CHAPTER 12
CHAPTER 12
"KEZIAH, HINDI mo ba pwedeng itabi muna 'yang binabasa mo?" nakangiting ani Yaya Jean nang maabutan akong nagbabasa habang nagbe-breakfast kinabukasan. "Paano ka makakakain nang tama kung sinasabayan mo ng pag-aaral ang pagkain? May tamang oras para sa lahat ng bagay, Keziah."
"Ayos lang po." Gano'n ang sinagot ko pero sinara ko ang notes at nakangiting bumaling sa kaniya. "Na-perfect ko 'yong exam kahapon, yaya. Sobrang saya ko po."
Nanlaki ang mga mata ni Yaya Jean sa tuwa. "Nakaka-proud ka talaga, Keziah." Minasahe niya ang magkabilang balikat ko. "Oh, kumain ka pa." Dinagdagan niya ang pork and beans sa plate ko. "Naibalita mo na ba 'yan sa mommy't daddy mo?"
Magkakasunod akong tumango at lalong ngumiti. "Tuwang-tuwa po sila."
"Sino ba naman ang hindi matutuwa?" Niyakap niya ako, lalo akong ngumiti dahil ramdam ko ang saya ni yaya. "Pero sana, hindi ka nagpapabaya sa pagkain at pahinga, Keziah, ha?"
Umiling ako. "Kumakain naman ako sa oras, yaya. Wala akong naiintindihan kapag gutom."
"Mabuti kung gano'n." Minsan niya pang minasahe ang likuran ko at ngiting-ngiti akong pinagmasdan.
"Kain na," alok ko.
Sabay kaming napalingon ni Yaya Jean kay Kimeniah na pababa pa lang. Hawak niya ang laptop at mukhang may kausap. Pinanood ko siyang lumapit.
"I thought you're coming home tonight?" ani Kim, nahulaan ko na kung sinong kausap niya.
"Yeah, but we had to rebook our flights kasi nagkita kami ng Enriles dito sa Bangkok. We had no choice but to stay dahil minsan lang mag-request si Lacey. We're eating outside tonight, kwentuhan at bonding lang,"boses iyon ni mommy.
Inilapag ni Kim ang laptop sa table, sa part na makikita kaming pareho. Saka siya naupo sa harap ko.
"Oh, yeah, nabanggit nga ni Deib na nasa Thailand din ang parents niya," ani Kim. "Ate Kez is here."
"Morning, mom," ngiti ko.
"Keziah, darling! Congratulations again! You did great by topping the exam! More achievements are yet to come, anak." Emosyonal 'yong sinabi ni mommy, nag-init ang pisngi ko sa tuwa. "Naniniwala kami ng daddy mo na mula ngayon, hindi ka na mawawala sa top one!" Nawala ang ngiti ko at hiniling sa isip na sana, hindi na lang dinagdag ni mommy 'yon.
"Congrats, ate," hinawakan ni Kim ang kamay ko. Ngumiti ako ngunit bitin na ulit 'yon.
Bakit kaya gano'n ang reaksyon ko? Hindi ba't dapat na matuwa ako kasi nagtitiwala sina mommy't daddy na maa-achieve ko ang expectations nila? Bata pa lang ako, nagse-set na nang mataas na expectations ang parents ko at mataas talaga ang standards nila sa lahat ng aspeto ng buhay, lalo na sa studies. Academic achievements ko ang patunay na malaki ang naging impluwensya ng paraan nila ng pagpapalaki sa academic performance ko. Gano'n din kay Kimeniah.
Sa huli, hindi ko pa rin nagawang ngumiti nang natural. Ang kaninang tuwa ay nabahiran na ng lungkot.
"Ano'ng gusto mong reward, Keziah?" tinig naman ni daddy.
"Dad, kabibili ninyo lang ng bagong sasakyan sa 'kin," nagpatuloy ako sa pagkain.
"Other than that. You deserve it, Keziah," ramdam ko ang tuwa ni daddy.
