Truyen3h.Co

Tempting The Heiress (Published Under LIB)

Kabanata 10

heartlessnostalgia

Kabanata 10

"UY, Kuya, magsalita ka naman," udyok ni Zeijan kay Iñigo na kanina pa walang imik. Simula nang pumasok ang isang 'to kanina para mambitin ay masama na ang mood ni Iñigo. Tumayo ako mula sa pagkakaupo sa sofa kaya napatingin sila sa akin. I flashed a small smile at nagsalita.

"I'll get coffee," sabi ko bago mababaw na yumuko at tumalikod. Kahit ako rin naman siguro ay maiirita sa ginawa ni Zeijan. I mean, even if he did it unconsciously at hindi niya sinasadya ay nakakainis pa rin!

Naipikit ko ang mata at dumeretso sa pantry pero kaagad na humarang sa paningin ko si Dash.

"Sir Dash!" gulat kong sabi.

"Hi, Thallia!" ngiti niya bago pasadahan ang buhok gamit ang kamay. Ngumiti naman ako at tumango.

"Nasaan si Kuya?" tanong niya bago inilibot ang paningin.

Tinuro ko ang pintuan ng opisina ni Iñigo.

"Good, thanks!" aniya bago ginulo ang buhok ko at naglakad papunta sa opisina ng kapatid niya.

Ano bang meron? Bakit nagsisipuntahan dito ang dalawa? Hobby ba talaga nilang manira ng moment? The first time we almost did it, panira si Dash and now, just when the fire is already burning, Zeijan comes and kills it!

Nakasimangot na pumunta ako ng pantry at kumuha ng tatlong tasa. Hindi man ako marunong magluto ay na-master ko naman nang mabuti ang pagtitimpla ng kape.

As a secretary, of course, I should learn how to do this. As far as I remember naman ay wala akong natatanggap na reklamo kay Iñigo kaya I assume na maayos naman ito. I prepared two cups of dark coffee and a cup of tea. Hindi na p'wedeng magkape si Attorney dahil katatapos niya pa lang, it's bad for his health. Baka hindi pa 'to makatulog mamaya.

Pagkalabas ko pa ay nagkukumpulan ang mga ka-opisina ko at pinag-uusapan ang tatlong magkakapatid. Pinilit pa nila akong sila na ang maghahatid ng kape pero siyempre ay hindi ako pumayag.

Who wouldn't want to be a secretary, anyway? Lalo na at iyong tatlo ang makikita mo madalas. One Sandejas is a hundred percent enough and three is just too much. Sinong hindi maiinggit?

"Come in," I heard Dash's voice kaya kaagad kong dinala ang tray at pumasok sa loob. Their eyes were pinned on me nang makapasok ako, kaya kaagad akong ngumiti.

"Coffee?" I said at kaagad kong nakita ang pagtaas ng kilay ni Iñigo. Mula sa pagkakapatong ng kamay sa lamesa niya ay umayos siya ng upo at sumandal sa swivel niya.

"Ayon!" Dash cheered at sumilip sa dala ko habang tatawa-tawa naman si Zeijan.

"Grabe ka, Kuya Raf! Ang swerte mo naman sa secretary mo!" baling nito kay Iñigo.

Inilapag ko ang tray sa lamesa pero kita ko ang seryosong titig ni Iñigo sa akin. Nilingon ko siya at kinunutan ng noo, his lip twitched at bumaling ang tingin niya sa blouse ko kaya bumaling din ako roon at nanlaki ang mata ko ng makitang may isang butones na bukas sa may malapit sa dibdib.

Mabilis akong umayos ng tayo at tumikhim si Iñigo at pasimpleng inabot ang kamay ko pahila sa pwesto niya.

"Fuckers, look at the TV," biglang sabi niya kaya napabaling ang dalawa roon.

"Oh? Anong meron diyan?" tanong ni Dash, bago naman sumagot si Iñigo ay binalingan niya ako bago ko pa man mabutones ang blouse ko.

"Come here," he mouthed at pagkalapit ko ay kaagad siyang tumayo at hinawakan ang damit ko.

"Anong meron diyan—" nang akmang lilingon si Dash ay tumiim ang bagang ni Iñigo at halos sumigaw na.

