Truyen3h.Co

LOVE WITHOUT FEAR

CHAPTER THREE

maxinejiji



CHAPTER THREE

"GROUP THREE, Dein Leigh Enrile, Rhemlyn Joice Fomero, Keziah Sirvey Gozon..." nagpatuloy pa sa pagbanggit ng pangalan ang professor.

Nagkatinginan kami ni Dein at palihim na nginisihan ang isa't isa nang masigurong magkakasama kami sa iisang grupo. Well, hindi naman na bago 'yon. Nasa primary pa lang, basta alphabetically arranged ang groupings, parati kaming magkasama. One of the resons why we became friends and now, best friends.

"Okay, first, we need a leader," ani Dein Leigh nang magsama-sama kaming group three sa reporting. "Siya ang mag-a-assign ng task sa bawat isang member. But of course, aside sa sarili niyang task, she'll check each member's finished assignments and make sure na tama ang ginawa natin. Also, siya rin ang magpapa-check sa mga prof."

"Rhemlyn Joice, lead the group," utos ko.

"What? Why me?" palag ni Rhemlyn Joice.

"Because I told you so," mataray kong sagot. "All of us will read the topic, don't worry."

Nainis man, walang nagawa si Rhemlyn Joice o mas kilala bilang RJ. Kaklase na rin namin siya mula pa no'ng primary at madalas na makasama sa groupings. We're not that close but we're not enemies too. She's just a normal BIS student, not one of those trying hard queen bees and mean girls. I like her when it comes to academics because she's smart and dilligent, she has the characteristics and qualities of a good leader. Perfect fit.

"Fine," RJ sighed and looked at me. "Go to the library and gather some books related to our topic. Mas magandang marami tayong reference." Binigay niya ang listahan sa 'kin. "Sisimulan ni Dein Leigh i-type sa Powerpoint ang questions. Ako nang bahala sa iba," ngiti niya.

"Cool," ngiwi ko saka nagpaalam para pumunta sa library.

Sa gano'ng oras, hindi ko inaasahang maraming secondary students ang naro'n sa library. Hindi na ako magtataka kung walang lecturer ang mga 'yon ngayon, dumaan din ako sa gano'n. Wala ngang lec, may seatwork naman kaya hindi rin makakatambay kahit sa Batibot lang.

Dumeretso ako sa bookshelves at hinanap ang mga librong kailangan ko. Nagpapalitan ang tingin ko sa listahan na binigay ni RJ at sa nakahilerang libro sa kaliwa at kanan ko, nakakahilo.

"Siya 'yong kapalit ni Bentley, he's from SIS." Hindi pa man ako umaabot sa gitna nang matataas at mahabang shelves ay narinig ko na ang bulungan ng dalawang college students sa harap ko. Base sa uniform, iba ang course nila. Both of them were peeping behind the books. Parehong nagpapatangkad para masilip nang todo 'yong nasa likod ng bookshelf.

So, that Bentley's famous, huh? Nakangiwi kong inilingan ang dalawang student at nagpatuloy sa paghahanap. Sumikat siya sa gano'n kaikling stay dito sa BIS? Unbelievable. Muli akong umiling at nalimutan na ang librong hinahanap ko. Binasa ko ulit ang listahan saka nagpatuloy.

"How can a person be this handsome?" muling sabi ng babae sa harap ko, hindi ko napigilang mainis. "Look at his face...grabe..."hinaplos ng isa sa dalawang babae ang libro na para ba'ng 'yong mukha ng lalaking pinag-uusapan nila ang nahawakan niya. "And look at those lips..." kinagat nito ang labi na para bang ibang labi na ang naramdaman niya. Napapikit ako sa inis.

Call me boring but isa talaga sa pinakakinaiinisan ko ay 'yong mga babaeng harap-harapang pinapakita na gusto o interesado sila sa isang lalaki. I mean, act like a lady. What's happened to actually being a lady? I still believe in modesty, manners, behaviour, proper etiquette and being prim. These girls' actions may be normal in our society, but they don't reflect a mindfulness of good etiquette. 

