Truyen3h.Co

LOVE WITHOUT BOUNDARIES

CHAPTER 55

maxinejiji

CHAPTER 55

"I...UHM..." muling binitin ni Maxrill Won ang sasabihin saka nangingiting tumingin sa 'kin.

Napatitig ako sa kaniya. Hindi ko maipaliwanag ang pakiramdam. Ang tanging malinaw sa 'kin ay kinakabahan ako at gusto nang marinig kung ano'ng sasabihin niya. Pakiramdam ko ay may hula na 'ko. Pero natatakot akong baka mali ang hulang 'yon, bukod sa masyado pang maaga para ro'n, kaya pilit kong itinatabi sa madilim na parte ng isip ko.

Hindi ko rin mapangalanan ang reaksyon ng mga magulang namin. Pero sa tingin ko ay pare-pareho kaming nanghuhula. Hindi malabong magkapare-pareho rin kami ng hula. Dahil sa paraan ng pagtitig at pag-aanunsyo ni Maxrill Won, para bang mauuwi ang araw na 'to sa panibagong selebrasyon.

Mabilis namang gumilid sina Tiyo More, Lolo Mokz, Kuya Maxwell at Ate Maxpein kay Maxrill Won. Habang si Tiya Maze ay magkakrus ang braso at matalim ang titig sa anak. Si nanay ay panay ang pagbuntong-hininga habang naghihintay sa dagdag na sasabihin niya.

Lahat kaming naro'n ay literal na tutok ang paningin sa kaniya at naghihintay. Mukhang sinasadya niya naman 'yong bitinin dahil tila naaaliw siya sa mga reaksyon namin. Hindi ako sigurado kung ako lang ang kabado, halata kasi sa mukha nina nanay, Tiya Maze at mga kapatid ni Maxrill Won na kabado rin ang mga ito. Tanging ang mga kaibigan nila ang nalilibang sa paghihintay, mas excited pa kaysa sa 'kin. Halata kasing ako ang pinakakabado. Hindi na nga ako magugulat kung may magsabing namumutla na 'ko.

"You're making everyone nervous, son," hindi maipaliwanag ang reaksyon ni Tiyo More, napatungga bigla sa hawak niyang glass na may malaking yelo. Lumapit siya sa anak at pinilit tumawa habang tinitingnan ang lahat, isa-isa. "What is it?"

Sandaling tumitig si Maxrill Won sa ama at saka ngumiti. Umawang ang labi ni Tiyo More habang nakatitig din sa anak, tila hinuhulaan ang tumatakbo sa isip nito. Halatang pigil niya ang hininga at nabitiwan lang 'yon nang alinlangang lingunin ang iba pang naghihintay na gaya niya. Saka siya nagsalita nang malumanay sa lenggwaheng sila lang ang nagkakaintindihan.

"I demand a a gift from everyone," nakangiting sagot ni Maxrill Won.

Sandaling natigilan si Tiyo More, nangangapa pa rin. Saka napilitang ngumiti. "Okay...what...kind of gift?"

"I have a gift," mabilis na sagot ni Kuya Maxwell, siya ang pinakakalmado, itinuro pa ang envelope na binigay niya kanina. "It's an island, baby brother. That's the title."

Umawang ang labi ko. Island...title...gift... Napatitig ako kay Kuya Maxwell na awtomatikong naramdaman ang tingin ko. Matamlay man, nginitian niya ako na para bang simpleng kotse-kotsehan lang ang binigay niya sa aking nobyo. Habang ako ay hindi makapaniwalang posible sa kanilang ipangregalo ang gano'n.

Nilingon ng pamilyang Moon si Tiyo More. "What?" na awtomatikong umiwas na para bang gano'n kabilis siyang hinusgahan. "I gave him a new luxury car," aniyang nakaturo pa sa labas. "Dalawa lang ang meron no'n dito sa Pilipinas."

Luxury car...

Napapalunok kong sinulyapan ang labas na para bang makikita ko ro'n ang ginamit naming sasakyan kanina, gayong naka-helicopter kami papunta rito.

Gano'n ang mga regalo nila sa kaniya...

Parang gusto kong lumubog sa kinatatayuan ko. Ang lakas ng loob kong sumimangot kay Maxrill Won, gayong idinamay lang ako nina nanay sa cake na regalo nila.

"I gave him a new boat. What about you, Maxpein?"tanong ni Lolo Mokz.

Nilingon ng mga naro'n si Ate Maxpein na para bang walang pakialam sa kaniyang paligid. Kung si Kuya Maxwell ay kalmado, siya naman ay parang hindi namin kasama rito. Walang nagbabago sa reaksyon niya at tila nabubugnot pa sa eksena ni Maxrill Won.

"I gave him a hug," sagot ni Ate Maxpein. Natigilan ang lahat at saka sabay-sabay na natawa. "Bakit, may reklamo ka?" baling niya sa bunsong kapatid.

