Truyen3h.Co

Safe Flights, Cap

CHAPTER XIII

_Dominous_


Cass's POV

"Alam mo ba kuya, kanina, sigaw ako nang sigaw! GO KUYA HAZE! Ganun! Ang sakit na nga ng lalamunan ko, eh." Pagke-kwento ko rito habang naglalakad papunta sa kaniyang sasakyan.

Tumigil siya sa paglalakad sa likod ng isang sasakyan na kulay blue, panibagong sasakyan nanaman 'to, ngayon ko lang nakita ang sasakyan niya na ito.

"Medyo nakakahiya nga noong una, HAHAHAH! Isipin mo naman, nasa area ako ng med pero nasa aviation ang chine-cheer ko. Pero okay lang naman, nasanay na rin ako noong tumagal. Tsaka worth it naman na mag-cheer sa 'yo 'no!!" Pagdadaldal ko pa, binuksan nito ang pinto ng backseat at ipinatong ang kaniyang bag, ang bag ko, at ang sapatos nitong dala.

Lumapit ako sa pintuan ng passenger seat para buksan ito, "Ngayon lang talaga kita napanood maglaro kuya, ang galing niyo pala!" ani ko habang nanggigil sa pinto ng sasakyan niya dahil hindi ko alam kung paano ito buksa,

"Matagal kana siguroo naglalaro 'no? Ako kasi... medyo may alam naman akong sports, volleyball, ganiyan. Pero, paminsan-minsan lang, huli kong laro ay noong 2nd year pa--- ang hirap naman nito buksan!!" Binitawan ko nag knob ng sasakyan ni kuya Haze bago ito pinagmasdan habang nakapameywang.

Nagulat ako nang biglang lumapit si kuya Haze kaya naman napahakbang ako paurong, ang dali-dali lang niyang nabuksan ito.

"Ay wow, may biometrics ba yung pinto ng sasakyan mo kaya ikaw lang ang nakapagbukas?" tanong ko rito at nakita ko siyang ngumisi, hindi ito sumagot sa tanong ko at bagkus ay nagkibit-balikat lang.

Pumasok na ako sa loob habang siya naman itong umikot para sumakay sa driver's seat.

Hindi kalaunan ay umandar na ang sasakyan, "Ang bango naman dito sa loob, kuya. Tsaka... iba rin yung ambiance ng sasakyan mo na ito. Yung mga dati kasi ano... parang dark yung theme. Ito ba ang sasakyan na ginagamit mo kapag masaya ka?" tanong ko rito habang inililibot ang paningin sa sasakyan.

Aaminin ko, bano ako sa sasakayan ni kuya. Sa lahat naman, kahit nga sa sasakyan ni kuya Shawn ay nababano ako, hindi naman kasi ako sanay na sumasakay sa mamahaling sasakyan, lagi lang akong commute.

Napatawa ako nang bahagya sa naisip ko, "Siguro kuya naramdaman mo na mananalo kayo at magiging masaya ka kaya itong sasakyan na ito ang dinala mo 'no?" Pagbibiro ko rito, nilingon ko siya para tingnan sana ang ekspresyon niya pero nang nakita ko itong seryoso at nakatutok sa daan ay napakagat ako sa pang-ibaba kong labi.

"Ah... sorry po, masyado yata akong maingay." Napagtanto ko na pagod nga pala si kuya Haze mula sa laro kaya hindi ako nito kinakausap.

Napalingon agad ako sa kaniya nang tumikhim ito, "No, it's fine, wala lang ako sa mood, may sumira ng gabi ko." ani nito at bahagyang nagparte ang labi ko,

"Ah... ako po ba? Sorry po---"

"What? No! Hindi ikaw, sira." Nagpakawala ito ng isang mapait na tawa, napakagat ako sa pang-ibaba kong labi bago pinaglaruan ang mga daliri ko.

"Bakit tumahimik ka bigla?" Napa-angat ako ng tingin sa kaniya at nakita itong lumilingon-lumingon sa gawi ko,

"I told you, hindi ikaw ang sumira ng gabi ko. Magsalita ka lang, daldalin mo lang ako, I enjoy listening to you and your voice." Malumanay nitong turan, may kung ano sa tono ng boses niya kaya naman napawi na ang lungkot sa akin.

"Lahat ba kayong magkakaibigan magaling sa sports, kuya? Sino-sino pa sa inyo ang sporty?" tanong ko rito, bahagya nitong itinagilid ang kaniyang ulo at nag-isip.

"Well... haha, marami, saan mo gusto magsimula?" tanong niya at napatawa ako, "Kahit sa 'yo na kuya, tapos ikaw na bahala sa kasunod." sagot ko at nag-hum ito,

"Ako, of course basketball, tapos... billiards, a little. Kaunting beach volley, tapos... yun lang honestly." sagot niya at nag-hum ako, napatingin ako sa kalsada at nakitang malapit na kami sa dorm. Hala wala na, matatapos na ang usap namin.

"Tapos... si Edward---" Natigilan siya sa pagsasalita nang biglang kumalam ang aking sikmura.

"Hala kuya! Sorry! Go, tuloy mo lang." Nahihiya kong turan at napatawa ito, "Gutom kana? Tara kakain," Pag-aaya nito,

Nag-awang ang labi ko, "Hindi na po kuya, okay lang ako--"

"Sige na, gutom na rin ako, eh." Putol nito sa akin kaya napatango nalang ako, "Anong gusto mong kainin?" tanong nito,

"7/11 po, noodles." sagot ko agad, ang totoo niyan ay kanina palang ay nasa isip ko na ang kumain ng noodles sa 7/11, plano ko rin sana magluto nalang nito sa dorm.

Napahagikhik si kuya Haze, "Sige," maikli nitong sagot bago lumiko,

"Kuya tuloy mo na yung kwento mo, one down ka palang, may pito pa." ani ko at napatawa siya,

"Oo nga pala, si Edward, volleyball, beach volley, basketball and golf, he's really good at his sports. Si Lorenzo naman same lang with Edward, pero he's also into fencing and football. Si Xandro, ganun din, aside from golf and basketball, bulok yun sa basketball pero he's also into fencing tapos... alam mo ba?" tanong nito sa akin at napakunot ang noo ko,

"Hindi po," Nagtataka kong sagot, nagulat ako nang biglang humagalpak ng tawa si kuya Haze, "Magaling mag chinese garter si Xandro! As in! We discovered his skills noong grade 12! You were there, ah! He played chinese garter, same pa nga kayo ng team ni Xandro." ani nito bago humagalpak ng tawa, napakunot ang noo ko.

Hindi ko alam kung saan ako mag re-react. Kung doon ba sa magaling mag chinese garter si kuya Xandro o doon sa magka-team pala kami ni kuya Xandro dati.

"Halimaw yun tumalon, lumilipad halos, pwede niya ngang talunan si Lorenzo! Lorenzo is almost 6 feet tall and yet Xandro can jump that high!" Napalingon ako kay kuya Haze at gumuhit ang ngiti sa labi ko nang makita itong masaya at nakangiting nagkekwento.

