Truyen3h.Co

Solace Escape

Kabanata 28

heartlessnostalgia

Kabanata 28

"P'wede na bang magpalamon na lang sa lupa?" miserable kong sigaw sa utak.

"Hmm, won't let you. Ako lang kakain sa 'yo," namimilog ang matang napaangat ako ng tingin kay Solomon.

Heck, he could even read my damn mind now?!

"No, angel, you said it out loud," he clarified like he was indeed a mind reader!

Nag-init ang pisngi ko. Nang mahuli ko ang unti-unting paglitaw ng pilyong ngisi sa labi niya ay umirap na ako.

"Sungit naman ni ganda,"

"Sungit naman ni ganda," I mimicked his voice and rolled my eyes again. Tumawa siya.

Mula sa pagbabalot ng lumpia sa harap ko ay unti-unti siyang lumapit sa tabi ko, dumudungaw sa ginagawa ko.

"Kung sino kakain niyang lumpia mo panigurado sulit sa palaman," komento niya sabay punta sa likod ko at tulong sa akin sa pagselyo ng pagkain.

I'm so great making a lumpia na! Twinkle will be very thrilled! Pag-uwi ko gagawan ko siya!

"S'yempre," umirap ako sa hangin. "'Di lang naman ang lumpia ang masarap, ano? Pati 'yong gumagawa."

"Proof?" he whispered.

Bumusangot na ako, humahalukipkip. Nakasimangot akong humarap sa kanya, handa na sanang magmaldita kung hindi lang ako bahagyang tumama sa kanyang panga.

My forehead creased, "lumayo ka nga!"

Pero sa halip na gawin iyon ay tinagilid niya lang ang ulo bago ako ikinulong sa pagitan ng kanyang mga braso. My breath hitched. I fought him with my glare, only to get smothered by his ghost kiss.

Bahagyang napaawang ang labi ko, nagulat at frustrated na hindi ko masyadong naramdaman ang labi niya sa bilis.

"I need proof na masarap din 'yong gumagawa," he said again, his eyes twinkling with such amusement.

"Excuse me?" tinaas ko ang chin para labanan ang pang-aasar niya. "Do you wish to say I'm not delectable? Do you have a death wish?!"

"Hmm," he bit his bottom lip, his palm slid on the small part of my waist. "If I'll have the opportunity to be killed by you, consider me a dead man now, angel."

Fuck. Is this Sol's upgraded malandi version?

Tumikhim ako, inangat ko ang kamay para itulak siya pero sa lakas ba naman niya't umaatikabong muscles may magagawa pa ba ako?

"Tss, lumayas ka na nga rito," bumusangot ako. "Kailangan nating tapusin 'tong handa para pag-uwi ni Fritzy mamaya—"

"Her flight's delayed," he sighed. Napakurap-kurap ako.

"What?"

"Flight's delayed," ulit niya. "Kausap ko kaninang umaga si Ester, 'yong bantay ni Fritzy at baka bukas pa raw ng umaga ang dating."

"Oh..." my lips protruded, napawi ang excitement. "How about our lumpia?"

"It's alright," aniya. "We could continue preparing para hindi na hassle bukas. Nagpresinta sina Aling Letty na magluto habang sinusundo natin sa airport 'yong anak natin."

My heart pounded.

Anak natin...

Nagpigil ako ng ngiti.

H'wag kang kikiligin... bruha ka, Sibyl! H'wag kang kikiligin!

"She would still eat your special lumpia," hindi inaalis ang tingin niya sa mga mata ko habang sinasabi 'yon. "Panigurado masarap 'yan, purgang-purga ba naman ng laman."

"Akala ko ba 'di masarap?" tinaasan ko na ng kilay.

"I only said that as for a personal preference, angel. Not that it wasn't delicious, I just want proof how amazing it would taste like. This customer demands another round of..." his lips trailed on my cheek down my jaw, stopping midway to my lips, "taste testing."

Umawang ang labi ko, humuhugot ng hininga sa lapit naming dalawa.

"Solomon..."

"Yes?" my head seemed to have a life on its own, tilting even without command just to feel his warm lips touching my skin.

"I..." naghabol ako ng hininga, mas ipinapakita sa kanya ang leeg na walang pagdadalawang-isip niyang pinapaulanan ng halik pababa sa collar bone.

"You're what, angel?" he squeezed the small part of my waist, earning a loud groan from my lips.

"Sibakin mo 'ko," matapang kong sabi hanggang sa magkatitigan na kami.

His lip twitched again, "thought we're in the process of courtship, Sib? No kisses, remember?"

"Another one?" I offered, "'di ba, gusto mo ng taste testing? How about my delicacy?"

"I just got my own taste testing last night, angel," humalik siya sa noo ko, "sulit na sulit na. Best delicacy ever 'yang bibingka mo."

I hissed, annoyed. Mas tumawa siya sa akin.

"I'll be serious now, angel," he wiggled his brows. "I'd love to kiss, lick and fuck your pretty brains off of your sanity pero ayaw ko namang isipin mong katawan mo lang ang habol ko sa 'yo. I love you, and that, I will prove you."

I snorted.

Nakakakilig pero ang vagina ko hindi happy.

"Seryosong-seryoso ka talaga d'yan, ah? Sige, panindigan mo 'yan." Sikmat ko, "'di kita sasagutin kaagad!"

"Said the lady who said yes to me in twenty minutes—" sinapok ko na ang braso. Mas napangisi siya, hindi ako pinapakawalan sa bisig niya, mas ikinukulong at iniipit ako sa katawan niya.

"That's not the point, Solomon," reklamo ko. "Galingan mo 'yang panliligaw mo, ah? Choosy ako sa boys! Swerte mo nga napansin ka pa ng crush mo. Alam kong patay na patay ka sa 'kin kaya maglaway ka ngayon! Hmp! Akala mo rurupok ako sa 'yo, ah? Simula ngayon, papanindigan ko na ang prinsipyo ng mga anak ni Zeijan Ruais. Dalagang Filipina."

"Ah..." tumango siya, "ngayon lang ako nakakita ng dalagang Filipina pero gusto magpasibak."

I screamed. He burst out laughing.

Kung hindi lang pumasok si Liza ay baka nag-wrestling na kami ni Solomon sa kusina dahil sa kalokohan niya.

"Nagbalikan na kayo?" ani Liza.

"Hindi!" I answered with determination, not even looking at Sol's piercing and amused gaze.

"Oh?" suminghap siya, "ano ba 'yan? Akala ko ba okay na? Ano na, Admin S?! Napakahina mo naman!"

"I'm courting her, Liza," sagot ni Sol habang abala sa pagbabad ng marinated na karne.

"I'm courting her," I mimicked again and rolled my eyes, "pasabi naman sa nasa harapan natin, Liza, na hindi ko siya sasagutin."

"Oh..." Liza whistled, "paano ba 'yan, boss Sol? 'Di ka raw sasagutin!"

