Truyen3h.Co

LOVE WITHOUT FEAR

CHAPTER FIVE

maxinejiji


CHAPTER FIVE

BE MY girlfriend, then. Naulit pa ang linya niya sa pandinig ko. Nang minsan pang umugong 'yon sa isip ko ay nagising na ang kaba sa dibdib ko. Hindi ko alam kung gaano katagal kaming nakatitig sa isa't isa. Ako ay inaalam kung seryoso ba siya, habang siya ay tila binabasa ang lahat ng reaksyon sa mukha ko. Hindi niya na inalis ang tingin sa 'kin. Ang tanging nakikita ko ay sinseridad sa kaniyang mga mata.

"Sino naman ang p-papayag na maging girlfriend mo?"nautal ako, nakakainis!

I mean, how dare he? Hindi pa nga kami masyadong magkakilala, not even close! Tapos magtatanong siya nang ganito? Ano'ng akala niya sa 'kin? If he's joking...ang kapal ng mukha niyang mag-joke!

"Ikaw," ngumiti siya at nagbaba ng tingin, saka muling tumitig sa 'kin. "Be my girlfriend, Keziah."

Umawang ang labi ko. Seryoso ba siya? Hindi ko maintindihan. Gusto kong isiping nagbibiro siya, nang-aasar at pinagti-trip-an lang ako. Pero iba ang nakikita at nababasa ko sa mga mata at labi niya. Ayokong kilalanin ang tunay kong nababasa, natatakot akong maniwala at magkamali lang sa huli. Natatakot akong baka nagbibiro lang siya at kumagat naman ako, at mapahiya.

Nangunot ang noo ko at sinamaan siya ng tingin. "Hoy,"matapang akong humakbang papalapit at nagtaas ng tingin sa kaniya. "You...are...not...my...type." Marahan pero mariin kong sinabi ang bawat salita.

Lalo siyang napatitig sa 'kin. Pero ilang saglit lang, lumabas ang dimple niya sa kaliwang pisngi nang mapangiti. Nagbaba siya ng tingin saka nakangiting umiling-iling sa kawalan.

"W-Why?" naiinsulto kong tanong.

"You're terrible at lying, Keziah. It's impossible that you're not attracted to me."

Umawang ang labi ko at lalong sumama ang tingin sa kaniya. Hindi ko alam kung saan ako mas naiinis; sa sinabi niyang terible ako o sa bintang niyang nagsisinungaling ako. Nayabangan naman ako sa huling linya niya.

So, ano'ng ibig niyang sabihin? Iniisip niya bang... Mas sinamaan ko pa siya ng tingin. "So, iniisip mong gusto kita?"

Humakbang siya papalapit, sinalubong ang masamang tingin ko at inilapit ang mukha sa 'kin. "Then, sabihin mong hindi, Keziah."

"Sinabi ko nang hindi kita type," hindi ako umatras, nilabanan ko ang titig niya.

"But you are attracted to me, Keziah."

Napalunok ako, lalong naiinis. "Ang lakas ng loob mo para pag-isipan ako nang ganyan," mahina man ay gigil kong sinabi.

Hindi ko alam kung saan nanggagaling ang inis ko. Gusto kong sabihing sinasamahan ko lang siya dahil sa takot na bugbugin ng basketball players ng SIS—dahil na rin sa awa. Na huwag niyang bigyan ng ibang kahulugan ang kabaitan ko dahil ayaw ko lang makonsensya. Na wala pa siya sa level ng lalaking magugustuhan ko—bukod sa itsura, wala akong makitang kagusto-gusto sa kaniya. Gusto ko ring ipagmalaki na may iba akong type; gwapo, matalino, malinis at mayaman.

Pero lahat 'yon ay hindi ko masabi, hindi ko magawa dahil natatakot akong masaktan siya—hindi dahil may nararamdaman ako sa kaniya. Ayoko lang makapanakit ng damdamin ng iba. Ayokong magbitiw ng gano'ng mga salita sa kahit kanino. Dahil alam ko kung gaano kalalim na sugat ang kaya no'ng iwan sa isang tao.'

Hindi ako umatras, nilabanan ko pa rin ang titig niya. Hindi para patunayan o panindigan ang sinabi kong hindi ko siya gusto. Kundi para hintaying bawiin niya ang sinabi, o sabihing nagbibiro lang siya. Pero hindi 'yon nangyari. Sa halip, nilabanan niya lang din ang titig ko na para bang humahanga, lalo lang akong naiinis. Sa huli ay ako rin ang sumuko.

"Why? Because of my looks and social status?" Hindi ko inaasahang sasabihin niya 'yon, na para bang sinagot ang lahat ng naisip ko.

Nag-iwas ako ng tingin nang hindi makasagot. "Uuwi na 'ko."

Matagal bago siya sumagot. "Thanks for joining me, Keziah."

Tatalikod na sana ako nang muling mapatitig sa kaniya. Ang hirap hulaan ng lalaking 'to. Ramdam ko ang sinseridad sa boses niya, nababasa rin 'yon sa kaniyang mga mata. Pero bakit hindi ko makuhang maniwala? Naaasar ako kasi pakiramdam ko niloloko niya lang ako at inaasar!

"Next time, 'wag kang magpaharang-harang sa gate nang may gate," banta ko. "Again, this is an exclusive village, Bentley. Ilegal ang humarang sa daan lalo na if you don't live here. Strict ang village na 'to, gano'n din 'yong sa 'min. Pwede kang ireklamo at makulong."

"I know, Keziah, don't worry."