Napa-iling ito habang tumatawa, "Si Lucas... he's into beach volley, siyempre may sarili silang beach, tapos volleyball, basketball, and you know it, swimming." Pagpapatuloy nito,

"Si Howard, badminton and slight volleyball, I heard he's also getting into lawn tennis. While si Adrian, of course, his car racing, then basketball." ani nito at napatango ako,

"Tapos si kuya Shawn naman po ay badminton 'no?" tanong ko at mabilis ako nitong nilingon,

Tumikhim ito, "Yes, then volleyball and golf." Dagdag nito at napatango ako,

"Grabe na-alala ko, noong first year kami, sikat na sikat si kuya Shawn kasi dumayo pa siya ng Taiwan para sa badminton tapos nanalo siya! Ang galing-galing niya siguro? Gaano kaya kalakas ang smash ni kuya Shawn? Bumabaon kaya sa---!" Muntikan na akong napasubsob nang biglang prumeno si kuya Haze.

"We're here, gutom na ako." ani nito bago bumaba ng sasakyan, agad naman akong napalabas ng sasakyan.

"Ang ganda talaga ng sasakyan mo kuya, favorite ko na ito." ani ko at nilingon ako ni kuya Haze bago may pinindot at tumunog ang kaniyang sasakyan bago namatay ang mga ilaw.

Pagkapasok namin ng 7/11 ay agad akong pumunta sa noodles section. Kumuha ako ng isang Korean spicy noodles, cheese at gatas. Kumuha na rin ako ng panulak bago dumiretso na sa counter.

"Ayaw mo ba kumain ng kanin?" Nagkatagpo kami ni kuya Haze sa counter, may mga dala siyang rice meal at sandwich.

Umiling ako, "I've been craving for this kanina pa, ito talaga ang gusto ko kuya." ani ko at tumango ito,

Nagulat ako nang kinuha niya ang mga ito at inilapag sa counter, "It's on me, ako ang nag-aya kumain." ani nito at napatango ako, "Okie po! Next time, ako naman mag-aaya para ako naman ang manlilibre." ani ko at napatawa si kuya Haze bago tumango, "Sabi mo 'yan, ha? Hihintayin ko 'yan." Ani nito, pinanood ko si kuya Haze na magbayad, grabe, puro blue bills ang nasa wallet niya, samantalang ang wallet ko puro resibo ang laman.

Nang maka-upo kami sa isang table ay inasikaso ko na ang pagkain ko, habang si kuya Haze naman ay pinanood ako na paghalu-haluin ang mga binili ko. Ipina-microwave ko rin ito ng ilang minuto kaya naman nang kakainin ko na ay mainit pa at talagang maasarap.

"Gusto mo kuya? Tikman mo, masarap!" Alok ko rito, bahagyang napakunot ang noo nito bago tumango,

Inilahad ko palapit sa kaniya ang chopstick na may noodles at sinubuan ito.

"Diba? Masarap?" Pinanood ko nag kaniyang eskpresyon, nakita kong umangat ang noo nito at tumango, "Yeah, masarap!" Dinampot nito ang biniling inumin kaya napatawa ako.

"Favorite ko 'yan kuya, yung mga Korean spicy noodles, tapos lalagyan ko ng gatas. Masarap pa nga 'yan kapag may sausage, itlog din! Isa 'yan sa mga paborito ko, bukod pa sa pasta, yung mga creamy na pasta, ha? Carbonara, ganun!" ani ko at tumango si kuya Haze habang ngumunguya.

"Ano pa? What's your comfort foods?" He urged, there's something in me that felt different, I felt... heard? Important? There's something in his voice that tells me he's interested in the conversation.

And so I told him the foods I want, my favorites, my likes and dislikes, everything I can tell him about the foods I would eat for the rest of my life and I wouldn't even get tired of it. And to my surprise, he actually look interested. His chin is resting on his hand while his elbow is on the table. He's also looking straight to my eyes that would sometimes distract me. With those pairs of beautiful orbs? Who wouldn't stutter with that stare?

Napatingin ako sa cellphone ko habang nagkekwento, "Hala kuya! Almost 10pm na!" Napatayo ako sa kinauupuan ko bago iniligpit ang mga pinagkainan ko,

"You should be resting by now, may day 2 pa tayo." ani ko bago itinapon ang mga pinagkainan ko. Habang ako ay humahangos, si kuya Haze naman ang siyang petiks-petiks lang at wala manlang kahit anong bakas ng pagmamadali.

Pagkalabas namin ng 7/11 ay agad akong sumakay sa sasakyan niya. Tila naubusan na rin ako ng enerhiya at nanatiling tahimik sa buong biyahe pauwi.

Pagkadating namin ng dorm ay nakita ko ang ibang tingin sa akin ng ibang estudyante pagkalabas ng sasakyan ni kuya Haze. Kukunin ko na sana ang gamit ko sa backseat nang si kuya Haze na ang kumuha ng mga ito.

Pagkapasok namin ng lobby ni kuya Haze ay agad itong tinawag ng mga kaibigan niya, "Haziel! Saan ka galing? Hindi ka sumasagot sa mga messages namin." sigaw ni kuya Lorenzo, naglakad si kuya Haze papunta sa kanila at ako naman itong bumuntot lang sa likod niya. Kuya yung gamit ko dala mo pa! Hindi ako maka-alis!

"Sorry, I forgot to check my phone. Magkausap kasi kami ni Cass." sagot nito kay kuya Lorenzo, ang mga kaibigan niya ay napatingin sa akin kaya naman napatago ako sa likod ni kuya Haze. Nakakahiya!! May mga mapang-asar na ngiti sa pagmumukha nila!!

"Uyy! Grabe naman, kasama mo lang si Cass nakalimutan mo na kami?" Pang-aasar ni kuya Edward, napasapo ako sa mukha ko habang pinipigilan ang kilig, jusko po!!

"Ganiyan ka pala, Haze! 'Wag mo naman ipahalata masyado! Tanggap ka naman namin kahit ganiyan ka!" Dagdag pa ni kuya Lucas, napahagalpak ng tawa ang congress habang si kuya Haze ay napakamot sa kaniyang batok.

Paniguradong nahihiya rin si kuya Haze sa mga pinagsasabi ng mga kaibigan niya. Baka mainis pa 'to sa 'kin!

"Ewan ko sa inyo, ihahatid ko na si Cass sa kwarto nila para makapangpahinga na rin." Nagulat ako nang bigla akong harapin ni kuya Haze.

"Tara na," Aya nito bago ako hinawakan sa pulso at inilabas ng lobby palayo sa mga kaibigan niya.

"Sorry about them, 'wag mo na intindihin yung mga sinasabi nila." ani nito habang nakasakay kami sa elevator.

