Truyen3h.Co

LOVE WITHOUT BOUNDARIES

CHAPTER 57

maxinejiji


CHAPTER 57

"MAXRILL WON," pagtawag ko.

Awtomatikong ngumiti si Maxrill Won, itinago ang masamang tingin niya kay Danice at sa mga barkada nito.

"Hmm, my Dainty Arabelle?" sagot niya, nang-aasar, na para bang ayaw niyang tawagin ko siya sa pangalan.

"What are you doing here?"

"I came to see you, of course." Nilingon niya si Gideon. "Dude, thanks for what you did earlier."

Nagulat man, mukhang nahulaan ni Gideon ang tinutukoy ni Maxrill Won. Napabuntong-hininga ang kaibigan ko at may pilit na ngiti nang tumango.

"Wala 'yon." Halatang naiilang si Gideon.

"But please tell your friends to stop picking on my girl. If she doesn't wanna listen to you then, I'll talk to her, face to face. I'll teach her a lesson that she'll never forget."

"Maxrill Won," saway ko.

"I'm serious," seryoso talaga siya. "But nothing physical, though. I'm a businessman after all." Para niya na ring sinabi na sa negosyo siya gaganti.

Sa itsura ni Gideon, halatang pati siya kinabahan. Nakangiti man si Maxrill Won, talagang seryoso siya. Hindi ko rin tuloy maiwasang kabahan. Hindi ko na kailangang magtanong, narinig niya ang mga sinabi ni Danice kanina.

Lumapit sa table namin ang cook mayamaya, nag-serve ng white pasta at salad kay Maxrill Won. Sinundan ito ng isa pang cook at naghatid ng tatlong fresh buko juice.

Syempre, naagaw niya ang atensyon ng mga naro'n. Siya lang ang kaisa-isang student na pinagsilbihan nang gano'n sa cafeteria. Ako man ay napalunok habang pinanonood sila.

Eksakto namang tumayo si Gideon. "I gotta go now, enjoy eating together."

"I got you a drink," itinuro ni Maxrill Won ang isang fresh buko juice.

Nahihiya man, kinuha ni Gideon 'yon. "I'll drink it outside, thank you." Saka siya ngumiti nang tipid sa 'kin.

"All right," cool lang si Maxrill Won nang tumango.

Sabay naming sinundan ng tingin si Gideon palayo. Saka ko nilingon si Maxrill Won. "Hindi ka nagsabing darating ka, Maxrill Won."

"Aren't you happy to see me?"

Ayaw kong ngumiti pero hindi ko na 'yon napigilan nang lumingon siya sa akin at tumitig. "Nanggugulat ka kasi."

"Did I interrupt your date with..." kunot-noo niyang nakagat ang gilid ng labi, inaalala ang pangalan ni Gideon.

"Gideon," inunahan ko na siya.

"Yeah," umakto siya na parang sinasabing tama ako. Aasarin ko na sana siya nang lagyan niya ng salad ang tupperware ko. "Eat."

Pinalobo ko ang bibig ko at nahihiyang nilingon ang ibang naro'n. Ang daming nakatingin sa 'min! Lalo pa 'kong nagulat nang kunin niya ang fork at nag-ikot ng white pasta sa spoon. Alam ko na ang susunod niyang gagawin. Pero sa halip na mainis dahil sa hiya, nakagat ko pa ang labi dahil inosenteng-inosente niya 'yong ginagawa. Wala siyang pakialam sa ibang naroon, sa halip, parang kami lang ang tao rito.

Tama nga ako, inalok niya sa 'kin ang pasta at iminuwestrang kainin ko na. "Try it."

"Nasa school tayo, Maxrill Won," sinabi ko 'yon nang hindi halos gumalaw ang bibig ko, labi lang.

Humikab siya. "Just eat, brat."

Nakagat ko ang labi ko, palihim na sumulyap sa mga naro'n na mabilis nag-iwas ng tingin. Saka ko mabilis na kinuha ang tinidor at kinain ang white pasta ni Maxrill Won.

"Ayaw ko na." Tanggi ko habang ngumunguya, wala pa man siyang sinasabi o ginagawa.

Ngumiwi siya. "Hmm, Dainty Arabelle?" nang-aasar niyang tanong, nakangisi habang tumutuhog sa salad niya. "Are you embarrassed of me?"

"Of course not," awtomatikong sagot ko. "Sa tingin ko lang, hindi natin dapat ginagawa ito dito. Maraming nakakakita."

"Fine." Ngumisi siya saka nilingon ang mga nakatingin. "I'm her boyfriend."

"Maxrill Won?" hindi makapaniwalang pagtawag ko.

