Chapter 20
Chapter 20
Natalia
Hindi ko alam ang sasabihin.Hindi ko din alam ang iisipin.Ano kaya ang pakiramdam ni mama ngayon?
I put down my ballpen. Gumagawa ako nang assignment namin. Napatingin ako sa cellphone ko. Nagring iyon at lumabas ang pangalan ni Damon.
Matapos kaming kumain kanina ay agad pumasok si mama sa kwarto niya. Hindi ako nagtanong. Maski ako ay takot kung ano ang maririnig at makitang reaksyon ko mula kay mama.
Bakit ang pait nang tadhana namin? Ayokong makitang nasasaktan si mama. Kung pwede na ako nalang masaktan.
I took a deep breath bago ko sinagot ang tawag ni Damon.Nasa kwarto ako nasa gilid ng kama ko sa may maliit na mesa na may silya nag aaral..
"Hello?" I answered and bit my lip. Kumalabog ang puso ko nang marinig ang hininga niya sa kabilang linya.
"How are you?" Umahon ako mula sa upuan at umupo sa aking kama. Kinuha ko ang unan at niyakap.
"Maayos naman,ikaw?"
"I miss you." Walang pakundangang sabi nito.
Napangisi ako at binaon ang mukha sa aking unan. Damn it! Parang maiihi ako sa kilig!
"Baby.." He called me using his husky voice.
"Mm?"
"Don't you miss me?" Tanong nito sakin. He's so clingy! hindi ko alam na ganito siya mglambing! sobrang seryoso pa 'rin ng boses!
Napahilig ako sa headboard nang kama ko.
"Miss din nga kita."
He chuckled..
"May I go tommorow there?" He asked. Parati niya akong sinasabihan na gusto niyang magpakilala sa mama ko. Hindi ko alam kung anong klaseng pakilala yun!
Napalunok ako.
"Damon, ano kasi.." I think it's not the right time. Nasaktan ngayon si mama dahil kay papa. Hindi ko alam ang magiging reaksyon niya pag may pinakilala akong lalaki.
"I understand.."
"Sorry,pero sa ibang pagkakataon pwede na siguro." Pambawi ko.
"I can wait.I love you."
Lumaki ang mata ko sa narinig at muntik nang mabuitawan ang aking cellphone.
Ito yung pangalawang pagkakataon na sinabihan niya ako ng 'I love you' .
"I love you too.." Napakagat labi ako. Ito yung unang pakakataon na nagpalitan kami nang I love you.
My night went so soft like a clouds. Ang gaan ng pakiramdam ko. Alam ko na may bagay na hindi permanente. Siguro kung may gusto akong panatilihin...ito na 'yon.
Nagising ako kinaumagahan na maganda ang mood. Naligo at nagbihis ako ng pambahay na t shirt at short.
Pagkababa ko ay nabigla ako nang makita si mama na bihis na bihis. She looked so pretty cool in her sleeveless tops and fitted jeans. Ito yung binili namin kahapon. Napuna ko din na ginamit niya ang make up na binili ko kahapon sa kahapon.
Atleast,she's fine.
"Goodmorning ma.." Bati ko kay mama.
Agad niyang nilapag ang fried rice at omelette sa mesa.
"Goodmorning hija."
She smiled genuinely. She's really okay? I did'nt expect this. Akala ko ay tulad na naman ng dati.Magmumokmuk at haggard pero ngayon...mukhang magka edad lang kami.
"May pupuntahan ka ma?" tanong ko.
Tumango siya at ngumiti.
"Oo anak. Alam mo kasi magtatrabaho ako sa kompanya nang tita Tessa mo.Ngayon niya papakita sa akin ang building.."
Si tita Tessa ay pinsan ni mama na maginhawa ang buhay. Ang alam ko ay may kompanya sila at may mga jewelries branches sa ibat ibang lugar.
"Magtatrabaho ka na ma?"
Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o mababahala.
She held my hand. "Anak mas lalo akong magkakasakit kung dito lang ako sa bahay. Tsaka studyante ka palang! Dapat ako ang gagastos sayo.."
"Pero mah-"
"Anak..please.." pinisil niya ang kamay ko.
Okay ,kung ito yung gusto niya. As long as she is happy. Susuportahan ko siya, para na rin makalimot siya.
