Chapter46
Chapter 46
Ibigay
Pinulot ko ang mga nagkalat na aming damit sa sahig. Binalingan ko si Damon na himbing na himbing na natutulog.Umusbong ang saya sa aking sistema.
Nakadapa siya sa kama at kitang kita ko ang makisig niyang likod. Pagkatapos kong magligpit ng damit naming nagkalat pumasok ako sa banyo.
Hapon na kami dito nakarating at dahil sa pagod nakatulog kaming dalawa.Pagkalabas ko ng banyo tulog parin si Damon. Hinawi ko ang kurtina na nakaharang sa sliding door patungong veranda. Naakit ako sa kulay orange na kalangitan at papalubog na ang araw.
Napagpasyahan ko na bumaba na muna. Mukhang puyat na puyat kasi si Damon. Maybe I can cook,pagkatapos kong maglibot.
Naglalakad lakad ako sa mapinong buhangin habang hawak ang aking kulay pink na polaroid camera.
Ang malaking hotel na tinutuluyan namin dito sa Duma Island somewhere here in Palawan ay natatakpan ng mga niyog na matatayog. Pinong pino ang kulay puti na buhangin.
May nakaraya na sun loungers. Madaming turista sa paligid. Ang mga cottage nasa gitna ng dagat gamit ang tulay papunta doon. Wiling wili ako sa pagpipicture nang ibaling ko sa gilid ko ang camera ay nakita ko si Venice na nakatayo sa gilid ko.
She's wearing a black bikini.Basa pa ang buhok at mukhang kakaahon lang sa dagat. Kung ako hindi ko kaya. Nababanas ako. Si Damon palang ang nakakakita sa akin na naka bra at panty.
"Sumama ka nga talaga." pag umpisa niya.
Alam ko na ang ganitong eksena e. Kahit kailan talaga wala naman siyang magandang ginawa at sinabi sa akin. Huminga ako ng malalim at humarap sa dagat.
"Asawa ko siya kaya sasama talaga ako.."
She laugh mockingly.
"Ang swerte mo talaga.Kung alam ko lang na mapupunta siya sa tulad mong tatanga tanga na sumusuyo sa kanya noon e'di sana mas lalo ko lang siyang inakit. Hindi ko alam kung ano ang nakita niya sayo e' mukha ka naman manang! Walang class!"
I rolled my eyes. Sabi ko na eh! wala nga siyang magandang sasabihin sa akin.
Ang alam ko magkasosyo ang papa at si Damon sa kompanya. At dahil si Venice ang the heirs ng kompanya nila kaya siya ang pinapasama sa mga events tulad nito. Mamayang gabi gaganapin ang event sa loob ng hotel.
"Venice ang pag mamahal wala sa class at ayos. Kung manang ako e'di iyon siguro ang minahal ni Damon sa akin. Dahil alam mo ang class wala yan sa pagpapakita ng balat at ganda." Hinagod ko siya ng tingin.
"Tulad ng sayo nakakawalang galang."
Nawalan na ako ng gana na magmuni muni dahil sinira niya na ang mood ko. Kaya tumalikod na ako pero hinawakan niya ang braso ko at hinaklit pabalik.
"Anong sinabi mo?" gigil na wika niya. Nakita ko ang galit sa mga mata niya.
"Bitawan mo'ko." kalmang sabi ko kahit naramdaman ko ang sakit sa braso ko.
"Sino ka para pagsabihan ako ha?!" She shouted.
Umigting ang bagang ko at sa galit ko buong lakas kong kinalas ang braso ko. Dahil doon nabitawan niya ako.
"At sino ka rin para saktan ako? Venice punong puno na ako sayo! Pasalamat ka may delikadesa pa ako pero wag mo'kong sagarin dahil hinding hindi kita uurongan!"
Napaatras siya sa gigil na sigaw ko hindi ko rin namalayan na nahawakan ko na ang braso niya at halos ngumiwi na siya sa sakit. Parang napapaso ko iyong pinakawalan.
"Hindi pa tayo tapos Zandria! May araw ka sakin!" banta nito at agad tumakbo paalis.
Napahilamos ako ng palad dahil sa nagawa ko.Dahil nga nasira na ang hapon ko. Bumalik nalang ako ng aming suite sa hotel.
Papasok palang ako ng elevator nang bumukas iyon at lumabas si Damon doon na bagong gising pa. Naka sando na puti lang at sweat short.Napatingin ako sa mga babaeng naka two piece sa front desk na napapabungisngis ng makita si Damon.
Tumama ang paningin naming dalawa agad umigting ang panga niya at mas binilisan ang pagpunta saakin.