"I like challenges, angel," he answered. "I'll pursue you until you have no other choice but to say yes."

"Pasabi kamo, Liza, feeling siya."

"Feeling ka raw, boss," tawa ng huli.

"Alright, feeling na kung feeling pero pakiramdam ko talaga mapapa-oo siya sa kagwapuhan ko."

The audacity?! Nag-angat ako ng tingin. Halos ihambalos ko na ang sarili sa pagmumukha niya kung 'di ko lang naalala na 'di ko pala siya kakausapin dapat.

"Liza, tell this brute here na in his dreams!" tumaas ang kilay ko, "puputi muna ang uwak bago ko siya sasagutin."

"In his dreams daw, boss," she started, "puputi daw ang uwak bago ka niya sasagutin—teka nga, mukha ba 'kong speaker n'yo? Saan sweldo ko?" sabay baling sa akin ni Liza.

Nakagat ko ang labi at nag-init ang pisngi, napatawa na nang mukha na siyang naiiyak habang matalim ang tingin sa akin.

"Si Nash na sisweldo sa 'yo pero pasabi sa angel ko na 'di ko siya titigilan hanggang sa 'di niya ako sasagutin. Liligawan ko kamo siya kahit muntik na niya akong sagutin kagabi kahit twenty minutes pa lang akong nanliligaw."

Liza gapped dramatically and covered her mouth, looking at me like I'm a piece of shaky tree branch.

Is she thinking na marupok ako?! No. Way!

"Liza!" suminghap ako at umiling, "'di 'yan totoo! Pasabi sa kanya, nananaginip siya ng gising. Siya nga 'tong patay na patay sa akin!"

Liza sighed, "boss, 'di raw toto—anak ng bangus! Bakit 'di na lang kasi kayo magbalikan? Tapos maglaplapan pa kayo wala na akong paki," tinulak niya ang balikat ko, "nakakaloka kayo, ah! Sabunutan ko kaya kayo?"

"Oo nga, binabawi ko na pala, angel," epal pa ni Solomon sabay lapit sa akin. "Bakit 'di na lang tayo magbalikan—"

"No," umirap ako, "you said it yourself, manliligaw ka. Meaning, walang landian! Walang laplapan! Gusto mo 'yan, 'di ba?"

His lips pursed. I knew he's up for the challenge and me? Hindi ako pinalaki ni Daddy pogi para sumuko. I was born a fighter.

Ready ka sa challenge, ah? Then, I'll play well with you, Sol. Until it was you who'll beg this pretty face my yes.

Huh! Mga anak ni Zeijan, hindi marupok! Mga anak ni Zeijan competitive!

I was sad because my reunion with Fritzy was delayed but it gave us ample amount to prepare more.

Naging abala kami sa paghahanda ng mga home-made handa sa welcome home celebration ng aming Fritzy nang tinawag ako ni Sol at Liza mula sa labas.

Iniwan ko saglit ang pagtulong kina Aling Letty, nag-ponytail ng buhok at nire-ready na ang salubong kong irap kay Solomon sana nang makita ko kung sinong dala nila.

A large yet very, very familiar and adorable pig came into view at sa braso ni Sol at Liza ay ang tatlong biik.

"Surprise?" Sol grinned.

"O-Oh, God," my eyes stung. "Pookie ko!" I screamed at the top of my lungs, jumping as I ran towards the pig and gave it a hug.

"Ano raw? Puki niya?" dinig kong tanong ng mga matatanda sa gilid pero wala na akong pakialam, naiiyak pa habang tinititigan ang napakalinis na baboy. Mukhang kilala pa ako.

"Hala, bastos..." some old lady whispered but we heard it.

"Ganyan talaga ang mga bagong henerasyon ngayon, kaswal na lang magsabi ng puki."

"Pookie po, Nanay," natatawang nagsalita si Liza habang abala ako sa paghawak sa mukha ni Pookie para tignan kung may galos ba siya o ano. "P-O-O-K-I-E. Pangalan po ng baboy, hindi po pangalan ng kipay."

Napabughalit si Solomon. Naipikit ko ang mata sa kahihiyan sa bibig ng kaibigan, parang gusto na lang siyang busalan.

"Ay! Gano'n ba?!" aniya, "naku, pasensya na. Bakit naman kasi ganyan ang pangalan ng baboy, Solomon! Bastos!"

"'Di naman, 'Nay," tumawa ang huli, "Pakilala ko sa inyo 'tong mga biik. Ito si Pookie Mon, Pookie Chu at Liem Pooh."

Mula sa pagyakap kay Pookie ay inangat ko ang tingin sa mga biik na nakanganga habang nakatingin sa matatanda.

"Ay, bakit gano'n ang pangalan?! Jusmiyo, sino gumawa?"

The two pouted, pointing me with their lips. Sabay na tumingin sa akin ang dalawang matanda kaya inosente akong kumurap-kurap at maliit na ngumiti.

"It's cute... right?" I chuckled awkwardly.

Nakaupo ako sa lapag sa front porch ng bahay nila Sol habang kakwentuhan niya ang mga dumadaang nangangampanya para sa eleksyon, pasulyap-sulyap sa akin.

Ngumiwi ako kunwari, pinaglalaruan ang mga biik na magaganda ang kulay, malinis pa at mabango. Sa hita ko ay nakahiga si Pookie na napansin kong may suot na collar na pink.

I realized it was the same collar I gave years ago, mas lumaki nga lang. Did Sol have it resized?

"Single ka pa ba, Solomon?" the old mayor, Nash's father, asked him. Mula sa paghaplos ko sa ulo ni Liem Pooh ay pasimple akong sumilip.

"Of course, he is," biglang sinabi no'ng konsehala na mestiza. Tumaas ang kilay ko.

He's not!

Kung p'wede lang tusukin si Solomon ng matalim kong titig ay baka butas-butas na 'yan.

"Wala naman akong nakikitang kasama niya no'ng umuwi galing Australia kaya paniguradong wala," she said again.

"Oh, that's good," the former mayor chuckled. "Kakauwi lang kasi ng anak ko, 'yong kaibigan mo, si Emma? Galing Amerika, baka kamo gusto mo siya. Balita ko'y maganda ang pagkakaibigan n'yo noon pa man. Nash's fetching him on the airport right now. Tell me if you'd want to set up a date with her. I will give you my blessing."

Ano? Ano? Ano?!

Hindi ba magsasalita itong gunggong na Solomon na 'to?!

"Sorry, mayor." He chuckled. "Emma's a beautiful woman but I've been courting someone."

Oh... good boy.

I smirked with pride.

"Ligaw pa lang naman," tawa ng chairman nila, "sigurado ka bang sasagutin ka? Naku, sa panahon ngayon dapat may back-up!"

Tumitig ako sa daliri ko, pini-flex ang bold red nails ko. Itong mahabang kukong 'to? Ito ang kakalmot sa pagmumukha mo, Solomon.

