4. Sino si Noah?
4. Sino si Noah?
Matapos umalis ni Mateo ay nag-prepare ako para sa panibagong araw. Kinuha ko ang DSLR ko saka isinabit sa leeg matapos magbihis. Kailangan kong kumayod dahil dito ako kumikita sa pagkuha ng litrato.
May upcoming wedding event na rin na naka-book para sa akin. Maliban doon ay ako na rin ang kukuha sa mga gaganapin dito sa bayan dahil nakausap na ako ni Mayor. Pero habang wala pa akong event, kumukuha ako ng magagandang litrato para mas mahasa ako. Pinopost ko rin sa blog iyon, paswertehan na lang kung maraming maingganyo nang sa ganoon ay may extra income ako.
Wala pa akong isang taon dito sa Sitio Kalasag, pero parang ang dami nang nangyayari. Kung ikukumpara sa dati kong buhay, ang tahimik na probinsyang ito ay punung-puno ng enerhiya. Napadpad ako rito hindi dahil sa kapritso, kundi dahil gusto kong magsimula ng bagong yugto sa buhay ko.
Dati akong nakatira sa isang bayan sa kabilang probinsya. Mas maunlad doon, mas maraming tao, mas maingay. Pero walang tunay na kapayapaan para sa isang katulad ko. Kaya nagdesisyon akong lumipat dito sa Sitio Kalasag, bumili ng sarili kong bahay na hindi kalakihan, pero sapat para sa akin.
Isa akong freelance photographer at videographer. Mahilig akong kumuha ng mga larawan ng kalikasan, ng pang-araw-araw na buhay sa lansangan, minsan pati ng mga taong hindi alam na kinukunan ko sila. Hindi ko alam kung bakit, pero may kakaibang saya akong nararamdaman kapag nakakahuli ako ng mga sandali sa lens ng camera ko. Mga sandaling hindi na maibabalik, pero makikita mo pa rin sa larawan.
Dahil sa trabaho kong ito, madalas akong gumala sa iba’t ibang lugar sa Sitio Kalasag. Palengke, talyer, kalsada, gym, maging ang mga madidilim na eskinita. Doon ko nakikita ang mga kwentong hindi napapansin ng iba. Doon ko rin nakikilala ang mga lalaking hindi ko inaakalang magiging bahagi ng buhay ko.
Mahirap ipaliwanag kung kailan ako nagsimulang magkainteres sa kapwa lalaki. Hindi ito isang bagay na bigla mo lang nararamdaman sa isang araw. Hindi ito tulad ng sakit na simpleng dumadapo sa katawan at nawawala rin agad.
Nagsimula ito sa munting mga sulyap.
Noong bata pa ako, napapansin ko na agad ang mga mas matatandang lalaking nagbubuhat ng kung ano-anong mabibigat na bagay. Mga construction worker, mga kargador, mga trabahador na pawisan at amoy araw. Noon, hindi ko pa alam kung ano ang nararamdaman ko tuwing nakikita ko sila. Basta may kung anong kumikirot sa loob ko.
Nagsimula rin akong makaramdam ng kakaiba noong high school ako.
May isa akong kaklase noon na si Daryl. Tahimik, matangkad, moreno, at may malalim na dimples kapag ngumingiti. Hindi siya sikat sa klase namin, pero hindi rin siya tipong inaapi. Mas gusto niyang mag-isa.
Doon ko unang naranasan ang kamunduhan. Gumawa kami ng milagro sa likod ng abandonadong comfort room sa paaralan. Pagkatapos nun ay pumunta din ako sa bahay nila dahil inaya niya ako, at doon ako unang nabiyak.
Pagkatapos ng gabing iyon, hindi na namin pinag-usapan ni Daryl ang nangyari. Hindi niya ako kinausap, hindi rin ako lumapit sa kanya. Parang isang sikreto lang na walang nakakaalam, maliban sa aming dalawa.
At mula noon, alam kong hindi na ako tulad ng ibang lalaki. Doon ko natagpuan ang totoo kong katauhan. Na hanggang ngayon ay itinatago ko pa rin sa publiko.
Ilang taon na ang lumipas mula noon, pero bitbit ko pa rin ang alaala ng unang beses kong natikman ang katawan ng isang lalaki. At ngayong nandito na ako sa Sitio Kalasag, pakiramdam ko ay unti-unti kong ginagalugad ang isang panibagong mundo, isang mundo kung saan wala akong itinatagong sikreto. Maliban sa kasarian ko. Haha.
Naputol ang pagninilay-nilay ko nang biglang tumunog ang cellphone ko. Kinuha ko ito sa tabi ng kama at tiningnan ang sender.
[Rafael]
Boss, available po ba kayo ngayon? May ipapakita lang ako tungkol sa mga tubo sa kabilang bahay.
Rafael. Maskuladong tubero dito sa Sitio Kalasag na sikat na sikat dahil magaling itong mag-ayos ng mga sirang tubo. At ang sabe-sabe ng mga babae na nakakausap ko, singtigas rin daw ng tubo ang burat.
Natawa ako nang mahina. Saka nagreply.
[Ako]
Sige, pupunta ako dyan.
Nagbihis ako ng puting sando at manipis na shorts, saka lumabas ng bahay.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen3h.Co