Isa na rin siguro 'yon sa dahilan kaya kahit na minsan, hindi na namin kinakayang magkapatid 'yong taas ng expectations at standards nila, nagpapatuloy pa rin kami. Minsan, nalulungkot kami, lalo na kapag nahihirapan. Pero hindi namin makuhang magalit, magtampo o magtanim ng sama ng loob sa kanila. They're our parents, so we should follow them. And besides, we love them.
Nararamdaman kasi namin 'yong tuwa at saya nila sa t'wing may naa-achieve kami ni Kim. Ramdam naming proud sila, at hindi sila nakakalimot na magbigay sa 'min ng reward.
Kasi sa isang banda, sino ba ang magbe-benefit sa achievements namin kung hindi kami rin? Mahigpit ang mga magulang ko pero sa huli, kapakanan namin ang iniisip nila. Kami 'yong natututo, nakakukuha ng matataas na grades, nakatatanggap ng praises at rewards.
Iyon ang pinanghahawakan ko sa t'wing nasasakal ako sa pressure. Iyon na lang ang iniisip ko para hindi sumuko.
"I'm fine, dad, thank you," sagot ko.
"Don't worry, kami nang bahala ng mommy mo na maghanap ng gift sa inyo ni Kim," patuloy ni daddy. "No'ng ibalita mo pa lang na nag-top ka, pagkababa mo ng call, hindi na mapirmi ang mommy mo kaiisip sa ireregalo sa 'yo."
Napangiti ako. "'Wag na kayong mag-abala, dad, ano ba?"
"Why not, dear?" boses na naman ni mommy, sumisingit sa camera para makita siya. "Your dad and I are just happy. Sa wakas nag-top ka na ngayong sem. Sobrang disappointing 'yong scores at ranking mo sa nakaraan."
Dinadaan ko na lang sa buntong-hininga ang pagiging taklesa ni mommy. Sanay na 'ko sa ugali at paraan ng pananalita niya pero nasasaktan pa rin ako. Natural ba'ng marinig ang mga gano'ng salita mula sa magulang? Hindi ko alam. Siguro nga, normal 'yon.
"You're doing great, anak," patuloy pa ni mommy. "Ipagpatuloy mo ang ganyang score at ranking, dahil sa huli, ikaw rin ang magbe-benefit niyan."
"Yes, mom." Tipid akong ngumiti.
"It's for your own future. Para hindi ka magaya sa iba na walang natapos kaya nakontento na sa pagiging house maid."
Napatitig ako kay mommy. Kailangan ba talaga niyang sabihin 'yon? Alam ko kung para kanino 'yon. Hindi ko napigilang lingunin si Yaya Jean. Mukhang hindi lang ako, maging si Kim, nilingon si yaya. Siguradong pareho kaming nabigla sa sinabi ni mommy.
Yaya Jean isn't just a maid. I may call her yaya, iyon ay dahil siya nag-alaga sa 'kin mula bata dahil busy sina mommy't daddy. Although iba pagdating kay Kim dahil mas binigyan siya ng oras ng parents namin. But the truth is Yaya Jean and I are blood related. She is mommy's first cousin; they grew up together and were best friends before.
Walang kinukwento si yaya pero si mommy, marami. Paulit-ulit pa na para bang kahapon lang parati nangyari ang lahat. According to her, yaya was the happy-go-lucky type of person. She was carefree and did not worry about her future then. To make the story short, it was the very reason why she is who she is today. Hindi nakatapos si yaya ng college, nasa second year siya nang mabuntis. Pinanindigan pero hindi pinakasalan. Wala pang isang taon 'yong panganay niya nang mabuntis uli siya. Gano'n din no'ng ikatlo at ikaapat. Pero bago niya ipanganak 'yong ikalima, na natatanging may dalawang taong pagitan sa mga nauna, iniwan siya ng kinakasama.
While my mom, on the other hand, prepared early for her future. She was the compliant "masunuring" daughter to my grandparents. Unlike yaya, she focused on her long-term goals, she was an achiever, NBSB even after college, and married her first boyfriend. She was good in everything, and never na-disappoint sa kaniya ang grandparents ko.
