CHAPTER TEN
CHAPTER 10
"YOU'RE CRAZY!" Gigil kong pinalo sa braso si Bentley nang makapasok ako sa kwarto. Habang siya ay tatawa-tawang kamot ang batok.
Sa halip na sagutin ako, ginala niya ang paningin sa kwarto at humahangang tumango. "You're rich, huh?"
"My parents are, not me," nag-iwas ako ng tingin ngunit naibalik 'yon nang matunog siyang ngumiti. "What?"
"That's the kind of thing that only wealthy people would say." Pinagkrus niya ang mga braso at muling ginala ang paningin sa buong kwarto. Naglakad siya papalapit sa shelf na puno ng libro. "Maraming tao ang naniniwalang pera lang ang kayamanan. I believe that the greatest wealth is education."
Nangunot ang noo ko. Ganito ba siya mag-tutor? Umirap ako.
Matapos igala ni Bentley ang paningin sa naunang shelf, lumapit siya sa sumunod pa. Puno iyon ng medical books na binili ng parents at grandparents ko mula sa iba't ibang bansa. Sa hilig nilang mag-shopping, books ang hinding-hindi nila malilimutang bilhin.
"Ang tagumpay...ay nakaupo lang sa isa sa mga sulok ng kwartong 'to," patuloy niya na pinadaraan ang isang daliri sa hilera ng mga libro. "And it's waiting for you to grab it." Nakangiti niya akong nilingon. "Narito lang 'yon, naghihintay sa 'yo na abutin mo."
Sinalubong ko ang tingin niya ngunit hindi nagsalita. Hindi ko alam kung saan patungo ang sinasabi niya at kung ano'ng dahilan niya para sabihin 'to. Pero kusa iyong tumatatak sa isip ko.
"Education is one of the stepping stones that will lead you to success," pagtatapos niya.
Umirap ako. Hindi niya naman sinabing hindi ako successful, nagbibigay lang siguro siya ng advise. Hindi ko lang talaga ma-gets kung bakit niya kailangang mag-advise. I don't think I look like I need one.
Matapos ay hinila niya ang chair mula sa study desk ko at naupo sa harap mismo ng bintana. Inilapag niya ang backpack at inilabas ang mga libro na hindi mahahalata ang laki at bigat kung hindi pa makikita.
Tinupi niya ang sleeves mula sa wrists hanggang sa elbows at nagdekwatro. Kasunod no'n ay naglabas siya ng case at sinuot ang salamin. Nahugot ko ang hininga at napatitig sa kaniya. Pero mabilis din akong nag-iwas nang kumilos siya para mag-stretch.
"Where are we going to start?" tanong niya.
"Kanino mo nalaman na bumaba ang ranking ko?"tanong ko.
"Move on already." Bumuntong-hininga siya matapos masalubong ang sama ng tingin ko. "Sa class president ninyo," ipinatong niya ang siko sa tuhod at dinantay ang mukha sa kamao.
Si Gwynette? Ugh! That girl! "Close pala kayo?"nanatili akong nakatayo sa harap.
"'Wag kang magselos, hindi kami close. Hindi ko nga maalala ang pangalan niya."
"Hindi ako nagseselos," sinamaan ko siya ng tingin. "At bakit ako magseselos, hindi naman kita kaano-ano. Masyado kang feeling close."
Humalakhak siya. "Magsimula na tayo."
"Ayoko," giit ko. Pinagkrus ko ang mga braso at humakbang palapit sa kaniya. "Sinabi ko na at sasabihin ko uli sa 'yo, I don't need your help, Bentley. I can study alone and get back the scores and ranking I lost,"confident kong sinabi 'yon. "'Wag mo 'kong maliitin."
Umawang ang labi niya habang at nakangising nagbaba ng tingin. "You are so stubborn."
"Look who's talking?" namewang ako. "Look..." Hindi ko naituloy ang sasabihin nang mag-ring ang cellphone ko.
Inis kong kinuha ang cellphone ko sa bag habang masama ang tingin kay Bentley. Lumamlam lang ang paningin ko nang makitang si mommy 'yon.