Napatawa ako nang bahagya, "Okay lang po yun, normal lang sa kaibigan ang mag-asaran." sagot ko rito,

"Baka kasi naiilang ka." ani nito at napakunot ang noo ko, "Hindi po, okay lang." ani ko at nag-hum ito.

Napabuntong hininga ako bago sumandal sa pader ng elevator. Ilang segundo kong ipinikit ang mata ko, nagulat ako nang hawakan ni kuya Haze ang ulo ko at isinandal sa balikat niya.

"Pagod na pagod ka yata?" tanong nito at umiling ako, "Pagod lang, mas pagod ka pa rin kaysa sa 'kin. Dapat hindi mo na ako sinamahan papunta ng kwarto namin, ihahatid mo pa ako." ani ko at nag-hum ito.

"I want to make sure you get to your room safe." sagot nito at napatawa lang ako nang bahagya.

Maya-maya ay bumukas na ang pinto ng elevator at nauna siyang lumabas kasunod ako.

"Akin na yung bag ko kuya, medyo mabigat 'yan." Kukunin ko na sana ang bag ko mula sa balikat niya nang bigla niya itong inilayo.

"No, it's fine," sagot niya at napanguso ako bago tumango. Pagkarating namin sa tapat ng pinto ng kwarto namin ay saka niya lang sa akin ibinigay ang bag ko.

"Salamat po sa lahat kuya, goodnight!" ani ko at tumango ito, "Thank you rin, goodnight, magpahinga kana." sagot nito, binigyan ko siya ng maliit na ngiti bago isinarado ang pinto.

Kinabukasan ay maaga akong pumasok. Alas singko palang ng umaga ay nasa practice room na kami. Kailangan pa naming linisin ang ibang parte ng cheerdance namin at may mga parte pa rin na hindi pa tapos. Hindi ko rin nagawang kumain ng almusal dahil diretso kami sa practice.

Ginugol ko ang buong umaga ko sa practice, nakakain ako ng biscuit kapag nagpapahinga pero kulang pa rin yun para magka-energy ako.

Nagpapahinga ako sa isang tabi sa practice room nang mag-chat si Faye.

From: Allison Faye

huy! hinahanap ka ni kuya Haze sa amin!! Nasaan ka raw???!!

Napakunot ang noo ko bago tumipa ng sagot, bakit kaya ako hinahanap ni kuya Haze?

To: Allison Faye

Nasa practice room ako, sa gymnasium, basta nakalagay sa pinto 'med practice room'

Hindi na sumagot si Faye at nag-like nalang, napakunot ang noo ko bago napasandal sa pader. Napabuntong hininga ako, bakit kaya ako hinahanap ni kuya Haze? May nakalimutan ba siya? May hinahanap? May nawawala?

Maya-maya ay napalingon kaming lahat sa gawi ng pinto nang bumukas ito at iniluwa si kuya Haze.

"Omg si Haziel...!!" Ipit na sigaw ng katabi ko,

"Bakit po kaya may Aviation student dito? Spy siguro 'to." ani ng isa kong senior,

Bakas sa mukha ni kuya Haze ang gulat, "Ahm... I'm here to give Cass Salonpas and Gatorade." Napalingon sila sa akin at bahagyang nanlaki ang mata ko bago napatayo at lumapit kay kuya Haze.

Itinulak ko ito palabas ng pinto, "Bakit ka andito?" Taka kong tanong, itinaas nito ang hawak na paper bag, "Salonpas at Gatorade." sagot nito at napakunot ang noo ko,

"Bakit?" Taka kong tanong, bakit niya ako binibigyan ng ganiyan?

Nagparte ang labi ni kuya Haze at hindi makasagot, napakamot ako sa batok, "Salamat pa rin po, pero you have to go na. Magsisimula na ulit practice namin." ani ko bago kinuha ang paper bag sa kaniyang kamay.

Pabalik na sana ako sa loob nang tawagin ako nito, "What time is your performance?" tanong nito at napa-awan ang labi ko.

"2pm po," sagot ko at tumango lang ito, tuluyan na akong pumasok sa loob ng practice room.

Nang sumapit ang lunch ay tumigil na kami sa pagpa-practice at kumain, habang ang iba ay inaayusan naman. Nakabihis na ako habang kumakain at kasunod na rin sa aayusan ng buhok. Pagka-ayos ng buhok ko ay saka naman ako nilagyan ng make-up. Mabuti nalang at hindi kami nagahol sa oras.

Nang matapos akong ayusan ay pinapunta na nila ako sa area ng medicine sa gymnasium. Naglalakad ako sa harap ng mga bangko nang saka ko lang mabasa ang message ni kuya Haze.

From: Alonzo Haziel

nag lunch kna ba? ibinili kita ng pgkain.

Nanlaki ang mata ko nang mabasa ang message ni kuya Haze, 11:50 pa siya nag-chat at 1:45 na, ngayon ko lang nabasa!

Iniikot ko ang paningin ko para hanapin si kuya Haze. Tinitigan ko pa ang area ng Aviation para makita kung andoon ba ang crush ko, pero wala! Sila Faye at Marga pa ang nakita ko.

"Wow naman! Ang slay mo diyan!!" sigaw ni Faye mula sa mga bangko,

"Nakita niyo ba si kuya Haze?! Hindi ko mahanap!" sigaw ko rito, napakunot ang noo ng dalawa bago inilibot ang paningin,

Tumuro si Marga sa may kanang gawi ko, "Ayun oh!" Agad akong napalingon dito at nakitang nagtatawanan na ang congress habang nakatingin sa akin, itinuro pa ni kuya Howard si kuya Haze.

"Ah..." tumakbo ako papalapit dito, nakita ko pa na itinaas ni kuya Haze ang kaliwa niyang kilay habang nakatalukmo at nakapatong ang kaniyang siko sa kaniyang hita.

Tumakbo ako papunta sa gawi nila at kung kailan naman ako malapit na ay saka naman ako natisod sa isang wire at muntikan pang matumba.

"UY!" Halos sabay-sabay silang napasigaw,

"Careful," mabuti nalang at nahawakan pa ako ni kuya Xandro bago tuluyang natumba.

"Kuya Haze---"

"'Yan pala ang suot ng cheerdance natin, cass? Ang astig!" ani ni kuya Edward, napangisi ako nang bahagya.

"Naku, kakabahan ang cheerdance ng ibang course dahil sa suot niyo." Dagdag pa ni kuya Xandro, nahihiya akong ngumiti.

"Ang mahal siguro ng pagawa niyo diyan? Yung ibang cheerdance simple lang ang suot, yung kila Haze nga t-shirt lang? Diba Haze?" Napalingon kaming lahat kay kuya Haze na nakatulala sa akin at hindi sumasagot.

Nagulat ako nang biglang sampalin ni kuya Lucas si kuya Haze, "Hoy!!"

"Y-You look great!" Natigilan kaming lahat sa isinigaw nito.

