28
Dedicated this chapter @ma catalina agustin salamat sa pakape😅🤗
Oscar keep working on his restaurant even if I'm pregnant and having a what you called "paglilihi" and that's okay. Napaka-hands on talaga nito sa negosyo kahit minsan sinasabi niya sa akin na hindi naman talaga dapat. But like now I went again with him on his resto, may mga naging kaibigan na nga din akong empleyado niya at mga regular costumer na kumakain doon sa araw-araw ba naman na pagsama ko.
"You can go on my office Luna, hindi mo naman kailangan mag-lagi dito sa kusina." Pang ilang beses na sabi ni Oscar.
"Im watching, kaya wag ka magulo." Saway ko sa kanya, chef Aldrin is cooking seafood paella at natutuwa ako kapag hinahagis nito ang kawali.
"Pero mainit nga dito, baka makasama sayo." Sabi ulit ni Oscar, he's been more caring to Luna after he knew her pregnancy. May pagka-clumsy pa naman ang babaing ito kaya nga gusto niya ay nakikita ito palagi o kasama lagi. Kukuha na nga din siya ng kasambahay para hindi na sila ang maglilinis pa ng bahat at para din may kasama si Luna kapad lumaki na ang tiyan nito. Hindi naman kase niya ito puwedeng akayin dito sa restaurant niya palagi.
"Tumigil ka diyan Weizman, kanina ka pa." Irap ko sa kanya. "Im still watching here."
Napatingin na lang ang naglulutong chef na naroon sa boss niyang si Oscar. Two weeks na din kaseng laging kasama nito si Luna sa Mid east. At naging masaya ang kusina nila sa kakulitan ni Luna, lagi kase itong may tanong tuwing nagluluto sila.
Napasandal na lang ang pagod na si Oscar sa lamesa na naroon habang tinitingnan si Luna na busy din sa panonood sa pagluluto ng chef niya, hindi talaga ito sumusunod sa kanya. Tapos kapag siya ang nagluluto puro puna naman ang inaabot niya kesyo bakit ganoon at bakit ganyan but in the end kakainin naman nito ang luto niya, ng biglang pumasok ang isang empleyado niya at tinawag siya.
"Sir Oscar may naghahanap po sa inyo sa labas." Sabi ni Danica isa sa service crew ng restaurant.
"Sino daw? Sila Eros ba?" Tanong ni Oscar, kilala kase ng mga empleyado niya ang mga kaibigan niya.
"Hindi Sir, babae ho."
Nakakunot ang noong sumunod si Oscar sa empleyado, sino naman kaya 'yon?
Agad kong tiningnan si Weizman na palabas na ng kusina, babae daw? Sandali.. "Sige chef labas muna ako." Paalam ko kay chef Aldrin tsaka lumabas na din ng kusina para sundan si Oscar.
"T-trina?" Tawag ni Oscar sa isang babae ng makilala niya ito matapos lapitan.
"Oscar!" Agad niyakap ni Trina ang binata. "How are you? Ang tagal natin hindi nagkita ah."
"Its really you, yeah it's been years. So kamusta na? Ano palang ginagawa mo dito at buti alam mo ang restaurant ko?"
"Naglilibot-libot lang, galing ako sa isang resort sa Estrella then nadaanan ko itong Restaurant mo, of course I knew your place so I tried my luck to drop by here kung nandito ka."
"Oooh I see, come let's seat." Aya ni Oscar sa dalaga. Naging kaklase niya ito noong nag-aral siya sa isang culinary school, mahilig kase siya mag-enrol sa iba't-ibang eskuwelahan ng nag-uumpisa pa lang siya sa pagnenegosyo 'yong mga short courses lang para mas magkaroon siya ng idea sa tamang pagluluto. And yes they dated before pero hanggang doon lang 'yon, wala kaseng spark kapag magkasama sila.
"Im planning to stay here for few days, I badly need a rest. Nakakapagod pala mag-negosyo." Sabi pa ni Trina, mero'n din kase siyang restaurant pero nasa Taguig naman 'yon.
"It is, pero sipag talaga ang kailangan eh." Nakangiti pang sabi ni Oscar.
"At dahil sa kasipagan mo ay mayroon ka ng pitong branch ng restaurant mo, you're really passionate person Oscar. Parang kailan lang magkaklase tayo but now you really have name in our industry."
