Truyen3h.Co

M.V Series 06 Ryder Solerno

CHAPTER 23

Maribelatenta



Hindi na napigilan pang suntukin ni Ryder si Dax, para siyang nakalimot na nasa birthday party siya ni Carlos at hindi lang sila ang nandito dahil talagang kinuwelyuhan pa ito. 

"Teka sandali lang, wag kayong mag-away dito." Awat ni Wilde, hinawakan niya sa braso si Ryder dahil baka sumuntok pa ito ulit sa kapatid niya. 

"Bitiwan mo siya please.." Sabi ko naman habang nasa tabi ni Dax. Sino ba itong lalaki na 'to at bigla na lang nanununtok?

Pero hindi pa din binitiwan ni Ryder si Dax, hindi niya man lubos maintindihan ang lahat ng nangyayari pero sigurado siya na si Cristalin itong nasa harapan niya at kasama nito. Pero bakit parang hindi siya kilala? "What did you do to her? Girlfriend mo siya? Paanong magiging girlfriend mo siya? Ako ba gina-gago mo?" Asik niya dito. 

Bumuwelo naman si Dax para makawala sa pagkakahawak ni Ryder at nagawa din naman niya. Nalasahan niya ang dugo sa kanyang labi pero pinunasan niya lang 'yon ng kamay. "Doon ka muna sa sasakyan, bukas naman 'yong pinto no'n." Sabi niya kay Cristalin na ramdam niya ang pag-aalala sa kanya. Ngumiti pa nga siya dito para malaman nito na okay lang talaga siya. Oo, si Cristalin talaga itong kasama niya, ang babaeng tinulungan ni Ryder dalawang taon na ang lumipas. At ang babaeng inakala nitong patay na.

Nagpalipat-lipat muna ang tingin ko sa mga lalaking nasa harapan ko. May nakita din akong ilang babae na naglabasan mula sa bahay kung nasaan kami at hula ko ay asawa ito ng mga lalaki na narito. At kahit ayoko ay sinunod ko ang sinabi ni Dax sa akin dahil alam ko naman na ikakabuti ko lang ang lagi niyang iniisip niya. 

"Talk, I swear magkakalimutan tayong dalawa kapag hindi mo sinabi sa akin ang totoo. Bakit mo siya kasama? Si Cristalin 'yon diba? Tama ako diba?" Malakas ang boses na sabi ni Ryder, gusto sana niyang habulin si Cristalin pero iba na ang tingin nito sa kanya. Wala na 'yong katulad ng dati. 

"Puwede namang sigurong sa loob ng bahay tayo ni Wilde mag-usap, hindi 'yong nandito tayo sa labas." Yon pa talaga ang nasabi ni Dax dahil hindi bababa sa sampu ang mga taong nakapalibot sa kanila ngayon kabilang na ang asawa ng kaibigan nila na lumabas nga. Hindi nya inaasahan na nandito si Ryder, dahil kung alam niyang pupunta ito ay hindi sana siya pumunta. 

Tinapik naman ni Carlos si Ryder sa balikat. "Sige na, do'n na lang kayo mag-usap na dalawa. Pero please lang wag kayong mag-away doon." Sabi niya dito, karga-karga naman kasi ng asawa niyang si Misty Faith ang anak nila kaya mas maigi na doon na lang din mag-usap ang dalawang 'to. Hindi pa man niya alam ay sigurado na siyang ang kasama ni Dax ay ang babaeng pinag-luksaan nitong si Ryder.

Masama pa din na tiningnan ni Ryder si Dax at nauna na ngang pumasok sa bahay ni Carlos. Parang hindi niya lubos maisip ang nakita, na 'yong akala niya na patay na ay buhay pa pala. 

    "Hindi ko alam na pupunta ka dito." Sabi ni Dax pagkapasok nila sa bahay ni Carlos. Walang tao doon maliban sa kanila. At dapat lang talaga na dito sila dahil sensitibo ang pag-uusapan nilang dalawa.

Pagak na natawa si Ryder. "Bakit? Kung alam mo na pupunta ako hindi ka pupunta ka gano'n? I swear Dax kakalimutan ko na magkaibigan tayong dalawa kung hindi mo sasabihin sa akin ang totoo ngayon. Si Cristalin 'yon diba? Siya 'yon diba?" Ulit niya sa tanong niya kanina, malakas ang kutob niya na si Cristalin talaga 'yon dahil hindi na yata mawawala sa isip niya ang itsura nito. Her face and everything about her two years ago.

Bumuntong hininga muna si Dax bago nagsalita. "Yes, si Cristalin nga." 

