CHAPTER SEVEN
CHAPTER 7
PINAGPASALAMAT KONG may lumapit uli na dalawang babae sa bar. Mabilis na kumilos si Bentley para sa orders nila. Muli kong iginala ang paningin ko sa deck at sumimangot nang masulyapan na magkasama na uli sina Randall at Dein. Talagang nalilimutan ako ng best friend ko sa t'wing nandiyan ang boyfriend niya. But it's okay, mas gusto ko 'to kesa mag-chaperone ako sa kanila.
"Lahat ba 'to from SIS?" wala sa sarili kong tanong.
Nakangiwi kong tiningnan ang ilang guests. Parang ang hirap maniwalang students sila ng SIS. Sa pagkakaalam ko kasi, wala silang oras sa ganito. Unlike BIS students na mahilig sa parties at adventures.
"No," hindi ko inaasahang sasagutin ako ni Bentley.
"I wasn't talking to you," mataray kong sagot.
Ngumiti siya at tumitig sa 'kin, patuloy pa rin sa pagmi-mix ng drinks ng dalawang babae, saka tinuon doon ang paningin nang hindi nawawala ang ngiti sa labi. Umirap ako.
Then, I'm right. Some of them are not from SIS. Mas maniniwala pa 'kong taga-SIS ang isang 'to... Muli kong tiningnan si Bentley at awtomatiko ring na-guilty nang maisip kung gaano kasama ang naisip ko. Para ko na rin kasing hinusgahan ang status niya para isiping mas kapani-paniwalang taga-SIS siya.
Nasundan agad ng dalawa na namang lalaki ang ang mga um-order. Maingay mag-usap ang dalawa habang hinihintay ang drinks nila. Palihim ko namang pinanood si Bentley, at hindi ko na naman napigilang humanga, nakakairita na. Ang dalawang customers niya ay naging tatlo, apat, lima...hanggang sa hindi ko na binilang dahil nasundan pa.
Kung hindi ko lang marahil alam na med student siya, maniniwala akong ito talaga ang trabaho niya. He works like a pro—no, he's a pro. Hindi lang sa pagmi-mix ng drinks, kundi maging sa customer service, communication at teamwork.
Hindi siya nag-iisa, may isa pang bartender pero nasa loob ito ng sa hula ko ay small galley cabin. Ito ang nag-aabot ng ilang ingredients na imi-mix naman ni Bentley sa drinks. Ito rin sigurado ang nagpe-prepare ng foods na ino-order ng ibang customers. Ito rin marahil ang kaibigan na tinutukoy ni Bentley na nangailangan ng makakasama, part-timer din marahil tulad niya.
"You okay?" ngiti ni Bentley nang may kunin siya sa gawi kung saan ako nakaupo.
Nilingon ko ang dumarami niyang customers at tumayo. "Magpapahangin na muna ako."
"Stay." Hindi ko inaasahang hahawakan niya ako sa braso, natuon do'n ang paningin ko bago muling sinalubong ang tingin niya.
Marahan kong binawi ang braso ko. "Maliit ang space dito, naaabala ko ang trabaho ninyo."
"We're cool, just stay." Nginitian niya ako at sinenyasang maghintay bago bumalik sa kabilang side ng bar counter para tapusin ang naunang ginagawa.
Napabuntong-hininga ako at muling nainis sa sarili nang maupo nga ako. Iritable kong pinanood ang bilis niyang mag-mix ng drinks. Hindi ko halos makita kung alin sa mga bottle ang dinarampot niya. Gano'n kabilis siyang kumilos. Hanggang sa hindi ko napansing nawawala na ang inis ko.
"Here's your order, ma'am," anang kasama ni Bentley, ngayon ko lang nakita ang kabuuan niya. Lumabas siya mula sa galley para iabot ang pasta sa isang customer.
"May I borrow your co-bartender?" biro ng customer, napalingon ako. I'm sure si Bentley ang tinutukoy nito.
Humalakhak si Bentley at saka inilapag ang katatapos lang na drinks sa counter at inilapit nang bahagya ang mukha sa nagbirong babae. Mas inilapit din ng babae ang sarili, nakangiti at nagniningning ang mga mata niya habang nakatitig kay Bentley.
Umiling-iling ako. He's a chick magnet, that's for sure. Girls obviously go to him. Napabuntong-hininga na lang ako. I can't blame these girls. Words like hot, handsome, good-looking or attractive became common and scanty if I were to describe him right now. Sobrang layo kaysa noong una ko siyang makita.
"My apologies, Popcorn, but I'm not single," aniya sabay lingon at ngiti sa 'kin.