"I am not worried."

'Ayun na naman ang dimples niya nang ngumiti. "Are you sure you don't want to eat snacks with me, Keziah?"

"Ayoko. Ilang oras na ang nasayang sa 'kin dahil sa pagsama sa 'yo."

Ngumiwi siya at tumango-tango. "I appreciate that."

Nangunot ang noo ko. "Bahala ka na nga diyan." Inis ko siyang tinalikuran.

Sinundan niya ako hanggang sa sasakyan at pinanood akong sumakay. Pinagkrus niya ang mga braso at hinintay akong buksan ang makina. Umatras ako dahilan para magkatapat na naman kami, nakatayo siya sa labas ng bintana ko.

"What?" wala sa sariling asik ko, dahilan para magtaka siya. "Bakit hindi ka pa umuwi?"

"Sorry, I don't have a car, Keziah. Sa tingin man lang maihatid kita." Ngumiti siya.

Hindi ko na naman alam kung ano'ng mararamdaman. Don't trust him, Keziah. He's a jerk! Siguradong pinagti-trip-an ka lang niya.

Inirapan ko siya. "Bye."

"Drive safely, Keziah."

Nangunot uli ang noo ko, kanina pa siya banggit nang banggit sa pangalan ko. Pero sa halip na sitahin, nilingon ko pa siya ng minsan at saka ko pinaandar ang sasakyan. Nang makalayo ay saka ko siya sinulyapan mula sa salamin at napabuntong-hininga.

What the hell am I doing here? Tsk.

Ito ang unang beses na sumama ako sa mga taong hindi ko lubos na kilala. Hindi ko kailanman naisip na posibleng sumama ako sa isang kakikilala lang at panoorin itong mag-basketball at makasagutan nang gano'n sa huli. Ano ba'ng meron sa Bentley na 'yon? Nakakairita.

"Where have you been?" tanong ni daddy nang makauwi ako. Sumulyap siya sa wall clock saka tiningnan ang mga bitbit ko. "Akala ko uuwi ka agad, darling."

"I..." hindi ako makahanap ng idadahilan. Nameke ako ng ngiti at pinakita ang paperbags na bitbit ko. Ayokong magsinungaling.

"Get changed, dinner na." Naupo siya sa coffee table at tumutok sa babasahin.

"Yes, dad." Napabuga ako ng hangin. This is because of that jerk. Kung si mommy ang nakakita sa 'kin, paniguradong napakarami nang sinabi no'n.

Pumasok ako sa kwarto at dumeretso sa reading nook ko. Basta ko na lang inilapag sa table ang paperbags at binagsak sa giant egg chair ang sarili.

Nasapo ko ang noo at nakapikit na namang naisip ang nangyari. Saka ako tatawa-tawang umiling. What a crazy experience. Sa personality ko, talagang never kong na-imagine na nangyari ang lahat nang 'yon. I'm was never friendly. In fact, I'm aware that I'm tactless and insensitive. Kaya hanggang ngayon, iniilingan ko ang mga nangyari ngayong hapon.

Natigilan ako sa pag-iisip nang maalalang number ko ang na kay Lemar. Kung gano'n, magkikita na naman kami ng Bentley na 'yon? Naisabunot ko ang parehong kamay sa buhok at inis na ginulo 'yon. Natulala ako sa paanan ko nang maisip na inalok niya akong maging girlfriend. Ngayon lang may nagsabi nang gano'n sa 'kin.

Umayos ako ng upo at napatitig sa kawalan. Ang lakas ng loob niyang magbiro nang gano'n. Iniisip niya bang easy-to-get ako? Sa itsura kong 'to? Dahil sumama ako sa kaniya kahit hindi naman namin gano'n kakilala ang isa't isa, iniisip niyang gano'n ako kadaling babae?

Inis ko na namang nasabunutan ang sarili. Hindi normal ang gano'n. Kailan lang kami nagkakilala at pakiramdam ko ay napakarami nang nangyari. Pero hindi pa rin enough 'yon to ask me to be his girlfriend.

Naiinis ako dahil natatakot ako sa posibleng iniisip niya sa 'kin. Hindi niya ako lubos na kilala kaya hindi dapat siya mag-isip nang kung ano-ano sa 'kin, basta-basta.

Nangunot ang noo ko. Baka naman gano'n na talaga ang gawain niya? Feeling niya dahil gwapo siya, makukuha niya ang lahat ng babaeng makilala niya? Hindi ba't may code names pa nga siya ro'n sa mga babaeng nagpapagawa ng presentation sa kaniya? Bakit ko iisiping nasa 'kin ang problema kung halata namang babaero siya? Psh! Nice try, asshole!

Inalis ko sa isip ang lahat ng may kinalaman kay Bentley. Nag-shower ako at bago pa marinig ang boses ni mommy ay bumaba na 'ko. Nasa dining table na sila mommy't daddy, kasama si Kimeniah, at mukhang ako na lang ang hinihintay.

"Hapon ka na raw nakauwi, Keziah?" bungad ni mommy. "Baka masyado kang nagfo-focus sa pagbabasa ng novels, makalimutan mong med student ka."

"You know how responsible our daughter is, sweetheart," si daddy ang dumepensa para sa 'kin, napangiti ako. "Besides, weekend naman. Hayaan mo siyang magbasa at manood ng movies. Kailangan niya rin ng break."

Napabuntong-hininga si mommy. "I know, I'm just reminding her. Besides, nakausap ko ang dean. According to him, every week, may exams ang med students sa major courses. Ngayong Monday ang unang weekly exam ninyo, right? You also have to prepare for that, Keziah."

