Truyen3h.Co

NOAH WENT WILD

6. Sa Gabing Malamig

Maasim2

6. Sa Gabing Malamig

Pagkalabas ni Rafael mula sa bahay, naiwan akong tulala sa pwesto ko. Nakangiti, pagod, pero nag-isip-isip sa mga nangyari.

Napabuntong-hininga ako.

Dalawang lalaki na ang nakakana sa akin. Pero hindi ko alam kung tama ba? Tama ba na nakikipag-ganunan ako? Kantutan? Lalo’t hindi ako lumaki dito sa Sitio Kalasag? Tch. Hindi ko rin alam. Pero isa lang ang masasabi ko… masarap.

Matapos kong magbihis, nag-prepare ako. Hindi pwedeng ganito ang araw-araw ko rito. Kailangan kong kumilos. Kahit may dilig, kailangan kumayod.

Kinuha ko ang DSLR ko sa mesa, isinabit ang strap nito sa leeg, at umupo muna saglit sa sofa. Binuksan ko ang laptop at tiningnan ang inbox ko. May ilang email mula sa mga kliyente na nagbabayad sa akin para sa event photography. Karamihan sa kanila ay mga maliliit na negosyo—karinderya na nagpapagawa ng mga menu na may litratong maganda, o mga simpleng kaarawan. Hindi malaking bayad, pero sapat na para sa isang gaya kong simple ang buhay.

Bukod sa mga regular na kliyente, mayroon din akong online portfolio. Pinopost ko roon ang mga kuha ko mula sa iba’t ibang lugar sa Sitio Kalasag. Kung sinusuwerte, may bumibili ng mga litrato bilang stock photos para sa websites o brochures. May isa pang source ng kita at yun ay ang freelance gigs na video editing. Tuwing may extra akong oras, gumagawa ako ng short films para sa mga local businesses o dokumentaryo para sa mga community projects.

Mula sa sideline na iyon, kumikita ako ng sapat para mabuhay nang magaan. Hindi ako maluho, kaya madali akong makapag-ipon para sa susunod na proyekto ko.

Pagdating ng tanghali, nagdesisyon akong pumunta sa palengke. Bukod sa gusto kong maghanap ng magagandang kuha, kailangan ko rin mag-stock ng pagkain. Ang araw ay tirik na tirik, at ang amoy ng pinaghalong prutas, isda, at lutong ulam ay bumalot sa paligid.

Sa gilid ng palengke, may nakita akong tindera na nag-aayos ng gulay. Ang ilaw mula sa maliit na bombilya ng pwesto niya ay nagbigay ng magandang contrast sa kulubot niyang balat at kulay ng mga gulay. Itinutok ko ang camera ko at kumuha ng ilang kuha. Click. Click.

“Noah! Uy, Noah!”

Napalingon ako sa likod at nakita ko si Erwin, nakaupo sa tabi ng karinderya ni Aling Nena. Hawak niya ang mangkok ng goto at isang bote ng soft drink. Nakangiti siya, iniangat ang kamay para tawagin ako.

Lumapit ako at umupo sa harap niya. "Uy, pre, naglunch ka na agad ah."

“Syempre, gutom na. Galing sa pasada kanina. Tapos ikaw? Nagsho-shoot ka nanaman?” tanong niya habang sinusubo ang goto.

“Oo. Eh wala pang booking ngayon, kaya naglalakad-lakad lang. Baka may makuha akong maganda,” sagot ko habang inaayos ang camera ko.

“Maganda? O baka kung sino ang maganda?” biro niya, sabay ngisi.

Tumawa ako. “Baka ikaw na lang ang kunan ko, pre. Mukha kang model ng goto ni Aling Nena.”

Natawa rin siya, sabay higop sa malamig niyang soft drink. “Teka, may event ka ba? Hindi ba kay Mayor ang susunod mong project?”

“Meron, pero sa susunod pa ‘yun. Malapit na kasi ang foundation day. Kailangan nilang kumuha ng photographer para sa parade.”

“Eh, sigurado akong magkaka-book ka pa. Halos lahat ng tao dito, kilala ka na bilang photographer,” sagot niya, may bahagyang tono ng papuri.

Sana nga. Dahil kung wala pa akong dagdag income, matutuyo talaga ang utak ko.

Brrrr....

Pagkatapos ng tanghalian, naglakad-lakad ulit ako sa paligid. Kumuha ng mga litrato tapos lilipat ng lugar. Hindi sing unlad ng ibang syudad ang Sitio na ito, parang pinaglumaan na at napag-iwanan ng panahon. Pero isa lang ang masasabi ko, ang Sitio na ito ay sobrang linis sa kapaligiran. Hindi mo makikita ang mga basurang nakakalat, walang mga plastic sa tabi-tabi, at lahat ng tao ay mababait at magandang makasalamuha.

Although may sabi-sabi na mayroon daw hitman dito. Hindi ko alam kung totoo 'yon. Kung meron man, mukhang hindi punterya ang mga tao rito dahil halos lahat magkakakilala.

