Truyen3h.Co

M.V Series 06 Ryder Solerno

CHAPTER 08

Maribelatenta


Hi! Support niyo naman yung paid book raffle ko, 3 books ang makukuha ng winner. M.A series 07 to 09 ang prize, 50 pesos per raffle #. And may mga nag join na din kanina pero madami pa din available slot. Sa mga gustong mag join pm niyo ko sa fb page ko! Tenkiii!

"Wait, wait, what you mean aalis ka na dito?" Tanong ni Ryder pagkatapos nilang mag-hapunan ni Cristalin. Gaya ng mga nakaraang araw ay may luto ng pagkain ang nadaratnan niya pag-uwi nya. At ngayong gabi nga ay ginataang tilapia ang niluto nito na talaga din namang masarap. Kaya nga isa ito sa nilu-looking forward niya pag umuuwi siya. Dahil hindi katulad dati na natutulog na lang siya pag-uwi ngayon naman ay talagang kumakain muna siya ng hapunan. 

"O-Oo, aalis na ko dito Ryder. P-Pag nakuha ko na ang sahod ko sa pag-tututor next week." Sabi ko naman, nahihiya na kasi ako sa totoo lang. Magtatatlong Linggo na ako dito sa bahay niya at sa tatlong Linggo na 'yon ay masasabi kong napahinga na talaga ang isip ko. At siguro naman kaya ko ng mag-isa ngayon. 

"At saan ka naman pupunta? Akala ko ba wala kang mapupuntahan?" Parang naguguluhan na tanong ulit ng binata. Ewan niya pero para siyang kinabahan sa sinabi nito, why the hell she's leaving in the first place?

"Wala nga, pero ahihiya na kasi ako sa 'yo, kaya sa Baguio na muna siguro ako pupunta tutal alam ko naman ang pasikot-sikot doon kasi doon ako nag-aral diba. Pero wag kang mag-alala bago naman ako umalis ay babayaran kita sa pagtulong mo sa akin." Siya kasi ang gumagastos lahat dito, lalong-lalo na ang pagkain. At natural nakakahiya naman talaga kaya napag-isip-isip ko na bumalik na lang muna ako sa Baguio. At least doon alam kong hindi ako masusundan ng mga taong kumuha sa akin, baka nga din pala ang alam nila ay namatay ako sa sunog kaya mas maganda kung gano'n nga. 

"Hindi mo ako kailangang bayaran Cristalin beside hindi kita sisingilin sa pagtulong ko sa 'yo. And about your case malapit ng mahanap ng kaibigan ko kung sino ba ang mga kumuha sa 'yo. And I promise pagbabayaran nila ag ginawa nila sa 'yo." Ani ni Ryder, his friend Dax is close on finding who kidnapped her. At kapag nakuha na ng kaibigan niya ang mga dumukot kay Cristalin ay lintek lang talaga ang walang ganti. 

"P-Pero kasi nahihiya na ako sa 'yo, wala man lang akong maiambag dito sa bahay mo, maski sa pagkain wala." Sabi ko pa ulit, kaya nga no'ng nakita ko 'yong luma niyang laptop at napansin na hindi na niya 'yon ginagamit talagang tinanong ko sa kanya kung puwede ko ba 'yon gamitin. At nag-oo naman si Ryder kaya heto nakapag-umpisa ulit ako sa sideline ko noon na pag-tututor. At next week nga ay sasahod na ako kaya makakapag-abot na ako sa kanya. 

"Wala kang dapat ikahiya okay, isa pa ako nga ang dapat magpasalamat sa 'yo kasi lagi mo akong pinaghahanda ng pagkain, and aside doon ikaw pa ang naglilinis dito na dapat ay hindi mo naman ginagawa." Dagdag pa ni Ryder, Cristalin doesn't need to do all of this but she did. So he's the one should be thankful to her and not her. 

"Sigurado ka bang ayos lang talaga na nandito ako sa bahay mo? Saka sino ba 'yang sinasabi mo na kaibigan mong tumutulong para mahanap 'yong mga dumukot sa akin? Gusto ko siya makilala para naman makapag-pasalamat din ako." Nasabi na niya kasi ang tungkol dito sa akin noong nakaraan pero hindi ko naman alam kung sino, kaya nga nahihiya na talaga ako sa kanya kasi parang sobra-sobra na ang pagtulong na ginagawa niya sa akin simula ng kupkupin niya ako. 

"His name is Dax, basta kaibigan ko siya Cristalin at sigurado akong maaasahan ko siya tungkol sa kaso mo. Isa pa mas okay nga na nandito ka sa poder ko, what if nalaman ng mga dumukot sa 'yo na wala naman pa lang nakitang bangkay doon sa bahay kung saan kita nakita? Baka hanapin ka nila at ano pang gawin nila sa 'yo." Ayaw niya itong takutin pero isa 'yon sa mga posibleng puwedeng mangyari.

Napabuntong hininga ako, tama siya. 'Yon din ang iniisip ko, madali lang nilang malalaman na wala namang bangkay na nakita doon sa bahay kung magtatanong sila sa mga pulis. "S-Sige na nga, didito muna ako sa 'yo pero promise babayaran talaga kita sa unang sahod ko." Tinaas ko pa ang kaliwa kong kamay para alam niyang seryoso ako. 

"No need to repay me Cristalin, itabi mo na lang 'yang sasahurin mo. Basta sabi ko sa 'yo at tandaan mo, ako ang bahala sa 'yo habang nandito ka sa poder ko." At saka tumayo na si Ryder at ginulo pa ang buhok ng dalaga. 

    Araw ng Sabado at dahil walang pasok si Ryder ay nagpasya siyang ayain si Cristalin na mamasyal silang dalawa. Tuwing Martes, Huwebes at Biyernes lang kasi ito may tutor kaya naman wala din itong ginawa kapag weekend. Hindi pa din kasi ito nakakalabas simula ng tumuloy sa kanya, at kung lumabas man ay kasama niya ito mamalengke.

"Ang ganda, ngayon na lang ako ulit nakakita ng dagat pagkalipas ng maraming taon." Sabi ko habang nakatingin sa kulay asul na asul na dagat. Maaga kami umalis na dalawa sa bahay niya pero dahil excited ako ng sabihin niya sa akin kagabi na pupunta nga daw kami sa dagat ngayon ay maaga ako nagising kanina para maghanda ng babaunin namin. Alas kuwatro pa lang ay gising na ako at nagluto nga ako ng pagkain naming dalawa, alas sais naman kami umalis sa bahay niya at halos isang oras lang ang biniyahe namin bago makarating dito sa resort na sinabi niya. Parte pa din daw ito ng Villa Amour pero bandang dulo na daw ito ng bayan. 

"Same, nakakamiss mag-unwind lalo na sa trabaho ko na laging on the go dapat." Ani ni Ryder habang nakasandal sa likod ng sasakyan niya. Magka-camping silang dalawa at bukas pa sila uuwi, kumpleto naman siya sa gamit, pati na din sa tent ay may dala siya. "Pero bago tayo mag-swimming i-set up ko muna 'yong mga gamit natin para mamaya wala na tayong masyadong gagawin."

"Sige, tutulungan kita." Sabi ko para na din mas mabilis siyang matapos.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen3h.Co