Nanlaki ang mata ko habang ang mga kaibigan ni kuya Haze ay humagalpak ng tawa. Naramdaman ko ang pag-init ng magkabila kong pisnge at kahit hindi ko kita ang sarili ko ay alam kong namumula na ako ngayon.

Nang tingnan ko si kuya Haze ay nakasapo ito sa mukha niya.

"Grabe na Haze! Masydo kang nahahalata bro!" Hinampas ni kuya Adrian si kuya Haze sa balikat.

"Patay na patay talaga!" Sigaw ni kuya Lucas na halos hindi na tumigil sa kakatawa.

Tumingin akong muli kay kuya Haze at nakitang nakanguso ito. Paniguradong nahihiya na ito sa mga pinagsasabi ng mga kaibigan niya.

Binasag ko na ang pang-aasar sa kaniya, "Ano po pala kuya Haze, yung message niyo po about sa pagkain... kumain na po kasi ako kaya...-"

"Ah, okay lang, pwede mo naman kainin mamaya." Putol nito sa akin bago ini-abot ang paper bag na may laman na pagkain.

"Ah... sige po, salamat." Nahihiya ko silang tinalikuran, nakaka-ilang hakbang na ako palayo nang sumigaw si kuya Haze.

"Goodluck!" Muli akong humarap sa kaniya bago nag-thumbs up at humaripas ng takbo, habang tumatakbo ay rinig na rinig ko ang pang-aasar kay kuya Haze ng mag kaibigan niya.

Pagkarating ko naman kila Faye at Marga ay siya ring pang-aasar sa akin nito, "Naku! Ang puso, ha! Masyado ka yata ngayong pinagbibigyan ni Lord!" Sinundot ako ni Faye sa tagiliran.

Napa-ismid ako, "Parang sira 'to! Bahala nga kayo, magsisimula na ang cheerdance." Iniwan ko na ang mga kaibigan ko at lumapit sa mga kasamahan ko sa cheerdance.

Nang magsimula na ang performances ay nakita kong naghiwa-hiwalay na ang congress at bumalik sa kani-kanilang area at kaklase. Nakita ko pang nasa gilid lang si kuya Haze at nasa may parte kung saan ako sasayaw at nakaharap.

"Ay puta...!" Napamura ako bago napatakip sa bibig.

Sasayaw ako sa harap ni kuya Haze?! Bakit doon siya nakapwesto?! Bakit doon ako mapapapwesto?!

Napasapo ako sa noo ko, "Oh my gosh..." I can't believe this. Idagdag mo pa na medyo... nakaka-ilang ang steps at sayaw namin at gagawin ko iyon sa harap niya!

Nang tawagin kami ay agad akong pumwesto. Halo-halo ang emosyon na nararamdaman ko pero mas nangingibabaw ang kaba. Paano kung magkamali ako? Madulas? Matumba? O di naman kaya ay mapahiya sa harap mismo ni kuya Haze?

Lahat ng pag-aalala ay nakalimutan ko nang magsimula kami, parang... nagsarili na sumayaw ang katawan ko at hindi na kailangan pang-isipin ang kasunod na steps at puwesto. Saka lang ulit ako natauhan nang pumunta na ako sa harapan nila kuya Haze.

Nakatingin lang ako sa sahig habang sumasayaw sa harap ni kuya Haze. Ayaw ko siyang tingnan, sapat na ang sa harap niya mismo ako sumasayaw. Baka kapag nagkatagpo pa ang mga mata namin ay ma-tanga ako at makalimot. Hindi lang isa o dalawang beses na nasa harap ako ni kuya Haze, marami. Hindi nalang talaga ako tumitingin sa gawi niya.

Pagkatapos ng aming routine ay laking ginhawa sa pakiramdam. Pero siyempre, halos kapusin ako ng hininga. Umuubo ako sa isang tabi at halos mailuwa na ang atay ko nang bigla akong lapitan nila kuya Haze.

"Here," Nagulat ako nang i-abot sa akin ni kuya Haze ang isang towel.

"Salamat po," hinihingal kong sagot bago pinahid ang pawis ko.

"Yung Gatorade na ibinigay ko? Nasaan?" Napatayo ako nang diretso sa tanong ni kuya Haze, "Shit, naiwan ko sa dressing room!!" Nanlaki ang mata ko, ang huling pagkakatanda ko ay malinis na ang dressing room nang umalis kami. Ibig sabihin ay may ibang nakakuha ng Gatorade na bigay ni kuya Haze.

"Hala kuya! Sorry po!" Na-guilty ako nang sobra,

Umiling si kuya Haze, "Okay lang, tubig? Meron kaba?" tanong nito at umiling ako, matagal ko nang naubos ang tubig ko, bago pa man kami magsimula ay ubos na ito dahil inom ako nang inom dahil sa kaba.

"Sino may tubig sa inyo? Painumin niyo si Cass." ani ni kuya Edward, nagtinginan ang congress.

Nakita kong kinapa ni kuya Shawn ang tubigan niya, "Shit, kahit ako ubos na." ani ni kuya Shawn, siya pa man din ang hinihiling ko na meron.

"Ako, ako, meron pa." Ini-abot ni kuya Lucas ang tubigan niya kay kuya Haze at binuksan naman ito ni kuya Haze bago i-abot sa akin.

"Basa kapa sa likod," ani ni kuya Lorenzo, sinubukan kong punasan ang likod ko gamit ang towel pero hindi ko iyon abot. Nagulat ako dahil biglang kinuha ni kuya Xandro ang towel mula sa kamay ko at pinunasan ang likod ko.

"Hindi ka naman inaatake ng hika mo?" tanong ni kuya Edward at umiling ako, "Okay lang po ako," sagot ko at tumango ito. Maya-maya ay nagulat kami nang nagtatakbo sila Faye, Marga, Simon at Matt sa amin.

"Ang galing-galing mo! Grabe ka! Sabi na nga ba! May itinatago kang talent!!" Nagtatalon si Faye,

"Para kang sira! Tumahimik ka nga!" Saway ko rito, "Grabe ka Cass, you never disappoint us!" ani ni Simon, hinampas ko ito sa braso, "Sira talaga 'to! Kung ano-ano sinasabi mo!" ani ko rito, natauhan ako bigla bago tumingin sa aking likuran, doon ay hindi ko na makita sila kuya Haze.

"Hala, nasaan na sila?" tanong ko, napa-ikot ng tingin ang mga kaibigan ko, "Umalis na," turan ni Simon at utay-utay akong tumango, grabe naman, hindi manlang nagpaalam.

Pagkatapos ng performances ng lahat ng participants ay lumabas na kaming tatlo ng gymnasium. Gabi na rin pala, hindi namin ito napansin.

"Ingat kayong tatlo sa pag-uwi, may meeting pa kami ni Matt sa archi." Paalam sa amin ni Simon, tumango nalang kaming tatlo at kumaway sa mga ito at nagpaalam na.

