Chapter 22
Chapter 22
Bumagsak ang luha
Umahon ang panibagong araw at nagsimula ang bagong umaga. Dahil unang petsa ng Setyembre,malamig na ang simoy ng hangin.
Hinawi ko ang kurtina nang aking kwarto sa pangalawang palapag ng bahay. Alas sais palang ng umaga ay gising na gising na ang aking diwa.
Hindi ko kilala kung sinu-sinong kaibigan iyon. Nangangamba din ako kung ano ang idadahilan ko kay mama. Kinakabahan rin dahil ito yung unang pagkakataon na luluwas kami ng Maynila ni Damon kasama ang mga kaibigan niya.
Halo halo ang nararamdaman ko. Kaba at excitement. I washed my face at nagtoothbrush bago bumaba. Hindi pa ako maliligo mamayang hapon nalang pag aalis na kami ni Damon.
Napangisi ako nang hawakan ang aking labi at kinilig. I imagined how Damon bit and sucked my lips.Darn it! Naaadik na ako sa halik niya.
Napa face palm ako at nakita kong namula ang aking pisngi.
"Nababaliw na ako."
Impit na sabi ko sa sarili at napapadyak.
"Anak?" Isang katok sa aking banyo ang napaigtad sa akin.
"M-Ma?"
"Mag almusal ka na. May dapat tayong pag-usapan." Striktaang tono ni mama kaya napakunot noo ako.
"O-opo..susunod ako."
Nag bihis ako nang pang bahay at lumabas ng kwarto upang tumungo sa hapag kainan.Nadatnan ko si mama na ayos na ayos at ready nang pumasok sa kanyang trabaho.
"Good morning ma.."
Bakit kaya parang galit siya?
"Good morning maupo ka na.. "
Like the usual. She gave me a milk. Kumuha din ako sa pancakes at nilagyan ng maraming syrup.
"Zandria anak may hindi kaba sinasabi sa akin?" Aniya ni mama nang makaupo na sa aking harap.
Bumundol ang kakaibang kaba sa akin.
"P-po?"
She closed her eyes tight. Sumandal ito sa sandalan ng silya at tinignan ako nang mabuti.
"Nakita kita kagabi." My eyes widened. Parang tinakasan ng dugo ang aking mukha at nanlamig iyon.
What?
"P-po?" Kinakabahan ako ng sobra.
Napahampas siya nang mahina sa mesa.
"Sagutin mo ako Qluie Zandria! You know what I mean.."
I bit my trembling lips.Nakikita ko ang galit at disappointment sa mukha ni mama.
"I'm sorry.." tanging nasabi ko at yumuko upang paglaruan ang aking daliri.
Her eyes became bloodshot.
"Nakita kita kagabi! Pumasok ka sa isang sasakyan! At bakit biglang namatay ang ilaw 'don sa loob ha? Sino ang kasama mo doon?" Natigalgal ako sa sinabi ni mama mas lalo akong kinabahan.
"S-sorry po.. m-may boyfriend na p-po ako."
Her lips parted and she gasped.
"So you mean...siya yung kasama mo kagabi sa labas? "
I nodded nervously.
"Opo ma."
"Oh my god..." She mumbled and massaged her temple.
"Dalaga ka na talaga. M-May boyfriend kana at hindi mo man lang pinapasok dito sa bahay? Hindi mo pinakilala sa akin? Zandria naman! I am your mother! Dapat kong makilala ang boyfriend mo!"
Lahat ng kaba ko ay natapon papuntang bintana dahil sa sinabi ni mama.
"Ma akala ko kasi magagalit ka sakin at akala ko kasi ayaw mo akong magka boyfriend dahil sa nangyari sa inyo ni papa." I explained.
But she smiled at napawi ang nakadagan sa pakiramdam ko.
"Hindi porke nag kahiwalay kami ni papa mo pipigilan kita sa mga nagpapasaya sayo. Gusto kong makilala yang boyfriend mo." Sumubo ito ng pancakes.
