Truyen3h.Co

Miguel Santillan (COMPLETED)

12

Maribelatenta



Masaya kaming naghihiwa nila Feliciana at Mariana ng sangkap para sa lulutuin kong ginataang bilo-bilo mamaya para sa meryenda. At habang nasa kusina kami ay sige din ang aming kuwentuhan. Akalain ko ba naman na may nobyo na pala ang dalawang ito at dito din daw sa Hacienda nagtatrabaho ang mga nobyo nila. Isang linggo na din ang nakakalipas buhat ng may mangyari sa amin ni Miguel, at simula noon ay halos patulugin na ako nito sa kanyang cuarto tuwing gabi. Pero hindi ko ito sinusunod at sa halip ay doon pa din ako sa katabing kuwarto niya namamalagi.

"Ano ang lulutuin mo Cristina?" Tanong ni Miguel pagpasok niya sa kusina, alam niyang ang dalaga ang magluluto ngayon ng meryenda. Nagsumbong kase kanina sa kanya si Ernesto na pinagkayod daw ito ni Cristina ng mga niyog.

"Ginataang bilo-bilo ang aking lulutuin, kumakain ka ba ng ganoon?" Tanong ko sa kanya na nakatunghay sa aking ginagawa. Napaka-usisero talaga ng binatang ito.

"Lahat ay kinakain ko Binibini, wala yata akong pinipili! Maski nga ikaw ay aking kinain hindi ba?" Pilyong bulong ni Miguel sa dalaga na ikinapula na naman ng mga pisngi nito. Nasa kusina din kase ang dalwa pa niyang kasambahay na sina Mariana at Feliciana na dumistansiya sa kanila ng pumasok siya.

"Tumigil ka nga sa pinagsasabi mo at baka hindi kita matantsa Miguel." Napaka-maloko talaga ng lalaking ito, walang pinipiling lugar kung saan magsasalita ng ganoon.

"Akin na at tutulungan kita sa ginagawa mo." Nagbibilog kase si Cristina ng galapong sa kanyang palad, maliliit lang ito na halos kasing laki ng hinog na bunga ng alatiris.
Parang kaya napaka-simple lang nito gawin at kayang-kaya niya.

"Huwag na, tiyak na pagod ka sa pag-iikot sayong Hacienda Miguel, magpahinga ka na lang muna." Sabi ko naman, alas singko pala kase ng umaga ay umalis na ito kanina para pumunta sa taniman ng iba't-ibang prutas na tanim dito sa loob ng Hacienda. Buwan ngayon ng anihan kaya naman abala ang mga tauhan ni Miguel sa pag-aani.

"Hindi naman ako pagod Cristina, ano bang maitutulong ko sayo?" Mayabang na sabi ni Miguel, naalala niya kulang na lang ay buhatin niya ito sa gabi para magkatabi silang dalawa sa pagtulog. Ngunit lagi namang nakasara ang pintuan ng cuarto ng dalaga kaya hindi siya makapasok. Gusto niyang lagi itong kausap o kaya ay laging iniinis at iniistorbo tulad ngayon.

"Sige tulungan mo ako magluto kung ganoon." Sabi ko sa kanya, tingnan ko lang kung tutulungan mo pa ako sa susunod.

Halos dalawang oras ang tinagal namin sa pagluluto ng ginataang bilo-bilo, at wala akong ibang narinig mula kay Miguel kung hindi puro reklamo. Sa kahoy ko lang kase niluto ang ginataan at dahil Senyorito nga pala si Miguel hindi ito sanay mausukan kaya naman namumula pa ang mata nito dahil sa usok kanina.

"Ang sarap talaga ng luto ko." Masayang sabi ni Miguel pagkatapos sumubo ng ginataan, nasa komedor sila ngayon at kumakain. Narito din ang kaibigan niyang si Ernesto.

Umiling-iling si Ernesto sa tinuran ni Miguel. "Luto mo o luto ni Cristina?"

Natawa ako sa sinabi ni Ernesto habang sumasandok ng ginataan sa babasaging bandehado. Malakas din talaga itong mang-inis kay Miguel.

