CHAPTER 31
Hi! Again maraming salamat po sa patuloy na nag oorder ng M.A series books set. Ang dami pong nag-order since last week. Kaya thank you po talaga! Sa mga gusto pang humabol pm niyo po ako sa fb page ko.
Dahil sa kapatid ni Dax na si Wilde ay nalaman niya kung saan ang bahay ni Ryder dito sa bayan ng Colores. Hindi na siya sinamahan ng kapatid niya dahil busy ito sa pag-aalaga ng pamangkin niya. Kaya naman pinuntahan niya ito kinagabihan, hindi na niya ito kinausap pa kanina bago umalis sa bahay niya. Dahil alam niyang kailangan muna nitong makahinga sa mga nalaman tungkol kay Cristalin. At pagdating niya nga sa bahay nito ay naabutan niyang nandoon din pala ang kaibigan nilang si Pablo, kausap at kainuman si Ryder.
"Pare.." Tawag ni Dax sa kaibigan ng maupo siya sa bakanteng upuan na nasa tapat nito. Nagkalat ang mga basyo ng alak na wala ng laman sa ibabaw ng lamesa pati na din sahig. Pero meroon namang plastic na may laman na beer na hindi pa nabubuksan.
"Kanina pa kami, pinuntahan niya ako sa bahay tapos niyaya niya ako dito." Sabi naman ni Pablo, kanina pa talaga niya tinatanong kung ano na ang plano ni Ryder ngayong nalaman na nito na wala naman palang amnesia si Cristalin. Pero hindi naman ito sumasagot sa kanya at inom lang din ng inom. Maski nga siya ay hindi makapaniwala sa nalaman, na wala naman pala talagang amnesia si Cristalin at nagpanggap lang pala ito. Pero naiintindihan naman niya kung bakit nito 'yon nagawa, pero heto nga lang at nasaktan ang kaibigan niya.
Tinanggap ni Dax ang inabot sa kanyang beer ni Pablo. He already talked Cristalin earlier. And yes iyak ito ng iyak sa kanya habang kausap niya ito. But this was her plan, wrong timing lang talaga at nalaman ni Ryder ang tungkol sa pagpapanggap nito na may amnesia. And he guess, parang mas lumala lang tuloy lalo ang sitwasyon.
"You fool me, gusto kitang bugbugin Dax kung alam mo lang." Sabi ni Ryder matapos ipatong ang beer na paubos na sa ibabaw ng lamesa. Sabi ni Pablo sa kanya ay dapat maging masaya daw siya na wala naman pala talagang amnesia si Cristalin dahil ibig sabihin ay kilala pa din siya nito. Pero paano niya magagawang maging masaya kung si Cristalin mismo ang nagkuwento sa kanya ng nangyari dito sa mga lalaking dumukot dito.
"I know, at hindi din naman ako magmamalinis na sinang-ayunan ko ang gusto ni Cristalin. But she did all of that with purpose. Hindi pa siya handa na makita ka at lalong hindi pa siya handa na malaman mo ang tungkol sa totoong nangyari sa kanya." Paliwanag ni Dax, sabi nga lalabas siyang accessories of the crime sa pag-payag sa gusto ni Cristalin. Pero hindi niya kasi kayang tanggihan ang dalaga dahil alam na alam niya ang pinag-daanan nito. Saksi siya lahat ng sakit na kinaharap nito noon na dapat si Ryder ang gumawa at hindi siya.
Bigla namang sumeryoso ang itsura ni Ryder ng may maalaala na kung ano. "May buhay pa ba sa apat na nag-walanghiya sa kanya? Dahil kung mero'n pa ako mismo ngayon ang papatay sa kanila." Diretso niyang sabi kay Dax, wala siya sa posisyon na tanungin pa kanina si Cristalin kung anu-ano pa ba ang ginawa ng mga hayop na 'yon dito. Dahil hindi pa din niya matanggap 'yong mga nangyari mismo dito na ito mismo ang nag-kuwento sa kanya. Tama na alam niyang ginahasa ito at sinaktan ng mga putanginang lalaking 'yon. Dahil kung siya nga ay hindi matanggap at masakit sa kanya na malaman ang totoo ay paano pa kaya ito.
Doon naman may kinuha si Dax mula sa suot niyang body bag. Inilabas niya ang kulay brown na envelope at ibinigay niya 'yon kay Ryder. "I killed them, but before that tinorture ko muna ang mga hayop na 'yon." Sabi niya pa.
