Truyen3h.Co

Safe Flights, Cap

PROLOGUE

_Dominous_

BEFORE YOU READ!!

This novel will be having an adaptation!! Please check out 'Ystillo Teatro' on Facebook. For further updates, go follow them on Facebook! Don't miss it out!

DISCLAIMER

Safe Flights, Cap  is a work of fiction. Some scenes and parts may be inspired by the author's own life and experiences. Overall, this story is a work of fiction with no connection to reality. Names, places, and people are all made up by the author and are most likely fictional. 

This story is not affiliated with the known brands, restaurant or places that will be mentioned in the story. 

Again, this story is a work of fiction but is inspired by the author's personal life and experiences. 

-------------

"Tapos kana ba sa case study mo, Cass? Hindi pa ako! Yari ako sa prof natin nito!!" Pagmamaktol sa akin ng kaibigan ko habang hawak-hawak ang kape niya. 

"Si Cass pa ba? Alam mo namang lagi 'yang advanced! Alam mo Faye, hindi pa rin ako tapos, sabay nalang natin gawin mamaya!" turan ni Marga, isa pang mag c-cram ng case study. 

Parang bata na nagma-marsta si Faye habang naglalakad kami sa pathway ng univeristy papunta sa event hall. 

"Kung kayo kasing dalawa ay hindi puro daldalan sa condo, edi sana tapos na kayo? Diba? Kung hindi kayo puro chismisan, pahinga na sana kayo. Community outreach na sana ang iniisip niyo, diba?" Para akong nanay kung pangaralan ang dalawa. Paano ba naman kasi, walang ibang ginawa sa gabi kundi ang magtawanan at magkwentuhan, habang ako ay gawang-gawa ng ng requirements, sila itong maingay sa kwarto. 

Habang nagbabangayan ang dalawa ay sinisipa-sipa ko ang bato na nadaanan namin kanina, para akong may mga batang kasama kung mag-away, nakakahiya na sila. 

"Alam niyo--" Nag-angat ako ng tingin subalit hindi ko natapos ang aking sasabihin nang may makasalubong akong dalawang lalaki na talagang naka-agaw ng attensyon ko. One of them is wearing blue polo and holding a hard hat while the other is wearing a pilot student uniform matching with shades. 

Hindi ko na napigilan ang sarili ko na hindi ito habulin ng tingin, tila ba ay bumagal ang ikot ng mundo nang makita ko ang lalaking aking nakasalubong. It's as if he was walking slowly away from me. And I can feel how fast my heart is beating. Para akong kinakapos ng hininga. 

Nang ilang metro na ang layo sa akin ng dalawang lalaki ay nagbalik ako ng tingin kila Faye at Marga. 

"Ang pogi! Hoy! Nakita niyo ba?! Yung nakasalubong natin!?" Nagpa-panic kong turan, ngayon lang ako nakakita ng ganon ka pogi! Ngayon ko lang din napansin ang lalaking iyon sa campus. 

Napahagalpak ng tawa si Faye, "Kalma sis, kuya ko yung nakasalubong natin." ani niya at umiling ako, "Hindi, kilala ko si kuya Shawn, kapatid mo yun malamang, yung kasama niya! Yung nakapampiloto! Sino yun!? Ang pogi!" Halos mapapalirit ako dito sa pathway, nag-awang ang labi ng dalawa bago nagkatingin. 

Ilang segundo silang natahimik bago napapalirit, "Si Kuya Haze!!" 

Nagtitili ang dalawa, nagtatalon pa, magkawahak pa ang kamay habang umiikot-ikot sa harap ko. 

"Sandali nga, sandali! Sino yun? Hindi ko kilala, enlighten me naman! Potential crush ko yun, oh!" Saway ko sa dalawa, tumigil sila kakatalon at parehas pang naghahabol ng hininga. 

Napatawa si Faye bago tumikhim, "Si Kuya Haze, Alonzo Haziel Vergara, pangalan palang pogi na! Aviation student, 4th year, kasama 'yan sa congress." ani niya at napakunot ang noo ko, 

"Congress? Politiko?" Taka kong tanong at napahagalpak ng tawa ang dalawa, 

"Tangik! Hindi yun! Congress, yung friend group nila kuya, you know, Xandro, Lorenzo, Adrian, Lucas-- so on! Walo sila, come one! Don't tell me you haven't heard of them?" Faye answered, my brows furrowed and slightly tilted my head. 

