Truyen3h.Co

Miguel Santillan (COMPLETED)

22

Maribelatenta



Good evening! Pafollow po ng fb page ko. Maribelatenta din ang name. Salamat!

Merry christmas po sa inyo next week na ulit ang update! Salamat! Yung kape pala?🤭😂

Inis na binato ni Miguel ang tubig sa ilog, halos mag-dadalawang oras na sila dito ni Ernesto ngunit wala man lang siyang mahuli na isda. Mukhang wala siyang suwerte ngayong araw. Balak pa naman niyang mag-ihaw mamayang hapunan.

"Ano na namang sinisintir mo Miguel? Kay ganda ng araw ngunit ang iyong mukha ay hindi maipinta." Puna ni Ernesto sa kaibigan, nakaupo din siya sa isang malaking bato doon habang nakahawak sa pamingwit.

"Naiinis ako Ernesto.."

"Naiinis? Bakit naman?"

"Niyaya ko si Cristina na magpakasal ngunit tumanggi siya."

Napa-bulanghit ng tawa si Ernesto sa narinig. "Aba, buti naman kung ganoon! Nag-iisip pala talaga si magandang Binibini.." Ayun
pala ang sinisintir nito mula kanina, kaya pala nakabusangot!

Dumampot si Miguel ng maliit na bato at si Ernesto naman ang kanyang binato. "Anong nakakatawa doon? Alam mo bang nasira ang aking dignidad sa pagtanggi niya?" Aba isang Miguel Santillan na mayaman, Haciendero, kilala, magandang lalaki ay hamak na tinanggihan lamang ni Cristina? Hindi siya makakapayag!

"Tumigil ka nga, ano ba ang dahilan ni Cristina at tinanggihan ka?"

"Masyado daw mabilis kung magpapakasal kami, sabi niya pa ni hindi ko man lang daw siya niligawan."

Napatango-tango si Ernesto. "Sinabi ko na sa 'yo ang gusto ng babae ay ang sinusuyo at hindi dinadaan sa santong paspasan Miguel.."

"Pero mahal namin ang isa't isa kaya bakit pa kailangang patagalin?"

"Nandoon na tayo sa mahal niyo ang isa't-isa pero Miguel nais lang siguro maranasan ni Cristina ang suyuin mo siya."

Muling kumuha ng bato si Miguel at binato sa ilog. "Ganoon ba 'yon?"

"Oo, si Cristina ang klase ng babae na hindi mahilig sa materyal na bagay. At mag-pasalamat ka dahil ganoon siya."

"Eh anong gagawin ko?"

"Suyuin mo, iparamdam mo na mahal mo talaga siya at hindi ka nagbibiro." Payo ni Ernesto.

"Sigurado ka ba diyan?" Nag‐aalangan pang tanong ni Miguel.

"Siguradong-sigurado Miguel.."

Kinagabihan dumalo si Miguel sa isang pagtitipon na nasa bayan din ng Santa Teresita, at hindi lang si Ernesto ang kasama niya tulad ng nakagawian dahil ito nga ay kanyang katiwala. Kasama niya si Cristina ngayon.

"Nahihiya ako Miguel, lahat sila ay nakatuon sa akin." Bulong ko kay Miguel habang papasok kami sa bahay ng Alcalde, si Ginoong Armando. Kaarawan nito ngayong araw at inimbitahan si Miguel.

"Ganyan talaga Binibini, marahil ay ngayon lang sila nakakita ng magandang dilag na katulad mo." Bulong din ni Miguel, agad siyang binati ng maybahay ng Alcalde ng makita siya nito. Ilang sandali pa lumapit sa kanya ang alkalde na si Ginoong Armando na agad nakipag-kamay sa kanya.

"Magandang gabi Miguel, buti naman at nakarating ka sa aking kaarawan." Magiliw na sabi ng Alcalde na nakasuot pa ng kulay puting amerikana.

"Maligayang kaarawan Ginoong Armando, maraming salamat sa 'yong pag-imbita sa akin." Masayang bati ni Miguel.

"Walang anuman Miguel, ikaw pa ay aking makakalimutan sa ganitong kasiyahan? Aba hindi ijo. Sandali napakaganda naman ng dalagang kasama mo ngayong gabi Miguel." Tukoy ng alkalde kay Cristina.

"Siya si Cristina Ginoong Armando, nakita mo na siya sa aking mansyon noong bisperas ng pista. Kasintahan ko ang magandang dilag na ito." Buong pagmamalaking sabi ni Miguel habang magka-salikop ang mga kamay nila ni Cristina.

"M-magandang gabi ho Ginoong Armando, binabati ko din kayo ng maligayang kaarawan." Nahihiya ko namang sabi, ito ang unang beses na makadalo ako sa ganitong pagtitipon kung saan mga oligarko ang mga nandito.

"Salamat Binibini, ikinagagalak din kitang makilala. Halina kayo at doon tayo sa hapag." Pag-aya ng alkalde kila Cristina at Miguel.

Maraming pumuri sa suot na kulay dilaw na mestiza ni Cristina, lalo pa at siya lang bukod tanging ganoon ang kulay na suot na doon. Isa ito sa binili ni Miguel para sa kanya noong pumunta ito ng Maynila. Halos lahat ng mga naroon lalo na ang mga kadalagahan ay hindi makapaniwala ng ipakilala siya ni Miguel na siya ay kasintahan nito lalo pa ang mga bisitang naroon din na nagpunta noong bisperas ng pista sa mansyon ng mga Santillan. Alam ng mga ito na isa lamang siyang kasambahay.

"Napaka-suerte mo Binibini at kasintahan mo pala si Miguel, mayaman at napakakisig na binata." Sabi ng isang ginang na nasa hapag din.