Na awtomatikong nagkibit-balikat. "I know I'm richer than you."

Inirapan ni Ate Maxpein ang bunsong kapatid at eksaktong nalingunan si Tiya Maze. Na awtomatikong umikot ang paningin.

"Ako ang nagluwal sa 'yo, kaya ka narito sa mundo. Ano'ng regalo pa ang gusto mo, Maxrill Moon?" napakataray ni tiya.

"I wanna travel with Dainty," sa wakas ay nasabi ni Maxrill Won.

Halos sabay-sabay na lumaylay ang balikat ng mga magulang namin. Ang pamilyang Moon ay nakahinga nang maluwang. Mabilis namang lumapad ang mga pisngi ko sa pagkakangiti.

Travel...

"Travel..." ani Tiyo More saka muling tumawa, mas malakas na, sinabayan pa ni Lolo Mokz. Talagang nakahinga sila nang maluwang. "He wants to travel, akala ko uunahan niya pa si Maxwell," tumatawa niyang pinunasan ang noo niyang may butil ng pawis saka bumuga ng hangin. "Of course, you can travel around the world, anytime you want, son, you're the richest Moon."

Ngumiti si Maxrill Won sa ama. "I said...I want to travel with Dainty."

Muling tumawa nang tumawa si Tiyo More, nakaharap kay Lolo Mokz na ginantihan naman nito nang mas malakas na tawa. Nagmukha silang nag-uusap gamit ang ingay nila. Saka sila napapabuntong-hiningang tumingin kay Nanay Heurt. "You know my son, Heurt," nakangiwing ani tiyo.

"Magta-tantrums 'yan kapag hindi pinayagan," dinig kong bulong ni Lolo Mokz, pinigilan kong matawa sa pag-aalala na pareho kaming hindi payagan.

Nagkatinginan kami ni nanay saka siya bumuntong-hininga. Hinarap niya si Maxrill Won at saka sumulyap kay Ate Maxpein. Hindi agad siya nakapagsalita pero nang magkibit-balikat siya ay para niya na ring sinabi na wala siyang magagawa kung hindi ang pumayag.

"I'll talk to her father to ask his permission. Don't worry, Heurt," sinserong pahabol ni Maxrill Won, palihim akong nangiti.

"Sa akin ay walang problema, alam kong hindi mo pababayaan ang anak ko. Saan ba ang punta ninyo?" tugon ni nanay.

"Sa Norway lang," kaswal na tugon ni Maxrill Won, umawang ang bibig ko sa gulat.

Norway...lang...

Gusto kong manliit. Ako ang girlfriend ng lalaking 'to, na siyang pinakamayaman sa mayayamang tao na kasama ko sa oras na 'to. Dadalhin niya ako sa hindi ko pa man nararating ay nasisiguro ko nang isa sa pinakamagandang bansa sa mundo. Pero sinabi niya 'yon na para bang sa Maynila lang ang punta namin.

"Okay, doon lang pala," sinserong pumayag si nanay. "Kausapin mo ang tatay ni Dainty at papayag ako oras na pumayag siya."

Tumango nang malalim si Maxrill Won. "Thank you, Heurt."

"Ano..." hindi ko na napigilang sumabat. Marahan kong hinila ang tagiliran ng shirt ni Maxrill Won.

Sinilip niya 'yon saka sinalubong ang tingin ko. "Hmm?"

Pinalobo ko ang bibig ko nang makitang nasa akin na ang paningin ng lahat. Wala akong nagawa kung hindi lumapit kay Maxrill Won at magpatangkad para maabot ang pandinig niya.

"Wala akong mga papeles, Maxrill Won," nahihiya, namumula nang bulong ko.

Nakita ko nang matigilan siya, maging ang mabagal na paglingon sa 'kin. Nakamot niya ang sentido saka napapailing na tumawa. "Papers? What for? Anyway, Dirk will take care of everything, that's not a problem."

"Ako ang chairman pero siya ang nakinabang sa kanang-kamay ko," dinig naming sabi ni Tiyo More.

"Yes, dad?" inosenteng ani Maxrill Won. "Are you saying something?"

"No, no," awtomatikong tumanggi si tiyo, mas naging inosente. "Norway." 'Ayun na naman 'yong palakasan nila ng tawa ni Lolo Mokz.

"All right, then, let's eat?" anyaya ni Maxrill Won.

"Hindi ba't kakakain mo lang?" ani nanay.

Nawala ang ngiti sa mukha ni Maxrill Won saka nilingon ang kaninang inuupuan nila nina Kuya Randall. "That's breakfast. It's almost lunch time."

Umiling si nanay. "Grabe, bilib talaga ako sa tiyan mo."Nanguna siya papunta sa kusina saka sinenyasan ang mga naro'n na maupo na sa mesa. "Ihahanda ko na ang tanghalian, maupo na kayo." Malakas, sabay-sabay na nagpasalamat ang mga Moon gamit ang iisang salita, nakakatuwa.