"Okay, I'll shut up. Eat."

"You always do whatever you want."

"Because I can do whatever I want. I am Maxrill Won del Valle after all."

"Yeah, because you're a brat."

Sumama ang mukha niya. "And so are you."

"I'm not a brat."

Humalakhak siya. "Alright, panalo ka. Can we eat now?"

Hindi na ako sumagot. Ang totoo, natuwa rin ako sa ginawa niya. Sadyang hindi lang ako sanay, at hindi tama ang lugar na 'yon para gawin namin ang gano'n.

"I'll wait for you," ani Maxrill Won nang ihatid ako sa classroom.

Natitigan ko siya. "Sigurado ka? Marami pa 'kong klase, Maxrill Won."

"Of course." Ngumiti siya saka ako sinenyasang pumasok na.

Natural, naagaw na naman niya ang atensyon ng mga kaklase ko. Napansin ko agad si Danice kahit gaano niya ilihim ang palitan ng sulyap sa 'min ni Maxrill Won.

Dahil dumating na agad ang professor, umupo na 'ko sa pwesto. Palihim ko siyang sinundan ng tingin. Dumeretso siya sa quadrangle at naupo sa umbrella na pinakamalapit sa pinto ng classroom ko.

Matagal ang klase at magkakasunod, may quizzes pa sa dalawang subject. 'Yong iba naman, wala ngang quiz, nagbigay naman ng homework. Kaya nang matapos ang lahat ng klase, nanghihina kong inayos ang mga gamit ko. Nagugutom na ako at wala akong lakas buhatin ang napakarami kong gamit.

Kukunin ko na sana ang bag ko nang may kamay na nauna nang magbitbit niyon. Si Maxrill Won.

Aakuin ko na rin sana ang pagbitbit no'n pero naagaw nang mapupungay niyang mga mata ang atensyon ko.

"Natulog ka ba?" tanong ko.

Tumango siya. "Let's go?" Binitbit niya sa likuran ang bag ko at saka ako inunahang kunin ang mga libro ko.

"Ako na." Sinubukan ko pa 'yong agawin.

Iniwan niya ang libro at humihikab na umakbay sa 'kin. "Uwi na tayo."

Nanunuksong nag-ingay ang mga kaklase kong naiwan sa classroom. Nakagat ko ang labi para mapigilang ngumiti. Sinulyapan sila ni Maxrill Won at nginitian.

"Are they still bullying you?" batid kong si Danice at barkada nito ang tinutukoy niya.

"Huwag mo na silang pansinin."

"We need to do something about it, Dainty Arabelle. I can talk to them."

"'Wag na," nakikiusap na sabi ko. "This is something that I have to face on my own, Maxrill Won." Bumuntong-hininga ako. "Hindi naman ako takot sa kanila. Ayaw ko lang talaga silang patulan dahil magsasayang lang ako ng oras. Ilalaan ko na lang 'yon sa finals."

Humalakhak siya. "My girlfriend is so smart." Ginulo niya na naman ang buhok ko at inayos din.

"Maxrill Won!" Inalis ko ang kamay niya at nakangusong inayos ang buhok ko.

Nanatili siyang nakalingon at pinanonood ako. "I love your hair. It's beautiful and smells really good."

Nahihiya akong ngumiti. "Thank you."

Ginulo niya ulit ang buhok ko. "I'm hungry."

"You're always hungry."

"I wanna fire your professors, hindi sila nagbigay ng break."

Tumatawa kaming huminto sa harap ng hindi ko mapamilyarang sasakyan. "Bago na naman ang sasakyan mo?" hindi makapaniwalang tanong ko. Pulang pickup truck naman ngayon, hindi ko kilala ang tatak.

"No, this one's old," ngiwi niya.

Old? Tiningnan ko ang sasakyan. Kung hindi ko titingnan ang mga gulong niyon, masisiguro kong bagong-bago 'yon.

Hindi na ako nagsalita at sa halip, nagpaalalay na akong sumakay. Ginala ko ang paningin sa loob, puros leather at sobrang bango. Naghahalo ang amoy bago at perfume ni Maxrill Won.

Nilingon niya ako nang makasakay, ngumiti ako. Gumanti siya ng ngiti at hindi ko inaasahang dadampian ng halik sa labi. Nag-init agad ang mukha ko at natakpan ang labi ko. Natigilan siya at saka natawa.

"I have something for you," bumaling siya sa likuran at nang muling humarap ay hawak na ang isang bungkos ng bulaklak. "I don't wanna give it inside the campus, they might think I'm so sweet then envy you."