"Anyway, maiba ako. Uhm, what do you think about dating, Keziah?" Nawala ang pagbalik ko sa alaala sa tanong ni mommy.
Nahinto ako sa pagnguya at napatitig sa monitor ng laptop. "What about it, mom?" mataray kong sabi.
"Well, your dad and I met one of Thailand's top billionaires, the owner of the top pharmaceutical manufacturing company in the country. And their only successor is looking for a partner. Perhaps, he's the last single one standing in his group of wealthy men,"nakangiting ani mommy.
Nag-iwas ako ng tingin, mukhang alam ko na kung saan patungo ang usapan.
"I wondered if you'd be interested...nasa tamang edad ka naman na at...hindi pa nagkaka-boyfriend. What do you think, Keziah?"
I gulped, nearly choking the food in my mouth. "Am sorry, but excuse me, mom?" Hindi ako makapaniwalang naisip niya 'to.
"I'm sure you heard me." Ngumuso si mommy. "Kimeniah's single but at least, meron siyang Deib Lohr Enrile. He's from an affluent family and undeniably desirable life partner for a number of reasons. Don't you think it's about time na...magkaroon ka rin ng potential life partner?"
"Your mom is right," segunda ni daddy. "He's very particular in choosing who will be the mother of his heirs-to-be, at naisip namin ng mommy mo...you're exactly the pot to his lid."
Umawang ang labi ko. Hindi lang pala sa pag-aaral. Hindi lang sa pananamit. Hindi lang sa pananalita, paggamit ng mga muebles sa mesa, tamang postura sa loob at labas ng bahay, hindi lang ang tamang pananalita at kilos. Hindi lang ang pagpili ng mga sasamahan at kakaibiganin...dahil pati sa taong dapat mahalin, sila ang magdedesisyon.
"Listen, Keziah," muling nagsalita si daddy. "Wealthy people marry their own."
"And trust me and your dad, Keziah, hindi ka magsisisi sa huli kung susundin mo ang sinasabi namin."
Humugot ako nang malalim na hininga saka muling humarap sa kanila. Puno sila ng pag-asa na para bang saulo na nila ang ugali ko kaya papayag na lang uli ako sa kanilang gusto.
"Can we not talk about this?" lumaylay ang mga balikat ko, na sinundan ng paglaylay ng mga balikat nila. "I'm still in college, mom, dad. I'm taking up med, and I'm in my hardest year. Wala akong oras sa ganyan."
"We're not asking you to marry, anak. I mean, bakit hindi mo subukang makipag-date?"
"I...am...still in college." Mas mariin ko nang sinabi 'yon, na para bang hindi ko kilala kung gaano kakukulit ang mga magulang ko. Ipipilit nila talaga ang gusto."Anong...naisip ninyo at...." hindi ko maituloy ang sinasabi, iling nang iling at hindi malaman ang mararamdaman. Naiirita ako. Nauubusan ako nang salita na dapat gamitin ng mabuting anak.
"We were just thinking about your future, anak. Believe me, magiging maayos ang buhay mo."
Lalo ata akong nalito. Hindi ko maintindihan ang point niya, at wala ako sa mood na makipagtalo.
What? I have a roof, branded clothes and things, I can eat what I want and I can buy what I need. I have good parents, wonderful sister, and family. I'm driving one of the latest and high-end cars in the market. I'm getting good grades, and has one best friend. Hindi pa ba maayos ang buhay ko niyon? Paano pala ang maayos na buhay?
Wala akong nasabi alinman sa mga naisip ko. Sa huli, mapait na ngiti lang ang naisagot ko. "Papasok na po ako."
Sabay na nagbuntong-hininga sina mommy't daddy nang tumayo ako. "Think about it, Keziah!"
Iiling-iling kong tiningnan si Kim at sinenyasan. Iritable ako mula pagmamaneho, hanggang makarating sa school. Syempre, wala namang hindi napapansin si Dein, nagtanong siya pero hindi na 'ko nagkwento. Kilala naman niya na ako. Alam niyang madalas, ganito ang ugali ko, maldita, sabi nga niya.
