Truyen3h.Co

M.V Series 06 Ryder Solerno

CHAPTER 21

Maribelatenta



Binalot ng kaba si Ryder ng makatanggap ang fire department nila kung saan siya nagtatrabaho na may sunog sa lugar kung saan siya nakatira. Pero lalo siyang nanlumo ng maabutan na ang bahay niya mismo ang nasusunog. Nanlambot ang tuhod niya, dahil wala naman siyang katabi na ibang bahay ay alam niya na din mismo na sa bahay niya nagmula ang sunog. Pero kung paano at bakit ang hindi niya alam.

Dahil may mga bystander na din sa lugar ay doon niya muna hinanap si Cristalin, hindi na niya inisip ang nasusunog na bahay kung hindi ang tanging nasa isip niya lang ay makita ang dalaga. Kaya niyang magpagawa ng bagong bahay pero hindi ng bagong Cristalin.

"Colonel kailangan po namin kayo doon, mas alam niyo po itong bahay niyo." Sabi ng isang bumbero na lumapit kay Ryder. 

"No, no, no kaya niyo niyo na 'yan. Kailangan kong mahanap si Cristalin." Sabi pa ni Ryder, naging malikot ang kanyang mata sa paghahanap sa dalaga. Dahil ayaw niyang isipin na hindi ito nakalabas sa bahay niya. At kung bakit nasunog at saan ba nagsimula ay wala na siyang pakialam doon dahil ang mahalaga ay makita niya itong ligtas. 

Dahil magkatabing bayan lang ang Villa Amour at Colores ay pinuntahan ni Wilde ang kaibigan niyang si Ryder ng mabalitaan niyang bahay pala nito ang nasusunog. He saw it on social media, may live na video doon kung saan nakita niya na bahay mismo ni Ryder ang nasusunog. 

"Colonel may isa po tayong casualties." Sabi ng bumbero na lumapit sa binata, halos kwarenta minutos din ang lumipas bago nila naapula ang sunog. Puro poste na lang din ng bahay ang natira.

Kahit may mga apoy pa at pumuputok na wiring ay talagang pumasok si Ryder sa kinatitirikan ng bahay niya. Tanging mga poste na lang ang natira doon at kulay itim na ang lahat at puro abo. Ayaw mag-sink sa isip niya na may nakitang patay sa loob ng bahay niya, na nasunog sa loob si Cristalin. Dahil bakit hindi ito aalis sa bahay kung may sunog na. Nakarating siya sa kuwartong ginagamit ng dalaga at halos mapa-luhod siya ng makita ang isang sunog na katawan doon. Tama ang mga kasamahan niya, may isa ngang casualties at sigurado siyang si Cristalin ito.

"Damn it, damn it! Hindi puwede, hindi puwede 'to!" Sigaw ni Ryder, buti na lang at nahawakan siya ng mga kasamang bumbero at hindi siya natumba. Mainit pa naman ang semento dahil sa sunog. 

"Naka-kando yata Colonel ang pintuan pero kanina sunog na talaga itong loob ng bahay." Sabi naman ng isa sa bumbero na naka-akay kay Ryder. Hindi nila alam na may kasama pala ang kanilang boss sa bahay. Ang alam kasi nila ay solo lang ito sa buhay, walang pamilya, asawa o girlfriend. Kaya naman habang papunta sila kanina dito at sinabi nito na bilisan nila ay natunugan na nilang may kasama ito sa bahay kaya ito nagmamadali. 

"Pare.." Isang mahigpit na paghawak ang ginawa ni Wilde sa balikat ng kaibigan. Naabutan niya itong nakasandal sa fire truck, tulala at parang ang lalim-lalim ng iniisip. 

"S-She died, w-wala na si Cristalin Wilde, w-wala na siya." Umiiyak na sabi ni Ryder, hindi niya alam kung sino ang sisisihin niya sa insidenteng ito. Isa siyang bumbero at natural talagang ingat na ingat siya sa bahay dahil iniiwasan niya nga na magka-sunog. Lahat ng wiring sa loob ng bahay niya ay maayos. Pati mga electric outlet at appliances ay maayos din. Kaya paanong magkaka-sunog sa bahay niya? And about Cristalin, bakit nandoon ito sa kuwarto at hindi lumabas. As far as he know may tutor ito ng alas dos ng hapon hanggang alas kuwatro kaya naman hindi ito natutulog pa. 

"I'm sorry for your lost, pero wala na tayong magagawa tungkol diyan. Confirmed na pala na may nakuhang bangkay sa bahay mo." Wilde said, he just don't know what to say to him. Kung paano niya aaluin ang kaibigan. 

"S-Sobrang okay pa kami kaninang umaga, he even cooked a meal from me. Binaon ko pa nga 'yong luto niyang adobo eh. A-And this happened, b-bakit siya pa? Bakit si Cristalin pa?" He feel a guilt, he feel like he was cut into two or he lose a part of his self because of what happened. Parang ang hirap isipin na sa isang iglap lang ay nawala ang saya sa pagitan nila Cristalin at napalitan 'yon ng lungkot at sakit. 

"I know maingat ka sa bahay kaya bakit masusunog ang bahay mo? At sigurado ka bang aksidente ang nangyari sa kanya? Wala bang naghahanap sa babaeng 'yan kasi nga buhay siya? Mag-isip ka muna Pare, I know you're hurting right now but you should think what might be the reason why this happened." Sabi ni Wilde, oo nandito na tayo sa nasasaktan ang kaibigan niya pero kailangan tingnan muna ang lahat ng anggulo kung paano at saan nag-umpisa ang sunog. 

Doon naman naalala ni Ryder ang cctv sa street ng bahay niya. Hindi siya sigurado kung hagip ba ang bahay niya doon pero gusto niyang malaman kung talaga bang hindi nakalabas si Cristalin mula sa bahay niya. Kaya naman pinunasan niya ang luha at saka tiningnan si Wilde. 

"Let's go, samahan mo ako may pupuntahan tayo." Aya ni Ryder. 

Ang sasakyan ni Wilde ang ginamit nila papunta sa baranggay dahil ito pala ang nag-install ng mga cctv malapit sa bahay ni Ryder. At dahil nakasuot pa ng uniporme si Ryder at nakilala din si Wilde na congressman ay agad naman hinanap ng mga taga baranggay ang video ng cctv at inasikaso sila. 

"Kilala mo ba sila?" Tanong ni Wilde habang ang tingin ay nasa monitor pa din na nasa harapan nila. Kita nila sa cctv footage na may pumasok na dalawang lalaki sa loob ng bahay ni Ryder. Para pa ngang pinilit buksan ang gate no'n. 

Napa-igting na lang ang panga ni Ryder dahil kahit malayo ang kuha ng cctv video mula sa bahay niya ay isa lang ang sigurado. Sinadyan a sunugin 'yon. "Oo kilala ko sila, sila ang dumukot kay Cristalin. At hindi ko alam na natunton pala nila ang bahay ko." Galit na sabi niya, pero malinaw ang lahat. Binalikan siya ng mga lalaking binugbog nilang magkakaibigan noong nakaraan.

#Maribelatentastories

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen3h.Co