Truyen3h.Co

Miguel Santillan (COMPLETED)

15

Maribelatenta



Kaharap ang bote ng serbesa ay halos dalawang araw ng hindi lumalabas ng mansyon si Miguel, nakatatak pa din sa isip niya ang naabutan sa cuarto ni Cristina. Parang hindi siya makapaniwalang kaya siyang lokohin nito. At ang pinaka-tanong niya sa kanyang isipan ay kung paano ito nakapasok o kung may nagpapasok ba dito. Kaya simula ng nangyari ay nag talaga na siya ng limang bantay sa bakuran ng mansyon. Ang sabi din ni Ernesto sa kanya ay umalis na daw ang nobya ng umagang ding yun, ilang beses siya gusto kausapin ngunit hindi niya talaga ito hinarap. Alam niyang mag-dadahilan lamang ito sa kanya at ayaw niyang maniwala sa isang kasinungalingan. Masyado nga siguro siyang nagpaka-tanga kay Cristina at hindi muna siya nag isip-isip at sa halip ay sumige siya agad. Kung buhay nga lamang ang kanyang magulang ay marahil katakot-takot na sermon ang matatanggap niya mula dito, matalino, edukado at mayaman siya pero hindi niya alam na maloloko pala siya.

●●●●●●●

"Walanghiya ka!" Agad kong sinugod si Gerardo ng makita ko, pauwi na ako sa aming bahay sa tabing ilog. Galing ako sa Bayan at naglako ng mga suman doon mag-hapon. Hindi ko alam kung saan kami pupulutin ng aking ina ngayon, may mga tauhan na pumunta sa aming tahanan at pinapaalis na kami. Kung hindi daw kami susunod ay magpapatawag si Miguel ng mga Guardia sibil para ipadampot kami. Ganoon ba kasukdulan ang galit niya sa akin? Ilang beses akong sumubok kausapin siya ngunit hindi ako makapasok sa mansyon dahil may tinalaga na siyang bantay doon.

"Ikaw pala Binibini.." Agad bumaba mula sa kabayo si Gerardo, tumingin-tingin pa siya sa paligid kung may ibang taong naroon, nasa bukana sila ng Hacienda nang mga Santillan at dahil daoit hapon na rin ay wala ng mga tao doon. "Kay tagal kong inasam na ikaw ay makitang muli, pinaalis ka pala ng Miguel na iyon sa kanyang mansyon."

"Oo! At dahil yun sayo! Ano bang pakay mo sa akin ha? Wala naman akong ginagawa sayo na masama, at lalong hindi kita kilala maliban sa anak ka ng Gobernadorcillo at isa kang hambog!" Galit na turan ko, dapat talaga ay bitbit ko ang aking itak para magamit ko sana sa walanghiyang ito! Akala mo ay matino dahil sa kanyang postura ngunit may pagka-demonyo pala!

"Masyadong matabil ang iyong dila Cristina, anak ako ng Gobernadorcillo at nararapat lang siguro mo akong igalang."

"Igalang? Pagkatapos ng gulong ginawa mo sa akin? Pagkatapos ng ginawa mo sa amin ni Miguel? Masyado masama ang iyong ugali Gerardo! Nakakahiya ka!" Pero laking gulat ko ng bigla ako nitong hawakan sa braso, at nabitawan ko ng tuluyan ang hawak kong bilao.

"Bitawan mo ako ano ba!" Pilit akong pumalag ng hilahin ako ni Gerardo papunta sa kakahuyan. Nagkanda talisod-talisod ako sa mga damo at bato, pero dahil di hamak na mas malaki siya sa akin ay wala akong nagawa ng kaladkarin niya.

"Hindi pa ako tapos sayo Binibini, wala talagang namagitan sa atin ng maabutan ako ni Miguel sa iyong cuarto, ngunit ngayon ay aangkinin talaga kita!" Agad inihiga ni Gerardo ang dalaga sa damuhan, at mukhang sinusuwerte siya ngayong araw dahil hindi niya akalain na makakasalubong niya pa ito habang pauwi siya.