Gusto kong maasar pero sa ganda ng mga bulaklak, namangha na lang ako. "Wow, tulips!" Nilingon ko siya at hinaplos sa pisngi. "Salamat, Maxrill Won."

Naglapag siya ng pulang box na hugis puso. Nanlaki ang mga mata ko nang masilip ang chocolates.

"Wow!" nangingiti akong sumulyap sa kaniya saka kinuha ang box. "Salamat, Maxrill Won!" hindi ko naitago ang tuwa.

Idinantay niya ang mukha sa kamay ko at hinawakan. "You're welcome pero...salamat lang?" Ngumuso siya.

Pinandilatan ko siya at tinawanan. "Oo, salamat."

"I deserve a kiss." Inilapit niya ang mukha sa 'kin.

Pinandilatan ko lalo siya. "Nasa school tayo, Maxrill Won."

Nangunot ang noo niya at bumuntong-hininga. "Fine."

Pinagtawanan ko siya at muling hinaplos sa pisngi. "Natutulog ka pa ba, Maxrill Won?"

Lalo niyang idiniin ang pisngi sa palad ko. "Hindi na."Pinanood niya ang reaksyon ko saka tumawa. "Where do you want to eat? My tummy's killing me."

"Hala, hindi ako nagpaalam, Maxrill Won," gulat kong sagot.

Ginaya niya ang gulat ko, nang-aasar. "I'll call your mom, then," nagugulat din niyang tugon, alaskador talaga.

Ngumuso ako. "Hindi pwede, hindi ako nagpaalam. Kung alam kong darating ka, nagpaalam sana ako kanina." Bumuntong-hininga ako. "Isa pa, siguradong nagluto ng dinner si nanay." Napakarami ko nang sinabi.

Sumama ang mukha niya, hindi na naman makuha ang gusto. "Fine," bumuntong-hininga siya pero natawa. "I'll just take you home."

Nakangiti kong tinitigan si Maxrill Won. "Pasensya na, ah? Marami rin kasi akong homework."

Lumabi siya, nang-aasar na naman. Pero huminto nang samaan ko siya ng tingin. "I can help you if you want."

"Hindi na, alam kong pagod ka. Isa pa, kaya ko naman 'yon."

Ipinatong niya sa armrest console ang kanang siko habang ang isang kamay ay nasa manibela. Nagpapalitan ang tingin niya sa 'kin at saka daan habang nakanguso.

"How sweet," mapakla niyang sagot. "Thought you wanted to see me."

"Doon ka na lang sa bahay mag-dinner."

"No, it's okay."

"Please?"

"Kiss?" nabingi kunyaring tanong niya sabay natatawang sulyap sa 'kin.

Nginusuhan ko lang siya at muling tiningnan ang tulips at chocolates. Kinuha niya ang kamay ko saka namin sabay na nginitian ang isa't isa. Tahimik lang kami hanggang makarating sa bahay.

Inalalayan ako ni Maxrill Won makababa. Nagulat ako nang ibaba niya mula sa likuran ang dalawang basket na puno ng tinapay at mga prutas.

"For your family," ngiti niya nang makita ang nagtatanong at gulat kong tingin.

"Parati ka na lang may pasalubong sa pamilya ko, Maxrill Won. Next time, ako naman ang magpapasalubong sa pamilya mo."

Ngumiti siya. "You don't have to do that."

Napabuntong-hininga ako nang maisip na ang lakas ng loob kong mag-alok ng ganoon. Gayong wala akong ideya kung anong klase ng pasalubong ba ang pwedeng ibigay at tinatanggap ng mga Moon. Parang hindi uubra sa kanila ang pitsi-pitsi at nilupak. Siguradong si Maxrill Won lang ang matutuwa roon.

"Nanay, nandito po si Maxrill Won," paalam ko agad nang makapasok, mahina, para hindi marinig ni tatay.

Nakangiting lumapit si nanay, hinagod ang likuran ko saka yumakap kay Maxrill Won. "How are you, maknae?"

Ngumiwi ang bisita. "Hungry." Humalakhak siya saka tinapik sa balikat si nanay. "Where's her father?"

Sa ibang salita sumagot si nanay. Nginusuhan ko sila at nagpaalam na magpapalit muna ng damit. Naro'n na si Bree Anabelle sa kwarto namin. Nakayuko siya sa desk kaharap ang nakabuklat na libro, naka-headset at nagsusulat sa notebook.

"Sipag naman," ngiti ko, lumapit upang marinig niya. "Nariyan si Maxrill Won, Bree."

"Talaga, ate? May pasalubong ba?" humalakhak siya at muling tinuon ang atensyon sa ginagawa.

"Oo, marami. Halika muna sa labas."