"Excuse me," kabado na ang tinig ko nang talikuran siya. Humugot muna ako ng malalim na hininga bago iyon sinagot. "Mom..."
Alam ko na ang sasabihin niya. "Keziah, darling! What happened to your score and ranking?" I knew it, I was right.
"Mom—"
"You're not really taking this seriously, 'no?" iritable si mommy.
"Calm down, honey," tinig ni daddy, of course, they're together.
"Tinawagan ko si Dean Enrile, at nalaman ko ang score at ranking mo," muling asik ni mommy. "Sinabi ko na nga ba, Keziah." Puno ng disappointment ang tinig ni mommy. "Ano ba, Keziah?" dagdag niya na para bang pagod na siyang pagsabihan ako. Na para bang pagod na siyang marinig na mababa ako.
Nasapo ko ang noo. "Mommy, please..."
"Please, what?" 'ayun na naman ang inis niya. "I told you, prioritize your studies before you hang out with your friends. Isn't it better to celebrate dahil nakakuha ka nang mataas na score at ranking rather than hanging out with them and fail?"
"But I didn't fail, mom," kasabay ng pagsagot niyon ay kumirot ang dibdib ko.
"Yes, you didn't but your score and ranking have dropped! Ano ba'ng nangyayari sa 'yo?" naghihisterya na siya. "Stop choosing short-term rewards over the long-run gains, Keziah. I'm begging you. Ikaw ang tagapagmana ng companies natin, for heaven's sake, anak."
Nagbaba ako ng tingin. "But I wanna work in a hospital, mom," mahina kong sinabi 'yon, hindi mailaban ang totoong gusto ko. "Wala akong alam sa business. Mas gusto kong magtrabaho sa ospital."
"What?" lalo pa siyang naghisterya. "And you think magiging mahusay kang doctor sa ganyang score at ranking? Ano ba'ng nangyayari sa 'yo, anak? Nawawala ka sa focus, Keziah. Hindi ka naman ganito noon."
Natulala ako sa sakit ng sinabi niya. "It was just one exam, mom..."
"Just one exam?" isa-isa niyang sinabi ang bawat salita nang may diin. "I think you're taking things for granted, Keziah. If you don't respect what you have now, you'll realize its value once you lose it all." Mahinahon nang sinabi 'yon ni mommy pero mahihimigan ang galit. "Stay at home and study."
"I will, mom," nagbaba ako ng tingin, pinipigilan ang emosyon.
"Starting today, no more parties and hanging out with friends for you. Malinaw ba?"
"Yes, mom."
"Huwag kang gumaya sa best friends mo na inuuna ang pakikipagrelasyon. You're far better than that, Keziah. If your best friends can do both, let them. If their parents are okay with average grades, good for them. They're not you and you're not them. Hindi ka Enrile o Echavez, isa kang Gozon, Keziah. Don't settle for less nor the bare minimum."
Nagbaba ako ng tingin. "I understand, mom."
"I'm giving you another chance, Keziah. One last chance." Seryoso talaga siya, natulala lalo ako sa kaba. "Kapag hindi mo naitaas ang score at ranking mo, at least top two..." nagbabanta na ang tinig ni mommy. "I will cut all your credit cards and allowance, at pagtatrabahuhan mo ang studies mo. Wala kang makukuhang luho, maski na isa sa mga meron ka ngayon, Keziah."
"Mom..." nagugulat kong tugon.
"Do I make myself clear?" Galit talaga si mommy, hindi man ganoon ang tono niya. "Siguradong ganito rin ang gagawin ng grandparents mo kapag nakarating sa kanila 'to."
Tuluyan na akong natulala, pinipigilang pangiliran ng luha. "Yes, mommy," sobrang hina ng boses ko.
"Stop wasting your time, and study." Puno ng disappointment ang huling tinig niya bago binaba ang linya.
Napatitig ako sa kaharap kong wall, humigpit ang hawak sa cellphone nang marahang alisin 'yon sa pandinig ko.
