CHAPTER 15
"Were okay right?" Ryder can't helped his self but to asked her. Simula kasi ng makaalis sila ng resort ay hindi na siya kinakausap ni Cristalin. And he felt like she's giving him a silence treatment. Pero bakit? E sobrang ayos naman nila kagabing dalawa habang inaangkin niya ito. At hindi na lang siya nito kinibo pagkatapos nilang kumain, hindi na nga din ito nag-swimming pa at naiintindihan naman niya kung bakit.
Nahihiya akong tumingin sa kanya, wala naman akong problema pero kapag naaalala ko kasi 'yong pinaggagawa namin kagabi sa tent niya ay doon ako nahihiya. Hindi lang isang beses may nangyari sa amin at kung hindi ako nagkakamali ay tatlong beses 'yon. "W-Wala, na-nahihiya lang ako." Pag-amin ko sa kanya dahil 'yon din naman ang totoo.
Kahit nagmamaneho ay hinawak naman ni Ryder ang kanang kamay niya sa kamay ng dalaga. They are heading now to meet his friend Dax. Hindi na sila umuwi ng bahay niya para sana ibaba muna ang mga gamit nila sa sasakyan. "Tungkol ba sa nangyari sa atin kagabi? I told you wala ka dapat ikahiya." Sabi niya dito sabay ngiti. Akala naman niya kung ano na, tungkol pala doon. Pero wala naman talaga ito dapat ikahiya kasi para sa kanya ay isang hindi malilimutan ng gabi ang nangyari sa kanila kagabi. At hanggang ngayon ay tandang-tanda din niya kung ilang beses ba niya ito inangkin. Maging ang mga ungol at halinghing nito ay alalang-alala din niya.
Napakagat na lang ako sa labi ko, talagang sinabi pa nga. Hihilahin ko sana ang kamay ko na hawak niya pero mas lalo lang niya 'yong hinawakan ng mahigpit. "Ryder.." Tawag ko sa pangalan niya sabay tingin na din sa kanya.
Sakto namang huminto sila sa stop light kaya nagkaroon ng pagkakataon si Ryder na tingnan ang katabi. "Thank you for last night, thank you kasi sa akin mo binigay 'yon, and you know what I mean already." Sabi niya dito, he's not an old school because he was not a virgin anymore. Pero iba pala talaga kapag birhen ang babaeng naka-siping mo, parang ang daming magbabago sa pananaw mo. And that was happened to him since last night, he have new vision in life and he was thinking that he was blessed because Cristalin trusted him. "Whatever happened between last night I will surely remember that always, hindi ko makakalimutan 'yon Cristalin."
"T-Tama na nga, mas lalo lang akong nahihiya sa sinasabi mo eh." Naiilang pa din talaga ako lalo na at kaninang pag-gising namin ay talagang tinanong niya kung okay lang daw ba ang pakiramdam ko at kung may masakit daw ba sa akin. Siya kasi ang nauna sa aming dalawa nagising, nakapaghanda na nga din siya ng pagkain namin at nakapag-swimming pa siya sa dagat. Pero dahil unang beses ko kagabi makaranas ng sex ay natural lang siguro na makaramdam ako ng discomfort hanggang ngayon at pati na din pananakit sa mismong pagkababae ko.
"Fine huwag muna natin pag-usapan ang nangyari sa atin kagabi. But let me know if your ready to talk about it. Dahil hindi ako fuck and go Cristalin." Sabi pa ni Ryder na pinaandar na ang sasakyan matapos no'n mag-green light.
Hindi sa bayan ng Villa Amour nagkita si Ryder at ang kaibigan niyang si Dax. Nagulat pa nga siya ng makita na nandoon ang isa pa nilang kaibigan na si Pablo. At hindi lang 'yon kung hindi may iba pang kalalakihan na hindi niya kilala, hindi 'yon bababa sa walo pero sa hula niya ay mga kasama ito ng kaibigan niya.
"Si Cristalin nga pala." Pagpapakilala ni Ryder sa dalaga habang hawak niya ang kamay nito.
"Dax Cyrus, kaibigan ni Ryder." Pagpapakilala din ni Dax na inilahad pa talaga ang kamay.
Ngumiti naman ako at kahit nahihiya ay nakipag-kamay pa din ako sa kanya. Bago ko tiningnan ang isa pang kasama niya.
"Pablo Ferrer nga pala, niyaya lang ako ng hayop na 'to kasi mag-iinom daw kami pero hindi ko naman alam na dito pala kami pupunta." May inis pa din sa boses na sabi Pablo, talagang inis siya kasi ang pagkakaalam niya ay inuman talaga ang pupuntahan nila pero hindi pala. May kinidnap pa yata 'tong lintek na katabi niya dahil nakita niya kanina ang mga nakagapos na lalaki sa loob ng isang kuwarto na pinasukan nila.
Natawa naman si Ryder sa sinabi na 'yon ni Pablo sabay iling na lang at turo kay Dax na pangiti-ngiti. "So ano Pare? Nahanap mo ba ang sinasabi ko sa 'yo?" Tanong niya na kay Dax dahil 'yon naman ang sadya niya ngayon dito.
Tinaas lang ni Dax ang kanang kamay at sumenyas ng okay. "Come on tingnan mo na, pero mamaya na natin siya isama sa loob." Tukoy niya naman sa kasama ni Ryder.
Kinakabahan man ay tumango lang ako ng tingnan ni Ryder. Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong maramdaman kahit na sinabi naman na niya sa akin kanina ang tungkol dito. Totoo kayang nandito na 'yong mga kumuha din sa akin? At kung sakaling nandito sila ay ano naman ang gagawin nila sa mga 'yon? Magtatawag ba sila ng pulis mamaya at ipapahuli nila ang mga ito?
Pumasok sila Ryder, Pablo at Dax sa isang kuwarto at kagaya sa labas ay mayroon din mga lalaking nagbabantay dito. At doon na nga nakita ni Ryder ang apat na lalaki na nakatali ang mga kamay at nakaupo sa upuan. Bugbog sarado na ang mga ito dahil may mga pasa at bakas pa ng dugo sa mukha.
"Sila 'yan dahil kinilala din nila ang pinakita kong picture sa kanila na binigay mo sa akin Pare." Sabi ni Dax na dinampot ang isang dos pordos at inikot-ikot sa ere.
Napaigting na lang ang panga ni Ryder at pinigilan pa ang sarili na lapitan ito at bugbugin din. Nilabas niya ang kanyang cellphone at sinenyasan ang isa sa tauhan ng kaibigan niya na naroon para kuhaan ng picture ang mga nakatali dito sa loob. He will not bring Cristalin inside of this room dahil baka matakot lang ito at bumalik lang sa isip nito ang mga nangyari dito. Ipapakita niya na lang sa picture kung ito nga ba talaga ang mga lalaking dumukot sa dalaga.
Ipapakita ko lang 'to kay Cristalin at kapag sinabi niyang sila talaga ang dumukot sa kanya ay ako mismo ang bubugbog sa mga 'yan." Sabi niya bago lumabas ng kuwarto kung nasaan ba sila.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen3h.Co