"Sasakay ba tayo o maglalakad nalang? Hindi kaba lalamigin sa suot mo?" Tanong ni Faye, napatingin ako sa suot ko, sabagay, nakapalda at naka cropped long sleeve top ako, medyo basa pa ng pawis kaya isang simoy lang ng hangin ay nilalamig na ako.

"Ano... jeep nalang? Para maka-uwi agad tayo." Ani ko at tumango ang dalawa, palakad na sana kami nang bumusina ang isang sasakyan sa likod namin.

Paglingon naming tatlo ay limang sasakyan ang magkakasunod sa likod namin.

Bumukas ang isa at lumabas si kuya Shawn, "Sumakay na kayong tatlo, ihahatid na namin kayo." Ani ni kuya Shawn, nagkatinginan kaming tatlo at naglakad papunta sa sasakyan ni kuya Shawn.

"Cass, sa sasakyan kana ni Haze." Ani ni kuya Shawn nang buksan ko ang pinto sa backseat niya.

"Po?" Medyo nabingi ako sa sinabi niya,

"Cass, nasa likod ko si Haze!" Napatingin ako sa sasakyan na kasunod ng kay kuya Shawn at nakadungaw doon si kuya Lorenzo.

Napatingin ako kay Marga at Faye, sumenyas si Marga na umalis ako, "Sige na, dun kana, sisiksik kapa sa amin dito eh." Ani nito at napanguso ako bago naglakad papunta sa sasakyan ni kuya Haze.

Pagtapat ko sa passenger seat ay binuksan na ito ni kuya Haze.

"Hey, sakay na." Bati nito pagkasakay ko,

Nahihiya akong sumakay at isinara ang pinto.

"Hello po," niyapos ko ang bag ko,

"Nilalamig kaba?" Napalingon ako kay kuya Haze,

Utay-utay akong napatango, "Pero okay lang naman po." Sagot ko agad dito,

Nagulat ako nang bigla nitong hubarin ang suot niyang jacket, "Here, hihinaan ko na rin ang aircon." Ani niya pagka-abot nito sa akin,

Nahihiya kong inabot ang jacket niya, "S-Salamat po," ani ko bago isinuot ang jacket niya sa harap.

Nakita kong umandar na ang mga sasakyan sa harap namin at ganun din ang sasakyan ni kuya Haze.

Tahimik lang ang naging biyahe namin pauwi. Dahil sa pagod ay halos bumagsak na ang mga talukap ko at hindi na namalayan ang pagdating namin sa dorm.

"Salamat po kuya, 'wag niyo na po ako ihatid sa kwarto." Bakas ang pagod sa boses ko,

Nagkusa na rin akong bumaba ng sasakyan, isasara ko na sana ang pinto nang magsalita si kuya Haze, "Congrats, ang galing niyo kanina." Ani nito, binigyan ko siya ng maliit na ngiti bago tuluyang isinara ang pinto.

Pagkauwi ay kumain lang ako, naligo at saka nakatulog.

Late na nang magising kami kinabukasan, pinagbigyan ako nila Faye at Marga na matulog ng mas matagal dahil alam nilang pagod ako.

Pagkadating namin sa school ay nagsisimula na ang laro ng volleyball.

"Med ba ang naglalaban?" Tanong ko sa mga kaibigan ko,

"Hindi, Culinary at Tourism 'yan." Sagot ni Marga,

Napatango ako, "Gusto niyo manood?" Tanong ko sa mga ito at parehas umiling ang dalawa.

Napanguso ako habang nag-iisip kung saan magandang magpalipas ng oras.

"Bumili muna tayo ng pagkain tapos... doon tayo sa basketball court sa may educ building, kaunti lang tao dun." Pag-aaya ni Faye at tumango nalang kaming dalawa ni Marga.

Pagkabili namin ng mga tusok-tusok ay dumiretso na kami sa basketball court sa may educ building. Sa sobrang laki ng campus namin, marami ang mga court na pwedeng paglaruan at puntahan.

Pero sa dinami-dami ng court ay doon pa namin natagpuan ang buong congress na naglalaro at nakatambay.

"Naglalayas kayong tatlo, ah." Sita sa amin ni kuya Shawn na pawisan,

Pinandilaan ito ni Faye, "Tinatamad kasi kami manood ng volleyball, ang daming tao." Sagot nito bago naupo malapit sa congress.

Tahimik lang kaming kumakain na tatlo habang ang ilan sa congress ay naglalaro.

Nang biglang gumulong ang bola sa may sa amin ay dinampot ito ni Faye bago nag-dribble, "Agaw! Agaw!" Pag-aaya sa aming dalawa ni Marga.

Nagkatinginan kami ni Marga bago tumayo, siya naman ang pagtakbo ni Faye habang yapos-yapos ang bola.

"Travelling! Travelling!" Sigaw nila kuya Lorenzo habang ginagawa pa ang hand sign ng travelling.

"Kuya tulong!!" Sigaw ni Faye habang hinahabol namin ni Marga. Kasabay ng pagtakbo namin ay siyang paghahagalpak ng tawa namin.

"Kuya!!! Help!!" Parang bata kung makasigaw si Faye,

"Hoy! Wala kaming ginagawa sa 'yo ha!" Ani ko bago inagaw dito ng bola at itinakbo palapit sa ring, pagkashoot ko nito ay umangat lang ito sa ere pero hindi manlang lumapit sa ring.

"AHHAHAHA! BOBO!" sigaw ni Marga, pare-parehas kaming tatlo na hinihingal at naghahabol ng hininga, napaluhod pa ako sa sahig at halos mailuwa ang atay sa kaka-ubo.

Dinampot ko ulit ang bola bago sinubukang i-shoot pero hindi pa rin. Hinabol ko pa ito at sumubok ulit. Sa board o di naman kaya ay hindi ito tumatama manlang. Kapos o sobra lagi.

"Putangina, ayaw ko na!" Ibinato ko ito at napahagalpak ng tawa sila Faye at Marga.

Nagulat ako nang may tumapik sa balikat ko, nang harapin ko ito ay si kuya Adrian at hawak nito ang bola.

"Ganito, since kanan ang dominant hand mo, yung left mo, sa side lang, yung right, sa ilalim, sa may mukha mo. Like this, try mo." Ipinakita nito sa akin kung paano ang tamang hawak sa bola.

Nang i-abot niya sa 'kin ito ay inayos pa niya ang pagkakahawak ko rito.

"Try mo," sinubukan ko itong i-shoot pero kapos,

Hinabol nito ang bola, "Isa pa, patamain mo siya doon sa square sa board." Ani nito pagka-abot sa akin ng bola,

Pero mintis pa rin, hinabol naman ni kuya Edward ang bola bago ini-abot sa akin, "Konti nalang." Ani niya at tumango ako, sa pangatlong pagkakataon ay pumasok na ito.