"For sure, prepared diyan ang panganay natin." Ngumiti si daddy sa 'kin at hinawakan ako sa kamay. "Binibigyan niya lang ng simple reward ang sarili niya. After this, siguradong top one na ang anak natin."

Naramdaman ko nang malusaw ang ngiti sa labi ko. Gusto kong bawiin ang kamay ko kay daddy at ipagpatuloy ang dinner ko. Ayaw ko man, hindi ko mapigilang madismaya. 'Ayun na naman kami sa usapang top one.

"Fine," sagot ni mommy, nakangiti ring hinawakan ang isa ko pang kamay. "Basta, ipangako mo sa mommy na magta-top one ka na this time, okay? Kung may exams every week, kailangang ikaw ang top one. Para may Latin honors ka pagka-graduate." Napakaganda ng ngiti ni mommy, nangingilid ang luha ko 'yong sinuklian.

Alam kong nakatingin sa 'kin si Kim pero hindi ko na siya magawang tingnan. Lahat ay biglang bumigat. Lumaylay ang mga balikat ko. Nasa pagkain ang paningin ko pero tila wala akong nakikita. Nawalan ng lasa ang kanina nama'y masarap na dinner. Bumagsak ang excitement ko sa pagbabasa at panonood. Parang gusto ko nang matulog pero mas kailangan ko yatang mag-aral.

"Kumusta ang studies, Kim?" Ang kapatid ko naman ang binalingan ni mommy.

"Okay naman, mommy. Gano'n pa rin, advanced kami ng ilang topics compared sa lower sections."

"Mukhang dumadalang ang paghahatid at sundo ni Deib Lohr sa iyo. I assume, you're focusing more on studies,"gumanda ang ngiti ni mommy. "Alam kong priority mo ang studies, 'yon ang pinakamaganda mong ginagawa. But believe me, Deib Lohr's a perfect catch. Mayaman at maimpluwensya ang pamilya niya, huwag mo nang pakawalan, anak."

Ngumiti ang kapatid ko. Hindi ko alam kung nawalan lang talaga ako ng gana, o talagang hindi umabot ang ngiting 'yon sa mga mata niya.

"Of course, mom," nagbaba na ng tingin si Kim. "We're both busy but...we find time to bond and get to know each more."

"That's great, Kim, darling." Muling sumulyap sa 'kin si mommy. "How about you, sweetheart? Any suitors? Baka naman kaya ka inabot ng hapon dahil may ka-date ka?"

Nasamid ako at awtomatikong napainom. "Mom?"

Hindi ako makapaniwalang pinagbibintangan niya ako, nasamid ako dahil totoong may kasama akong lalaki pero hindi date ang ginawa namin. Malayo 'yon sa date.

Ngumisi si mommy't daddy. "Who's the lucky guy?"panunukso ni daddy. "What's his socioeconomic status?"

Napabuntong-hininga ako. Oras na estado na sa buhay ang usapan, pakiramdam ko, nawawalan ako ng karapatang magmahal. Pati kasi sa pagpili ng makakasama habambuhay, mataas ang standards nila.

"So, may date ka nga?" tanong ni mommy.

"Mom?" Tinawanan ko lang ang tanong niya kahit na naasar na naman ako.

"Don't get me wrong, Keziah," patuloy ni mommy sa tonong para bang nag-aabiso. "Hindi ko sinasabing mag-focus ka sa pakikipagrelasyon. Hindi ko rin sinasabing i-balance mo ang studies at love life dahil gusto kong maging top priority mo ang studies. What I want you to do is to keep your heart open for someone. Makipag-date ka. Maging open ka pa rin sa pakikipagrelasyon."

"Wala akong time diyan, mom."

"You don't need to spend the whole time together, Kez."Inilapag ni mommy ang spoon at fork saka pinunasan ang gilid ng kaniyang labi. "Matagal ang pagdodoktor, cardio pa ang gusto mo. Ilang taon pa ang bubunuin mo. Kailan ka pa makapag-aasawa no'n?"

"Whatever, mom," tumawa na lang ako.

"Your mom is right," sang-ayon ni daddy. "Don't get us wrong, sweetheart. Gusto lang naming masiguro na magkakaroon kayo nang maganda at maayos na future ni Kimeniah."

Ngiti na lang ang sinagot ko at tinapos ang dinner. Pressured na nga ako sa studies, ayaw ko nang ma-pressure love life at future family ko.

Siguro, para sa iba, swerte ako dahil parents ko mismo ang nagsasabing makipag-date ako. May freedom akong pumili kung sino ang gusto kong maging suitor, boyfriend, fiancé or husband. Pero may certain standards at status kaming kailangang sundin sa pagpili ng "the one"; mayaman, mas mayaman o pinakamayaman.

Dahil para sa pamilya ko, hindi itsura—mas lalong hindi ang nararamdaman ang basehan para pumili ng makakarelasyon at makakasama habambuhay. Kundi ang estado nito sa buhay.

Itinabi ko na lang ang binili kong novels at CDs nang makabalik sa room. Binuksan ko ang medical books at nagpakalunod doon. Kailangan kong paghandaan ang weekly exams.

Hindi lang nang gabing 'yon nabuno ang oras ko sa pag-aaral, hanggang sa sumunod pang araw. Inaral ko ang lahat ng topics nang dumaang week kahit pa alam ko na ang karamihan doon. Nag-advance reading naman ako ngayong weekend. Humihinto lang ako para maligo, kumain at iba pa. Pero sa t'wing matatapos, binabalikan ko agad ang mga libro ko sa mesa. Ayaw kong may makalimutan. Kailangan kong maging top one.