"Ako nga ang nagluto niyan Ernesto, tinulungan lamang ako ni Cristina kanina." Dagdag pa ni Miguel, hindi niya akalain na mahirap pala talagang magluto lalo pa at sa kahoy nagluto si Cristina kanina.

"Kung ganoon ay magdadala ako ng luto mo sa amin. Ipapatikim ko sa aking ina kung masarap ba talaga."
Sabi ni Ernesto, tamang-tama talaga ang pagpunta niya ngayon dito sa mansyon dahil nakakain siya.

"Hindi puwede! Alam mo bang napakahirap haluin ng ginataan na ito sa malaking kawa? Akin lang ito, ilalagay ko ito mamaya sa patalan para may almusal pa ako hanggang bukas." Mariing sabi ni Miguel,
ang patalan na tinutukoy niya ay lagayan ng mga pagkain nila dito sa mansyon, pero noong nasa Espanya siya ay may pangilan-ngilan na siyang nakitang mayroong refrigerator doon. At yun ang gusto niyang bilhin dahil may kuryente naman na siya dito. At may nakapagsabi sa kanya na mayroon na daw ganoong itinitinda sa Maynila kaya naman baka doon siya bumili.

"Huwag mong pansinin ang hambog na yan Ernesto, mamaya ay bibigyan kita. Puro lang naman reklamo ang ginawa ni Miguel kanina habang ako ay nagluluto." Natatawang sabi ko.

Napabusangot naman si Miguel, wala talaga siyang panalo kay Cristina.

"Siya nga pala, pupunta kami mamayang gabi sa perya Miguel. Kasama ko sina Feliciana at Mariana." Paalam ko sa kanya, ako ay nasasabik makapamasyal sa perya, mga kalahating oras na lakaran lang ang layo mula dito sa mansyon ng mga Santillan. Mayroon daw ibat-ibang atraksyon ang naroon.

"Maganda doon magandang Binibini, noong nakaraang linggo ay kasama ko ang aking dalawang kapatid na tumungo doon." Singit ni Ernesto.

"Anong oras ba kayo aalis?" Tanong ni Miguel.

"Mga alas sais ho ng gabi Senyorito Miguel, susunduin kami ni Mariana ng aming mga nobyo dito mamaya." Si Feliciana na ang sumagot.

"Kung ganoon ay sasama din ako." Sabi ni Miguel matapos makaubos ng dalawang mangkok na ginataan. Masarap talaga magluto si Cristina. "Ako ng bahala kay Cristina, sabay na kaming pupunta sa perya."

Napatingin ako kay Miguel, seryoso ba ito? Kapag nagkataon ito ang unang beses na lalabas kaming dalawa ng magkasama at baka kung ano ang isipin ng mga tao tungkol sa amin. Ayoko lamang na masira ang kanyang reputasyon o pangalan dahil isang kasambahay lang ang kasama niya mamaya.

●●●●●●●●

"Pagdating sa perya maghiwalay tayo doon Miguel." Sabi ko sa kanya habang kami ay sakay ng kanyang kabayo papunta sa perya.

"At bakit ko naman gagawin yun Cristina? Ano pa at sumama ako kung maghihiwalay din tayo doon." Sabi ni Miguel, sa unahan niya pinaupo ang dalaga kaya naman nalalanghap niya ang matamis na pabango nito. Mabagal lang din niya, pinapatakbo ang kabayo para mas matagal din niyang masolo ito.

"Ikaw lang iniisip ko Miguel, baka kung ano ang sabihin sayo ng mga tao kapag nakitang kasama mo ako." Sabi ko naman.

"Wala akong pakialam sa sasabihin ng iba Cristina, masaya pa nga ako at ikaw ang makakasama ko ngayong gabi. Alam mo bang ito ang unang beses ko na makakarating sa peryahan?"

Nilingon ko ito, kung sabagay mayaman si Miguel at isa nga pala itong Santillan kaya ang katulad nito ay hindi mo talaga mapapapunta sa perya na madalas ay mga simpleng mamamayan lang ang pumupunta.

