Truyen3h.Co

Mistakes

Chapter44

frezbae

Chapter 44
Darkness

Sa mahabang mesa nakalatag ang mga mamahaling inumin. May pulutan,mga hard ang inumin ng mga lalaki habang sa aming mga babae ay lemon juice lang.

Neon lights dancing together with the people on the dance floor. Andito kami ngayon sa Prime nite Bar.

Ewan ,nagkayayaan lang ang mga pinsan at dinala na 'rin ako ni Damon. Dito ko nakasalamuha si Frixxie na fiance ni Rad. Si Natalia at si Kylie naman wala. At mukhang buryo ang mukha ni Clinton.

Grabe nanliit ako sa sarili ko nang tumabi ako sa kanila. They have an angelique faces. Si Natalia na inosente lamang na nakatingin sa taong nagsasalita at parang walang emosyon lang. Ang ganda niya talaga sa malapitan.

Si Frixxie na maldita ang aura. Pala kuwento siya sa akin. Ang sexy niya sa kanyang black dress. Ganda ng kilay niya. Walang bawas iyon natural lamang. Hindi rin masyadong naglalagay ng make up. Pero ang ganda. Simple lang ,at matatakot kang mag approach. Palaging nakataas ang isang kilay.

Ang mga lalaki ay sa kabilang table lang katabi ng aming table. Nandoon si Sebe,si Rad at si Clinton.

"Damon. Sige na 'dun kana!" Taboy ko kay Damon na ayaw umalis sa tabi ko. Nag iisang lalaki nalang siya dito sa table namin.

Pinalipat kasi sila namin para makapag girls talk na rin kami.

"Damn. Sana hindi nalang tayo pumunta. Gusto kita masolo." Binaon pa nito ang mukha sa tainga ko. Napapangisi tuloy ako at nahihiya dahil tumitingin sila sa amin.

"Hey dude. Pakawalan mo naman. Langya. Ang lapit lang natin oh." sabi ni rad sa kabilang table dahil napansin na ayaw umalis ni Damon.

Nagtaas lang ng kamay sa kanya si Damon at nag dirty finger. Humalakhak nalang sila sa kabilang mesa.

"I'll miss you." Damon whispered. Halos mapasinghap ako sa kadramahan niya.

"God Damon! Baliw ka talaga. E' ang lapit ng table niyo oh!" tawa ko dahil sa sinabi niya.

"Just behave okay? I got my eyes on you." banta pa nito na ikinairap ko nalang.

"Oo na." Tumayo na ito at lumipat sa kabilang mesa at agad tumabi sakin si Frixxie.

"Possesive no?" agad na sabi nito at ininom ang kanyang juice napapangiwi pa ito.

Ngumiti nalang ako at tumango.

"Gosh. Lemon juice sucks bigtime. Nakakamiss uminom." naiinis na sabi nito.

Tipid naman na tumawa si Natalia.
"Mas possesive si Radleigh yata sa kanilang apat. "

"Sinabi mo pa! Ewan ko 'dun kahit si Kurt pinagseselosan! Where's Kylie?" pag iiba ni Frixxie sa kanilang usapan.

Natalia shrugged.
"I dont know. But I think something's off." Ninguso pa nito si Clinton na nakatulala sa hawak nitong baso at tila malalim ang iniisip.

Tahimik lang akong nakikinig sa kanila at nakatunganga lang . Parang tanga ako na natulala sa dalawang dyosang nag uusapan.

"Ilang buwan na pala ang tyan mo? mabuti sinama ka ni Sebe."

"Three months. Yep.Gusto ko kasing sumama."

Pumulot ako sa pulutan at kinain 'yun. Tiningnan ko ang mesa nila Damon para makita siya. May mga babaeng nagpapakilala sa kanila.

Hindi ko alam kung matatawa ako dahil si Damon ay parang walang pake at nakatingin lang sa akin. Si Rad naman ay kinuha ang cellphone at may tinitipa doon. Si Sebe naman ay malamig lang na tumango sa mga babae at hindi man lang inabot ang kamay ng mga babaeng nagpapakilala.Habang si Clinton ay padabog na umalis at tinungo ang counter na tila galit sa kanyang cellphone. Weird.

Tila napahiya ang mga babae kaya kusa na itong umalis.

"Malalandi nga naman. Mga desperada." insert sarcasm sa tono ni Frixxie dahil nakita rin niya ang nakita ko.

Ngumiti ako at umiling.

