CHAPTER 01
This story is on going and pay to read on Patreon and vip group. Only the first 2 chapters will be posted here in wattpad. Dm me on my fb page how to join.
"Nandito ka na pala talaga.."
Agad akong napalingon sa nagsalita at nakita ko nga si Helios na nakatayo sa likuran ko, pero imbes na ngitian siya ay tinaasan ko pa siya ng kilay. "Anong ginagawa mo dito?" Mataray kong tanong.
"Tskm ang sungit mo talaga no? Ngayon lang ulit tayo nagkita tapos ganyan ka na agad sa akin, kaya hindi ka pa nakakapag-asawa eh." Komento ng binata na namulsa at tumingin sa dagat. May kalakasan ang alon pero puwede namang maligo lalo na kung marunong kang lumangoy. "Nasa bahay kaninang umaga si Ninong Mikael at narinig ko na sinabi niya kay Papa na dumating ka na nga daw." Sabi niya, magkaibigan kasi na matalik ang mga magulang nila at hindi na nga lang basta magkaibigan dahil parang totoong magkapatid ang turingan ng mga 'to sa isa't-isa.
Inismiran ko nga siya, napaka-chismoso talaga ng Helios na 'to eh. At talagang bagay na bagay din sa kanya ang pangalan niya. "Narinig o pinakinggan mo?" Tanong ko, dahil malamang ay naki-chismis na naman 'to sa usapan ni Daddy saka ng Papa niya na Ninong ko na si Ninong Jordan. At natural hindi tama ang makinig ka sa usapan ng iba kahit pa kapamilya mo.
"Tamang hinala ka talaga pagdating sa akin no? Napakinggan ko lang sila okay. And sabi ni Ninong Mikael natanggal ka daw sa trabaho mo." Sabi pa ni Helion, pagkatapos ng duty niya sa presinto sa bayan ng Caspir ay dito siya dumiretso. Isa siyang pulis, at hindi lang basta pulis dahil sa edad niyang bente singko ay isa na siyang ganap na tinyente. At hindi mangyayari ang lahat no'n kung hindi niya siguro ginawang inspirasyon ang kanyang ama. Tutol man ang Mama niya dahil delikado nga ang gusto niyang kurso noon pero sa huli naman ay sinuportahan pa din siya nito.
"Hindi ako natanggal kung hindi nag-resign ako okay, magkaiba 'yon. Ikaw makikinig ka na lang hindi mo pa inayos."Masungit ko pa din na sabi, totoo naman eh. Hindi ako inalis sa trabaho ko bilang isang manager ng telecommunication company na pinapasukan ko sa Davao kung hindi umalis ako. Paano ba naman 'yong mas mataas sa akin na empleyado ay binastos ako at talaga siya pa ang kinampihan ng pinaka-head namin kaya imbes na tumanggap ng sorry ay nag-resign na lang ako. I will never tolerate that kind of behavior, hindi talaga dahil walang babae na dapat binabastos sa kahit ano pang trabaho. Still 'yong inis ko ay nandito pa din talaga at talagang pikon na pikon ako hanggang ngayon.
"Fine, fine, nag-resign na kung nag-resign. So bakit ka nag-resign? Nagkaroon ba ng problema sa pinapasukan mo gano'n ba? O gusto mo lang bumalik dito sa Caparaz?" Tanong pa din ni Helion, basta ng marinig niya ang sinabi ng Ninong Mikael niya tungkol kay Isabel ay umalis na siya para pumasok. But he's happy hearing she's back here on their town. Dahil ilang buwan din niya talaga itong hindi nakita. At hindi pa naman nito ina-accept ang sinent niyang friend request sa social media.
Hindi chismoso si Ninong Jordan pero namana yata ng Helion na 'to ang ugali niya kay Ninang Glenda. Parang hindi Tinyente kung maki-chismis eh. "Wala, basta nag-resign lang ako, saka wala naman masama sa ginawa ko dahil unang-una wala naman akong binubuhay na pamilya." Sagot ko, kasi maski mga magulang ko ay hindi alam ang totoo kong dahilan kung bakit ako umalis sa pinapasukan kong trabaho sa Davao. Tatlong taon na din kasi ako do'n nagtatrabaho at talagang maganda naman ang kompanya na napasukan ko dahil maraming mga benefits at on time din ang pasahod. Sadyang hindi ko lang inaasahan na makakatapat ako ng manyak na ka-trabaho. At siyempre hindi naman ako ang tipo na tatahimik-tahimik na lang no at hahayaan na lang ang gano'n.
Helion only shook his head, ibang-iba talaga itong si Isabel sa dalawa pa nitong kambal, pero kahit magkakamukha ang mga ito ay never naman siyang nagkamali kung sino ang sino. "Kagabi ka lang dumating diba? So I guess hindi mo pa nakikita ang mga kakambal mo." Pag-iiba na lang niya ng usapan, sanay naman na siya sa kasungitan nitong si Isabel kaya okay lang kahit parang ayaw nito sa presence niya.
Tumango ako, hindi ko pa talaga nakikita sila Cristina at Catteleya dahil hindi naman na sila dito sa bahay namin nakatira dahil may sari-sariling pamilya na din naman sila. Pero ang bunso naming si Matteo ay siyang kakulitan ko kagabi. "Baka mamaya pumunta sila bahay pero hindi ko pa sure lalo na si Catteleya na busy sa shop niya." Kahit kasi sabihing mayaman ang napangasawa ng kakambal kong 'yon ay talagang hindi pa din niya sinara ang shop niya. She's selling souvenirs and other swimming equipment. Pati mga customize t-shirts ay mero'n din siya at sa bayan pa 'yon ng Casacaya na katabi lang nitong Caparaz. Samantalang si Cristina naman ay sure ng pupunta mamayang gabi kasama ang asawa nito. Kaya nga busy si Mommy magluto sa bahay tapos ayaw naman magpatulong sa akin kanina kaya nagpunta na lang ako dito sa tabing dagat para magpalipas ng oras.
"I see, sige mamaya na lang ako uuwi at hihintayin ko na lang din si Ninong Mikael."
Otomatikong tumaas ang kilay ko, anong hihintayin niya si Daddy? And don't tell me makikikain pa siya sa amin? "Anong hihintayin mo si Daddy? Makikikain ka lang siguro." Sabi ko sa kanya, alam naming lahat na masarap magluto ang Mommy ko kaya nga kapag may okasyon sa bahay ay present din 'tong Helion na 'to eh.
"Welcome naman ako sa bahay niyo ah, isa pa sabi ni Ninang kanina pagdaan ko doon dito na lang daw ako mag-dinner." Pagtatama ni Helion, alam niya kasi kung paano mag-isip itong si Isabel kaya mabuti ng unahan niya.
"Tsk, sinasabi na nga ba." Sabi ko pa, lagi niya kasi binobola si Mommy, oo pangbobola ang tawag ko do'n para makapag-take out siya ng mga pagkain.
Nilapitan naman na ni Helion ang dalaga at tumayo siya sa harapan nito. "Bakit puwede naman ikaw ang kainin ko kung gusto mo." Pang-aasar niya dito.
Nanlaki naman ang mata ni Isabel sa sinabi nitong 'yon at ng akma niyang hahampasin ay tumakbo naman ito. "Helion! Bumalik ka dito!' Sigaw niya pa na inis na inis sa binata.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen3h.Co