Bumusangot siya. "Tatapusin ko muna 'to, ate. Hindi kasi pwedeng bumaba 'yong grades ko, baka maalis ako sa banda. Susunod ako."

Napangiti ako sa dedikasyon niya. "Sige, hahatiran na lang kita rito, Bree."

Nagbihis ako sandali at lumabas. Naabutan ko sina nanay at Maxrill Won na nag-uusap sa sala. Nginitian ko sila pero nilingon lang ako ni nanay at muli nang bumaling sa kausap. Seryoso sa pakikinig si Maxrill Won pero ramdam ko ang paningin niya sa 'kin, hindi naaalis.

Hinatiran ko ng tinapay si Bree Anabelle at gano'n na rin si tatay. Syempre pa, sumama na naman ang timpla niya nang malamang meron akong bisita. Wala pa si kuya kaya naman kami pa lang ang nasa bahay.

"Maiwan ko na muna kayo riyan, magluluto ako ng hapunan," paalam ni nanay.

Inilabas ko sa center table sa sala ang gamit ko. Kailangan ko ring simulan ang homework ko kahit pa may bisita.

"Great," gano'n ang reaksyon ni Maxrill Won nang makitang buksan ko ang libro at notebook.

Natawa ako sa sama ng mukha niya. "Pasensya na, kailangan ko kasing tapusin 'to, Maxrill Won."

Matagal siyang tumitig sa 'kin at bumuntong-hininga. "It's fine," halatang peke ang ngiti niya. "I actually admire you for thinking about your future, it's inspiring." Walang kasimpakla ang tinig niya.

Natawa ako. "Gusto ko kasing tulungan mo 'ko sa homework ko. May kinalaman sa business management ito."

Nakangiwi niyang sinulyapan ang mga 'yon habang nakaupo sa mahabang sofa, nakapandekwatro at magkakrus ang mga braso. Naupo ako sa sahig sa harapan niya, awtomatiko siyang kumilos para alalayan ako, kunot ang noo. Na para bang hindi maintindihan kung bakit kailangang doon ako maupo. Pero sa halip na kuwestyunin ako, nagulat ako nang maupo rin siya sa sahig, sa tabi ko.

"Ano ba 'to?" tanong niya na kinuha ang nakabuklat nang libro.

Binasa niya ang natutukang pahina saka 'yon sinara, nang nakaipit sa gitna ang hinlalaki niya, upang basahin ang pamagat ng libro at kung sinong author niyon. Saka niya binalik sa table ang libro at sumulyap sa 'kin.

"Baka ma-perfect mo 'yan kapag tinuruan kita?"mayabang na aniya.

Pero hindi 'yon ang napansin ko. "Napakahusay mo nang mag-Tagalog, Maxrill Won."

"I know a lot of things, Dainty Arabelle. It's you who doesn't know much about me." Sa tinig ay nang-aasar siya. Pero sa laman ng kaniyang sinabi ako napabuntong-hininga.

Gaano na ba kami katagal? Aaminin kong medyo napahiya ako, kahit pa para sa kaniya ay biro 'yon. Dahil tama siya. Sa tagal naming magkarelasyon, hindi ako sigurado kung kilala ko na nga ba talaga siya. Pero mahalaga pa ba 'yon? Wala naman akong nararamdamang kakaiba. Wala rin naman siyang pinakikitang masama para kuwestyunin ko ang katauhan niya. At 'yon ang mahalaga para sa 'kin.

"Kung makilala man kita nang higit pa sa pagkakakilala ko sa 'yo ngayon, buong puso kitang tatanggapin, Maxrill Won. Kagaya ng pagtanggap at pagmamahal na binigay mo sa 'kin," nakangiti kong sagot. "At hihigitan ko 'yon...hangga't kaya ko."

Napatitig siya sa 'kin, nagulat, hindi marahil inaasahang gano'n ang isasagot ko. Halata sa mukha niya na gusto niya pang mang-asar pero dahil namula ang pisngi niya, siguradong nagustuhan niya ang narinig.

"So, where do you wanna start?" ginanahan pa siyang simulan ang assignment ko.

Dahilan para lalo akong matawa. "Gusto mo ba ng juice o coffee? Tubig?"

Nakangiti kaming tumitig sa isa't isa. Inayos niya ang ilang hibla ng buhok papunta sa likuran ng tenga ko. "I missed your coffee. But I wanna taste your juice."

Sabay kaming natigilan at mas napatitig pa sa isa't isa na para bang sabay naming naalala si Kuya Randall. Sabay rin kaming nag-iwas ng tingin at nang tingnang muli ang isa't isa ay nahihiya na.

