Tempting The Heiress (Published Under Wattpad x LIB)
Kabanata 14
Kabanata 14
HE was standing broadly at the doorway and eyeing me coldly. Bumaba ang mga mata niya sa hawak ko kaya mabilis ko itong naibaba.
"N-nothing, I just—" Nangunot ang noo niya at halos manlamig ako ng lumapit siya sa akin at dinungaw ang hawak ko.
"Castuares, Ethan," basa niya sa envelope at mariing napamura ako sa isipan ko at nakuyom ang kamay ko. "What are you going to do with it?" Nilingon niya ako at napatikhim ako kaagad at pilit na sinalubong ang mata niya.
"I just thought he's someone I know, so I, uhm, checked if I'm right," sagot ko. I'm totally aware that I am stuttering and fucking out of focus.
Nanatili siyang nakatitig sa akin, as if he was finding something on my face. Seems like he's reading my mind kaya para mapatunayang wala 'kong ginagawang masama ay tumitig lang.
"Do you know him?" tanong niya.
"I thought, but no," sagot ko naman kaagad. He eyed me seriously again for a few moments. Nagwawala na naman ang dibdib ko sa kaba. Fuck, can he read my mind? Does he know anything about my plan?
"Is that so?" Napalunok ako at marahang tumango. I flashed a small smile at nakita ko ang pagtingin niya sa envelope na hawak ko pabalik sa mukha ko bago siya tumango at nakahinga ako nang maluwag ng ngumiti siya.
"Alright, just clean this up, nahanap mo ba 'yong file na pinapahanap ko sa 'yo?" tanong niya. Nang makita ko ang tubig na mula sa basa niyang buhok na bumagsak sa noo niya ay mabilis kong sinalo.
"Hmm," tumango ako at inabot ang tuwalya sa may upuan at ipinatong sa ulo niya.
"Fix yourself, Attorney. You'll be late, I-I'll just clean this up," sabi ko pa. Ngumuso siya at iniangat ang tuwalya para hindi matakpan ang mata niya at ngumiti.
"Okay, Miss Secretary. You fix yourself too, or I might pin you here and kiss you senselessly," ipinatong niya ang kamay sa ulo ko bago tumayo at kinuha ang suit na inihanda ko para magbihis.
Pigil ang hininga ko habang naglalakad siya paalis at nang tuluyan na siyang mawala ay kaagad akong napabuga ng hangin at napahawak sa dibdib ko.
That was fucking close, Thallia!
Mabilis kong ipinalibot ang tingin at iniayos ang mga envelope at folders. I left the file he asked me to find and also left my Dad's file. I don't know what this envelope contain but I have to take this away. Nang maayos ko na ang iba pabalik sa safe box ay dala ko na ang dalawang envelope. Nilingon ko ang pinto na pinaglabasan ni Iñigo at sinubukang silipin ang laman ng sa Dad ko.
On the first page, I saw his full name and picture. His information, such as birth date and other personal information.
Umayos ako ng upo at muling nilingon ang pinto. I am readying myself to flip the next page when I hear the door open.
"Thallia." Mabilis kong inilagay sa ilalim ng unan ni Iñigo ang files ng Dad ko at sakto naman ang dating niya.
"Yes?" tanong ko at napahinga nang maluwag. I smiled, inabot ko ang folder na pinapahanap niya at pasimpleng siniksik pa ang envelope ng Dad ko sa ilalim ng unan niya.
"Necktie," ungot niya sa akin at ipinakita ang necktie niya. Suot na rin niya ang dress shirt at slacks niya, ang coat at necktie na lang ang kulang. Napangiti ako nang wala sa sarili habang nakatingin sa kanya. Mabilis akong tumayo dala ang file na kailangan niya at mabilis kong inabot ang dala niyang necktie.
I stared at the necktie, back to his suit at saglit akong napaisip. Iñigo is standing in front of me, waiting patiently for my decision.
"Ihahanap kita ng mas bagay," I said. He smiled and nodded.
"You really know what's best, huh?" mahinang sabi niya.