Matagal ko nang kilala ang ganitong ugali ni mommy. Magmula nang mag-aral ako, ganito na siya sa 'kin, pati na rin kay Kimeniah. Pareho sila ni daddy. Pero ngayon niya lang ako niya pinagbantaan ng ganito.
Hindi ako takot mawalan ng credit cards, hindi ko naman kailangan no'n. Halos pilitin pa nga nila akong gamitin 'yon lalo na kung may kinalaman sa studies ang expenses. Pero ibang usapan na kapag nadamay ang allowance at school expenses kung magkataong madismaya uli siya. Wala pa akong kakayahang suportahan ang sarili ko pagdating sa bagay na 'yon.
She's right... Mas humigpit ang pagkakahawak ko sa cellphone. I'm not doing enough...this isn't my best. I'm...going to fail if I don't listen to them...I'm—
"You can do it." Hindi ko inaasahang magsasalita si Bentley at puputulin ang iniisip ko. Umawang ang labi ko at mabilis na nag-init ang mga mata ko. "We all see things in this world differently. What's okay with me may not be fine with you. But still, you can't deny the fact that acing these cheap quizzes and exams will make you feel a lot better. It's an achievement."
Marahan ko siyang hinarap. "I don't know why you're saying these things, Bentley," inis kong sagot.
Naiintindihan ko ang point niya, at naa-appreciate ko ang advices niya. Problem is, kanina pa siya maraming sinasabi pero hindi ko makita ang koneksyon no'n sa nararamdaman at pinagdaraanan ko. Hindi ko maiwasang isiping hinuhulaan lang niya at sitwasyon at binabasa ang mga advise sa tingin niyang inaalala ko.
Pero...hindi nga ba talaga 'yon ang inaalala ko? Talaga bang hindi ko makita ang koneksyon? O natatakot lang akong tanggapin ang katotohanang nahuhulaan niya ang nararamdaman ko, hindi man ako magsalita?
"Please go home," muling sabi ko. "I don't have time for this, Bentley. I need to study," pakiusap ko.
Nabigla siya. "I thought we're—"
"I already said no, Bentley. Don't make me repeat myself," seryoso kong pinutol ang sinasabi niya.
"C'mon, I'm just going to help you."
Nag-init na ang ulo ko. "Why can't you just leave me alone? Thank you for wishing me the best in my academics. But if you think you're trying to motivate me, you're not. You're doing exactly the opposite. You're making me feel like you should be the one controlling how much I study."
Bakit ba ang kulit niya? Gano'n na ba talaga kami ka-close sa tingin niya? Hindi ko maintindihan kung bakit pinipilit niyang kailangan ko siya. Fine, I appreciate his help but I really don't need it. I can study on my own.
Matagal na natigilan si Bentley habang nakatingin sa 'kin. Matapos ngumiti ay tumayo siya at kinuha ang mga gamit.
"Sorry for being pushy," kinamot niya ang batok, nakangiti pa rin. "But I'll leave this here." Naglapag siya ng manipis na notebook sa desk. "It's uhm...you can use it."
"Take it," pagmamatigas ko. "I don't need it. Thank you."
"Please." Lumaylay ang mga balikat niya. "Ginawa ko 'to para sa 'yo."
"You know what?" Kumuyom ang mga palad ko. "Sinasabi mo sa 'king kaya ko? Pero pinararamdam mo sa 'king hindi ko kaya. Kasi kung talagang kaya ko, hindi mo ipipiliit na tulungan ako. Kung kaya ko, hindi ko kailangan ng tulong mo."
Plano kong sabihin nang kaswal 'yon pero nangibabaw ang emosyon ko.
"Uulitin ko, kahit nahihirapan na 'kong ipaintindi sa 'yo. Hindi ko kailangan ng tulong mo." Mariin ko pa ring sinabi ang huli. "Alam kong matalino ka, pinakamatalino. Hindi ko kailangang higitan o tapatan ang kakayahan mo. Ang kailangan ko, higitan ang sarili ko. Sinabi ko na 'yan sa dalawang magkaibang lenggwahe, baka sakaling mas maintindihan mo."