Umawang ang labi ko at pinagkunutan siya ng noo nang maisip na ako ang tinutukoy niyang dahilan kung bakit hindi kuno siya single.
Magpoprotesta na sana ako nang irapan ako ng babaeng binansagan niya naman ngayong Popcorn. Tinaliman ko ng tingin ang babaeng 'yon at hindi ko inalis ang masamang tingin sa kaniya habang papalayo siya. Kailangan kong hintayin na siya ang unang umiwas dahil matatalo ako kung ako ang unang susuko.
Nang magwagi ay saka ko tinaliman ng tingin si Bentley. Kausap niya na ang co-bartender, nakangiti silang nag-uusap. Hindi na 'ko magugulat kung tinatanong nito kung totoo ang sinabi ni Bentley sa babae. Panay kasi ang pagngiti at sulyap nila sa 'kin.
"Bakit mo sinabi 'yon?" hindi ko na napigilang magtaray. Hindi ko rin pwedeng hinaan ang boses ko dahil katabi lang namin ang DJ. Pero siniguro kong kaming tatlo lang ang makaririnig.
"Is there an issue with what was said?" ngisi niya saka muling lumapit sa 'kin at nagtimpla na naman. Wala nang customers.
"Well, wala naman talaga akong pakialam sa sinabi mo. Hindi ko lang gusto na lumingon ka sa 'kin matapos sabihin sa kaniya 'yon. Baka kung ano ang inisip ng babaeng 'yon."
Ipinatong niya ang siko sa counter at tumunghay sa 'kin. Inalok niyang mag-cheers kami, sumunod na lang ako kaysa makipagkulitan sa kaniya.
"How shall I address you, then?" ngisi niya at basta na lang dumampot sa finger foods ko. "Tasty."
Umirap ako at muling tumitig sa kaniya. Lumaban siya ng titig sa 'kin pero may dumating uling customers, isang lalaki at isang babae, pareho nang may edad. Hindi na 'ko magugulat kung specialists sila.
Tulad kanina, nakangiting kinuha ni Bentley ang orders ng dalawa. Bagaman nag-uusap ang dalawang customers, ang babae ay panay ang sulyap kay Bentley. Kung gano'n, wala sa 'kin ang problema kanina nang mapatitig ako sa mukha niya. Malakas talaga ang dating niya sa suot na uniform as bartender. Malinis at talagang gwapo. Kailangan ko ring aminin na may matinding epekto ang paraan ng pagtingin at pangiti-ngiti niya. Tingin na para bang kayang alamin ang lahat sa 'yo at ngiti na talagang hihigop sa paningin mo. Kahit pa alam kong lahat naman ay tinitingnan at nginingitian niya.
Para talaga siyang professional bartender, mabilis kumilos and he obviously know what he's doing. Hindi ko mapigilang panoorin ang mabilis na kilos ng mga kamay niya; mula sa pagmi-mix, simpleng pagsasalin ng ice cubes at drinks, hanggang sa pag-aabot niyon sa customers. Hindi nauulit pero may rhythm.
"Wait, this is not what I ordered." Hindi inaasahan ng mga naro'n ang sinabi ng may edad nang lalaki. "Do it again."
"You ordered gin and tonic, sir," nakangiti pa rin si Bentley. "This is gin and tonic. The lady asked for Jack on the rocks."
"I clearly said Vodka Martini," giit ng customer. "I said do it again."
Ngumiti si Bentley. "My apologies, sir."
Hindi inaasahan ni Bentley na padabog na ibabalik ng customer ang glass dahilan para tumalsik nang bahagya ang drinks mula ro'n. Maging ako at ang may edad nang babaeng kasama ng customer ay nabigla.
"Let me clean it up for you." Nakangiting pinunasan ni Bentley ang counter.
"Faster please," demand pa ng lalaki.
"Excuse me," hindi ko napigilang mamagitan. "I heard your order too, and it was gin and tonic, sir." Gusto kong ngumiti pero hindi nakisama ang labi at mga pisngi ko.
"It's okay," ngumiti si Bentley.
Nakipagsamaan pa 'ko ng tingin sa customer, gaya kanina, hinintay ko itong sumuko. Hindi man sa kaniya nakatuon ang atensyon ko, sigurado rin ako sa narinig ko. Tama si Bentley. Hindi sa kinakampihan ko siya. Dahil kung sakali man na nagkamali siya, siya rin ang itatama ko.
"Here's your Vodka Martini, sir. Enjoy your drink," ani Bentley nang muling ibigay ang glass sa customer.