Maraming tao at may iba't-ibang makukulay na ilaw ang peryahan. Ito ang pangalawang beses na nakarating si Cristina sa perya, noong unang beses ay kasama niya ang ina at malakas pa. Natutuwa siya sa mga nakikita, sa labas pa lang ay kung anu-ano na ang tinitinda. May nagtitinda ng pagkain, mga laruan at pati mga gamit. Nagkalat din ang mga bata na nagtatakbuhan sa labas.

"Halika na Binibini.." Ibinilin ni Miguel sa isang tauhan niya ang kanyang kabayo, pinauna niya na ito dito sa perya kanina pa. Alam naman niyang walang magtatakang magnakaw nito sa kanya pero mabuti na din ang nag-iingat.

"Ang daming tao Miguel." Natutuwang sabi ko sa kanya. Nasaan na kaya sina Mariana at Feliciana?

Hinawakan ni Miguel ang kamay ng dalaga, nakangiti niyang tiningnan ito. "Gusto kong sumakay sa ferris wheel mamaya." Bulong niya kay Cristina habang tinuturo ang ferris wheel sa loob.

"A-ayoko nga!"Mabilis kong tanggi ng makita ang umiikot na kung ano sa himpapawid. "Nakakatakot sumakay sa ganyan Miguel!"

"Kasama mo naman ako kaya wala ka dapat ipag-alala. Halika na magbayad na tayo para makapasok tayo sa loob." Ang mga tao na nakakasalubong nila ay sa kanilang dalawa nakatuon, parang hindi makapaniwala ang mga ito na ang isang Miguel Santillan ay simpleng dalaga lamang ang kasama. Kung sino-sino ang mga bumabati kay Miguel doon, pero tanging pagtango lamang ang ginagawa niya.

Masayang nanood sina Miguel at Cristina ng mga palabas sa perya. May mga nagsisirko at nag-mamahika pa. At ang mganda pa ay hindi sinisingil si Miguel kapag ito ay magbabayad, dahil na din siguro kilala ito at isang elitista.

"Napakaganda pala dito Miguel.." Sabi ko ng makasakay kami sa ferris wheel, nagtatalo pa nga kaming dalawa kanina dahil ayoko talaga sumakay pero sa huli ay napilit ako ni Miguel.

"At kita dito ang mansyon ko Binibini." Itinuro ni Miguel ang mansyon ng mga Santillan na nasa tuktok ng burol. Kita ito mula dito sa perya dahil sa mga ilaw na pinalagay niya sa kanyang bakuran.

"Maraming salamat sa gabing ito.." Nakangiting sabi ko sa kanya, malamig ang simoy ng hangin at magkahawak ang aming mga kamay. Masaya ako na kasama ko siya ngayon kahit pa para kaming aso't-pusa kung minsan.

"May sasabihin nga pala ako Cristina.." Nakatingin na sabi ni Miguel sa dalaga. Napakasuwerte niya at nakilala niya ito, kanina nga habang naglilibot sila dito sa loob ng peryahan ay madami siyang nahuling kalalakihan na nakatingin kay Cristina. Samantalang napaka-simple lamang ng ayos nito na suot na baro at saya, ang buhok naman nito ay nakalugay din lang. At siyempre gamit din ng dalaga ang bigay niyang payneta.

"Anong sasabihin mo?" Nakahilig ang aking ulo sa kanyang balikat, maya-maya ay titigil na ang pag-andar ng ferris wheel. Sampung minuto lamang ang itatagal ng aming pagsakay.

"Gusto kita Binibini.."

Napatingin ako kay Miguel. "Alam ko na yan Miguel, halos araw-araw mo kung sabihin sa akin yan.

"Tsk.. Huwag mo munang sirain ang aking momento Cristina."

"O sige, ano pa ba ang sasabihin mo?"

Hinawakan ni Miguel ang mukha ni Cristina, tamang-tama ang lugar kung saan siya aamin ng nararamdaman tungkol dito, para sa kanya ay napaka-romantiko na sakay sila ng ferris wheel ngayong dalawa. "Hindi ko alam kung paano nag-umpisa o bakit. Basta Cristina isa lang ang sigurado ko ngayon. Mahal na kita.."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen3h.Co