"H-huwag parang awa mo na." Tumutulo na ang aking luha ng walang sabi na punitin ni Gerardo ang aking suot na baro. Ang kanyang isang kamay ay mahigpit na nakahawak sa aking kamay na nilagay niya sa uluhan ko.

"Napakaganda, nakakatakam." Nakangiting sabi ni Gerardo ng masira niya ng tuluyan ang suot na baro ni Cristina. Masyado ng sinuswerte ang Miguel Santillan na yun kung hindi man lang nito ipapatikim at ipapahiram sa kanya si Cristina. Sa lahat ng kadalagahan na nakita niya sa Santa Teresita ay bukod tangi ang gandang taglay ng dalaga. Lahat na lang ng gusto niya ay napupunta kay Miguel, ano man lang bang tikman niya ang babaing ito. Inggit kung inggit ba ang maitatawag niya sa nararamdaman para kay Santillan pero alam niya ngayon na nalamangan niya na ito.

"Maawa ka.. H-huwag, parang awa mo na." Nanghihina kong sabi sa kanya, para akong mawawalang ng malay anong mang oras ng suntukin ni Gerardo ang aking tiyan, nanlalabo na din ang aking paningin. Wala man lang bang tutulong sa akin? Wala man lang bang magagawi sa kinaroroonan namin? Nandidiri ako, nandidiri ako dahil wala akong magawa habang hinahalikan ni Gerardo ang aking leeg at humihimas naman ang kanyang kamay sa aking katawan. Ito na ba ang aking wakas? Wala na ba talaga?

●●●●●●●●●

"Ipag-patawad niyo Ginoo ngunit hindi naisalba ang munting anghel sa kanyang sinapupunan." Sabi ng matandang manggagamot kay Simon.

"Hijo de puta!" Malakas na mura ni Simon habang nakatingin sa walang malay na si Cristina.

"Masyadong malakas ang pagkaka-suntok sa kanya kaya siya nakunan Ginoo, at tingnan mo ang itsura niya." Wika pa ng manggagamot at muling tiningnan ang dalaga. "Mukha siyang ginahasa."

"Hindi siya nagahasa, dumating lang ako sa tamang oras kaya nailigtas ko siya." Sagot ni Simon, galing siya sa Ildefonso para maghatid ng mga serbesa sakay ng kanyang kabayo, at dahil may mas pinaikling daan pauwi ng Santa Teresita ay sa bukana siya ng Hacienda Santillan dumaan. Doon niya narinig ang sigaw ng isang babae mula sa kakahuyan, akala pa nga niya ay guni-guni lamang niya ito. Pero nakakita siya ng kabayo sa di kalayuan. Agad niyang sinundan at hinanap kung saan ba banda may sumisigaw. At nahindik siya ng makita ang kalagayan ni Cristina na kanyang balak ligawan!

"Mas makakabuti kung isumbong niyo sa mga Guardia sibil ang tungkol dito, tiyak makakatulong sila para mahuli ang may sala. Baka mamaya ay magpa gala-gala pa dito sa Santa Teresita ang gumawa nito at may mabiktima pang ibang tao." Payo ng matandang mangggamot.

"Hindi maaari Ginang Celestina, ang anak ng Gobernadorcillo ang salarin." Sabi ni Simon, hindi niya akalain na ang anak ng ginagalang nilang Gobernadorcillo ay magagawang manakit at muntik pang manggahasa ng isang walang kalaban-laban na dilag. Agad niyang binunot ang kanyang itak ng makita niyang undayan nito ng suntok sa sikmura si Cristina, pero ang walanghiya ay nakipag-buno pa sa kanya at hindi nag-laon ay tumakbo sakay ng kanyang kabayo. Hindi ko alam ang gagawin ko ng magkulay pula ang suot na saya ni Cristina kanina, halos hubad na din ang baro nito. Mabilis ko siyang isinakay sa kabayo at dinala dito sa manggagamot na kilala sa aming Bayan.

"Kung ganoon Ginoo, itago mo muna ang dalagang ito. Makapangyarihan ang Gobernadorcillo at kaya niyang itanggi ang mga paratang mo sa kanyang anak." Huling sabi ng manggagamot habang nilalagyan ng dahon nang pansit-pansitan ang mga sugat at pasa ni Cristina.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen3h.Co