"Ay, hindi po, chairman," he chuckled. "Bakit ko kakailanganin ng back-up kung sigurado na ako rito?"

"Oh, gano'n naman pala! Edi mabuti! Sigurado kang sasagutin!"

"No," he shook his head, "hindi ko problema kung kailan o kung sakaling sasagutin niya 'ko. Sigurado lang akong siya lang, walang iba."

Napairap ako sa hangin, nag-iinit ang pisngi.

Tang ina mo, Alejo!

Kinagat ko ang labi sabay mahinhing lagay ng tikwas na buhok sa likod ng tainga.

Pasimple akong nag-angat ng tingin at nahuling nakatingin sa pwesto ko si Sol.

"Atsaka kapag nanligaw ka, dapat sigurado ka sa nararamdaman mo. Bakit mo pa aaksayahin ang oras ng babae kung sa huli'y 'di mo seseryosohin, hindi ba?" sumulyap siya sa mga lalaking nanahimik. "Matagal ko na rin gusto 'yong nililigawan ko kaya alam kong sigurado na 'ko rito."

He caught my gaze again.

He winked. I rolled my eyes then looked away.

Enebe keshe... parang tanga...

Tara, pakasal?

I continued playing with the piglets and fed them foods after fixing their new home in Sol's yard. Malinis iyon at mukhang maliit na bahay. Nagpaplano na ako kaagad sa outfits ng mga alaga ko na papagawa ko kay Ate Crest habang nagsusukat ako gamit ang tape measure sa maliliit na biik nang lumapit sa akin si Liza at may ipinakitang article.

Talent scout and Director Rendle Manalo found missing.

My lips pursed, saktong lumabas din si Solomon sa bahay habang nasa tainga ang phone at nang magkatingin ay alam na kaagad ang nangyari.

My family...

I smirked proudly.

You messed up with one Sandejas? You'll got a whole clan of Sandejas coming after you.

Dahil nandito ang mayor at ang ilang mga pulitiko ay nagpaluto na rin si Sol ng marami, iba pa para sa welcome party ni Fritzy. Tumulong ako sa pag-asikaso sa kanila nang mapansin ako ng mayor.

"Oh, pamilyar ka, hija!" mula sa pag-nguya ng fruit salad ay naibaba ko ang kutsara.

"Oh! Hala ka! Si Sibyl! Apo ni Ejercito! 'Yong artista!" bati nila sa akin at ang pagtatago ko sa sarili para 'di pansinin ay nawala na.

They talked to me about my recent projects, literally mobbed me with photos and questions but it felt genuinely amazing.

They even asked why I was here, lalo na at wala ang Mama Lena at Papa Jer sa mansyon. I was afraid if they found out, they'll tell my father and the Zeijan Sandejas will be ballistic again kaya nakahanap ng lusot.

Sinabi ko na lang na nagbabakasyon saglit at kaibigan naman sina Sol at Liza kaya pinakawalan nila iyon. That's good, right?

I don't want to keep my relationship with Sol a secret. Of course, I wanted to broadcast it to the world and mostly to my family pero hindi pa ngayon dahil manliligaw pa lang siya.

Oo, nagtikiman na kami ng delicacy kagabi pero manliligaw pa lang siya. Dapat Dalagang Filipina! Sabay kaming aamin kay Daddy, mag-o-orasyon na lang na sana'y 'di niya dala ang baril niya at bata pa ako para mabyuda kaagad.

When Sol and Liza came back from fixing the foods we made for Fritzy's celebration, that's when my secret took a toll on me.

Dumiretso kina Sol sina Nash, kasama si Emma na kulay blonde na ang buhok at mga kaibigan niya. She was shocked upon seeing me but decided to formally smile and nod her head after seeing Sol behind me.

Hindi naman ako palaaway. Wala rin naman siyang masamang ginagawa kaya tinanguan ko rin at maliit na ngumiti.

"Nice seeing you again," I greeted.

"Nice seeing you, too, Sibyl," she shyly smiled again then glanced at Sol, "good evening, Sol."

"Good eve," he greeted formally sabay abot ng plato, "kuha na lang kayo ng pagkain doon sa may kusina. Pasensya na at kaunti lang ang nagawa, na-delay kasi ang flight ng anak ko kaya bukas ang marami. Daan kayo ulit."

"Ayos lang!" she blurted, "pasensya na at dito kami dumiretso. Si Nash kasi, patay na patay kay Elizabeth kaya dito kami dumiretso. I..." her eyes wandered until she saw mine, "I hope you don't mind."

"Not at all," I nodded my head, not feeling any air I find inappropriate and uncomfortable. "Enjoy eating."

She wasn't a threat the whole evening but someone was. Her friend.

Nakapaikot kami sa isang lamesa habang nag-iinuman. Sa kabila ay ang mga matatanda kasama ang mayor at kami ang magkakasama. Magkatabi kami ni Sol, sa kabila ko ay ang kaibigan ni Emma na lalaki habang katabi naman ni Sol 'yong babaeng kaibigan.

'Di nakaligtas sa HD kong paningin ang manghang kanina pa nakaantabay sa mata no'ng kaibigan ni Emma. She was eyeing my suitor like he's a catch.

Well, honestly, he is. But he's mine.

"Sibyl, right?" nawala ang atensyon ko sa babaeng kinakausap si Sol at napasulyap sa kaibigang lalaki ni Emma.

"Yes?"

"I'm Jeth," pakilala niya sabay lahad ng kamay.

"Hi, Jeth," I accepted his hand.

"Pasensya na, I was just trying to remember where I met you kasi pamilyar ka talaga. Then, I remembered, you're a ballerina?"

Tumaas ang kilay ko sabay tango.

"Then, I'm right!" he chuckled, "I'm a danseur! I'm sure we've danced before in a recital."

I tried remembering him but I'm not good with faces kaya umiling ako at natawa, "I'm so sorry, Jeth, 'di ko kasi talaga maalala but it was nice seeing you! Sorry, I'm not good with faces but would you be kind to remind me about the recital? Baka maalala ko?"

When he began discussing the event, I remembered it. Nakangiti ako habang nagkikwentuhan kami, natutuwa at may nakaalala sa akin mula sa ballet kahit 'di na ako sumasayaw ngayon.

Tinawag ng mayor saglit sina Emma kaya naiwan kami.

Naramdaman ko ang palad na humaplos sa hita ko. I became distracted from talking to him and watched Sol's palm territorially claiming my leg.

Tumaas ang kilay ko. I felt him leaning more closer to me and whispered, "who was it?"

"Kakilala lang," bulong kong pasimple para 'di mahalata ng mga kasama.

"Hmm..." he hummed. My breath hitched when his lips swiped gently against my ear and whispered, "akin ka lang."

So possessive.

"Walang sa 'yo," asar ko pabalik kaya nagkatitigan kaming dalawa.

Our gazes fought. He was a bit pissed and I'm mocking. I angled my face and grinned back at him, his gaze got stuck on my lips, his face darkening.