"Huy!! Ang galing!!" Sigaw ni Faye, napatalon naman ako sa tuwa, "OMG! Ang galing ko na! Sasali ako ng women's basketball next year!!" Para akong bata na nagtatalon,

"Isa pa," Pinagulong ni kua Edward ang bola sa akin, nang i-shoot ko ito ay pumasok nanaman,

"Ayy!! Ang galing ko talaga!! Ganun lang pala!!" Sigaw ko at napahagalpak ng tawa ang mga kaibigan ko,

"Haziel! Bakit hindi ikaw ang magturo kay Cass?" Napalingon kami sa gawi nila kuya Lorenzo,

Napa-angat ng ulo si kuya Haze mula sa cellphone niya bago ngumisi, "Laban oh, 3 vs 3." Pag-aaya ni kuya Haze, bigla namang napatayo si Faye at Marga,

"Game! Game! Di namin kayo uurungan!' Parang siga si Faye kung magsalita,

Tumayo naman si kuya Lucas habang si kuya Adrian ay ibinato kay kuya Haze ang bola, pagod na siguro.

Dinrible ni kuya Haze ang bola, "Game?" Tanong nito at tumango ako, ako ang nakabantay kay kuya Haze, si Marga kay kuya Lucas at si Faye kay kuya Edward.

Pero siyempre, magaling si kuya Haze at nakaka-shoot. Hinarangan ako ni kuya Lucas at pinuntahan naman ako ni Faye, open si kuya Edward kaya doon ako lumapit.

"Aba, grabe naman ang defense." Ani ni kuya Edward habang hinaharangan ko ito.

Kahit saan pumunta si kuya Edward ay hinaharangan ko ito, "Grabe naman po ang block, wala akong takas, eh." Ani nito at napatawa ako,

"Cass! Grabe ka naman mang-block kay Edward! Hanggang balikat ka lang niyan!" Sigaw ni kuya Shawn at napahagalpak kaming lahat na nasa court.

Nahawakan ni Faye ang bola pero nang subukan niya itong ipasa kay Marga ay hindi niya ito nasambot at pumunta sa malayo.

"Ako na," ani ni kuya Lucas, dahil sa pagod ay naupo na kaming lima sa tabi.

Medyo malakas ang paghinga ko at gumagawa pa ng tunog, pero sanay naman ako sa ganitong pagod at ganitong paghahabol.

Napalingon ako sa gilid ko nang tapikin ako ni kuya Haze sa balikat, "Diba may asthma ka? Okay kalang ba?" Tanong nito sa akin at agad naman akong tumango, bakas sa mukha niya ang pag-aalala.

"Okay lang ako, kuya." Sagot ko rito at tumango siya, pero nag-aalala pa rin ang kaniyang mga tingin.

"Magpahinga ka muna." Ani nito sa seryosong tono ng boses at napatango nalang ako,

Pagkatapos namin magpalipas ng oras sa court ay pumunta na kami sa volleyball court dahil lalaro na sila kuya Lorenzo. Kasunod naman ag ang medicine kaya super cheer kami kila kuya Edward at Xandro na naglalaro.

Lahat ay interesado sa laro ngayong araw dahil hindi nauubusan ng tao sa court.

At siyempre, nagkagulo na noong naglaban ang engineering at medicine, siyempre nasa loob ng court si kuya Lorenzo, Shawn, Xandro at Edward. Sa huli ay medicine ang nanalo kaya naman hindi magkamayaw ang mga med students sa pagdidiwang.

Pag-uwi ay hindi na kami inalok ng congress na ihatid, narinig ko rin kasi na nagkaka-ayaan ang mga ito na mag-inom, celebration siguro.

Pag-uwi naman namin ng dorm ay para kaming may sarili rin na handaan. Uminom din kami ng beer dahil ayaw naman namin magka-hangover bukas.

Kinabukasan ay patanghali na rin kami gumising, ininit nalang namin ang pagkaing natira mula sa kagabi at halos pare-parehas na tinatamad.

Nang dumating kami ng university ay nagsisimula na ang iba't-ibang laro. Mga palarong panlahi nga pala ang meron ngayon, kasama na rin ang track and field.

Papunta kami ng field para sana manood lang nang bigla akong higitin ng isa kong senior.

"Gonzales! Halika! Mag tug of war ka!" Nanlaki ang mata ko nang hawakan ako nito sa braso at hinigit,

Humagalpak lang ng tawa ang mga kaibigan ko habang pinapanood akong kaladkarin ng senior ko papunta sa players.

Nakasalubong ko pa si kuya Xandro na natigilan nang makita ako.

"Lalaro kaba?" Sigaw nito,

"Opo kuya!" Sigaw ko pabalik habang nililingon siya, kahit malayo ay bakas sa mukha niya ang pagkalito.

Pagkadating ko sa mga kasama ko ay sinabi nila sa akin ang strategy ng laro, ang mga dapat gawin, at ang mga position.

"Si Cassandra na ang rope leader natin." Agad akong napabaling ng tingin sa senior ko,

"Po? Bakit po ako?" Taka kong tanong,

"Eh kasi malakas ka, tsaka kaya mo 'yan." Sagot nito at napasapo ako sa noo ko.

Patuloy sila sa pag-uusap habang ako ay nakatayo lang sa gilid at nag mumunimuni.

Sa lagay kong ito? Sa harap talaga?

"Hinigit ka lang ba?" Napa-igtad ako nang magsalita si kuya Edward sa tabi ko,

Napanguso ako, "Tama ka diyan kuya, manonood lang dapat ako, eh. Kinakabahan pa ako!" Sagot ko at napatawa si kuya Xandro,

Tinapik ako ni kuya Xandro sa balikat, "Kayang-kaya mo 'yan." Malumanay nitong turan habang nakangiti na nagbigay sa akin ng lakas ng loob.

"I che-cheer ka namin, tapos si Haze, andun lang yun, sa area nila, iche-cheer ka rin nun." Ani ni kuya Edward at napatawa ako ng pagak.

"Si kuya, parang sira." Ngumisi silang dalawa,

Nang tawagin na ang players ay pumunta na kami sa gitna, at siyempre ako, pumwesto sa harap.

Sa hawak ko palang sa tali ay namawis na agad ang kamay ko, uurong na yata ang sikmura ko.

Nang pumito ang isang estudyante na indikasyon na simulan na ang paghigit.

Hindi naman agad kami humigit bagkus ay nagpabigat lang, pero nang naramdaman ko na madadala na kami ay humidity na kami.

Higit! Higit! Higit!

Nang nakita ko na lumalapit na ako sa linya ay nawalan ako ng pag-asa, pero nang humigit ang mga tao sa likod ko ay humigit pa rin ako nang humigit kahit masakit na ang kamay ko.

Umalingawngaw ang sigaw sa paligid nang tuluyan naming nahigit at naipanalo ang unang round.

Nanigas ako sa kinatatayuan ko habang pinapanood ang pag-agos ng dugo sa palad papunta ng braso ko.

Ang laki nung sugat, mula sa ibaba ng aking hintuturo pababa sa dulo ng aking kamay. Kasinghaba na ito halos ng ID o mas mahaba pa.