"Ako pa ba?" Siniko ko siya at naiiling namang hinawakan niya ang siko ko kaya napalapit ako sa katawan niya at kaagad niyang inabot ang baywang ko at dumukwang palapit sa tainga ko.
"Okay then, find me a better one," bulong niya bago ako akayin palabas. Habang papalabas ay napatingin akong muli sa kama ni Iñigo.
Hindi niya dapat makita iyon, kailangan kong maalis kaagad ang mga papeles ni Dad sa bahay niya.
Kaagad akong namili ng necktie na babagay sa kulay ng dress shirt niya at sa coat na suot niya. Itinapat ko sa suot niya ang napili ko at nang umayon ay mabilis kong ipinakita ito sa kanya.
"How about this?"
He stared at it before nodding, lowering his head so I could reach him better.
"You smell delicious," bulong niya kaya nag-init ang pisngi ko at mahinang napalo siya.
"Sshh, male-late ka na," sita ko sa kanya. He laughed and when his breath touched my ears, I shivered.
"Iñigo," mas inilapit niya ang mukha sa leeg ko at napasinghap ako nang bigla niya akong hapitin kaya napasubsob ako sa dibdib niya.
"I'm sorry, I have to go."
"It's fine, mas importante iyon. Go, baka ma-late ka pa," I answered. He nodded at nang yakapin niya ako ay humilig pa akong lalo sa dibdib niya at niyakap ko siya.
I sighed.
I'm really sorry, Iñigo.
Nang matapos siyang mag-ayos ay inihatid ko siya sa may garahe. Nang makaalis na siya ay kumaway ako at sinundan ng tingin ang sasakyan niyang papaalis. Napabuntonghininga ako at napahawak sa dibdib ko. The feeling was unfamiliar to me, magkahalong saya at kaba. I don't know, I couldn't even explain it.
I've never felt safe and important before. I love this feeling, if only I could sleep forever to get stuck in this lovely dream but that won't happen. Kahit bali-baliktarin ko man ang mundo ay hindi ako makakawala sa misyon ko, nakasalalay rito ang buhay ng isa sa natitirang pamilya ko.
I love Iñigo; I know I do, but this love will fade away. Eventually.
If he finds out about my secret, he will despise me.
I immediately went to the second floor at iniikot ang paningin ko sa paligid. Itinaas ko ang tingin sa ceiling para tingnan kung may CCTVs at nang walang makita ay mabilis akong naglakad sa tapat ng kwarto ni Iñigo. I breathed hard before trying to open the door but was stopped in my tracks when it didn't open.
Nangunot ang noo ko at sinubukan muling buksan ang pintuan.
"Shit," I cursed. Pinihit ko muli ang pintuan at napasabunot sa buhok nang hindi ko mabuksan.
It's locked! Damn it!
Nasipa ko ang pintuan sa inis at pasalampak na naupo sa lapag matapos.
Damn! How can I get that fucking envelope when the door's locked?!
I spent a couple of moments in front of his door, thinking of the next step, before I decided to stand up. I fished my phone out of my pocket and called the person I needed to talk to.
"Mary Jane, are you at work? I need to see you," sabi ko at kaagad namang tumalima ang kaibigan ko at sinabi ang oras at lugar kung saan kami magkikita.
I quickly fixed myself and wore comfy clothes before going out of my room. Nang mapadaan ako sa kwarto ni Iñigo ay sinubukan ko ulit buksan pero sa kamalasan ay wala rin akong napala. Why is it locked? He's not like this!
𓍝𓍝𓍝
KAAGAD akong napahugot ng hininga nang makita si Mary Jane na papasok ng coffee shop, kaagad niya akong tinanong kung kumusta ang pakiramdam ko at kung bakit hindi ako pumasok na kaagad ko namang sinagot.
"So spill it out, Thallia. I know you wouldn't call me this instant if it's nothing," aniya.
"It's about me," sagot ko. "I'm confused."
"Confused about what?" tanong niya.
"About me, about my mission, everything," mahinang sabi ko.
I stared at Mary Jane na nanatili nakikinig sa akin bago ako bumaling sa pagkain ko.