Lumapit ako at pinagbuksan siya ng bintana. "I'm sorry but you can't take the door, please leave now."
Pilit siyang ngumiti at nagbaba ng tingin. "I'm really sorry, Keziah," aniya saka ako tinalikuran.
Nag-iwas ako ng tingin nang sumampa siya sa window. Bahagya akong lumapit nang gano'n kabilis kong marinig ang pagtalon niya pababa. Nagtago ako sa gilid ng window at sinilip siya papalayo.
Naiintindihan kong gusto niyang tumulong. Pero hindi ako ang nangangailangan ng tulong na 'yon. Bahala siya kung gusto niyang isipin na mayabang ako o mataas ang tingin sa sarili. Hindi ko kailangan ang tulong niya.
Eksaktong kumatok ang maid nang hindi ko na makita si Bentley. Nilingon ko ang pinto nang bumukas iyon at tumuloy si Yaya Karlea
"May kausap ka ba, Keziah?" tanong nito na sinilip ang ilang sulok ng kwarto ko.
"Si mommy po kanina, sa phone."
Tumango si yaya. "Pinaghanda kita ng salad."
"Pakidala na lang dito sa kwarto, yaya. Shower lang ako at mag-aaral na."
"Sige."
"Pakitawagan din po si Kim mayamaya kung anong oras siya uuwi."
Pabuntong-hininga kong pinanood na sumara ang pinto. Wala na 'kong oras para palalimin ang emosyon ko, kailangan kong mag-focus sa studies gaya ng sinabi ni mommy. Tama siya, ito ang dapat na inuuna at iniintindi ko.
Hindi ako nagsayang ng oras. Matapos mag-shower, sinimulan ko agad ang pagre-review. Kung ano ang schedule ng class subjects ko, doon nakabase ang topic na aking binabasa. Bawat importanteng notes, sinusulat ko sa notebook at notepad, saka dinikit sa corkboard. Sa t'wing may hindi naman ako maintindihan, hinahanap ko 'yon sa ibang libro at internet.
Mula nang hapong iyon, ganoon na ang ginawa ko. Pinupuyat ko ang sarili sa pag-aaral at gigising nang maaga para pumasok at makinig nang ayos sa klase. Natapos kong aralin lahat ng past topics sa loob ng isang araw. Ang mga sumunod pang araw ay nilaan ko sa pagbabasa ng advance topics base sa syllabus namin.
"Bes, susunduin ako ni Randall, magdi-dinner kami sa Pavilion. Do you wanna join us?" anyaya ni Dein."Randall's on his way here na."
"No thanks," nakangiting tugon ko saka sinabit ang bag sa balikat ko. "Kayo na lang, bes. Library muna ako."
Sinundan niya ako at sinilip ang mukha. "Nagre-ready ka na ba sa board exam?"
"Ha?"
Tumawa siya. "Bakit aral na aral ka yata, bes? I mean, nag-aaral ka naman na before pero grabe 'tong preparations mo ngayon, pang-finals!"
Pilit ang naging ngiti ko. "Sabi ko naman sa 'yo, 'di ba? Kailangan ko na talagang mag-focus. Hindi natutuwa sina mommy't daddy sa results ko lately."
Hindi ko talaga binanggit kay Dein Leigh ang napag-usapan namin ni mommy. Mabuting anak ang best friend ko. Siguradong kapag binanggit ko sa kaniya lahat ng masasamang sinabi ni mommy, maiintindihan pa niya at sasabihing tama ito at dapat kong sundin. Pero alam kong hindi niya babanggitin kung nasaktan o na-offend siya, para hindi ako ma-guilty. Kaya pinili kong ilihim na lang ang iba. Tama na 'yong alam niyang kailangan kong itaas ang scores at ranking ko. Ayaw kong sirain ang magandang mood ng best friend ko. Lalong ayaw kong malaman niya na ganoon mag-isip at magsalita si mommy kahit pinakikitunguhan siya nang maayos sa t'wing kaharap o kausap siya.