Gano'n ako katutok. Kung hindi pa tumawag si Dein Leigh, hindi ko mamamalayan ang oras.

Damn, gabi na pala! Hindi ako pwedeng mapuyat. "Hello?"

"Bes, hindi ka nag-text sa 'kin maghapon, ah? Busy ka?"sa boses ni Dein Leigh, halatang kumakain na naman siya.

"Oo, nag-aaral ako para sa exam bukas."

"Psh, boring." Humalakhak kami.

"Nag-review ka na?"

"Hindi."

"What? Bakit hindi?"

"'Sus, hindi naman big deal 'yon." Humalakhak siya.

"Baliw ka, Dein Leigh. Kahit pa, kailangan pa rin nating pumasa ro'n."

"Hindi naman siguro ako babagsak, 'no. Hindi ako nakapag-aral dahil nag-date kami ni Randall. Nag-dinner kami pero nagutom na naman ako, I'm eating garlic bread right now. Besides, nakinig naman ako sa discussions so, okay na 'yon. Stock knowledge na lang, bes. Pagod ako."

Inilingan ko siya, natatawa. "Hay, naku, Dein Leigh. Bahala ka nga."

"Siya, sige na. Busy ka yata, hahaha! See you tomorrow, bes!"

"Good night," ako na ang unang nagbaba ng linya.

Sinulyapan ko ang retro style desk clock, alas-dies na ng gabi. Napapikit ako sa inis. Marami pa sana akong gustong basahin.

Kailangang mag-top ako...kailangang mag-top ako. Paulit-ulit kong sinabi sa isip 'yon saka nagpatuloy sa pagbabasa, nakasabunot ang isang kamay sa buhok habang nakayuko sa libro.

Paano kaya kung hindi ko mahal ang pagdodoktor? Paano kung hindi ito ang pangarap ko? Siguradong mas mabigat sa pakiramdam 'yon. Baka mawala na 'ko sa katinuan.

Parang napasaya ko lang ang parents ko nang sabihin kong gusto kong maging doktor. After that, puro disappointments na ang naramdaman nila dahil hindi ko maabot ang rank na gusto nila. Kung maabot ko man, hindi ko naman ma-maintain.

Maaga akong gumising kinabukasan. Nagbabasa ako ng notes mula breakfast, nahinto lang nang mag-shower at muling tinuloy habang nagbibihis. Para akong sira na nagkakabisa nang paulit-ulit kahit pa sigurado akong hindi ko naman 'yon malilimutan.

"Kim, sasabay ka ba?" tanong ko habang pababa at naabutan siya sa harap ng salamin sa living area.

"Yes, Ate Kez." Muli niya pang sinuklay ng kamay ang mahaba, pinong-pino at itim na itim niyang buhok saka sumabay palabas sa 'kin. "Nakatulog ka ba kagabi?"

Hindi ko napansing nakatitig siya sa 'kin. "Of course,"tinuon ko muli ang paningin sa notes saka bubulong-bulong na inisa-isa ang meaning ng acronyms. "Why?"

Naaawa siyang tumitig sa 'kin. "You look tired and puyat."

Nakagat ko ang labi. Kompleto ang tulog ko, eight hours. Pinilit ko na lang ngumiti. "Extra fresh ka lang today," biro ko. "May exam kasi mamaya, nag-aral ako magdamag kahapon."

Tumitig uli siya sa 'kin, hindi kumbinsido sa sagot ko. "Sometimes, we put too much pressure on ourselves without realizing it. That's stressful, ate. I hope you can relax a little. Please be gentle with yourself."

Lalo pa 'kong nameke ng ngiti. "Of course...of course, thanks, Kim."

Itinago ko na ang notes, ayaw kong isipin ni Kim na stressed na 'ko sa studies. Saka ako pabuntong-hiningang nagmaneho.

Sana hindi na lang ako sumama sa loko-lokong Bentley na 'yon. Tsk. For sure, mas marami akong nabasa.

Hindi gano'n kahirap ang exam nang araw na 'yon. Karamihan sa mga inaral ko ay lumabas. Kung may nahirapan man ako, dahil 'yon sa computation ng gamot na isinama sa situational questions na sobrang nakakalito.

"I'm expecting na nag-ready kayong lahat para sa reporting ngayong araw." Iyon ang bungad ng professor namin sa Human Anatomy and Physiology. "May makakasama akong panelist, senior med student, para magbigay ng marks sa reporting ninyo. Siguraduhing ready rin kayo sa questions niya."

Nagkasulyapan kami ni Dein Leigh at sabay na bumuntong-hininga. Sabay rin kaming napalingon nang may pumasok sa pinto. Umawang ang labi ko nang makilalang si Maxwell 'yon. He's not wearing his uniform coat and tie, just his white longsleeve uniform tucked in his black slacks. Nakapasok sa side pocket ang kaliwang kamay niya habang ang kanan naman ay hawak ang wooden clipboard at manipis na Anatomy book. Naka-unbutton ang unang dalawang butones niya at nakatupi hanggang siko ang manggas. Sa chest pocket naka-pin ang kaniyang ID at ballpoint multipen.

"Good afternoon, med students," bati niya saka lumapit at tumango sa propesor. "Good afternoon, sir."