Binuksan naman ni Ryder ang brown na envelope at doon nakita niya ang mga litrato. Litrato kung saan may apat na iba't-ibang lalaki na puro bugbog at duguan. Mayroong nakatali, mayroong halos hindi mo na makilala dahil sa dami ng pasa sa mukha. At piping napamura siya sa isip ng makita 'yong mga pang-huli na litrato kung saan may tama ng baril ang mga lalaki. Hindi lang isang tama ng baril kung hindi marami na para bang pinag-laruan ang mga ito. And they deserved to die, at siguradong sa impyerno ang tuloy ng mga ito.
"They deserved it, at ayoko ng sisihin ka pa na dapat pinatay na natin sila noong pinahanap mo sila sa akin at dinala ko sila sa 'yo. Ang mahalaga malaya na si Cristalin at wala ng iba pang puwedeng tumarantado sa kanya. I just helped her at huwag mong isipin Ryder na tinago ko siya sa 'yo dahil may gusto ako sa kanya o kung ano pa man. What matters now is to know your plan? Now you know already that Cristalin still know you, na wala naman talaga siyang amnesia. Ano ng gagawin mo?"
Napainom naman ulit si Ryder ng beer bago siya nagsalita. "Hindi ko din alam, yes I'm mad at her. At alam kong alam niya na galit pa din ako sa kanya dahil nag-sinungaling siya sa akin at hindi niya sinabi sa akin ang totoo, na nakakaalala naman pala talaga siya. At siguro naman may karapatan akong magalit hindi lang sa kanya kung hindi pati sa 'yo Dax." Sabi naman ni Ryder, kaya nga inaya niya si Pablo mag-inom ngayon para sana makapag-isip-isip eh. Pero mukhang hindi 'yon ang nangyayari at parang ang gusto niya lang ay takasan ang reyalidad ngayon.
"I understand at alam ko din naman na darating ang araw na 'to. Wala akong kinakampihan sa inyo ni Cristalin at nag-oo lang naman ako sa pagpapanggap niyang 'yon dahil alam kong hindi pa siya handa na makita kang muli. Pero Ryder sana maintindihan mo na hindi madali sa kanya na kalimutan ang nangyari sa kanya, ang ginawa sa kanya ng mga putanginang 'yon. Yes she was raped and abused physically, at hindi ko na ipapaliwanag pa at ide-describe sa 'yo kung ano bang itsura niya ng malaman ko kung nasaan siya at sagipin siya noon. But Ryder, no woman should experience what she experienced. Because I saw how she almost her sanity, nakita ko kung paano siya sumuko at gusto na lang mamatay dahil sa mga nangyari sa kanya. But I said to killing herself doesn't end her pain. Dahil sabi ko kay Cristalin nandiyan ka pa, na kahit anong nangyari sa kanya ay alam kong tatanggapin mo siya. Na ang mahalaga ay buhay siya at binigyan pa din ng Diyos ng pangalawang buhay. Pina-therapy ko siya sa isang psychiatrist dahil alam kong hindi makakatulong 'yong mga salita at payo ko lang sa kanya. She was diagnosed with depression and anxiety, at hanggang ngayon pa din naman ay may mga time na bigla na lang siyang iiyak sa isang tabi o kaya tatahimik na lang na para bang ang lalim ng iniisip at kapag tinatanong ko naman siya ay isasagot niya sa akin na naaalala niya daw ang nangyari sa kanya." Dax said, alam niyang mas makakatulong siya kay Ryder kung maririnig nito ang mga paliwanag niya. At sana nga maging okay ang lahat.
Lalo lamang nakaramdam ng lungkot si Ryder sa kuwento ni Dax, pero gaya ng unang beses niyang malaman na buhay nga si Cristalin at malaman mula kay Dax ang nangyari dito ay hindi pa din naman nagbabago ang desisyon niya. He still want her, kahit pa na-rape ito at winalanghiya ng mga lalaking dumukot dito ay ang mahalaga bumalik ito sa kanya at nalaman niyang buhay pa din ito. Sadyang galit lang talaga siya kanina kaya kung anu-ano ang nasabi niya kay Cristalin, pero ngayong narinig na niya ang side ni Dax ay alam na niya ang gagawin niya at gusto niya. At 'yon nga ay ang makasama ito. "Pupuntahan ko siya, kailangan ko siyang makausap ulit and this time isasama ko na siya dito sa bahay ko."
At parang 'yon lang ang hinihintay marinig ni Dax, itinaas niya ang iniinumang beer at gano'n din ang ginawa nila Ryder at Pablo. Nag-cheers silang tatlo dahil para sa kanya kahit hindi maganda ang sinapit ni Cristalin noon ay deserve pa din nito maging masaya, at 'yong saya na 'yon ay kay Ryder lang nito makikita at mararanasan.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen3h.Co