"Just fucking look at that!" Natigilan naman si Dash sa paglingon, pero nakita ko ang pagngisi niya.

Si Iñigo naman ay binutones ang damit ko kaya natulala lang ako sa kanya. Iniangat ko ang tingin ko at nang magkasalubong ang mata namin ay naramdaman ko ang pagkibot ng puso ko. Halos ilang segundo pa kaming parang tangang nagtitigan at kung hindi ko pa narinig ang tawa ng dalawa ay hindi kami magbibitiw.

Sabay kaming napalingon sa dalawa at nakita ko ang malisyosong ngiti ni Zeijan at ang pagsayaw ng mata sa tuwa ni Dash.

"Aba, TV pala, huh," asar ni Zeijan bago humagalpak ng tawa.

"Someone's whipped!" Dash exclaimed at halos pumutok ang pisngi ko sa init nang mag-apir ang dalawa.

"Shut up!" Iñigo hissed at nagulat ako nang maramdaman ang kamay niya sa braso ko. Inilapit niya ang mukha sa tainga ko at mahinang bumulong.

"Stay outside, eat, papatayin ko pa ang dalawang 'to," mariing bulong niya at mas lalong napahagalpak ng tawa ang dalawa sa pwesto namin.

His warm breath fanned my ear. Mas lalong nag-init ang pisngi ko at narinig ko ang mahinang pagtawa ni Iñigo nang masilip ang mukha ko. I saw his amused face at hindi ako mapakali nang humaplos ang hinlalaki nito sa balat ko.

"Just get the fucking coffee and stop annoying me and my secretary," mahinang tawa ng dalawa ang narinig ko kaya pasimple akong lumayo kay Iñigo at sa hawak niya.

I saw his confused face but it later changed into something more amusing. He stared at me like there is something funny bago ngumiti at halos matanggal na ang garter ng suot ko.

"I-I will go out," sabi ko at dahan-dahang umalis pero bago ako lumabas ay lumingon ako sa kanilang tatlo. I cleared my throat before wetting my lips. Three piercing blue eyes stared back at me kaya hindi dapat manginig ang boses ko.

"Uh, the tea is for Iñigo," napanguso si Iñigo sa sinabi ko at nakita ko ang tago niyang pag-ngiti. Nagpamulsa pa siya habang nakamasid sa akin at nakatulala naman sa akin ang dalawa.

"Bakit tea?" tanong ni Dash, napasulyap naman ako kay Iñigo na mukhang nag-aantay ng sagot.

"Uminom na kasi siya ng kape kanina so, hindi na p'wede uminom. Masama," naghiyawan ang dalawa at inasar ang nakangising si Iñigo habang nakatingin sa akin. Isang tingin ang ibinigay ko sa kanya bago nagmamadaling naglakad paalis sa kahihiyan.

Hindi ko nasunod ang sinabi ni Iñigo na kumain. Pagkalabas ko pa lang ay kinuyog na ako ng mga kaibigan ko para tanungin ang nangyari. Pulos tango, tawa, at asar lang ang sinabi ko sa kanila.

"O, ano na kaya nangyari sa tatlo? Mag-iisang oras na sila nagbi-briefing sa loob, a?" tanong ni Linerol na dumayo pa talaga sa pwesto ko para maki-usyoso. Kasama niya rin si Ichee na sisilip-silip sa pintuan.

"Baka may importanteng pinag-uusapan," sagot ko naman bago sumulyap muli sa orasan ko.

"Ang tagal naman nila, gusto ko na makita si fafa Dash," ani Linerol at sumulyap na naman. Napatango naman ako at iniikot ang upuan ko paharap sa kanya. Humalukipkip ako habang nakatingin.

"Hindi pa ba kayo kakain?" Sabay silang umiling.

"Inaantay ko si Sir Zeij!" ani Ichee. Napailing naman ako at tinuro ang pintuan.

"May girlfriend na 'yang si Sir Zeijan, 'di ba?" tanong ko naman.

"Hmp! Ewan, sabi raw pero baka rumor lang. Maraming babae naman si Sir Zeij!" ismid niya.