"Enjoy na lang kayo, bes," kaway ko.
"Are you sure you're going to be fine?"
"Of course, ako pa ba?"
"Alright, see you tomorrow, bes!"
"See you!" kumaway uli ako at pinanood ang paglayo niya.
I went straight to the library at naghanap ng books na pwede kong hiramin. I need more references para mas advance pa ang mabasa ko. I aimed to be two to three weeks ahead in reading my major subjects so I could free up some of my time to focus on my minors.
Sa umpisa, iyong alam kong kakailanganin ko lang ang aking kinuha. Pero habang tumatagal, kinukuha ko na rin maging 'yong sa tingin ko, magagamit ko in the future. Dahilan para mahirapan akong bitbitin ang mga 'yon.
Kinakailangan kong huminto sa pinakamalapit na table. "Ang bigat..." reklamo ko nang maipatong lahat ng kinuha kong books.
Pinukpok ko ang magkabila kong balikat at minamasahe ang pareho kong braso nang magtama ang paningin namin ni Maxwell. Nakaupo siya sa table na pinagpatungan ko ng books, may hawak na pen at kaharap na open books at notebook. Gumapang ang paningin niya mula sa patong-patong na librong kinuha ko bago binalik ang paningin sa akin.
"Sorry," mahinang sabi ko.
Sa halip na magsalita, ibinalik niya ang paningin sa ginagawa. Napabuntong-hininga ako at imbes na buhatin ulit lahat, isa-isa kong inilipat sa katabing mesa ang mga kinuha kong libro.
Palihim kong sinisilip ang librong binabasa ni Maxwell. Ano kayang book ang binabasa niya? Nag-a-advance reading din kaya siya? In an instant, I thought I'm doing the right thing. Kung ganito ang ginagawa ng top one na gaya niya, ibig sabihin, tama ang ginagawa ko.
Natigil ako sa pag-iisip nang bigla siyang tumayo at buhatin ang natitira pang libro na nililipat ko. Nagugulat ko siyang sinundan ng tingin.
"You're interrupting me," bulong niya nang magkatapat kami, saka bumalik sa kinauupuan niya.
Natulala ako sa pagkapahiya, hindi malaman kung lalapit para humingi ng paumanhin. Hindi rin ako sigurado kung maririnig niya ako kung sasabihin ko nang mahina 'yon dahil nasa library kami.
Sa halip ay tumango ako dahilan para mag-angat siya ng tingin. Hindi ko inaasahang gaganti siya ng tango at ibabalik na sa binabasa ang paningin.
Weird.
Maingat akong naupo at isa-isang inilabas ang mga gamit ko. Kinuha ko ang unang librong sa tingin ko, kailangan ko at iyon ang sinimulang basahin.
Sa una, madaling intindinhin. Pero hindi pa man tumatagal, hindi ko na masabayan ang libro. Kaya sa huli, kinukuha ko na lang ang informative topics para sa 'kin at sinusulat sa notes ko.
Hindi ko pa man natatapos ang unang libro na kinuha ko, tumayo na si Maxwell at binitbit ang mga gamit niya. Nakita ko siyang sulyapan ang mga libro sa harap ko bago ako tapunan ng tingin at maglakad papalayo.
Palihim ko siyang sinundan ng tingin. Dere-deretso siyang lumabas, hindi na dumaan sa circulation counter. Napatingin naman ako sa malaking wall clock sa gitna ng library at noon lang napansin ang oras. Nanlalaki ang mga mata kong binalik isa-isa ang mga hindi ko nagamit na libro.
Next time kasi...'yong kaya mo lang tapusin ang kunin mo. Inirapan ko ang sarili. Masyado akong na-overwhelm kanina, hindi ko naisip ang oras. Lalong hindi ko naisip na hindi ko matatapos lahat 'yon sa gano'n kaiksing panahon.
"Book club members can only borrow four books, student," anang librarian on-duty.
Nanghihinayang kong pinagpilian ang anim at sinabing isasauli ang dalawang hindi napili. Bigat na bigat kong binitbit ang apat na libro hanggang sa parking lot. Doon ko na rin tinawagan si Kimeniah.