"Gusto mo halikan?" bulong ko sabay paraan ng ilong sa kanya. "Susuko ka na ba, Mr. Alejo?"

"No, Miss Sandejas," he whispered back. "I'm still courting. No kissing."

Tumikhim si Nash, "'yong totoo, kayo na ba ulit—"

"Hindi!" sabay naming sagot ni Sol at iwas sa isa't-isa, nag-iinit ang pisngi.

"Hindi pa nga raw kasi," bored na sumipol si Liza, "indenial at may challenge silang dalawa sino ang unang susuko pero h'wag kang magulat kapag nakita mo 'yang naglalaplapan sa gilid—"

"'Di ako marupok," sabay naming sabat ni Sol.

"Oh, okay?" ngumisi si Liza sabay taas ng kamay niya sabay taas ng kamay. "We will know." Sabay lapit niya kay Nash at bulungan.

Nagtawanan silang dalawa, palihim na nagbubulungan sabay sulyap sa aming dalawa na tahimik na dahil bumalik na ang mga kaibigan ni Emma sa table.

Emma and Nash high-fived.

Problema ng dalawang 'to?

Sa kakapansin ko ata sa dalawang mag-jowa sa harapan ko at kakausap kay Jeth ay 'di ko napansing kausap na muli ni Sol iyong Janette.

"Oh, you already have a kid?" her friend asked.

"Yes, Miss," tumango si Sol. "She's on the way home tomorrow."

"Oh... a single Dad, perhaps?" she asked, "I find you handsome, Solomon. I assume you don't have someone? I'm willing to be a mother!"

Kumunot ang noo ko. Nakita ko ang pagtawag ni Emma sa kaibigan pero lasing na ang huli.

Muli akong uminom ng alak, dinadama ang tapang nitong gumuhit sa lalamunan.

"What? I was just offering. I'm single and he is, too! I would not mind being an instant mother! Lalo na at gwapo pa itong si Sol. He could be a daddy material—"

Maingay kong ibinaba ang baso ng alak na nagpatahimik sa kanila.

"Oh, sorry. It slipped," malamig kong sabi sabay pasada ng tingin kay Sol na kumislap lang ang mata sa halip na matakot nang makita ang talim ng akin.

"Jealous?" he mouthed.

"In your dreams," pasimple kong bulong sabay sulyap kay Jeth at ngisi. "So... tell me how long have you been into ballet."

I tried to get lost with another bunch of conversation with Jeth but my mind went back and forth from him, to Sol and Janette talking, to the sneaky Liza and Nash in front and Sol's palm caressing my leg back and forth.

Napasinghap ako nang umangat iyon nang bahagya.

"You okay?" Jeth asked.

"Y-Yeah," napaayos ako ng upo at napahigpit ang hawak sa baso ng alak nang maramdaman ang daliri niyang paakyat na sa singit ko.

Hinarap ko siya kaagad, masama ang tingin.

"Ayos ka lang, señorita?" he asked amusingly.

Fuck you, Sol!

Mula sa ilalim ng lamesa ay pasimple kong dinakma ang pants niya. He shifted uncomfortably on his seat and while he's teasing me, I caressed him against his jeans. My finger traced his length against in gently, seducing.

"Ayos ka lang, Sol?" tanong no'ng Janette. Nang sumulyap sa akin si Sol ay pinisil ko siya sabay ngiting mahinhin.

"Ayos ka lang, Mr. Alejo?" maamong tanong ko.

"Yes," he cleared his throat and let go of my leg.

Is this ceasefire?

I gave him a meaningful look, he just gazed at me darkly.

"Okay," binasa ko ang labi, nangingising kumuha ng lumpia at sawsaw sa mayonnaise para kainin.

I conversed with Liza and Nash, too, still hearing how Janette flirted with Sol kahit anong pigil ni Emma at sulyap sa akin.

Muli akong uminom ng alak, inisang tungga ang tira. Nilingon ako ni Sol at akmang pipigilan pero tinaasan ko ng kilay.

"Come on, Sol?" Janette called.

Bumuntonghininga si Sol, nawawalan na ng pasensya pero pormal pa rin.

"Sorry, Miss Janette," Sol shook his head, "Not interested. I'm already pursuing someone."

"Oh... that's too bad," she whimpered, "but your child needs a mother."

"She already had one," he answered.

Oh, come on, can't this woman get a hint? Why would you even force yourself to a man blatantly saying he's not interested?

Naramdaman ko ang naiwang mayonnaise sa gilid ng labi ko.

"Oh, I know, pero 'yong nililigawan mo ba tanggap ang anak mo—"

"Namin," I corrected, glancing at her. "In case you're wondering, yes, I'm fine with Fritzy. Who wouldn't love such an amazing and talented kid?"

Natahimik siya, namilog ang mata sa akin. Napaubo si Liza. Napapikit si Emma.

"Y-You—"

I felt a finger on the side of my lips, wiping something off it. I watched Sol bring his finger with the mayonnaise on his lips and licked it off his finger.

My heart raced with how fucking hot that looked. How that finger got inside me last night and licked my juices off it while locking gazes with me.

Fuck, I'm horny again.

"Ikaw 'yong nililigawan—" muling siniko ni Emma ang kaibigan na gulat na gulat pa rin. I didn't care much around me as I locked gazes with Sol, both our eyes fiery from desire.

"Thanks, baby," sa halip ay sinabi ko na, humalik sa kanyang pisngi at sandal sa balikat.

Like it was only the both of us around, he brought his arm on the small of my waist and pulled me closer to him.

"You tired, angel?" he whispered.

"Uh-hmm..." ipinikit ko ang mata, mas idinadantay ang ulo sa kanyang balikat.

"Then," he kissed my temple. "We should rest."

Umayos ako ng upon ang marinig ang tawanan nina mayor. When I opened my eyes, we saw them walking towards us.

"Sol, hijo! Pasensya na at anong oras na. Mauuna na kami at susunduin mo pa si Fritzy bukas!" he started.

"Ayos lang, mayor," nagsitayuan kami. Liza gave me a teasing look, then watched Sol.

Ngumuso ako.

"Daan po pala kayo ulit dito bukas," ani Sol, "Mas maraming handa para kay Fritzy, magkakatay sina Tay Lito ng kambing."

"Sige, maganda iyan!" he chuckled, "pagkatapos ng kasalang bayan sa may court bukas, diretso kami sa sunod na handaan! Daan din kayo doon kasama si Fritzy at may ibibigay ang asawa kong cake."

We thanked them as we bid goodbye. I said bye to Jeth shyly then glanced at Janette who blushed and gasped.

"Sorry, Miss," she apologized.

"It's alright," I answered then smiled.

I was only trying to look friendly even with my twitching eyebrows pero nakahulma na ata talaga siguro ang kamalditahan ng mukhang 'to dahil natatakot siyang sumama kina Emma paalis, halos tumakbo pa.