"N...o, sorry ha, hindi ko talaga sila kilala." ani ko at napabuntong hininga ang dalawa. 

"You're missing a lot, it's congress we're talking about!" Turan ni Faye, napa-irap ako bago inayos ang strap ng bag ko. 

Narinig kong suminghal si Marga, "Grabe ka naman sa missing a lot! Aren't they bunch of red flags? That's what I heard, ha." turan ni Marga, napakunot ang noo ko habang si Faye naman ay napasinghap. 

"Hindi lahat! Kuya ko hindi!" Depensa nito, hinampas pa si Marga sa braso. 

"Alam niyo, kalimutan na natin, tara na sa event hall." Naglakad na ako at hindi na hinintay ang dalawa pa. 

Sabay-sabay pa rin naman kaming nakarating sa event hall, may event ngayon ang mga arts students at imbitado ang lahat ng estudyante. Mabuti naman dahil wala kaming klase ngayon, gugugulin ko nalang ang buong araw ko sa pag-aasikaso ng notes at reviewers ko, malapit na rin kasi ang mid terms namin. 

Habang nakikinig sa opening ng event, hindi ko mapigilan na hanapin ang nakapang-piloto na estudyante. Hindi siya madaling hanapin, lalo na at ang daming nakapang-piloto sa gawi nila. Hindi ko rin pwedeng ibase sa shades niyang suot dahil karamihan din sa kanilang mga aviation students ay naka-shades. Ano bang meron sa kanila ngayon at nakasuot sila ng uniforms nila? 

"Ay--" Nanlaki ang mata ko nang sa wakas ay natanaw ko na siya, pakiramdam ko ay napansin niya rin ako kahit nasa kabilang side sila ng hall, parang nakatingin siya sa akin, eh!  Parang nagka-eye contact kaming dalawa! 

Napakagat ako sa ibabang labi ko bago napalingon sa kabilang direksyon, napahigpit ako ng hawak sa iPad kong dala habang nagpipigil ng kilig. This can't be happening, that's just a mere eye contact, Cass! Get yourself together! 

But he looks so good. 

Iyon ba ang sinasabi nilang love at first sight? Sa unang tingin, hulog na agad ako? 

Napa-iling ako, hindi, hindi pwede, focus lang dapat ako sa pag-aaral ko, crushless era ko dapat.

Bumuntong hininga ako bago muling lumingon sa gawi nila. Andoon talaga, eh! Naka shades siya! Angat na angat siya sa mga kasama niya! Kahit lahat sila nakapang-piloto, na di-distuingish ko na siya. Para siyang umiilaw doon, ang lakas ng charisma niya! 

"Huy, Cassandra, saan ka nakatingin?" Naagaw ni Faye ang attensyon ko, bahagya akong nagulat at pinanlakihan siya ng mata. 

"H-Ha? Wala ah," sagot ko rito, pinagtaasan ako nito ng isang kilay, "Asus-sus-sus, tumigil ka nga, nililingon mo yung piloto 'no? Reto ba kita? Kaibigan yun ni kuya, close sila, super!" Siniko ko ito para tumigil, 

"Huwag na, para kang sira." Nag-ala-ala akong naasar, pero ang totoo ay panakaw-nakaw ako ng sulyap sa gawi nila. Hindi ko na napipigilan ang sarili ko, halos mabali man ang leeg ko kakalingon ay wala akong pake, lalo na kung ganon din naman ka-gwapo ang nililingon ko.

Nang matapos ang opening program ay nauna na kaming umalis at pumunta sa library para doon gugulin ang araw. Sila Faye at Marga ay paalis-alis ng library, babalik na may dalang pagkain. Habang kumakain pa ay naglalaro sa cellphone, akala ko ba ay gagawa ito ng mga case study nila? 

Sinubukan kong alisin sa isip ko ang pilotong iyon. Pero hindi ako nakapigil kaya palihim kong hinanap ang account nito sa social media. Alonzon Haziel Vergara, his profile picture was a year ago, it was him on his motorcycle, he was wearing a helmet too that's why I cannot see his face. But what surprised me is that we're mutuals on social media. 

Napakunot ang noo ko, "How did we even..." 

Hindi ko nga siya kilala, eh. I've been studying here in the university for 3 years and I know nothing about him. Except that I might have heard his surname back in first year but that was years ago. Hindi ko talaga siya kilala kaya paano kami naging friends dalawa? But I must admit, it made me smile knowing we're mutuals on social media. 