"Si Damon Montemayor po ang boyfriend ko ma.."
Napapikit ako nang naibuga niya ang pancakes at napaubo . Agad kong inabot sa kanya ang baso ng tubig.
"Ano? Montemayor?"
"Opo ma."
"S-sino? Ang panganay o ang pangalawa?" Tanong ni mama. Bakas sa mukha ang bigla.
"Pangalawa po ma."
She nodded na parang may natanto.
"Yung anak ni Raymundo at Sonya?"
Ofcourse ,kilala ni mama dahil magkaibigan sila ni Madam Christina na asawa ni Don Raymundo.
"Oo mama.."
Napabuga siya nang hangin.
"Maldita ang mama niya anak. Classmate yan dati namin at dating kaibigan ni Christina.." Napailing siya.
"Sabihin mo kay Damon kailangan ko siyang makausap. Sa Sunday na day off ko marami akong trabaho ngayon.."
I smiled.
"Opo mama salamat po.."
Naging mabilis ang oras at lalo akong naeexcite. Bago umalis si mama nag paalam ako sa kanya ng maayos na sasama ako kay Damon sa Batangas at magdadala ako ng damit. Pinayagan niya ako.
Ang usapan alas tres niya ako susunduin. Hindi pa dadating si mama sa 'ganong oras dahil alas otso ang off niya.
Kumuha ako ng isang bagpack na kulay maroon at pumili ng damit na magagamit. I'll bring my floral dress: two pairs of bikinis dahil beach daw iyon. I'l bring: flipflop ,undies ,shorts and tees.
Kasyang kasya lang sa isang bag ko. Two thirty na ng nagpasya akong maligo. Pagkatapos ay nagsuot ako nang white spagetti fitted top at ragged skinny jeans. Pinaresan ko ng black slip on shoes.
Habang harap sa aking tokador ay naghanap ako ng liptint na dadalhin. I chose the pink and red.
Naglagay din ako sa labi at mascara sa pilik mata. I bit my lips when I saw my own reflection. Hinayaan ko lang ang buhok na nakalugay at medyo basa pa.
Effort Zands huh?
Ilang sandali pa ay nagring na ang cellphone ko at parang lumundag sa excitement ang nadarama ko ng si Damon ang tumawag.
"Damon.."
He chuckled.
"Ready ka na? I'm outside.."
Napangisi ako.
"Oo,wait lng.."
I turned off the call and took my bag immediately. Iniwan ko sa paso ng bulaklak ang susi ng bahay na alam na ni mama na nakagawian ko. Kaya dito niya hahanapin mamaya ang susi.
Pagkalabas ng gate ay natanaw ko agad si Damon.He's wearing a black sando at gray khaki short. I shivered when I saw his tattoed arm. And the one on his right chest na bahagyang nakasilip sa sando nito.
Nakablack cap din ito at naninigarilyo nang makita niya pero tinapon din agad nito nang makita siya.
He's aura screaming with badboy look and hotness.
"How's your day?" Bati nito sa akin. Kinuha niya ang bag ko at nilagay sa backseat. He opened the frontseat for me.
"Okay lang,Ikaw?" Sumampa agad ako paupo at nakitang may mga supot ng pagkain na nasa dashboard.
Nanatili itong nasa labas nakatayo tulad ng kagawian nito. Medyo sinara nito ang pinto ng kotse at lumapit sa kanya.
"Fine...ready?"
"Ready.."
Damon bit his lips and closed the door. Umikot ito at pumasok na rin. Nang makapasok ay tumingin pa ito sa kanya ng ilang sandali.. na kinataka niya..
"Bakit?"
Damon licked his lips and leaned closer me.
"Just one kiss please.." he huskily said.Sobrang lapit nito na naaamoy niya ang halong sigarilyo at mint.
Dinampihan ako ng nito ng banayad na halik.