"What's his name again?" tanong ng isa pang babae. Napapailing kong binuklat ang unang librong kinuha sa shelf and scanned its contents as if I'm actually reading what's inside. Kahit na ang totoo ay nasa kanila ang atensyon ko, unconsciously.

"Maxwell Laurent del Valle, he's drop-dead gorgeous, med student," sagot ng kasama nito.

Natigilan ako at muling napasulyap sa dalawang babae. Ibinalik ko sandali ang paningin sa libro saka muling humarap sa shelf. Sa sandaling 'yon ay tumagos na sa mga libro ang paningin ko at tiningnan ang lalaking pinag-uusapan ng dalawang babae.

Then there I saw Maxwell Laurent, the new student from SIS na kapalit ni Bentley. Natigilan ako at napatitig sa mukha niya sabay bunot ng panibagong libro. Nainis ako sa sarili nang maalala ang lahat ng sinabi at reaksyon ng dalawang babae kanina. May hawak siyang libro at mabilis na binabasa ang bawat pahina na para bang may hinahanap. Tutok na tutok na hindi man lang marinig ang pag-uusap ng mga babaeng isang shelf lang ang pagitan sa kaniya.

Hindi gaya ni Bentley, malinis tingnan si Maxwell Laurent. Maputi siya na halos magmukha nang kulang sa dugo. Bagsak at makintab ang buhok na umaabot sa both ears at kwelyo sa batok niya. Ilang araw pa, sigurado akong pagsasabihan na itong magpagupit. Maayos ang kaniyang uniform, parang hindi nagugusot. Itim na itim at kumikinang sa linis ang school shoes niya. Talagang malayo sa mga napansin ko kay Bentley.

Hindi ko pa rin maintindihan kung paano silang nagkapalit, to think na nasa higher year siya at si Bentley ay ka-year ko lang. Ang weird. 'Sabagay, ano ba'ng pakialam ko?

"You think he's dating someone?" muling nagsalita ang babae, napalingon ako at naiinis na tumitig sa kanila, patuloy pa rin sa pagsilip.

"I don't think so," iling ng kasama nito. "I think he's busy sa acads, I mean, look at him..." nangangarap itong umiling. "Enthralled, beautiful prince," dagdag nito saka humalik sa hangin. "Ako na lang sana 'yong libro."

Nalungkot ang isa, napairap ako sa inis, at sumenyas sa kasama na umalis na sila. Nagkataong doon sila sa harap ko mismo dumaan at hindi ko sila napigilang tingnan. Tumaas agad ang kilay ng isa nang makita akong nakatingin.

"What?" pabulong kong asik.

Namewang ako at nagbaba ng tingin sa kaniya, hindi man lang yata siya aabot sa mga balikat ko. No wonder kailangan niyang magpatangkad para masilip ang Maxwell sa kabilang gawi ng shelves. Maging ang kasama nito ay ilang pulgada lang ang difference ng height sa kaniya.

Suminangot ang dalawa at nilampasan ako, pero pareho pa rin silang nakalingon sa 'kin nang may malditang tingin. Ni hindi man lang nahigitan ang malditang itsura ko.

"I love you, Maxwell!" biglang sabi ng isa at sabay na nagtago palayo ang dalawa.

Nagugulat kong sinundan ng tingin ang mga ito saka naiiritang nilingon si Maxwell. Lalo pa akong nagulat nang magtama ang paningin namin. Walang nagbago sa posture at expression niya, maliban sa mga mata niyang sa akin na nakapako.

Umawang ang labi ko at ibinaling sa iba ang paningin. Pero hindi nakaligtas sa 'kin nang maglakad siya papunta kung nasaan ako. Sumandal siya book shelf at nagbaba ng tingin sa 'kin.

"What did you say?" bulong niya.

Nagugulat ko siyang tiningnan.  "It wasn't me."

Ngumiwi siya at tiningnan ang dulong gawi ng bookshelves saka muling tumingin sa 'kin. "Books or looks?"

Nangunot ang noo ko. "Of course, books," inis kong sagot.

Isinenyas niya ang librong hawak ko. "Really?"