"Medic!!!" Natauhan ako nang sumigaw ang isa kong kasamahan, napako ako sa aking kinatatayuan hanggang sa lapitan ako nila kuya Edward, Xandro, Howard--- buong congress.

"Dalhin niyo na sa clinic!" Sigaw ni kuya Edward,

Hindi ako makakibot at tanging ang sigawan lang nila kuya ang naririnig ko.

"Andito yung nurse, bakit sa clinic?" Tanong ni kuya Lorenzo,

"Dapat nasa clinic na siya, kaya naman nating gamutin 'yan." Ani ni kuya Adrian,

"Anong silbi ng first aid license mo?! Ang daming inaasikaso ng nurse, oh!" Pinanood kong umagos ang dugo sa kamay ko at tumulo pa sa damo.

"Si Edward at Xandro med student, sa clinic na natin gamutin! Seryoso 'yan, oh!" Parang kinakapos ako ng hininga, masakit na siya, pero sa sobrang sakit parang hindi ko na rin nararamdaman.

"Mag desisyon na kayo!!" Sigaw ni kuya Haze, nagulat ako nang bigla akong buhatin ni kuya Lucas at itinakbo.

Masyado naman akong gumagawa ng eksena!!

Pagkadating namin sa clinic ay agad akong ipinatong ni kuya Lucas sa kama.

Walang tao o nurse sa clinic dahil inaasahan ng mga nurses na sa mismong lugar sila ng laro kakailanganin at hindi na isusugod pa sa clinic. Pero ang mga kuya yata na nasa paligid ko ay masyadong nerbyoso.

I stared at my hands, the wound is about 4 inches long and about half a centimeter deep. This probably won't need stitching but surely needs a treatment and bandages.

Hindi rin ito dapat magalaw nang masyado at laging palitan ang balot. Siguro ay isang linggo bago ito tuluyang matuyo.

"Ayusin niyo naman! Edward kalma!" Sigaw ni kuya Lorenzo at saka naman ako natauhan.

Napalingon ako sa paligid at nakitang nakakalat at nagkakagulo sila, si kuya Haze at Lucas ay nasa tabi ko lamang habang ang iba ay nasa paligid at mukhang may mga hinahanap. Saka ako tinamaan ng realization... ang OA naman nila!!!

Huminga ako nang malalim, "Sugat lang 'to mga kuya, 'wag kayong masyadong nerbyoso." Malumanay kong turan, ayoko na dumagdag pa sa kaguluhan nila.

Paano na sila kapag may emergency talaga? Mga head pa man din sila ng DPRT.

"Alcohol muna, alcohol, linisin niyo." Seryoso at ma-awtoridad ang boses ni kuya Haze. Ngayon ko lang narinig ang tono ng boses niya na 'yan.

Si kuya Xandro ang nag-abot ng alcohol kay kuya Lorenzo na may hawak ng bulak.

"Dahan-dahanin mo! Masakit 'yan--"

"Oo! Oo! Alam ko!" Pagbabangayan nila kuya Lorenzo at Edward.

Narinig kong tumawa si kuya Lucas, "Para akong nanonood ng palabas, eh. Ganiyan sa magbangayan sa mga movies." Ani nito at bahagya akong napatawa,

Nilagyan ni kuya Lorenzo ng alcohol ang bulak, "Mag do-doktor kana sa lagay na 'yan? Para dugo halos mabaliw ka--"

"That's why I took pediatric surgeon!" Sigaw ni kuya Edward at napahagalpak kami ng tawa,

Ibinaba ni kuya Lorenzo and bote ng alcohol at hinawakan ang kamay kong may sugat, nang nakita kong inilapit nito ang bulal sa sugat ko ay nanlaki ang maga ko.

MASAKIT 'YAN!

"Kuya!!" Napasigaw ako bago napasubsob sa tao sa kaliwa ko, si kuya Haze.

Hinawakan ni kuya Haze ang ulo ko at niyakap ako habang nililinisan ni kuya Lorenzo ang sugat ko.

Napahagulgol ako ng iyak sa sakit. Mas masakit pa ito kaysa kanina noong naglalaro kami. Mas masakit pa ito kaysa noong nasugat talaga ako.

"Ssshh~~ dahan-dahan Lorenzo," Narinig kong turan ni kuya Haze habang hinihimas ang ulo ko.

Para akong ginigilitan sa sakit, gumagapang at kumakalat ang hapdi.

"Ang lambot kasi ng kamay mo, mabilis kang nasugatan." Ani ni kuya Lorenzo at tumango nalang ako.

Ang nga luha ay patuloy sa pag-agos sa aking pisnge na agad ring napapahid sa damit ni kuya Haze.

Napagod nalang ako sa kakaiyak habang ginagamot ni kuya Lorenzo. Si kuya Xandro naman ang nagbalot sa 'kin ng bandage sa buong kamay.

Pinusan ni kuya Haze ng tissue ang buong mukha ko dahil basang-basa ito ng pawis at luha.

"Grabe ka Edward, paano nalang kapag--"

"Shut up," putol agad ni kuya Edward kay kuya Lucas,

Napatawa naman ako, "Thank you po," Para akong bata na umiiyak.

Napakamot si kuya Lorenzo sa batok niya, "Wala yun, sorry rin at nag-panic pa kami." Ani ni kuya Lorenzo at muli akong napatawa.

"Pwede na po kayong mag-doktor." Pagbibiro ko at napatawa silang lahat,

"Una na muna kami, baka may ma-injure pa, marami pa ang lalaro. Ikaw Cass, 'wag kana maglaro." Ani ni kuya Howard,

Napasinghal si kuya Lucas, "Malamang! Makakapaglaro paba siya sa lagay na 'yan?" Pabalang na sagot ni kuya Lucas na inirapan naman ni kuya Edward.

Naunang umalis si kuya Adrian at Howard, habang sila kuya Lorenzo, Xandro at Edward ay inayos ang mga ginamit nila at sumabay na rin sa kanila si kuya Lucas pag-alis.

"Kamusta? Gaano kasakit?" Malumanay nitong tanong, napabuntong hininga ako bago pinagmasdan ang kamay ko.

"Hindi ko gaano naramdaman yung sakit noong nasugat palang. Pero noong ginagamit na? Ay talaga naman!" Nakuha ko pang magbiro at parehas kaming napatawa,

"Was Lorenzo's hands heavy?" He asked and I shook my head,

"His hands were light and gentle." I answered and he hummed,

"Congrats nga pala! You did great!" He greeted and I smiled,

"Thanks--" then something hit me,

"Kuya! Diba lalaro ka rin? Baka hindi kana makalaro!" Nag-panic ako bigla,

"Okay lang, hindi na ako lalaro. Ang lalaki ng katawan ng mga taga aviation, kaya na nila yun." Sagot nito at napanguso ako.

"Basta ikaw," ipinatong nito ang kaniyang kamay sa aking braso,

"The best thing for you right now is rest, okay? 'Wag galaw nang galaw, 'wag na gumala, stay here." He softly said and I nod in defeat.