Ang banayad na halik na nauwi sa mapusok. Parang mawawalan na ako ng hininga.
"I really can't wait to do you.." he whispered something na hindi ko halos marinig.He started the engine at tinahak na namin ang daan pa Batangas.
Gusto kong markahan ang araw na ito. Hindi ko mabilang kung ilang beses kong nakitang ngumiti ito ngayon na once in a blue moon ko lang makita noon.
Inside those pair of dark mysterious eyes ay malambot din pala na Damon.I like him better that way.Hindi iyong dati na maangas at parang manununtok.
Habang nakatitig ako sa kanyang mukha at sabayan ng malamyos na musika mula sa stereo nang kotse niya ay unti unting bumigat ang talukap ng aking mata at tuluyang nakatulog.
Hindi ko alam kung ilang oras akong nakatulog at naalimpungatan sa isang kamay na banayad na humihimas sa aking pisngi.
Silaw mula sa labas ang sumalubong sa aking mata. Agad kong nakita ang mapupungay na mata ni Damon at hinahaplos ang aking pisngi.
Sobrang lapit nito sa akin. nakahilig na pala siya sa bintana ng kotse.
Aangat na sana ako pero hinalikan ni Damon ang noo ko.
"Sleepy?"
"Hindi na..."
"Hungry?"
"Hindi rin, nabusog ako sa kinain natin sa biyahe..."
"Okay.. " umalis ito at lumabas . Umikot ito upang buksan ako nang pinto.
Amoy na asim ng dagat at gangis ng alon ang sumalubong sa amin.May lumapit kay Damon na nakaunipormeng lalaki at kinuha ang susi ng kotse nito.
Nasa Entrance kami nang isang Resort na May pangalan na "Radz Resort".
Hinawakan ni Damon ang baywang ko at inakay papasok.May kinausap ito sa cellphone nito.
Habang papasok ay may nakakasalubong kaming mga turista. Ang mga babae na nakakasalubong ay napapatingin pa ng matagal kay Damon.
May nakita akong mga Resto sa paligid. May mga magagarang bar din. May mga nakahilerang bunggalow for rent na naka harap sa dagat.
Nakaramdam ako ng excitement.
"We're here.. yeah.." binaba nito ang tawag at dumiretso kami sa mga nakahilera na bunggalow.
"Damon.." Tawag ko dito. Pinagsiklop nito ang aming kamay.
"Hm?"
"Sayo ang Resort na to?"
"kay Radleigh.."
Huminto sila sa isang bunggalow na mas malaki pa sa iba.Bumungad sa amin ang sala. There's a flatscreen on the front of brown porch. Sa gilid ay wall glass na tanaw ang karagatan.
May two seater table sa dining area at kumpleto sa gamit. Maaliwalas at napaka refreshing sa loob. May isang maliit na chandelier sa itaas. Matibay na kahoy na hagdan patungong pangalawang palapag.
Kinabahan ako ng tingnan ako ni Damon at nilock ang pinto.
Oh god... hindi ko naisip na maari pala kaming matulog sa iisang kwarto dito. I gasped when Damon hugged me. Hinila niya ako paupo sa sofa.
Halos makitilan ako ng hininga.
"D-damon.."
"Hm?" Gumapang ang labi niya sa tainga ko kaya napapikit ako ng mariin.
"I-Ilan ang kwarto dito?"
"Isa lang..."
"Ha? B-bakit?"
Damon chuckled.
"Why so scared?"
Tinampal ko ang balikat nito.
"Natural! B-baka may...may.." Hindi ko matuloy ang aking sasabihin at napa face palm na lamang ako.
Damon barked out a laughed.
"Okay sa couch ako ikaw sa kama. Is that fine?"
I nodded."Fine.."
"But I can't promise.. okay?"
"Huh?" Napamaang ako.
Ngumisi ito. "Nothing.Change your clothes upstairs. We'll meet my friends.."
"Okay.." Tatayo na sana ako ng hilahin niya palapit sa kanya kaya pumaibabaw ako sa nang humiga ito sa sofa.
