Kabanata 12
Kabanata 12 (First Version)
I closed my eyes tightly, pinapakalma ko ang puso, ang paghinga. I inhaled and exhaled softly, my hand gently lifting in my chest's level and lower again as I gave out a relaxed sigh.
The scent of the moist leaves and the province air danced around me that I started feeling lighter and relaxed.
Peace...
This is what I love and seek always. Comfort and solace.
Being in the spotlight, it was great but tiring at the same time. May ibang taong grabe ang papuri sa 'yo at laking pasalamat ko roon at sayang nararamdaman pero may iba ring ayaw sa kasiyahan ng isang tao at hihilahin ka pababa.
No matter what you do. No matter how big the good things you did in this life, kapag nagkamali ka—kahit iisa lang ay hihilhin ka nila pababa.
No amount of good will can ever surpass one single mistake. My whole life in the spotlight would be gone. Your lights would be switched off and the dance floor where you're dancing? The crowds would vanish in a blink of an eye and slowly, the curtains would close.
Mga taong mahilig mambaligtad ng kwento, mga taong maraming problema pero mas pinoproblema pa ang problema mo.
People. Idiots.
Ibinaba ko ang kamay ng tuluyan, iniunat ko muna ang paa bago tumayo at humawak sa barricade para sana mag-stretch ng paa pero 'yon na lang ang pagtalon ko nang makita ang pamilyar na lalaking papalapit.
I abruptly jumped from my place, hiding on the side of the barricade so he wouldn't see me. Hindi naman ako nakarinig ng kung ano kaya marahang inangat ko ang ulo para sumilip sa baba at nang 'di siya makita ay inilabas na ang ulo.
"Hays," I puffed a breath, "mabuti na lang—"
"Good morning, girlfriend." I gasped loudly, napatakip pa ako sa bibig at napalingon sa kung saan nanggaling ang boses at natantong nasa kabila pa rin siya sa ibaba!
"Solomon!" I hissed irritatedly and touched my chest, "you are creepy! Bakit bigla ka na lang sumusulpot?!"
"Ako?" tumawa siya at binasa ang labi, mas sumandal pa sa may puno roon at tumitig sa akin. "Is it bad roaming around here, angel?" he smirked.
Nakaangat ang isang paa niya patalikod sa puno. Kulay puti ang t-shirt na may butones sa may dibdib na nakabukas, yakap-yakap nito ang kanyang mapintog na braso at dibdib. His brown pants looked old and yet, it looks expensive and new while he's wearing it.
Itim ang boots na suot niya, natamaan na naman ng araw na pumupuslit sa mga dahon ng puno ang balat niya kaya kumintab iyon kasabay ng pagliwanag ng kanyang matang kulay tsokolate na ngayon.
"Baka naman pakasalan mo na 'ko niyan?" I snapped back from my reverie.
Huli ko na nang mapansing nakatulala ako kay Solomon kaya dali-dali akong nagpanggap na nasusuka sabay irap.
"Asa ka," I spat.
"Aasa talaga ko," humalakhak siya at umayos ng tayo. "'Di na nga 'ko magugulat kung biglang mag-propose ka sa 'kin."
Napaawang ang labi ko. Humalakhak siya kaya tumiim ang tingin ko.
"You thick-faced jerk!" irit ko, "I was just kidding—"
"Walang kidding-kidding dito, Miss Sweet Lips. Seryoso kasi 'kong tao, 'di ako mapagbiro." He smirked playfully again, putting his hands in the pocket of his jeans while walking closer to my place.
"Coming from you, huh?" I crossed my arms in front of my chest, "eh, puro kalokohan nga lumalabas sa bibig mo."
"Hindi, ah!" he defended. "Serious kaya 'ko sa totoo lang, mukha ba akong joker?"
"Oo," I said, seeing how he stopped on his tracks.
"Ano—"
"Mukha kang joke sabi ko." I said in a poker face at nang matulala siya sa akin sa gulat ay unti-unting umangat ang sulok ng labi ko at ngumisi na nauwi sa tawa at nang mukhang naeeskandalo na siya ay napahalakhak na.
"Just by seeing you—I think you're a walking joke." I pointed out, laughing my ass out while he's looking up at me.
"Ang ganda mo talaga." Napawi ang ngiti ko, nang sulyapan ko siya'y nakahalukipkip na rin siya at pinapanuod ako sa ibaba. It was like he's watching a movie, smiling like an idiot there.
My heart made a leap. I was stunned.
"Yieee, naramdaman mo 'yong kabog sa dibdib?" he asked, "ako rin, eh."
"H-hindi, ah!" I panicked, my heart thumping more, loudly this time. "Asa ka namang—"
"Namumula ka, Miss Sweet Lips." He smiled playfully.
"S'yempre! S'yempre ano...mainit!" I hissed angrily, "mestiza kasi 'ko, Alejo, kaya mabilis mamula! Feeler!" I hissed and when I saw him just shot his brows up, inabot ko na ang mat muli sa lapag at hinagis sa pwesto niya.
Tumalukbong iyon sa mukha niya.
"Ha!" I laughed, "serves you right!" I exclaimed and ran towards my room, closing the glass door with the curtains before resting my back on it. I touched and felt my chest, realizing my heart's been beating wildly.
Napaupo ako sa lapag, sapo-sapo ko ang dibdib at pinapakiramdaman ang ritmo nito. Napapapakit, nag-aantay sa sakit sa pagkalabog pero komportable iyon at payapa sa pakiramdam.
I sighed loudly, slapping my cheek.
Kakakape mo 'yan, Sibyl Timothea.
I went down after taking a quick bath, kaagad akong nakalanghap ng mabangong amoy ng pagkain kaya dire-diretso akong naglakad papunta sana sa kusina nang may narinig.