"I'm going out on a date with Randall later, bes,"bulong ni Dein nang maramdamang matatapos na ang klase.
Mamalditahan ko na sana siya nang maalala si Bentley. Nando'n kaya uli siya sa labas ng village? Nangunot ang noo ko at napairap sa sariling tanong. Ano namang paki ko?
"Who cares? Wala ka na bang ibabalitang bago?"kapagkuwa'y biro ko.
"Do you wanna join us? He rented the entire movie theater," bulong niya.
"No, thanks. I don't think mag-e-enjoy ako kasama 'yang boyfriend mo." Nginisihan ko si bes nang simangutan niya 'ko.
"That's all for today, class. Prepare for the big exam next week, it will cover all the topics from the beginning. Enjoy the rest of the day." Sa gano'n tinapos ng professor ang huling klase.
"What?" inis na singhal ko.
Napalingon ang karamihan sa klase sa 'kin na para bang gano'n din ang reaksyon nila, nauna lang ako. Iisang salita lang 'yon pero parang naro'n lahat ng tanong namin, lahat ng inis.
"I know, right?" inis na ani Gwynette sa akin. Inis ko naman siyang tiningnan sa mukha, pababa sa paanan niya at inirapan.
Lumaylay ang mga balikat ko at padabog na nilagay sa bag ang mga gamit ko. Nakakairita. Exams after exams. It never ends! Paulit-ulit na lang. Hindi ko nga alam kung bakit may tinatawag pang quiz, minor at major exam, para sa 'kin pare-pareho lang lahat—mahirap. Hindi pa sa quizzes at exams natatapos 'yon dahil may assignments din at iba pang school requirements.
"See you tomorrow, bes."
"Where are you going?" tanong ni Dein nang kawayan ko siya. "Hindi ka pa uuwi?"
"I'm going to the library."
"I'll join you."
"Hindi na. May date pa kayo ni Randall, hindi ba?"
"Okay lang, maaga pa naman. I still have time."
Tumigil ako sa paglalakad nang sabayan niya ako. Hinarap ko si Dein at inirapan. Saka ko siya tinulak sa magkabilang balikat papunta sa parking lot.
"Mauna ka na, I'll be fine. May kukunin lang akong libro at uuwi rin agad. Besides, nakakahiya naman sa boyfriend mong sobrang tino kapag na-late ka."
"Bes?" iritable niya akong nilingon. "Please?"
"What?"
"Tigilan mo nga 'yang side comments mo sa boyfriend ko."
Nginiwian ko siya at inirapan din. "Fine, sorry. Sige na, mauna ka na."
"Teka..." bigla ay nanunuksong aniya, nangunot ang noo ko nang nakaaasar siyang tumawa. "Now I know why you wouldn't let me join you."
Napalingon ako sa tinitingnan niya at napasinghap nang makita si Maxwell. He's like an angel talaga. He possesses such inhuman perfection beauty that don't even resemble any aspect of humanity. He has this aura which makes him look like a walking light—glowing and astonishing. He looks so gentle, kind and genius.
Pero lahat ng papuring naisip ko, nabura matapos niya akong lingunin at pagkunutan ng noo. Nawala rin ang pagkakakunot ng noong iyon nang masulyapan niya ang best friend ko. Na inosente pa rin, at sa halip na mapansin si Maxwell, binigyan pa ako nito ng nanunuksong tingin.
Wala talagang idea si Dein. "Sige na," bulong pa niya. "See you tomorrow, bes." Minsan pa niya akong binigyan ng nanunuksong tingin bago tinalikuran.
Palihim kong sinulyapan si Maxwell, habol niya ng tingin ang kaibigan ko. Nagbuntong-hininga ako at inunahan siya papasok sa library. Naramdaman ko siyang sumunod, binagalan ko ang paglalakad at palihim na tiningnan sa gilid ng aking mga mata kung saan siya pupunta.