"Damon!" Nagpumiglas ako.
"One kiss baby,please.."
"H-huh?" Ramdam ko ang pula ng pisngi ko.
"N-Nakahalik ka na kanina." Gusto kong tumanggi dahil kinakabahan ako lalo na't kaming dalawa lang dito.
He frowned.
"Wag mong pagdamot ang labi mo sakin Zandria."
Sabi nito at wala na akong nagawa nang hawakan niya ang pisngi ko at hinalikan ang aking labi.
Nasa ibabaw niya ako. Hawak niya ang baywang ko at ang isang kamay na nakahawak sa pisngi ay dumausdos rin pababa sa kabila kong baywang.
Napahawak ako sa matigas niyang dibdib nang lumalim ang halik niya. Isang higlap ay kinabig niya ako at ako na sa ilalim sabay nang pag angat niya ng aking damit.
Pinigilan ko ang kamay niya.
"Damon. "
"Fuck.." Umupo siya bigla at napa facepalm na tila frustrated ito.
"I'm sorry baby.."Inayos nito ang napaangat kong damit.
"Okay lang."
Naging mabilis ang pangyayari. I am wearing my floral dress na spagetti strap at pinaresan nang flat sandals.
Pumasok kami sa isang Restaurant na sakop ng Resort. Sa malayo ay nakita ang grupo na nakasakop sa pahabang mesa na pamilyar ang mukha sa akin.
Nagtatawanan ang mga ito pero napahinto ng makita kami.
"Damon.." Tawag ng lalaki kay Damon.
Natahimik ang mga babae na puro magaganda. They are wearing a see thru dresses at bikini sa loob nito. May mga hawak ito na polaroid camera. Bigla akong nanliit sa sarili ko..
Sumipol ang isang lalaki ng ipaghila ako ng upuan ni Damon . Kinakabahan ako nang humarap sa kanila.
"Woah, first time.."
"Shut up Jed." Damon hissed.
"Who's she Damon? Care to introduce?" The other girl smiled at napatingin sa gilid niya. Nandoon ang isang babae na nakataas ang kilay at tanging si Damon lang ang tinitingnan.
"Zandria, my girlfriend. Zandria,my friends ,Jedd,Martin,Brandon,Jenner , Anne and Venice." Damon introduced them.
Nakita kong siniko ni Anne si Venice kaya napatigil ito na tingnan si Damon.
"Uh hello."
"You're just first year college right? Minsan na kitang nakitang kasama ni Damon sa campus e.." Jenner started a topic.
"Oo."
Nag umpisa na kaming kumain.Nagkikuwentohan ang mga ito . Si Damon ay kinausap ni Brandon kaya doon ito nakatingin pero ang kamay nito ay nakayakap sa akin.
Simula pa kanina ay nagtataka na ako sa pag iirap ni Anne at pagtingin tingin ni Venice sa akin.
Isa lang ang alam niya. Hindi siya nito gusto.
"Oh really? First year ka pa lang?" Anne said dramatically. "Ang bata mo pa.. tsk tsk.."
"Anne." Venice chuckled. "Walang basehan sa edad pag gusto nang lumandi.."
"Venice stop it. " Damon warned.
Nagsipulan ang mga lalaki.
"Stop being childish Venice.Move on." Jed butted in.
Napairap si Venice.
"Fine.." Padabog itong kumain. 'Ganon rin si Anne.
Umirap naman si Jenn sa kanila. "Dont mind them Zandria." She smiled to me.
Si Jenn ay isa sa mga bestfriend ni Natalia. palagi ko silang nakikita noon sa School.
Damon sniffed my shoulder.
"I'm sorry baby.Are you okay?" He asked me. Tango lang ang sagot ko dito.Nababanas na ako sa kakatingin ni Venice.
Pagabi na at nandito na kami sa cottage sa gilid lamang ng dagat.Nakajacket na ako dahil pinasuot ito ni Damon sa akin.