He immediately pulled my hand at niyakap ang kaliwang braso sa aking baywang.
"Where have you been?"
"Nagpicture lang ako sa dagat." paliwanag ko. Pumasok kami sa elevator at pinindot niya ang 11th floor.
"Dapat ginising moko."
Humilig ako sa dingding ng elevator agad namang tinukod ni Damon ang kanyang mga palad sa magkabilang gilid ko. He caged me like his prey.
"Damon ayokong storbohin ka. Tsaka hindi na ako bata.Alam ko ang gagawin ko."
Ngumisi ito bigla.
"Ngayon sumasagot sagot kana sakin huh?" Hinawakan niya ang chin ko at hinalikan sa labi. Patak lamang iyon at hindi niya pinahaba.
"S-Sorry."
"I like that. Kung gusto mong sumagot wa'g kang matakot.Kung dapat lumaban ,lumaban ka."
Bigla kong naalala kanina na nasaktan ko si Venice..
"O-Okay lang ba talaga iyon?" tanong ko.
"Of course."
"Kaya ba basagulero ka noon sa school? At palaging may pasa sa mukha?"
Naalala ko kasi noon sa school. Baliw na ako sa kanya noon at dalawang buwan palang ako sa first year college ng makita ko siyang sinuntok ang isang varsity player sa gym.Doon ko siya unang nakitang makipagbunuan.
He groaned.
"And now ,you know how to turn the tables huh? You're no longer my innocent baby."
"Naalala kolang naman."
Iba talaga pag nakita mo ang lalaking palaging seryoso kapag tumawa. Kakaiba sa pakiramdam.
Hinawi niya ang hibla ng buhok ko sa mukha. "Una palang kitang makita noon ang bata mo mo pa.Sabi ko sa sarili ko hinding hindi talaga ako mahahalina sa ganda mo. Dahil nga bata kapa."
"Tapos?"
He bit his lower lip.
"Hindi ko pa rin talaga napigilan. Nang mag first year ka mas lalo kang gumanda.Hindi ko nakaya na may ibang lalaking pinag uusapan ka at pupormahan ka kaya pinagbantaan ko sila na wa'g kang papakealaman." Umiling iling pa siya at ngumisi."
"G-ginawa mo yon?"
Tumango siya.
"I'm no saint Zandria.Maikli lang ang pasensya ko kaya pinagbantaan ko na.And now it's a dream came true..You're my dream baby."
Dahil sa bugso ng damdamin tumingkayad ako at hinalikan siya. Agad sumuporta ang kamay niya sa baywang ko at humalik pabalik.
Tumunog ang elevator hudyat na nasa tamang palapag na kami agad akong umayos at nakitang nakabusangot ang tatlong babaeng papasok sa elevator. Umirap pa ang mga iyon sa akin.
Anong magawa ko?
Hinila agad ako palabas ni Damon.
"Grabe mas gumwapo ang ex ko. Pero may jowa na. Bwesit."
"Ambisyosa ka! Anong ex? Ikaw lang naman ang habol ng habol sa kanya."
Narinig ko pa bago sumara ang pinto. Pero hindi ako nakaramdam ng kahit anong selos. May tiwala ako kay Damon.
Pagkapasok namin agad bumulaga sa akin ang kulay itim na malaking box. May kulay puting ribbon iyon at may mamahaling pirma ng isang sikat na designer.
"A-Ano iyan?" tanong ko.
"Pinabili ko sa secretary ko. Susuotin mo mamaya."
Lumapit ako doon binuksan at nakitang kulay dark gray na tube gown na may mahabang slit sa binti.
"Ang ganda! Pero mahal ito." Umiling agad siya at hinila ako papuntang kitchen.Pinaupo niya ako.
"You're my wife. Wala akong pake kung ilang milyon ang gagastusin ko saiyo. Lalo na kapag nagka anak na tayo.Ibibigay ko lahat sainyo."
Tumalikod siya at nag ukay sa fridge.
"Anong gusto mong ulam?"
"K-Kahit ano."
Napatulala ako dahil lumipad ang aking isip.Bakit kaya hindi parin kami nagkaka anak? Wala kaming proteksyon at halos isang taon na namin ito ginagawa. Ang iba kapag gano'n buntis na agad.Bakit ako hindi?
Naalala ko si tita Tessa na kapatid ni mama. Sa bloodline nila mama may dalawa siyang kapatid na baog.
Halos manlamig ako nang naisip yun.
Fuck no! Posible kayang mamana ko iyon? Bakit hindi ako mabuntis buntis?
Halos pinagsakluban ako ng langit at lupa. Damon really love kids! At gusto ko iyon ibigay sa kanya.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen3h.Co