Pinakilala ng professor si Maxwell sa class, hindi mapangalanan ang reactions ng girls sa paghanga. Pero parang wala akong narinig bukod sa pangalan niya. Sa buong minuto na nagsasalita ang prof sa harap, nakatitig lang ako sa mukha ni Maxwell. Ang hirap paniwalaang tao siya. He's really attractive, tall, fascinating, refined and elegant. His eyes were dark and deep pero sobrang expressive. He's different from all others, he stands out.

Sinabi ng prof kung bakit niya makakasama si Maxwell, at inisa-isa ang academic achievements nito dahilan para lalong umawang ang labi ko. He's not real. He looks so unreal. He's too perfect to be real.

Perfect face, achiever...clean...neat...beautiful name and voice. He's so perfect...and expensive.

"Kung may questions si Mr. Del Valle, magtatanong siya sa reporters," ani Mr. Caballero, ang professor.

Awtomatiko kong inalis ang paningin kay Maxwell nang sumulyap siya sa gawi ko. Pero napabuntong-hininga ako nang balikan siya ng tingin at makitang na kay Dein Leigh ang kaniyang paningin. Nilingon ko ang best friend ko na nakangiting inilalabas ang notes niya, naka-lollipop pa.

Nanlamig ako sa kinauupuan nang maupo si Maxwell sa silya sa gilid na eksaktong nakaharap sa 'kin, bagaman may distansya. Alam kong hindi ako ang tinitingnan niya, si Dein Leigh na katabi ko. Pero pakiramdam ko, sa akin bumabaon ang kaniyang mga mata.

"All right, ang unang magre-report ay group three,"anang prof, nangunot ang noo ko.

What? Kinabahan ako bigla dahil sa presensya ng senior na 'to.

Tumayo ako at palihim na namang sinulyapan si Maxwell. Gano'n na lang ang gulat ko nang mag-angat din siya ng tingin sa 'kin. Iniwan niya ang tingin at pinako 'yon sa unahan kung saan inihahanda ni Rhemlyn Joice ang materials namin.

Sinimulan ni Rhemlyn Joice ang topic na sinundan ni Dein Leigh bago ako. Dahil Nervous System ang topic, napakahirap niyon, komplikado. Nagsasangay-sangay ang functions maging ang sakit kapag ito ang apektado. Kahit gusto ko tuloy na matapos agad, dahil nakakailang, hindi pwede. Mahaba ang topic at napakaraming kailangang i-discuss.

Nang matapos pa kami, siya namang pagtaas ng kamay ni Maxwell. Nanlamig na naman ang mga kamay ko sa unahan.

"In the physical process of expiration, which one shuts down first; brain, lungs or the heart? I want to hear your explanation." Seryosong ani Maxwell, magkakrus ang mga braso at hita, lumilipat ang tingin sa 'ming reporters.

Mas nakakakaba pa siya kaysa kay Sir Caballero, unbelievable! Nararamdaman at nakikita ko ang academic achievements at intellectual standing niya sa simpleng pagsasalita.

Nagtaas ng kamay si Dein, tumango si Maxwell. "Yes, Miss Enrile?"

Alam niya ang last name ni Dein...

"Heart. According to researchers, all brain activity ceases within minutes if a person's heart stops," kulang ang sagot ni Dein Leigh.

Nangalumbaba si Maxwell, nakaipit ang isang pen sa pagitan ng dalawang daliri at nakangiting tumango. "Anyone?" tumingin siya sa 'min ni Rhemlyn Joice.

Siguradong hindi siya nakontento sa sagot ng best friend ko. Medyo unfair lang dahil sa itsura niya, halatang ayaw niyang makatanggap ng mali o kulang na sagot, nagkataon lang na si Dein ang sumagot.

Pasimpleng tinapik ni Rhemlyn Joice ang kamay ko, kunot-noo ko siyang nilingon. Sinenyasan niya akong sumagot dahilan para pagtaasan ko siya ng kilay.

Ikaw kaya ang leader. Inirapan ko siya at saka ako humakbang. "It depends sa cause of death, Mr. Del Valle,"sagot ko.

Napasinghap ako nang lalong dumiin sa 'kin ang tingin niya na para bang naantig ang kaniyang interes. Nagbaba siya ng tingin sa notes sa table niya at saka muling tumingin sa 'kin.

"Please elaborate." Hindi man lang nagbago ang istriktong itsura ni Maxwell.

"If a patient dies from a heart attack, his heart stops first. If a patient experienced a severe injury in the head, which is of course, fatal, then his brain stops first. But generally, our breathing fails first, that stops our heart from beating due to lack of oxygen. Brain is last, its function does not die immediately after the heart stops," mahabang paliwanag ko.

"Thank you." Nilingon at tinanguan ni Maxwell ang prof matapos no'n, he's so serious.

Hindi ko mapigilang sulyapan si Maxwell habang nakikinig siya sa sumunod na reporters. Tutok na tutok siya sa mga ito at isinusulat marahil ang mga itatanong niya matapos mag-present ng mga ito.

Sobrang talino niya talaga siguro...damn I wanna be like him.

"Thank you for joining me today, Mr. Del Valle." Naririnig ko pa ang usapan nina Sir Caballero at Maxwell nang matapos mag-report ang lahat ng grupo.

"Ang gwapo niya," bulong ng ilan sa mga kaklase ko, dahilan para sulyapan kong muli si Maxwell.

Napabuntong-hininga ako nang makita ang mga mata niyang panay rin ang sulyap kay Dein Leigh. Habang ang best friend ko ay abala lang sa pag-aayos ng kilay niya.