Nagsisipulan ang mga kaibigan ni damon pag nakakakita nang mga babaeng sexy.
Katabi ni Martin si Jenn habang katabi ni Brandon si Anne. Nakita ko pa na saan saan na dumadapo ang kamay ni Brandon kay Anne na medyo lasing na. Ang alam ko ay hindi naman sila e. Si Venice naman ay prente lang at kinakausap naman ng kasama namin.
Nakayakap ang kamay ni Damon sa aking baywang. Kumakalas lang ito pag iinom na ng shot niya. Amoy na amoy ko ang alak sa hininga niya.
"Come on Dame. One shot for your girl.Isa lang promise." Pilit ni Anne mula pa kanina.
Napailing si Damon.
"Hindi pwede Anne." Diin na sabi nito.
"Ang daya naman lahat tayo nakainom tapos siya hindi? How conservative." Umirap si Venice pagkatapos niyang sabihin iyon.
"You have no say on this Ven."
Venice chuckled.
"Oh! I missed you calling me Ven."
"Shut up Venice Marie don't ruin the night." Sabi bigla ni Jenn na ikinataka ko. Nag taas ang kilay ni Ven.
Napapikit ako at suminghap.
"Okay,I'll take the shot."
Naghiyawan sila.
"Zandria.." Tiningnan ako ni Damon ng masama at humigpit ang yakap nito sakin.
I smiled.
"It's okay Damon."
"Daming satsat! Oh.. eto.." Nilapag ni Anne ang shot ng mojito.
Pero kinabig lamang iyon ni Damon.
"Damon.. "
"Sabing hindi puwede." he warned.
Hinawakan ko ang kamay niya na hawak ang mojito.
"Please.." malambot na sabi ko.
Ang pula niyang mata ay pumungay at pumikit ng mariin.
"One shot and you're done.." sabi nito at nakaigting ang panga.
Kinuha ko ang inumin at walang sabi na ininom. Nalukot ang mukha ko ng mainom ito . Mainit sa sikmura at mapait.
Binigyan ni Damon ng juice kaya ininom ko rin iyon upang mawala ang lasa ng mojito.
"You okay?"
"Oo naman.. isa lang naman iyon."
Halos hindi ko na makita ang iba niyang kaibigan dahil itinago na ako ni Damon gamit ang katawan niya. Nakasandal ako sa upuan at nakaharang ang katawan niya sa akin.
"Mapait pa rin?" He asked.
"Oo e." Napapikit na ako dahil umiikot ang paningin ko.
"Let me do something about it.." He huskily whispered and I felt his lips brushed my lips.
Napasinghap ako dahil alam kong makikita kami ng kaibigan niya na nasa harap lamang namin.
Nagsipulan ang mga lalaki at humalakhak. Damon did'nt stop the kiss kahit tinutulak ko na siya.
"D-Damon." Sakop niya parin ang labi ko.
"Get a room!" Narinig kong hiyaw ni Brandon.
Nabigla kami ng bumagsak ang mga bote sa mesa. Napatingin kami sa kay Venice na umiiyak.
"Damon lets talk! Hindi mo na ako kailangang pag selosin!." Umiiyak ito.
What? Pagselosan? Lets talk? Ano ba siya ni Damon?
"Nagseselos ang ex.." Jenn mumbled.
"Shut up Ven." umigting ang panga ni Damon.
"Damon please! lets make up. Mahal kita.."
Parang bumagsak ako nang milya milya galing sa napakataas na bangin.
"W-what's the meaning of this?"
"You bitch! I'm his girlfriend for fuck sake! Damn you!" Ven screamed at naging hudyat iyon upang bumagsak ang luha ko.
Napayuko naman si Damon at napahilot ng kanyang noo..
"Shut up!" Sigaw ni Damon ang nagpagimbal sa amin at halos tumaub ang mesa sa sapak nito.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen3h.Co