"Pst! Ganda!" hindi sana ako lilingon pero maganda ako kaya sumulyap ako sa likod.
"Yes?" I asked, flipping my hair to Solomon's smiling face.
"Wow, oh! Aminado siya!" tumawa na siya.
"I am beautiful," I pointed out and rolled my eyes.
"Oh, ayan na naman 'yong puting mata mo." He rolled his eyes too, in an overreacting way kaya nairita na ako at bumusangot.
"Super OA, I don't roll my eyes that way. 'Di naman ako mukhang possessed." I sneered.
"Hoy, grabe 'to!" tumawa pa siya, "mukha ba akong sinasaniban?"
"Hindi. Ikaw 'yong mukhang demonyong sumasapi." I said in a straight-face at nang magulantang siya sa akin ay ngumisi na ako, sinadya pang ipalipad sa hangin ang buhok ko at nang tamaan ang mukha niya ay confident na naglakad paalis.
"Edi bagay pala tayo!" habol niya, "ikaw angel tapos ako—"
"Oh, shut up, Solomon. 'Yong pangalan mo galing pa sa baul." Sikmat ko at bago pa siya makapagsalita ay napapangiting dumiretso ako sa kusina.
Si Papa na nagluluto, si Mama sa tabi niya at sumisilip at isang bata ang naabutan ko sa kusina pagpasok ko.
"Ate! Good morning po!" my eyes widened when Fritz stood from her seat, running towards me and not even a second, think twice but to hug my legs.
I stiffened. Hindi alam ang gagawin.
"Sana po masarap ang tulog n'yo kagabi po, Ate!" she muttered happily, even raising her head to look at my face and I just felt, I don't know? Stunned? Lost?
But my heart's been thumping and I felt it.
"Fritz..." Sol called, "tara na rito—"
"G-Good morning, too, Fritz." Mahinang bati ko sa bata na muling bumaling sa akin ang buhay at kumikislap na mga mata niya. "Nakatulog naman ako ng maayos, ikaw ba?"
"Masarap po!" she said, "tapos po niyaya ako nina Mama po na rito kain po ng agahan, Ate!"
"Ah..." I nodded, glancing at my grandparents looking at me gently, "that's good."
I lowered my body, napahiwalay naman siya sa akin kaya pinantayan ko siya at nag-aalangang napangiti.
"Tara, kain?" I asked.
She smiled brightly again and nodded, I definitely can see Sol's face on hers at the same time. I remembered my younger sister when she's this small.
Fritzy looked bright and cheerful and guilt crept inside my chest again. Remembering the words I spit.
"Gusto mo buhat ka ni Ate?" marahang sabi ko at kumislap ang mata niya, sumulyap kay Sol bago sa akin, nahihiyang tumango.
I smiled a little, she lifted her arms and I took it. Binuhat ko siya pero mabigat pala kaya napasinghap ako. Akala ko'y mawawalan ako ng balanse pero may humawak sa baywang ko't pumaikot ang braso ro'n, hinahatak ako para makaayos.
"Opps!" Fritzy encircled her arms on my nape, "bigat po ako ba, Ate?"
I stifled a laugh, nodding.
"Medyo, dami mo ata kinakain, eh?" I teased instead and we ended up laughing.
"Si Fritzy kung ano-anong kinakain kasi. Ayan tuloy ang bigat na, tara nga rito at ako na ang bubuhat sa 'yo. Baka mapigtas si Miss Sweet—"
I threw him a deadly glare, namilog naman ang mata niya't naitaas ang kamay. Natatawa pa sa aking umiling.
"Joke lang, joke..." halakhak niya, sumulyap sa kapatid. "Tara, Fritz. Tulungan natin si Mama Lena mag-ayos ng hapag."
Fritz looked at my way, natigilan naman ako nang muli siyang ngumiti at basta na lang humalik sa pisngi ko.
"Morning po, Ate! Thank you po sa buhat!" she said happily, moving her arms towards his brother na parang laruan lang siyang kinuha sa akin, nagtatawanan pa ang dalawa habang papunta kina Mama at Papa na nanunuod.
I stared at Solomon's back and while hearing his laugh, I realized I was never genuinely happy like that. Kiniliti niya sa Fritz kaya mas humagikhik ang huli, yumayakap sa kanyang batok.
A touch on my shoulder almost made me jump. Mabilis kong nilingon ang tabi at nakita si Mama na malambing ang titig sa akin.
"You looked radiant and prettier today, princess." She whispered and I just smiled at her. Nang yakapin niya ako'y mabilis akong yumakap pabalik sa kanya, sumusulyap kay Sol na nakaupo na roon sa hapag, katabi si Fritz. Seryoso at malalim ang tingin sa akin.
Nang natapos ang pagkain ay bumalik ako sa kwarto para mag-relax. I can see countless chats from my friends pero hindi ko iyon binuksan. I decided to read books on the shelf there but hindi pa ako nakakatapos ng isang chapter ay may nagsisisigaw na namang kampon ng karimlan sa ibaba.
"Ganda! Uy, ganda!" I am planning to not look at it but I felt too bad not responding to the desperate calls of my beauty.
Hindi naman nakakabawas ng ganda ang pagsilip sa pagtawag, hindi ba? Kawawa naman si Sol at nagmamakaawa pa masulyapan lang ako.
Tumayo ako sa pwesto ko, taas-noong dumungaw sa kanya doon.
"Ano na naman?" I spat.
"Naks, kapag talaga ganda attentive siya!" halakhak niya. Tinaasan ko na ng kilay.
"What do you need? I'm busy, kung wala kang matinong sasabihin lumayas ka na—"
"Wanna go out?" I stopped upon hearing it.
