Truyen3h.Co

M.V series 13 Khalil Viteri

CHAPTER 05

Maribelatenta

Last update for this week! Happy weekend!

"Ayaw mo no'n magiging exciting ang araw-araw mo kasi kapitbahay mo na si Angelica." Natatawa na lang na sabi ni Nikka Mae, dinalaw ni Khalil ang triplets nila ni Demon dito sa bahay nila. At naikuwento nga nito na sa Viteri condominium na nakatira si Angelica. Nasabi naman na sa kanya ni Demon ang tungkol dito, pero iba pa din kapag si Khalil ang magkukuwento kasi natutuwa siya sa reaksyon nito kapag kinukuwento sa kanya si Angelica. Kilala niya ito at may pagkakataon na nakaka-bonding niya ang dalaga dahil pinsan ito ng asawa niya. Aside do'n ay Ninang din pala ito ng mga anak nila. 

Napasimangot naman si Khalil, si Nikka Mae na nga lang ang magiging kakampi niya pero mukhang hindi pa. "She will give me a heart attack Nikka, napaka-kulit ng babaeng 'yon at parang hindi abogada kung umasta." Reklamo pa ni Khalil, sakto ngayon sa pagpunta niya na tulog pa ang triplets dahil alas tres pa lang naman ng hapon. Pero hihintayin niya ang mga ito magising dahil may pasalubong siyang mga laruan para sa mga 'to. Ninong siya ng triplets at talagang gustong-gusto niya ang mga bata kaya naman lagi din niya ang mga ito dinadalaw. Wala pa dito si Demon pero pag nalaman no'n na nandito siya ay malamang sa malamang na uuwi agad 'yon. 

"Pero mabait naman si Angie kahit makulit. Saka gusto ka niya eh, obvious na obvious naman 'yon kaya hayaan mo na lang." Sabi pa ulit ni Nikka Mae, kung nandito lang talaga ang asawa niya ay siguradong aasarin pa no'n si Khalil. At sigurado din na pagtatawanan nito ang kaibigan, tuwang-tuwa nga 'yon kasi nakahanap nga daw ng katapat itong si Khalil sa katauhan ng pinsan nitong si Angelica. Kumbaga ay para daw naigaganti ni Angie si Demon sa mga pang-bwibwisit nito ni Khalil sa asawa. 

"But she's getting on my nerve, dalawang Linggo pa lang siya sa condo ko pero gusto ko na talaga siyang paalisin." Reklamo ulit ni Khalil, aba halos araw-arawin na kasi siya kung puntahan ni Angelica sa penthouse niya. Hindi na nga ito nagpupunta sa office niya pero sa bahay niya naman ay oo. And take note lagi pa itong feeling at home kapag pumupunta doon, kung anu-ano na lang din ang dinadahilan nito para lang makita siya. Katulad na lamang no'ng nakaraan, nanghingi ito sa kanya ng asin, samantalang ilang beses naman na niyang sinabi dito na may grocery sa ibaba ng condo kaya doon ito dapat bumili ng kailangan nito. Tapos nando'n pang hanapan siya nito ng siling haba kasi daw ipang-sasahog nito sa niluluto nitong sinigang. Kaya sino ba naman ang hindi maiinis? May time pa na nanghiram ito sa kanya ng plantsa kaya talagang inis na inis siya. 

"Grabe ka naman sa paalisin Khalil, bakit kasi hindi 'yong magandang side ang tingnan mo kay Angie? Mabait naman siya ha, pero 'yon nga makulit talaga kahit pa sabihin mong professional naman. Still marami diyan nanliligaw kaya ang swerte mo dahil ikaw ang nagustuhan niya." Sabi ni Nikka Mae, friend kasi sila ni Angelica sa isang social media nito kaya nakikita niya ang mga pinopost nito. At ilang beses niya ng nakita na nag-post ito ng mga regalo na galing nga sa manliligaw nito. Pero useless naman 'yon kasi ang gusto nga ni Angie ay itong si Khalil. 

Nikka Mae was right, alam ko na totoong maraming nanliligaw sa abogadang 'yon. Pero bakit hindi na lang kaya 'yon ang pag-aksayahan niya ng oras at wag na lang ako. Sa isip ni Khalil, aminado naman siya na maganda si Angelica pero kasi ayaw niya nga sa makulit na babae. Gusto niya kasi ay 'yong very feminine ang dating, 'yong pinong kumilos at hindi barubal.  At natural hindi gano'n si Angelica dahil kahit malayo pa lang ay rinig na rinig na niya ang boses nito at alam na alam niya na ito ang darating. "I don't know what to do to her anymore, iniisip ko na ngang maglagay ng guwardiya sa unit ko eh, nang sa gano'n ay hindi na siya makapunta sa akin."

"Yan ang wag mong gagawin, kasi gagawa at gagawa panigurado si Angie ng paraan para makita ka." Sabi naman ni Nikka Mae. 

Hindi naman nagtagal at dumating na din si Demon, tama nga talaga ang nasa isip ni Khalil kanina. Talagang uuwi ang kaibigan niyang demonyo kapag nalaman nitong nandito siya. Kita mo nga at alas kuwatro pa lang ng hapon pero nandito na ang walanghiya na 'to. 

"Tsk, ikaw ilang beses ko ng sinabi sa 'yo na huwag kang pupunta dito sa bahay ko ng wala ako." Sabi ni Demon kay Khalil ng sila na lang dalawa. Nasa kuwarto ang asawa niyang si Nikka Mae dahil nagising na nga daw ang mga anak nila. 

"At bakit naman aber? Hindi naman ikaw ang dinadalaw ko kung hindi 'yong mga inaanak ko." Ganting sabi ni Khalil, alam niya kasing nagseselos itong si Demon sa kanya dahil hanggang ngayon hindi 'to naniniwala na wala siyang gusto sa asawa nitong si Nikka Mae. Kaya nga natatawa na lang siya at tinatawanan ito kasi wala naman talaga at tamang hinala lang 'to. Magkaibigan sila ni Nikka Mae, at hindi naman niya ito magiging kaibigan kung hindi lang ito nag-gago noon. 

"Dahil wala ako dito, dapat sa akin ka magsasabi kung dadalawin mo ang triplets at hindi kay Nikka." Sabi pa ulit ni Demon, "Saka teka nga, iniiwasan mo ba 'yong pinsan ko? Bakit hindi ka sa condo mo dumiretso kung tapos naman na ang trabaho mo?"

"May pasalubong nga kasi ako para sa mga bata, saka kahit iwasan ko pa 'yang pinsan mong 'yan ay malalaman at malalaman niyan kung nasaan ako." 

"Buti naman alam mo, kasi sinabi ko sa kanya na nandito ka." Nakangisi na sabi ni Demon na halatadong nang-aasar.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen3h.Co