"Kim? Pauwi pa lang ako, saan ka?" tanong ko nang sagutin niya ang linya.
"Kanina pa 'ko nandito sa bahay, ate. Sinamahan ako ni Deib sa Pavilion at inihatid din ako pauwi."
"I see, dumaan kasi ako sa library. Pauwi na rin ako."
"Ingat, ate!" mukhang maganda ang mood niya.
"See you at home." Nasundan ko ng tingin si Maxwell habang sinasabi 'yon. Kalalabas niya lang mula sa campus.
Sa halip na magmukhang stalker, ini-start ko ang makina at pinaandar ang sasakyan ko. Pero bago pa ako makarating sa highway, may humarurot na sports car mula sa likuran ko. Hula ko, si Maxwell 'yon.
Bahagya akong bumaba sa kinauupuan nang magtapat ang mga sasakyan namin. Mayadong tinted ang mga salamin niya, hindi ko siya makita. Katamtaman naman ang sa 'kin kaya siguradong maaaninag ako. Pinigilan kong lumingon.
Nauna siya nang kaunti, sinadya ko namang bagalan para tuluyan na siyang mauna. Iisang way lang pala kami. Naroon lang ako sa likuran niya sa buong byahe. Pero nang bahagyang lumuwang ang traffic ay humarurot siya.
Tuluyan namang bumagal ang pagpapaandar ko nang makarating sa gate namin. Walang tao na dumaraan, pulos sasakyan. Guards lang din ang naro'n kaya hindi ko malaman kung bakit may hinahanap pa ako.
Hindi ko mamamalayan ang sarili kung hindi pa ako matigilan. Inaasahan ko bang...makikita ko na naman si Bentley?
Umangat ang mga balikat ko nang bumusina ang sasakyan sa likuran. Inis ko iyong sinulyapan sa rear mirror saka tuluyang pinasok ang village.
Masyado ba akong naging harsh sa kaniya? Iyon ang tanong na naisip ko nang huminto sa harap ng bahay. Nilingon ko ang pathway kung saan siya tumayo ilang araw na ang nakararaan. Nang mapansin ko si Yaya Jean na papalabas, bitbit ang dalawang garbage bag.
"Nariyan ka na pala, Keziah?" ani yaya.
"Kararating lang po."
"Hindi ka bumusina," ngiti niya saka ako pinagbuksan ng gate.
Hindi na ako sumagot. Pinasok ko ang sasakyan at kinuha ang nagbibigatang mga gamit ko.
"Oo nga pala," lumapit si yaya at tinulungan ako sa mga librong bitbit ko. "Naiwan mo yata ito riyan sa gate."
Nagulat ako nang iabot niya ang notebook na pilit binibigay ni Bentley noong akyatin ang kwarto ko. "Saan ninyo nakita 'to, yaya?" tanong kong naroon lang ang paningin.
"Nahulog mo siguro sa labas ng gate, may nakapulot siguro at iniwan sa pasemano," itinuro niya 'yong concrete fence. "Walang pangalan mo pero mukhang sa 'yo kaya pinasok ko. Nalimutan ko lang ibigay sa 'yo kung hindi ko pa maalala dahil dito sa nagkakapalang libro mo. Ikaw ba, nakapagpapahinga pa, Keziah?"
Nagsalubong ang tingin namin ni yaya. "Opo." Tuluyan ko nang kinuha ang notebook at pumasok sa bahay.
Dumeretso ako sa kwarto, nagpahinga sandali at naligo. Mayamaya lang, sinimulan ko na ang pag-aaral.
Nag-iisip ako nang muling mapansin ang notebook ni Bentley. Kukunin ko na 'yon nang mag-alinlangan. Sinabi kong hindi ko 'yon kailangan, kaya bakit ko 'yong titingnan? Itinago ko 'yon sa pagitan ng mga libro sa shelf at nagpatuloy sa pag-aaral.
"Ate Kez!" sinundan ako ni Kim palabas kinabukasan. "Papasok ka na? Sasabay na 'ko sa 'yo."
