Truyen3h.Co

M.V Series 06 Ryder Solerno

CHAPTER 10

Maribelatenta



Hindi matatanggi na nalasing talaga si Cristalin sa ininom nilang alak, inalalayan na nga lang ni Ryder papunta sa tent ang dalaga at doon pinahiga. Tahimik na din sa resort at ang mga ibang guess na naka-check in ay nasa kani-kanilang kuwarto na din. Mero'n din naman silang privacy kahit papaano dahil medyo malayo sila sa mga kuwarto at kubo na may mga tao. Wala na din naliligo sa dagat dahil hanggang alas otso lang pinapayagan maligo doon. Pero rinig na rinig naman nila ang malakas na alon.

"Dito ka na, papatayin ko na lang din ang ilaw para makatulog ka na ng maayos." Sabi ni Ryder ng makasigurong ayos na si Cristalin sa loob ng tent, this tent can accommodate at least 4 person. Heavy duty kasi ito at isa pang kagandahan ay hindi kayo kita mula sa labas kahit pa may ilaw dito sa loob. 

"Teka, huwag mo akong iwan dito." Sabi ko naman at hinawakan siya sa braso ng makita kong aalis siya. Sure akong doon siya matutulog sa loob ng sasakyan niya katulad kanina. Pero hindi naman siya makakaunat doon ng maayos kasi sa driver seat lang siya nakaupo. 

"You're safe here, nandiyan lang naman ako sa labas. Doon ako matutulog sa sasakyan." Sabi ng binata, nailigpit naman na niya ang mga pinag-inuman nila. Pati 'yong mga pagkain na natira ay niligpit na din niya. He's not yet sleepy, baka nga maghanap pa siya ng tindahan na bukas para bumili man lang ng beer eh. 

"Doon ka sa sasakyan mo matutulog diba? Dito ka na lang, maluwag naman dito sa loob ng tent." Sabi ko pa. "Mas komportable dito Ryder kasi nandito din 'yong rechargeable electric fan mo." Sabi ko pa sa kanya. Malamok kasi doon panigurado at nakakahiya namang ako ang nandito kasi sa kanya nga ito.

"Huwag kang mag-alala sa akin, sanay naman ako matulog sa kahit saan. Isa pa babae ka at lalaki ako, hindi tama na magtabi tayong dalawa dito sa tent." Ryder said again, totoo naman kasi. Hindi dapat sila magtabi kasi babae ito at lalaki siya, saka kahit naman saan kaya niyang matulog. 

Pero hindi ko pa din siya binitiwan at hinila ko lang lalo siya. "Samahan mo na ako dito, wala namang malisya 'yon eh. Isa pa sabi mo nga safe ako kapag ikaw ang kasama ko."

Napabuntong hininga na lang si Ryder dahil mukhang hindi din siya titigilan ni Cristalin. Kaya naman kinuha niya ang isang unan sa may gilid at saka inayos 'yon para mahiga na siya. Pero bago 'yon ay sinara niya muna ang pinaka-zipper ng tent ng sa gano'n ay walang makapasok na ano mang insekto dito sa loob. "Fine, dito na kung dito na."

Napangiti ako ng humiga na siya sa tabi ko, mero'n kasing inflatable na higaan siyang nilagay dito sa loob ng tent na kasya ang dalawang tao kaya malambot din talaga higaan. "Naubos natin 'yong isang bote ng alak pero ikaw hindi ka man lang nalasing." Sabi ko at napahikab pa talaga. "Parang umiikot ang paningin ko hanggang ngayon Ryder."

Natawa ng mahina ang binata sa sinabi nito. Magkaharap sila ngayon dahil pareho silang nakatagilid kaya kita nila ang isa't-isa. "Kung alam ko lang na hindi ka naman talaga umiinom, e di sana hindi na kita inaya. Dapat kasi humindi ka kanina." Sabi niya dito, maliit na ilaw na lang ang bukas dito sa loob ng tent dahil 'yong pailaw niya na sinabit-sabit kanina sa labas na parang Christmas light ang pinatay niya na kanina. 

"Pero masaya naman ako, nakaligo ako sa dagat tapos tinuruan mo pa ako kaninang lumangoy kahit parang inis na inis ka na sa akin."

"Hindi ako naiinis okay, hayaan mo bukas ng umaga tuturuan kita ulit lumangoy." Sabi pa ng binata, natatawa nga siya kanina habang tinuturuan itong lumangoy. Paano hanggang sa abot lang pala ng paa nito na buhangin niya kaya. Pero kapag hindi na ay natataranta na ito at humahawak sa kanya. Pero wala naman sa edad 'yan kung gusto matuto talagang lumangoy, 'yong iba nga matatanda pa talaga bago natuto.

"Basta salamat ha, hindi ko 'to makakalimutan." Sabi ko pa ulit, siguro nagugulat siya kasi parang dumaldal ako ngayon. E kasi naman kasalanan talaga 'to ng alak na ininom namin.

Nagulat pa si Ryder ng biglang sumiksik sa kanya ang dalaga, naitaas pa nga niya ang kaliwang kamay niya na nakadantay sa may ulo niya niya kasi nakatigilid silang dalawa at magkaharap sa isa't-isa. "T-Teka, huwag mo akong siksikin." Sabi niya tuloy dito lalo pa at naamoy niya ang natural nitong amoy at ang alak na ininom nila. 

Tiningala ko siya at nagtama ang paningin naming dalawa. "Lumiit 'yong higaan dahil sa 'yo." 

At talagang sinisi niya pa ako? "Kaya nga sabi ko sa 'yo doon na lang ako sa labas diba? Puwede naman akong matulog sa sasakyan ko." Sabi ni Ryder. 

"Wag na, kasya naman tayo kapag ganito." Nakangiti kong sabi, ganito pala kapag nakainom no? Nawawala 'yong hiya mo at parang lumalakas ang loob mo magsalita ng magsalita. Saka kasya wala namang malisya kung magtabi kami, ang mahalaga maging komportable ang pagtulog naming dalawa.

"Pero sobrang lapit natin sa isa't-isa Cristalin, at hindi mo alam pero bumibilis ang tibok ng puso ko dahil sa 'yo." Pag-amin ng binata, para pa nga tuloy pinipigilan niyang huwag huminga eh. Kasi talagang sumiksik ito sa kanya. 

Dali-dali ko namang hinawak ang kamay ko sa may dibdib niya, at tama nga siya. Ramdam ko ang mabilis na pag-tibok ng puso niya. "Bakit ka naman kinakabahan? Magkatabi lang naman tayo ah."

"Bakit? Kasi babae ka pa din Cristalin at kahit sabihing komportable tayo sa isa't-isa ay lalaki pa din ako." Paliwanag ng binata. 

"G-Gano'n ba? sorry ha, akala k-ko lang kasi ay ayos lang." At umusog ako palayo sa kanya, babaling nga din ako patalikod sana sa kanya pero bigla naman niya akong hinila ulit. 

"Wag mong sabihin na hindi kita pinag-sabihan sa gagawin ko ha. Lagot ka sa akin ngayon Cristalin." Ani ni Ryder na bigla na lang itong hinalikan sa labi.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen3h.Co