"Uy, lunch, tara na, ano pang hinihintay mo d'yan?" Pag-aaya ni Faye, tumango lang ako at inayos na ang mga gamit ko. 

Naglalakad kami papuntang cafeteria, nagbabakasakali ako na makita ulit si kuyang pilot, pero baka nasa training ground ang mga ito kaya na rin siguro nakasuot sila ng kanilang mag uniforms. 

Napabuntong hininga ako nang ilapag ang pagkaing in-order ko, "Bakit ka naman malungkot?" tanong sa akin ni Faye, 

Napanguso ako, "Wala si kuya Cap," ani ko at nanlaki ang mata nito bago napahagalpak ng tawa. 

"Wow ha! May nickname na agad! At akala ko ba ay hindi na natin iisipin?" tanong niya at napabuntong hininga ako. 

"Pero... wala eh, ang gwapo niya, what if crush ko na?" Nagkatinginan si Faye at Marga bago pareha humaglapak ng tawa na parehas nakaka-offend. 

Umirap ako bago sumubo ng kanin, lumingon ako sa likuran ni Faye, halos maibuga ko ang kanin sa bibig ko nang makita ko ang pamilyar na damit at lakad.

Nanlaki ang mata ko bago hinampas ang braso ni Faye, "Andiyan siya! Andiyan siya!" Sabay lumingon si Faye at Marga sa likod, sabay ring humarap, parehas malawak ang ngiti. 

"Tanungin ko ba kung pwede kang magpa-picture? Kasama naman si kuya Shawn, eh, ako na magtatanong." ani nito at napanguso ako, "Ikaw, ikaw bahala," 

Half of me is hoping na papayag si kuya Haze na magpapicture ako, pero of course, hindi naman ako nag e-expect na papayag siya. 

Nang biglang tumayo si Faye ay parang kinilabuutan ako dahil nakita ko sa peripheral vision ko si kuya Haze kasama si kuya Shawn. They're standing next to our table, a meter apart from me. I can sense his aura, nakakapanghina na agad.

"Kuya, pwede po kaya magpa-picture ang kaibigan ko sa inyo?" 

Narinig kong tanong ni Faye, humigpit ang kapit ko sa kutsara at tinidor bago bahagyang nag-angat ng tingin, nakita ko si kuya Haze na nakatingin sa 'kin. Bakas sa mukha niya ang bahagyang pagkagulat, kahit naka face mask ito ay kitang-kita ko kung gaano ito ka-gwapo. 

Utay-utay siyang tumango, "Sure, go lang." ani nito at hinigit ako ni Marga patayo at halos itulak ako papalapit kay kuya. My feet feels like it can't move on its own and I had to drag them. 

"Hello po," nahihiya kong turan, I saw his face mask moved and his eyes somehow smiled. Gosh, kinakabahan ako! This is embarrassing at the same time I feel my blood rushing. 

"Hi," he shortly replied, I noticed that he's even holding an umbrella. I stood next to him and in front of us is Faye holding Marga's phone to take us pictures. 

I heard several clicks, iisang pose lang ang ginawa namin ni kuya, but I was smiling crazy. Kinikilig ako, that's for sure. Katabi ko lang siya pero amoy ko kung gaano siya kabango. My insides feel like it's going places. Nawawala sila sa tamang posisyon, at ang puso ko, parang nagtatatalon. Naninigas ako sa kinatatayuan ko, para rin akong nagpipigil ng hininga. 

"Okay na ba?" Natauhan ako nang magsalita si kuya Haze, he sounded bored, nilingon ko siya at tumango. 

"A-Ah, yes po, salamat po!" I said, he turned his back at me and walked away. 

Para akong nagulay at hindi makatayo nang maayos. Si Marga at Faye ay napatili at nagtatalon pa habang ako naman ay  napakapit ako sa bangko. 

I was panting, para nga akong kinakapos sa hininga dahil sa sobra kong kaba kanina ay nalimutan ko yata kung paano huminga. Napatakip ako sa bibig ko, I can feel my blood rushing on my cheeks. Alam kong mapula na ako ngayon dahil sa kilig, mabuti nalang at naka-face mask ako, kung hindi ay kitang-kita ni kuya kung gaano ako kapula. 

"Huy, Cassandra, okay ka pa ba?" Nilingon ko si Faye, bakas sa mukha nito na concerned siya sa akin. 

Utay-utay akong umiling, "No, hindi ako okay, I'm doomed, yari nanaman ako." 

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen3h.Co