"I gave it up," I said.
"Gave what up?" she asked me. I eyed her before shaking my head and took a sip from my coffee. I thought of this many times, but I will never regret giving myself to him.
Never in my wildest dreams will I regret losing it to him.
"Nothing, I'm just... I'm confused. I saw Dad's files in his vault earlier," sabi ko.
"What?" Napaayos siya ng upo. "Really? How? I mean, nasaan na?" tiningnan niya ang lamesa sa gitna namin.
"I left it in his room, kukunin ko na lang mamaya," sagot ko.
"Then good, you're almost a step away from success, Thallia. You can finally help your Dad," aniya.
Tumungo ako saglit at pinagtuunan ng pansin ang inumin ko.
"O, bakit tahimik ka? You should be happy, right?" tumigil siya. "Don't tell me..." She stopped mid-sentence.
Nang mag-angat ako ng tingin sa kanya ay nakita ko ang panlalaki ng mata niya.
"Don't tell me you like him?!" she exclaimed.
"Mary Jane!" I stopped her from shouting.
"What? Ano? 'Di ba? You like him?" she asked. Umiling ako pero isang hindi naniniwalang tingin lang ang ibinigay niya sa akin. "Thallia."
"I told you, I don't—"
"Then why are you blushing?" Natigil ako at nanlaki ang mata ko. Napahawak ako sa pisngi ko at napaayos ng upo.
"H-hindi!"
"Uh-huh!" Tinuro niya ako. "You fell, didn't you?"
"Of course not!" I exclaimed.
"I know you so well, Thallia. We've been friends for years. I can tell when you're lying," aniya kaya natahimik ako. "And based on how you react right now, you already fell deep enough. You can't even save yourself."
"How do you think I can save my Dad if I love Iñigo so much?" I asked her. Naramdaman ko ang pagtutubig ng mata ko kaya saglit akong pumikit. "I wanted to help my Dad so bad but how can I do it without hurting, Iñigo?" tanong ko.
"You're right, I tripped and I can't even stand on my own without leaning on him anymore." napahinto ako sa pagsasalita. Akala ko may sasabihin si Mary Jane pero nang hindi siya kumibo nagpatuloy ako sa pagsasalita. "He saved me from danger, Mary Jane. This is the first time I've ever felt this way. Wala nang naiwan para sa akin kundi ikaw at si Iñigo."
"Does he feel the same way, Thallia?" Mas lalong sumikip ang dibdib ko sa tanong niya. Nang nag-angat ako ng tingin ay nabakas ko ang pag-aalala sa mata niya.
"He cares for me," I whispered. Umiling ako at pilit na tumawa. I wiped my tears and stared at my friend.
Wala namang kibo si Mary Jane.
"I know he will never love me," sagot ko. "I am nothing. I have nothing to offer. I am fooling him, taking advantage of his temporary attraction for me."
"Thallia," inabot ni Jane ang kamay ko sa lamesa. "You're only doing this for your father."
"Wala bang ibang paraan? I can do it, just... just not this. I can't hurt, Iñigo," bulong ko.
"For now, this is the only way we can help your Dad," aniya. "Alam mo naman na kung sino man ang may gawa nito kay Tito, he's powerful enough to manipulate anything at hindi natin masisigurado ang kaligtasan ni Tito habang nasa kulungan pa siya."
"Hindi ako naniniwalang may nagawang gano'n si Dad," sabi ko. "I may barely talk to him but I know he's not that kind of person to steal someone's money. I want to prove his innocence, but I don't know how."
"The legal process won't assure you of his innocence, Thallia. You know how money works. It can make an innocent person guilty and a suspect, a victim. For now, that's the only thing we can do. I'm sorry," aniya at napako lang ang tingin ko sa lamesa.
One must be hurt for someone to be safe. I need to save my father, even if it will hurt Iñigo.
𓍝𓍝𓍝
"MA'AM, kanina pa kayo hinahanap ni Sir!" isa sa mga guard ay nagsalita.