"Saan?" I inquired, "busy ako—"
"Ang boring naman nito, umikot-ikot ka naman. Magpaaraw ka, sige ka, baka ma-stroke ka diyan sa loob. Maraming p'wedeng pasyalan dito sa Sta. Monica, 'di mo lang alam."
"What's to see, anyway?" I looked around. "Trees? Freaking kambing poo?"
"Anong...freaking kambing?" tumawa pa siya, ang maputing ngipin ay kitang-kita ko na. "Natutuwa talaga ako sa vocabulary mo."
"Natutuwa ka? P'wes ako hindi." Sagot ko.
"Sungit!" he chuckled, "sige, hindi na. Sama ka? Tara, ikot tayo. Free naman ako ngayon at wala namang aayusin sa plantation, baka maging abala na rin kasi ako sa sunod at magsisimula na ang klase."
"Let me think," I rested my arms on the barricade to think.
If I stay here, what will I do? Stare at nowhere and read a book? Tapos? Magmumukmok?
"Tiktok...tiktok..." he mumbled, pretending to be a clock.
"Shh, ingay!" I glared at his direction, he only smirked.
"What, angel? Would you say yes to my proposal?" he smiled. "Mangabayo tayo."
I puffed an exasperate sigh and nodded, "oh, siya, sige. Kawawa ka naman." Napipilitan ko pang sinabi at narinig ko pa ang malakas niyang yes doon sa ibaba.
Of course, I asked him to wait for me. I changed into a comfy yet pretty outfit.
Black checkered top and spaghetti strap underneath it. nag-short pa ako ng maong bago isinuot ang boots ko at nagpahid ng sunblock. I wore my shades, braided my hair on the sides of my neck before taking the umbrella.
Mama and Papa weren't here, nagsabi silang may aasikasuhin kaya ako ang naiwan doon at pagkalabas pa lang ay naabutan ko na si Solomon kasama ang kabayo.
He was brushing its hair, it was color light brown at habang nakatitig doon ay nangunguso lang ako.
Matangkad at matikas. Likod pa lang ay ulam na. Pakiramdam ko'y dominante ito at hindi basta-bastang susuko sa gusto niya dapat.
Gumalaw ang kanyang balikat at unti-unti'y napalunok ako.
Ang gwapo mo, Sol.
Natulala ako bigla sa naisip. Oh my gosh? Is this kalandian?
Wake up, Sib! Hindi ikaw ito!
What I mean is... the horse! I am talking about the freaking horse!
"Nalito ako," I started off after resting my back on the nearby tree. Nilingon niya ako.
"Hmm?" he hummed.
"Nalito ako sabi, 'di ko alam saan ang kabayo." Turo ko sa kanya at sa kabayo, napapangisi na nang makitang exaggerated na naman siya mag-react.
"Do I look like a horse, Sandejas?" he asked in a straight and hard accent, seryoso siya pero ang mga mata niya'y puno ng kapilyuhan.
"Oo," I answered straightforwardly, crossing my arms on my chest to look at him.
"Oh?" he asked, umayos siya ng tayo at tuluyan na akong hinarap. He's tall, the reason why I looked up when he stood straight pero hindi ako nagpatalo. He towered me, isang hakbang ay nilamon na nito ang distansya sa aming dalawa hanggang sa nararamdaman ko na ang dibdib niya sa braso ko.
My heart pounded harshly, the warmth of his chest got to me that I looked at him intently and seriously—trying my very best to stay composed.
"W-What?" I spat when he reached me.
He placed his hand just beside my head and cocked his neck so he could see me better.
"Naaapektuhan ka sa 'kin," he announced.
"A-Ano?" tumiim ang bagang ko, "a-anong sinasabi...sinasabi mo—"
"S-Sinasabi, sinasabi mo?" he mimicked in a teasing tone and smirked, "oo nga, mukhang 'di ka naman naaapektuhan, Miss Sweet Lips."
I glared at him, he smiled maliciously back. Nagtitigan kaming dalawa roon at walang nagpapatalo pero hindi p'wedeng dalawa kami ang panalo.
I am the woman with a principle and that is to always win and so, I thought of ways to make him stop on his tracks—which I think is I'm pretty good at.
I relaxed my face and gave him the sweetest smile ever and I can see how it affected him. Sumeryoso ang mukha niya at tumiim ang tingin sa akin.
Tinanggal ko ang braso mula sa pagkakahalukipkip at marahang ibinaba ang kamay niya sa tabi ng ulo ko na hinayaan niya lang. Gently, I encircled my arms on his nape, pulling him closer until our chests touched.
"You know what, baby?" I asked the moment our lips are almost meeting each other. "You know why I got confused where the horse is?"
His jaw tightened. "why, then?" laban niya sa akin, nang humawak na ang kamay niya sa baywang ko ay nanghina ako pero hindi ko iyon ipinahalata.
"Kasi nalilito ako, Alejo." I said, "kung 'yong kabayo ba o ikaw 'yong..."
"'Yong?" he moved his face until the tip of his nose is touching mine.
"Kung 'yong kabayo o ikaw 'yong...sasakyan." I answered with a naughty grin, teasing him but the smile I had faded when he grasped for my waist and pulled me, crashing his lips against mine.
No words can ever describe how shock I am right now. Tulala at nanlalaki pa ang mata habang nakatitig sa kanyang pikit na ang mata habang nilalasahan ang labi ko.
"Open your mouth, angel." He whispered when he saw me unmoving with my eyes wide. Hindi ako nakagalaw at natulala at umangat ang sulok ng labi niya at napailing, marahang humaplos pa ang kamay sa baywang ko bago naglagay ng mabining halik sa noo ko.