"May yacht party si Randall, bes, sama ka, please?"

Gano'n ka-unaware si Dein Leigh sa matang kanina pa panay ang tuon sa kaniya. Hindi ko man lang siya nakitang tumingin kay Maxwell nang may paghanga, kahit gaano pa kasimple 'yon. Normal lang kung tingnan niya ang gwapong lalaki. Hindi niya nakikita ang gwapo nitong itsura, malinis at maayos na pananamit. Hindi siya apektado sa lakas ng dating nito.

"His friends are also invited," dagdag pa ni Dein Leigh. "Gusto namin ni Randall na nando'n ka rin."

"Si Randall?" sarkastikong tugon ko. "Gustong nando'n ako? Paano ko paniniwalaan 'yon?"

Humalakhak siya. "Seryoso!"

Sumulyap uli ako kay Maxwell isang beses bago lumingon sa best friend ko. "Kailan?"

"This Friday night, bes." Tinapos ni Dein Leigh ang pag-aayos sa sarili at itinago sa bag ang mga gamit. "Ipagpapaalam kita kina tito at tita," panunuhol pa niya.

Nginiwian ko siya. "Hindi ko nagawa 'yong gusto kong gawin last weekend dahil nag-review ako." 'Ayun na naman ako sa hinanakit dahil hindi ko nabasa at napanood ang mga binili ko. "Gagawin ko 'yon sa Friday kasi busy na naman sa weekend."

"Ano ba 'yan!" nagmaktol siya. "Sumama ka na."

"Alam mong hindi ako mahilig sa ganyan, bes."

"Bes, puro aral na nga tayo, kailangan din nating mag-relax at mag-enjoy."

"Mas nag-e-enjoy ako sa panonood ng movies. Besides, matagal na rin mula no'ng huli akong nakanood at nakatapos ng isang novel," pairap kong sagot. "Sige na, mag-enjoy na lang kayo sa Friday."

"Fine." Nginiwian niya ako kunyari saka kami sabay na natawa.

Gusto ko ring gumala pero mas excited akong mag-solo dahil alam kong may uuwian akong bagong novels at movies. Isa pa, hindi ako mahilig sa parties unless relatives at friends ang makakasama. Ikalawa, kahit yata weekend o weekday magyaya si Dein, hindi rin ako makakasama. Siguradong hindi ako papayagan dahil ipipilit ni mommy na mag-aral na lang ako para sa weekly exams.

Kinabukasan nang hapon ay lumabas agad ang resulta ng exam namin kahapon. Kampante ako at mataas ang kompyansa na maganda ang magiging resulta ng papel ko.

Kaya naman excited kong hinarap si Gwynette na nakaharang sa bulleting board. Siya ang class president at katunggali ko sa top one. Iyon nga lang, mas madalas siyang top one at kung bumaba man ay hanggang top two lang. Hindi tulad ko na iniikot ang buong top ten at madalang maka-top one.

"Congrats, Keziah," sabi pa niya.

"Thank you," nakangiting sagot ko sabay tingin sa list.

Nawala ang ngiting 'yon nang makita ang marka ko. Napahawak ako sa papel para makita uli nang mabuti. 94...94...?Bahagyang kumuyom ang palad ko sa ilalim na bahagi ng papel. Bakit...94 lang? Bakit...top four lang? Hindi ko matanggap.

Paano...? Bakit...?

Nahabol ko ng tingin si Gwynette, gano'n na lang kayabang ng ngiti niya. Siya na naman ang top one at isa lang ang mali niya. Noon pa man, siya na ang kalaban ko sa klase.

Napasulyap ako kay Dein Leigh nang bigla siyang tumili. "I got 96, bes! Top three ako! Oh, my gosh! This is so unbelievable! It's my first time!" Sa tuwa ay hinila ni Dein Leigh ang list ng top ten, hindi napansing magkasunod lang ang pangalan namin.

Umawang ang labi ko at napatitig sa kaniya. Hindi pansin ni Dein ang gulat ko. Niyakap niya ang papel at tuwang-tuwa na tiningnan muli 'yon. Nang makontento ay 'tinaas niya 'yon sa ere at inanunsyo sa lahat ng naroon ang score at ranking na nakuha niya. Sa sobrang saya pa ay pinakita niya sa classmates namin at kinompara ang mga marka nila.

"I know it's my first time na makakuha nang ganito kataas na score," sabi pa ni Dein Leigh sa kaklase naming si Rosei. "Pero hindi ako nag-review, 'no! Buong weekend, nakipag-date lang ako sa gwapong boyfriend ko."Humalakhak pa siya matapos ipagmalaki 'yon. "You can call it luck but still...it's higher than expected." Sabay silang humalakhak ni Rosei. "First time kong maka-top three!"

Gano'n na lang talaga siguro ang tuwa ni Dein. Hindi niya man lang naramdaman nang kunin ko ang result paper sa kaniya. Masaya ako para sa kaniya, totoong napakasaya ko sa achievement niya. Pero hindi ko maipakita 'yon dahil pakiramdam ko, wala akong karapatang ngumiti dahil sa sarili kong marka.

Napatitig uli ako sa score ko, may ipit na hangin sa dibdib. Bumalik sa isip ko lahat ng ginawa ko buong week at hindi napigilang ikompara 'yon sa ginawa ni Dein Leigh. Pinili kong magbasa ng medical books kaysa new novels at movies na binili ko. Buong maghapon ng weekend ay gano'n lang din ang ginawa ko pero...bakit ganito ang naging resulta ng sa 'kin?