"Mukha ba akong bitch?" tanong ko kay Sol pagkasarado ng pintuan ng bahay pero sa halip na sagot ang matanggap ko, ang nag-aalab na tingin niya ang nasalubong.

And hell got loose. The moment our bodies touched, the wood burned and ignited our cold bodies into heat. Like impatient, horny rabbits, he carried me by putting me on his shoulder and walked in large steps towards his room.

Napaupo ako sa kama nang ibaba niya ako. He crawled closer to me until we're face to face.

I breathed.

"No kisses," I reminded him.

"Sib..."

Pinaraan ko ang labi ko sa kanya, hindi nagdadampi pero sobrang lapit kaya muli siyang nagmura sa malalim na boses.

"Sumusuko ka na ba, baby?"

"Fuck no," he opened his eyes, "I'm gonna court you."

"Really? Final na? 'Di ka susuko? That means you couldn't kiss me, or touch me or..." I traced his nose down his jaw, moving closer to his lips. "Fuck me."

Lumunok siyang nahihirapan.

"I won't give this up. I will court you. Stop seducing me," he said grimly.

"Uh-oh, I'm not," kinagat ko ang labi ko, nang-aakit na tumitig sa kanya. "Unless you're seduced. Wala pa akong ginagawa nito, Solomon, ah? Paano kapag mayro'n pa? Baka magmakaawa ka pang sagutin na kita."

"No," prente niyang sagot. I smelled the liquor on his breath. That thing in between my legs pooled.

"Alright, kahit malaman mong sabik ako sa 'yo?" I asked.

Pissed, he closed his eyes.

"Still a no, angel," seryoso niyang sagot sabay bukas ng mata. Nahuhuli ko ang mata niyang pasilip-silip sa dibdib ko pero pinipigilan niya ang sarili.

"Oh, kahit pakitaan kita ng boobs?" inangat ko ang palad niya para ipahawak sa dibdib ko.

"No..." he breathed again.

"That's too bad," I whimpered, "too bad since I'm fucking horny. My pussy's so wet."

"Shut up, angel," umigting ang panga niya. "Hindi ko papatulan ang pang-aakit na 'yan. Liligawan kita."

"Okay," tinulak ko siya kaya napaupo siya sa gilid ng kama, nagtatakang tumingin sa akin nang ibinuka ko ang hita habang nakatingin sa kanya. "I'll just relieve myself here."

I removed my t-back with one move and watched how he stiffened upon seeing me exposed and bare in front of him.

"Holy fuck, Sandejas," his jaw clenched. "What do you think you're doing?!"

"Relieving myself?" I smiled innocently, "seems like my handsome suitor won't say yes to me so, let me do it myself. Don't worry, you can watch."

Inihagis ko sa kanya ang underwear ko. Natulala pa siya habang pakurap-kurap nang napunta sa hita niya ang underwear at bago pa siya makapagsalita ay hinila ko na paalis ang dress ko.

I am not wearing any brassiere. My hardened peaks came into view and I moved a bit towards the headboard of his large bed, spreading myself as I dipped my finger against my cunt and felt the sensation.

"Fuck..." mura niya sa pwesto niya.

I opened my eyes and saw him closer now. Nasa harapan ko na siya, bahagyang nakaupo at hawak-hawak ang underwear ko.

I dipped my finger inside me, squeezing my chest as I moaned his name.

"Shit, Solomon," I called. "You felt so warm."

While I was doing that, mas nag-aalab lang ang tingin niya. He was shirtless now that he's closer to me. Kitang-kita ko ang batak ng katawan niya at nang nagbaba ng tingin ay 'di nakaligtas sa akin ang umbok sa pagitan ng kanyang hita.

"Like what you see, pretty boy?" ngumisi ako.

"How could you be so fucking hot, huh?" binasa niya ang labi. He rubbed himself against his jeans. Mas humulma iyon.

"Then, enjoy the show," I smiled seductively, "there's a sofa right there, baby. Be comfortable and watch me. It's okay to relieve yourself, too. I won't judge."

"No..." umiling siya. "Enough now, angel."

I brought my finger to my lips and moaned as I squeezed my breast.

"I'm damn wet, baby," ungol ko. "Won't you really have a taste?"

Tumitig siya sa pagitan ng hita ko bago muling umiling matapos ang mahabang pag-iisip.

Akala ko'y iiwan niya ako rito o ano nang tumayo siya kaya 'di ko inasahan na uupo siya sa malapit na sofa at sumandal doon. He spread his arms at the back part of it, my underwear on his finger.

My forehead creased.

"I can't fuck you while I'm still courting, but it doesn't mean I can't fuck my palm while thinking of fucking you, right?"

Napalunok na lang ako. He looked so damn hot with his arms spread on the sofa's back, his biceps in full view. Dahil dim ang ilaw ay hindi siya masyadong kita sa pwesto niya. It gave him more a darker and mysterious look. As if an unknown man watching me secretly as I dipped my finger inside.

Binasa ni Sol ang labi niya at tinabingi ang ulo.

"Come on, my pretty angel, fuck your fingers. Show me."

Excitement beamed from inside my core. I shifted with a satisfied grin and spread my legs wider, making sure he could see me full.

Mas na-excite lang ako sa dilim ng ekspresyon niyang tumutugma sa dim na ilaw na tumatama roon. With his jaw still clenching, I felt like his servant wanting so bad to please her master.

Lucifer and his pretty demon.

I moaned and did what he told me to. I inserted my finger inside my core, moaning his name as I squeezed my hardened nipples.

Napapikit ako, nadadala na lalo sa sensasyon at init pero sa muling pagmulat ko ay 'di inasahan ang nakita.

Sol's jeans are already unbuttoned and while watching me fucking my fingers, he was pumping himself with my underwear wrapped around it.

Oh, fuck.

How could he be this fucking hot?

I almost convulsed but stopped myself to and removed my fingers. Saglit siyang natigilan at nagtataka akong pinanuod na lumalapit sa may paahan ng kama malapit sa sofa.

"Where are you going?" mariing sabi niya, bitin na bitin.

"Such an impatient man, baby," I grinned, sitting on the edge of the bed and spread my legs again. "I just wanted to give my handsome suitor good visuals he could take on his shower..." pinaraan ko ang daliri sa dibdib pababa roon. "Until his wet dreams."

"You know you're a fucking tease, huh, Sandejas?" binasa niya ang labi at iginalaw ang palad, "you know how to use that wit and face to advantage, hmm? You know how to fuck my sanity away?"

"Too bold to say, pretty boy," I purred as I fix my gaze with him. "I wasn't aware you're that horny."

He cursed under his breath, kicking his jeans off to be more comfortable.

"Shut that pretty mouth and show me that cunt,"

Nangingiting pinag-igihan ko ang ginagawa. Our gazes locked while my fingers are fucking me and he was on his palm, my panties wrapped around it.