Alam kong wala nang pag-asa sila ni papa eh. Alam ko rin na mahirap na muli magtiwala sa taong nagtaksil. Kahit na mahal mo at dahil na 'rin sa sakit kaya takot ka nang sumugal ulit.
Dahil nga linggo ay wala akong ginagawa. Dahil may pinuntahan din si Damon at pinagbawalan niya akong lumabas.
At dahil loyal ako,naglaba at naglinis ako ng bahay.
Pawis na pawis ako nang pumasok sa bahay.Tapos na akong magbilad nang mga damit na nilaba ko.Nagulat ako nang tumunog ang isang cellphone sa tabi ng vase.
Cellphone ni mama to ah. Naiwan niyaa!
Kinuha ko iyon at mas nagulat nang numero ni papa ang nakita ko. Kinabahan ako pero sinagot ko iyon.
"Hello pa." I answered.
He sighed heavily.
"Nasaan ang mama mo anak?"
Namuo agad ang luha sa aking mata.
Really? ngayon hinanap mo? ngayon may pake kana? After two years? ngayon niya lang hinanap si mama!
Nagptakan ang aking luha.
"W-Wala.. siya dito." nanginig ang boses ko.
"I'm so sorry... a-anak.I'm so sorry.." Papa said. Halos tumagos sa akin ang sakit at pangungulila na narinig ko ang boses niya.
Parang nawalan ako nang lakas at napaupo sa sofa.
Noong bata pa ako ay hatid sundo ako sa school. Kakampi ko siya kung pinagalitan ako ni mama. He's my comfort zone.
Ang hirap lang dahil nawala na 'yong comfort zone ko ngayon. Masakit rin ito sa akin pero nagpapakatibay ako.
"Pa t-tama na p-please.."
"Alam ko anak pero-"..
"Sabi mo huwag na kitang tatawaging ama kaya sana huwag na huwag mo rin akong tatawaging anak."
Binagsakan ko ito ng tawag at napaiyak nalang.
Parang bote lang iyan eh. Once nabasag ,wala nang pag -asa na maibabalik pa sa dating ayos. Kung ayaw mong masugatan,wag na wag mong hahawakan.
Kinabukasan ay lunes na. Damon said he can't fetch me.Dahil may emergency daw. Nag aabang na ako nang taxi sa labas nang gate namin nang tumunog ang cellphone ko.
"Hello?" I answered..
"Where are you?" Damon ask worriedly. Nangunot ang noo ko nang makarinig nang sigawan sa kabilang linya.
Damn! ano yun?
"N-Nasa bahay! anong nangyayari diyan?"
" Stay there!" Umalingawngaw ang isang putok nang baril hanggang nasundan pa iyon.
Oh my god!
I panicked.
"Damon! 'nasan ka? anong nangyayari diyan?" Hindi ko alam ang gagawin ko. Wala akong alam sa nangyayari.
"Wag kang pumasok! Diyan ka lang! wag kang pumasok!" Agad namatay ang tawag.
Halos sabunutan ko ang sarili
ko at pumasok sa loob nang bahay.
I'm sweating bullets!Bakit may sigawan at barilan? Dinial ko agad ang number ni Ruru.
Isang ring lang ay sinagot niya.
"He--".
"Oh my god! Zands? Nasaan ka? Ha?"
"Nasa bahay pa ako Ikaw? Nasa school ka ba?"
"God! Nagkabarilan dito! Nandito kami sa library ! siksikan kami!"
"Ano? bakit?" Oh my god! 'napano si Damon kung ganon?
" Sebe's girlfriend! Nasaksak daw siya! sinugod sa ospital! hindi ko alam ang buong storya! wag kanang pumasok! delikado!"
Wala sa sarili akong napamura.
"Eh si Damon? Nakita mo siya? "
"Oo! Siya nagdala kay Natalia sa ospital."
Medyo kumirot ang puso ko. Hindi ko alam pero nasasaktan ako dahil alam kong si Natalia ang una niyang minahal.
"K-Kamusta siya? May sugat ba?"
"Wala Zands! He's fine. Sige mamaya kana tumawag ha? Ang sikip dito."
"Okay," Hindi dapat ako magconclude nang kung ano. Wala pa akong alam .
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen3h.Co