Natakpan niya ng kamao ang mga mata. "I...I'll drink water instead, thanks." Naiilang na ang boses niya nang ipakiusap 'yon.

Naiilang din akong ngumiti. "Sige." Hindi ko na siya natingnan nang deretso.

Palihim ko siyang sinulyapan bago dumeretso sa kitchen. Awtomatiko akong nag-iwas ng tingin nang magkasalubong ang paningin namin. Nalukot ang mukha ko at dali-daling dumeretso sa ref.

Pareho ba kami ng naisip?

Humigpit ang pagkakahawak ko sa pitsel ng tubig. Gusto kong sisihin si Kuya Randall. Talagang iba ang interpretasyon ko sa biro niya. Ngayong nanggaling 'yon kay Maxrill Won, na sigurado namang walang ibang kahulugan bukod sa pagiging literal, kung ano-ano nang naiisip ko. Ang masama pa, na-imagine ko 'yon.

Umiling ako nang umiling na para bang maaalis no'n ang masamang naisip ko. Uminit ang pakiramdam ko at sigurado akong hindi na tama 'yon.

"May problema ba, Dainty?" tinig ni nanay.

Sa gulat ay nabitiwan ko ang pitsel at lalo pang nagulat nang masalo ni nanay 'yon nang hindi inaalis ang paningin sa 'kin. Nangunguwestiyon akong tinitigan ni nanay at saka kinuha ang baso na hawak ko.

"Ako na," siya na ang nagsalin.

Sa halip na sa ginawa niya matuon ang atensyon ko, naaligaga ako sa tanong niya. Na para bang malalaman niya naman kung ano'ng iniisip ko. Gano'n ako kahina magtago.

"Ano'ng nangyayari sa 'yo, Dainty?"

"Ah..." hindi ko alam kung paanong magpapaliwanag. "Gusto po ni Maxrill Won ng coffee."

Matagal siyang tumitig sa 'kin saka tiningnan ang pitsel na hawak niya na. "Bakit malamig na tubig ang kinuha mo?"

Nasapo ko ang noo at binawi ang pitsel kay nanay. Tinalikuran ko siya at kumuha ng panibagong baso. "Nagbago po kasi ang isip niya, tubig na lang daw po ang gusto niya."

Sinundan ako ni nanay at muling tinitigan kahit pa wala sa kaniya ang paningin ko. "Ayos ka lang ba?" kinapa niya ang leeg ko. "Wala ka namang lagnat. May masama ba sa 'yo?"

"Wala po," nameke ako ng ngiti.

"May gumugulo ba sa isip mo?"

Napalunok ako. "'Yong...h-homework ko po, 'nay. 'Yon lang po."

"Kailangan mo ba ng tulong?"

Para makaiwas dahil paniguradong namumutla na ako sa kahihiyan, umiling ako. "Ayos lang po, tutulungan daw po ako ni Maxrill Won."

Ngumiti siya. "Sige, tatapusin ko lang 'tong hapunan para makakain tayo nang sabay-sabay."

"Opo. Sa sala na po muna kami, 'nay." Binitbit ko na rin ang pitsel dahil maliliit ang baso namin.

"Sige." Nakangiti akong hinatid ng tingin ni nanay.

Nakayuko si Maxrill Won sa librong nasa kaniyang hita nang balikan ko. Magsasalita na sana ako nang mapansing hindi siya gumagalaw. Marahan akong naupo sa tabi niya, saka pa lang siya kumilos.

"Natutulog ka ba?" nagtataka kong tanong.

Nangunot ang noo niya. "Of course not."

Natawa ako. Hindi pwedeng magsinungaling ang namumula niya nang mata. "Gusto mo bang magpahinga muna?"

"No, I'm going to help you."

"Tubig mo," ibinigay ko ang baso sa kaniya.

Tiningnan ko ang pagkakaupo niya, Indian sit. Sa haba ng legs niya, halatang nahihirapan siya. Masyado naming mababa ang center table namin para kumasya sa ilalim niyon ang mahahabang paa niya. Makipot ang bahay namin kompara sa mansyon nila.

"Mukhang nahihirapan ka diyan, gusto mo dito ka na lang maupo?" tanong ko, pinagpag ang sofa.

"It's okay, I'll sit here." Ipinatong niya ang siko sa center table at dinantay sa kamao ang kaniyang ulo. "Go ahead and start, ask me any thing."

"Sige." Binuklat ko ang notes at binasa ang situational homework ko. Matagal ko 'yong binasa, dalawang beses pa. Nararamdaman kong nakatitig lang siya sa 'kin.

"I like your handwriting, it's as beautiful as you."

"Patingin nga ng sa 'yo?"

