CHAPTER 10
Last update for this week! Sa mga pupunta sa book signing ni Psicom this coming Sunday, e nando'n po ako. Puwede niyong ipa sign yong The Governor and The Governor’s daughter! See you!
"Oh, bakit kasama mo 'yan?" Ito ang natanong ni Demon ng mapag-buksan niya ang pintuan ng condo ng pinsan niyang si Angelica. Hindi na lamang kasi mag-isa si Dallas pagbalik nito kung hindi kasama na nito si Khalil.
Nagkibit balikat naman si Dallas. "Sumama eh." Simple niyang sagot, sinabihan na nga niya ito kanina no'ng nasa elevator sila na dumiretso na ito sa penthouse nito pero talagang lumabas din sa elevator kasama niya pagdating sa floor kung nasaan ang unit ni Angie.
"What happened to Angelica? Sabi ni Dallas may nangyari daw sa kanya?" Tanong ni Khalil ng makapasok na sila sa loob ng condo.
"Wag kang maingay, hinaan mo lang ang boses mo, she fell asleep." Sabi ni Demon ng makarating sila sa maliit ng sala ng unit ni Angelica. Dito ay nakahiga ang pinsan niya sa sofa at nakatulog na din 'to sa wakas.
Kita ni Khalil na mahimbing na natutulog ang abogada, pero ang mas pumukaw ng atensyon niya ay ang puting benda sa may braso nito. Kung hindi siya nagkakamali ay pang-takip sa sugat 'yon at gauze pad ang tawag dito. "Anong nangyari sa kanya?" Tanong niya ulit.
"Pinag-tangkaan ang buhay niya kanina, buti nga daplis lang sa braso ang nangyari sa kanya eh. Sinaksak siya, pero 'yon nga, daplis lang." Si Dallas ang sumagot, nasa tapat siya kanina ng city hall dito sa bayan ng San Quintin ng mangyari ang insidente. He was on his car and driving, sakto lang na naka-red ang traffic light kaya nakahinto siya. Dito ay nakita niya nga si Angelica na bigla na lang sinaksak ng isang lalaki. At dahil isa siyang myembro ng Philippines air force ay gumana agad ang natural instinct niya. He got out of the vehicle and immediately helped Angelica. Fortunately, the injury wasn't severe; it was just a scratch on her arm. However, it was still a wound, so it needed to be stitched up. The wound wasn't deep, but it was somewhat long because a knife had been used, so the doctor had to sew it up.
"What?" Gulat at hindi makapaniwala na sabi ni Khalil, napatingin tuloy ulit siya sa natutulog na si Angelica. "E nasaan na 'yong gumawa sa kanya niyan? Nahuli ba? Bakit daw niya ginawa 'yon?" Sunod-sunod niyang tanong.
"Nahuli naman at nakakulong na, may mga enforcer din kasi kanina sa tapat ng city hall kaya tumulong din ang mga 'to. Tinulungan ko kasi agad si Angelica at isinakay sa sasakyan ko para dalhin sa ospital." Kuwento ulit Dallas, hindi niya pa nga alam na ito pala ang pinsan ni Demon eh. Nalaman niya lang dahil ito ang tinawagan ng dalaga kanina no'ng nasa ospital sila.
"Yong suspect ay kamag-anak no'ng huli niyang hinawakan na kaso. Galit 'to kay Angie dahil natalo ang kaso at napakulong 'yong suspect." Si Demon naman ang nagsalita, the family of Angelica didn't know what happened to her earlier. Kaya nga sinasabihan niya ito kanina na tawagan na nito ang Mommy at Daddy nito para ipaalam ang nangyari dito. Pero ayaw naman, kapag daw kasi sinabi ni Angelica sa magulang nito ang nangyari kanina ay baka pabalikin daw ito sa bahay ng mga 'to. Pero ang iniisip niya kasi ay ang security ng pinsan niya, lalo pa at babae nga 'to.
"Tangina, dapat sa taong 'yon ay makulong din. Hindi dapat 'yon makalabas, paano na lang kung napuruhan niya si Angelica?" Galit na sabi ni Khalil, oo hindi niya gusto si Angelica pero grabe naman ang nangyari dito. "Sa braso lang ba siya may tama? Hindi ba malalim 'yong sugat niya?"
"She's fine, natahi na 'yang sugat niya kanina sa ospital. Sabi niya ay kakain lang pala sana siya kanina sa tapat ng city hall ng mangyari nga 'yon. May inasikaso pala siya do'n para sa bagong kaso na hawak niya kaya nando'n siya kanina. Buti na lang talaga at nasakto na nando'n ako." Kuwento pa ni Dallas, literal talaga kanina na small world dahil hindi niya nga akalain na pinsan pala ni Demon 'yong tinulungan niya. Kaya naman sa ospital ay talagang nagpasalamat sa kanya itong si Demon.
"Pinagsasabihan ko nga siya eh, sabi ko kanina ay dapat umuwi na muna siya sa kanila. Mahirap pala ang maging abogado, may chance na mapag-bantaan ang buhay mo katulad ng nangyari kanina sa kanya." May pag-aalala pa din sa boses ni Demon, talaga namang nag-alala siya kanina kasi umiiyak si Angelica ng tumawag sa kanya. Tapos sinabi nito na nasa ospital nga ito kaya lalo siyang nataranta. But thank God that what happened to her wasn't severe. Even so, what happened to his cousin was still quite frightening.
"Pero nag-usap naman na kami, sabi ko kapag gumaling na 'yong sugat niya ay tuturuan ko siya paano humawak ng baril at bumaril. She need it, she need to know how to protect herself. Lalo na at isa siyang lawyer." Sabi ulit ni Dallas,
"At bakit ikaw naman ang magtuturo? She can hire a professional to teach her how to use gun." Sabi ni Khalil, sa pananalita kasi ni Dallas simula kanina ay para bang close na close ang mga ito. E samantalang kakakilala lang naman ng mga ito kanina.
"Dahil magaling ako pagdating sa baril, at aside do'n ay lisensyado din ako na humawak no'n." Sagot ni Dallas, he's very skilled with firearms, and he can handle not just one type of gun, but various kinds of weapons.
"Tsk, ako na lang ang magtuturo sa kanya, wala pang bayad." Sabi ni Khalil, may baril din siya at marunong din siya ng basic sa paghawak ng baril. Bilang negosyante ay kailangan niya kasi talaga ng proteksyon.
"Si Dallas na ang bahala do'n, Khalil. Saka umuwi ka na nga sa penthouse mo. Magigising lang si Angie sa ingay mo eh." Saway ni Demon dito.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen3h.Co