20-seater ang wooden dining table. Gawa iyon sa solidong katawan ng puno na siya ring ginawang disenyo ng mesa. Matataas naman ang sandalan ng mga silya. Mula rin sa katawan ng puno ang mga 'yon at kakulay halos ng bahay.

Nasa kanang bahagi ng mesa sina tiyo, tiya at lolo. Ang bakanteng silya ay mukhang nakalaan kay nanay. Sina Ate Maxpein at Ate Naih ay sina Bree Anabelle, Rhumzell at Ate Dein ang kasama. Napasama na naman ako kina Kuya Randall, Kuya Maxwell, Kuya Deib Lohr at Kuya Lee nang itabi ako ni Maxrill Won sa kaniyang pwesto.

Si Maxrill Won ang pinakamasaya nang ihain nina nanay at Aling Nenita ang tanghalian. Seafood pasta ang unang napansin niya at parang bata siyang naghintay na mailapag ang isang bandehado sa harapan niya. Nangiti ako nang ihanda ni nanay ang hindi mapangalanang gulay, samu't sari, magaganda ang kulay. Naisip kong gano'n niya talaga kakilala si Maxrill Won para ipaghanda ito ng mga gusto nitong kainin. Parang bata talagang nag-celebrate si Maxrill Won habang isa-isang tinitingnan ang nakahanda sa mesa.

"Walang karne?" wala sa sariling nasabi ko.

Nagugulat akong nilingon ni Maxrill Won. Hindi nakaligtas sa paningin ko ang palihim na tawanan ng mga naro'n dahil sa reaksyon niya.

"Why? You don't wanna eat fruits and veggies?" tugon ni Maxrill Won.

"Ano...hindi, oo, kumakain naman ako ng kahit na ano. Nagtaka lang ako..." sinulyapan ko ang lahat sa mesa. "Naalala kong hindi ka nga pala mahilig sa karne, Maxrill Won."

"Ooh, looks like it's going to be a problem," pang-aasar ni Rhumzell na katabi man ay sadyang tinalikuran ni Maxrill Won para humarap sa 'kin.

Nagtawanan ang karamihan, halatang inaasar nila si Maxrill Won at hindi ko mahulaan ang kanilang dahilan. Siguradong may alam sila tungkol dito na hindi ko pa alam. Nangingiti ko silang tiningnan saka pinanood ang mga reaksyon ni Maxrill Won.

"Shut up," asik ni Maxrill Won sa kaibigan sabay harap uli sa 'kin. "Well, I can ask them to cook meat. Which meat do you want to eat?"

Natawa ako. "Ayos lang ako."

"No, it's okay."

"Hindi na," nakangiti kong hinawakan ang kamay niya. "Ayos lang ako."

"What a baby..." nakangiting ani Kuya Randall, magkakrus ang mga braso at nakasandal, nagpapalitan ng tingin sa 'min ni Maxrill Won.

Nginusuhan ko si kuya nang ipatong niya ang siko sa mesa at nakapangalumbabang tumunghay sa 'kin.

"Bawal 'yan sa mesa, kuya," sabi ko.

Umawang ang labi niya saka ngingisi-ngising sinulyapan si Kuya Maxwell. "Is it?"

"You heard the lady," ani Kuya Maxwell sabay tayo upang kunin ang plate ni Maxrill Won at punasan 'yon. Humanga ako. "Let me," aniya pang nilagyan ang pasta ang plate ni Maxrill Won.

"Thank you, hyung," kaswal na ani Maxrill Won na siya namang tumayo at ginawa rin ang ginawa ng kaniyang kuya. Lalo akong humanga. Nakangiti kong tiningnan ang dalawa.

"That's their thing. Cute, huh?" nakangiti na namang baling sa 'kin ni Kuya Randall.

Napanguso ako. Mukhang kilalang-kilala na ng lahat nang naro'n ang ugali at personalidad ng pamilyang Moon. Ako lang talaga siguro ang nangangapa pa. Kaya namamangha ako sa bawat kilos nila. Madalas tuloy nila akong nahuhuling nakatingin.

"Are you excited to go to Norway?" ayaw akong tigilan ni Kuya Randall. Tutok siya sa akin at halatang nang-aalaska.

"Opo, kuya." Hindi ko mapigilang mangiti nang isagot 'yon.

"You're flying solo," sinulyapan niya si Maxrill Won sabay baling ulit sa 'kin.

"Kasama ko po si Maxrill Won," sagot ko.

Natigilan siya saka natawa. "Yeah, ibig kong sabihin, solo ninyo ang isa't isa. That's what makes it more exciting."

Nakita ko nang pasimpleng sikuhin ni Kuya Maxwell ang kaibigan. "Kumain ka na nga."

"I'm talking to the lady."

"You're tripping the lady."