Ang araw ay nagsimulang magbaba ng liwanag, nagbibigay ng dramatikong glow sa paligid. Nadaanan ko ang talyer ni Junjun, na tulad ng dati, abala sa motor na parang hindi nauubusan ng grasa.

“Noah!” tawag niya habang pinupunasan ang langis sa mga daliri niya. Nakita niyang nakasabit pa rin sa leeg ko ang camera ko. “May problema ba? O gusto mong ipaayos ang camera mo dito?”

Ngumiti ako at itinaas ang camera. “Gusto ko sanang kunan ang dumi ng talyer mo. Artistic daw sabi ng iba.”

Nag-pose siya na parang model ng gym supplements, pero halatang nagbibiro. “Eto ba? Eto ba ang artistic?”

Tawang-tawa ako habang tinutok ang camera sa kanya. “Ganda, pre. Grasa lang ang kulang.”

Tumawa rin siya, pero may isang tingin siyang parang may gustong sabihin. Pero imbes na magsalita pa, binalik niya ang atensyon sa motor at nagpatuloy sa ginagawa. Tumalikod na rin ako at nagpatuloy sa paglalakad. Kumuha ako ng ilang litrato sa mga bahay-bahay sa kapaligiran, mga bulaklak na magandang pagmasdan. May ilang eksena din ang nakatawag ng pansin ko—mga batang naglalaro at walang iniisip na problema. Lahat iyon kinunan ko.

Nakangiti akong naglakad pauwi. Inabot na ako ng gabi, pagod na pagod kakalakad at kakukuha ng iba't ibang anggulo ng litrato.

Pagsapit ng gabi, nagdesisyon akong maglakad ulit para ma-relax ang sarili ko. Hindi na ako kumuha ng litrato. Bumili ako sa malapit na tindahan ng makakain at maiinom hanggang maubos ko ‘yon.

Ang dilim ng langit ay sinabayan ng paglamig ng hangin, pero may mga poste ng ilaw na nagbibigay ng kakaibang drama sa bawat eskinita.

Ang sarap sa pakiramdam na maglakad-lakad sa madilim na paligid nang mag-isa at tahimik na hindi iniisip na baka bigla kang i-salvage. Haha.

Habang naglalakad, narinig ko ang tunog ng tubig mula sa isang sulok ng eskinita. Paglapit ko, nakita ko si Arnel, nakatalikod at umiihi sa pader. Kahit sa dilim, kitang-kita ko ang likod niyang pawisan mula sa buong araw ng trabaho. Ang kupas niyang kamiseta ay halos hindi na gumagawa ng silbi, nakasabit na lang sa balikat niya.

“Noah?” tawag niya nang maramdaman niyang may tao sa likod niya.

Tumigil ako sa paglalakad, pilit na pinapakalma ang kaba sa dibdib ko. “Oo, pre. Napadaan lang,” sagot ko.

Lumapit siya sa akin, pawisan pa rin ang buong katawan niya pero parang relaxed na relaxed. Ngumiti siya, ang ngiti niyang laging parang nang-aasar. “Pasensya na, pre. Ihi-ihi na ako,” biro niya.

“Okay lang,” sagot ko, hindi makatingin nang diretso sa kanya. Potek, ang gwapo ng balahurang 'to.

“Anong ginagawa mo rito? Gabing-gabi na ah,” tanong niya habang nag-aayos ng zipper.

“Naglalakad lang. Katatapos lang kumuha ng mga litrato,” sagot ko. Pilit na huwag lumunok. Shit.

“Wow,” sambit niya, sabay punas ng pawis sa noo. Tumawa siya, pero ang tingin niya sa akin ay parang may ibang sinasabi. “Mukha kang pagod. Siguro dapat magpahinga ka rin.”

“Okay lang. Ikaw? Galing sa trabaho?”

“Oo. Pare-pareho lang ang araw ko. Trabaho, inuman, tulog. Ganon din naman ‘di ba?” ngumisi siya, parang may sinasabi na hindi ko maintindihan.

Nagtagal ang tingin niya sa akin, at ang malamig na paligid ay parang naging mainit dahil sa presensya niya. Tumayo siya sa harap ko, malapit, pero hindi masyadong malapit.

“Noah,” sambit niya kalaunan, mabagal at mababa ang boses. “Alam mo, minsan naiisip ko... ang swerte ng mga taong katulad mo.”

“Bakit naman?” tanong ko, pilit na iniiwas ang tingin sa malalaking kamay niyang nag-aayos ng helmet.

Sabay kaming naglakad pauwi. Dalawa lang kami sa tahimik na paligid. Tanging kuliglig ang maririnig.

“Simple lang ang buhay mo. Masaya ka sa ginagawa mo. Ako? Hays, parang paulit-ulit lang ang lahat,” sagot niya, sabay ngiti. Pero ang ngiti niya ay parang may hinanakit.