"Bes, what's your sco" Hindi ko na natapos ang tanong ni Dein Leigh nang talikuran ko siya at maglakad palayo. "Bes! Where are you going?"

"Sa faculty," sabi ko at muling tinalikuran siya.

Mukha akong kalmado habang naglalakad papunta sa faculty office. But deep inside of me, para akong sasabog. Halos malukot ko ang papel sa pagkakakuyom ng palad ko. Ang bigat din ng mga yabag ko. At kung hindi ko napigilan ang sarili, baka pabagsak kong nabuksan ang pinto ng office.

Humugot ako ng hininga bago lumapit kay Mr. Caballero. Natuon ang paningin ng prof sa hawak kong papel bago nag-angat ng tingin sa 'kin.

"Yes, Miss Gozon?" ngiti niya.

Kinalma ko ang sarili saka inilahad ang papel. "Pwede po ba 'kong mag-request ng recheck, sir?" paglalakas-loob kong tanong.

Umawang ang labi ni Mr. Caballero at kinuha ang papel bagaman nakatingin pa rin sa 'kin. "Recheck?" Hindi ko matukoy kung pagtataka o pagkainsulto ang mahihimigan sa boses niya.

"I'm sorry, sir," desperada na ang tinig ko. "But yes, gusto ko pong ipa-recheck ang paper ko."

Sandali pang tumitig sa 'kin si Sir Caballero saka pabuntong-hiningang inilapag ang papel sa desk niya. "Please have a seat, Miss Gozon." Isinenyas niya ang chair sa gilid ng table niya. "May problema ba, Miss Gozon?"

Napalunok ako. "Nothing, I just...want to make sure na tama ang score na nakuha ko, sir." Nakakahiya pero desperada talaga ako. Hindi ako kontento sa score at ranking ko.

"No, I mean, may problema ka ba? May...pinagdadaanan ka ba recently?"

Napatitig ako sa kaniya. "Wala po."

"Are you sure?" paniniguro niya. "I asked because I was wondering if there's anything I could do to help, academically, of course. I'm your professor anyway."

"I'm fine, sir. I really just want to make sure I got the right score." Itinuro ko ang pangalan sa resulta.

Matagal na tumitig sa 'kin si sir, hindi ko masalubong ang tingin niya. Hinubad niya ang reading glassess at tatango-tangong tiningnan ang result. May kinuha siyang folder mula sa katabing cabinet at hinanap doon ang exam paper ko.

"Let me explain to you why some of your answers were wrong, Miss Gozon." Gano'n na lang kalalim ang buntong-hininga ni sir, gano'n sa nagpapasensya.

Nahugot ko ang hininga nang makita ang numbers na may red circles na nagsasabing mali ang mga 'yon. Nagbaba ako ng tingin sa mga kamay ko. Bakit ba hindi ko na muna tinanong kung bakit gano'n karami ang mali ko? Bakit hindi ko muna binasa ulit ang problems bago nag-demand ng recheck? Baka mali talaga ako, sana kinumpirma ko muna. Pero huli na, narito na 'ko sa harap niya.

Mabait si Sir Caballero at kilala siya sa ganitong ugali, ang ipaliwanag sa students niya ang maling sagot sa exams, maling intindi sa lessons at kakulangan sa knowledge. Para sa susunod ay mas alam na ng students kung ano ang gagawin. Pero bakit recheck ang dinemand ko? Hindi ako nag-iisip. Siguradong nainsulto ko pa siya.

"Lahat ng computations mo sa situations na 'to, mali, Keziah," dagdag ni sir, nagbaba lalo ako ng tingin. "Katulad na lang nito." Itinuro niya ang unang maling sagot ko.

Naglabas si Sir Caballero ng calculator at humugot ng bond paper mula sa printer. Isinulat niya doon ang kailangang i-solve pero parang wala na akong marinig.

"Systolic...diastolic..." sabi pa ni sir habang nagsusulat. "Add mo ito sa..." panay ang buntong-hininga ko habang nakatingin doon pero wala na talaga akong maintindihan.

Binalot na ako ng disappointments. Lumilipad ang isip ko kung saan ako nagkamali gayong pinaliliwanag na nga ni Sir Caballero kung bakit mali ang mean arterial pressure computation ko. Sinundan pa 'yon ng rate ng urine formation at total magnification ng microscope, at iba pa. Na kung tutuusin ay napakadali lang naman kaya hindi ko maintindihan kung bakit hindi ko nasagot nang tama.

Alam kong nagsasalita pa si Sir Caballero nang bigla akong tumayo. Dahilan para matigilan siya sa pagpapaliwanag.

"I'm sorry, sir." Kinuha ko ang papel result paper at tumango sa kaniya.

Nagulat si sir sa ginawa ko. Alam kong kulang ang sinabi ko dahil posibleng nabastos siya. Alam ko ring hindi niya kasalanan na gano'n kababa ang grades ko, napakababa kompara sa inaasahan ko. Pero sa buntong-hininga niya at sa kilala kong personality ni sir, siguradong naiintindihan niya ako. Masyado na ring matigas ang kalooban ko dahil sa disappointment sa sarili, para makapagsalita pa 'ko nang higit doon.

Hindi ko inaasahang mahaharapan si Maxwell matapos talikuran ang propesor. Sa pagkakatingin niya sa 'kin, siguradong narinig niya ang usapan namin. Baliw na yata ako para isiping disappointment din ang nababasa ko sa mga mata niya. Lalo akong nanliit dahil siguradong easy-peasy ang mga mali ko sa achiever na gaya niya. Sino ba kami sa isa't isa? Hindi niya nga ako kilala.

