Chapter 1
Chapter 1
Guts
That night ay walang ginawa si Miro kung hindi ang uminom ng uminom. He left their house after that fight.
His Dad also threatened him, the moment he stepped out of their house that he will disown him if he continue his actions.
"Then disown me," matapang niyang sagot at isang malakas na pagtawag ang ginawa ng ama pero hindi niya na ito nilingon. Kipkip ang isang kulay itim na bag ay umalis siya ng bahay nila.
He left his home feeling both emotions, sadness because of leaving his family and happiness because finally, he's free. He's fucking free from the judgment and comparing.
Natatawang nilagok niya ang alak mula sa bote nito at sumandal sa upuan ng bar. He puffed the cigarette from his mouth and watched as the crowd's gone wild.
Ang malakas na tugtog at ang magandang naglalarong mga ilaw ay ang nagbibigay buhay sa gabi. People are making out everywhere.
He bet they don't even know each other's name!
Muli niyang binuksan ang pangatlong bote ng alak at walang pag-aalinlangang tumungga mula roon.
"Hey, pretty boy, alone?" Mula sa bote ay umangat ang tingin niya sa isang babaeng malamlam na nakatingin sa kanya.
He stared at the girl and his eyes landed on her breast. Not bad, huh?
"Uh-huh?" He smirked at isang buga ang ginawa niya mula sa sigarilyo bago iyon pinatay sa ashtray.
Namumutok ang labi ng babae dahil sa pulang lipstick nito at ang damit nito'y halos mawalan na ng tela.
Walang sabing naupo ang babae sa kandungan paharap sa kanya at ipinaraan ang daliri sa dibdib niya.
"Wanna go somewhere? I'm free..." The girl licked her lips and stared at him seductively. Natatawang inabot niya ang alak at tinignan ang babae.
"Why not here?" He said and doon naman lumaki ang ngiti ng babae. Without any hesitations ay sinimulan nitong halikan ang leeg niya at naiiling na lang syang at hinayaan ito.
He didn't even feel any slight hotness from his body. Idinikit ng babae ang dibdib nito sa kanya at hinayaan niya lang ito.
Ang kamay niya'y humahaplos sa hita ng babae at naririnig niya ang mahihinang ungol nito sa leeg niya.
"The fuck, dude?" Nawala ang tingin niya sa kawalan nang humarang roon.
His forehead creased and lifted his gaze, only to find his friend, Third, looking at him.
"Hey..." He smirked at his friend.
"What are you doing?" His friend asked him. He wiggled his brows at naramdaman niya ang halik ng babaeng hindi niya kilala na sa gilid ng panga niya.
"Having fun?" Sagot naman niya dito.
"Having fun? Miro, what exactly are you talking about? You left your house and your mom's worried about you tapos ay nagpapakasaya ka?" Mukhang galit na sabi nito.
Nawala ang ngiti ni Miro ng marinig ang sinabi ng kaibigan. His Mom's worried?
There's nothing shocking about that, palagi nanamang nag-aalala ang Ina niya sa kanya.
"She is?" Tanong niya.
"Obviously.." Sagot ng kaibigan. Napaayos siya ng tayo at lumayo sa babae na akmang hahalik na sa labi niya.
"Leave us," He coldly told the woman.
"Huh? But we're not yet done!" Nagtatakang sabi nito at akmang hahawakan ang dibdib niya pero hinawi niya ito.
"Fuck off and leave!" He hissed at her, he saw disbelief on her eyes but he cares not.
"You're unbelievable!" Nanlaki ang mata ng babae sa kanya.
Yes, he is unbelievable.
He raised his brow at padarag itong tumayo sa kandungan niya, inabot pa nito ang tissue sa lamesa at ibinato sa kanya pero kaagad syang nakaiwas kaya hindi ito tumama.
He watched as the woman stormed out and went to the dance floor kaya napailing siya.
"Asshole." He heard his friend said, he stared at him at tinungga ang alak na nasa harapan niya.