At parang hindi na nakapag-pigil pa ulit si Ryder at sinapak na naman si Dax. "B-Bakit? Bakit mo 'to ginawa Dax?" Basag ang boses na sabi niya. "All this time b-buhay pala si Cristalin, at kasama mo pala siya!" 

"I will not say sorry for what I did, kung ano man ang ginawa ko ay 'yon ang alam kong tama." Ani ni Dax, hindi na siya gumanti sa suntok ni Ryder dahil alam niyang darating ang araw na 'to. He knew to his self he will get mad if ever he found out about Cristalin. 

"What happened to her? Bakit mo siya kasama? Alam mo bang halos mabaliw ako at sinisi ko pa ang sarili ko dahil sa pagkamatay niya? Na buong akala ko ay patay siya dahil may sunog na bangkay kaming nakita sa bahay ko. Pero heto, kasama mo lang pala siya! At alam mong buhay siya pero hindi mo sinabi sa akin." 

"Dahil 'yon ang dapat kong gawin!" Tumaas na din ang boses na sagot ni Dax. "After I found out what happened to your house I already knew who did it. Alam ko na kung sino ang gumawa no'n at sigurado akong hindi aksidente ang pagkaka-sunog ng bahay mo."

"Kaya nag-sarili ka? Hindi mo man lang sinabi sa akin na na sa 'yo siya gano'n ba? I called you many times, ilang beses kitang tinawagan kasi sa 'yo sana ako hihingi ng tulong dahil nalaman ko na hindi aksidente ang nangyari sa bahay ko. Na may pumuntang dalawang lalaki doon at sigurado akong sila ang sumunog sa bahay ko. Pero hindi naman kita makontak at lalong hindi kita mahagilap. Pero Dax sana sinabi mo sa akin na nasa sa 'yo pala siya. Na kasama mo pala si Cristalin!" There's a frustration on his voice, he mourned for two years because he thought Cristalin died in the fire on his house. Tapos heto makikita niyang buhay pa pala ito at kasama nitong kaibigan niya. 

"I was in the airport and ready to fly going back in Germany when I found out about the fire incident. Kinansel ko 'yong flight ko na 'yon at muling hinanap 'yong mga dumukot kay Cristalin. I told you Ryder we should killed them, tutal hawak naman na natin ang mga putanginang lalaking 'yon kaya ano man na patayin natin sila. Pero sabi mo nga ayos na 'yong bigyan lang sila ng leksyon kaya hindi na sila kailangang patayin pa. Pero tingnan mo ang nangyari, they did what I'm saying to you before. Binalikan nila si Cristalin kaya huwag mo sa akin isisi ang tungkol dito. I saved her, I saved her from them."

Natawa si Ryder ng mapakla. "Tinulungan mo tapos ano? Hindi mo man lang ako tinawagan para sabihin sa akin na hindi naman pala siya 'yong pinag-luluksa ko? Na hinayaan mo akong maging malungkot dahil sinisisi ko ang sarili ko dahil pakiramdam ko ay hindi ko siya na-protektahan? Na kung hindi pa ako pumunta ngayon dito ay hindi ko malalaman na buhay pa pala siya? O baka naman kaya hindi mo sinabi sa akin ang totoo kasi bantay salakay ka at may gusto ka din pala sa kanya?"

Doon lang sinuntok ni Dax si Ryder, mapapalagpas niya ang iba nitong sinabi pero hindi itong huli. "Hindi ako marunong tumalo ng kaibigan, oo mali ako dahil hindi ko sinabi sa 'yo ang totoo pero lilinawin ko lang na hindi ko siya tinulungan dahil sa may iba akong motibo."

"Then why she's saying he's your girlfriend? Bakit 'yon ang sinabi niya kanina?"

"Dahil hindi ko naman alam na pupunta ka at si Pablo dito. Tayong tatlo lang naman ang may alam tungkol kay Cristalin diba? Hindi siya kilala nila Carlos at lalong hindi siya kilala ni Kuya Wilde dahil hindi pa nila ito nakikita. Kaya sabi ko kapag nagka-asaran kaming magkakaibigan ay 'yon ang sabihin niya na girlfriend ko siya." 

I don't believe you, kakausapin ko siya." Akma ng lalabas ng bahay si Ryder pero hinawakan naman siya ni Dax sa braso. 

"Hindi ka niya natatandaan Ryder, ilang araw pa ang lumipas pagkatapos ng sunog sa bahay mo bago ko siya nahanap. She have dissociative amnesia, they abused her. Cristalin was raped."

At doon parang nanghina ang tuhod ni Ryder dahil sa narinig at napa-luhod na lang. How come this happened? My innocent Cristalin..

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen3h.Co