"Maganda naman talaga ang girls niya," napatango ako at halos mapapadyak si Ichee sa sagot ko.

"E 'di h'wag! Si Fafa Das—"

Linerol cut her off. "Sa 'kin 'yon!" palatak nito.

Napanguso naman si Ichee at mukhang nag-isip. Itinaas niya ang kamay at mukhang nagbilang. "May jowa na ata si Sir Zeij tapos, inangkin na ng balahura na 'to si Sir Dash!" turo niya kay Linerol.

"So," natigilan siya at napangisi. Halos mabasa ko naman ang nasa isip niya kaya nanliit ang mata ko sa kanya. "Kung hindi na available ang dalawa kay Atto—"

"Akin si Iñigo!" I screamed at her.

Natameme siya, pati na rin si Linerol ay natulala sa kung saan. Nakagat ko ang labi nang ma-realize ang sinabi ko. I can almost hear the sound of things dropping beside me. The office became unusually quiet.

Isang hagalpak na tawa lang ang narinig ko at mabilis akong napatayo at halos mangarap na akong maging bato sa oras na 'to!

Damn it! The brothers are here!

Tumatawa si Zeijan at Dash habang nakatingin sa akin habang sinisiko ang nakahalukipkip na si Iñigo Rafael sa harapan ko. Napalunok ako nang makita ang pagtitig niya sa akin. May pilyong ngiti ang labi niya at napasinghap ako nang tinagilid niya ang ulo niya habang nakatingin sa akin.

"Really, huh?" he smirked.

"I-I mean—"

Lumapit bigla si Dash at ginulo ang buhok ko. "Should I call you, Ate?"

Nag-init ang pisngi ko at nang akmang lalapit din sa akin si Zeijan ay mabilis namang nakaharang si Iñigo sa kanya.

"Get your hands off her!" Iñigo hissed at him at mabilis namang humiwalay si Dash. He raised his hand, surrendering, habang paatras.

"Okay, okay, chill lang!" ngisi niya. Nang lalapit si Iñigo sa akin ay napaatras ako at nag-ingay naman ang bulungan sa paligid.

Natigil si Iñigo sa paglalakad at tumingin sa paligid, sa mga ka-opisina kong nasa amin ang atensyon. Ang aliw sa mata niya ay biglang naglaho at napalitan ng awtoridad.

Umayos siya ng tayo at nawala ang atensyon niya sa akin. "Everybody, back to work!" mariing sabi niya at nagsinghapan at halos tumakbo na pabalik sa working station ang mga kasamahan ko.

Naiwan naman kaming apat doon at nang lingunin ko ang magkapatid sa likod at natutuwa lang silang nakatingin sa Kuya nila. Iñigo stared at me when everyone settled bago bumuntonghininga.

"Office, Thallia, later," mahinang bulong niya bago lumayo at kinausap ang dalawa.

Iñigo owns this law firm, himself, sumunod siya sa yapak ng kanyang ama na si Ejercito Sandejas na isang tanyag ding abogado noong araw pero retired na ngayon. His father's a Brazilian, pero laki itong Pilipinas. His mom, Lena Sandejas, is a supermodel noong kabataan niya rin. With half Brazilian and Filipino blood, no wonder Sandejas' brothers have this kind of charisma with girls.

Iñigo Rafael Abelló Sandejas is a well-known lawyer in the country because of his achievements when he was still studying. He graduated as a Summa Cum Laude in college, a topnotcher in the BAR exam, and also a bachelor who continued and managed their firm at a young age.

At the age of twenty-nine, Attorney Iñigo Rafael Sandejas is a monster in court. He's heartless when it comes to his work. He never lost a case before kaya mahirap siyang kalabanin.

"Ito na ang pagkain, hija," mabilis kong inabot ang tray ng pagkain sa cafeteria at pumunta sa opisina ni Iñigo. It's been a while since he got into his office pero hindi naman ako sumunod dahil nakita kong may kausap siya sa telepono noong pabalik.

He didn't even glance at me kaya hindi na rin ako tumutuloy but I can't let him starve, kanina pa ito walang kain, maaga pa naman pumasok sa opisina. Bitbit ang pagkain ay kumatok ako bago ipasok ang pagkain sa loob.

