CHAPTER 21
"Attorney, nakikinig po ba kayo sa kinukuwento ko?" Tanong ng kwarenta anyos na babae kay Angelica. Paano ba naman parang hindi nakikinig sa kanya ang abogada habang nagsasalita siya kasi nakatulala lang ito habang nakatingin sa kanya.
"Yes po Misis, nakikinig po ako." Para akong bumalik sa aking huwisyo ng hawakan ako sa kamay ng possible client ko. Asawa siya ng isang seaman at 'yong asawa niya ay may kabit na isang Filipina din. Mukhang naubos na yata ang pasensiya ng kaharap ko dahil heto nga at nakapag-decide na kasuhan ang asawa niya. Hindi daw siya pumunta sa public attorney's office dahil baka matagalan daw ang kaso na ikakaso niya nga. Kaya nag-decide siya na sa private law firm na nga lang pumunta na katulad ng akin para mabilis ang galaw ng ipa-file niyang case. Inaantok kasi ako sa totoo lang, at ganito ba talaga kapag Lunes? Talagang nakakatamad magtrabaho. "Once po na maayos natin ang pagpa-file ng kaso sa asawa niyo ay sure na po 'yang walang atrasan ha. Baka po kasi kapag ayos na 'yong mga papeles natin, e bigla po kayong mag-back out." Sabi ko sa kanya, may mga nahawakan kasi akong kaso na ganito kung saan after makapag-file ng kaso ay biglang aatras ang nag-file dahil nakapag-usap na nga daw silang mag-asawa. And being a lawyer, time is really precious talaga. At hindi lang pala basta oras kung hindi pati na ang pera na ibinabayad sa katulad ko na abogado ay gusto ko na masulit din nila.
"Sure na sure na po ako Attorney, kahit naman po sinong babae ay hindi papayag na may kahati siya sa isang lalaki. Saka may mga ebidensiya naman ako na talagang may kabit ang mister ko."
Tumango ako, tama siya. Wala talagang babae ang gustong may kahati sa asawa niya o boyfriend niya. Kahit ako no, hindi ako papayag. Ano 'yon papasukin niya 'yong bataan ko tapos ipapasok niya din 'yong titeee niya sa iba? Aba hindi puwede! "We can file a criminal case for concubinage against your husband Misis, same with his mistress. Bale dalawa po silang puwede niyong kasuhan tutal naman kayo ang legal wife at may karapatan talaga sa asawa niyo. But if matutuloy ho ang kaso ay sasabihin ko na ang mga possibility na puwedeng mangyari. Aside sa puwede siyang makulong oras na mapatunayan ang kaso mo sa kanya ay puwede din siyang matanggal sa trabaho niya. Affidavits such as photos, videos and witness affidavits is required, na mero'n naman kayong dala kaya madali natin makakasuhan ang asawa niyo. Other legal actions may involve civil lawsuits for damages [Article 21, Civil Code], cyber libel related to public harassment, or criminal charges for serious offenses if the mistress threatens the wife. Kaya ang tanong ko po ngayon is kung na-meet niyo na ang mistress ng mister niyo? Nag-away ba kayo? Ano bang sinabi sa inyo if ever? And kung sakaling mawalan ng trabaho si mister paano po kayo?" Tanong ko, nasabi niya na kasi kanina na nagpapadala nga ang asawa niya sa kanya. At grabe ha, hindi pala biro ang sahod ng mga seaman lalo na 'yong mga may posisyon na sa barko. 'Yong asawa niya kasi ay sumasahod ng 400 thousands a month at 'yong 200 thousands ang pinapadala sa kanya.
"Mero'n po akong business, at malaki naman ang natatabi kong pera na pinapadala niya sa akin. And about sa mistress niya, hindi ko lang po siya basta na-meet kung hindi kaibigan ko po ang kabit ng mister ko kaya kilalang-kilala ko talaga." Sabi ng kaharap ni Angelica na ramdam mo na ngayon ang galit.
"Oohh I see." Napatango-tango tuloy ako, kaya naman pala pursigido si client na kasuhan ang asawa niya kasi nga kaibigan niya pala ang nang-ahas sa kanya. Parang gumaganda ang kuwento ha.
"Yes Attorney, hindi naman ako puwedeng pumayag na ganito na lang. Beside may anak kami ng asawa ko na dalawa kaya talagang ipaglalaban ko ang karapatan namin ng anak ko. Hindi naman puwedeng siya ang makinabang sa sahod ng asawa ko no." Sabi pa ng babae.
"Kung gano'n na may anak po pala kayo, e puwede natin idagdag ang kaso na VAWC case or ang RA 9262 for psychological violence can be file if the affair of your husband and mistress causes mental/emotional anguish to the wife and children." Muli kong paliwanag, puwedeng-puwede kasi talaga idagdag 'yon kung tutuusin at gustong-gusto ko din talaga na humawak ng mga ganitong case. Para kasing nakaka-excite, more drama kasi 'yong mga ganitong kaso and most of the same case na nahawakan ko before ay biglang bumabait ang lalaki. Kaya let see kung ano ang mangyayari sa kasong ito.
Tumagal pa ng halos bente minuto ang pakikipag-usap ni Angelica sa kliyente niya. Hindi na lang pala possible client dahil nagbayad agad ito para sa serbisyong kailangan nito. Hinatid niya pa tuloy palabas ng office niya ang kliyente, only to found out na nandito pala si Khalil sa law firm niya.
"Grabe, narinig ko 'yong usapan niyo no'ng babae kanina, hindi ko alam kung nanunuhol ka o ano eh." Komento ni Khalil, talagang dinikit niya pa kasi ang tenga niya para makinig sa usapan ni Angelica at saka ng babaeng kausap nito. Hindi man niya narinig ang lahat pero alam niyang bagong kliyente 'yon.
"Anong nanunuhol? Abogado ako Khalil, kaya natural lang na alamin ko ang lahat tungkol sa kliyente ko." Sabi ko sa kanya. "Saka ano bang ginagawa mo dito? At paano mo nalaman ang office ko?" My God kailangan medyo masungit ang dating ko ngayon kasi ito ang una naming paghaharap na dalawa after naming mag-bembangan sa penthouse niya. At lalo ko lang na-realize na hindi pa ako ready na pag-usapan pala ang tungkol do'n.
Pinakita ni Khalil ang calling card nito kung saan nakalagay ang address ng law firm nito. Nakita niya 'to no'ng nakaraan sa office ni Saito at kinuha niya nga. This is the first time he went here to her office, at maaliwalas ang law firm nito. Mabait din at maayos kausap ang nagpakilalang secretary nito kanina sa kanya pagpasok niya.
"Tsk, busy ako, umuwi ka na." Pagtataray ko pa.
"No, alam kong iniiwasan mo ako Angelica kaya nga pinuntahan na kita dito sa office mo. Tama naman na siguro 'yong one week na hinayaan kita na iwasan ako." Sabi ng binata.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen3h.Co