"You looked so tough but you still act like an innocent kid," he muttered and pinched my cheek, "ang cute mo, Miss Sweet Lips. Red ba 'yang lipstick mo?" aniya sabay hiwalay sa akin kaya napaawang ang labi ko.
"It's Flamenco," nasagot ko na lang.
"Ah, Flamingo." Tango niya kaya bumalik ako sa katinuan at tinulak siya sabay pamaywang.
"Ano?!" I hissed, "it's Flamenco! Not Flamingo!"
Pero humalukipkip lang siya at tinagilid ang ulo sabay basa sa pang-ibabang labi.
"Ah, red." He nodded and my mouth parted.
"You piece of..." inambahan ko na ng sapak pero humahalakhak siyang lumayo sa akin, paatras pang nang-aasar.
"Parehas lang naman 'yan, Flamingo red or—"
"It's Flamenco Red, jerk!" I hissed annoyingly at mas humalakhak lang siya.
"Red pa rin—"
"Gago!" he screamed teasingly when I ran after him, humahalakhak pa siya nang maabutan ko ang suot niyang shirt at hila. "Ikaw, ikaw!" I growled while smacking his arm and he's just laughing his ass out until he caught me by my waist.
"Oo na, Flamenco Red." Ngisi niya sabay hawak sa noo ko, "h'wag na magalit, 'di sa 'yo bagay ang kunot ang noo." He straightened my frowning forehead and hell, I don't know why there is something calm within me I couldn't quite comprehend.
I heard the horse making noises, doon ko lang natantong naghahabulan lang kami paikot sa kabayo.
"Sakay na tayo?" aniya sa akin na pinapakawalan ako kaya napaharap ako sa kabayo at humawak doon, "una ka nang sumakay sa kabayo, alalayan kita pero p'wera na lang kung..."
He touched my waist and was about to helped me up.
Tinaasan ko siya ng kilay nang lingunin ko na, "kung?"
"Kung ako 'yong gusto mong sakyan," he answered back and I slipped and thought I'll hit the ground but fell on his arms when he caught me.
"Solomon!"
"Baka nalilito pa ang anghel ko," sabay ngisi niya habang nasa braso niya ako kaya binalot ng init ang mukha ko. Napatakip ako ng tainga sabay tili ng malakas at nagwala sa braso niya.
Humagalpak siya pero sigaw lang ako nang sigaw habang takip ang tainga ko.
"Gago! Gago!" sigaw ko.
"Gagow...gagow..." he mimicked and laughed louder until I heard the house helps inside the house coming to us to check.
"Anong nangyari?" I heard Manang asked while I was screaming my lungs out.
"Ah, wala po." Humalakhak pa si Sol, "napasukan ata ng salagubang ang tainga—"
I fisted a handful of his hair kaya napasigaw siya at dalawa kami roong nagsigawan habang pilit na lumalayo sa isa't-isa.
It was a disaster, sa sobrang kaharutan ata namin ay napagod na ang kabayo sa amin kaya wala na sa mood kaya 'di kami natuloy at iritadong-iritado ako kay Solomon habang naglalakad kami papasok sa mansyon pabalik.
"Ang tahimik mo naman, Miss." Siniko niya ako pero 'di ako umimik at sumimangot lalo. "Pero may iki-kwento ako sa 'yo, alam mo ba no'ng bata ako madalas akong ipanglaban sa spelling bee at quiz bee kasi brainy ako?"
I looked at him and raised my brow, "not interested."
"Oh? Ayaw mo maniwala? Gusto mo sample? May isang time sobrang napahanga ko 'yong titser atsaka 'yong mga kaklase ko kasi nasagot ko 'yong isang tanong na impossible makahanap ng sagot."
Hindi ko siya inimik pero ang ingay talaga.
"Use the word fact three times in a sentence, oh, kaya mo ba?" hamon niya kaya napaisip ako pero walang mahanap kaya nagkibit-balikat.
"Oh? Anong sagot mo?" I looked at him and seriously asked.
"Walang nakasagot, ako lang. Ang sentence ko ito." He cleared his throat and quoted. "As a matter of fact, an ipis has a fact-fact."
Natigilan ako. Humagalpak siya ng tawa at tinulak-tulak pa ako.
The fuck. Zeijan Sandejas, may nawawala ka na atang kakambal dito!
I gave him a face. How to unhear?
"What? Are you nuts?" I asked boredly pero tawang-tawa lang siya kaya napailing ako, seryoso pa dapat pero nang mas na-proseso ang joke niya ay napailing at napangiti ng maliit.
"Corny mo," marahang sinabi ko na at natatawang ipinag-angat niya ako ng upuan pagkarating namin sa kusina.
"Para sa 'yo lang, Miss Sweet Lips," he smirked, "gusto mong kape? May 3-in-1 dito. Sorry, walang 'yong mga Americano ek-ek na sosyal."
"Is it masarap?" I asked and he nodded.
"Tara, turuan kita magtimpla." Aniya kaya tumayo ako at pinagmasdan siyang kumuha ng mug at termos. He showed me a small pack and I frowned.
"Ayan lang?" I asked, "how about the other ingredients? The ice—"
"P'wede nating gawing iced coffee 'to pero dapat tunawin mo muna 'yong kape sa mainit." He said and it made me confuse.
Sa café naman ay diretso na, why pa need na i-dissolve sa hot water?
"Powder kasi 'to," aniya. "Kapag malamig lang agad, 'di matutunaw. Mabilis lang naman 'to, tignan mo."
He taught me how to do it at sa sobrang dali ay nakanganga lang ako. Lalo na nang lagyan na niya ng yelo at malamig na tubig.
"Oh, ayan na, tikman mo!" he exclaimed excitedly and I pouted.
"Kapag ito hindi masarap, Solomon, sinasabi ko sa 'yo..." banta ko pa pero tinawanan niya lang ako at nag-thumbs up.