Dinampot niya ang pen at isinulat ang pangalan ko sa notebook, saka sinundan ng I love you. Nagkatinginan kami at natatawang ngumiti sa isa't isa. Masaya na kami sa gano'n.

"Maganda rin naman ang sulat mo, Maxrill Won."

"Hindi ko naman sinabing hindi."

Nawala ang ngiti ko at pabuntong-hiningang binalingan ang dapat gawin. Minsan ko pang binasa ang unang tanong. Nang maintindihan 'yon ay saka ko siya binalingan.

"Okay, let's start. Sa...problem na 'to," panimula ko. "Let's say, I'm planning to put up a business or a company. Para makapagsimula, kailangan ko ng investors. As a business tycoon, how can I convince you to invest in my company, Mr. del Valle?" Nginitian ko siya.

Nangalumbaba siya at nabuburyong tumitig sa 'kin, saka ngumisi. Na para bang gano'n kadali para sa kaniya ang tanong na 'yon.

"There's no need to convince me, Dainty Arabelle. I'll invest in you and your company, I'll even invest in your life without a doubt."

Napatitig ako sa kaniya. Saka nalukot ang mukha ko. "Hindi ko pwedeng isagot 'yon sa homework ko."Matunog siyang ngumisi. "Isipin mo, kunyari, hindi tayo. Hindi tayo magkakilala." Seryoso ako. "Paano kita makukumbinsing mag-invest sa 'kin?"

"Kung ikaw 'yong owner, siguradong kikilalanin kita. You're attractive, Dainty. I'll definitely fall in love with you at first sight, undoubtedly, instantly."

"Hindi mo naman ako siniseryoso, eh." Hindi ko pinahalata ang epekto ng sinabi niya sa 'kin. Kagat ko ang labi ko at pinipigilang ngumiti. "Kunyari, hindi mo pa 'ko nakikita. As in, hindi mo 'ko kilala. You can't fall in love with someone you haven't seen nor met yet."

Bumuntong-hininga siya. "Baby, why would I risk investing in a company without even knowing its owner?"

Lumaylay ang mga balikat ko. "Pinahihirapan mo naman ako, eh. Paano ko masasagutan 'to?"

"Seriously, though," natawa siya. "Kikilalanin ko muna ang owner. Then, aalamin ko ang takbo ng business niya. There are a lot of important factors that I consider before investing. Number one of course, risk and profit."

Ngumiti siya. "Investment capital," patuloy pa niya. "Income requirements, risk exposure, the amount of time my money stays invested, marami. Show me evidences, market traction, show your marketing plan. If you really are the owner then...hindi ka mahihirapan."Ngumisi na naman siya. "Once I get to know you, I'll invest in you and you can own me too."

Nakamot ko ang ulo ko. "Nakakainis ka naman, eh."Nagkatitigan kami at nagtawanan.

Seryoso naman siya sa mga naunang sinagot at doon ako kukuha ng isasagot ko sa homework. Pero dahil sa huling biro niya, nakalimutan ko ang mga naunang sinabi niya.

Hindi lang 'yon ang tinanong ko, marami pa. Pero gaano man karami 'yon, nagbibiro pa niyang sinasagot. Halatang hindi siya nahihirapan, nag-iisip pero nagagawa pa 'kong titigan. Kakaiba talaga siya. Humahanga ako lalo habang namumula sa tuwa.

"Kakain na, Dainty, Maxrill," tinig ni nanay.

Sabay namin siyang nilingon. Hindi ko alam kung gaano na katagal nakatayo si nanay sa entrada ng kusina. Pero sa pagkakangiti niya sa 'min, mukhang kanina pa niya kami pinanonood.

"Nakahanda na ang mesa, tawagin mo na si Bree. Aasikasuhin ko sandali ang tatay mo." Tinalikuran kami ni nanay.

"Kain na tayo?" anyaya ko kay Maxrill Won.

"Finally," ngumuso siya.

Nanlaki ang mga mata ko, kanina pa nga pala siya gutom. "Hala, sorry, nakalimutan kong nagugutom ka na kanina pa."

Ngumiwi siya. "It's fine." Nauna siyang tumayo at inilahad ang kamay sa 'kin. "As long as I can see you."

Nginitian ko siya saka kami magkahawak-kamay na pumunta sa kusina. Awtomatiko kong nabitiwan ang kamay niya nang makitang papalapit na sina nanay at tatay. Pero hindi ko inaasahang hahawakan niya ako sa bewang nang hintaying makalapit ang dalawa.

Sumama na naman ang mukha ni tatay nang makita kami.

"Good evening, sir," bati ni Maxrill Won.