Pero naiintindihan ko siya. Nakadidismaya naman talaga ang score na nakuha ko. Hindi makatarungan para sa 'kin ang anim na mali sa isandaang tanong.

Naiinis akong nagbaba ng tingin at dismayado sa sariling umalis sa lugar na 'yon. Sa halip na bumalik sa klase ay dumeretso ako sa restroom at nagkulong sa cubicle. Minsan ko pang tinitigan ang result at saka tuluyang nilukot at ibinulsa iyon.

Stupid...you're so stupid, Keziah!

Hindi ko matanggap na gano'n lang ang score at ranking ko gayong confident ako na iisa lang ang magiging mali ko kung hindi ko man ma-perfect 'yon. Ang mas nakakainis pa, ginawa ko ang lahat pero pilit kong hinahanap kung alin sa mga ginawa ko sa nagdaang linggo ang naging dahilan para magresulta ng ganito ang performance ko.

Lalabas na sana ako sa cubicle nang masilip ko sina Gwynette at Rosei na papasok. Maingat kong sinara ulit ang pinto at naisip na maghintay na lang. Sa ngiti ni Gwynette, siguradong proud siya. Sino'ng hindi magiging proud kapag nag-top one? I'm not afraid of her, I don't care din kung siya ang pinakamataas. Ayoko lang dagdagan ang sama ng loob ko. Makita ko lang ang mukha niya, naiirita na 'ko.

"You're not gonna believe this. Keziah went to the faculty and asked Mr. Caballero to recheck her answer sheet sa exam kahapon," pabulong na daldal ni Gwynette. Napairap ako sa inis.

"Really? Oh, my gosh. How did you know?" natatawa namang usisa ni Rosei.

"I was in there, grabe. Hindi niya matanggap na gano'n lang ang score niya? Lakas ng loob niyang ipa-recheck ang paper niya, psh! Para niya na ring sinabi na si Mr. Caballero ang nagkamali at hindi siya."

Hindi ko alam na nasa faculty rin siya. Alam kong maraming tao nang pumasok ako pero tanging kay Mr. Caballero natutok ang paningin ko, bukod kay Maxwell na hindi sinasadyang makakaharap ko.

"Nakakahiya naman," ani Rosei.

"Sinabi mo pa!"

"Gano'n pala ang ugali ni Keziah? Paano sila naging bestfriends ni Dein? Ang layo ng personalities nila."

"'Yon ang mahirap kapag obssessed at confident kang maging top one, hindi mo matatanggap kapag bigla kang bumagsak." Mayabang ang halakhak ni Gwynette sa dulo.

"Hindi bagsak si Keziah." Lalabas na sana ako at kokomprontahin sina Gwynette nang maunahan ako ng boses ni Dein Leigh. "Class president ka ba talaga, Gwynette?"

"Dein Leigh..." nagulat si Gwynette.

"As a leader, aren't you suppose to recognize your classmates' strengths and weaknesses? You should be instilling hope, belief in one's self and empower your classmates kaysa pagtsismisan siya."

"Right," tangang sagot ni Gwynette. Doon na ako tuluyang lumabas na ikinagulat nila ni Rosei.

"Bes, I was looking for you!" asik ni Dein.

"Pinakikinggan ko silang pag-usapan ako," maldita kong sagot. "Mas interesting ba ang buhay ko?" nakangiting tanong ko sa dalawa. "'Sabagay, mas influential ang mga Gozon."

Sa halip na sumagot ay naghawak ng kamay sina Gwynette at Rosei at sabay na lumabas. Napairap ako at muling lumaylay ang mga balikat.

"Bes, are you okay?" nag-aalalang tanong ni Dein.

"No." Napabuntong-hininga ako. "I got 94, bes," nagbaba ako ng paningin. "Buong student life ko, 'yon ang pinakamababang score na nakuha ko."

Sa halip na magsalita, lumapit si Dein at hinagod ang likuran ko. "Hindi ko alam kung ano'ng sasabihin ko pero nandito lang ako, bes." 'Yon ang gusto kong marinig.

I don't need a positive vibe to boost back my confidence. I don't wanna hear words of advice to make me feel better. I just need someone to listen and stay by my side. Because no matter what I hear, my disappointments will never disappear.

"Sasama ako sa yacht party," kapagkuwa'y sabi ko.

Nagugulat na nag-angat ng tingin sa 'kin si Dein. "Talaga?"

"Sure," naging natural na ang ngiti ko bagaman nasa isip ko pa rin ang sakit at depresyon sa nakuha kong score. "Siguro kulang lang ako sa hangin."

"Trust me, bes, mag-e-enjoy tayo! Iinom natin 'yan!"

Ngumiwi ako. "Ayokong kasama ang boyfriend mo."

Humalakhak siya. "Mabait naman si Randall!"

"Sinabi ko bang hindi? Ayaw ko lang siyang makasama dahil masyado siyang loko-loko."

"Nagbago na ang boyfriend ko, 'no!" hinila niya 'ko palabas ng restroom. "Snack muna tayo sa labas bago umuwi?"

"Baka hanapin ako ni mommy."

Sumama ang mukha niya. "Ako naman kasama mo, papayag 'yon si tita! Gusto kong mag-coffee! Halika na!"Tuluyan niya na akong hinila.

Hindi na ako tumanggi. Sa tingin ko, ito na lang ang maibibigay kong regalo sa sarili ko.

To be continued. . .

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen3h.Co