Nagbaba ako ng tingin sa libro at nakagat ang sariling labi sa inis nang makitang baliktad ang hawak ko ro'n. Nag-iwas ako ng tingin at pumihit paiwas sa kaniya nang hindi na malaman ang sasabihin. Narinig ko siyang tumawa nang bahagya bago ako talikuran at bumalik sa kaninang pwesto. Bumunot siya ng isa pang libro at saka dumeretso sa counter. Sinundan ko siya ng masamang tingin hanggang sa makalabas saka ako napangiti sa nangyari.

"Ang tagal mo naman?" bungad ni Dein Leigh nang makabalik ako.

Naalala ko ang nangyari sa library at saka nag-iwas ng tingin. "Ang hirap kayang maghanap ng libro."

"May listahan ka na nga," reklamo ng best friend ko.

"Nandito na 'ko, okay?" gusto kong mainis pero hindi gano'n ang nararamdaman ko.

Inisa-isa ko kay RJ ang mga librong hiniram ko sa library, most are old, hindi na masyadong ginagamit nowadays. 'Yong iba naman, hindi ginagamit sa med. Ilang oras naming ginawa ang group report pero wala ro'n ang atensyon ko, nagpaulit-ulit sa isip ko ang sandaling 'yon with Maxwell Laurent.

"Ibabalik ko na 'tong books sa library para makuha ko 'yong library card ko," inipon ko lahat ng librong hiniram ko. Kanina pa ako excited ibalik ang mga 'yon na para bang minamadali naman ako ng librarian, kahit pwede namang bukas.

"Sige, pupuntahan ko rin saglit si lolo," nagmamadali ring ani Dein Leigh, napalingon ako. "Gago talaga 'yong kapatid ko, eh."

"What happened?"

"Ano pa?" inis niyang baling sa 'kin. "'Yong binu-bully niya, pinatulan siya! 'Ayun, nadulas daw sa cafeteria ng secondary."

"Pupuntahan mo?"

"Isusumbong ko kay lolo! Masyado nilang bine-baby 'yong loko-lokong kapatid ko, tingnan mo? Hindi nagbabago. Paulit-ulit lang ang kalokohan! Matagal nang tuli, isip-bata pa rin!"

"Hey, don't forget Deib Lohr's heart condition, bes. That's a serious case." I warned her.

Pero maldita talaga ang best friend ko. Pinagtaasan na ako ng kilay ay pinamewangan pa ako. "Serious case, my ass, bes, nakukuha niya ngang mam-bully? Psh! Humanda talaga siya sa 'kin!"

"What will you do?"

"'Wag kang mag-alala dahil babatukan ko lang siya! Malayo sa puso 'yon."

"Pagsabihan mo na lang nang maayos, bes."

"Ilang beses ko nang ginawa, may nangyari ba? Dahas na talaga ang kailangan ni Deib Lohr! Isusumbong ko siya kina mommy't daddy."

Nangunot ang noo ko. "Nasaan ang best friends niya? Ano'ng silbi ng dalawang 'yon kung hindi man lang siya mapagsabihan? I'm going to talk to my cousin later."

"Oo, at isusumbong ko 'yan si Tob kay Michiko kapag naulit pa 'to. Sumasakit ang ulo ko sa mga batang 'yon, hindi na nagbago!" Halatang inis na talaga si Dein Leigh kaya nagmamadaling hinila ang bag niya at lumabas ng classroom.

Napapailing ko siyang sinundan bitbit ang books na isasauli ko sa library. "Susunod na lang ako!" sabi ko kay Dein Leigh pero sinagot niya na lang ako ng kaway at nagmamadaling sumugod sa office ni Dean Enrile.

Natatawa ko na lang siyang inilingan kasi alam ko na ang mangyayari. Magrereklamo siya sa lolo niya pero sasabihin lang ni Dean Enrile na pagpasensyahan si Deib Lohr dahil nga sa heart condition nito.

Dumeretso ako sa library at sa entrance pa lang ay panay na ang tingin ko sa shelves kung saan ko kinuha ang mga 'yon. Alam ko sa sarili kong may inaasahan akong makita ro'n, pilit ko lang idinadahilan ang mga libro.

Psh! Ano'ng pinagkaiba mo ro'n sa dalawang students kanina? Nainis ka pa, eh, gano'n ka rin pala.