"Sol..." I called, "oh, fuck, baby. What do you think it would feel if it's your cock inside instead of my fingers?"

"Shut up, Sandejas," mas umigting ang panga niya. "I'm on my edge now, don't tease me before I quit being a gentleman and fuck that taunting lips of yours."

Muntik na akong mapahiga sa kama sa sensasyon. My legs trembled, almost on the edge when I thought of something.

I withdrawn my fingers and with shaking legs, walked closer to him.

"What are you doing?" seryoso niyang tanong pero binigyan ko lang nang nang-aakit na ngiti. I sat on his lap, straddling him.

"My poor undies filled with your cum, eh?" kinuha ko ang underwear mula sa kamay niya at mas umusog.

"Sibyl..." he was horny but still trying his best to be Solomon. Gentleman. "What are you doing—"

"Shh..." I shut him up while placing my finger on his lips. Mas dumilim ang mata niya. "Open your mouth, baby. Taste me."

Solomon not need to be asked twice. He opened his lips and tasted my fingers just recently buried inside my core. He sucked on it and while he's distracted at it, I rubbed my core against his large and hardened cock.

"Tang ina," mura niya at napasandal ang ulo sa sofa.

"We can consider this as relieving each other, baby, right?" humawak ako sa balikat niya't humahaplos sa kanyang batok at dibdib.

I rubbed myself more, in the act of letting his cock fuck the slits of my wet core. Humawak siya sa baywang ko at umabante para halikan ako pero nag-iwas lang ako.

"No kisses, remember?"

"Shit," nanghihinang humalik siya sa leeg ko, "I love you fucking much, Sibyl. You know that, right?"

"Hmm..." I rubbed myself more and moaned. "And I love you, too, baby. We loved each other so much na walang susuko, ah?"

"No," he whispered. "Liligawan kita."

"Okay," I grinned and rubbed myself more.

Mas nagmura siya sa malalim na hininga. Ang isang braso niya't umikot sa baywang ko, pumipisil at pumipirmi habang inaalalayan ako sa ginagawa. I know how tempted he was to palm my breast and lick my nipples but he was stopping himself, instead, he buried his face on my neck while calling my name.

"I love you, Sibyl," he whispered, "pero tang ina, ang hirap mong mahalin."

Mas natawa ako sa kanya. He glared at me when our eyes met, I smiled mischievously with a hint of innocence.

"I'm a good angel naman, baby," I rubbed myself more against him, still not having penetration. "But this angel, with definitely bring you to heaven."

His head rolled back.

He assisted me by holding himself to rub it in between my folds, making such bare and wet humping. I rubbed my core and one last rub, I burst into million pieces, convulsing on his lap.

He did too, after a few moments. I watched with satisfaction when he spilled himself on my breast and stomach, his head falling on my shoulder.

"That was hot," I whistled.

"You are hot, you tease," natatawang umalalay siya sa akin, unti-unti akong inilapit sa kanyang katawan hanggang sa yakap-yakap na niya ako. "Mahal na mahal kita."

That intense make out is fascinating but nothing's better than those words from him.

"Mahal din kita," I whispered back and kissed his ear. "Now, you take my panties, that's yours now. I'm giving you the permission of fucking it before sleeping."

"Damn you," he whispered.

Mas tumawa ako, "oh, yes, baby. Damn me."

Lumayo siya hanggang sa magsalubong na ang mga mata namin. His expression is still mixed with lust and love.

"I'll definitely buy boxes of condoms if you say yes to me. Ready that cunt, I'm sure to make it sore you can't walk the next day," he threatened.

"Oh? Nagsisisi ka nang 'di mo pinatulan ang twenty minutes ko?" ngumisi ako. "Paano ba 'yan at tapos na ang marupok moments ko? Matagal na kitang 'di sasagutin niyan?"

Tinaas niya ang daliri para ilagay ang hibla ng buhok sa likod ng tainga ko.

"Doesn't matter," he smiled sweetly, "my angel's always worth the wait."

A smile broke into my lips and with my softening heart, I moved closer to him and hugged him so tight.

"Mahal na mahal kita, Solomon," bulong ko.

We took a bath before going to bed that night. Sumubok pa nga kong akitin si Solomon ng boobs ko pero desidido talaga ang baby ko na ligaw first, akala mo naman wala kaming ginawang acrobatics kahapon at ngayon!

He blow dried my hair before sleeping and massaged my foot, I was even shock upon seeing massage and essential oils around.

"Ang dami naman," turo ko.

"Ah," namula siya, "'di ko kasi alam kung anong pinakamagandang pang-masahe sa paa mo. Nag-research ako tapos nagtanong sa mga doktor, ito ang sinabi sa akin. M-May..." he scratched his nape, "may ginagamit ka ba rito madalas?"

I pointed the familiar one. Kinuha niya iyon bago naupo sa paahan ko at maingat iyong ikinalat sa palad niya para masahihin ang paa ko.

"How..." my heart softened. Nangilid ang mata ko. "You bought this... for me?"

Hindi siya sumagot kaagad, ngumuso na ako at hinaplos ang buhok niya.

"Masyadong patay na patay ka naman sa akin niyan, Admin S?"

He chuckled, lifting his face. His pair of black eyes twinkled with fascination.

"I told Liza to think of creative admin names but," umiling siya, "pero oo, angel, kung ito ang patay na patay para sa 'yo, baka p'wede mo na akong ilibing sa libingan ng bayani."

Malambing akong ngumiti habang pinagmamasdan siyang maingat na pumipisil sa paa ko bago sa tuhod ko kung nasaan may peklat pang makikita kapag malapitan mula sa surgery ko.

First, the coffee machines. Now, the massage oils. All for me.

Hinaplos niya ang peklat sa tuhod ko. Tumalon ang puso ko nang halikan niya ang parteng iyon bago masahihin.

"I'm talking to my uncle Roux, my surgeon," I started, sinulyapan niya ako. "About dancing. I stopped my training into trying to dance kasi to focus on photography and modelling before I entered showbiz."

Inangat niya ang tingin sa akin, nakikinig nang maigi.

"Galing akong ibang bansa nitong nakaraan and upon checking. The surgeon and my therapists gave me a go signal into trying again. Pero 'di p-pa sigurado kung kaya ko ba—"

"Kaya mo," he cut me off. "Naniniwala kami sa 'yo."

"Pero..." lumunok ako, "'di sigurado..."

"Wala namang sigurado sa buhay, angel," he smiled. "Lahat 'yan susubukan mo, lahat 'yan sugal. Kung hindi sumang-ayon sa 'yo ang tadhana, masakit pero kailangang tanggapin. Kung sasang-ayon, edi swerte. Ang mahalaga'y susubok at hindi maiiwang nakakulong sa mga tanong. Dapat, kahit 'di sigurado, uusad."

My eyes softened.

"You know your way with words, hmm?" sinuklay ko ang buhok niya ng daliri ko.