Ngingisi-ngising kinuha 'yon ng customer, saka dinampot din ang glass na sinabi niyang hindi in-order.
"Remember his face, young man," nagsalita ang babaeng customer na kasama nito, mayabang ang tono."His family's very influential, one of the most dangerous ones in the country." Humalakhak ang dalawa, nagyayabang dahil sa impluwensya ng inumin.
"I will." Ngumiti at tumango si Bentley. "Again, my apologies, ma'am, sir Please enjoy the night."Iminuwestra niyang tumuloy na ang mga sa paglayo.
Pinagbulungan pa kami ng magkasamang customers bago umalis ang mga ito. Siguradong ang naging reaksyon ni Bentley sa huli ang dahilan. Hindi siguro nila inaasahang gano'n ang isasagot at ikikilos nito, sa halip na matakot. Iiling-iling kong sinalubong ang tingin at ngiti ni Bentley nang muling lumapit sa 'kin.
"I came from one of the most dangerous countries in the world, though," dinig kong aniya habang tanaw ang dalawang customer saka ngumisi. "And was born in the most feared district in that country."
Kinuha ko ang food and drinks ko at akma nang tatalikuran siya nang mahuli niya na naman ako sa braso.
"I said...stay," nakangiti niyang pakiusap.
Lalong nangunot ang noo ko. "Ayokong makaabala sa trabaho mo."
"You're not."
Nainis na naman ako. Ano ba'ng meron sa ngiti niya at napapasunod ako? Sa isang kislap ng mga mata niya, naupo uli ako.
"Why are you working anyway?" Iniba ko agad ang usapan, kanina pa pabalik-balik ang tanong na 'yon sa isip ko.
"To fund myself, of course. The cost of living and studying here is kinda high for me."
Gusto ko yatang magsisi na tinanong ko pa 'yon. Hindi sa minamaliit ko siya pero obvious namang hindi siya nabibilang sa mga alta. Sa halip na humanga, nauna kong naramdaman ang awa.
Gusto ko ring sabihin na may studies nang nagsasabi na mababa ang cost of living dito sa Pilipinas. Pero dahil nasa magkaiba kaming situation, baka hindi applicable sa kaniya ang studies na 'yon. Sigurado akong hindi siya magtatrabaho kung hindi naman kailangan. Besides, medicine ang kinuha niya kaya hindi na dapat ako magtaka.
"Your parents are lucky." Mapait ang ngiti ko, naiinggit. But at the same time, humanga ako. "You're performing well in med school—you're number one, you finance yourself..." umiiling akong nagkibit-balikat. "Mahirap i-balance ang studies at work pero mukhang nae-enjoy mo. Malaking tulong 'yon para sa parents mo."
Nakangiti siyang tumitig sa 'kin pero lungkot ang nabasa ko sa mga mata niya. Hindi ko maintindihan. Nagkamali lang marahil ako.
"I'm supporting my family too." Nag-iwas siya ng tingin at lumagok sa sariling glass. "I work for myself, and for them."
"Wow," nangibabaw sa 'kin ang inggit kaysa paghanga.
Alam kong wala na dapat akong hilingin pa. Because unlike him, I have everything I need and I can get anything I want. I have never had worked hard for any thing because I was born with a silver spoon in my mouth. Almost everything has been done for me...except sa studies of course. That's the only thing, I guess, na talagang pinaghihirapan ko.
"Proud na proud siguro sa 'yo ang parents mo?"tanong ko, ang paningin ay nasa baso ng drink ko. Hindi siya kumibo kaya nag-angat ako ng tingin. "Your family must be very proud of your achievements."
Nakangiti kong sinabi 'yon pero ang isip at damdamin ko, gustong malaman kung ano ang pakiramdam niyon.
"What's there to be proud of?" nawala ang sigla sa boses niya. Ang kinang sa kaniyang mata, nabawasan na. "Anyway, I hope so." Muli siyang ngumiti pero agad ding nag-iwas ng tingin.
Na-curious ako sa sagot niya. Gusto kong magtanong pero dahil malayo ang tingin niya, hindi ko nagawa.
"How about you?" tanong niya, wala sa 'kin ang paningin.
"I actually came here to have fun." Ang layo ng sagot ko. Nakangiti akong sumulyap sa kaniya at natuwa nang mabasang interesado siyang makinig. "Feeling ko kasi, nakalimutan ko na kung ano'ng pakiramdam nang masaya at nag-e-enjoy. Corny, 'no?"
Nakangiti siyang ngumiwi. "That's normal, you're a med student after all."