Kinastigo ako ng sariling konsensya at talagang natigilan ako nang ma-realize 'yon. Kung kanina nagmamadali ako, ngayon ay mabagal akong pumasok at tulalang naglakad.

You're not here to return the books, Keziah because you can return them tomorrow morning. You're just quietly wishing you'd see him again.

Napapikit ako sa inis dahil sa sariling naisip at awtomatikong tumalikod papalabas.

No, I'm not like those girls and I will never be like them!

"I thought you're going to return the books?" sabi ng libarary officer sa 'kin.

"I changed my mind," mataray kong sagot. "I might need it again later so I'm gonna return them na lang tomorrow." Nagkibit-balikat ang officer at pinalabas na ako.

Habang naglalakad sa quadrangle ay nakasalubong ko si Kimeniah. Papalayo siya sa building nila habang ako naman ay naglalakad patungo ro'n, nandoon din ang office ni Dean Enrile.

"Where are you going?" ngiti ko.

"I'm going to visit Deib."

"Why?"

Nagkibit-balikat siya. "Just wanna join them for a snack. How about you, Ate?"

"I'm going to the dean's office. Nandoon si Dein Leigh."

"Did something happen?"

Yeah, right, hindi niya na naman alam. Of course, ipapaalam ni Deib Lohr sa lahat ang kalokohan niya except for Kimeniah. "Nothing," ngiti ko. "Go ahead."

"See you later, sis," nag-iwan siya ng halik sa hangin saka dumeretso patungo sa secondary.

Bumaling ako papunta sa dean's office pero muli akong natigilan nang mamataan ang kaninang bigla kong iniwasan. Gano'n na lang ang pagbilis ng hininga ko nang makitang pumasok din ito sa dean's office. Napapalunok kong inayos ang sarili saka nagmamadaling nagtungo ro'n.

"This is Maxwell Laurent," inabutan kong pinakilala ni Dean Enrile sina Maxwell at Dein Leigh. Nakita ko silang magkamay at sabay na lumingon sa 'kin nang pumasok ako.

"Good afternoon, dean," I tried to act normal and secretly cleared my throat.

"This is Keziah Sirvey Gozon, they're best friends," hindi ko inaasahang ipakikilala rin ako ni dean. "He's your senior med student."Hindi ko masabing kilala ko na ito.

"'Lo, I'm here to talk to about my brother," hindi man lang nagpakita ng interest si Dein Leigh. While si Maxwell, hindi man lang bumati sa 'min, although nakikita ko siyang tumitingin kay bes.

"Let's talk about him later, hija, kailangan kong kausapin si Maxwell Laurent tungkol sa papalapit na debate with SIS."

"Pero, lolo..." naiinis man, walang nagawa si Dein Leigh.

"Please, hija? I'm still trying to convince Maxwell Laurent to join the program and I'm really having a hard time right now,"bumuntong-hininga si dean saka ngumiti kay Maxwell.

Sa inis ay sinamaan ng tingin ni Dein Leigh si Maxwell, na hindi ko inaasahang ngingiti sa kaniya. Pero ang malditang best friend ko ay tinalikuran lang si Maxwell at hinila na ako papalabas ng office.

"Sandali," binawi ko ang braso ko sa kaniya.

"Halika, sugurin natin ang kapatid ko."

"What? No, don't. Kimeniah is there together with them."

"And so? Para malaman na ng kapatid mo ang mga baho ng kapatid ko. Baka-sakaling tumino. Psh!"

Natawa ako. "Kunyari ka pa, I know you're only doing this because you're also concerned na baka paulit-ulit siyang patulan no'ng binu-bully niya at sa huli, siya ang mapuruhan."

Inis na nag-iwas ng tingin si Dein Leigh, I got her. I'm sure, I'm right. 

"Halika na nga," biglang yaya niya saka sinamaan ng tingin ang secondary na para bang natatanaw niya ang kapatid.

Isinabit ko ang kamay ko sa braso niya. "Anyway, bes..." I cleared my throat and smiled at her. "Ano'ng napag-usapan ninyo ni Maxwell?"

"Sinong Maxwell?"

