Truyen3h.Co

M.V Series 06 Ryder Solerno

CHAPTER 29

Maribelatenta



"Akala ko hindi ka sasama sa akin eh." Nakangiti at masayang sabi ni Ryder pagkatapos dumating ng inorder niyang pagkain nila. Inayos niya 'yon sa lamesa nila, magkaharap silang dalawa ni Cristalin sa pang-dalawahan na lamesa.

"Kaibigan ka ni Dax kaya alam kong hindi mo ako gagawan ng hindi maganda." Sagot ko, hindi kami lumayo at dito lang din kami sa bayan ng Colores nagpunta. Marami na kasing kainan dito, maliliit na kainan na patok ngayon. At oo sumama ako sa kanya ng ayain niya ako na kumain nga. 

Inusog naman ni Ryder ang chicken garlic with parmesan cheese na inorder niya papunta sa dalaga. Cristalin let him ordered their food, tatlong klase ng iba't-ibang flavor ng pritong manok ang pagsasaluhan nila. Hindi naman talaga siya gutom pero kasama niya kasi si Cristalin ngayon kaya talagang kakain siya. Beside this is a chance to be with her too, at hindi niya sasayangin ang pagkakataon niya na ito.

"Hindi ka ba natatakot mag-isa kapag nasa bahay ka ni Dax. I mean wala kang ibang kasama do'n tapos mukhang haunted house pa ang bahay niya." Turan ni Ryder ng magsimula na silang dalawa kumain.

Natawa naman ako sa sinabi niya, pero tama siya mukha talagang haunted house ang bahay ni Dax. Luma na talaga 'to tapos ang lawak-lawak pa ng bakuran. Marami din malalaking puno sa paligid at halaman. "Hindi naman, siguro noong una oo pero matagal na din kasi ako nakatira sa bahay na 'yon at kahit mukhang haunted house ang bahay ni Dax maraming cctv 'yon at nakalagay na kung anu-ano for safety." Kuwento ko, siyempre alam ko kung anu-ano ang mero'n sa bahay ni Dax dahil sinasabi niya 'yon sa akin at nakikita ko din. Pero hindi ko na 'yon ikukuwento kay Ryder dahil sikreto lang daw namin ni Dax ang tungkol do'n kaya hindi ko puwedeng ipagsabi sa ibang tao.

"I know, nakita ko nga ang mga cctv niya sa labas ng bahay and for sure chine-check niya ang mga 'yon time to time." Sabi pa ni Ryder, hindi niya kasi alam kung alam din ba ni Cristalin ang totoong trabaho ni Dax. Pero dati nasabi niya ang tungkol doon dito. 

"Oo tama ka." Pagsang-ayon ko. "Lagi niya talagang chine-check 'yon saka naka-connect 'yon sa laptop at cellphone niya kaya any time natitingnan niya." Sa katunayan nga may basement ang bahay ni Dax at doon nakalagay lahat ng monitor niya sa bahay. Ewan ko nga sa lalaking 'yon at parang naging over naman sa pag-install ng kung anu-ano na for safety. Samantalang takot naman ang tao sa bahay niya dahil mukha ngang haunted house. Kaya nga minsan binibiro ko siya at sinasabi sa kanya na baka kako may ilegal siyang ginagawa kaya gano'n na lang ka secure ang bahay niya eh. 

"Kumain ka ng kumain ha, para hindi ka na magluluto mamaya." Sabi pa ulit ni Ryder. Buong akala niya talaga hindi sasama sa kanya ang dalaga. Pero nagliwanag talaga ang mukha niya ng mag-oo ito kanina ng ayain niya. At ngayon pa lang nag-iisip na siya kung saan niya pa ito puwede ayain mamaya pagkatapos nilang kumain.

Huminto ako sandali at tiningnan siya. Simple lang siya manamit, puting t-shirt at pantalon lang ang suot niya ngayon pero ang lakas ng dating niya. At hindi kagaya no'ng unang beses ko siyang makita sa birthday ng kaibigan nila ay naka-ahit na din ang balbas niya kaya mas malinis tingnan. Hindi ko alam pero panatag ang loob ko sa kanya kahit ilang beses ko pa lang siyang nakakasama. Saka nagtataka nga ako kung bakit alam niya ang trabaho ko eh. O dahil kilala niya talaga ako? Pero sino ba talaga siya? Ano siya sa buhay ko?

"Hey, okay ka lang Cristalin?" Napahinto na din sa pagkain na tanong ng binata sa kaharap. Para pa nga siyang na-concious dahil nakatingin ito sa kanya na para bang may iniisip na kung ano.

"Ayos lang ako, para tuloy gusto ko ng makabalik si Dax at itanong sa kanya ang tungkol sa 'yo." Sabi ko tuloy, kasi si Dax lang ang makakasagot ng mga tanong ko dahil siya naman ang kasa-kasama ko. 

Para namang kinabahan si Ryder sa sinabi ni Cristalin. Oo gusto niya siyempreng maalala siya nito pero ano kaya ang magiging reaksyon nito kung sakaling maalala na nga siya? Magagalit kaya ito sa kanya kasi wala siya no'ng dukutin ito? O yayakapin siya nito dahil sa wakas ay nakita na din siya. He don't know yet, pero gaya ng sabi niya sa sarili ay willing siyang maghintay.

"Biro lang, para kang namutla sa sinabi ko ah." Sabi ko ng mapansin na namutla siya. Lalo lang tuloy akong na-curious kung sino ba talaga siya sa buhay ko.

"Sa totoo niyan Cristalin kilala mo talaga ako pero gaya ng sabi sa akin ni Dax mero'n ka nga daw amnesia kaya siguro hindi mo ako naaalala. Pero hindi ako masamang tao ha, hindi ako gano'n." 

Ngumiti ako. "Hindi naman kita asawa diba? Kasi wala naman akong suot na singsing, at hindi din naman siguro kita boyfriend?" 

Napabuntong hininga na lang tuloy ng malalim si Ryder. Paano niya ba kasi sasagutin ang tanong nito sa kanya? Hindi mo ako asawa Cristalin, at hindi mo din ako boyfriend. Oo may nangyari na sa ating dalawa at sa katunayan nga ako ang unang lalaki sa buhay mo pero wala naman tayong pormal na relasyon. Gano'n? Gano'n ba ang sasabihin niya? "Hihintayin ko 'yong araw na matandaan mo ako Cristalin dahil hindi mo alam kung gaano ako kasaya na makita na buhay ka pala." 'Yon na lang ang sabi niya.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen3h.Co