"She's worried?" Tanong niya at isang tango ang isinagot nito at kinuha ang isang bote na nasa lamesa niya rin.
He suddenly felt bad because of what his friend told him. He suddenly want to rushed out of the bar and see his mom himself but he just can't. Kung may babalikan man siya sa bahay nila ay ang ina niya lang at wala nang iba.
But he can't go back home, ayaw niyang makita ang satisfaction sa mata ng ama sa oras na bumalik siya. Ayaw niyang isipin ng Ama at mga butihing kapatid na hindi niya napanindigan ang paglayo dahil sa ina.
He was tough and hard but he always has a soft spot when it comes to his Mom.
Maybe she's comparing him to his brother pero kahit papaano ay alam niyang may pagmamahal sa kanya ang ina niya.
"Umuwi ka na..." Putol ng kaibigan sa iniisip niya.
"Then what? Give my Dad another reason to puke me out of my family? Fuck them all!" Mapait niyang sabi at handa na sanang sindihan ang panibagong stick ng sigarilyo pero tinabing ito ng kaibigan kaya nahulog.
"The fuck!" He hissed at sumimangot. "What's your problem, Third?" Kunot ang noo niyang sabi.
"Ikaw ang may problema!" Third's voice roared.
"What? Anong ginawa ko sayo? Tangina mo!" Galit din niyang sigaw at sinubukang kumuhang muli ng stick na hinawi na naman ng kaibigan.
"Umuwi ka na sa inyo, Miro! Nag-aalala ang Mommy mo, hindi ka ba naaawa?" Pilit nito.
He cursed under his breath and shook his head.
"Never." He answered him. "Fuck off, Third. Hinding-hindi ako babalik sa impyernong iyon." His jaw tightened.
"Miro! Wake up! Ano bang nangyari sayo?! It's your family for fuck's sake! Kaya mo silang tiisin?!" Hindi siya sumagot dito at inisang lagok ang kalahating natira sa alak niya.
"You don't know how to appreciate your family!" Pagak na tawa ang ibinigay niya sa kaibigan at kumuyom ang kamao niya.
"Hindi ikaw ang minaliit ng pamilya mo kaya hindi mo alam ang nararamdaman ko.." He spitted out.
"They're just protecting you, Miro! Can't you see? They love you, hinahanap ka sa akin ng Ina mo tapos wala kang pakialam? They're just protecting you!" Anito.
Protecting me, huh? If protecting means comparing and insulting, no thanks.
"Umuwi ka na, Miro. Mas makakabuti sayong kausapin sila." He shook his head again, when did his friend become this annoying?
"Miro..."
"Let them, hayaan mo sila." Mapait niyang sabi. "I don't care about them, I don't care what others will think of me. I don't care." He hardly said.
"Why shouldn't you be thankful? You're lucky you still have your whole family with you!" Sabi nito.
Third's father passed away a long time ago and he's only living with his Mom and sister but he told him recently that he's sister suffered from an accident and is now in comatose.
He felt pity for his friend pero hindi niya naipakita ang simpatya sa kaibigan dahil para sa kaniya'y parehas lang silang may problemang kinakaharap at mas mabuti nang harapin nila iyon ng sarili nila at walang dinadamay na iba.
Parehas lang silang may problema, sa ibang dahilan nga lang.
"Then sayo na, sayo na ang pamilya ko." Wala sa sariling sabi niya. Napuno na naman ng pagkapuot ang dibdib niya. He remembered the words his father threw him, the looks his brothers are giving him and the sad and disappointed looks from his Mother.
"I can't believe you're saying this!" Matigas na sabi ng kaibigan niya. "I can't believe you're my friend!"
Nakaramdam siya ng pait dahil sa sinabi ng kaibigan. Now, he's going to leave him too?
"Then let's not be friends anymore," Malamig niyang sabi sa kaibigan na mukhang nagulat sa turan niya.
"I can't also believe I can have a friend." Dagdag niya sa sinabi at tumayo bago iwan ang kaibigan, ang dating kaibigan.