Gaya ng inaasahan ko, magkasunod kami papunta sa medical section. May nakapagitang bookshelf sa 'min at pareho kaming naghahanap ng libro doon, iisa ang direksyon. Palihim kong tinitingnan ang bawat librong kinukuha niya bagaman wala akong ideya sa karamihan ng mga iyon.
Wow...
Hindi ko mapigilang humanga, at isipin kung ilang araw niya kayang babasahin ang mga librong kinukuha? Wala sa itsura niya 'yong kukuha ng libro at hindi babasahin. Sa halip, mukhang siya iyong kayang basahin lahat ng libro sa bookshelf na nakapagitan sa 'min.
That moment, I thought, I admire him. His mind stands out beyond looks, and yet, he's very attractive too.
Pinanood ko ang hintuturo ni Maxwell na dumapo sa isa pang libro. Pero nag-angat ako ng tingin nang huminto siya sa pagkuha niyon, at nabigla nang masalubong ang kaniyang tingin.
"Do you need this book?" tanong niya.
"Ah...no, sorry." Napapahiya akong humugot ng ibang libro, walang ideya kung kailangan 'yon o hindi, saka lumayo. Napakasungit naman niya.
Palihim uli akong sumulyap sa gawi ni Maxwell, seryoso na uli siya sa mga libro. Hindi ko mapigilang isipin, what if si Dein 'yong nasa posisyon ko kanina? Magsusungit pa rin kaya siya? Magkasabay akong bumuntong-hininga at umiling, sigurado kasing hindi. Siguradong si Maxwell ang maaaligaga sa pagkuha ng libro dahil matutulala siya sa best friend ko.
Gaya ng sinabi ko kay Dein, dumeretso ako pauwi nang makuha ang mga kailangan ko sa library. Bago pa makarating sa gate ng village namin, natanaw ko na ang grupo nina Lemar. Nakahilera sa gilid ng highway ang mga mamahaling sasakyan nila. Ang ilan, nakasandal, habang ang iba naman ay kumpulan. Sa madaling salita, nakakaabala sila sa mga papasok sa village. Medyo makipot ang highway, although medyo maluwang na sa bungad ng entrance ng village.
Kusang kumilos ang paningin ko, hinahanap ang ayaw aminin ng isip kong hinahanap ko; si Bentley. Na-realize kong pigil ko ang hininga matapos ma-confirm na wala siya sa grupo nina Lemar. Hiniling kong magdere-deretso sana ang traffic, at 'wag akong mahinto sa grupo nila. Pero gano'n pa rin ang nangyari.
'Wag kang lilingon...'wag kang lilingon...'wag kang lili—
"Oh, it's Bentley's girlfriend," sabi ng isa. "Hi!"
Sumama agad ang mukha ko. "I'm not his girlfriend,"maldita kong tugon.
Nilingon ni Lemar ang traffic saka dumeretso papalapit sa bukas na bintana ko. Mukhang gaya ko, sanay na siya sa traffic sa lugar na 'yon, hindi na bago. Dahil maraming schools at public vehicles, traffic lagi sa t'wing oras ng uwian.
"Hey, where's Bentley?" tanong agad niya.
Nangunot ang noo ko. "Bakit sa 'kin mo siya hinahanap? I'm not his girlfriend, just so you know."
"I know, he told me. But you're friends, right?"
Napahiya ako. "Hindi rin." Inirapan ko siya.
Natawa si Lemar, nawirduhan sa 'kin saka umiling, binalewala ang attitude ko. "Alright, thanks anyway."Tinapik niya ang bintana at saka kumaway palayo.
Naiinis ako. Hindi ko alam kung dahil ba may kaibigan si Lemar na inakalang girlfriend ako ni Bentley? O dahil alam ni Lemar na hindi ako girlfriend ni Bentley dahil sinabi umano nito sa kaniya.
"Bentley!"
Papasok na 'ko sa village nang marinig ko si Lemar na tawagin ang pangalan nito. At ang nakakainis, natapakan ko ang break at huminto sa harap ng guard house. Dahilan para mabigla ang nakasunod sa 'kin at bumusina. Namatay rin ang makina ko dahil do'n.