"Of course not! I respect the lady, D. Tsk tsk." Umiling si Kuya Randall at kay Maxrill Won naman bumaling. "So, what's your IT?"

"What IT?" takang tugon ni Maxrill Won.

"Itinerary, fool. What's your plan? Is this your first time together?"

"Not really," umiling si Maxrill Won at pinaglagay ako ng pasta sa aking plate. "She went to Palawan to see me."

Awtomatiko ko siyang nilingon. "Ano? Hindi, ah... Sumama lang ako kay nanay..." Ramdam ko agad ang pamumula ko.

"Is he your first boyfriend?" tanong ni Kuya Randall.

"Opo," nahihiya kong sagot sabay iwas ng tingin.

"Sweet. How about you, Maxrill?" baling dito ni kuya.

"What about me?" wala sa kaniya ang atensyon ni Maxrill Won, natawa ako.

"Who's your first girlfriend?"

"Of course, it's Dainty. Why?"

"Oh, so...you're both" Hindi naituloy ni Kuya Randall ang sasabihin nang sikuhin siya ni Kuya Maxwell. "What?"pinandilatan niya ang nanikong kaibigan.

"We're eating," pabulong na tugon ni Kuya Maxwell.

Hindi siya pinansin ni Kuya Randall. Sa halip ay muli itong bumaling sa 'min, na para bang napakaimportante ng sasabihin niya. Kami naman ni Maxrill Won ay nakinig.

"Listen, marriage is good for your mental health," patuloy ni Kuya Randall. "One of the best partsyou get to see the person who loves you more than you love yourself every...day. You get to share everything to the person who knows you better than you know yourself. You get to see the love of your life everyday for a lifetime, and that's the best!"

Umawang ang labi ko at pinagkunutan siya ng noo. "But we're not getting married yet, kuya. We're just going to travel."

"Exactly," lalong tumunghay si Kuya Randall sa 'min. "There's something more exciting about Norway that has something to do with marriage. So, here's the thing"

"Nobody wants to hear your thing, gago," muling pinigilan ni Kuya Maxwell ang kaibigan.

"That's vital!" asik ni Kuya Randall, inosente. Umangat naman ang mga balikat ko nang takpan ni Maxrill Won ng parehong palad ang magkabilang tainga ko. "Let's prep your brother, D."

"They're innocent." Inambaan ni Kuya Maxwell ang kaibigan.

Lumaylay ang mga balikat ni Kuya Randall, napasandal sa silya saka tumingin sa 'min ni Maxrill Won. "What a baby..."Umiling siya saka muling tumutok sa 'kin. "

"Ano'ng pinagsasasabe mo diyan, woi?" nagsalita si Ate Maxpein, masama na ang tingin kay Kuya Randall.

"Boys talk," nakangising tugon ni kuya.

Tumunghay si Ate Maxpein para silipin ako. "'Wag kang makikinig diyan kay Randall, 'yan ang pinakamaloko sa lahat ng katabi mo."

Natawa ako at tumingin kay Kuya Randall. Sumimangot siya sa 'kin saka muling lumingon kay Ate Maxpein.

"Pein?" angil ni Kuya Randall. "Malaki na ang pinagbago ko, okay? Hindi na 'ko 'yong Randall na nakilala mo sa nakaraan. Besides, katabi mo ang misis ko, kapag inaway ako niyan, lagot ka sa 'kin."

"Nandito na 'ko't lahat sa tabi mo, naririnig mo pa 'yong usapan sa dulo, Taguro, napaka-sweet mo," ingit ni Kuya Deib Lohr. "Kumain na lang kaya tayo?"

"Hindi ba pwedeng malakas lang ang pandinig ko?"

"Mahina ang pandinig mo, Taguro, sinong niloko mo?"

"Puro kalokohan ni Randall ang naririnig ko."

"'Wag kang makinig at kalimutan mo na ang ex mo, ako lang naman ang maganda sa nakaraan mo."

Natawa ang karamihan nang samaan ni Ate Maxpein ng tingin si Kuya Deib Lohr. Nagkasulyapan kami ni Maxrill Won at ngumiti sa isa't isa.

"Go ahead and eat," itinuro niya ang pasta sa plate ko.

"Ikaw rin, Maxrill Won." Ngumiti ako at saka sinimulang kumain.

"I'm her first love, Deib," pang-aasar pa rin ni Kuya Randall.

"Oo, ikaw," nakangiwing tugon ni Kuya Deib Lohr. "Kaya nga mabilis kang nakalimutan. Ako 'yong last, tingnan mo, ako nakatuluyan. Hahaha!" Nahawa ang lahat sa tawa niya.

"I am my wife's first and last love, that's all that matters to me now," sagot ni Kuya Randall sabay sulyap kay Ate Dein na hindi man lang lumingon sa asawa, napangiwi tuloy si kuya. "Saan kayo nag-meet ng first love mo?" nakangisi niya na namang baling sa 'min.