"Oo nga, hindi talaga kami makapaniwala na kasintahan ka ni Senyorito Miguel sa pagkakaalam namin ay binata pa siya, o baka naman naglalaro lamang ang senyorito ng  apoy at ikaw ang kanyang kalaro." Makahulugang na turan din ng isang dalaga na tingin ni Cristina ay hindi nalalayo sa edad niya.

Binigyan ko sila ng isang ubod na tamis na ngiti, kanina ko pa ang mga ito napapansin na minamata ako. Dahil ba kasambahay ako ni Miguel ay hindi niya na ako puwedeng maging kasintahan? O dahil hindi ako galing sa mayamang pamilya kaya ganito sila.

"Oo nga marahil ay naglalaro lamang ng apoy itong si Senyorito Miguel at ang kasama niya ang kanyang kalaro.." Hirit pa ng isang dalagang naroon na siyang ikinatawa ng ilang mga nasa hapag-kainan.

Nakita ko ang pag kuyom ng kamao ni Miguel kaya mabilis niya itong hinawakan.
"Kung ganyan ang mga pananaw niyo mga Binibini ay wala na akong magagawa, oo isa akong kasambahay ni Miguel at may relasyon kaming dalawa at wala akong nakikitang mali doon. Ito ang unang beses ko na makadalo sa isang pagtitipon ng mga katulad niyong oligarko at mayayamang tao ngunit ito na din siguro ang huli." Pinag-salikop ko ang aming mga kamay ni Miguel, ano pa at naging si Cristina ako para pumayag lang na matahin ng mga ito. "Wala kayong alam tungkol sa akin maliban sa iniisip niyong pang-palipas oras lamang ako ni Miguel o hindi kaya ay salapi lamang ang habol ko sa kanya. Pero ako, turo ko pa sa aking sarili gamit ang aking isang kamay. Marami akong alam tungkol sa inyo. Ikaw, tiningnan ko ang babaeng nasa harapan ko nakaupo. Hindi ba ikaw ang hindi sinipot ng kaibigan ni Simon sa mismong araw ng inyong kasal? Dahil napabalitang isa kang kerida nang isa sa opisyal ng guardia sibil. Namumula na yumuko ang babae dahil sa sinabi ko. "Kilala din kita, tukoy ko ulit sa babaeng nagsalita sa akin ng hindi maganda kanina. "Anak ka ng isang negosyante, mayaman at pinag-aaral sa kilalang unibersidad sa Maynila ngunit wala ka pang natatapos na kurso dahil ikaw daw ay nabarkada. Sayang ang pinang-aaral sa 'yo Binibini, naka ilang lipat ka na ba ng kurso?" Tanong ko pa, aba libot na libot ko ang buong Santa Teresita dahil sa pagtitinda ko ng mga kakanin kaya alam ko ang mga kuwento ng mga tao dito. Hindi din naman madami ang populasyon ng aming bayan kaya magkakakilala ang mga tao.

"Tumahimik ka!" Saway ng babaeng nahihiya na ngayon dahil sa pinagsasabi ko, ito yung dalagang hindi sinipot sa mismong araw ng kasal at ang nakakahiya pa ay lalaki ang umayaw.

"Magaganda nga kayo walang duda doon, may mga kolorete pa ang mga inyong mukha at magaganda din ang inyong kasuutan ngunit hindi maitatago niyan ang kanya-kanyang mga baho sa katawan. Wala akong pakialam kung ano pa ang isipin niyo tungkol sa akin pero isa lang ang sasabihin ko, magpapakasal kami ni Miguel at hindi kayo imbitado!" Yon lang at niyakag ko na tumayo si Miguel, ngayon bahala sila mag-isip sa aking sinabi. Maski si Miguel ay hindi din nakapagsalita, lumapit ako sa alkade. "Paumanhin po Ginoong Armando hindi ko pa inaasahan na gagawa ako ng komosyon sa mismong araw ng inyong kaarawan. Hayaan niyo ho kayo lang ng inyong may bahay ang iimbitahan namin ni Miguel sa aming kasal." Magalang kong sabi, hindi ba Miguel? Tingnan ko ito at pinang-lakihan ng mata.

"Oho Ginoong Armando, iimbitahan ho namin kayo sa aming kasal ni Cristina. Maligayang kaarawan ulit at maraming salamat sa inyong pag-imbita ngunit kami ay mag-papaalam na."
Sabi ni Miguel.

"Sige, sige walang anuman 'yon, maraming salamat din sa inyong dalawa." Sabi din ng alkalde na hindi din makapaniwala sa balitang narinig.

Paglabas namin ng mansyon ay nakatingin lamang ako kay Miguel na nakangiti, doon sa labas ay nag-hihintay sa amin si Ernesto. "Anong nginingiti mo diyan Miguel?" Naiinitan akong nag-paypay ng aking abaniko.

"Wala lang.." Pigil na ngiti ni Miguel ng makitang magka-salubong ang mga kilay ni Cristina. "Wala ng bawian Binibini, mag-papakasal na talaga tayo."

"T-teka! Uy Miguel hindi yun totoo ano! Nasabi ko lamang yun dahil minamata ako ng mga naroon sa pag-titipon!" Sabi ko naman.

"Hindi puwede 'yan Cristina, siguradong magiging laman tayo ng balita sa buong Santa Teresita dahil sa sinabi mo kanina kaya dapat ay planuhin na natin ang kasal." Masayang inakbayan pa ni Miguel ang dalaga. Natutuwa siya kanina kung paano magsalita ito sa harap ng mga tao, lahat ay natahimik at lahat ay nakikinig sa mga binibitawang salita ni Cristina. Kaya ngayon mas sigurado siyang tama ang desisyon niyang ayain itong magpakasal, hindi basta-basta magpapatalo ang Cristina niya.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen3h.Co