Gano'n kasimple ang sinagot niya pero napangiti ako. Pakiramdam ko kasi may nakaintindi sa 'kin sa unang pagkakataon.
"Every Monday may long exam kami," biglang kwento ko. "Mababa ang score na nakuha ko no'ng huli, 94 out of 100." Bumuntong-hininga ako sabay nameke ng ngiti. "OA ko, 'no?" pumait ang ngiting 'yon. "Sa iba, mataas na mataas na 'yon. Pero ako...hindi pa nakontento."
Bakas sa itsura ni Bentley na nabigla siya sa pagkukwento ko. Lalo pa at doon ko na lang basta dinala ang usapan namin. Siya ang topic pero nauwi sa sarili kong pinagdaraanan. Kung magreklamo siya, idadahilan ko ang huling tanong niya.
He might not know it but being able to tell someone what I'm going through right now made me feel better in an instant. Hindi ko kailangan na sumagot siya, okay na 'kong nasabi ko ang gusto ko at narinig niya.
Nang manahimik ako, pinatong niya ang magkahawak niyang kamay sa counter at tumunghay sa 'kin.
Napabuntong-hininga ako bagaman natuwa. Sa kinilos niya, sigurado akong gusto pa niyang magpatuloy ako sa pagkukwento.
"Ever since primary school, I've always been the smartest one in class, if not one of the best students. Hindi ako bumababa sa top three, and yet I'm not happy. Why am I not satisfied?" patuloy ko.
Nakalulungkot na mula noon hanggang ngayon, gano'n pa rin ang pakiramdam ko. "Hindi ako masaya sa performances ko recently. The numbers I get isn't always what I expected from my preparations. I feel so average at everything right now, and I wanna free myself from this feeling."
Nahihiya ko siyang nilingon, sa takot na baka pagtawanan niya ako o mag-isip na baliw na 'ko dahil sa mga sinabi ko.
"Am I way too obssessed with my grades? Siguro, sasabihin mo ring I'm doing well or don't be too hard on myself?" napapahiya kong dagdag, natatawa kunyari siyang sinulyapan. "'Yon ang madalas kong marinig kapag down na down ako dahil hindi ako satisfied sa scores at performances ko."
Inubos ko ang laman ng glass at nakagat ang labi habang nakatitig doon. "I know it sounds dumb but...I did the best I thought I possibly could but 94 isn't good enough for me. It's not failed, but it wasn't what I wanted."
Ako ang nagkwento pero ako rin ang nahiya. May parte sa 'kin na nagsisi agad pero totoong nakahinga ako nang maluwang. Hindi na 'ko umaasang sasagot siya. Kontento na 'kong nakinig siya.
"Because we all have different expectations." Noon lang siya sumagot, nabigla pa 'ko.
Napabuntong-hininga ako bago nag-angat ng tingin sa kaniya. Kinuha niya ang shaker at nag-mix ng panibagong drinks.
"You were expecting 99 or let's say, a perfect score. Because you prepared for that, you deprived yourself from sleep and fun to get that," patuloy niya.
"Then you got 94, sinong hindi malulungkot no'n? Yes, it is indeed a high score. Some might have got 93 and was happy, others got maybe...91 or less and celebrated as if they topped the board exam. But you are not them." Napatitig ako kay Bentley. Hindi ko inaasahang gano'n ang isasagot niya. "Don't let others belittle you for wanting to get higher scores."
Literal akong napatitig sa kaniya at hindi nakapagsalita. Ang mga salita niya ay nagpaulit-ulit sa pandinig ko dahil sa sarap niyon sa pakiramdam.
Ngayon lang ako nakahinga nang maluwang sa narinig ko. Ngayon lang ako nakatanggap ng sagot na nakapagpagaan sa pakiramdam ko.
Hindi niya sinabing makontento at matuwa na ako sa kung ano'ng scores ko. Hindi niya sinabing mababa 'yon at lalong hindi niya pinaramdam na hindi sapat ang nakuha ko. Pero siya lang ang nakapagparamdam sa 'kin na may nakaiintindi sa pinagdaraanan ko. Siya lang ang nakapagpatunay na normal at ayos lang ang nararamdaman ko.
"Don't let anyone tell you na ayos lang tumanggap ng bawas na tinapay na binayaran mo nang buo,"nangingiti niya pang dagdag.
Napatitig ako sa kaniya, nakagat ang labi at tumawa para maitago ang emosyon. Hindi ko akalaing maririnig ko ang mga salitang 'yon mula sa kaniya. Nagkasama at nagkausap na kami sa nakaraan but for me we're still strangers to each other. Wala kaming enough foundation para mag-usap nang ganito kaseryoso. Kaya hindi ko inaasahang naiintindihan niya ako, at ipararamdam sa 'kin na valid ang nararamdaman ko.