"No'ng birthday niya," nakangiting tugon ko.

"Really?" nakanguso akong nilingon ni Maxrill Won. "I met mine on New Year's Eve."

"Oh...so, magkaiba ang first love ninyo," tumatangong ani Kuya Randall.

Palihim akong ngumuso at nilingon si Maxrill Won ngunit tutok siya sa pagkain at ganadong-ganado.

Napabuntong-hininga ako. Si Ate Yaz siguro ang tinutukoy niya.

"How 'bout you, D?" bigla ay baling ni Kuya Randall sa kaibigan. "Nakailang first love ka?" humalakhak siya.

Mukhang gusto ni Kuya Maxwell mapikon pero nahawa siya sa tawa ng kaibigan. "Si Yaz lang. Hindi ako babaerong katulad mo."

"Hey, hey," tinapik ni Kuya Randall ang balikat ng kaibigan. "Hindi na 'ko babaero."

"Whatever."

"Besides, kung babaero ako, ano pa si Bentley?"

Sabay na natawa ang magkaibigan. "Kumusta pala si Bentley?"

"Babaero pa rin." Tumawa uli silang pareho. "I heard, he's planning to go to Cebu for a seminar, not sure though kung ano."

"Cebu?"

"Yeah, sa province ni Yaz." Napakalakas mang-asar ni Kuya Randall.

"You're not eating," baling sa 'kin ni Maxrill Won.

"Ha?"

"Ha?" ginaya niya ako. "Eat."

Ang totoo ay busog pa 'ko. Pero dahil sa sayang nararamdaman ko sa puso ko, hindi ko napansin ang dami ng nakain ko. Lahat ng nakahain ay natikman ko, lahat din ay pinuri ko ang lasa. Bawat segundong lumilipas, lalo akong sumasaya, kahit na ang katabi ko ang may kaarawan, ako ang pinasasaya niya.

"Tutulungan na kita, Bree Anabelle," presinta ko nang makita ang kapatid kong tumutulong kay Aling Nenita sa pinagkainan.

"Ako na, ate, do'n ka na kina Maxrill," inunahan niya akong kunin ang mga plato.

"Nandoon naman ang mga kaibigan niya," ngiti ko. "Ako na ang maghuhugas ng mga pinggan."

"Ate Dainty naman, napakaganda mo para pumuwesto pa rito, sige na, okay lang kami. Ako nga, ayaw patulungin ni Tita Nenita, ikaw pa kaya? Do'n ka na sa birthday boy mo, hehehe."

"Sigurado ka? Marami ito, Bree."

"Oo, 'sus! Kaya ko 'to, ate!"

"Abot mo ba 'yong lababo?" biro ko.

Natigilan siya sandali at nilingon ang sink. Saka sumama ang mukha niya nang lingunin ako. "Ikaw, Ate Dainty, ah!"

"Biro lang, Bree," tumatawa ko pa ring sabi.

"Lalo kang gumaganda, ate. Masaya ako na masaya ka."

Tinabig ko ang balikat niya, nahihiya ako dahil sa sinabi niya. "Salamat, Bree."

"Excited ka na ba sa Norway? Napakaswerte mo, ate!"

"Oo," nangingiting sabi ko saka nalungkot.

"Grabe, ate! Nakikita ko sa internet kung gaano kaganda ro'n. I'm happy and excited for you! Kwentuhan mo 'ko pagkauwi mo, ha? Magdala ka na rin ng camera para may ipapakita ka sa 'min!"

Bahagya akong nalungkot. "Sana kasama kayo."

"Ano ka ba, lakad ninyo ni Maxrill 'yon."

"Nahihiya naman akong hilingin kay Maxrill Won na isama kayo. Masaya ako na pupunta kami ro'n, totoo 'yon. Pero mas sasaya ako kung kasama ko kayo nina nanay, tatay at kuya. Kaso...hindi naman ako 'yong may birthday. Nakakahiya," bulong ko.

"Ate, masaya ako para sa 'yo, deserve mo 'to! Kaya 'wag mo kaming isipin. Kasama mo na nga kami sa bahay, hanggang sa Norway ba naman? Okay ka lang, ate?" alam kong biro 'yon pero ngiti lang ang naiganti ko.

"Hindi bale, Bree..." Hinawakan ko ang parehong braso niya. "Kapag nagkatrabaho na 'ko, pag-iipunan ko ang pagpunta natin sa Norway. Lahat tayo pupunta."

Nanlaki ang mga mata niya. "Talaga, ate?"

"Oo. Pangako 'yan."

Nagpapadyak siya sa kinatatayuan. "Sige, ate! Tutulungan kitang mag-ipon kapag nagkatrabaho na rin ako. Pag-ambagin na rin natin si kuya." Saka kami natawa pareho.

"Tulungan na kaya kita?"