"Sure," nakangiti ko siyang pinagbuksan ng pinto.
"Ate, hindi kita nakakasabay mag-breakfast nitong mga nakaraan. You're not skipping meals naman, right?"
"Of course not," ngumiti ako habang tutok ang paningin sa daan. "Pinaghahandaan ko lang 'yong exam sa Monday kaya busy. Sa kwarto ako kumakain."
"Bukas sabay tayong mag-breakfast, ha? Wala akong kasabay." Since weekend naman na bukas, naisip kong sabayan nga siya.
"Sorry," nakangiti akong tumango. "Kumusta ang school?"
"Okay lang," mas gumanda pa ang ngiti niya.
Hindi ko na naman maiwasang mainggit dahil hindi ko alam kung nagagawa ko pa bang ngumiti nang gano'n kapag pag-aaral na ang pag-uusapan.
"Tuloy-tuloy pa rin 'yong discussions at quizzes although busy na lahat sa acquaintance party."
"I see." Nakangiti ko siyang nilingon. "Niyaya ka na ba ni Deib?"
Ngumiwi siya. "Wala naman siyang ibang pwedeng i-date."
Nanunukso ko siyang nginitian. "Kayo na ba?"
"'Uy, ate, hindi, ah!" namula siya.
"Bakit hindi mo pa sagutin?"
"Aren't we too young for that?" nilingon niya ako.
"'Sabagay, mukhang wala na rin namang chance magbago ang feelings ng manliligaw mo, kaya bakit mo mamadaliin, hindi ba? Studies muna."
"Right," nakangiti siyang sumandal at bumuntong-hininga. "Sana lang...mag-mature nang konti si Deib. I mean, 'wag palang konti. Gusto kong mag-mature na talaga siya nang tuluyan."
"Ha? Why?"
Umayos siya ng upo papaharap sa 'kin. "Don't you think he's too...immature, ate?"
"What do mean, immature?" maang-maangang tugon ko.
Hindi ko pwedeng banggitin ang mga nalalaman ko tungkol sa kalokohan ni Deib. Kinausap na ako ni Lee tungkol doon at hindi ko raw pwedeng sirain ang diskarte ng best friend niya.
"I can't explain it," pabuntong-hininga siyang sumandal. "Minsan kasi parang masyado pa siyang isip-bata for me."
Natatawa akong umiling. "You're both in high school, paanong maturity ang ine-expect mo kay Deib?" Nawala ang ngiti ko nang may maisip na iba. "Kim, you're not thinking of..."
"Ate!" pinandilatan niya ako.
Nakahinga ako nang maluwang. "Mabuti nang malinaw, 'no! Papatayin mo 'ko sa kaba."
"Hindi naman 'yon ang ibig kong sabihin," nag-iwas siya ng tingin. "Gusto ko lang mag-mature si Deib as a person. I want him to become more accountable and take responsibility of his actions."
"Bakit, hindi ba gano'n si Deib?"
Umiling si Kim. "Alam ko namang maloko pa rin siya. Kahit anong tago niya, nakakarating sa 'kin ang tungkol do'n." Tumingin siya sa labas ng bintana. "Akala ko nabago ko na siya, hindi pa rin pala."
Napabuntong-hininga ako. "He's trying, Kim."
"I know," nakangiti niya akong nilingon. "How about you, ate?"
"Ako? What about me?"
"Wala ka bang nagugustuhan?"
Natigilan ako. "Wala."
"As in?" nangunot ang noo niya na para bang hindi normal ang gano'n. "Maski crush?"
Crush... Nangunot ang noo ko nang maalala si Bentley. "Wala."
"Weird," natatawa niya akong inilingan. "Ang sarap kaya sa feeling na meron kang crush sa school." Sinabi niya 'yon na halatang masaya sa nararamdaman niya. "Papasok ka nang inspired at mas mai-inspire once makita mo siya."
Nanunukso ko siyang nilingon matapos mag-park. "Gano'n ka ba kay Deib?"
