Truyen3h.Co

M.V series 13 Khalil Viteri

CHAPTER 39

Maribelatenta


"Nasa side ako ni Demon Pare, he was right. Hindi dahil sa kinakampihan ko siya pero naiintindihan ko siya Khalil. At 'yon ang gusto ko din mangyari at gawin mo. Intindihin mo siya at isantabi niyo muna 'yong mga away niyo dati tutal tapos naman na 'yon. " Ito ang sabi ni Saito habang kaharap at kainuman niya ang kaibigan niyang si Khalil. Hindi lang ito ang kasama niya kung hindi pati na din ang magkapatid na Winston ay nandito din. He had already anticipated that this would happen—that one day Khalil would seek his advice regarding Angelica. However, it wouldn't be about how to stay away from her; instead, it would be about what he should do now that he realized Khalil was interested in her, just like that lawyer. Kahit kasi hindi nito hayagan na sabihin o ikuwento sa kanila na gusto nito ang pinsan ng kaibigan nilang si Demon ay alam niyang doon pa din 'yon papunta. At tama talaga ang naiisip niya dati pa, darating ang panahon na magugustuhan din ni Khalil ang makulit na abogada na si Angelica Sia. But now he want to hear that from him, na aminin nito na gusto nito ang abogada. 

"Hindi kinakampihan? e gano'n na din 'yon Saito, obvious naman na kakampihan mo talaga ang Santana na 'yon." Sabi ni Khalil kahit alam niyang hindi marunong mag-one sided itong si Saito sa mga bagay-bagay ay gano'n na din ang nakikita niyang nangyayari ngayon. Nag-usap sila ni Angelica, at isa sa pinag-usapan nilang dalawa ay hindi muna sila magkikita kahit pa sa iisang condominium lang naman silang dalawa nakatira. Gusto lang muna nilang magpa-lamig kahit kung tutuusin ay hindi naman nila ito dapat gawin. They are both mature and of the right age. However, they need to stay away from each other for now so that Demon will stop interfering. He isn't afraid of Demon, but Angelica herself has asked him to. Whenever the three of them are together, Demon tends to lecture Angelica, as if it's completely wrong for his cousin to have feelings for him.

"Napaka-simple lang naman kasi ng problema mo na 'yon Khalil, and actually hindi naman talaga 'yan problema kung tutuusin. Ikaw lang ang nag-iisip na problema si Demon, if you like Angelica and that's nice, that's good. Hindi lang naman kasi kaibigan o kakilala ni Demon si Angelica, they are family. Pinsan ni Demon si Angelica at natural lang na ingatan niya ang pinsan niya sa 'yo. Hindi dahil sa masama ka o ano pa man, but Demon knew you, magkaibigan kayo at alam niya siyempre ang karakas mo pagdating sa babae. Tapos lagi mo din naman sinasabi dati pa na hinding-hindi mo magugustuhan si Angelica kaya natural lang na maging protective siya ngayon kasi magkasama na kayo palagi ng pinsan niya." Sabi ni Wilde habang naka-dekuwatro pa ng upo. Totoo naman kasi eh, hindi naman talaga dapat gawing issue ni Khalil ang ganitong bagay. Ito lang ang nag-iisip na problema si Demon. He need to down low his pride, kung makikipag-taasan kasi ito ng pride kay Demon ay talagang 'yon ang magiging problema lalo pa at nakikita niya na wala din balak si Demon na tumigil sa pangingialam sa dalawa. 

"I agree.." Sabi din ni Dax Cyrus na ngiting-ngiti ngayon. Hindi niya kasi akalain na mahirap pala paaminin itong si Khalil eh. E obvious na obvious naman na may gusto na din ito kay Angelica. In addition to witnessing it himself, he observed how jealous Khalil was when he saw Dallas and Angelica together. "Aminin mo na kasi, madali lang naman umamin eh. Alam naman namin na gusto mo na din si Angelica, kaya kung ako sa 'yo sasabihin ko talaga ang totoong nararamdaman ko sa kanya. Mahirap na ang mahuli Pare, remember, nagpaparinig si Dallas na gusto niyang ligawan si Angelica. E nagsabi pa naman na si Demon na botong-boto siya kay Dallas, kaya paano ka na niyan?" 

They were right, alam ko naman na sa sarili ko na gusto ko na nga ang makulit at matabil ang bibig na si Angelica. Pero kasi naiinis lang talaga ako kay Demon dahil masyado 'yong nakikiaalam sa amin. "Ang point ko lang naman ay hindi na dapat nangingialam pa si Demon, buti sana kung menor de edad pa si Angelica. Kaso hindi na nga, kaya ito lang ang kinakainis ko talaga." Sabi niya sabay hawak ng baso niyang may alak. Nakikinita niya na kasi na sasabihin ni Demon na nasa kanya ang huling halaklak. Lalo pa at nagkaroon nga sila ng issue na dalawa ng tulungan niya ang asawa nitong si Nikka Mae noon na magtago. Kaya alam niyang gaganti at gaganti ang gagong 'yon sa kanya. And about Dallas, isa pa ang lintek na 'yon. He has already spoken to him, but it seems that he doesn't want to listen either.

"Minsan lunok-lunok din ng pride, e ano kung makialam si Demon sa inyo? Kahit anong ayaw mo at kahit bali-baliktarin mo pa, e mag-pinsan talaga ang dalawang 'yon. So whether you like it or not, maging kayo man ni Angelica ay talagang magku-krus at magku-krus pa din ang landas niyong dalawa." Sabi pa ni Saito, 

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen3h.Co