Pagbalik ko ng mansyon ay wala pa rin ako sa sarili. I was not in the mood to even greet the guards, nakatingin lang ako sa daan nang deretso pero napansin ko ang tingin sa akin ng mga guard na nagtataka. Nang sabihin nilang kanina pa ako hinahanap ni Iñigo ay roon na ako nag-umpisang mag-panic na halos takbuhin ko na paakyat.
I quickly went to his office and entered the room without knocking, only to see a man in black standing and talking to him. Kaagad akong natigilan at napatigil sa paglapit sana sa kanya at kaagad namang bumaling sa akin si Iñigo.
I saw how his face hardened and his jaw tightened when he saw me at walang sabi-sabing tumayo siya at kaagad na lumapit sa akin at niyakap ako. Halos mapigil ko ang hininga nang maramdaman ko ang init ng katawan niya kaya mabilis ko rin siyang niyakap pabalik.
"Damn, you're making me fucking worried! Do you know what time it is?!" he hissed. "I've been calling, I told you to stay here and rest!"
"Iñigo," I whispered sweetly, napapangiti nang wala sa sarili.
"Tss, I won't be moved by that voice," mariing sagot niya, mas humihigpit ang yakap sa baywang ko.
"I'm sorry, namasyal lang kami ni Mary Jane kanina."
"And you didn't even bother telling me," pagmamaktol niya.
Natawa naman ako at yumakap pang lalo sa leeg niya. "I'm sorry again, baby. Sorry I missed your call."
"Calls, baby. You missed my fucking calls fifteen times," bulong niya kaya tumawa ako at lumayo sa kanya. I smiled when I saw his face. Ang seryoso niyang mata, malambot niyang pisngi at ang mapula niyang labi. He looked like a grim reaper in a black suit, ready to own my heart and my soul.
"Hindi ako madadala sa tingin na ganyan," ngumiwi siya sa akin pero humigpit naman ang yakap sa baywang ko kaya napatawa ako nang malakas. The aching feeling I felt earlier faded instantly, as if it never happened.
"Oh, PDA na naman sila!" nawala ang tingin ko kay Iñigo at napaayos ng tayo at nagulat nang makitang nakaupo sa sofa si Dash.
"Sir!" Ngumiti ako.
"Hi, Ate Thallia!" He teased at nang akmang lalayo ako kay Iñigo ay kaagad na may humigit sa braso ko kaya napatingin ako kay Iñigo na hindi maipinta ang mukha.
"Get out!" sigaw niya sa tumatawang si Dash.
"Easy lang, Kuya. I was just kidding." Sumulyap siya sa akin at kumindat kaya napangisi ako. Itinaas niya pa ang kamay para makipag-high five pero bago ko pa man matanggap ang kamay niya ay kaagad nang nahuli ni Iñigo ang kamay ko at inis na inilagay sa baywang niya.
"Easy! I won't touch your girl!" Iling niya bago lumingon sa tabi at doon ko lang naalala na may kausap pala sila rito.
"Good afternoon, Ma'am," bati ng lalaki. He was wearing a casual black suit and tie.
A bodyguard?
Tumango naman ako at narinig kong may sinabi sa lalaki si Dash kaya tiningnan ko lang sila. Nakisali rin saglit si Iñigo sa usapan kaya nagkaroon ako ng pagkakataon para sipatin ang mukha ng kausap nilang lalaki. Ngayon ko lang ito nakita, maybe one of their assistants, bodyguards, or what.
"Yes, Sir," sagot ng lalaki sa bilin ni Iñigo and that's when I saw his whole feature.
Kaagad na nangunot ang noo ko nang pagmasdan kong mabuti ang lalaking ito.
Iñigo's hand intertwined with mine pero wala roon ang atensyon ko. Napako ang tingin ko sa lalaki at kumalabog ang puso. I felt uneasy, I don't know why but I think I saw him somewhere. I don't actually remember when but his face...
"I will take a full view of it, Sir," seryosong sagot niya sa sinabi ni Dash at nang lumingon ang lalaki sa akin ay gano'n na lang ang gulat ko nang makita ang peklat sa may panga niya.
A scar that is very familiar to me.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen3h.Co