"Ikaw din naman, I followed you on your social media pages, at malakas din ang restaurant mo sa Manila." Dagdag pa ni Oscar.
"Pero nakakastress, literally. Kaya nga tumakas muna ako sa siyudad para magkaroon naman ako ng me time." Natatawang kuwento pa ni Trina.
"At nakarating ka dito sa San Juaquin?" Tanong ni Oscar.
"Yes, nag-drive lang ako ng drive. And if your not busy baka puwede mo akong samahan mamasyal dito." Nakangiting sabi ng dalaga.
Doon na ako lumapit, kanina ko pa sila naririnig na nag-uusap at hindi ko alam kung may relasyon ba dati ang dalawang ito. So I guess they are close? "Good afternoon ma'am, baka gusto niyo po umorder. Ito po ang menu namin." Inabot ko sa babae ang hawak kong menu at binigyan pa ito ng napakatamis na ngiti.
"Luna." Napatingin agad si Oscar sa babaing nasa kanyang harapan. What the hell she's doing here?
"Hi Sir." May diin na sabi ko sa huli. "Paorderin ko lang si ma'am." Nakangiti ko din sabi sa kanya at pinanlakihan ko pa siya ng mata. Mamaya ka lang sa bahay, letse to pinaupo pa dito!
"You really have a good employees here, magagalang sa mga costumer." Turan ni Trina at nag-umpisang buklatin ang hawak na menu. Ilang sandali pa tanging mango shake at isang slice lang ng cake ang inorder nito.
"Bisita po pala kayo ni sir, bago lang po kase ako dito." Sabi ko pa ng ibalik nito sa akin ang menu.
"Yes we knew each other, he's my ex." Sabi ni Trina kay Luna na nakangiti pa.
"He's my ex.." ulit ko sa sinabi ng babaeng kausap ni Weizman kanina. Basta na lang akong umalis kanina sa Restaurant ni Oscar sa sobrang inis ko at narito ako ngayon sa clinic ni Abigail.
"Para kang tanga diyan Luna, tumigil ka na nga. Pang-limang beses ko ng narinig yan." Saway pa ni Abigail.
"Nakakainis naman talaga! Akala ko pa naman wala siyang naging babae habang kasal kami at nasa ibang bansa ako pero hindi pala." Naiinis akong dumampot ng kasoy na binigay sa akin ni Abigail kanina at isinubo 'yon.
"Ano bang itsura ng babae? Baka kilala ko." Tanong ni Abby.
"Panget!" Mabilis kong sagot. Payat yung babae tapos sa pagkakarinig ko may restaurant din daw sa Manila pero panget talaga Abby." Napairap pa ako habang inaalala ang babaeng kausap ni Weizman kanina. "Kapag malakas ang hangin siguradong tatangayin 'yon!"
"Really? I never thought papatol si Oscar sa chararat." Pailing-iling na sabi ni Abigail. "If chararat 'yong girl na nakita mo kanina hindi ko nga siya kilala. Wala kase akong kilalang chararat at hindi ako nakikipag-friend sa mga chararat."
"C-charara what? What it means Abby? Ang lalalim naman ng mga tagalog mo."
"C-H-A-R-A-R-A-T Luna chararat means ugly, panget, hindi maganda gano'n. Basta hindi kaaya-aya ang mukha." Paliwanag ni Abby.
"Ooooh, okay yes that woman is chararat Abigail." Sabi ko sa kanya, may bago na naman akong natutunan na salita sa doktor na ito. "Mukha din maldita 'yong babae."
"Baka naman hindi 'yon ex ni Oscar Luna, tanungin mo muna siya mamaya."
"The girl said it, ex niya daw si Weizman." Para tuloy akong nasusuka, may pa-standard standard pang nalalaman ang gagong Weizman sa babae, eh chararat naman 'yong ex kanina.
"Don't be jealous Luna, ikaw pa din naman ang legal wife."
"Im not jealous Abby, I'm just pissed on Weizman."
"Sussss.. Eh bakit pumunta ka dito kung hindi ka nag-seselos?"
"Naiinis nga ako, aba balak pang magpasama kay Weizman na mamasyal dito sa San Juaquin! Parang ang sarap turukan ng anesthesia 'yong ngala-ngala ng babaeng 'yon eh."
"Ay bet, bigyan kita ng anesthesia Luna.." sabi pa ni Abby na sinundan din ng tawa.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen3h.Co