"Seryoso, masarap 'yan! Kiss mo 'ko kapag hindi." Biro pa niya na 'di ko na pinansin at baka matusok ko pa ang mata niya sa inis ko. "Joke lang, pero kung gusto mong totohanin—"
I threw him a sharp look, tinaas naman niya ang kamay at natatawang umiling.
"Joke lang... sige na, inumin mo na. Promise, masarap," he said.
I lifted the mug. He was just watching my reaction while I was bringing it on my lips and I was hesitant at first but seeing how attentive he is, I brought it on my lips and took a sip.
The taste spread on my tongue and my eyes brightened. Wasn't expecting much but it turned out well.
"Ano? Ano?" he asked attentively and I took another sip again with my wide eyes and stared at him with amazement.
"Anong sabi no'ng pulis na immortal?" he asked me and I blinked and gave him a thumbs up.
"Yummy..." I murmured and laughed when he did.
"Sabi ko sa 'yo, eh!" he exclaimed proudly and I was amazed and took another sip again until it's done.
"I want another one!" I announced and excitedly prepared one for myself so he could teach me how to do it properly.
Sol left because he's needed, naiwan ako roon sa kusina at siguro dahil sa pagkaadik ko sa kape noon pa man ay naaliw ako sa bagong discovery. Of course, the coffee I usually drink is great and it's more delicious but this new experience made me excited and amazed.
In just a small pack, you can make your own iced coffee!
Hindi ako nakontento, after my second mug. I took my small tumbler and filled it with coffee and ice, smiling as I went to my room, making the ice clinked together inside it.
Ah...therapy.
I rested for a while and read a book instead since epic fail ang plano ni Solomon. I slept too and only woke up when Mama called and informed me they'll be going to the opening night of the carnival here!
I was so thrilled and excited. It made me curious since I've been to large amusement parks before but not the local ones.
"Wear comfy clothes, 'nak." Ani Mama na sinilip ako kaya tumango ako.
"Is it fun there, Ma?"
"Yep!" she said, popping the last letter. "Masaya na ito noon pero siguradong mas masaya ngayon kasi ang daming bagong rides! Moderno na kumpara noon."
I nodded and smiled at her and proceeded into fixing myself.
I tied my hair in a messy ponytail, dahil nga nakatirintas ako kanina ay kulot pa ang dulo noon at hinayaan kong mahulog ang iilang strand sa gilid ng mukha ko. I chose my wardrobe and decided to wear the flowy light green floral dress I had, backless iyon at sinuot ang boots ko.
I went down on the stairs to check on my grandparents but stopped running down when I noticed someone watching me. Nag-angat ako ng tingin at nagparte ang mga labi nang makita kung sino ang naroon at nakasandal sa may pader namin.
Solomon looks clean and freshly bath when I checked him out. His hair's combed, ang itim na shirt na may butones sa may dibdib ay kagaya ng disenyo ng suot niya kanina p'wera na lang sa kulay at may maong jacket na suot.
"Wow..." I blinked back when he said that, muling nagsalubong ang mata namin at ngumuso ako nang naglakad siya palapit, inilalahad ang kamay niya.
"Let me help you, angel." He said playfully and I rolled my eyes. 'Di ko tinanggap ang kamay niya, confident pa akong naglakad palapit sa kanya para paluin ang kamay na inilalahad. Ngumisi siya at itinago ang kamay sa bulsa.
"Naks, independent woman!"
"I don't need help, I can handle," prente kong sagot at tinalikuran siya, umiiwas na makita ang mukha niya't maadik lang sa pabango niya. "Where's Mama and Papa?"
"Sa labas, tara na? Maganda ang perya at kakabukas lang ngayong gabi kaya paniguradong matutuwa ka." He touched my forearm, nilingon ko siya habang naglalakad kami palabas.
"Sama ka?" I frowned.
"Oo, bakit?" tumawa siya, "ako magda-drive sa inyo, o baka naman gusto mong—"
"One more pervert thing and I'll slit your throat," banta ko sabay ngisi kaya namilog ang mata niya at umiling-iling sa akin.
"Hoy, grabe ka, Miss! Wala naman akong sinasabi, ah? Nagtatanong lang kung gusto mo bang sabay-sabay o kaya ihuli ka—"
"Shh!" my cheeks heated up, thinking I am becoming pervert instead. Siniko ko na paalis si Solomon na tatawa-tawa pa bago tinakbo ang grandparents na nag-uusap sa may sasakyan.
Mama's seated on the backseat, si Papa ay nasa labas at kinakausap siya. Kita ko ang hawak ni Papa sa kamay ni Mama, hinahaplos iyon sabay halik bago may sasabihin at magtatawanan sila.
My heart swelled.
You don't even need to blurt the word love to see it. Even with no words, I can see how Papa's looking at Mama like she's the only person he's seeing. The sound of their laughter's music to my ears.
I missed Mom and Dad.
"Oh, the princess is here!" Mama announced and I flashed a smile, lumapit ako roon sa kanila at kaagad akong inakbayan ni Papa at humalik sa ulo ko.
"Beautiful," he said, "manang-mana ka sa Mommy Alyx mo."
Biglang tumawa si Mama sa komento niya, "how 'bout Zeij, hon? Hawig na hawig din naman sila, ah? Look at your granddaughter's eyes, it reminded me of your son."
"Tingin nga ako, prinsesa." Ani Papa kaya nilingon ko siya at napatitig siya sa mata ko bago ngumuso at tumawa. "Well, oo nga pero nah, 'di ko aaminin sa Tatay mo. Secret lang, ah?"
I giggled and nodded, yumakap ako sa Papa bago humalik kay Mama na masayang nakatitig sa akin.