"Come on! Zand! Talk! We wont bite!" dagdag pa nito kaya napasinghap ako.

"Nahihiya kasi ako."

Natalia chuckled.

"Wa'g kang mahiya! Parang pamilya na ang turing ko sainyo kaya dapat kayo ganon' rin."

"Me too.We're friends here." sang ayon ni Nat.

"Oo naman. Masasanay rin ako." dagdag ko.

"Siguro nahihiya ka kay Natalia kasi may something sila noon ni Damon?"
nahuli ako doon ni Frixxie. Damn.

"H-Hindi naman." Yumuko ako at hindi makatingin kay Natalia.

Uminom si Nat sa juice niya.
"We're friends Zand. To the point na parang naging kapatid ko na siya.Noong nagka problema ako palaging nandiyan si Damon para damayan ako. Hindi ko alam ang isyu na kumalat na naging kami. But I swear Zand. Kaibigan lang talaga."

Ngumiti ako. Alam ko na ang tungkol doon at alam ko rin na naging crush siya noon ni Damon. Sino ba namang hindi? Pero hindi na ako isip bata para palakihin pa iyon.

I married Damon dahil tanggap ko siya nang buong buo. Kasama na ang kanyang kamalian at ka perpektohan.

"Alam ko naman yon. Tsaka ang importante okay na tayo. Okay na ang lahat. "

"Grabe! Ang bait!"

Napatawa ako sa sinabi ni Frixxie.
"Dahil diyan! Let's cheers!" Tinaas namin ang aming juice at nagcheers.

Nabigla kami nang may nagtilian sa dance floor. Napatingin kami doon at napasinghap kami nang tadyakan ng lalaki si Clinton.

"Hayop ka pare! Girlfriend ko ang kasayaw mo!" Sigaw ng lalaki kay Clinton.

At nakita ko nalang na tumayo si Sebe ,Damon at Rad nang makita iyon.

Agad humarahang si Sebastian.
"Dude. Pag usapan-" naputol ang sasabihin ni Sebe nang suntokin siya ng lalaki.

Napamura nalang ito. Napatingin ako kay Natalia na inalalayan ni Frixxie dahil buntis ito. Parang walang naman sa kanya. Malamig parin ang aura niya.

"Tangina mo!" Sinuntok ni Damon ang lalaki hanggang sa may mga sumali na at nakikipagbunuan na sila.

Shit! Parang natulos ako sa aking pwesto at hindi ko alam ang gagawin ko. Sasali ba ako o ano? Damn.

"Awatin niyo please!" Sigaw ni Frixxie at agad nagsi datingan ang mga bouncer ng bar at sa tingin ko 'yung may ari.

Agad silang naawat. At agad kong nahagilap si Damon na putok ang labi at marahas niya iyong pinunasan. Si Clinton naman ay sobrang lasing na at inalalayan ni Rad.

"Fuck!" Mura ni Sebe at kinausap ang may ari. Panay rin ang sulyap niya kay Natalia na lumapit na sa kanya at niyakap siya.

Dahil sa nerbiyos ko at unang beses na nakitang nakipag away ng ganito si Damon ay hindi ko alam ang unang gagawin.
Ang mukha naman ng tatlong lalaki ay halos hindi na katulad kanina dahil mas madami ang black eye ng mga iyon.

"Baby lets go." Nagulat ako ng hawakan ako bigla ni Damon.

Agad kong inenspeksyon ang mukha niya.
"May sugat--"

"I'm fine. Lets go." Hinalikan niya ako sa sentido at hinawakan ang aking baywang bago inakay palabas.

Pagdating sa labas ay nandon' na ang mga kotse nila at nag uusap sila Rad , Sebastian at Clinton na tila nahimasmasan.

Nakita ko pang nagtatalo si Rad at Clinton at biglang sinipa ni Clinton ang gulong ng kotse niya at agad umalis.

Ginulo nalang ni Rad ang buhok niya at tila naiinis na rin.Pagkapasok sa kotse ay agad akong hinarap ni Damon.

"Natakot kaba? Natakot ba kita?" tanong nito na sa akin pa nag aalala na mas siya ang dapat kong alalahanin.

Umiling ako. Kahit papano naibsan ang kaba ko. Hinawakan ko ang putok na labi niya.

"Gamutin natin ang labi mo.May sugat." sabi ko.

Pero ngumisi lang ang gago.
"Halik mo lang. Gagaling na to. "

Naningkit ang mata ko sa diskarte ng lalaking ito.