Nakita ko nang mawala ang ngiti niya pero binalewala 'yon nang ibalik din niya ang ngiti. "Mm, you can say that."Nagkibit-balikat siya. "Hindi ka ba naiinggit kay Ate Dein?"
"Bakit naman ako maiinggit?" tanong ko habang hinihintay siyang kunin ang mga gamit niya.
"Kasi gwapo ang boyfriend niya."
Natigilan ako at nilingon siya. "Have you met Randall?"
"Yeah, we met, sa mall, when I was with Deib Lohr."
"Ah," ngumiwi ako. "Maiinggit lang siguro ako kung hindi siraulo si Randall." Nginisihan ko siya.
"What do you mean siraulo, ate?" natatawa niyang tanong.
Bumuntong-hininga ako, nakangiwi. "Basta. Hindi ko sinisiraan si Randall pero siraulo pa rin siya."
Lalo siyang tumawa, hindi ko alam kung ano'ng nakakatawa. "Swerte ni Ate Dein, 'no? Gwapo ang boyfriend niya."
Nangunot ang noo ko. "Gwapo naman si Deib Lohr, hindi ba?"
"Oo pero..."
"Pero?" nagtataka ko siyang nilingon.
"Basta," nagkibit-balikat si Kim at nanguna papunta sa campus nila. "See you later, ate!"
"I-text mo 'ko kung sasabay ka." Kinawayan ko siya.
Nag-focus ako sa klase, doble kaysa paraan ko ng pagpo-focus before. Maski breaktime, hindi ako makausap ni Dein dahil binabasa ko naman ang magiging topics sa susunod na subjects. Inaasar niya ako noong una. Pero nang huli, wala siyang nagawa sa pananahimik ko at piniling makipag-text na lang sa boyfriend niya.
Gaya ng sinabi ni Kim, sabay rin kaming umuwi nang hapong iyon. Pareho kaming may kailangang paghandaang exam sa susunod na linggo. Kaya naman matapos magpahinga at mag-shower, nag-aral na uli ako.
"Ugh, I finished it!" masaya kong itinaas ang notebook na natapos ko.
Ilang araw ko ring pinaghirapang isulat do'n lahat ng outline ng natapos naming topics sa buong linggo. Iyon ang babasahin ko bukas hanggang Sunday para sa exam sa Monday. Hindi 'yong ganoon kadetalyado, pero confident akong naroon lahat ng kakailanganin ko. Manipis na notebook lang din 'yon pero puno at naro'n lahat ng subjects ko.
Tuwang-tuwa ko iyong tiningnan habang nakabuklat sa ere nang mapansin uli ang notebook ni Bentley. Marahan kong binaba ang notebook ko at kinuha 'yon.
Napabuntong-hininga ako nang ipatong 'yon sa desk ko. Tinapon niya kaya 'to? Hindi ko maiwasang isiping tinapon ni Bentley 'yon matapos kong tanggihan.
Nilingon ko ang bintana. Hindi niya naman malalamang binasa ko 'to...
Kabado kong binuklat ang notebook, parang sira. Wala namang nakakakita sa 'kin, bakit ako kinakabahan?
Bahagyang nanlaki ang mga mata ko sa ganda ng handwriting niya. Siya ba ang nagsulat nito?
Binasa ko ang unang linya at namangha nang maintindihan ang topic. Nagpatuloy ako nang hindi namamalayang napaparami na ang nalalaman ko. Tinutukuan ko iyon nang hindi napapansin ang oras. Sobrang daling intindihin at tandaan. Na kung tatanungin siguro ako sa oras na 'to, lahat masasagot ko.
Sumandal ako sa swivel chair at hinawakan ang notebook ni Bentley sa isang kamay, habang nilalaro ang pen sa kabila pang kamay. Nagpaikot-ikot ako sa swivel chair habang patuloy pa rin sa pagbabasa niyon. Nalunod ako sa pagbabasa ng notes na 'yon nang hindi namamalayang mas nalilibang ako roon, mas natututo kaysa sariling notes ko.
To be continued. . .
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen3h.Co