That sucks, right? Na magkaroon ka ng tao sa tabi mo na akala mo'y handa kang tanggapin pero kalaunan ay tatalikuran at iiwan ka rin dahil sa ugali mo, dahil sa pagkakamali mo.
Sabagay, sino ba namang tatanggap sa isang katulad niya? Sa isang basagulero, walang puso at disappointment na katulad niya?
No one. No one will ever accept his attitude and principles.
Nagpakalulong siya sa alak noong gabing iyon. He almost sleep on the counter pero mabuti nalang ay nakaya niya ang sarili niya.
Nakalipas ang ilan pang mga araw na paulit-ulit lang ang ginagawa niya. Inom, yosi, pakikipag-away, lahat ng gusto niya ay ginawa niya.
He's enjoying his freedom! Hell, no one will judge him anymore!
Nasangkot siya sa away noong isang gabing nag-bar siya para magpakalasing na naman, lumapit sa kaniya ang tatlong lalaking nagmamayabang.
Ang hangin at kaangasang taglay ng mga ito ay nagpainis sa kanya kaya hindi siya nagdalawang isip na paunlakan ang paghahamon ng mga ito.
Katulad ng inaasahan ay walang kahirap-hirap nyang napatumba ang mga gago kahit na napuruhan din siya pero sa kamalasan nga naman ay may dumating na mga pulis kaya nauwi siya sa police station.
And the most annoying thing about this is the police knows him and called his Dad right away.
Damn this shit!
He was gritting his teeth as he was looking at his Dad talking to the police. Tang inang kamalasan nga naman!
"Okay, this is the last warning, Mr. Villaruel. The moment he's involved in this mess again we won't tolerate it again." Sabi ng pulis sa Ama niya.
Again, his father saved him again from being rot in jail but he can't feel any happiness.
"Okay, I'm sorry about him." Sabi ng ama sa pulis. Matalim ang tingin sa kanya ng Ama habang papalit at bago pa man ito makapagsalita ay tumayo na siya at tumalikod dito.
"You kid! Ano nanamang gulo ang pinas--"
"Stop scolding me, I know exactly what you're going to say." Malamig nyang turan dito at naglakad.
"Miro!" He didn't look at him and walk even faster. "Kinakausap kita! Wala ka na bang ibibigay kundi sakit ng ulo?!" His Father's enrage.
"I won't let you bother about my shits anymore, I will never get you involved with my cases anymore." Malakas na sabi niya at bago pa man makapagsalita ang nagulat na ama ay mabilis syang nakalayo dito.
Nauwi siya sa paglalakad noong gabing iyon habang wala sa sarili. Natatawa siya dahil sa huling pagkakataon ay nailigtas na naman siya ng ama sa pagkakakulong.
But nothing's changed. Hindi pa rin magbabago ang desisyon niya.
He's a disappointment, a worthless bastard who knows nothing but mess. Ano nga bang purpose ng buhay niya? To just be an embarrassment to his family?
He's fed up, he suddenly has the guts to stop this pain he's feeling. He suddenly has the guts to let his family breathe because the black sheep will be gone forever.
Parang hangin na naglalakad siya paakyat sa isang abandonadong building na may halos apat na palapag. He was even laughing like crazy.
Damn, his unworthy life will probably end. How fun is that?
Wala namang may gusto at nagmamahal sa kanya. Why not end his life?
Nang makarating sa rooftop ng nasabing building ay kaagad syang umakyat sa mataas na parte ng building kung saan kitang-kita niya ang lupa na pagbabaksakan niya.
He can imagine how it will turn out. Pangit kaya ang pagkamatay niya? Damn, imagination.
He took a deep breath and close his eyes. This is it! He will finally be free from all the bulls in life!
"Damn you, life!" Malakas nyang sigaw na dumagundong sa abandonadong lugar. "Damn you!" He shouted at humakbang pa lalo papalapit sa pagbabagsakan.
He closed his eyes tightly as possible at inihakbang ang paa niya. He even open his arms at handa na sa akmang pagtalon pero isang matinis na sigaw ang nagpawala sa intensyon niya.