"Oh, siya, tara na! Let's not missed the fun. Itong Lolo mong may arthritis na ay excited pumunta! Akala mo ay College pa rin, takot naman sa ferris wheel."
"I'm not!" he snapped and pouted, "you still kept on bullying me, Harriet ko." Reklamo niya at napangiti ako nang atakihin niya ng nagbibirong halik si Mama na tumatawa.
A touch on my waist stopped me from watching, nilingon ko ang tabi at nakita si Sol sa tabi ko.
"Gusto mo rin?"
Sinikmuraan ko na.
"A-Aww, Sib..." daing niya habang sapo-sapo ang tiyan. Tinaasan ko lang siya ng kilay at hinila ko ang kwelyo ng jacket niya atsaka lumapit sabay bulong.
"Laters, baby." I answered, smirking when he was frozen in place and blushing hard.
Isang baby lang pala makakatanggal ng angas ng Solomon na 'to.
I smiled secretly.
My baby Sol is adorable...
I went on the shotgun seat beside him. He was looking at me from time to time and my heart's being unsteady but I refused to show how I actually feel for him.
Mama and Papa's being so excited, they told us about their escapades before, how they involved themselves in cutting classes just to go to the carnival and when we got there, amazement is such an underrated word to describe it.
Maliwanag ang paligid, there are colorful and neon lights around. Sa pagpasok pa ay may nakalagay na malaking pangalan doon sa signage.
Sta. Monica Carnival
Wow...Zire and Adi would love this!
It looks brand new, may malaking tent na pula at puting kombinasyon kung saan pwedeng kumuha ng tickets at si Papa ay may ipinakita na sa aming maliliit na papel.
"Here, we got tickets in advance. It's a special one, para lang sa opening." Papa said and gave us tickets.
Nauna na sa paglakad sina Mama at Papa. Si Sol naman ay tumabi at sumilip sa ticket na hawak ko kaya hinarap ko na siya.
"It's pretty, 'no?" I smiled at him, "what color did you got?"
"Blue," aniya kaya sinilip ko ang pinapakita niya at nakalagay doon ang pangalang Sta. Monica at sa gilid nito ay may fireworks at rides.
"I got a gold one," I said happily and showed him mine, kaparehas lang iyon sa kanya pero pangalan lang ang nakasulat sa ibang disenyo. "Wait, picture?"
"May dala kang camera?" he asked kaya tumango-tango ako at ngumiti.
I took my small bag and lifted my polaroid camera.
"Taas mo ticket mo, Sol. Picturan natin kasama 'yong signage!" sabi ko kaya inangat niya ang kamay at gano'n din ako. Pinagdikit namin ang tickets at inangat sa ere para makita ang pangalan ng carnival at napangiti ako pagkatapos ko iyong kuhaan at inabot sa kanya ang film.
"There, let's wait for it to develop." I said and lifted it again after pulling him. "Tara, tayo naman picture."
He was stunned but he didn't say otherwise, tumalikod kami mula sa signage kaya inangat ko ang camera.
"Kita ba tayo diyan, angel?" he asked and moved his face closer to me.
"Wait, lapit ka pa." I said and moved closer and I gasped when I felt him pulled my waist towards him until we're so close. Inilapit niya ang mukha sa akin at nag-init ang mukha ko nang maramdaman ang pisngi niyang nakadikit na rin sa akin.
Napatulala ako, sa sobrang pagpa-panic ay napindot ang camera at napahiwalay sa kanya. Nahihiyang kinagat ang labi at kinuha ang film.
"Ayan, patingin nga—"
"L-Later!" I exclaimed, looking at his confused eyes. "H-Hanap na tayo nina Mama..."
"Bakit namumula ka—" I didn't let him finish again, I turned my back at him and ran towards my grandparents waiting, my cheeks heating up.
It was like that of large amusement parks inside but more intimate, I guess. Some games are not in the usual parks. May mga hagisan doon ng barya ata?
"Ate, sandali! Umiikot pa ang piso ko!" sigawan doon kaya napatawa ako at histerikal ang pagkakasabi nito.
There are stalls inside, kainan, may games at local rides. Hindi man sobrang kahawig at kasing ganda ng sa naglalakihan ay maganda pa rin.
"Ayon ang caterpillar," Papa said and pointed at somewhere kaya napangiti ako at tumango.
Kasabay ko silang naglalakad ni Mama at kanina pa ako kumukuha ng polaroid photos nila dahil natutuwa ako. They're holding hands while walking. I can see Mama touching her necklace from time to time and Papa would stare at her and smile knowingly, pagkatapos ay hahalik sa ulo niya.
I glanced at Sol, tahimik lang siyang naglalakad sa tabi ko at nakapamulsa. Nagmamasid siya sa paligid pero ang saya ay sumasayaw sa mga mata niya kasabay sa ilaw sa paligid.
I bit my lower lip, marahan kong inangat ang polaroid at kinuhaan siya sa ganoo'ng pwesto at bigla siyang napalingon, may multo pa ng ngiti.
"Sib..." he smirked, "gwapong-gwapo ka na naman sa 'kin?"
"Ang kapal mo kamo," tawa ko at muling inangat ang camera pagkatapos kunin ng film, "ngiti ka nga, para maganda ang visuals."
He stood straight, naiwan na ata kami nina Mama dahil humanap pa ako ng magandang pwesto kay Sol. He's back is on the colorful ferris wheel as his view, nagpamulsa siya at ang buhok na kanina'y maayos ay medyo ginulo ng hangin.
"Ayan, okay na?" he asked. "Para saan ba ang visuals ko? Para sa wallpaper mo?" he even teased, giving me a handsome lopsided smile.
"Hindi, visual ko 'to para sa voodoo doll ko." I said, snapping the camera the moment his jaw dropped.