Tumikhim si tatay, sumulyap sa gawi namin pero ako lang ang tiningnan. Hindi rin siya sumagot kay Maxrill Won.

"Sa kwarto na lang ako kakain, Heurt. Ibalik mo 'ko ro'n at dalhan mo 'ko ng pagkain," utos niya na ipinihit na patalikod ang wheelchair niya.

"'Tay," habol ko.

Pero pinigilan ni Maxrill Won ang bewang ko. Nagbaba siya ng tingin sa 'kin at ngumiti. "It's okay, I guess, I'll go home so you can eat together. He doesn't wanna see me here."

Tumamlay ako. "Pero..."

"Sa sala kakain sina Dainty at Maxrill," nilakasan ni nanay ang boses. "Dito ka na sa mesa, Kaday," baling niya pa kay tatay.

Nagkatitigan kami ni nanay saka palihim na ngumiti sa isa't isa. Binalingan ko si Maxrill Won saka siya itinulak palabas.

"Kukuha ako ng dinner natin," mahinang sabi ko.

"I'm fine, Dainty. I can go home now."

"I want you to stay," giit ko. "Have dinner with me."

Tumitig siya sa 'kin. "Fine." Ginulo niya ang buhok ko saka naupo sa sala.

Nawala ang ngiti ko nang talikuran siya. Nakakahiya. Kailanman, hindi ko naranasang pakitunguhan at pagsalitaan nang gano'n ng mga Moon. Sa t'wing narito si Maxrill Won sa 'min, kung ano-anong salita at pakikitungo ang natatanggap niya mula kay tatay.

"'Tay," sa kaniya agad ako lumapit. "Pakiusap po, 'wag niyo naman pong ganunin si Maxrill Won," nakangusong hiling ko. "Tinulungan niya po ako sa assignments ko kahit halatang pagod siya at inaantok na. Nawala rin sa isip ko na kanina pa siya gutom, natuon ang atensyon ko sa kailangan kong gawin."

Gano'n na lang katunog ang buntong-hininga ni tatay pero hindi na sumagot. Pinanood niya na lang si nanay na hainan siya. Sinenyasan naman ako ni nanay na kumilos na at balikan si Maxrill Won kaya sumunod na lang ko.

"Napakarami mo namang niluto, Heurt?" kunot-noong ani tatay. "Kumakain ba naman ng mga ito iyang bisita ninyo?"

"'Wag mong minamaliit ang tiyan ng isang 'yon, Kaday. Mas marami iyong kumain kaysa sa iyo," pang-aasar ni nanay.

"'Tay, kaibigan ko po si Maxrill. 'Wag niyong ginagano'n ang kaibigan ko, 'tay," sabat ni Bree.

"Manahimik ka nga, Bree," singhal pabalik ni tatay.

"Opo, 'tay."

Nilingon ko ang kapatid ko na tatawa-tawa sa isang tabi, pinigilan kong mahawa. Lalo kaming pagagalitan ni tatay kapag nakitang tinatawanan namin siya.

Abala si Maxrill Won sa cellphone nang makabalik ako. Pero sa halip na pansinin siya, nilapag ko ang rice, tortang talong, pritong tilapya at chopseuy. Muli akong bumalik sa kitchen para kumuha naman ng iba pang gamit. Nang balikan ko siya sa sala ay nasa labas na ng pinto si Maxrill Won at may kausap sa cellphone.

Bahagya akong lumapit, nakangiting pinakinggan siya. Pero wala akong naintindihan dahil iba ang salitang gamit niya.

"I'm here at my girlfriend's house, mom." Nilingon niya ako matapos sabihin 'yon at nginitian. "We'll eat dinner together." Sandali pa siyang nagsalita ng iba saka pumasok. "She said hi."

"Kain na tayo." Hinayaan ko siyang alalayan ako paupo. "Kumusta na si tiya?"

"She's fine. Hindi niya alam nasa Laguna ako."

Pinaghahanda ko siya plate nang magulat. "Bakit hindi ka nagsabi?"

"I came to you first. Maiintindihan nila, don't worry."Hinalikan niya ako sa sentido. Nakangiti niyang tiningnan ang sariling plate at tumitig sa 'kin. "Thank you."

"Kumain ka na." Pinanood ko siyang tikman ang luto ni nanay at napangiti nang makita ang reaksyon niya. "May gusto ka bang inumin?"

Natigilan siya at tumitig sa 'kin. "Meron."

Napatitig din ako sa kaniya, na nasundan ng paglunok. "Juice?"

Matunog siyang ngumiti at nag-iwas ng tingin. "Yeah."Wala sa 'kin ang kaniyang paningin nang isagot 'yon.

