CHAPTER 33
"Are we going to look each other Cristalin? Anong oras na, hindi ka pa ba inaantok?" Tanong ni Ryder sa dalaga, isa lang ang kama dito sa loob ng lodging in na tinuluyan nito pero kasya naman silang dalawa dahil king size bed naman ang hinihigaan nila. Hindi na siya pinaalis ni Cristalin dahil anong oras na din daw at baka mahirapan pa siya maghanap ng hotel o iba pang accommodation ng ganitong oras. Kaya heto dito na din siya sa tinutuluyan nito ngayon magpapalipas ng gabi, at kung anong plano niya o nilang dalawa bukas ay wala pa. Dahil ang mahalaga lang sa kanya ay 'yong ngayon. Dahil maski siya ay parang ayaw niya din matulog at gusto niya na lang pagmasdan nito buong magdamag.
Hindi ko naman inintindi ang sinabi niya at hinawakan ang pisngi niya. Hindi ko mapigilang huwag maging emosyonal ngayong kasama ko na si Ryder. At kanina habang nag-uusap kaming dalawa ay pareho na kaming umiiyak, lalo na ako dahil hindi ko naman ginusto ang nangyari sa akin dalawang taon na ang nakakalipas pati na din ang pagpapanggap ko na may amnesia. At kahit masakit at mahirap kalimutan ay dapat ko na din talaga alisin sa isip ko 'yon. Oo isang bangungot sa akin ang nangyari, lalo na ang panggagahasa sa akin ng mga walanghiya at halang ang kaluluwa na mga lalaking 'yon pero sabi niya nga dapat ko pa din ipag-salamat sa Diyos na buhay ako. Na sa huli ay nagkita pa din kaming dalawa at nagkasama pa din.
"Cristalin.." Tawag ng binata sa pangalan nito. Hindi niya pa nga napigilang mapalunok habang hawak-hawak siya ni Cristalin sa pisngi. The touch that he's seeking for two years, 'yong hawak nito sa kanya na gustong-gusto niyang maranasan ulit ay heto na ulit. At hindi na nga lang isang sana ang lahat dahil heto at talagang kasama niya na ito.
"Sorry Ryder, hindi ako magsasawang humingi sa 'yo ng sorry sa kasalanan ko sa 'yo." Hingi ko na naman ng pasensiya kahit sabi niya kanina ay hindi na daw siya galit sa akin dahil nga nag-sinungaling ako. Pero kasi alam kong nasaktan na siya ng malaman niyang patay ako at nasunog nga noon sa bahay niya at sigurado akong sinisi niya pa ang sarili niya sa nangyaring 'yon. Tapos ito namang nagkita kaming dalawa pagkalipas ng dalawang taon ay nagawa ko pa mag-sinungaling at sabihin na may amnesia ako. Kaya alam ko na dobleng sakit lalo ang binigay ko sa kanya.
"Stop saying sorry Cristalin and please let's move on now. Wag na nating pag-usapan ang nakaraan dahil ang mahalaga ay magkasama na tayo ngayon." Ani ni Ryder na hinila palapit sa kanya ang dalaga at niyakap ito ng mahigpit. Kinulong niya ito ulit sa bisig niya. At wala pa din pinagbago, kay sarap pa din sa pakiramdam kapag ganitong yakap-yakap niya ito. At siguro nga magiging maganda at mahimbing ang pag-tulog nilang dalawa ngayon dahil magkasama na sila.
Mas lalo lang akong nag-sumiksik sa kanya. Walang aircon itong lodging in na kinuha ko pero malamig pa din dahil iniwan lang naming nakabukas ang bintana. Nasa second floor naman kasi itong kuwarto kaya wala sigurado naman akong walang maninilip dito o ano pa man. Nakabukas lang din ang electric fan para may hangin pa din na umiikot dito sa loob.
"Alam mo bang takot na takot ako dati na dumating 'yong araw na makita mo ako kasi ang alam mo nga patay na ako at ako 'yong nakitang bangkay sa bahay mo. Pero laging sinasabi sa akin ni Dax na matutuwa ka daw oras na makita mo ako at malaman na buhay. Lagi niyang pinapaalala sa akin na hindi ako dapat matakot na magpakita sa 'yo kasi alam niya daw na namimiss mo ako." Natawa pa ako pagkasabi ko na na-miss niya ako, kasi hindi ako sigurado kung talagang na-miss ba ako ni Ryder.
"He was right, na-miss talaga kita Cristalin. I was dumb for not making sure you are the one we saw on my house. Dahil na din siguro masyado akong nasaktan ng malaman ko na may nakitang bangkay sa bahay ko at ang naisip ko na lang ay ikaw talaga 'yon. Pero sana kung siniguro ko na ikaw ba talaga 'yon o hindi tapos nalaman kong buhay ka ay siguradong hahanapin kita at hindi masasayang ang dalawang taon nating dalawa."
Inihilig ko ang ulo ko sa kanya. Siguro pinag-hiwalay kami ng tadhana sa loob ng dalawang taon para ipa-realize sa amin ang maraming bagay. Lalo na sa akin, at kahit gusto ko na talaga noong sumuko ay hindi ko 'yon ginawa dahil sabi ko binigyan ako ng Diyos ng pangalawang pagkakataon na mabuhay. At dapat gawin ko na ng tama ang mga bagay-bagay, na dapat this time maging masaya na ako. Dahil kahit gano'n pa man ang sinapit ko ay may babalikan pa ako, at si Ryder 'yon.
"Talaga bang isasama mo ako pabalik ng Colores? Magugulat 'yon si Dax." Sabi ko na hindi siya tiningnan.
"Of course isasama talaga kita pauwi dahil may binili akong bahay do'n at doon kita ititira." Ani ni Ryder, hindi siya papayag na maiwan dito sa Baguio ang dalaga. Dahil kahti magkahiwalay silang nagpunta dito ay magkasama naman silang uuwi.
Tiningala ko siya, hindi ko alam kung ito ba 'yong tamang oras para sabihin ko 'to kay Ryder pero ayoko ng mag-sayang pa ng pagkakataon. "I love you, simula pa lang no'ng nakilala kita alam ko sa sarili ko na mamahalin ko ang isang katulad mo. At ngayong magkasama na tayo hindi na ako mahihiyang sabihin pa kung ano ang totoong nararamdaman ko. Mahal kita Ryder.."
And that leave him speechless for few seconds, dahil pakiramdam ni Ryder ay binigla naman siya ni Cristalin sa sinabi nito sa kanya ngayon. Pero mas lalo siyang nabigla ng lumapit pa ito lalo sa kanya at ito mismo ang humalik sa kanyang mga labi.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen3h.Co