I found him holding papers and talking to someone on his phone. Nang makita ako ay binitiwan niya ang papel at itinabi pero patuloy pa rin sa pakikipag-usap sa telepono. He piled the papers so it won't scatter on his table, bago tinapik ang isang side ng lamesa. Lumapit ako roon para ilapag ang pagkain. I, then, stood there and mouthed him to eat pero bago pa man ako makaalis ay itinaas niya ang kamay kaya hindi ako natuloy.

He mouthed, wait, kaya tumigil ako.

"Okay, I'll hang up," aniya bago ibinaba ang telepono. He sighed when as he put his phone on his table.

"Kumain ka na," anyaya ko sa kanya.

"Have you eaten yet?" tumango pero gano'n na lang ang pagngiwi ko sa bigla pagre-react ng tiyan ko. My stomach growled like it hadn't been fed since day one! Bakit ngayon pa?

"Tss, Come on, join me..." suplado niyang sinabi.

"Pero nakakahiya naman, I mean, busog pa ako and that's for one person only," sagot ko naman pero tumayo lang siya at kinuha ang tray sa lamesa niya.

He moved it to the center table sa may sofa at nakatingin lang ako sa kanya habang inilalapag ito sa lamesa. I watched him as he removed his necktie and his suit bago bumaling ulit sa akin.

"Come here," lumapit naman ako at kaagad niya akong nahila paupo sa sofa. Itinaas niya ang cuffs ng long sleeves niya at iniabot sa akin ang kutsara.

"Subuan mo ako," ngiti niya. Hindi ko bigla alam ang gagawin ko. Why would he smile at me like that? How could I possibly resist him?

"At bakit? You have your both hands, Attorney," sagot ko naman. He shrugged and moved my hair to my shoulder at napatindig ako nang haplusin ng palad niya ang pisngi ko.

"Nothing, I just want you to feed me. Hindi ba p'wede?" tanong niya. His tone is pleasing me, nang-aakit din ang asul niyang mata at nanghahalinang dampian ng halik ang labi niya.

"Right, but—" bumaba ang tingin ko sa sofa pabalik sa labi niya at napaayos ako ng upo. Napatikhim ako at umiling.

"Wala pala. I—" tinigil ako ng halik niya. It was just a chaste kiss pero naramdaman ko ang init ng labi niya sa akin.

"My baby wants a kiss?" Napahigpit ang hawak ko sa kutsara dahil sa mahinang sabi niya. Isang patak ng halik ulit ang nakuha ko bago dumampi ulit ang halik niya sa gilid ng labi ko. I felt him smiling on my skin.

"You're territorial, huh?" tanong niya at hinuli ang mata ko. Kinuha niya ang kutsara sa kamay ko bago sumandok ng pagkain at iniumang sa labi ko.

"Territorial? Why?" disoriented kong sabi.

"What you've said earlier is really territorial, baby," pabulong niyang sabi. Napabuntonghininga naman ako at kinuha sa kanya ang kutsara para kumuha ng pagkain at subuan siya.

"It's just that, nag-aagawan kasi 'yong dalawa sa inyo. Sir Zeijan has a rumored girlfriend and si Sir Dash naman ay inangkin ni Linerol and when Ichee is about to own you—"

"You got mad?" tanong niya. Tumango naman ako at inabot ang juice para uminom.

"Not really, medyo nainis lang." Tumaas ang sulok ng labi niya sa sinabi ko bago tumango. Hinuli niya ang baywang ko at isinandig ako sa dibdib niya.

"You wanted to own me," he mumbled, an amused tone lingering.

My lip twitched. Hindi ko na rin alam ang sasabihin because I do... want to own him.

Kahit parang mali.

"I don't know why I'm doing this but I love the way you owned me," bumuntonghininga siya. Napatitig naman ako sa glass wall doon bago nagsalita.

"Is that a bad thing?" bulong ko naman.

"Really a bad thing, Thallia, but I love taking risks. I love manipulating bad things so much, Thallia," bulong niya at naputol lang dahil sa pag-iingay ng phone ko.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen3h.Co