"Sibyl Timothea!" he exclaimed.
"Yes, Solomon Aecen?" I giggled as I took the film and smiled at him, chuckling when he attempted chasing me but failed because I reached my Mama and Papa.
Nag-aya silang sumakay sa ferris wheel pagkalapit ko sa kanila. Dahil nga sa nauna sila sa pagpila ay nasa medyo likuran na ako kung sakali.
"Okay lang ba, uuna na kami nitong Papa Jer mo at baka maihi sa takot." Mama teased.
"What?" Papa whined and looked at her like a kid kaya natatawang niyakap siya ni Mama.
Napangiti ako. I nodded and agreed, glancing at Sol's amused face while looking at me.
Pumila kami para makasakay sa unang paikot sa ferris wheel noong gabing iyon. The whole place is loud with upbeat music, may mga mascots, mag-jowa, magkakaibigan, mga bata at miski mga pamilya ang naroon at nagsasaya sa lugar.
I was used to bars because I went there occasionally and it was fun but not to this extent of fun. Kitang-kita ang kasiyahan sa mukha ng mga tao rito at habang nag-oobserba ay napaisip.
Am I missing this much fun all my life?
"Seryoso ka, Miss?" someone tugged my forearm and I looked at Sol's eyes directed to me.
His orbs are black mixing with chocolate at times—it was soulful, it was expressive. I felt like he could suck my life away from me just by merely looking at it.
The cold air touched my skin and I shivered, napahawak ako sa braso ko pero natigilan nang makitang hinuhubad na ni Sol ang maong jacket niya.
"You don't have to," I muttered but he's putting his jacket around my shoulder. "But thanks, I guess? Suotin ko na lang para hindi mahulog."
"Alright," he smiled and helped me wear his jacket to cover my thin dress inside.
Habang inaayos ko ang sarili ay inaayos din ni Sol ang kwelyo ng jacket niya, his perfume is here that I think I'll smell like him after this. Dahil malaki nga ang jacket niya ay lagpas na iyon sa kamay ko kaya inangat ko.
"So big..."
"Uh-hmm," he hummed and held my wrist so he could fix the cuffs at makita ang kamay ko. "Ang liit mo raw kasi, angel."
"Excuse me, I am not!" I snapped, "I'm just petite you see, I'm maintaining this figure for dancing."
Tumango-tango siya, nakangiting iniyakap pang lalo ang jacket sa katawan ko at humawak sa braso ko.
"There. Malamig pa?" he asked.
"No," I looked at him adoringly, Solomon might be brute at times but he's a gentleman. Sumandal ako sa may hawakang bakal sa likod ko habang nag-aantay at pinagmasdan siya.
"Sol, can I ask you something?" I asked.
"Hmm..." he nodded, "anything."
I stared at him deeply and he looked back at me, making my heart unsteady again for countless times today. He leaned in towards me, akala ko'y hahalik siya pero ipinatong niya lang ang magkabilang braso sa gilid ng katawan ko, ikinukulong ako.
Nagkatitigan kaming muli at hindi ko na kinaya kaya suminghap na ako at tumikhim.
"Open-minded ka ba sa business?" I asked seriously.
Natigilan siya, I stifled a laugh when he was startled with my question but then laughed too after some time.
There...peace.
"Anong klaseng business ba, Miss? Ayaw ko sa networking pero kung para sa 'yo, open-minded ako." Patol pa niya kaya naiiling na ako.
"No, seriously...I was just curious what was your idea of fun?" I asked curiously.
Napaisip siya, nakita kong napatitig siya sa kawalan bago ako balikan ng tingin.
"Hmm, simple lang," he started, "'yong sinserong masaya ako kahit simple lang. Fun siguro para sa 'kin 'yong masaya ako sa trabaho sa plantation n'yo. May mga kaibigan ako, maayos si Nanay at malusog si Fritz."
"'Yon lang?" I asked, lifting my hand to remove strands of his hair falling on his forehead and fixed it.
"Tapos ano...s'yempre, masaya akong nakakapag-aral ako ngayon. Pangarap ko kasing makatapos tapos mabigyan ng magandang buhay sina Nanay at Fritz."
I was stunned, not expecting his answers. I tilted my head and seek for more but he looked contented.
"That's it?" I asked, "how about more money? More friends? Travel the world? Fame?"
"Well, there's fun in that but not my idea of it, angel." Him speaking this way like he knows it well still fascinates me. He's good.
I opened my mouth to want and ask for more but the line's moving we moved along. Kumakaway pa si Mama at Papa na nauna na sa aming nakasakay sa ferris wheel kaya kumaway-kaway ako.
"Tara, dahan-dahan..." Sol then called me and I realized it's our turn to ride one kaya kapit na kapit ako sa kanya habang naroon sa loob.
Nag-panic ako nang umandar paakyat at gumalaw ang cart namin. Napatili ako at napahawak nang mahigpit kay Sol na tawang-tawa pa at inabot din ako.
"Scared?" he asked.
"I-I'm not!" I hissed, napatingin sa kamay kong nakahawak sa braso niya at suminghap, lumalayo.
"Weh? Kapit na kapit ka, eh?" he even teased and raised his hand to show me his arms. "There, don't be scared, angel. Kapit ka lang sa biceps kong macho, para sa 'yo ang workout ko."
"I said I am not scared, okay?" I pouted and showed him a fierce look. "I'm doing just fine! I'm not scared of rides—I screamed when it moved—hell, j-just a bit but I'm fine!"
Tinatawanan niya ako, inaaya pa ring humawak na ako sa biceps niya pero ang higpit-higpit ng hawak ko sa handle sa gitna dahil mas lumalakas na ang hangin at open ang ferris wheel na ito.