"Tsk, ate naman, eh...kaya ko na 'to. Kunin mo na lang 'yong mga baso ro'n sa mesa." Inginuso niya ang wooden center table sa living space habang iniaabot sa 'kin ang wooden tray.

"Sige," ngiti ko saka nagtungo ro'n.

Ipinatong ko ang wooden tray sa table. Saka ko inayos ang palda ko at naupo dahil may kababaan ang mesa. Hindi ako komportableng yumuko nang gano'n kababa dahil may kaiksian ang bestida ko. Malayo sa normal na bestidang nakasanayan ko na halos umabot sa bukong-bukong ang palda.

Saka ko isa-isang kinuha ang mga tasa at baso, sa takot na may maihulog sa mga 'yon.

"I thought he was going to propose, kinabahan ako,"narinig ko ang tinig ni Tiya Maze. Pinigilan ko ang sariling lumingon ngunit natigilan ako nang maisip na si Maxrill Won ang kaniyang tinutukoy. "Naisip kong...mali na mag-propose siya nang wala ang tatay ng babaeng gusto niyang mapang-asawa."

"Ang totoo, gano'n din ang naramdaman at naisip ko,"nasundan 'yon ng tinig ni nanay. "Hindi ko alam kung ano'ng mararamdaman ko kung sakaling nagyaya ng kasal ang anak mo. Kahit pa...nasa tamang edad na sila para ro'n."

Napabuntong-hininga si tiya. "He knows he can't do that, well, yet. Kailangang mauna ang maji."

"Tama. Bukod sa hindi magandang ideya na mag-propose siya matapos maudlot nang kay Maxwell. Iyon ay opinyon ko lang naman."

Narinig ko ang matunog na ngiti ni Tiya Maze. Noon ko pa lang sila nilingon. Naro'n sila sa patio sa harap mismo ng bahay. Parehong nakatayo at magkatabi man, nakatingin lang sa kalikasan, pareho ring may inuming hawak.

Minadali ko na ang ginagawa at tatayo na sana nang marinig ang pagpapatuloy ni Tiya Maze. "Sigurado akong magwawala ang asawa mo, kung nagkataong nag-propose nga ang anak ko."

Bumuntong-hininga si nanay. "Aaminin kong hindi ko rin alam kung paanong ipaliliwanag ang lahat kay Kaday kung-sakali. Tama ka, posibleng magwala siya. Ngayon pa lang kasi ay tutol na siya sa relasyon ng dalawa."

"I don't think matatanggap ni Kaday na mahalo ang pamilya namin sa pamilya ninyo."

"Hinayaan niya 'ko." Nilingon ni nanay si tiya upang ngitian.

"Wala siyang magagawa dahil una sa lahat, hindi ka niya pag-aari, Heurt." Nilingon din ni tiya si nanay, walang kasinseryoso ang mukha niya. "Hindi lang ikaw ang nagkamali. Pero buong buhay mong pinagbabayaran 'yon sa pamamagitan ng pananatili mo sa tabi niya. Wala siyang karapatang tanggihan ang pagpasok mo sa pamilyang Moon. Hindi ang isang tulad niya ang makapipigil sa desisyon ng pamilya namin, pasensya na."

Nagpalitan ang tingin ko sa kanila. Hindi ko lubos na maunawaan ang pinag-uusapan nila, lalo na ang mga huling sinabi ni tiya. Pero bumilis ang tibok ng puso ko matapos marinig 'yon.

Nakita kong umawang ang labi ni nanay, magsasalita na sana. Ngunit huminto siya at bahagyang gumalaw ang paningin papunta sa gawi ko. Dali-dali kong binuhat ang tray at maingat na naglakad palayo kung saan makikita nila 'ko. Hindi nila maaaring malaman na may narinig ako.

Ano kaya ang ibig sabihin ni tiya? Nagkamali si nanay? Saan? At...hindi lang si nanay ang nagkamali... Kanino?

Napakarami, sunod-sunod na tanong ang namuo sa isip ko. Kaya sa lalim ng pag-iisip at kamamadali ay hindi ko napansin ang makakasalubong ko.

"Hey careful," kung hindi marahil niya ako nakahawakan sa braso, nahulog ang bitbit ko. "I was looking for you."

"Maxrill Won..." nag-angat ako ng tingin sa kaniya.

Nilingon niya ang pinanggalingan ko at nagbaba ng tingin sa tray na hawak ko. "What are you doing with these?" kinuha niya ang tray.

"Tinutulungan ko sina Bree."

"With what?"

"With the dishes."

"Hmm," tumango-tango siya. "Why don't you just let them do it?"

Ngumuso ako. "Gusto ko lang tumulong."

"Can't you just stay beside me, hmm?"

"Kanina pa kaya tayo magkatabi."

"All right, I'll stay beside you na lang. I'll help with the dishes too."

Ngumuso ako lalo. "Hindi na. Ihahatid ko lang 'to sa kanila."