"Thanks for that," mahinang sabi ko, nakababa ang tingin sa mga kamay. Sa dami at haba ng sinabi niya, malaman at masarap pa sa pakiramdam, iyon lang ang naisagot ko.
Nilingon ko siya nang maramdaman ang sulyap niya. Pareho kaming ngumiti at saka nagbaba ng tingin.
"What are you having?" tanong ko habang pinanonood siyang mag-mix nang bago.
"Gentleman's cocktail," nakangiti niya akong tiningnan habang nagmi-mix sa shaker. Hindi niya inalis ang tingin na 'yon hanggang sa magsalin sa glass. Pinakita niya ang drink sa 'kin saka tinikman.
Magsasalita pa sana siya nang may dumating na dalawang customers, na agad ding nasundan ng ilan pa. Sumenyas siya sa 'kin at saka dumulog sa mga ito.
Nang sandaling 'yon, nakangiti ko nang pinanonood ang bawat kilos niya. Hinahangaan ko ang husay niya, mas hinangaan ko kung paano niyang pakisamahan ang mga tao. Hindi gaya ng dalawang customers na akala mo kung sino kanina.
Lumabas ulit 'yong co-barista niya, pareho nilang napapatawa sa jokes ang customers. Pareho rin silang tumatanggap ng papuri dahil sa satisfaction ng customers sa food and drinks. Nangunot ang noo ko nang mas humanga kay Bentley gayong pareho lang naman sila ng ginagawa.
Ano ba, Keziah?
Panay ang ngiti ko habang sumisimsim sa drink ko. Habang tumatagal, mas nagugustuhan ko ang lasa ng Espresso Martini. Kaya nang maubos 'yon, hinintay ko si Bentley na matapos, maglalakas-loob akong mag-request ng another glass.
Pero nang masulyapan niyang empty na ang glass ko, awtomatiko siyang nag-mix nang bago. Natawa ako nang makitang ibang kulay na naman 'yon ngayon. Iiling-iling ko siyang pinanood na lumapit sa 'kin.
Agad ko ring pinalis ang ngiting 'yon nang mapansin kung gaano kalalim siyang tumitig sa 'kin. Titig na may paghanga, hindi ako sigurado kung nababasa ko nang tama.
"Keziah," sinabi niya ang pangalan ko nang ilapag ang glass. Nakagat ko ang labi ko.
Keziah na, huh? Pinigilan kong ngumiti.
"I like your smile," mahinang aniya ngunit dinig na dinig ko. Nabibigla akong nag-angat ng tingin.
"Excuse me?" nabigla talaga ako.
"You heard me the first time." Ngumisi siya. "I said I like your smile," inulit pa rin niya. "It's cute."
Hindi ko alam kung paanong sasagutin 'yon. Nag-iwas ako ng tingin na awtomatiko ring naibalik nang ilapit niya ang glass sa kamay ko.
"For me?" kunyari pang tanong ko gayong kanina lang, sigurado na 'kong sa 'kin 'yon. Basta na lang akong nailang.
"Made for you, only yours," corny niyang tugon.
Nangunot ang noo ko at pinigilan ang sariling ngumiti. Nabigo ako, naging matunog pa ang ngiti ko.
Natigilan ako nang maisip ang kinikilos at mga reaksyon ko...ang epekto niya.
No...no, no, no. Keziah, wake up! Don't fall for sweet words and fake moves! Ngayong gabi lang kayo nagkausap nang ganito, please lang.
Nag-iwas ako ng tingin. "Thanks."
"Am I boring you?"
"No." Natigilan ako nang awtomatiko siyang mangiti matapos kong isagot 'yon. "Wala rin naman akong ibang makakausap. Wala akong kakilala rito bukod sa 'yo at sa best friend ko." Ayokong aminin na kilala ko si Randall.
Naupo siya sa high chair paharap sa 'kin. Naroon pa rin siya sa loob ng bar at ako naman ay nasa labas ng counter. Nainis na naman ako dahil natuwa na agad ako sa gano'ng actions niya. Siguradong wala 'yong meaning sa kaniya pero may epekto sa 'kin. Para akong sira. Iyon na marahil ang epekto ng halo-halong iniinom ko at hindi iyon maganda.
"Do you think you can do it?" nalito ako sa tanong niya.
"What?"
"Top the exam."
