Truyen3h.Co

Mistakes

Chapter14

frezbae


Chapter 14
Bawiin

Mabilis umusad ang mga araw. 'Nasa punto ako na akala ko panaginip lang ito lahat. Hindi parin ako makapaniwala na 'yong taong hinahabol habol ko noon ay hinahalikan at nahahawakan na ako. Hindi ko pa man tumbok kung ano kami pero sapat na ito sa akin para maging masaya.

Hinahayaan ko siyang halikan ako dahil mahal ko siya. Dadamdamin ko nalang ang mga panahon na ganito kami.Nagising sa isang panibagong umaga at naligo na ako at nagbihis.

Habang nagsusuklay ay napangiti ako nang nagtext si Damon.

From Damon:Goodmorning.Susunduin kita...

Malapad ang ngiti ko nang bumaba. Tinignan ko ang aking wallet. Isang libo ang pera ko . Hindi ko alam kung paano ko ito ipagkakasya sa isang buwan.

'Nong kailan ay nakabayad lang ako sa exam dahil nakautang si mama sa kapatid niya.

Mamaya dadaan ako sa isang bakeshop na aapplyan ko. Nag ha hire kasi sila nang cashier.Siguro pwede naman ako doon.

Pagkababa ko ay agad kong nakita si mama na pinupunasan ang kanyang luha. Tinago niya iyon sakin pero huli na dahil nakita ko na.

Bumuntong hininga ako. Ilang buwan na ganito. Umiiyak siya palagi. Nanatili ako nakatikom. Ayokong magtanong pero ang hirap magbulag bulagan at magbibingi bingihan.

"Anak! Gising ka na pala.Ayan ang pagkain mo.."

Ang ngiti niya halos pinipiga ang puso ko.


"Gusto mo ng gatas?"


"Opo ma.."

Kumuha siya sa fridge ng fresh milk at nagsalin sa baso. Nilagay niya iyon sa harap ko at umupo.

I lost my appetite.Tamad kong kinain ang hotdog at fried rice.Si mama ay nagsimula naring kumain.

"Ma alam kong may problema.."
Huminga siya nang malalim at uminom ng tubig.

"Pasensya anakdapat ay hindi mo ito malaman e. "

Umayos ako sa pagkakaupo.

"Mah, narinig ko.May iba na siyang pamilya? Paanong--".

Pinutol niya ako.

"Anak.. " Namuo ang luha sa mata niya kaya tumayo ako at niyakap siya.

Dinig ko na ang hikbi niya at pagbalik nang yakap niya sakin. Halos pinupunit ang puso ko.

"Anak, I'm sorry.Iniwan na tayo ng papa mo. May iba na siyang pamilya.." Pumikit ako nang mariin at hinagod ang kanyang likod.

"Ang hirap.." Sabi niya.

"Kaya natin to. Wala akong alam sa lahat na nangyari. Kung may eksplinasyon man si papa mali parin ang ginawa niya sa atin." Tuluyan ng bumagsak ang aking luha.

"Don't worry ma.Magpapart time job ako. Tutulong ako sa gastusin. ".

Nagprotesta si mama doon pero determinado na ako.

Pagkabukas ko palang nang gate ay agad na nakita ko si Damon. Nakahilig sa kanyang kotse habang naninigarilyo.

Nakikita ko yong tattoo niya.Tribal art iyon ng pangalang Montemayor.

Tinapon niya ang kanyang sigarilyo ng makita ako. Dahan dahan akong lumapit sa kanya. Binuksan niya ang pinto nang frontseat.

Tiningnan ko din siya.
"Lets go?"

Umigting ang panga niya. Umiihip ang pang umagang hangin kasabay ang paghaplos niya sa aking pisngi.

Bahagya niyang sinarado ang pinto nang kotse para hindi ako makita sa labas. Nasa headrest ang kamay niya at ang isa ay humaplos sa aking pisngi.

Kumalabog ang puso ko.

"Umiyak ka." Aniya bigla.

Hindi ko na kailangan ang mag deny dahil may ebidensya.

"May problema lang kasi."

"What is it?" Mas lalo siyang lumapit. He tucked some of my hair.

Umiling ako.

"Family problem ."I smiled.

He looked so worried. Kita ko sa mga mata niya ang kagustohang malaman ang naiisip ko.

"Gusto kong malaman.Pero ayokong pilitin ka." Mas lalo siyang lumapit sa akin.

