CHAPTER 01
"The fire is under control, naagapan po agad ang sunog at walang nadamay na mga sibilyan kanina." 'Yon ang sabi ni Ryder Solerno sa mga pulis, ibang bumbero at maging sa mayor ng bayan ng Villa Amour. Lagpas dalawang oras nilang inapula ang apoy dahil lumalakas 'yon dahil na din sa hangin at mga items na nasusunog. Siya ay isang fire senior superintendent at kung tawagin siya ng mga kasamahan sa trabaho ay Colonel. Siya ang humahawak ng fire department dito sa bayan na 'to. Maliit lang ang bayan nila pero magka-gano'n man ay medyo malaki din ang populasyon nito. At hindi din naman araw-araw nagkakaroon ng sunog sa kanila, pero bilang bumbero ay dapat handa sila sa ano mang puwedeng mangyari katulad na lamang kanina.
"Thank you Colonel, buti na lang at hindi kumalat sa buong palengke ang sunog kung hindi marami talagang kawawa kung nagkataon." Sabi ng alkalde, nagkaroon ng sunog dito sa pamilihang bayan ng Villa Amour. Anim na stall din ang nasunog na mga pawang mga general merchandise na ang tinitinda ay kung anu-ano, karamihan ay puro mga gamit sa bahay ang tinda kaya alam na niyang medyo malaki ang naging pinsala sa mga may-ari lalo pa at may mga plastic na cabinet nga daw ang nasunog. Buti na lang talaga at alisto ang fire department nila kung hindi ay kakalat pa ang sunog sa buong palengke. At 'yon talaga ang iniwasan nila kaya naman nag-declare din kanina ang mga bumbero ng high alert kung saan pati na ang mga fire truck na nasa mga baranggay ay nagpunta sa palengke.
"No worries Mayor ginagawa lang namin ang trabaho namin." Ani ni Ryder na tinapik pa sa balikat ang kanilang alkalde. Sa tinagal-tagal niya sa tungkulin bilang isang bumbero ay marami-rami na din talaga siyang experience na masasabi niyang hindi makakalimutan. Kaya ang nangyari kanina ay parang normal lang sa tulad niya. Sinenyasan niya na ang ibang kasamahan na bumbero at saka nagpatiuna ng sumakay sa fire truck. Agad niyang binuksan ang makina no'n para makaalis na dito sa palengke at makabalik na sa kanilang fire station na walking distance lang mula sa munisipyo at iolang minuto lang ang layo dito. Umaga pa lang pero heto at may trabaho na sila agad, pero sana ay hindi na ito masundan pa hanggang mamaya.
Mula sa palengke ay bumiyahe lang ng halos sampung minuto si Ryder kasama ang ilang kasamahan na bumbero. May iba pa kasing naiwan sa pinag-sunugan para ma-make sure na wala na talagang apoy pang kakalat. Actually dapat sa opisina na lang talaga ang trabaho ng mga gaya niya. Pero hindi niya kasi mapigilan na huwag sumama kapag may sunog lalo pa at normal na talaga sa kanya ang pagtulong. Iba din kasi ang saya at fulfillment na nararamdaman niya kapag nasa mismong sunog siya.
"Bakit nandito na naman 'yan?" Turo ni Ryder sa labas habang papasok sa loob ng kanyang opisina. Ang tinutukoy niya ay ang babaeng tinulungan niya limang araw na ang nakakalipas mula sa isang naganap na sunog dito din sa bayan ng Villa Amour.
"Hindi ko alam Sir, pinapaalis na nga namin pero hindi naman nakikipag-usap sa amin. May sira po yata ang ulo niyan." Sabi ni Bernard, isang FO1 o fire officer 01. Ito 'yong mga bumbero na bago pa lang sa ahensya at kakapasok pa lang.
Hinubad naman ni Ryder ang kanyang turnout coat kasunod ng kanyang turnout pants. May kabigatan ang gear na sinusuot nila kapag may operasyon sila pero dahil sanay na siya ay hindi na siya nabibigatan pa doon. "Baka may kailangan dito, tinanong niyo sana. Saka akala ko ba na turn over na 'yan sa DSWD? Bakit pabalik-balik pa din 'yan dito?" Tanong niya, he's still talking about the woman sitting outside. Ito 'yong babae na tinulungan niya nga noong nakaraan ng magkasunog sa bahay na tinitirhan nito. He was actually shocked seeing her inside of the room, paano nakatali ang mga paa nito ng isang kadena at hindi niya alam kung kidnap victim ba ito o human trafficking victim. Ginamitan niya pa kasi ng tools ang kadena para maalis ito doon at mailabas ng ligtas mula sa nasusunog na bahay.
Pero ang pala-isipan sa kanila ay wala na ang mismong nakatira sa bahay at tanging ang babae na lang ang naroon. Pero 'yon nga naka-kadena ito sa kuwarto, wala din silang mahagilap na kamag-anak maging ang mga bahay na nasa paligid ng bahay ng mismong nasunog ay hindi din alam kung sino ang nakatira dito at kung nasaan na.Tuloy iniisip niya na baka sinadyang sunugin ang bahay kasama ang babae. Pero dahil ang obligasyon lang naman nila ay apulahin ang sunog ay mga pulis na ang bahala sa babaeng biktima. Pero heto nga at parang pangatlong beses ng balik nito dito sa istasyon ng mga bumbero simula ng tulungan niya ito.
"Baka walang matuluyan Colonel kaya nandito na naman 'yan." Sabi naman ng isa pang bumbero.
Kumuha muna si Ryder ng damit mula sa kanyang locker para makaligo muna dahil kanina pa siya init na init. Ang dungis niya din at amoy sunog siya. "Ako ng bahala kumausap sa kanya mamaya pero abutan niyo muna ng pagkain kung mero'n kayo diyan." Sabi niya sa dalawa bago nagtungo sa shower room na nasa loob lang din ng kanilang istasyon. Hindi niya alam kung bakit pero ng magtama ang tingin nila ng babae kanina ay pakiramdam niya kailangan nito ng tulong. At kung kaya din naman niyang tulungan ito ay gagawin niya.
#maribelatentastories
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen3h.Co