"Sige, kukuhanan kita."

Tatayo na ako nang pigilan niya. "It's okay. Ibang juice ang gusto ko."

Nakagat ko ang labi at bumusangot. "Anong juice?"

Inilagay niya ang dalawang daliri sa harap ng noo ko at bahagyang pinitik. "Kumain ka na."

Nagkuwentuhan kami habang kumakain, hindi napapansin ang tawanan. Dahilan para hindi namin mapansin ang oras. Kung hindi pa matapos sina nanay at dumaan sa harap namin para ihatid sa kwarto si tatay, tuloy lang kami sa pag-iingay.

"Hindi ba't sinabi mong aalis si Kuya Maxwell kaya kailangan mong bantayan ang ospital at negosyo ninyo sa Palawan?" tanong ko nang maalala ang tungkol do'n.

"He already left, he went to Cebu yesterday with Keziah and Randall."

"Ha? Paano ang ospital niya?"

"Bentley and Maxpein-noona are there right now."

"Sandali, hindi mo man lang ba tatawagin ng kuya at ate 'yong mga kaibigan ng kuya mo?"

"Hindi," deretso niyang sagot, hindi man lang pinag-isipan. Napabuntong-hininga ako. "Nando'n din ang parents ko. Since my brother's planning to get married, they're taking care of the other things."

"'Buti pinayagan kang umuwi rito?"

"My mom wanted me to take a rest for a few days."

"Bakit hindi ka nga naman magpahinga?"

Gano'n na lang kalalim ang buntong-hininga niya. Sa halip na sumagot, inipit niya ng dalawang daliri ang ilong ko. Pinalo ko ang kamay niya.

"How sweet," hindi ko inaasahang nakikinig si nanay.

Ako lang din ang nagulat dahil hindi man lang ito nilingon ni Maxrill Won. Nanatili sa 'kin ang paningin niya.

"Bakit hindi ka na lang dito matulog, Maxrill?"Pareho kaming nagulat nang itanong 'yon ni nanay. Nabuhay ang excitement sa puso ko kahit pa itago ko 'yon. "Take my room. Late na, at siguradong pagod ka pa. Malakas ang ulan sa labas."

Sabay kaming napatingin ni Maxrill Won sa labas. Masyado yata kaming tutok sa isa't isa kanina. Hindi man lang namin napansing bumuhos ang ulan.

"No, I'm okay," tanggi ni Maxrill Won. "Your house is just a few kilometers away from my home. I can drive."

Ngumisi si nanay. "Natatakot ka rin bang hindi makapagpaalam sa nanay mo?" Sumulyap siya sa 'kin, nang-aasar.

Ngumuso ako saka nilingon si Maxrill Won. "Natatakot ka rin bang mapagalitan ni Tiya Maze?"

"No, I'm not. Believe it or not, sila ang takot sa 'kin,"ako ang sinagot ni Maxrill Won at inakbayan bago nginitian si nanay. "Thanks for the offer but I really can drive, Heurt. I'm tired but I'm fine."

Nalungkot ako, gusto ko rin sanang doon matulog si Maxrill Won bukod sa nag-aalala ako. Pero tama siya, malapit lang naman ang bahay nila.

"How about a date tomorrow after class?" anyaya ni Maxrill Won, inakbayan ako at saka sumulyap kay nanay.

"Sure, ako nang bahala sa tatay niya," ngiti ni nanay.

Hindi ako nakapagsalita sa tuwa. Wala pa man, excited na ako.

Magkasama namin siyang hinatid ni nanay. Naiwan si nanay patio, ako ang sumama kay Maxrill Won hanggang sasakyan. Kahit pa mas matangkad siya, pinayungan ko siya.

"Thanks again for the dinner," nakangiting aniya, sinulyapan muli si nanay. "I'll pick you up tomorrow morning, sasamahan kita sa school." Lumapit siya at humalik sa pisngi ko. "Let's go to our house after that,"ibinulong niya.

"Our house?" tanong ko.

Tumango siya. "Yeah, I wanna try your juice." Saka niya ako hinalikan sa noo. "Sa harap ng falls."

Umawang ang labi ko, matagal bago ako nakasagot. "Sige."

Natigilan siya, sumeryoso at muling pinitik ang noo ko. "Silly."

"Good night, Maxrill Won. Ingat ka."

"I love you, night," hinawakan niya ang pisngi ko bago tinalikuran.

Pinanood ko siyang sumakay sa sasakyan. Hindi na nawala ang ngiti sa labi niya, at paulit-ulit ang sulyap sa 'kin, bago tuluyang pinaandar palayo ang sasakyan.

To be continued. . . 

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen3h.Co