"Hindi rin, naniniwala lang ako sa kakayahan mo," ngumiti siya. "You're a brave woman, angel. Talented, witty, beautiful. You are Fritzy's role model, you opened her mind into believing she could do ballet and she did. Kapag sumuko ka o kaya kinwestyon ang kakayahan mo't mga bagay na 'di pa nangyayari, malulungkot iyon. Malulungkot kami."

"You think, I could do it?" I asked hopefully.

"Believe in yourself because we believed in you, too. No matter what the outcome will be, nandito kami para sa 'yo. Ako, si Fritzy. Kung babarilin ako ni Pareng Zeijan kapag nalaman niyang hinaharot kita, nand'yan ang buong pamilya mo."

I chuckled.

"There are people whose been throwing you hate, but always remember, mas lamang kaming nagmamahal at naniniwala sa 'yo."

It was one of my happiest. While I was with Sol, I didn't have trouble sleeping. I slept like a kid while cuddling on his chest, feeling his warmth.

Kaso nga lang, kinabukasan ay kabadong-kabado ako. Matagal ko nang 'di nakita o nakausap si Fritzy, pwera na lang sa litrato.

She doesn't even know I'm here now with his father.

"Kalma, angel," pinunasan ni Sol ang noo ko.

"Paano ako kakalma?" ngumuso ako sabay simsim sa iced coffee ko. "Kinakabahan ako, s'yempre. Ang tagal na rin no'ng huli ko siyang nakita, you think she still likes me?"

"Sinong hindi magkakagusto sa 'yo?" he asked, shooting his brow up.

"Asshole, marami!" bumusangot ako nang tumawa siya sabay hila sa akin sa mahigpit na yakap.

"Ang ganda mo talaga kahit iniirapan mo pa 'ko," he cackled and kissed me hardly on the cheek. "See how whipped I am? Fuck me."

We didn't even have the chance to have our breakfast sa sobrang excitement ko sa araw na iyon. I even curled my hair, put on a light make up and wore my white flowy dress Sol gifted me. Miski nga ang Tatay ay ayos na ayos!

Solomon's wearing a casual black long sleeves polo. His sleeves were rolled up to his elbow with his wrist watch. Simpleng slacks at itim na sapatos na leather shoes lang pero dahil si Solomon ang may suot? Ang ganda sa paningin.

I excused myself to the bathroom to fix myself. I might be sweating so bad in nervousness of seeing my little ballerina again.

I twisted my pendant then sighed loudly, walking back to the arrival area when I saw what was happening.

Oh, God. She's here.

Nakaluhod si Solomon ng bahagya sa lapag at yakap-yakap si Fritzy. There are suitcases all over, an old woman standing just beside them while watching the two reuniting.

"Kumakain ka ba ng maayos, Fritzy?" sikmat ni Sol habang sinasapo ang mukha ng anak, "parang nangayayat ka, ah?"

"You're overreacting, Papa," she answered, chuckling, but I couldn't let that accent pass. "I ate earlier and I'm sure you've prepared something for me today."

The way she said those words with a hint of Aussie accent made me grin, pinapanuod pa sila.

"Nasa Maynila na tayo, bulilit," tumawa si Sol, "dudugo na ang ilong ko sa 'yo, anak."

"Hmm..." the pretty kid grinned, "as if you aren't too fond of speaking in English, yeah?"

"Alright, palaban ka na, ah? Bilis mo pa lang lumaki, parang dati ganito ka lang?" OA na inilahad ni Sol ang kamay niya para sabihin ang height. Napairap ako.

"OA," Fritzy pouted and crossed her arms. "I'm excited for the foods, Pa, but I want some watah..."

"Watah?" ngumuso si Sol.

"Ay, water 'yon, Sol," ani no'ng matanda kaya napatawa si Sol sabay gulo sa buhok ng anak.

"'Di ko talaga kinakaya 'yang accent na 'yan, parang dudugo ang ilong ko," he even acted like blood was dripping on his nose.

"Oh, really?" Fritzy smirked. "Papa kita kaya I love you but if I found you na ni-lechon mo si Pookie and the baby piglets, I'll make your nose bleed."

Fritzy's taller now, still slender but she looked healthier. Mahaba ang buhok na naka-ponytail, nakasimpleng dress na purple at flat shoes. I couldn't see her face closer because I'm not in front of her but I could say she matured, her beauty became more vivid and ethereal.

She got his father's eyes and smile. Fritzy wholly her father's replica.

Nagkatinginan kami ni Sol. Kinagat ko ang labi at napahawak sa skirt, kinakabahan na.

"Fritz," he called, "remember when I told you I have a surprise for you?"

"Hmm?" she tilted her head and nodded, "yeah! What is it, Pa? I know it wasn't the foods, it wasn't as if it's a secret. If the surprise involves getting Pookie barbequed—oh, but I'm sure it wasn't. Sabi mo po kasi I'll be happy. What is it? Sobrang happy ba 'ko diyan?"

"I'm sure you would," Sol pursed his lips and stood. Inayos niya ang buhok ng anak at pinisil ang pisngi nito. "Ayusin muna natin 'yang buhok mo para 'di ka mukhang bruha."

"Pa!" she whined.

I stopped myself from laughing.

"It's okay, you still looked pretty," inilagay ni Sol ang buhok ng anak sa likod ng tainga nito sabay hawak sa balikat. "Close your eyes, Fritz. Turn to your back then if I tell you to open, you will."

"Grabe naman po sa intense," Fritzy chuckled but closed his eyes. "Okay! I'm ready! If it won't make me happy, you'll buy me another ballet flats."

Fritzy turned towards me with her eyes closed at doon mas naging malinaw sa akin ang kanyang mukha. My eyes swelled, longing, missing the little angel.

Nagkatinginan kami ni Sol. He gave me a reassuring smile then ruffled his daughter's hair.

"Open your eyes, kiddo," he said.

"This is so dramatic—" Fritzy froze when our eyes met. "O-Oh... Oh my gah..." she covered her mouth.

I smiled gently, "hi, Fritzy?"

"A-Ate?" she gasped loudly, glancing at her father. "P-Pa, is Ate Mama—"

"Yes, it's true," tumango si Sol at nanghina ang tuhod ko nang umiyak si Fritzy at tumakbo sa akin.

"Ate Mama ko!" she cried. Sinalubong ko siya ng yakap at napapikit nang sumubsob siya sa balikat ko habang mahigpit akong niyayakap. "A-Ate Sib..."

"I missed you, my little ballerina," I whispered. "How are you?"

"O-Oh my gosh," she gasped and moved away, her small hands grasping my hair, "A-Ate ko? A-Are you for real o-or..."

"I'm real, sweetheart," I touched her cheek then kissed her palm on my cheek. "I'm real..."

"I c-can't," mas nahulog ang luha sa mga mata niya, "A-Ate ko... Ate Mama ko..."

"I miss you," bulong ko habang umiiyak siya at yakap ako, "I was so lonely while thinking of n-not seeing you again, baby."