Siniil niya ako nang halik na halos umurong ang aking ulo sa headrest. Tila palagi siyang gutom sa halik.

Iiyak ang araw na magkasama kami na walang halikan na ganap.

So dapat ba na masanay ako ?

Sobrang kinakabahan ako sa mga oras na nandyan siya. Tila may halimaw ang aking sikmura.

Hingal na hingal ako nang tinapos niya ang halik. Mapupungay ang mata ko na tinignan siya.


"Kumain kana?" He asked while driving.

Tumango ako.

"Oo..ikaw?"

Tumango siya.

Nakita ko siyang tinitingnan ang aking legs. Bigla akong kinabahan nang maalaala ang ginawa niya sa akin sa library 'nong kailan.

Alam ko naman na aggresibo siya e. Halata naman sa mukha niya.

"Are you wearing a short?"

"Oo.." Tipid na sagot ko.

"Good, ayusin mo ang palda mo kapag umupo ka. Takpan mo, ayokong makitaan ka." Seryosong sabi niya habang sa daan ang tingin.

Dahil sa sobrang kaba hindi na ako nakasagot.

"Hear me Qluie Zandria?" He called me in my complete name!

Nakatingin na siya sa akin.

Napakurap kurap ako.
"Ah-- Oo.."

He sighed binalik sa daan ang tingin.
"Good."

Hinatid ako ni Damon sa classroom. I'm a minute late. Pero pinapasok ako nang prof nang makita na si Damon ang kasama ko.


Nang hapon pumunta ako sa sweetbakery at nagpasa ako nang Resume.

"So nag -aaral ka sa HMU? Scholar?" The manager asked. Nasa loob kami nang office niya mismo dito sa Sweetbakery.

"Uh opo.."
Nakasuot pa ako nang uniform.


"Anong oras ang uwian mo sa hapon ?"

" Alas tres po."

"Kaya mong ipagsabayan ang school at trabaho?"

"Opo! Sanay naman po ako sa mga gawain." Sabi ko.

"You're hired. You can start next week. " aniya sa akin kaya napaawang ang labi ko.

"Talaga po?" I gasped.

"Yes!Wag ka nang mag make up. Okay na iyang ganda mo. Baka ikaw ang maging lucky charm ko." Sabay ngiti nito sa akin.

God! Ang saya ko! First time kong mag apply! Natanggap ako agad!

Masaya akong umuwi sa bahay.Tahimik lamang walang nagsasalita sa amin. Ingay lamang nang kubyertos ang naririnig.

Pagkatapos ay nagligpit na ako at nag ayos nang sarili bago nahiga.

Saktong pagkahiga ko ay tumunog ang aking cellphone. Dumapa ako at sinagot ang tawag ni Damon.

Bumundol na naman ang kakaibang kaba sa aking dibdib.

"Hello?"

"Are you home safe?" Intrada nito agad.

Napangiti ako. Nag text kasi siya kaninang hapon na may aayusin lang siya sa kanilang kompanya.

"Oo,Ikaw?" Tanong ko.

"Kakadating ko lang."

"Okay."

"I miss you." Aniya bigla.

Nakagat ko na ang unan ko.

"I miss you too."

Narinig kong may nilapag siyang baso.

"Anong ginagawa mo?" Tanong ko.

"Umiinom ,pampatulog . ikaw?" Balik na tanong niya.

Tumatawag siya bago kami natutulog. Marami na 'rin ang nagbago sa kanya. Pansin ko na mailap narin siya sa mga babae.

"Humihiga na." Humikab ako.

"I wish you were here.."

He said with his husky voice.

"Me too.."

"Can we ...cuddle again?"

"Huh?"

"Dito ka matulog bukas. I want a cuddle."

Oh shit! Lumapad ang ngisi ko.

Naalala ko 'yong cuddle na sinasabi niya kailan.Pero 'yong kamay niya ang likot.

" Ano..." Anong isasagot ko?

"Answer me." Hindi na siya makapaghintay.

"O-Okay."

"Susunduin kita bukas."

"Okay." I bit my lip.

Lahat nang problema ko ay nawala kahit saglit lang.Hindi ko alam kung hanggang kailan ba ito. Pero sana tumagal pa.

Wag sana munang bawiin dahil mahal na mahal ko na siya kahit walang kasiguraduhan ang pagmamahal niya sa akin.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen3h.Co