"Do you want to see the rooms, then?"

"Anong rooms?"

Sa halip na sumagot ay ngumiti siya at kinuha ang tray sa 'kin. Magkasama naming hinatid ang mga 'yon kina Aling Nenita at Bree Anabelle na mabilis kaming tinaboy matapos kunin.

Inalalayan ako ni Maxrill Won patungo sa hagdan. "You haven't seen the rooms and the deck, they're beautiful. I personally designed them, based on my taste and Maxwell's. My brother's taste is exceptional."

"Maganda nga..." haligi pa lang ang nakikita ko, humahanga na 'ko.

Kung titingnan, napakasimple ng buong bahay. Pero dahil sa laki niyon, paniguradong nakakalula ang presyo. Sigurado ring kahit gano'n kasimple ang mga gamit at materyales, hindi biro ang presyo ng mga 'yon.

"Deib Lohr's an engineer but he can do literally everything," nakangiting dagdag ni Maxrill Won nang nasa hallway na kami. "And when I say everything, I meant...these..." Binuksan niya ang unang pinto na nadaanan namin.

Awtomatikong umawang ang bibig ko nang makita ang kabuuan ng kwarto. Pulos kahoy at salamin ang mga dingding, maging ang disenyo at mga gamit pero mas naging moderno. Gaya ng deskripsyon ko kanina, simple ngunit humihiyaw sa karangyaan ang mga 'yon. Tipikal na mansyon na titirhan ng isang Moon. Napakaganda!

"Guest room," aniya nang maigala ko ang paningin.

May katamtamang sukat na kama. May pang-cinema theaters na sofa set at malaking TV. Kaliwa't kanan ang mga halaman at may walk-in closet. May personal bathroom na humihiyaw rin sa karangyaan. Malaki ang bath tub at mahaba ang sink. May glass shower room at kawayan ang disenyong haligi.

"I'll show you the next one." Hinawakan niya ako sa magkabilang balikat at inakay palabas.

Lalo lang umawang ang bibig ko nang makita ang sumunod na kwarto. Doble ang sukat kanina ang kama na narito, gano'n na rin ang sukat ng TV at bathroom. Mas makikita rin dito ang view ng bundok at daan pababa roon.

"Guest room din ito?" hindi ako makapaniwala.

Tumango siya. "Of course." Saka niya hinawakang muli ang magkabilang balikat ko at inalalayan ako palabas.

Iba na ang kulay ng sumunod na kwarto, at hindi ko na kailangang tanungin kung para kanino ang kwarto na 'yon. Triple ang laki kompara sa dalawang naunang kwarto. May walk-in closet sa magkabilang side at bathroom sa gitna. Salamin ang buong wall niyon kaya kahit hindi namin pasukin ay makikita mula sa kinatatayuan namin ang mahabang sink at baby bath tubs. Iba't ibang kulay ang striped wallpaper design. May nakasalansan na mint green, light blue at pink na towels. Base sa mga gamit at disenyong pambata, hindi na kataka-taka, mahuhulaan na talaga.

Nangiti ako at natakpan ang bibig ko. "Our kids' room," ngiti rin niya nang magbaba ng tingin sa 'kin. "I didn't buy much, gusto kong ikaw ang magdesisyon kung ano ang bibilhin natin at ilalagay dito in the future."

Hindi ko alam kung anong sasabihin. Nakangiti ko lang na iginala ang paningin ko. Napakarami niya nang plano para sa 'min, hindi pa rin ako makapaniwala hanggang ngayon.

"And the last one's our future room," patuloy niya, nasalubong ko ang tingin niya. "Do you want to see it?"

Ngumiti ako at tumango. "Sige."

Hinawakan niya ang kamay ko saka ako iginiya patungo sa kwartong nasa dulo. Natakpan ko ang bibig ko nang masalubong ang magandang view ng dalawang malalaki at malalakas na falls sa gitna ng hindi kataasang bundok. Sigurado akong malayo 'yon pero dahil malaki, kitang-kita at dinig na dinig sa kwartong 'yon.

"'Yan 'yong..." hindi ko naituloy ang sasabihin nang alalahanin ang sandali namin do'n.

Tumango agad siya. "Gusto kong maalala parati kung ano'ng nangyari diyan." Saka siya lumingon sa 'kin. "Sa atin." Yumakap siya sa likuran ko at saka ako hinalikan sa pisngi. "I love you, Dainty."

Ngumiti ako. "Kahit wala akong regalo?"

Natigilan siya saka natawa. "Yeah, kahit walang legaro. It's fine."

"Regalo, Maxrill Won."

"Exactly."

"Ano'ng exactly? Legaro ang sinabi mo."

"Pero naintindihan mo, 'di ba? It's just the same."

Ngumiwi ako. "Magkaiba 'yon."

"Fine. You win."