Nawala ang ngiti sa mukha ko at inis na binawi ang kamay ko. Hindi niya kilala si Maxwell, e, harap-harapang pinakilala sa kaniya? Umirap ako. Bulag na bulag kay Randall? Psh!

"Ah, that guy at the office?" bigla akong hinarap ni Dein Leigh saka nakasimangot na nag-isip. "Wala. Pinakilala lang naman kami ni lolo. You heard us, right?"

"'Yon lang 'yon?"

"Yeah," nakasimangot, mataray niyang sagot. "Nauna akong pumunta sa office but lolo was expecting to see him kaya hindi siya naka-focus sa 'kin. Tsk. Ni hindi nga yata alam ni lolo kung sino 'yong nakaaway ni Deib Lohr kanina."

"I see..." nilingon ko pabalik ang office.

"I thought you're going to return the books?"

Naibalik ko kay Dein ang paningin. "No, I'm gonna keep them tonight," niyakap ko ang mga libro. Nakangiwi lang akong tinanguan ni Dein saka ako hinila pabalik sa building namin.

Bumalik kami sa klase at kahit anong focus ko sa professor, naaalala ko kung paanong tumingin si Maxwell kay Dein Leigh. Nalulungkot akong nagbaba ng tingin sa notes ko at pilit isinusulat ang mga nababasa ko sa white board. Pero wala akong nakikita sa mga ginagawa ko. Ang isip ko ay masyadong tutok sa pag-alala kung ang paraan ba ng pagtingin ni Maxwell sa best friend ko ay katulad sa pagtingin niya sa akin kanina. Malungkot kong nilingon si Dein Leigh nang maalala ko ang kaibihan ng pagtingin ni Maxwell sa 'ming dalawa.

Panay ang daldal ni Dein Leigh habang naroon kami sa cafeteria nang magyaya siyang mag-snack sandali bago umuwi. Um-order kaming pareho ng lasagna at garlic bread at nag-aabang sa line para sa payment. Ang dami niya nang sinabi pero ang isip ko ay patuloy pa rin sa paglalayag.

Why the hell am I thinking about that guy, anyway? Nakakainis!

Talagang naiinis na 'ko sa sarili ko. Kanina lang ay naiirita ako ro'n sa dalawang babae sa library pero heto ako at matatapos na ang maghapon nang hindi man lang nawawala ang Maxwell na 'yon sa isip ko.

Hanggang sa matapos kaming kumain ni Dein Leigh, puro pa rin siya daldal, panay rin malalim na pag-iisip ko. Nakatambay pa rin kami sa umbrella na nasa pagitan ng tertiary building at field. Ewan ko kung nakakahalata si bes. Anyway, kapag tungkol naman kay Randall ang kinukwento niya, wala na siyang pakialam sa iba.

Hindi ko maintindihan kung ano ba ang dahilan para isipin ko nang ganito kalalim ang Maxwell na 'yon. Dahil ba inisip niyang ako 'yong nagsabi ng I love you sa kaniya? O dahil gaya no'ng dalawang babaeng students doon sa library na nagpi-peep, para akong natulala sa kaniyang itsura? Napailing ako nang maisip ang huli.

"Parang ang weird lang kasi, 'di ba? Bakit pa nag-take ng exam dito si Bentley?" nagising ako sa huling tanong ni Dein Leigh. Sa dami ng sinabi niya mula pa nang magpunta kami sa cafeteria, habang nagsa-snack, hanggang ngayong nakatambay na kami sa umbrella, 'yon lang yata ang naintindihan ko.

"What do you mean?" nagpanggap akong nalilito, sasama lang ang loob niya kapag nakahalatang hindi ko napakinggan ang mahaba niyang kwento.

"Kasabay nating nag-entrance exam si Bentley, remember? 'Yong nag-top one."

"Yeah, I remember him," kunot-noo akong bumuntong-hininga.

"Paglipat daw ni Bentley sa SIS, maraming na-credits na subjects sa kaniya kaya napunta siya sa higher year."

Tuluyan niya nang nakuha ang attention ko. "Paano nangyari 'yon?"

