Truyen3h.Co

Miguel Santillan (COMPLETED)

26

Maribelatenta



Short update. As in short update, baka kase makalimutan ko isulat kay sinulat ko na😅 wala pa bang magpapakape diyan? Baka naman mga people..

Masaya akong naglalakad pauwi ng mansyon, galing ako sa bahay ng aking ina dito din sa loob ng hacienda. Madami ang napag-bentahan ko ng mga inaning gulay ni ina sa Bayan. Kaya naman nakabili ako ng munting regalo para kay Miguel, isa itong panyo na mayroong burda ng isang agila. Siguradong matutuwa ito mamaya pag-uwi ko, ngunit agad din naglaho ang aking ngiti ng makasalubong ko ang taong pinaka ayaw kong makita. "G-gerardo.."

"Ako nga Binibini." At walang sabi na hinaklit ni Gerardo ang dalaga sa braso nito. "Kanina pa kita sinusundan alam mo ba? At ngayon nakakasigurado na akong walang Santillan ang tutulong sayo."

"B-bitawan mo ako!" Agad akong pumiksi sa pagkakahawak niya sa akin. "Tulong! Tulungan niyo ako!" Malakas kong sigaw at nag-babakasakali na may makarinig sa akin.

"Ngayon matitikman na kita ng tuluyan Cristina.." Nakangisi pang sabi ni Gerardo.

"Bitawan mo siya!"

Agad akong napalingon sa pinang-galingan ng boses. "Miguel.."

Binunot ni Miguel ang kanyang pistol mula sa kanyang beywang at itinutok ito kay Gerardo. "Walanghiya ka talaga, hindi mo talaga titigilan si Cristina!"

"Hindi mo ako magagawang barilin Santillan, anak ako ng Gobernadorcillo baka nakakalimutan mo." Mayabang na sabi ni Gerardo na hindi pa din binibitawan si Cristina.

"Diyan ka nagkakamali Gerardo dahil kaya kitang paslangin ngayon.""turan ni Miguel, buti na lang pala at sinundo niya si Cristina kung hindi baka kung ano na ang nangyari sa kanyang nobya.

"Masyado mo naman pinapakita sa akin ang pagka-hibang mo kay Cristina Miguel, bakit hindi mo siya ipahiram sa akin? Nais ko lamang na matikman siya." Hindi papaawat na sabi ni Gerardo.

"Pakawalan mo si Cristina Gerardo, sinasabi ko sayo hindi ako mag-kakamaling iputok sayo ang hawak kong baril." Nagkakandalaiti na turan ni Miguel, kita niya ang mahigpit na paghawak ng lalaki sa kanyang nobya.

Akmang hahalikan ni Gerardo si Cristina ng biglang magpa-putok si Miguel.

Gulat at takot ang aking naramdaman ng mabitawan ako ni Gerardo, may tama ito ng baril sa may dibdib.
Nilapitan ako agad ni Miguel at sinalubong ko siya ng mahigpit na yakap.

"Sssshhh.. huwag kang matakot Cristina, nandito ako." Sabi ni Miguel sa dalaga habang tinitingnan si Gerardo na duguan. Akala yata nito ay nagbibiro pa siya kanina. "Ernesto, tumawag ka ng Guardia sibil para ibalita ang nangyari sa hayop na yan. Hinding-hindi nila ako maaaring kasuhan dahil walang paalam na pumasok sa aking Hacienda si Gerardo."

"Sige Miguel, pupuntahan ko." Agad umalis si Ernesto sakay ng kanyang kabayo, buti na lang sinundan niya si Miguel kung nagkataon malalagay ito tiyak sa alanganin.

Wala akong nagawa ng yakagin ako ni Miguel pauwi ng mansyon, hindi ko alam ang aking sasabihin. Ito ang unang beses na nasaksihan ko ang ganito, hindi ko alam na marunong pala talaga si Miguel humawak ng baril, at mas lalong hindi ko alam at wala akong ideya kung buhay pa ba si Gerardo.

"Cristina.." tawag ni Miguel sa dalaga ng makarating sila ng mansyon. "Natatakot ka ba sakin?" Hindi niya maiwasang itanong.

Mabilis akong umiling, alam kong hindi gugustuhin ni Miguel ang ginawa niya kanina at wala lang itong pag-pipilian. Pero ang ikinakabahala ko ay ang pagdating ng Gobernadorcillo at mga Guardia sibil dito sa mansyon ni Miguel. Siguradong pupuntahan sila ng mga ito dahil sa nangyari kanina. "H-hindi ko na alam ang gagawin ko kung hindi ka dumating kanina Miguel." At niyakap ko ito ng mahigpit.

"Masama na kung masam pero isa lang ang hiling ko, sana bawian si Gerardo ng buhay." Seryosong turan ni Miguel, hindi siya nakokonsiyensya na nabaril niya ito kanina, tama lang ang ginawa niya. Kahit papaano ay masasabi na naipag-higanti na niya ang kanila sanang magiging supling ni Cristina. "Lagi mong tandaan Binibini na poprotektahan kita hangga't sa kaya ko." Hinalikan pa ni Miguel ang ulo ng dalaga, ngayon ang tanging gagawin niya ay hintayin ang pagdating ng Gobernadorcillo at mga Guardia sibil.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen3h.Co