"I-I danced well po a-and I'm a b-ballerina na po, A-Ate ko," lumayo siya, ang namamasang mata ay nakatitig sa akin. "S-Sabi po ni Ate Mama ko, I-I should pursue my d-dreams to be a ballerina and I did. I-Is my Ate Mama p-proud of me?"

"I'd never been prouder, Fritzy," pinunasan ko ang luha niya. "Your Papa Sol and me are so proud of you. I missed you so much."

"I..." she sniffed and checked my face, "you're always pretty but you became prettier and radiant. I can't believe I'll meet you again, P-Papa and I are only seeing you on T.V. and magazines. I-I love you, Ate Mama k-ko... sana... sana baby mo pa rin si Fritzy?"

"You always are, sweety," I smiled sweetly, "and it's Mama now, darling. Does Mama Sib sounds good to you?"

"M-Mama..." her voice broke, "I-I have my Mama now..."

And when she hugged me again, we cried together.

Kung 'di lang siguro kami napigil ng bantay ni Fritzy nang sumama pa ang loko-lokong Solomon sa malakas na iyakan namin ng anak namin sa airport ay baka maisip nilang may teleseryeng shooting ngayon.

Dumaan muna kami para sa snacks habang papauwi at 'di kaming matahimik na dalawa ni Fritzy sa daldalan. We were screaming in happiness while watching her recent recital where she was the star dancer.

Tumigil lang kami sa may court malapit sa bahay nina Sol nang sinabi niyang kakausapin niya muna sila Liza para ayain pagkatapos ng kasalang bayan.

Bumaba rin kami ni Fritzy para sumama sa kanya at nang makita siya ng mga kakilala at kaibigan ay tuwang-tuwa.

"Diyos ko, Lord! Ang Fritzy kong Aussie! Pakitaan mo nga sila ng Australian Accent!" Liza exclaimed.

"Uh, hellow, mate." She grinned, "g'day."

Nagkatawanan sila, namamangha sa kanya. Nag-kumustahan ang lahat habang akbay-akbay ko si Fritzy at pinagmamasdan ang court na pulos mga plastic na upuang may dekorasyon.

It has white clothes and ribbons, sa stage ay may mga kalapati pa.

"Ilan papakasal ngayon, mayor?" ani Sol kay Nash na tumigil kakabulong kay Liza at nilingon kami.

"Nasa kinse, Sol," ani Nash. "Gusto n'yo ba tapusin? May handaan pagkatapos tapos diretso na kami sa bahay n'yo, lamon ulit."

Liza chuckled, "magdadala kaming plastic, ah?"

"Segurista ka talaga sa handaan, ano?" iling ni Sol, natatawa pa habang inilalagay ang palad niya sa baywang ko.

"Ganito pala 'yong kasalang bayan?" tanong ko kay Sol habang iniyayakap ang braso sa kanyang baywang. I glanced at Fritzy talking to Aling Letty and other elderly.

"Hmm, sabay-sabay silang ikakasal. Bale, isa lang ang program para isahan," aniya. "Alam mo na, kapag kasi maliit na baryo o probinsya, mahal ang pakasal sa mismong simbahan kaya minsan nag-gaganitong event sila. Para na rin ikasal 'yong gustong ikasal."

"Love really is expensive," I pouted, "ikaw, Sol, saan mo gusto mong ikasal tayo?" bulong ko.

He stopped but the caressed my waist, "kung saan mo gusto, doon ako. S'yempre kapag handa ka lang atsaka kita aayain. Papaalam pa tayo kay Pareng Zeijan para magpakasal—'yon ay kung maka-survive ako sa coma."

I cackled and smacked his chest. He caught my hand and kissed it.

"Nag-ipon naman na ako, h'wag kang mag-alala," hinuli niya ang tingin ko, "you want a large church, we would. Kapag kulang ang budget, magtatrabaho pa akong lalo. May mga na-invest naman din akong stocks. Saan mo ba gusto ikasal?"

If I'm the old Sibyl with her grand view of things, she would wish for a large one. An expensive and extravagant one, maraming camera dapat kasi maganda, dapat naka-broadcast sa T.V. para wedding of the year but when I met Sol, I realized there's nothing grander than the love and solace a certain person could give.

"Doesn't matter kung saan," I shrugged and fisted his collar, "what matters is who you are marrying." I kissed the side of his lips, "Sol, I have a proposal to make."

"Yes?" his eyes twinkled.

"Would you like to marry me?" I asked.

Namilog ang mata niya pero tumango at humawak sa baywang ko, "of course, angel. Pero pagkatapos mo akong sagutin—"

"Sinasagot na kita," agap ko. "Now... would you like to marry me?"

He blinked, his breathing labored.

"When? Like..."

"Right now, baby," my heart beamed in excitement. "Here in this place, this time... marry me?"

Nagliwanag ang mukha niya at pinisil ang kamay ko, sabik na sabik ang mata.

"Are you sure? Baka nabibigla ka lang—"

"I want to marry you, Sol. At this time. Now." Tumitig siya sa akin ng malalim. When he realized I'm not really backing out, he grasped my palm, pulling me closer to Nash and Liza.

"Mayor..." he started.

"Hmm?" ngumisi si Nash.

"Make your couples sixteen," Sol announced, "magpapakasal na kami."

Their mouths dropped but we couldn't care less. We couldn't think of anything else but the happiness. What matters the most are us. The wedding.

Sobrang bilis ng pangyayari na tila lumulutang kaming lahat. We're the sixteenth couple to tie the knot together with other couples for the sacred wedding.

Tuloy-tuloy kami sa kainan para sa double celebration, sa coming home celebration ni Fritzy at sa kasal naming dalawa ni Solomon.

Sol and I were hand-in-hand as we excused ourselves to the celebration to go to our mansion so I could fetch some clothes and things I left before while staying with Mama and Papa.

'Di ako nahirapang makapasok sa loob dahil nakilala ako ni Mary na tuwang-tuwa pa nang makita kami.

We got inside the empty mansion. My grandparents are touring around or staying in our ancestral in the city kaya bakante ito ngayon at nagpupunta lang ang mga tagalinis sa schedule nila sa isang linggo.

"Misis..." bumulong si Sol. Kumalabog ang puso ko sabay ngisi at hawak sa kanyang dibdib.

"Mister," ngumuso ako. "You're my husband now, hmm?"

"Yes, Mrs. Alejo," his palm fell on my leg and lifted it up until he's caging me on his arms. "Does that mean I could fuck you now, my lovely and horny wife?"

"Sure, husband," kinagat ko ang labi sabay yakap ko sa kanyang batok. "Me and this pussy are all yours."

Tatalon sana ako para magpabuhat papunta sa kwarto nang biglaang magbukas ang pintuan, kasabay ng boses na umugong.

"Pretty ghourl? Surprise! Tsaran—" I froze on the spot the moment my eyes met my father's blue ones. He stiffened.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen3h.Co