Natural, naagaw ko ang atensyon ng grupo nina Lemar. Inosente ring lumingon si Bentley sa gawi ko, at hindi inaasahang makikita ako. Lumapit siya sa sasakyan ko sa halip na pansinin ang tumawag sa kaniya.
Tiningnan niya ang harapan ng sasakyan bago tumunghay sa bintana ko. "Hey, are you alright?"
Napako sandali sa manibela ang paningin ko. Bakit ako huminto? Nakita ko si Bentley, 'yon ang dahilan ng paghinto ko, at hindi ko pwedeng itanggi 'yon sa sarili ko.
Palihim akong pumikit sa inis. Pinukpok-pukpok ko ang dashboard na para bang naglolokong remote control ang sasakyan ko, saka muling in-start 'yon.
"Biglang huminto, eh," pagsisinungaling ko, hindi makatingin kay Bentley. "I'm sorry," baling ko sa guards.
Tiningnan ko mula sa side at rear mirror ang kasunod ko, at nanlaki ang mga mata nang makitang sina lolo at lola iyon. Si lola ang nagmamaneho habang nasa passenger's seat si lolo. May pagtataka sa mukha nila. Si lola ay nagpapalitan ng tingin sa sasakyan ko, at nagtatagal kay Bentley.
"Excuse me," sabi ko kay Bentley. Dali-dali kong itinabi ang sasakyan at hinintay si lola na sumunod sa 'kin.
"What's going on here, Keziah?" tanong ni lola matapos pantayan ang sasakyan ko, nanunuri ang tingin bagaman nakangiti. Hindi nakaligtas sa paningin ko ang mabilis niyang sulyap kay Bentley. "Is your car working fine?"
"Yes, lola," aligaga kong sagot. "Huminto lang bigla 'yong makina, I'll have it checked."
Sandaling tumitig sa 'kin si lola saka tumango. "Alright, go ahead and drive."
Awkward akong ngumiti. "Yes, lola. Hi, lolo!" sinikap kong maging natural ang pagbati ko. Saka in-start muli ang sasakyan.
Wala akong choice kung hindi paandarin palayo ang sasakyan ko. Hindi ko na nagawang magpaalam kay Bentley na naiwang nakatayo sa gilid ng guard post. Binagalan ko naman ang pagmamaneho matapos matanaw si lola na tumango kay Bentley. Ngumiti si Bentley at tumango rin kay lola. Saka siya tumabi pa lalo para mabigyan ng daan si lola gayong hindi naman siya nakaharang.
Kinabahan ako. Sa itsura ni lola, sigurado akong nagtaka ito kung anong relasyon ko kay Bentley, at dahilan ng kinilos nito. Kahit mababaw na kilos lang 'yon, kilala ko si lola. Alam niyang bukod kina Dein Leigh at Kimeniah, sina Lee, Tob at Deib Lohr lang ang kaibigan ko. Aware din siya na hindi ko tinuturing na kaibigan si Randall, at gigil ako sa pagiging babaero nito, pero isa 'to sa mga nakakasama ko.
Bago sa paningin niya, nila ni lolo, ang mukha ni Bentley kaya hindi malabong tanungin ako kung sino ito.
Hindi ko nagawang bumaba agad sa kotse nang magkasunod kaming pumarada ni lola sa harap ng bahay. Para akong sira na nag-iisip ng idadahilan sa kinilos ni Bentley at paliwanag sa paghinto ng sasakyan, maging sa matagal na pagbaba ko.
Hindi ko alam kung nabanggit ko na. Pero hindi lang parents ko ang istrikto sa pamilyang 'to. Higit na ang lola ko. Hindi lang sa 'kin, kung hindi sa bawat myembro ng pamilyang Gozon, sobrang strict si lola. At kung may mga oras na nasasaktan ako sa demands at pananalita ng parents ko, doble, o baka triple pa, ang sakit kapag nanggaling kay lola.
"Hindi ka ba bababa?" Umangat ang magkabila kong balikat sa gulat nang magsalita si lola sa bukas kong bintana. Nakita niya 'yon at pinagkunot-noo. "Are you sure you're alright, Keziah?"