Ano pa ba ang magagawa ko? Edi sumunod. The rest of the day ay nasa clinic lang ako. Binisita ako nila Faye at Marga, dinalhan ako ng pagkain at nakipag-kwentuhan. Pero siyempre, hindi ko naman hahayaan na aksayahin ng mga kaibigan ko ang oras nila sa pagbabantay sa akin.

Pero ang nanatili talaga sa pagbabantay sa 'kin hanggang hapon ay si kuya Haze.

"Miryenda ka muna," kababalik lang nito galing labas, bumili ng pagkain.

Napanguso ako, "Pinapakain mo lang ako nang pinapakain kuya, eh." Ani ko at napatawa ito,

"Ano naman? You need this para gumaling agad." Sagot niya at napasinghal ako,

"Wala akong sakit kuya," ani ko at pinagtaasan niya ako ng kilay,

"Anong naramdaman mo noong nilagyan ka ng alcohol sa sugat?" Tanong nito at napakunot ang noo ko,

"Masakit--"

"May sakit ka." Napahagalpak ako ng tawa sa sinabi nito

"Para kang siraulo, kuya!" Ani ko at napahagikhik ito, umupo ito sa bangko sa tabi ng kama ko bago ako sinubuan ng takoyaki.

"Hindi ko alam kung anong gusto mo so I got every flavor?" Ani nito at napatawa ako,

"Kaya naman pala isang dosena 'yan, eh." Ani ko at napatawa siya.

"Would you mind telling me what flavor you like on takoyaki?" Tanong nito at tumango ako,

"Sure, well... sa takoyaki, I like every flavor except pure veggies. Like I need that protein!!" Ani ko at napatawa siya,

"Okay, so you hate veggies?" Tanong niya at umiling ako, "Hoy hindi, ha!" Sa takoyaki lang." Ani ko at utay-utay itong tumango bago ulit ako sinubuan.

Pagsapit ng alas singko ay muli akong pinuntahan nila Marga para sunduin. Kasunod naman nila ang congress na inalok kami na ihatid pauwi ng dorm.

"Ay naku kuya, sige nga po at mahirap i-commute itong si Cassandra." Ani ni Faye sa alok ni kuya Edward,

Napatawa nalang ako sa kahihiyan, sanay na sanay talaga si Faye sa mga ito. Kabarkada ba naman ng kuya niya simula Grade 7.

For the next days ng sport fest ay hindi na ako nakapagsaya, may mga araw na hindi na rin ako pumunta ng university dahil sinabihan ako ng nurse at nila Simon na magpahinga nalang.

Baka raw kasi kapag pumunta pa ako sa sport fest ay makapaglikot pa ako at hindi maipahinga nang maayos ang aking kamay na may balot.

Umattend nalang ako noong awarding na. Hindi ko nasubaybayan ang ibang laro kaya hindi ko alam kung may chance ba kaming manalo sa overall.

Pero ang hinihiling ko talaga ay ang manalo kami sa cheerdance.

"Tinanggal mo na pala yung balot?" Tanong sa akin ni kuya Haze nang magkita kami sa gymnasium.

Napatawa ako bago pinagmasdan ang kamay ko na may tapal pa rin.

"Opo, okay na rin naman, ilang araw na." Sagot ko at nag-hum ito,

Narinig namin na nagsimula na ang awarding.

"Hindi ka po ba pupunta sa mga kasama mo?" Tanong ko rito, nakatayo lang kasi siya sa tabi ko habang naka-cross ang mga braso sa tapat ng kaniyang dibdib.

Umiling ito, "Hindi na, masyado silang maingay." Sagot nito at nag-hum ako,

Ini-announce ang iba't-ibang winner sa iba't-ibang sports. Nang tawagin ang champion sa basketball ay walang kibot si kuya sa tabi ko.

"Hindi kaba pupunta, kuya? You should go! You're the Captain ball!" I urged him, his nose scrunched before facing me.

"Baka mawala ka kapag iniwan kita." Ani nito at napahagalpak ako ng tawa bago ito itinulak,

"Sige na! Dito lang ako! Hindi ako mawawala. Pumunta kana!" Ipinagtulakan ko ito paalis,

I watched him make his way through the crowd. He stand out just like a star in the night sky. A fire fly in the dark forest, the sun after a rainstorm.

I couldn't help my heart to beat fast, to catch breath, to feel that... unexplainable feeling.

Gusto ko na talaga siya.

Maraming humiyaw at sumisigaw ng pangalan niya. He's the match MVP scoring 77 points all by himself.

But hearing all those women in the crowd, falling in line for him, I felt... hopeless. Anong laban ko sa mga magagandang babae na yun? Some of them are even Tourism students and future flight attendants!

"Okay ka lang ba?" Tanong nito nang makabalik, medyo natutulala kasi ako,

Agad akong tumango, "Yep, congrats!" Bati ko rito, he smiled at me and looked at his medal.

"Thank you, your cheer helped me a lot." He answered and I smiled at him.

After several awards, its finally time for the cheerdance. We were 10 competitors in total, and after announcing the 6th place and medicine is still not yet called, I had a hope.

"And for our 3rd place! Cheerdance of... Medicine!"

My shoulders dropped, my smile faded. A lot of students shouted and celebrated, probably because there's 2 courses left.

I wasn't happy, I honestly felt... disappointed to myself.

"Let's go cheerleader, your turn for the picture!" Kuya Haze gave me a slight push so I'll join my members in front.

I forced a smile, of course. I could've done better, I could've been more satisfied with myself.

The next award is the overall champion, and as I expected after hearing the other awards, Engineering won the overall champion.

"Hey," I felt a tap on my shoulder,

"You did great pa rin." said kuya Haze who have this concerned expression on his face.

I gave him a faint smile, "Hindi lang ako satisfied sa sarili ko sa cheerdance." Sagot ko at nakita kong kumunot ang noo nito.

"What? Ang galing-galing mo nga!" turan nito at umiling ako,

I sighed, "Siguro ano... kahit na, I could've done better." I answered, I felt my throat tighten as tears begun building up in my eyes.

Hinawakan ako ni kuya Haze sa balikat at napahikbi ako, "May pagkukulang din ako sa cheersance, tapos... tapos--"

Nagulat ako nang bigla akong yakapin ni kuya Haze at bahagyang isinayaw, "Tahan na, you won 3rd place out of 10 competitors. And you shined so bright during your routine, I can't stop but to look at you the whole time. You did so great, Cassandra."

----------
A/N: love life update ni author, wala raw akong chance sa crush ko, AKA my real life Haziel Vergara, bounce na tayo mga par. hahahahah

PERO, HAHAHAHA some, just some scenes na nangyari dito sa chapter na ito ay nangyari talaga sa real life ni author hahahah, kakatapos lang ng intrams namin, ha! 2nd place sa cheerdance, overall champion, yeyy!!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen3h.Co