Napabuga ako ng hangin. "Paano mangyayari 'yon kung nandito ako?" mabigat ang loob kong sagot sabay inom sa glass ko.
Hindi ko na napuri ang lasa niyon na talagang nagustuhan ko. Dahil ang isip ko, napako na sa magiging reaksyon ng parents ko once hindi ko na naman na-reach ang expectations nila.
Magkakasunod akong sumimsim. Pero nang tuluyang mamuo ang sama ng loob at takot ko, tinuloy-tuloy kong inumin ang laman ng glass hanggang sa maubos.
"Hey, hey, hey," huli na nang pigilan ni Bentley ang braso ko.
Natawa ako. "How many drinks does it take to get drunk? Why do I not get drunk?"
"You already are." Kinuha niya ang glass sa 'kin.
"I'm not drunk, 'no," inirapan ko siya.
"Don't get drunk. No more drinks for you."
Namilog ang labi ko. "No way, party 'to!" Hindi ko sinasadyang mailakas ang boses ko.
Naglapat siya ng labi. "Exactly, a party. You should be having fun—sober. You can have fun at a party without getting drunk."
Nginiwian ko siya. "I don't like parties and I hate being around people. Uupo ba 'ko dito kung gusto kong makisalamuha sa mga hindi ko naman kilalang tao?"Sinuyod ko ng tingin ang mga nagsasayaw sa likuran ko. "Of course, iinom na lang ako sa isang tabi."
Natigilan siya, hindi siguro inaasahang gano'n ako. "Why did you come here, then?"
"Because I want to drink, I want to chill, I want to have fun. Gusto ko ng bagong environment at lumabas. Gusto kong..." napabuntong-hininga ako.
"What?" tanong niya nang hindi ko na nasundan ang sinasabi.
Napatitig ako sa mga kamay ko, inis na bumubuntong-hininga. "Gusto kong umalis sa bahay. Kahit ngayong gabi lang...ayokong mag-aral. Ayokong ma-pressure. Napapagod na 'kong mag-aral nang...hindi nakukuha 'yong inaasahan kong score."
Nakagat ko ang sariling labi, 'ayun na naman 'yong sama ng loob ko. "Ayokong makita ako ng parents kong nag-aaral tapos malalaman nilang hindi ko na-perfect ang exam. Gusto kong...lumabas para..." nagbaba ako ng tingin sa kahihiyan, napakababaw ng dahilan ko. "Para ang gabing 'to ang sisihin nila kung sakali mang hindi ko ma-reach ang expectations nila." Matapang kong sinabi lahat 'yon.
Sandaling katahimikan ang namagitan sa 'min. Sigurado akong nakatingin siya sa 'kin pero hindi ko magawang mag-angat ng paningin. Ayaw kong makita niya ang lungkot ko. Hindi kami close para makita niya akong malungkot.
Isa pa, sigurado namang hindi niya rin ako maiintindihan. Matalino siya at nasa rurok ng tagumpay, at siguradong nangunguna sa kahit anong exams. Sigurado ring proud sa kaniya ang parents niya kaya talagang hindi niya maiintindihan ang nararamdaman ko.
"Keziah, my friend!" nabigla ako nang may tumawag sa 'kin kasabay nang paghawak sa balikat ko.
Nalingunan ko ang class president naming si Gwynette. "Friend ka diyan," asik ko.
Napasulyap ako sa likuran ni Gwynette dahil sa matunog at pamilyar na tawa. Napangiwi ako nang makita sina Randall at Dein, magka-holding hands. Mukhang lalapit na sila sa 'min nang maunahan ni Gwynette. Natawa sila sa sinagot ko sa feeling naming class president.
"What do you want?" mataray kong tanong.
Sumulyap si Gwynette sa gawi ni Bentley na abala na ulit sa pagmi-mix ng drinks. Sinulyapan niya maging ang co-bartender nito at saka lalong lumapit sa 'kin.
Inayos niya ang ilang hibla ng buhok sa likuran ng kaniyang tainga saka nagsalita nang naroon pa rin kay Bentley ang paningin. Nakatalikod ito sa 'min.
"Hindi mo naman sinabi sa 'kin na marami kang kilalang hot and good-looking guys," aniya sa nagbibirong tono. Sigurado akong si Bentley ang numero unong tinutukoy niya. "Marami kang kilala rito?"
"Dalawa lang."
"Sina Randall at Dein of course," tawa niya.
"Sinong Randall?" inosente ngunit mataray kong tugon, sabay irap kay Randall. Na umawang ang labi saka natawa.
Nabigla naman si Gwynette. "Oh, my gosh, hindi mo kilala si Randall Echavez?"