"Sorry, lola, nagulat po ako sa inyo." Nagpanggap akong natawa, kahit na ako mismo, siguradong super awkward ngayon ng itsura ko.
Dali-dali kong kinuha ang mga gamit ko at aligagang bumaba. Nagkandahulog ang mga libro ko sa kaba pero mabilis din 'yong kinuha. Humugot ako nang malalim na hininga, at inisip na sanay na 'ko sa sitwasyong ganito, kaya hindi na dapat ako kabahan. Kilala ko si lola, at kahit worried ako sa pagiging strict niya, alam ko kung paanong huhulihin ang kiliti at tiwala niya.
"Damn, I must be really tired from school." Sinabi ko 'yon habang pinupulot ang mga nahulog. "I understand that quizzes are important to assess student's knowledge, ensure our progress, and evaluate learning. As well as immediate feedback from basic science to clinical science. But does it really have to come consecutively? It doesn't end, and it's exhausting, really!"
Gaya ng inaasahan, nakuha ko ang kiliti ni lola. Natatawa siyang lumapit at hinagod ako sa likuran. "Ang balita ko nga, top one ka na ulit. Iyon nga ang dahilan kaya kami bumisita ng lolo mo." Hindi pa 'yan ang pressure. Pero hindi na 'ko magugulat sa mga susunod pang sasabihin ni lola.
"Dapat na ba akong ma-excite, lola?" kailangan kong magpatuloy sa paghuli sa loob niya, at ilayo kay Bentley ang atensyon niya.
Tumuloy kami sa bahay kasama si lolo. Syempre, nagulat si Kim na makita sila. Nagulat naman ako na naroon na siya sa bahay. Hindi siya sumabay sa 'kin kaya naisip kong baka si Deib Lohr ang naghatid sa kaniya rito sa bahay.
"Here's our small gift for your achievement, Keziah,"ani lola saka nilapag ang green and small paperbag sa center table na nakapagitan sa 'kin.
Umawang ang labi ko. Kahit maliit din ang logo na nakaukit sa labas niyon, nakilala ko agad brand, Rolex.
"You didn't have to do this, lola," emosyonal ko silang sinulyapan ni lolo. "But thank you so much, it was so sweet of you." Tumayo ako at yumakap kina lola at lolo.
"Hija, alam mo namang paboritong apo kita." Ora-mismo, hiniling kong sana, hindi na sinabi ni lola 'yon dahil narito rin si Kim.
Totoong ako ang paboritong apo niya, at masaya naman ako sa katotohanang 'yon. But most of the time, I was wishing na sana si Kim na lang ang favorite grandchild. Not that I was thinking she's jealous of me being our lola's favorite, but because I know that she is envious of that fact. And I believe there's a big difference between the two, which is 'yong pain.
Pero sa t'wing pini-pressure ako ni lola, okay nang ako ang paborito. Kasi ayaw kong maramdaman 'yon ng kapatid at pinsan ko.
"Open it," sabi pa ni lola, na agad namang sinunod ko.
Rolex... Nag-top lang ako sa isa sa maraming major quizzes, may bago at mamahalin na 'kong relos. Sa mga oras na ganito, naiisip ko, talagang nasa akin na lahat ng hihilingin ng bawat anak at apo. Except sa love life, though.
Syempre, sinundan 'yon ng inaasahan ko nang pressures ni lola. "I want you to maintain your academic rank. Kailangan mo 'yan para maging maganda at malinis ang records mo bilang future president ng business natin one day."
I already heard that. Hindi lang mula kay lola, even from mom and dad. But unlike in front of my parents, hindi ko masabi kay lola na ayokong maging negosyante. Hindi ko maipakita sa kaniyang namana ko rin ang pagiging mataray nila at kaya kong ipaglaban kung ano gusto ko. Kaya kasabay ng pekeng ngiti, halos ipikit ko ang mga mata para hindi niya 'yon makitang mamasa.
"Yes, lola."