Ganyan din ako noon.

“Hindi rin naman laging masaya, pre,” pilit na ngiti ko, hindi alam kung bakit bigla akong naging defensive. Sinipa-sipa ko ang mga batong maliliit na nadadaraanan.

Napansin niyang hindi ako tumitingin nang diretso, kaya bigla niyang hinawakan ang baba ko at iniangat ang mukha ko. “Relax ka lang, pre. Parang takot ka naman sa akin, eh.”

Hindi ako nakasagot. Tumawa siya, pero bago siya umatras, may kakaibang liwanag sa mga mata niya.

“Pero alam mo... pagod na pagod na talaga ako. Minsan, ayaw ko na ngang gumising eh. Tsk!”

“Huy, wag,” sabi ko, sinusubukang gawing magaan ang usapan. “Baka lang kailangan mo ng pahinga. Lahat naman tayo, may kanya-kanyang pinagdadaanan.”

“Pahinga?” Tumawa siya, pero hindi ito umabot sa mga mata niya. “Tangina, sa ganitong trabaho, walang pahinga, pre. Kung hindi ka gagalaw, wala kang makakain. Pero minsan, iniisip ko… paano kaya kung ibang klase ang buhay ko?”

Napaisip ako sa tanong niya. Ramdam ko ang bigat ng mga salitang iyon, pero bago pa ako makasagot, tumitig siya sa akin nang malalim. Yung tipong titig na parang binubuksan ang lahat ng sikreto mo.

“Eh ikaw, pre?” bigla niyang tanong, mas malalim na ngayon ang boses niya. “Anong kwento mo? Bakit ka nandito sa Sitio? Mukhang hindi ka naman talaga taga-rito.”

Napatigil ako. Hindi ko inasahan ang tanong na iyon. Sa tagal ko nang nandito, wala pang nagtangkang alamin kung bakit ako lumipat sa Sitio Kalasag. At parang biglang lumitaw ang mga alaala... ang lahat ng iniwan ko, ang lahat ng sinubukan kong takasan.

“Wala lang,” sagot ko, pilit na iniiwas ang tingin ko. “Gusto ko lang ng bagong simula. Mas tahimik dito, mas simple.”

“Simple?” Tumawa ulit siya, pero parang may halong lungkot. Umakbay siya sa akin. “Swerte mo. Simple ang buhay, pero mukhang masaya ka naman. Ako? Tsk, parang wala nang ibang mangyayari.”

Naramdaman ko ang bigat ng boses niya, at napatingin ako sa kanya. Ngayon, mas malapit na siya sa akin. Hindi ko alam kung anong nangyayari, pero parang humigpit ang espasyo sa pagitan namin.

“Noah,” sabi niya, mabagal at halos pabulong. “Alam mo, minsan naiinggit ako sa mga taong katulad mo. Yung parang laging may sagot sa lahat ng tanong.”

“Arnel…” nagsimula akong magsalita, pero pinutol niya ako.

“Huwag ka nang mag-alala, pre. Nagpapalabas lang ako ng sama ng loob. Wala naman talagang nagbabago, diba?” ngumiti siya.

Tumahimik kami ng ilang segundo, at ramdam ko ang init ng hininga niya sa mukha ko. Sa liwanag ng poste, nakita ko ang pawis na dumadaloy sa kanyang leeg, pababa sa ilalim ng neckline ng kanyang kamiseta.

Bigla niyang inabot ang baba ko, marahang iniangat ang mukha ko para magkatitigan kami. “Relax ka lang, pre,” bulong niya, ang hininga niya ay parang apoy na dumadampi sa balat ko.

Dahan-dahan, kinuha niya ang kamay ko saka dahan-dahan pisilin.

Bumulong siya sa tenga ko, “Pwede ba kitang tikman? Kailangan ko lang talagang magpalabas ng sama ng loob.”

Tumayo ang lahat ng balahibo sa katawan ko. Ramdam na ramdam ang init ng lalaking ito.

Napalunok ako, “H-Hindi ako bakla...”

Ngunit ngumisi lang siya sa akin, saka lumayo nang bahagya at hinimas ang alaga sa suot na pambaba. “Wag ka na magsinungaling. Tsaka, hindi naman ito ang unang beses na may susubo sa akin na lalaki.”

Natigilan ako. Anong ibig niyang—

Hindi na ako nakapag-isip nang kunin niya ang kamay ko at ilapat sa bukol niya saka idiin doon. “Gustong gusto na kitang sunggaban kanina pang umaga, pre. Kaso naunahan ako ng tubero. Ngayon, baka pwedeng ako naman? Hmm?”

Nagitla ako. “Nakita mo ba?”

“Haha.”

Sa isang iglap, natagpuan ko ang sarili kong dinadala ni Arnel sa madilim na sulok na di-abot ng liwanag ng ilaw sa poste. At doon kami gumawa ng milagro.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen3h.Co