"Hindi, eh. Sikat ba 'yon?"
"Oo! He's from SIS but he's popular in our school too. But, duh? Boyfriend siya ng best friend mo, how come hindi mo kilala? Tao ka ba?"
"Ah, okay." Natural sa 'king wala akong interes.
Basta may kinalaman kay Randall, wala akong ganang makinig o makipag-usap. Kahit pa kay Dein Leigh, at aware silang mag-jowa roon.
"So, siya ba 'yong isang kakilala mo?" tanong ni Gwynette, inginuso si Bentley na nakatalikod pa rin sa gawi namin.
Napairap ako sabay nameke ng ngiti. "Yeah, but I don't know his name."
Sumimangot si Gwynette. "Hanapan mo naman ako ng gwapong guy, Keziah. Wala akong date tonight, eh."
Umawang ang labi ko. Never in my whole existence would I imagine myself begging someone to introduce me to a guy for the sake of having a date. At mas lalong hindi ko na-imagine na kakausapin ako nang ganito ni Gwynette. Una sa lahat, hindi kami close. Pangalawa, ayaw namin sa isa't isa. Ikatlo, mukhang lasing na siya.
"Sige na, Keziah," parang batang pakiusap niya, akmang isasabit ang kamay sa braso ko.
"Don't touch me," ngiti ko. "What are you most attracted to in a guy?" nakangiwi kong tanong.
Nakangiti siyang nag-isip. "Gusto ko sana 'yong katulad ni Randall."
"Bland, then," sagot ko.
"Huh?" naguluhan si Gwynette pero muling nangulit. "Anyway, unexpected na makita ang isang Keziah Sirvey Gozon sa party. May social life ka na pala?" halakhak niya.
Napatitig ako sa kaniya, nagpipigil ng inis. Saka ako nameke ng ngiti. Mas mataas na nga ang score niya sa 'kin no'ng Monday, ayokong ipakita na pikon din ako.
"Oo naman, one way of taking care of my mental and physical health."
Humalakhak siya. "Nag-e-enjoy ka naman ba?"
"Oo, lalo na kung hindi kita nakita," nameke ako ng tawa.
"What? Sira!" sinabayan niya lang ang tawa ko. "Iisa lang naman ang kaibigan mo, kasama niya pa ang boyfriend niya. Ganito na ang social life mo? Ang maupo sa isang tabi at sabayan ang kanta nang mag-isa?"
Tinago ko ang inis sa ngiti. "Dalawa na sila."
"Oh," nang-aasar siyang nabigla. "Is it really the hot guy?" Sinulyapan niya si Bentley na sumulyap din sa 'kin at sumenyas na hintayin siya.
"Mm," mahina ang sagot ko, halos dinaan sa ngiti, para hindi marinig ni Bentley.
"Ipakilala mo naman ako sa gwapong friends mo para may date din ako."
"Sa gwapo talaga?" hindi ko naitago ang sarkasmo. "Eh, hindi ka naman maganda. Ang totoo, buhok lang ang maganda sa 'yo."
Umawang ang labi ni Gwynette, inaabangan pa yatang sabihin kong nagbibiro lang ako. Umangat ang kilay ko kasabay ng gilid ng aking labi.
"Gwynette!" masayang tawag ni Dein.
"Dein Leigh!" nagharap at nagbeso ang dalawa, napangiwi lalo ako.
"Halika, may ipakikilala ako sa 'yo," sumulyap sa 'kin si Dein.
Best friend ko talaga siya, alam niya kung kanino at paanong nauubos ang pasensya ko. Inis kong tinanaw ang paglayo nila ni Gwynette saka ko nasalubong ang nakasimangot na mukha ni Randall.
"Hindi pala kilala, ah?" ngisi niya.
Sa halip na sagutin ay tinalikuran ko siya. Eksakto namang lumapit si Bentley at naglapag ng panibagong drinks sa harap ko.
"It's on me," pinisil ni Bentley ang braso ko saka nag-angat ng tingin sa nasa likuran ko. Sandali akong napatitig sa braso ko saka muling nag-angat ng tingin sa kaniya.
"Bentley Scott!" tinig ni Randall.
"Randall!" ngiting-ngiti si Bentley.
Umawang ang labi ko nang magyakap at sumayaw ang dalawa sa malaswang kanta na pinatutugtog ng DJ gamit ang iisang steps. Freak Me ng Silk. Sinasabayan din nila maging ang kanta at pareho pang may nakakalokong ngiti sa labi habang nakatingin sa isa't isa. Mga siraulo.