"Ganyan nga rin ang tanong ko, bes, hello?" mataray niyang tugon, hindi nahalatang hindi talaga ako nakikinig kaninang panay si Randall lang ang binabanggit niya. "Kasi kung may na-credit na subjects sa kaniya, meaning, nakapag-med na siya. So, bakit pa siya nag-take ng exams dito ka-level natin? 'Di ba? He's so weird."

Kunot-noo akong napaisip, bakit nga kaya gano'n? "Kaya ang kapalit niya nasa higher year?" tanong ko, muling naisip si Maxwell.

"Exactly."

Nagkibit-balikat ako. "I don't know, wala akong idea. Besides, hindi naman natin kilala talaga ang Bentley na 'yon," inis akong nag-iwas ng tingin. At hindi inaasahang matatanawan si Maxwell Laurent na naglalakad patungo sa secondary.

"Imagine, nawala nga 'yong rival ni Randall sa SIS, mukhang si Bentley naman ang pumalit," tumawa si Dein Leigh. "Unang araw pa lang daw sa class, nagpakitang gilas na. Kaya kahit naging sakit ng ulo ni Tito Ram, pinagbigyan na lang. Siya yata ang ilalaban sa debate, representative ng SIS."

Napaisip tuloy ako sa Bentley na 'yon. Ang weird nga naman ng ginawa niya. Hindi ko tuloy naiwasang maalala 'yong dalawang students na nagpagawa ng presentation kay Bentley.

"Wait, so ang makakalaban ni Bentley ay 'yong Maxwell na 'yon kanina sa office ni lolo?" tumawa si Dein Leigh.

Nilingon ko siya at napaisip. "Oo nga, 'no?"

"So, he's that good?"

"Hindi naman siguro siya pipiliin ng lolo mo kung...hindi?" gano'n ang naisagot ko.

"Grabe, ang tatalino nila, 'no?" hindi makapaniwala si Dein Leigh tapos ngumiti nang todo. "Kaya rin ako na-in love kay Randall, eh!"

Napangiwi ako. "Ano'ng connection?" napairap ako at eksaktong tumama sa lalaking kanina pa hindi mawala sa isip ko, si Maxwell. Papunta siya sa secondary at may bitbit na paperbag, na kung hindi ako nagkakamali ay brand ng cellphone ang tatak. Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa hindi na makita.

"Matalino si Randall, alam mo 'yon, bes," nandoon ang pagmamalaki ni Dein sa nobyo. Nakangiwi na lang akong tumango dahil matalino naman talaga 'yon, loko-loko lang talaga. "Siguro naman, mas maa-appreciate na ni Tito Ram si Randall ngayong wala na 'yong rival ni honey."

Hindi ko na naman mai-focus ang attention ko kay bes, panay ang pag-iisip ko kung saan kaya posibleng pumunta si Maxwell Laurent.

"Sandali lang, ah?" kinuha ko ang bag ko at nagpaalam.

"Where are you going?" nagtaka si bes.

"Pupuntahan ko lang sandali si Kimeniah at sasabihing mauuna na akong uuwi."

"Okay, bumalik ka agad, sabay na tayo. Sa bahay ko na lang pagsasabihan ang kapatid ko."

Hindi ko na siya sinagot at naglakad na ako papunta sa secondary. Kahit gusto kong magmadali, mabagal talaga akong maglakad. Hindi ko agad nakita si Maxwell Laurent nang umikot ako sa bungad ng quadrangle. Pero bago pa man mahilo ay natanaw ko si Deib Lohr sa di kalayuan, naglalakad marahil pabalik sa classroom niya. Mukhang galing din sa building ng kapatid ko, though ewan ko kung bakit hindi niya kasama ang friends niya. Babalewalain ko na sana siya nang mapansin ang babaeng makakasalubong niya. Natigilan kasi siya sa paglalakad at nilingon ito matapos siyang lampasan. Weird, bukod kasi kay Kimeniah, I don't think may ibang babae na lilingunin si Deib Lohr.

Muli kong iginala ang paningin sa buong quadrangle. Pasimple rin akong sumilip sa dean's office pero hindi ko talaga nakita si Maxwell Laurent. Wala akong nagawa kung hindi bumalik na lang kay Dein Leigh at yayain siyang umuwi.

