Truyen3h.Co

Maria Cristina Tuazon

CHAPTER 03

Maribelatenta

Parang hindi ako makapaniwala sa kuwento niya, but when he said I can check about him on social media and google I did it. So he's the succesor of the Lozano shipping lines one of the largest shipping lines here in the Philippines. Nag-iisa lang siyang anak gaya ng kuwento niya at ang ama niya ay kamamatay lang dalawang buwan ang nakakalipas. Wala akong nakita na post sa kahit anong social media na pinaghahanap siya at maski sa news so baka nga totoo ang sinasabi niya na balak siyang patayin ng madrasta niya. 

"Alam kong mahirap paniwalaan ang sinasabi ko pero totoo 'yon, my step mother wanted me to die so she can take over the wealth my father leave for me." Sabi ni Elias, alam niya kaseng may problema ang ama niya at ang kinakasama nito ilang buwan na ang nakakalipas pero hindi naman niya iniintindi ang tungkol doon. Hindi din naman kase sila gano'n ka-okay ng ama niya simula ng mag-asawa pa ito. He don't like the woman, period. 

Hanggang noong nasa America siya para ayusin ang isang business expansion ng kanilang kompanya ay tumawag na lang sa kanya ang secretary niya at sinabing patay na nga daw ang ama niya. So he hurriedly flew back her in the Philippines, at ang nakakapagtaka lang ay ini-insist ng madrasta niya na heart attack ang ikinamatay ng ama niya samantalang wala naman itong sakit sa puso. And the worst is ay nak-cremate na ang Daddy niya pag-uwi niya dito sa Pilipinas kahit wala pa siya. 

"Pero ano ng gagawin mo niyan? Sorry ha pero hindi ka puwedeng magtagal dito dahil baka malaman ng mga magulang ko." Sabi ko sa kanya, at sigurado akong magagalit talaga si Daddy kapag nalaman niyang nagpatuloy ako ng kung sino dito sa bahay. 

"I know and I'm actually grateful that you helped me, pero sana hayaan mo muna akong tumigil dito ng ilang araw para gumaling ang mga sugat ko at makapag-isip na din ng kung ano bang dapat gawin." Ani ni Elias, nalagyan na ng gause pad ang sugat niya at nakakain na din siya kanina. Pero syempre kung siya ang tatanungin ay wala pa siyang balak bumalik agad sa kanila dahil unang-una ay gusto niyang patunayan na ang step mother talaga niya ang may pakana ng nangyari sa kanya. Para sa gano'n ay mapakulong niya ito at malaman niya at mapag-isipan kung ano bang magandang gawin. 

Ano bang isasagot ko? Hindi ko naman siya puwedeng hayaan na umalis ng ganito ang lagay niya at alam kong ni wala din naman siyang gamit na kung ano. Pero lalake siya at hindi tama na patuluyin ko siya dito ng matagal. 

"Pero okay lang kung hindi talaga puwede." Ngumiti pa si Elias ng sabihin 'yon, baka kase isipin ng dalaga na abuso naman siya. At alam niyang nag-iisip din ito about sa safety nito at naiintindihan niya 'yon. 

"S-Sige pero ilang araw lang ha?"

At doon na ngumiti ang binata. "Yes ilang araw lang." Sabi pa niya na para bang nakikipag-negosasyon pasa dalaga. 

   Dahil wala naman dito ang pamilya ko ay sa guest room ko na lang pinatuloy si Elias, alam kong kailangan niya ng pahinga dahil ng tingnan ko kanina ang temperature niya ay may lagnat pa din naman siya. Buti nga at hindi gano'n kataas 'yon at 'yong sugat niya ay nalinisan naman namin. 

   Papadilim na ng magising ang binata, medyo magaan na din ang pakiramdam niya dahil nakapahinga na siya. He looked around inside of the room, sabi sa kanya ni Cristina ay sa bunso daw nitong kapatid ang kuwarto na tinuluyan niya. And this room is not really big like his room on his house. Tipikal na kuwarto pero malinis, pinalitan pa nga ng dalaga kanina ang bedsheet ng kama at maging ang mga punda no'n. He's thankful it really means a lot to him that his life was save, at kanina pa nga niya naiisip kung anong klaseng pag-hila ang ginawa ni Cristina sa kanya papasok dito sa loob ng bahay lalo pa at malaking tao siya. Matapos ligpitin ang pinag-higaan ay lumabas na din siya at doon niya napansin na umuulan na naman pala. 

"H-Hi.." Bati ni Elias kay Cristina ng madatnan niya itong abala sa kusina, amoy bawang at mukhang may niluluto itong kung ano. 