From the other side of the ferris wheel, I saw my grandparents. Mama is smiling while looking around with Papa beside him, trying to look so tough but it's obvious he's still shaky and scared just so he could see Mama happy. But then Mama Lena looked at his way and smiled and there...I saw how the fear faded on his eyes.
Mas tumaas ang ferris wheel. Napahugot ako ng matalim na hininga at napasulyap kay Sol na pinagmamasdan lang ako.
"Kapit ka na kasi—"
"I said I am not scared," I insisted, "g-ganito lang talaga ako, ano...kwentuhan mo na lang ako. This ride sucks anyway, this is high and scary! Paano kapag natanggal ang turnilyo rito? Tapos nahulog itong cart? Tapos nahulog tayo sa baba tapos bali-bali ang katawan ko?! O-oh my God, my legs! Lalabas ba 'y-yong buto—"
"Ayan, kaka-horror mo 'yan!" humalakhak siya, naipikit ko pa ang mata nang pitikin niya ang noo ko.
"What?!" I frowned at him, "I was just asking! I-I watched a movie last time with my cousins and something happened. Their bones just break—"
"Kumalma ka," lumapit sa akin si Sol at inabot ang baywang ko para maidikit ako sa kanya, "h'wag mong isipin, 'di ka malalaglag. Dito ako, okay? Sige, kikwentuhan na lang kita. Anong gusto mong pag-usapan?" nilibang niya ako.
Mas tumataas, mas lumalakas ang hangin kaya mas natakot ako.
"U-uhm...uhm...about fun!" I uttered, "h-how can your idea of fun that simple? W-won't you like more? If you ask me, I want to be more than what I am now. I wanna be a famous ballerina, I wanna travel the world. I want to try and be a star. I want to make my parents proud."
"You think they're not proud of you yet?" mahinang tanong niya kaya napatitig ako.
"H-huh? of course, they are. I'm great, you see. They're proud of me but I think I still have to do more and be greater. I should improve in dancing more so they would love me more—"
"Alam mo saan nagsisimula ang saya?" he asked, "sa pagiging kontento."
Ginulat na ako noon ng mga sinasabi ni Sol pero 'di ko akalaing may mas pa roon.
"What do you mean?"
"You will never find fun and contentment if you don't appreciate what you have, Sib," panimula niya habang nakatitig sa akin. "Paano mo masasabing masaya ka sa mayro'n ka kung hindi mo binibigyang pansin iyon at naghahanap pa ng mas?"
Nasa may malapit na kami sa tuktok kaya humina na ang stereo, tanging ang sipol ng hangin at paghina namin ang pumapailanlang.
"Opinyon ko lang ito, ah? Kung iba ang sa 'yo, naiintindihan ko at nirerespeto ko 'yon pero sa tingin ko proud na proud sa 'yo ang pamilya mo. Alam mo bang walang oras na 'di ikinwento ni Ma'am o ni Sir Zeijan na proud na proud siya sa inyong mga anak niya?"
My eyes glistened, "he did?"
"Oo," tango niya, "sabi niya nga sa 'yo, ang galing-galing mong sumayaw. He's saying you got it from him na medyo naniniwala naman ako."
"Medyo?" napatawa na ako.
"Oo," he chuckled, "pero ayon nga, sa tingin ko at ayon sa nararamdaman ko'y proud sa 'yo ang pamilya mo. Pakiramdam ko'y iniisip mo lang na hindi, na hindi pa sapat, mayroon pang mas dahil pakiramdam mo ay kulang ka."
Napaisip ako roon at natigilan.
"Bukod doon? May gusto ka pa ba? May ibang naiisip at gusto ka pa kapag sinasabing fun? 'Yong pangarap mo na hindi mo sinasabi sa iba?"
"It's silly," I answered him with a smile, "matatawa ka lang."
"Try me," hamon niya kaya napatango-tango ako at napatingin sa
"I want...peace." Halos bulong na iyon. Inantay ko siyang matawa or even say my idea of fun is ridiculous and yet, he didn't.
He just stared at me, intently. Without any judgment in his eyes.
"It sounded ridiculous—"
"Sino nagsabi? Abangan ko 'yan sa kanto." Aniya kaya umawang ang labi ko.
"Sol..."
"Hindi kakatwa o pambihira ang gustuhin ang kapayapaan ng pakiramdam, Sib." He said gently and smiled at me, "every person—may be poor or rich, above all those material things. We secretly seek for peace, for solace."
Inangat niya ang kamay ko at unti-unting dinala iyon sa dibdib niya kung saan ay nararamdaman ko na ang maingay na kalabog ng kanya.
"Saan nagsisimula iyon? Sa pagiging kontento sa anong mayro'n ka. Dito." He made me feel his heartbeat, "hindi ka tuluyang magiging masaya kahit makamit mo lahat ng gusto mo kung hindi talaga iyon ang gusto ng puso mo."
I stared at his eyes directly and he did too, we exchanged indestructible glances and the cold air felt warmer as I grasped his shirt and pulled him closer to me.
Our nose touched, his minty breath fanned my nose and moments later, the sky lit with countless colors exploding in the air. In the blank color of the night, I see the colors reflecting on his eyes and he pulled me closer too.
Is this what liking someone feels? Why I am feeling giddy and nervous at the same time? What's this in my stomach crawling like a pest?
Oh, fuck. Kakakape ko ata 'to! O ano ba...
"Sol, k-kasalanan 'to ng 3-in-1 instant coffee mo," mahinang sabi ko habang nakatitig sa kanya.
"Hmm?" he hummed.
"Jojowain na kita," I announced. Kasabay ng malakas na pagsabog ng fireworks ay ang malakas ding pagkalabog ng puso nang magtagpo ang mga labi namin.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen3h.Co