"Everything okay here?" tanong ni Randall, muling nagyakap ang dalawa saka siya sumulyap sa 'kin. "What are you guys doing here?"
"Just talking," si Bentley ang sumagot.
Ngumiwi si Randall, itinuro ako. "Seriously? 'Buti hindi ka na-bored, bro?" Humalakhak siya nang hampasin ko ang kaniyang braso.
"Magkakilala kayo?" tanong ko.
Umangat ang gilid ng labi ni Randall. "Ikaw lang naman ang hindi nakakakilala sa 'kin, miss. Sino ka nga ulit? Tao ka ba?" pang-aasar niya, ginaya ang tanong at tono ni Gwynette kanina, bago bumaling kay Bentley. "Come and join us."
"I'm working, bro."
Tinapik ni Randall si Bentley sa balikat. "One Romanee-Conti please."
Mabilis na sumunod si Bentley, panay pa rin ang sulyapan nila ng nakakalokong ngiti ni Randall.
"Yeah, you're both studying in SIS, kaya hindi na nakapagtatakang magkakilala kayo. Bukod sa pareho kayong loko-loko."
Tanyag na babaero si Randall, hindi ko mabilang sa daliri ang babaeng pinaiyak niya sa nakaraan; iniwan, niloko at hindi sineryoso. Bukod do'n, may mga babaeng umiyak at naghabol sa kaniya dahil pinakitaan niya rin ng motibo bagaman hindi nakarelasyon. Hanggang ngayon, hinahabol-habol siya ng mga iyon.
Wala pa akong masabi masyado kay Bentley. But he's obviously "extra" friendly to girls. Pansin ko ring binibigyan niya ng endearment or nickname ang lahat. Kaya hindi na 'ko magugulat kung malaman kong wala silang pinagkaiba ni Randall.
"He's a monster, a freaking genius," nakangiting ani Randall habang nakasulyap kay Bentley. "Sa batch niya, siya ang nangunguna. Hindi lang dahil sa matataas ang scores niya, he's freaking close to perfection. We all envy him. Glad nasa higher year ako."
"I know, galing siya sa BIS."
"Top notcher."
Naalala ko na naman 'yong unang araw na makilala ko si Bentley, at kung paano kong natandaan ang pangalan niyang nasa unahan ng listahan.
"He's humble, though."
"Dapat ngang mainggit ka, mayabang ka, eh."Sinamaan ko siya ng tingin pero tinawanan niya lang ako sabay sulyap sa kaniyang cellphone. "Pero hindi ba't may kapalitan siya? Si..."
"One minute," pinigilan ako ni Randall sa sinasabi at sinagot ang tumatawag sa cellphone niya.
Sino na naman kaya ang kausap niya? Umangat ang kilay ko. Kanina ko pa napapansing tingin siya nang tingin sa cellphone, at nagkakataong wala si Dein Leigh.
Lalo akong na-curious nang mabasa ang reaksyon sa mukha ni Randall, halatang naiinis, although wala akong naririnig sa mga sinasabi niya.
Tumalikod siya sa gawi ko na para bang iniiwasan niya talagang may makakitang may kausap siya. 'Yon nga lang, malaking glass ng cabin ang naharapan niya kaya nakita ko pa rin do'n ang reflection niya. Kaya wala siyang naitagong reactions sa 'kin. Mukhang napipikon siya sa kausap, nag-e-explain base na rin sa hand gestures niya. Maski nang patayin niya ang line, parang galit siya.
"Sinong kausap mo?" mataray na tanong ko nang makabalik siya.
Awtomatikong nabura ang inis sa mukha ni Randall at napalitan ng pekeng ngiti. "Wala 'yon."
"Sino nga?"
"Wala nga," nag-iwas siya ng tingin.
Tinitigan ko siya na ginantihan din niya. Siya ang unang sumuko kaya tumalim ang titig ko. "Siguraduhin mo lang na hindi ka gumagawa ng kung ano-anong kalokohan, Randall. I'm telling you, pepersonalin kita kapag niloko mo ang best friend ko."
Napabuntong-hininga siya. "I'm not," sagot niya na tinapik ang counter. "Bentley."
Magsasalita pa sana ako nang lumapit si Bentley dala ang wine na in-order ni Randall.
"Thanks, bro. Join us later. Kumain tayo."
"I will." Tinapik ito ni Bentley sa likod.
"See you around, stranger," pang-aasar sa 'kin ni Randall saka kami iniwan.
Sinundan ko siya ng tingin saka iiling-iling na bumuntong-hininga.
To be continued. . .
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen3h.Co