"Gising ka na pala, maupo ka muna diyan." Turo ko sa upuan sa dining table namin, balak ko din siyang gisingin pagkaluto ko pero buti naman at nagising na siya. "Kumusta ang tulog mo? Nakapag-pahinga ka ba? Wala ka na bang lagnat?" Inilapag ko muna ang hawak ko na sandok at nilapitan siya, ipinatong ko ang kamay ko sa noo niya, mainit pa din siya pero hindi na kasing init kanina. 

"I-I'm okay, I mean nakatulog naman ako ng maayos." Parang naiilang na sabi ni Elias, ito lang kase ang gumawa no'n sa kanya. Wala itong pag-aalinlangan na hinawakan siya sa noo samantalang ang mga tauhan niya maski ang secretary niya ay takot lumapit sa kanya. But she's different, he mean 'yong magtatanong kung kumusta siya dahil may sakit siya, sanay naman kase siya na siya lang mag-isa kapag ganitong masama ang pakiramdam niya. But now it seems so different so he felt agitated too. 

"Gano'n ba? Pero uminom ka pa din ng gamot mo mamaya pagkakain." Sumaglit din kase ako kanina sa bayan noong tumila ang ulan, kawawa naman kase kung wala siyang susuutin na damit kaya bumili ako ng ilang pirasong damit para sa kanya. Hindi ko naman puwedeng ipahiram ng ipahiram ang damit ng kapatid ko sa kanya dahil may pagka-maarte din ang isang 'yon at baka pagbalik dito ay mapansin na pinakelaman ko pa ang gamit niya. 

  

     Doon naman napansin ng binata ang mga shell na nakapatong sa isa pang maliit na lamesa, nakalagay 'yon sa isang kulay brown na basket at halos kalahati ang laman. "Anong ginagawa ng mga shell diyan? sa 'yo 'yan?" 

Nilingon ko siya, nagsa-sangag kase ako ng kanin, masarap kase kumain ng sinangag ngayon dahil maulan. "Oo ako nanguha niyan sa tabing dagat kanina, kaunti nga lang kase umulan pero bukas kukuha ulit ako." 

Elias nodded, maliliit lang na shell 'yon pero medyo madami kung titingnan. "You're selling it?" Tanong niya sa dalaga.

"Yes, pero ginagawa ko muna siyang kurtina bago ko ibenta sa shop ng kapatid ko." Pinatay ko na ang stove ng maluto ko ang sinangag, inuna kong niluto ang ulam kanina at hinuli ko nga ang pag-sangag sa kanin. "Maganda 'yan kapag naging kurtina na, binubutasan ko ng maliit tapos nilulusot ko sa tali." 

"I see.." Sagot ng binata na parang iniimagine ang sinasabi sa kanya ni Cristina. Nakita niya itong kumuha ng plato at parang nahiya naman siya at tumayo para tumulong pero..

"Ayos lang maupo ka na lang diyan, ako na ang maghahain." Sabi ko, dumaan ako kanina sa presinto at nakipag-kuwentuhan sandali sa Ninong Jordan ko, pero ang totoo gusto ko makibalita kung may pinaghahanap ba sila na nawawalang tao. Wala pa kase akong nakitang naka-post sa social media patungkol kay Elias na nawawala ito kaya naman nagsadya na ako sa police station. Pero mukhang tama nga ang kuwento ni Elias sa akin, na 'yong step mother daw niya ang may pakana sa nangyari sa kanya dahil hindi man lang ito hinahanap at wala man lang lumalabas na patungkol sa kanya. 

Wala naman nagawa pa ang binata kung hindi bumalik sa kinakaupuan niya, parang pang-almusal ang nasa lamesa at mostly ng pagkain na nandoon ay alam naman niya pero hindi siya kumakain no'n. 

"T-Teka hindi ka ba kumakain niyan?" Tanong ko sa kanya ng mapansin na nakatingin siya sa pagkain. Nag-torta kase ako ng talong tsaka nag-prito ng isda, pero nakalimutan ko na baka nga hindi kumakain ng ganyan ang katulad niya. 

"No, no I can eat that." Ani ni Elias, hindi siya puwedeng mag-inarte dahil unang-una ay wala naman siyang pera ngayon. Isa pa pasalamat na nga lang siya at tinulungan siya nito.

"Sure ka? May baboy naman sa ref kung gusto mo ng ibang ulam kaya puwede kitang lutuan."

"No need okay na ako dito, come on kain na tayo." Nakangiti pang sabi ni Elias. 

Complete on Patreon and vip group! Want to read this stories? Dm me on my fb page! (Maribelatenta stories)

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen3h.Co