Lalo akong nangiti sa tuwa. "Paano pala ang trabaho mo?"

"What about it?"

"Nasa Palawan ang trabaho mo."

"I told you, it's everywhere. I can live and work wherever I want."

"Paano kung kailangan mong pumunta at mag-stay sa Palawan?"

"You can either come with me or wait for me. No matter how far people go, they always come back to their homes. You happens to be my home so..."

"Parati naman akong maghihintay sa 'yo, kahit gaano pa kalayo ang puntahan mo," ngiti ko. "Isa pa, ayos lang din naman sa 'yo kahit malayo ako, hindi ba?"

"Hmm," nag-isip siya. "If you'll make me choose, of course, I want to be with you. I always wanna be near you. If only we can..." binitin niya ang sinasabi.

Nilingon ko siya at nagsalubong ang tingin namin. "What?"

Mas inilapit niya ang mukha sa 'kin, napigil ko ang paghinga ko. "Can I kiss you?" bulong niya, halos maduling sa katititig sa labi ko.

Napalunok ako, hindi agad nakasagot. Ilang saglit bago ako tumango. At hindi pa man nagtatagal ay inangkin niya na ang labi ko.

Hindi ako sigurado kung paano ko itong nasasabi pero kakaiba ang halik ni Maxrill Won. Parang isang babasaging bagay ang labi ko na pinakaiingatan niya gamit ang sarili ring labi niya. Masarap sa pakiramdam, parang ayaw ko nang matapos. Lalo na nang hawakan niya ang pareho kong pulsuhan at ilagay ang mga 'yon sa likod ng kaniyang batok. Hinawakan niya ako sa magkabilang bewang at mas idiniin sa kaniya, saka dumausdos sa likuran ko ang isang palad niya.

Hinawakan niya ako sa leeg, habang hinahaplos ng isang daliri niya ang pisngi ko. Matagal, malumanay at hindi ko na gugustuhing matapos, gano'n ang pakiramdam.

Halos humabol ako nang bitiwan niya ang labi ko. Sandali niya akong tiningnan sa mga mata saka hinawi ang buhok ko papunta sa isang tabi. Hinaplos niya ang leeg ko at agad na gumuhit ang naninindig kong mga balahibo. Hinawakan ko ang kamay niyang nagpatuloy pa rin sa paghaplos nang magtuloy-tuloy rin ang paninindig ng balahibo ko sa buong katawan. Bakit gano'n ang epekto? Natural ba ang ganito?

Tiningnan niya ako sa mga mata, at hindi ko na halos masalubogn ang tingin niya. Gano'n ako kahina, pagdating sa kaniya, sa mga tingin niya, sa halik niya, sa lahat-lahat sa kaniya.

Umawang ang labi niya, ngunit hindi na nagsalita. Marahan niyang inilapit ang labi sa pagitan ng mukha at balikat ko dahilan para awtomatiko akong mapapikit at humigpit ang hawak sa kaniya.

Mabilis na nanghina ang mga tuhod ko, ako na mismo ang nagdiin ng sarili ko sa kaniya sa pag-aalalang bigla na lang akong tumumba. Pero hindi lang ang pakiramdam na idinudulot niya ang gumulat sa 'kin, higit na ang maramdaman siya.

"Ang...ang laki naman..." wala sa sarili kong nasabi.

Awtomatiko siyang natigil, halatang nabitin at tumitig sa 'kin. "Huh?"

"I mean...ang laki ng TV." Napapapikit akong nag-iwas ng tingin nang pumalpak na naman sa pagdadahilan. "Ilang inches 'yan?" pilit ang ngiting tanong ko nang muli siyang lingunin matapos sulyapan ang TV.

Napatitig si Maxrill Won sa 'kin. Binasa niya sa gilid ng labi niya at saka bumuntong-hininga. "I'm not sure but...it's...big. The biggest."

Umawang ang labi ko. "Okay," hindi ko malaman kung matatawa o matutulala.

Biggest...

"You wanna see it?" tanong niya pa dahilan para lalo akong matulala.

"Sige..." halos mautal ako. Pero natigilan nang muli kaming magkatitigan. "Bakit?"

"You were talking about the TV, right?"

Napamaang ako sa kaniya. "Oo," nameke ako ng tawa. "Oo, n-napansin ko kasi...ang laki. Ano...p-pasensya na."

"I'm not."

Umawang ang labi ko. "Ha?"

Sa halip na sumagot ay natawa siya at kinuha ang kamay ko. "Let's just go back downstairs."

Lalo akong nameke ng tawa. "Oo nga, sige."

Ramdam ko ang higpit ng hawak namin sa kamay ng isa't isa habang naglalakad palabas ng kwarto. Maging ang namuong tensyon at pananahimik, dama ko. Siguradong nahulaan niyang hindi TV ang tinutukoy ko, dahil siya ang naramdaman ko.

To be continued. . .

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen3h.Co