangat ang katawan ko para tulungan siya. Nang tuluyang maalis 'yon ay saka kami napatitig sa isa't isa. Tila parehong binabasa ang laman ng isip naming dalawa.
Sabay kaming napalunok, hindi inaalis ang aming mga mata. Dahan-dahan niyang hinila ang kaniyang kamay mula sa aking likuran at muling napalunok bago pa man mahawakan ang balat ko sa harapan.
Sabay naming napigil ang hininga sa bawat kilos na ginagawa niya. Pero bago pa man niya mahawakan ang gusto niyang hawakan, bumuga na siya ng hangin at ibinaon ang mukha sa gilid ng aking pisngi.
"You're so wet, I want to touch you," mahinang sabi niya habang humihigpit ang yakap sa 'kin.
Humigpit ang kapit ko sa kaniyang braso at napapikit ng sabihin ng isip kong gusto ko ring mangyari iyon.
"I want to feel you," bumilis ang kaniyang paghinga. "I want you to feel me..." napigil ko lalo ang aking paghinga. "Inside you." 'Ayun na naman ang walang hintong tindigan ng mga balahibo ko.
Ramdam ko ang gigil niya nang humugot ng hininga at dampian ng labi ang pandinig ko. Sabay naming pinigilan ang pagdaing nang muli siyang kumilos. Kahit anong ingat niya ay gano'n na lang katindi ang epekto no'n sa 'ming dalawa. Para bang nararamdaman na namin ang isa't isa kahit na ang totoo ay malayo pa sa balat ang mga 'yon.
"I love you, Dainty," mahinang bulong niya. "But I can't...I can't do it. Not right now."
Hindi ko alam ang mararamdaman ko. Pero isa lang ang nasisiguro ko. Hindi lang hiya, kung hindi higit na ang kaba ko habang pareho namin 'yong ginagawa. Pero dahil sa ginawa niyang paghinto, naging normal ang paghinga ko.
To be continued. . .
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen3h.Co