Hanggang ngayon, hindi ko malilimutan 'yong galit ni lola nang sabihin kong gusto kong maging surgeon. She planned a career in pharmaceutical manufacturing for me. She wanted me to gain knowledge and experience in pharmaceutical industry. Pinayagan niya akong magtapos degree na personal choice ko. But she wanted me to pursue master of science in pharmaceutical sciences, as well as to get a business degree after that. In the end, ako ang nasunod nang piliin kong ituloy ang med school. Gusto kong maging surgeon.
Pero wala akong idea kung ano ang mangyayari sa susunod. Sa t'wing maiisip ko na anytime, pwedeng baguhin ng parents at grandparents ko ang destinasyon ko, worried ako. Hindi kasi 'yon imposible para sa kanila. Makapangyarihan ang salita nila, at nagpapaalipin ako roon.
Totoo pala 'yong mga napapanood ko sa TV series. Posibleng palayasin at itakwil ka ng parents or grandparents mo kung hindi mo susundin ang gusto nila. Hindi ko malilimutang kailangang lumuhod ni mommy sa kaniya para lang patawarin, at hayaan akong kunin ang course na gusto ko. Isang taon din ang lumipas bago ako napatawad ni lola, kung talaga ngang napatawad niya na ako.
Bago dumilim ay nagpaalam na ang grandparents ko. Nagpaalam din ako kina yaya at Kim na aakyat na muna sa kwarto para magpahinga. Halos mapatili ako nang maabutan si Bentley sa kwarto, kung hindi ko natakpan ang bibig ko.
"What are you doing here, Bentley?" nabibiglang tanong ko.
Nasa loob siya ng kwarto, nakatayo sa gilid ng bintana, siguradong tinatanaw ang paglayo ng grandparents ko dahil dinig ko ang tunog ng sasakyan ng mga ito.
"I want to make sure you're alright. What happened to your car?" tanong niya.
Umawang ang labi ko, puno ng pagtatakang tumitig sa kaniya. Pumunta siya rito para itanong 'to? How pathetic. Huminto lang naman 'yon, bakit pinoproblema niya?
"And why do you care?"
Umangat ang gilid ng labi niya. "By the way you answer, I'm sure you're okay."
"Sino'ng may sabi sa 'yo na pwede kang pumasok na lang basta rito?" inis man, pabulong na tanong ko.
Ngumiti siya. "Dumaan lang ako..." inilabas niya ang maliit na notebook. "Para ihatid 'to."
Awtomatikong nabuhay ang inis ko. "Take it, I don't need it."
Lumaylay ang mga balikat ni Bentley. "Keziah, I made it for you."
"I don't need your help."
"I'm not helping you."
"Stop doing this, then. I can study, I don't need it."
Bumuntong-hininga si Bentley at naglakad papalapit sa 'kin. "Please?"
"No," giit ko. "Please stop this, Bentley. I find it very insulting." Inis ko siyang tinalikuran.
"Hey, I'm sorry," sa boses niya, mukhang palapit siya sa 'kin, aligaga ko siyang hinarap pero nagkamali ako.
"Please just get out of my room." Naiinis ako na hindi ko maipakita ang galit ko.
"I didn't mean to make you feel that way, I'm not here to insult you. I'm not doing this to help you."
"If you're not here to help or insult me, what are you here for, then? Why are you doing this?" inis kong bulong.
Sandali siyang tumitig sa 'kin at saka ngumiti. "To see you."
Nangunot ang noo ko at inis siyang tiningnan. "Umalis ka na nga," pabulong na asik ko. "Alis," pinandilatan ko siya.
Pabuntong-hininga siyang tumalikod sa 'kin. Muli siyang sumulyap nang makalabas ng bintana. Sinulyapan din niya ang notebook at saka tinalon ang bakuran.
Inis kong dinampot ang notebook at sinilip siya mula sa bintana. Gusto ko 'yong ibato pero siguradong may makaririnig. Inis ko siyang sinenyasan habang siya ay tatawa-tawang tinalon ang bakuran.
To be continued. . .
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen3h.Co