"Stop!" Mataas at matinis na sigaw ng isang malamyos na tinig. That voice made him stop from his tracks.
He move to look at where the voice is coming from and shock ate him upon seeing a girl in a white dress stopping him.
"The fuck?" His eyes widen.
"No! H'wag kang tumalon!" Sigaw ng babae at tumakbo papalapit sa kanya. Hindi niya alam kung bakit pero kaagad na nagsitaasan ang balahibo niya sa paglapit nito.
"Sino ka?! Don't you dare come near me!" Sigaw ni Miro pabalik.
"H'wag kang tatalon! Hindi mo pa oras!" That made him frown. "Are you in drugs? Go! You shouldn't be here!" Nagtataka man ay hindi siya nagpasindak.
"Don't! You won't die! Hindi ka pwedeng mamatay!" Sagot ng babae sa kanya. Ang mahaba nitong kulay na itim na buhok ay sumasabay sa hangin.
Is this a ghost? Fuck!
"Go away!" He shoo-ed her despite of feeling the goosebumps.
"Hindi ako aalis dito habang hindi ka bumababa dyan! Hindi ka tatalon! Hindi ka pa p'wede mamatay!" Mas lumapit pa ito sa kanya at itinaas ang kamay na pinapatigil siya.
"Bakit? Sino ka ba?" Natawa siya sa babae. "Diyos ka ba? Masasabi mo ba kung kailan ako mamatay?" Nang hindi nakasagot ang dalaga ay napailing siya.
"You can't stop me from jumping in here! You can watch if you want but I'm warning you, woman. You don't like seeing someone going to his own grave." Matalim nyang sabi pero hindi naman gumalaw ang babae.
Nakatitig lang sa kanya ang bilugan nitong mata at ang titig na iyon ay nagpatayo ng balahibo niya.
"Hindi." Sabi nito. He shook his head nonchalantly and move his gaze away from that woman.
A woman like her shouldn't be at this kind of the place at this time of the night? But who cares? Ayos na rin iyon at kahit papaano ay nakakita siya ng isang napakagandang babae sa huling araw niya.
"Goodbye..." Malakas nyang sabi sa babae at hindi na ito sumagot. Huminga ng malalim si Miro at inaangat ang paa niya pero natigilan siya ng hindi niya maigalaw ang katawan.
He cursed at sinubukang igalaw ang braso niya pero parang nasa yelo iyon sa tigas dahil hindi niya maigalaw.
"Shit!" He cursed at sinubukang igalaw ang katawan pero hindi niya magawa.
"Damn it!" Sinubukan nyang igalaw rin ang ulo pero hindi niya magawa, tanging ang mata at ang bibig niya lang ang gumagana sa oras na iyon.
"I told you, hindi ka pa pwedeng mamatay." Malamig na boses ng babae ang pumailanlang sa ere.
"Shit! You woman! What have you done?!" Mariing sigaw niya at isang masayang tawa ang isinagot ng babae.
"Alam mo, Mirmo." Biglang sabi nito at halos atakihin siya sa puso ng biglang nasa tabi na niya ang babae at sinilip pa ang mukha niya at napamura siya.
"Hindi ka p'wede mamatay kaagad." Sabi nito habang sinisilip ang mukha niya. Nagtaka pa siya kung paano ito nagagawa ng dalaga gayong malapit na sila sa dulo.
"Mirmo..." Sabi pa nitong muli. Nangunot ang noo niya.
"It's Miro!" Asik niya. Tumawang muli ang babae.
"I know but I like Mirmo better," She answered. Her lips is lifting for a smile.
"Ano bang kailangan mo?! Why can't I move?!" Sinubukan niya ulit gumalaw pero wala pa rin.
"Kasi nga, may misyon pa akong kailangang gawin and you're an accessory to that mission." The girl smiled sweetly than before at may binulong ito sa hangin at napamura siya ng bigla syang makagalaw kaya napasalampak syang upo sa lupa.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen3h.Co