"Inuuto mo naman ako e." Kinagat ko ang labi ko para hindi makangiti.

Humalakhak siya pero agad 'rin napangiwi ng maramdaman ang sakit ng kanyang labi.

"Aw. Come on Baby. Halik lang naman. Kiss each bruises. Okay na agad ako."

Ngumuso ako at hinawakan ang mukha niya at hinarap sakin. "Sige na nga.."

Tinuro niya ang labi niya.
"Kiss na."

Tumingkayad ako para maabot ang labi niya at hinalikan iyon.

"There." Tinuro pa ang ilong nito na may sugat rin kaya hinalikan ko rin iyon.

"Eto pa." Tinuro pa nito ang pisngi na medyo may pula at sugat kaya hinalikan ko yun.

"Ouch! here again baby." Tinuro nito ulit ang labi niya kaya umayos na ako ng upo at tiningnan siya ng masama.

"Bakit?" inosenteng tanong sa kanya.

"Inuuto mo na ako e" Ngumuso ako at kinurot niya ang pisngi ko.

"It's just a kiss.. "

"Tama na. Uwi na tayo alas diyes na oh."

Tinignan ko ang aking relo sa pulso.Kinuha niya ang kamay ko at hinalikan.

"Okay."

Habang nasa biyahe kami ay hindi ko maiwasan ang mag isip. Parang kailan lang. Hindi na alintana 'yung oras at araw at eto na kami ngayon.

Pinakasalan ko 'yung lalaking mahal na mahal ko. He's my first boyfriend. My first romance. First ko sa lahat.

Alam kong unfair dahil sa kanya ay ako 'yung huli. Hindi ko maiwasan iyong mga naunang babae sa buhay niya. 'Yung mga babaeng naranasan yung sarap kasama siya. Kumirot ang puso ko sa aking naisip.

"Are you okay? May iniisip ka?" hindi ko namalayan na nakatingin na pala si Damon sakin habang nagd-drive pauwi.

"Yeah.."

"Zandria. Tell me." seryoso ang boses nito at binalik ang mata sa daan pero ang kamay ay gumalaw para hawakan ang kamay ko. "Baby.." dugtong niya.

Nahihiya ako. Baka isipin niyang masyadong makitid ang utak ko. Ayokong isipin niya na immature ako. Pero mas hindi ko matiis ang sakit ng puso ko.

"Noon ba. . . .ay nangyari din sainyo ni V-Venice?"

Halos mauntog ang ulo ko sa dashboard ng bigla niyang itabi ang kotse.Bumusina pa 'yung kotse na kasunod namin dahil sa biglang pagtigil ni Damon.

Pinikit niya ang mata niya at sinandal ang ulo sa backrest ng upuan.

"Zandria seriously? Iyon ang iniisip mo?" Wala na ang lambing niya kanina . Seryoso lamang ang mukha niya na nakatingin sa akin.

My heart pumped wildly.

"G-Gusto ko lang naman malaman."

He captured my hand. "Yes.May nangyari sa amin.Noon pa iyon Zandria. And damn.. . hindi mo na dapat isipin iyon. We're married."

Umiling ako at ngumiti.

"I know , I'm curious.Hindi ako yung unang babae sa buhay mo. "

Hinilot nito ang sentido niya at tiningnan ako. "Come here ." He taped his lap.

So I sat on his lap.

"Zandria. Tatak mo'to sa isipan mo.Hindi ikaw 'yung unang babae sa buhay ko. Pero ikaw 'yung unang babaeng nagpatibok ng puso ko." bigla siyang natawa at umiling.
"I sounds so gay . . .but yeah. . . you're the only girl who can make my heart beat wild."

Napapikit ako ng patakan niya ako ng halik sa labi.Hawak niya ang chin ko.

"Hindi man ikaw ang nauna.Pero ikaw ang huling babae sa buhay ko. Huling babaeng ikakama ko. Huling babaeng uungol ng pangalan ko. At ang huling babaeng sasamahan ako habang buhay. I am madly inlove with you baby."

Kinabig niya ang batok ko at siniil ako ng mapusok na halik na tinugunan ko. Hindi ko namalayan ang patak ng luha ko sa saya.

Damon is the darkness of my life. I wont shine if there's no darkness. I wont glow without a dark. Our love won't spark without a dark.

Damon is my darkness and I'm his light in the dark.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen3h.Co