"See you tomorrow," paalam ko saka kami sabay na sumakay sa kani-kaniyang kotse. Kumaway ako at nauna nang umalis sa kaniya.

In-on ko ang music at sinabayan ng pagtapik sa manibela ang kanta. "Tsk, traffic na naman." Parati na lang traffic sa harap ng BIS lalo na kapag ganitong oras ng uwian ng college students.

Sumandal ako at ipinatong ang siko sa window saka inihilig doon ang sentido ko. Eksaktong paggalaw ng mata ko ay namataan ko si Maxwell Laurent sa harap ng main gate ng BIS at may kausap na babae.

Pero bukod sa malayo, nakatalikod sa gawi ko ang babae kaya hindi ko nakita ang mukha no'n. Nakita ko lang nang isauli nito ang paperbag kay Maxwell at ilang saglit pa ay iniwan na siya nito.

Girlfriend, huh? Napabuntong-hininga ako at binusinahan ang sasakyan sa harapan nang mag-GO.

Binalewala ko ang nakita at dumeretso na lang sa pagmamaneho. Natatawa kong inilingan ang sarili nang maalala ang mga kalokohang ginawa ko kanina. May girlfriend na pala siya.

Hindi ko naman inaasahang bago makarating sa village ay may makikita akong pamilyar na itsura. Marungis, gusot ang uniform pero hindi kapani-paniwalang malakas ang dating. Dumeretso ako sa entrance ng village pero huminto bago makarating sa guard post.

I opened the window. "What are you doing here?" tanong ko kay Bentley.

Hinubad niya ang sunglasses at nagugulat din akong tiningnan."What are you doing here?" binalik niya ang tanong sa 'kin. Ipinatong niya ang mga kamay sa bintana ng sasakyan ko at inilapit ang mukha sa 'kin. "You followed me, huh?"

"Excuse me, 'no! I live here!" inis kong tinuro ang village namin.

Nakangiwi niyang nilingon ang village saka muling ngumiti sa 'kin. "Oh, that's why..."

"What?"

"You look expensive."

"I am expensive."

"Pretty expensive. I like expensive things," ngumiti siya at tumingin sa labi ko. Inis kong sinara ang bintana dahilan para magulat siya. "Hey!"

Pareho kaming napalingon sa likuran ko dahil sa magkakasunod na busina. Maiinis na sana ako nang makilala ang sasakyan. Ilang saglit pa ay naglalakad na papalapit sa bintana ko si mommy.

"Keziah," bati ni mommy. She crossed her arms and glared at me. "What are you doing here, dear? Bakit hindi ka pa pumasok sa bahay? You're blocking the driveway."

"Sorry, mom, may...kinausap lang." Napapahiya kong sinulyapan si Bentley na noon ay nakangiti na kay mommy.

"Hi, good afternoon, ma'am," kaswal na bati ni Bentley. "I'm Bentley." Inilahad niya ang kamay kay mommy dahilan para magbaba ako ng tingin at mapapikit.

Nakita ko kung paanong tiningnan ni mommy mula ulo hanggang paa si Bentley saka napilitang ngumiti. "Hello, Bentley. If you don't mind please, don't stand in the driveway."

"Sorry, ma'am," ngiti ni Bentley saka tumabi.

"Guards?" pagtawag ni mommy dahilan para matuliro ako at sundan siya ng tingin.

"Mom?" hindi ko napigilang tawagin siya nang makita kong kausapin niya ang guards at pasimpleng isenyas sa mga ito si Bentley. "Bentley, please, just...go home." Hindi ko alam kung ano ang unang mararamdaman, hiya o awa.

Habang siya ay parang naguguluhan sa inasta ng ko at ng mommy ko. Imposibleng hindi niya mahalata ang ginawa ni mommy.

"Alright, drive safely, Keziah," tinapik niya ang bubong ng kotse ko at saka ako tinalikuran.

Mula sa salamin, pinanood ko si Bentley na maglakad papalayo. Nakapamulsa, mabagal siyang naglakad, panay ang lingon sa kabilang kalsada at saka yuyuko.

To be continued. . .

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen3h.Co